Walang pagsalang maglalagay ang mga tao ng kanilang mga kautusan upang salungatin ang mga kautusan ng Diyos. Sisikapin nilang pilitin ang mga budhi o kalo- oban ng mga iba, at sa kanilang pagsisikap na maipatupad ang mga kautusang ito ay sisiilin nila ang kanilang mga kapwa tao. Ang pakikibaka laban sa kautusan ng Diyos, na pinasimulan ni Satanas sa langit, ay magpapatuloy hang-gang sa katapusan ng panahon. Bawa’t tao ay susubukin. Ang pagtalima o di-pagtalima ay siyang suliraning pagpapasiyahan ng buong sanlibutan. Lahat ay tatawagin upang papiliin sa kautusan ng DiyOs at sa mga kautusan ng mga tao. Dito malalagay ang guhit ng pagkakahati. Magkakaroon lamang ng dalawang uri o pangkat ng mga tao. Lahat ng likas ay lubos nang malilinang; at ipaki-kilala ng lahat kung ang pinili nila ay ang panig ng pagtatapat o ang panig ng paghihimagsik.