Ang Hudyat - Tomo 14, Blg 1

Page 1


pp.

ang hudyat

Kung bakit mahalaga ang naging desisyon sa COP29 sa Pilipinas at sa Loss and Damage fund na pinamamahalaan nito.

pp. 16

TINDIG AT LABAN. Sa kabila ng banta ng demolisyon, nananatiling matibay ang mga residente ng Sitio Maysapang, tangan ang mga karatulang “Tulong ‘di demolisyon” bilang panawagan laban sa pagpapalayas at pagtanggal sa kanilang mga tahanan. Ang nakataas nilang kamao ay simbolo ng kanilang pakikibaka upang ipaglaban ang kanilang karapatan na manatili sa lupa at tirahang naging bahagi ng kanilang buhay sa loob ng tatlong dekada. Kuha ni Lexter Occena

PANININDIGAN SA KINATITIRIKAN

Komunidad ng Maysapang, naninindigan laban sa harassment, red tagging

NKaya siguro may mga problema ang lipunan natin dahil una kaya hindi nila nasasagot o nabibigyan ng solusyon yung problema dahil hindi nila nararanasan.

Paano nila mararamdaman yung pangangailangan natin sa usapin ng katiyakan sa paninirahan, hindi naman nila nararanasan.

akararanas ng harassment, pananakot, at red-tagging ang mga residente ng Maysapang, Brgy. Ususan, Taguig City matapos ang makailang beses na paggigiit sa kanilang paninirahan ng R-II builders at MGS Consortium na gumigiba sa kanilang kabahayan.

Sa bisa ng Bases Conversion and Development Act of 1992, napasama ang Maysapang sa mga pagmamay-ari ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ipinasailalim sa long-term lease ng R-II Builders at MGS Consortium matapos maisubasta ito noong 2013.

Mahigpit na tinutulan ng mga residente ng Maysapang ang kagustuhan ng R-II Builders at MGS Consortium na kunin sa kanila ang karapatan sa lupa dahil paninindigan ng mga residente, tatlong dekada na silang naninirahan dito bago pa man mapasakamay ng BCDA ang Maysapang. Sa nagdaang taon, iniinda ng mga residente ng Maysapang ang panggigipit na ginagawa ng R-II Builders at MGS Consortium sa kanila upang mapaalis lamang sila sa kanilang tinitirahan. Isinalaysay ni Girlie Delos Santos, tagapangulo ng Nagkakaisang Residente ng

Maysapang Homeowners Association (NRHMHOA) ang kanilang inindang harassment matapos manalo ng R-II Builders sa bidding process noong 2013. Matapos nitong magwagi sa bidding, agaran itong nagpadala ng mga gwardya mula sa Jericko Security Agency na siyang nanggagambala sa mga residente ng Maysapang.

“So, simula 2013, parang … lagi silang pupunta dito. Gumagamit ng iba’t ibang forms ng panghaharass para palayasin. Nanununog, nanininira, kapag umalis saglit, i-demolish [yung mga bahay],” pahayag ni Delos Santos.

Tumitinding mga bagyo, umaaapaw na baha, naglalagablab na temperatura—ito ang mga epektong nararanasan dulot ng paglala ng climate change. Ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng malawakang pinsala sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng indibidwal sa bawat sulok ng mundo.

Kaya naman, kinakailangan ang multilateral na pagkakaisa upang bigyang-diin ang mga usaping mayroong kinalaman sa pagtugon sa climate change at ang kanilang pagtutulungan sa pagbuo ng mga konkretong polisiya ay mahalagang maisaalang-alang.

Sa kabila ng mga inisyal na usapan sa pagsugpo ng climate change, nananatiling hindi sapat ang dokumentong kinalabasan ng pagpupulong na naglalagay sa panganib ng buhay at kabuhayan ng bilyon-bilyong tao lalo na ng mga mamamayan ng mga Global South na bansa sa kasalukuyan. Kasunduang pinanghihinayangan Sa naging pinal na kasunduan sa Conference of the Parties (COP29) na ginanap sa Baku, Azerbaijan, Nobyembre 11 hanggang / pp. 14

Sanaysay ng larawan

Sa payak na komunidad ng Maysapang, ang paninindigan ni Ate Jing sa payapang pamumuhay ay isang pakikibakang kanyang dadalhin sa konseho. buong istorya sa pahina

lathalain

Dibisyon
Lungsod
Pateros Pambansang
SINGILIN, PAGBAYARIN. Nagtipon ang mga militanteng grupo sa Mendiola, Enero 2024, para ipanawagan ang climate justice at pag-aatras ng utang ng Pilipinas mula sa mga mayayamang bansa. Kuha ni Kent Ivan Florino
Sherri Mae P. Fernandez
12 /

Komunidad

ng Maysapang, naninindigan mula sa pahina 1

Dagdag pa rito, hinuhuli rin ang mga residente ng Maysapang gamit ang mga gawa-gawang kaso. Katulad na lamang ng insidente noong Nobyembre 2020 kung saan hinuli ang tatlong kababaihan na rumesponde sa panununog ng kabahayan sa Maysapang,

“Nagpanggap bilang isang tenant ng isang apartment sa loob ng komunidad yung pulis na nanunog na nagresulta ng pagkatupok ng ilang mga bahay dito. May rumespondeng mga pulis at nakiusap kami na lahat ng mga nasugatan ay dalhin sa barangay. Kalaunan, nagulat na lang yung mga residente na diretso na silang ikinulong,’’ saad ni Delos Santos.

Bukod sa harassment at ilegal na pagpapakulong, hinihimok din ng R-II Builders at MGS Consortium ang mga residente na tumalima sa pag-alis sa kanilang kabahayan sa pamamagitan ng maliit na pabuya at out of city relocation.

Taong 2023, nagpaskil ng karatula ang mga gwardya ng Jericko Security Service sa kalsada ng Levi Mariano, kung saan nakasaad ang pabuya o bonus na nagkakahalagang 10,00050,000 pesos para sa mga early bird na mga residenteng papayag na gibain ang kanilang kabahayan at lumipat sa ibang lugar.

Dagdag din sa pasakit ng mga residente ang paghain ng R-II Builders at MGS Consortium ng certificate of compliance sa lokal na pamahalaan kung saan kapag napirmahan ito ay tuluyan nang paalisin ang mga residente sa Barangay Maysapang.

Sa gitna ng mga nararanasang hirap at panggigipit ng mga residente, napagdesisyunan nilang manindigan at magtatag ng samahan laban

sa demolisyon gaya ng samahan NRHMHOA. Ang NRHMHOA ang nagsisilbing sandigan ng mga residente at nagsasagawa ng mga pagkilos sa barangay laban sa mga harassment, pananakot, at sapilitang pagde-demolish.

Habang ang pangulo naman ng samahan na si Delos Santos ay tumatakbo rin ngayong eleksyon bilang konsehal sa District 1 Barangay, Ususan sa ilalim ng Koalisyong Makabayan upang isulong ang adbokasiya ng samahan tulad ng karapatan sa paninirahan, kababaihan, LGBTQIA+, trabaho, at serbisyong panlipunan.

Ayon kay Delos Santos, sinusubukan nitong pasukin ang politika dahil layunin nitong bigyan ng espasyo ang taumbayan sa aspekto ng pamumuno dahil sila ang tunay na nakararanas ng paghihirap sa mga suliranin ng lipunan.

“Ang goal kasi ng Makabayan, taumbayan naman kasi diba puro talagang mga traditional politics,

GINIGIBANG PAG-ASA. Isang residente ng Sitio Maysapang, hawak ang kanyang anak at nakaupo sa gitna ng mga gibang bahay dulot ng demolisyon—tangan ang pag-asang muling maibalik ang kanilang tahanan at karapatang manatili sa lupang kanilang tinirhan at pinagmulan. Kuha ni Mercela Joy Allosa.

bakit hindi kaya subukan naman yung simpleng mamamayan,” ani Delos Santos.” Kaya siguro may mga problema ang lipunan natin dahil una kaya hindi nila nasasagot o nabibigyan ng solusyon yung problema dahil hindi nila nararanasan. Paano nila mararamdaman yung pangangailangan natin sa usapin ng katiyakan sa paninirahan, hindi naman nila nararanasan.”

Sa kabilang banda, matagal nang nananawagan ang mga residente noong kasagsagan pa ng pamumuno ni dating Mayor Lino Cayetano na huwag pirmahan ang certificate of compliance ng R-II Builders at MGS Consortium at

ipagkaloob na ang hinihiling na titulo ng lupa na nararapat sa kanila. Makikita rin sa kalsada at mga haligi ng Barangay Ususan, Maysapang ang mga hinaing ng mga residente kay Mayor Lani Cayetano tulad ng karatulang may nakasaad na “Mayor Lani, tulong hindi demolisyon.”

Sa ngayon, patuloy ang pakikibaka at pananawagan ng mga residente kay Mayor Lani Cayetano at sa lokal na pamahalaan upang aksyunan ang mga nararanasang panggigipit sa kamay ng R-II Builders at MGS Consortium. Subalit hanggang sa ngayon, nananatiling walang tugon ang lokal na pamahalaan.

KAgosto 2013

Isinailalim ng BCDA sa isang lihim na bidding ang Sitio Maysapang. Ayon sa mga ulat, si Marietta Aclan, na nagpakilalang kinatawan ng komunidad, ay nakipagsabwatan sa BCDA. Sa kalaunan, napanalunan ng R-II Builders o MGS Consortium ang bidding.

2009 Opisyal nang nahati ang Sitio Maysapang sa dalawang bahagi—Maysapang 1 at Maysapang 2—dahil sa konstruksyon ng Levi Mariano Avenue, na nagdudugtong sa C-5 Road at Taguig City Hall.

2015 Nagsimula ang iba’t ibang anyo ng panggigipit sa mga residente. Ang R-II Builders, sa tulong ng Jericho Security, ay naglagay ng mga guwardiya upang pigilan ang pagpasok ng mga materyales sa pagsasaayos ng mga bahay. Layunin nitong mapilitang lisanin ng mga residente ang kanilang mga tirahan.

Oktubre 3, 2005

Inilabas ng Malacañang ang Executive Order No. 465, na nagbigay ng karagdagang detalye sa EO 70. Sa panahong ito, may mahigit 2,500 hanggang 3,000 residente na sa lugar, bago pa ito mahati sa dalawa dahil sa pagtatayo ng Levi Mariano Avenue.

2016 Nabuo ang NRMHOAI

Marso 24, 2004

Ipinasa ng gobyerno ng Taguig ang Resolution 107 na naglalayong gawing residential area ang Sitio Maysapang. Gayunman, hindi ito naipatupad sa ilalim ng administrasyong Cayetano.

Nobyembre 2020 Isang sunog ang naganap sa komunidad, na sinasabing sinadya ng isang pulis na nagpapanggap na nangungupahan. Ilang bahay ang natupok, at apat ang ikinulong nang walang legal na batayan.

1992

Nagpatayo ang pamahalaan ng Makati ng isang kooperatiba upang maikonekta ang kuryente sa Sitio Maysapang. Sa panahong ito, nagsimula ang pagtatalo sa pagitan ng Taguig at Makati tungkol sa pagmamay-ari ng lugar.

Itinatag ng gobyerno ng Pilipinas ang Bases Conversion Development Authority (BCDA). Makalipas ang isang dekada, noong Pebrero 11, 2002, inilabas ng Malacañang ang Executive Order No. 70, na nag-atas sa BCDA na maglaan ng bahagi ng Fort Bonifacio para sa socialized housing upang matulungan ang mga kwalipikadong residente.

Pebrero 2021 Lalo pang tumindi ang panggigipit sa mga residente sa gitna ng pandemya. Sumulat ang NRMHOAI kay dating Taguig Mayor Lino Cayetano upang iparating ang kanilang mga hinaing, ngunit hindi sila nakatanggap ng anumang tugon.

1985 Bago pa man ang EDSA Revolution, may mga residente nang naninirahan sa Sitio Maysapang, at patuloy silang nananatili rito hanggang sa kasalukuyan, na umabot na sa mahigit 38 taon.

Oktubre 2021 Nabigla ang mga residente nang subukang ipasok ng R-II Builders at MGS Consortium ang isang backhoe sa lugar. Nang hingan sila ng permit, wala silang dokumento.

Infographics

Timeline ng mga pangyayari sa Sitio Maysapang.

Sanggunian: NRHMHOA

Nagdulot sa manggagawa sa sampung centers ng Enlisted isang matinding mga Bukod nadiskubre mga upang ng mga nagpalala apektadong Ayon Administrative 10-01 ipinagpapalagay EMBO bahagi Taguig. Mula sa pagitan lalo na at operasyon health kalituhan lokal

Umaasa sa mga sa kanilang pangangailangang

Sherri
Mercela

Kalusugang mental ng estudyante, pinagtuunan ng SVNHS

Sherri Mae P. Fernandez

K akarampot na pansin lamang ang naibibigay para sa mental health mga mag-aaral ng Signal Village National School (SVNHS) dahil kakulangan ng mga psychiatrist at psychologist loob ng paaralan, ayon sa mental health advocate na Liberty Bernardo.

Patunay nito ang nakaaalarmang balita sa SVNHS noong 2023 nang matagpuang patay ang dalawang estudyanteng babae sa ikalawang palapag Magsaysay Building.

Isiniwalat ng Southern Police District na lumabas isinagawang autopsy report na walang naganap ‘foul play’ sa pagkamatay dalawang estudyante.

Partikular na kalagayan

Matapos ang pagkamatay dalawang estudyante, nagtatag ang Taguig Cares kasama ang SVNHS ng

programang ‘Helping Others find Peace and Encouragement (HOPE) Program.

Itinatag ang HOPE Program upang bigyang pansin ang mga nararanasang anxiety, depression, at suicidal tendencies ng mga magaaral sa pamamagitan ng monthly plenary workshops, at weekly small groups discussion kasama ang mga faith-based organizations.

Pinalalawig ng programa ang aktibidad na “Tara Usap Tayo,” kung saan malayang nailalabas ng mga magaaral ang kanilang saloobin at maibahagi ang kanilang karanasan.

Ayon sa head mental health advocate ng paaralan na si Bernardo, walang psychologist at psychiatrist na tututok sa mental na kalagayan ng mga mag-aaral at pawang referral lamang ang magagawa ng mga advocates at counselors sa

mga mag-aaral na nakitaan nila ng problema.

“Actually, kasi nagsisimula pa lang tayo wala talaga tayong psychologists dito, nagrerefer lang tayo,’’ pahayag ni Bernardo.

“Kaya nga ‘di ba may mga iba’t ibang organization na pumupunta dito. Open tayo as long as makatutulong sa mental health crisis na pinagdadaanan ng mga bata.’’

Dagdag pa ni Bernardo, tanging ang mga estudyante na nilalapit sa kanila ng gurong tagapayo ang kanilang natutulungan dahil kulang ang mga kumikilos na mental health advocate sa paaralan sa kabila ng kautusan ng DepEd na dapat mayroong isang mental health advocate na tututok sa bawat 500 na estudyante.

“Ang nangyayari minsan dalawa lang kami. Eh ilan yung estudyante natin diba so minsan mahirap din kasi unang-una yung mga

guidance advocate ay may mga loads … nagtuturo. So, kung ano lang yung available time namin kaya kung sino lang yung nirefer ng advisers, yun lang talaga ang mai-entertain namin,’’ ayon kay Bernardo. Binigyang-diin ni Bernardo ang hirap na dinaranas ng mga advocates dahil limitado lamang ang kanilang magagawa upang alalayan ang mga magaaral. Tinawag niyang krisis ang sitwasyon sa pangkalahatan dahil sa mga kakulangang ito.

“May mga limitations kasi kami na kailangang gawin and besides bago tayo gumawa ng actions, kailangan pa rin nating i-inform ang parents kasi hindi naman tayo pwedeng magdesisyon without the approval of the parents kasi minsan may mga magulang na ayaw nilang pakialaman kasi minsan kahit pinapatawag mo regarding sa problems ng

Pagpapasara ng mga EMBO health centers, umani ng

samu’t saring reaksyon

Nagdulot ng malaking abala libo-libong residente at manggagawa ang pagpapasara sampung barangay health centers sa mga lugar na saklaw Enlisted Men’s Barrios (EMBO), isang isyu na nag-ugat mula sa matinding hidwaan sa pagitan ng lungsod ng Taguig at Makati. Bukod sa mga isyung teritoryal, nadiskubre rin na expired na ang lisensyang kinakailangan upang magpatuloy ang operasyon mga nasabing pasilidad na nagpalala sa kalagayan ng mga apektadong residente.

Ayon sa probisyon ng Administrative Matter 2310-01 ng Korte Suprema, ipinagpapalagay na ang mga EMBO barangays ay magiging bahagi ng hurisdiksyon ng Taguig. Mula noon, tumindi ang sigalot pagitan ng dalawang lungsod, na sa usapin ng pamamahala operasyon ng mga barangay health centers, na nagdulot ng kalituhan at kaguluhan sa mga na komunidad.

Umaasa ang mga residente mga health centers para kanilang mga pangunahing pangangailangang medikal ngunit

naharap sila sa kakulangan ng akses sa mga serbisyong pangkalusugan na dati nilang umaasa.

Bagama’t apektado ang ilang barangay, pinatunayan naman ng Barangay Post Proper Southside na posible ang maayos na transisyon sa ilalim ng bagong pamamahala.

Ayon kay Kagawad Jobert Quiambao, Barangay Nutrition Action Officer (BNAO) at Chairman ng Health and Sanitation Committee, hindi naapektuhan ang kanilang barangay sa pagsasara ng health centers.

“Noong napabalita na ipapasara ng Makati ang lahat ng health center facilities sa buong EMBOs, hindi naapektuhan ang aming barangay. Bagkus, agad na nakipag-ugnayan ang ating konseho sa City Government of Taguig upang maialok ang serbisyong medikal na kanilang inihahandog,” pahayag ni Quiambao.

Dagdag pa niya, sa tulong ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at ng City Health Office, mas napabuti pa ang serbisyong pangkalusugan sa kanilang barangay.

“Kami ang kauna-unahang health center sa buong barangays ng EMBOs na tuluyang nailipat sa Taguig. Iyon naman ang ipinagpapasalamat

namin sa ating mahal na Mayora Lani Cayetano at aming Kapitan Quirino Sarono na pinili ang serbisyo at isinantabi ang politika,” ani Quiambao.

Sa kabila ng pagsasara ng ilang health centers, nananatiling aktibo ang operasyon sa Barangay Post Proper Southside Health Center.

“Hindi naman humihinto ang serbisyo namin, patuloy na sumasahod ang aming mga barangay health workers. Katuwang ng mga bagong health workers mula sa City Health Office, mas napalawig pa ang serbisyong naihahatid sa aming constituents,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, nananatili ang pangamba sa iba pang barangay na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na kasiguraduhan sa pagbubukas ng kanilang health centers. Dahil dito, nanawagan si Quiambao sa lokal na pamahalaan ng Makati upang muling buksan ang mga natitirang health facilities sa ibang barangay ng EMBOs.

“Ngayon naman sa City Government of Makati, sana maging bukas ang isip ninyo na ipabukas lahat ng natitirang health center facilities sa natitirang barangay ng EMBOs. Nakakahabag at nakakaawa ang ating mga constituents sa mga natitirang barangay,” ani

anak nila, hindi sila honest kasi yung acceptance ba na sa kung anong nararamdaman ng anak nila kaya ang hirap … ang hirap talaga,” saad ni Bernando.

Ayon pa kay Bernardo, maraming nakalaan na plano ang paaralan para sa mental health care ng mga mag-aaral ngunit kinakailangan ito ng matinding kooperasyon ng mga magulang. Kasalukuyan namang nagpaplano ang mga mental health advocates na magsagawa ng assessment survey sa mga mag-aaral upang malaman ang mga pangangailangan nito pagdating sa kalagayang mental ngunit kinakailangan pa ito ng pagpayag ng mga magulang.

Pangkalahatang katayuan

Samantala, ginawaran ng 210 million peso national budget ngayong

2024 ang mental health programs ng Department of Education (DepEd) upang makatulong sa pagsugpo ng lumulobong bilang ng mga mag-aaral na kumakaharap sa krisis ng mental health.

Ayon sa huling tala ng DepEd, gagamitin ang pondo upang mag-hire ng mga mental health personnels sa paaralan, pag-download ng pondo ng programa sa mga field offices, at pagtaas ng antas ng sahod para sa mga rehistradong psychologist at psychiatrist. Sa kasalukuyan, isinulong naman ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act kung saan palalawigin sa mga pampubliko at pampribadong paaralan ang pagkakaroon ng mga care centers upang tutukan ang mental health ng mga mag-aaral. Ang batas ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disyembre 9.

Quiambao.

Sa kasalukuyan, nananatiling normal ang operasyon ng Barangay Post Proper Southside Health Center.

“Kung ihahalintulad ko ang kalagayan ng aming health center noon at ngayon, masasabi kong mas napaganda dahil mas maraming serbisyo ang naihahatid namin ngayon,” aniya.

“Noon, initiative lamang ng barangay ang pagtatayo ng health center. Ngayon, sa ilalim ng Taguig City, mayroon na kaming stationary doctors, midwife, at dentist. Inaasahan namin na lahat ng bagong

serbisyo sa Taguig ay maihahatid din namin nang direkta sa aming constituents,” paliwanag ni Quiambao.

Patuloy ang mga pagbabago sa pamamahala ng EMBO barangays, at habang ang iba ay nakararanas ng matinding epekto, patunay ang Barangay Post Proper Southside na may pagkakataon para sa mas maayos at mas pinabuting serbisyo. Gayunpaman, habang hindi pa ganap na naiaayos ang lahat ng isyu, mananatili ang hamon sa mga lokal na opisyal upang tiyakin na walang residenteng mapag-iiwanan sa transisyong ito.

KATAS NG GATAS. Patuloy ang milk-letting program sa Barangay Post Proper Southside, Taguig City, ika-7 ng Pebrero, bilang tulong sa mga nanay na nangangailangan ng gatas. Ito ay sa kabila ng pagpapasara sa mga health center na nasa EMBO barangay. Kuha ng Post Proper Southside Health Center

Memorandum para sa mas mahigpit na seguridad, inilabas

Nagpasa ng memorandum ang Office of the School Principal ng Signal Village National High School (SVNHS) patungkol sa mga bagong patakaran at paghihigpit ng seguridad sa paaralan.

Ayon sa memorandum na inilabas noong Ika-26 ng Pebrero, ang lahat ng bisita, opisyal man o hindi, ay kinakailangang kumuha ng clearance mula sa mga awtorisadong opisyal ng paaralan upang makapasok.

Upang maisakatuparan ang mga patakarang ito, ginawa ang isang sistema ng pagsusumite ng clearance forms at daily list sa security personnel, at titiyakin ng mga security ang mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran para sa kaligtasan at kaayusan ng paaralan.

Naipasa ang memo matapos ang mga patungkol sa seguridad SVNHS katulad ng sunod-sunod na insidente ng bomb threats, suicide, at pagkawala ng magaaral.

Ipinahayag ni Ricky Angcos, Security Coordinator ng SVNHS, sa pagpupulong ng School Base Management noong ika-18 ng Disyembre na kinakailangang pagtuunan kaagad ito ng pansin upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang paaralan.

“It’s better to be preventive than reactive,” pahayag ni Ricky Angcos tungkol sa patuloy na isyu sa kaligtasan at kapayapaan ng mga mag-aaral.

Habang patuloy na nag-iinit ang isyu, lumalakas din ang panawagan para sa mabilis na aksyon upang maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng paaralan.

It’s better to be preventive than reactive. “

Makatizens, hati ang opinyon sa pagtatapos ng alitan sa teritoryo ng Taguig, Makati

Magkahalong positibo at negatibong sentimyento ang pulso ng mga dating residente ng Makati na ngayon ay nasa hurisdiksyon na ng Taguig sa pagkakaiba ng serbisyong inaalok ng dalawang lungsod.

Ito ay matapos magwakas ang ilang dekadang agawan ng teritoryo sa pagitan ng Makati at Taguig, matapos magbigay ng pinal na hatol ang Korte Suprema na sa Taguig mapupunta ang Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays.

Nagsimula ang agawang ito taong 1993, matatandaang unang nagsampa ng reklamo ukol rito ang Taguig Local Government Unit sa Pasig Regional Trial Court. Umabot ito sa Korte Suprema na siyang naglabas naman ng huling hatol noong April 2022. Pinag-aagawan dito ang Fort Bonifacio kasama ang ilang EMBO barangay. Sa pinal na hatol, nanaig ang panig ng Taguig at napasakamay nito ang mga teritoryong nabanggit.

Sa kabila ng pagkapanalo, hindi ganon kadali ang magiging implementasyon ng naturang hatol. Bago tuluyang maipatupad ang naging desisyon ng korte, kailangan munang kumuha ng Taguig ng writ of execution, ngunit wala pa man nito, nagsimula nang manghimasok si Mayor Lani Cayetano sa mga paaralan tulad na lamang ng pagbisita niya sa 14 na paaralan sa Fort Bonifacio at pangunguna ng Brigada Eskwela sa Makati Science High School.

Saad ng Taguig mas sisikapin nilang panatilihin ang mga

benepisyong matatanggap ng mga residente na mula sa mga apektadong teritoryo. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Pamaskong Handog at Love Caravan na programa ng Taguig tungkol sa medikal, dental, at serbisyong nutrisyonal.

Positibo naman ang naging tugon ng ilang dating Makatizen sa mga natatamasang benepisyo at programa mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig, isa rito si Mang Emil na residente ng barangay Pitogo.

“Ok lang, kesa naman sa wala silang ginagawa, antayin na lang natin ano pa pwede nilang matulong”, saad ni Emil.

Sa kabilang banda, may ilan pa ring dismayado sa kinalabasan ng agawan ng teritoryo. Isa na rito ang college student na si Luis Mercado na nahihirapan ngayon sa “adjustment” ng edukasyon at medikal na usapin.

“Bilang lumaki sa Makati at dito rin ako nag-aral, mas maganda ang serbisyong natatanggap namin sa mga school supplies, kumpleto mula ulo hanggang paa may bawas tuition pa. Libre rin at maganda ang serbisyong pangkalusugan ng Makati, mas accessible kumpara sa Taguig,” ayon kay Mercado.

Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema patuloy pa ding umaalma ang Makati na sila ang nagmamay-ari ng mga barangay na nabanggit. Ngunit sa huli ay dinesisyonan ng “with finality” ng Korte Suprema na sa Taguig mapupunta ang EMBO barangays.

Inklusibong paaralan, hangad ng mga estudyanteng Muslim sa SVNHS

Mercela

Joy Allosa

Nagsisilbing malaking hamon para sa mga Muslim na mag-aaral sa Signal Village National High School (SVNHS) ang kakulangan ng espasyo at mga pagkakataon upang maipagpatuloy ang kanilang relihiyosong gawi at tradisyon sa loob ng paaralan. Ang mga imprastruktura at sistematikong hadlang

ay nagiging balakid sa kanilang pagsasanay ng Islam. Bilang isang pampublikong paaralan, nagsasagawa ang SVNHS ng ilang hakbang upang tugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang relihiyon at kultura. Subalit, patuloy na nararanasan ng mga Muslim na mag-aaral ang kakulangan ng espasyo para sa Madrasah, isang lugar na layuning magsilbing tahanan nila para sa

IBADAH. Patuloy ang mga mag-aaral na Muslim ng Signal Village National High School sa pagpapahayag ng kanilang hinaing para sa inklusibong edukasyon na kinikilala ang kanilang relihiyon. Sa harap ng mga hamon, nanatili ang kanilang pananampalataya at pagkakaisa sa pagtangkilik ng kanilang karapatang magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa loob ng paaralan. Kuha ni Yunos Kasuyo

mga relihiyosong gawi. Dagdag pa rito, may mga isyu ukol sa kakulangan ng halal na pagkain sa canteen na nagsisilbing hadlang sa mga dietary restrictions ng mga magaaral. Kadalasan, nakasentro ang mga tradisyon at aktibidad sa paaralan sa mga Kristiyanong gawain, kaya nahihirapan ang mga Muslim na mag-aaral na magpatuloy ng kanilang

relihiyosong pagsasanay sa ganitong set-up. Dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura, nahihirapan ang mga Muslim na mag-aaral na ganap na maisabuhay ang kanilang relihiyon. Dahil dito, may malaking pangangailangan para sa mga polisiya at inisyatiba na magbibigay-prayoridad sa kanilang mga pangangailangan.

Allen Condat

One-way street sa Signal, umani ng batikos

Mga drayber, pasahero apektado

Daing ng estudyanteng Muslim

Nagbahagi ng kanyang karanasan ang isang Muslim na mag-aaral sa SVNHS na si Ali Mohammad Vergara tungkol sa kakulangan ng espasyo para sa pagdarasal at ang taliwas na oras ng klase at pagsamba na nagiging sagabal sa kanyang relihiyosong gawi.

Ayon kay Ali, dahil sa kawalan ng dedikadong espasyo para sa pagdarasal, madalas niyang pinipili na magsagawa ng pribadong panalangin habang siya ay nasa klase.

Ang karanasan ni Ali ay nagsisilbing halimbawa ng patuloy na hamon na kinahaharap ng mga Muslim na mag-aaral sa SVNHS. Sa gitna ng mga isyung imprastruktural at sistematikong hadlang, nagiging mahirap para sa kanila na maisabuhay ng buo ang kanilang relihiyon, kaya ang mga ganitong isyu ay patuloy na nagiging balakid sa kanilang edukasyon at relihiyosong gawi.

Kakulangan sa halal na pagkain at pag-unawa sa relihiyon

Isa rin sa mga malalaking isyu na hinaharap ng mga Muslim na magaaral ay ang kakulangan ng halal na pagkain sa mga school canteen at ang hindi pagkakaunawaan mula sa kanilang mga kaklase at guro hinggil sa kanilang relihiyosong mga gawi.

Ayon kay Ali, may mga pagkakataong nagtanong ito sa canteen kung ang pagkain ay halal, ngunit natuklasan niyang may mga pagkakataon na hindi tamang impormasyon ang ibinibigay, kaya’t napipilitang kumain ng mga pagkaing haram o mga ipinagbabawal sa kanila.

“Nagtanong ako kung manok, ‘oo’ ang sabi nila, tapos narinig ko yung isang bata nagtanong kung baboy ba, ang sabi nila ay ‘oo’ rin daw,” pahayag ni Ali.

Panawagan sa salat na hakbangin at programa

Dumaing ang mga drayber mula sa Signal Village Bicutan Tricycle Operators and Drivers Association (SVBTODA) at SWB-TODA tricycle drivers sa perwisyong dulot ng ipinatupad na “one-way street” sa bahagi ng Col. Miranda, Central Signal sa lahat ng uri ng sasakyan, pampubliko man o pribado. Aprubado noong ika-10 ng Hulyo, 2023, layunin ng ordinansa na mabawasan ang madalas na malawakang traffic sa kalsada ng Col. Miranda, tapat ng Barangay Hall ng Central Signal, at Dueñas Gymnasium.

Ayon sa Ordinance No. 05 s. 2023, mula sa kanto ng Col. Ballecer hanggang sulok ng Col. Rongo, sinara na at ginawang “one-way street” ang kalsada at paggawa ng “one-side parking area” para sa mga sasakyan na pagmamay-ari ng barangay at mga kliyenteng pumupunta rito.

“Hindi siya naging convenient. Nagiging dagdag gastos lang lalo. Kulang ka na sa pasahero dagdag pa sa gasolina mo. Lugi ka talaga, ano pang iuuwi mo sa pamilya?

Si Zamaronay Mohammad, tagapagturo ng Madrasah, ay nagsalaysay ng mga hakbang na ginagawa ng paaralan upang matugunan ang mga pangangailangan ng Muslim na mag-aaral, kabilang na ang pakikipag-ugnayan sa administrasyon upang magkaroon ng mga prayer rooms at mga opsyon sa mga halal na pagkain.

Ayon kay Mohammad, kahit na may mga hakbang na ginawa ang paaralan tulad ng pagtuturo ng Arabic at relihiyon, nararamdaman pa rin niya na may kakulangan sa mga konkretong hakbang na magbibigay suporta sa kanilang mga tradisyon at relihiyon.

“May mga batas po at mga hakbang katulad ng mga pagtuturo sa Arabic at Islam sa mga batang muslim dito sa paaralan, pero hindi pa rin sapat,” sabi ni Zamaronay Mohammad.

Sa kabila ng mga inisyatiba ng guro, kinakailangan pa ang mas malalim na sistema at suporta mula sa administrasyon upang mas lubos na matugunan ang pangangailangan ng mga Muslim na mag-aaral. Habang patuloy na nagsusumikap ang mga Muslim na mag-aaral at guro sa SVNHS upang matugunan ang mga hamon ng relihiyosong pagsasanay sa paaralan, lumilitaw pa rin ang pangangailangan ng mas matinding suporta mula sa paaralan at komunidad.

Mahalaga ang pagpapalawak ng mga hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Muslim na mag-aaral, kabilang na ang pagtatayo ng mga prayer rooms at pagkakaroon ng halal food options sa canteen, ayon kay Zamaronay.

Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang magbibigay ng pantay na oportunidad para sa mga magaaral, kundi magsusulong din ng mas makatarungang sistema ng edukasyon, kung saan ang relihiyosong pagkakaiba ay kinikilala at pinapahalagahan.

Batay din sa ordinansa, ipinasara ang mga nasabing daanan dulot ng mahigit 20,000 na mga mag-aaral sa EM’s Signal Village Elementary School (ESVES) at Signal Village National High School (SVNHS) na madalas sanhi ng pagkukumpulan tuwing tanghali at gabi na uwian ng mga estudyante. “Yung school na ‘yan tumbok na ‘yan, mula dito sa triumph, tumbukin namin yang Ballecer Street na ‘yan hanggang school, dire-diretso. Ngayon, palikoliko na kami kung saan po kami makasuot-suot na lang,” saad ni Jerry Burio, tricycle driver mula sa SVBTODA.

Aniya, isa sa mga pagbabagong hinarap nilang mga drayber ang mas limitadong rutang dadaanan. May mga pagkakataong mas napalalayo pa ang ginagawang ipag-kot ng mga traysikel para makapaghatid ng mga pasahero.

Tinipid ang silid

“Humina ang kita. Kasi ang biyahe namin dati araw-araw. Ngayon, alternate na ho. ‘Di kaya, wala na kaming pasahero,” dagdag pa ni Burio.

Inilahad din niya na kung noon, bawat unit ay may byahe sa umaga hanggang gabi pero ngayon, may hatian nang sinusunod.

“240 units kami, e. Ang byahe ‘pag may pasok 180. Kapag Sabado o Linggo 120 lang siya ‘yan na lang alterpart namin,” aniya. Kaugnay nito, inihayag ni Andrew Brillantes, drayber mula sa SWSTODA ang naging hirap sa araw-araw na pamamasada.

“Hindi siya naging convenient. Nagiging dagdag gastos lang lalo. Kulang ka na sa pasahero dagdag pa sa gasolina mo. Lugi ka talaga, ano pang iuuwi mo sa pamilya?” pagdidiin ni Brillantes.

Sa kabilang banda, ayon naman kay Miguel Canoy, mag-aaral na pasahero sa naturang tricycle, mas lumayo ang nilalakad niya mula sa babaan ng tricycle hanggang sa paaralan.

“Napansin ko na need pa umikot nung mga drivers para makapunta sila dun sa kabilang side nung harang. Minsan may mga nakakasabay din akong may mga hinahabol na oras pero need pa umikot nung driver para makapunta sa kabila. Time consuming siya for me,” pahayag ng magaaral.

Sa ngayon, pinaplano ng sangguniang barangay ng Central Signal na makagawa pa ng hakbang para mabawasan ang araw-araw na kumpulan sa kalsada sa tapat ng paaralan. Kabilang na rito ang posibilidad na paglalagay ng traffic enforcers sa lugar at pagpasa ng ordinansang kaugnay ng Anti-Illegal Parking.

Karagdagang pasilidad, panawagan ng SNED

Kakulangan sa pasilidad at silid ang naging hinaing ni Lerma Bernales, gurong tagapamahala ng Special Needs Education (SNED) sa Signal Village National High School (SVNHS). Dagok ito para sa mga mag-aaral at guro ng SNED na dahilan sa pagkaabala sa pagkatuto.

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga magaaral na kabilang sa SNED ang kakulangan sa espasyo sa isang silid araw-araw.

Ayon kay Bernales, sa 26 na mga mag-aaral kada session araw-araw na kaniyang tinuturuan, hindi na nagiging sapat ang espasyo para sa mga gamit at iba’t ibang mga aktibidad bawat araw.

Pagtuturo ng livelihood program

“Monday, care skills and life skills, paano sila mabuhay, ayon ‘yung sample. Tuesday, functional academics. Dito pumapasok ‘yung English. Tulad ‘yan, ang lesson ko other day ay life skills, at traffic lights. Para matuto sila. Kung nasa labas sila, hindi sila ma-accident,” paliwanag ni Bernales.

Dagdag pa niya, tuwing Miyerkules at Biyernes, tutok siya sa pagtuturo ng Mathematics, Entrepreneurship, at Housekeeping.

“Kung mapadali mo ang buhay, pag-ano nila, use ng calculator. Kasi functional, ‘yun. Ayon na ‘yung meron kami entrepreneurship. Nagbi-benta kami,” ani Bernales.

Samantalang sa Huwebes, enrichment activities ang natututuhan ng mga mag-aaral lalo na sa Physical Education (PE), Music, at Arts.

Dahil sa iba’t ibang mga aktibidad na ito, hirap silang pagkasyahin ang mga gamit sa iisang silid tulad ng folding bed, kagamitan sa kusina, at mga produktong ibinibenta nila.

“Yung extension sana ng room namin. Sana kung may magagawa, kasi masikip na. Halimbawa, maglivelihood kami dito, isi-separate namin ‘yung gamit at saka yung mga, ano talaga, ‘yung mga livelihood namin,” panawagan ni Montessa Fernandez, presidente ng SNED Parents Classroom Officers.

Isa sa mga aktibidad ng SNED sa livelihood program ang pagbebenta ng mga dishwashing liquid, unan, paper bags, at mga pagkaing niluluto

tulad ng mani at popcorn sa maliit na kusina sa loob kanilang silid.

“Kasi maliit talaga sa kanila ‘yung pag may pumapasok dyan, magpo-program kami, at least dito na lang din sa loob kasi mahirap din po dyan sa labas. Kasi mayroon kung minsan malingat ka lang, halimbawa kung walang nagbabantay sa kanila, walang watcher,” dagdag pa niya patungkol sa mga pagkakataong may idinaraos na programa gaya ng exhibit.

Aksyon ng DepEd

Sa kabila nito ng kasalatan sa pasilidad, hindi bigo ang tulong na ibinigay ng Department of Education (DepEd) na badyet para sa pagdaragdag ng mga kagamitan sa paaralan.

Mula sa mahigit 50,000 pesos na badyet na nakalaan para sa mga kagamitan ng SNED, naibahagi ang isang adult wheelchair, wall mirror, induction cooker, bedding, at iba pang kitchen utensils.

“Ito, medical supplies. Wheelchair, tapos ‘yung pangkuha ng BP, classroom equipment,” saad ni Bernales.

Maliban pa rito, isa sa mga pinagkukunan ng badyet pambili ng mga kinakailangang kagamitan ang kanilang nagiging kita sa pagbebenta.

“Actually ang livelihood is 3 days yung livelihood namin, depende kasi sa production na ginagawa namin. Kumbaga hindi naman siya kalakihan, pero ano na rin, makakatulong na rin, kasi hindi naman ‘yung sa amin ng personal, dito lang mismo sa loob namin [classroom],” pahayag ni Fernandez.

Matapos ng pagbabago sa kasalukuyang punongguro ng paaralan, inaasahan ng samahan na mas umigting pa ang suportang hatid sa kanila ng paaralan at mabigyang pansin ang hindi sapat na pasilidad na daan para sa kanilang pagkatuto.

Pakikisangkot ang papawi sa pagkalumok

Patnugutang Hudyat

Isang nakagigimbal na katotohanan ang ipinapakita ng pagkamatay ng dalawang estudyante na natagpuang walang buhay sa Signal Village National High School: Iyon ay ang kakulangan, kung hindi man lubusang kawalan, ng suporta sa kalusugan ng isip o mental health, na naglalagay sa panganib sa komunidad ng paaralan.

Natagpuang walang buhay ang dalawang estudyante noong Nobyembre 10, 2023 sa loob ng Girls Scout Mini Office ng paaralan. Ayon sa resulta ng autopsy report mula sa Southern Police District, walang indikasyon ng foul play o pwersahang pagpatay, ngunit ang insidente ay nagpasiklab ng diskusyon tungkol sa kakulangan ng suporta para sa kalusugan ng isip ng mga estudyante.

Bagama’t itinatag ang Helping Others find Peace and Encouragement (H.O.P.E.) Program at isinasagawa ang DONUT conversation sa ilalim ng GCI Crossway at SSLG para sa mental health awareness, nananatili ang malalim na kakulangan hindi lamang ng SVNHS kundi ng kalakhan ng mga paaralan sa bansa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante.

Ang pagtatatag ng “HOPE Room” sa paaralan matapos ang insidente ay isang hakbang na naglalantad ng pagkukulang sa maagang pag-aalaga ng kalusugan ng isip ng mga estudyante. Ang programang ito ay malinaw na reaksyunaryo, imbes na maging proaktibong hakbang sa pag-iwas sa mga ganitong trahedya.

Samantala, kasalukuyang

pinalalawig ng programa ang aktibidad na “Tara Usap Tayo,” kung saan daan upang malayang mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin at mabigyan ng tyansa ang mga ito na maibahagi ang karanasan sa isa’t isa. Ang mga organisasyon tulad ng Every Nation Campus Organization (ENC) ay naging daan ng paaralan upang punan ang kawalan ng mga psychiatrist at psychologist na aalalay sa mga mag-aaral na nakararanas ng krisis sa mental na kalagayan.

Ayon kay Coach Thor Gacutan mula sa Every Nation Campus, ang kanilang organisasyon ay magkakaroon ng tuwing

Biyernes na session sa HOPE room bilang counseling para sa mga estudyante. Ngunit, mapapansin na pagkatapos ng nangyaring insidente, hindi naman naging aktibo ang HOPE Program na ito sa paaralan.

Itinatag ang HOPE Program upang bigyang pansin ang mga nararanasang anxiety, depression, at suicidal tendencies ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng monthly plenary workshops, at weekly small group discussions kasama ang mga faith-based organizations. Bagamat mahalaga ito, kulang ang ganitong mga inisyatiba kung hindi magbibigay ng mas komprehensibong suporta at serbisyo ang mga paaralan.

Ayon sa head mental health advocate ng paaralan na si Liberty Bernardo, walang psychologist at psychiatrist na tututok sa mental na kalagayan ng mga mag-aaral at pawang referral lamang ang magagawa ng mga advocates at counselors sa mga mag-aaral na nakitaan nila ng problema.

Philippine Psychiatric Association, mayroong 651 na psychiatrists, 516 na psychiatric nurses, at 133 na psychologists sa buong bansa. Malayo ito sa hangad na ratio na 1 psychiatrist para sa bawat 10,000 tao, kaya’t lumalala ang kakulangan sa mga kinakailangang serbisyo at pagpapayo, lalo na sa mga kabataan. Samantala, noong Disyembre 28, 2023, iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian ang 210 milyong pisong pondo para sa mental health programs ng Department of Education (DepEd) sa 2024 upang matulungan ang mga mag-aaral na may suicidal tendencies. Ayon sa DepEd, gagamitin ang pondo sa pagpapalawak ng mental health personnel sa mga paaralan, paglipat ng pondo sa mga field offices, at pagpapataas ng sahod ng mga rehistradong psychologist.

Bagamat may nakalaang pondo ang DepEd para sa mental health programs ngayong 2024, hindi pa rin ito ramdam sa mga paaralan. Ang kakulangan ng konkretong aksyon sa paggamit ng pondo ay nagpapakita ng kabiguan ng mga institusyon sa pagpapalakas ng mental health support sa ground level, na isang matinding kabiguan para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong.

Gayunpaman, mahalagang tiyakin na maayos na naipapamahagi ang pondo sa mga paaralan at ginagamit ito para sa tunay na pagpapabuti ng mental health programs, hindi lamang bilang palamuti ng institusyon. Dapat ay masusing binabantayan kung paano ginagamit ng bawat paaralan ang badyet upang matiyak na may konkretong resulta ang bawat inilaan na piso.

Bagamat may nakalaang pondo ang DepEd para sa mental health programs ngayong 2024, hindi pa rin ito ramdam sa mga paaralan. Ang kakulangan ng konkretong aksyon sa paggamit ng pondo ay nagpapakita ng kabiguan ng mga institusyon sa pagpapalakas ng mental health support sa ground level, na isang matinding kabiguan para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong.

Dagdag pa ni Bernardo, tanging ang mga estudyante na nilalapit sa kanila ng gurong tagapayo ang kanilang natutulungan dahil kulang ang mga kumikilos na mental health advocate sa paaralan sa kabila ng kautusan ng DepEd na dapat mayroong isang mental health advocate na tututok sa bawat 500 na estudyante.

Ang mababang pondo at kakulangan ng mga guidance counselors sa mga paaralan ay nagpapakita ng kakulangan ng atensyon mula sa Department of Education (DepEd). Sa kasalukuyan, kakaunti lamang ang mga paaralan sa bansa na may access sa mga mental health professionals tulad ng psychiatrists at psychologists, kaya’t hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na may mga isyu sa kalusugan ng isip.

Mahigit 110 milyong tao ang nasa Pilipinas, ngunit kulang ang mga propesyonal sa kalusugan ng isip. Ayon sa

Sa kasalukuyan, isinulong naman ang Republic Act No. 12080 or the Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act kung saan palalawigin sa mga pampubliko at pampribadong paaralan ang pagkakaroon ng mga care centers upang tutukan ang mental na kalagayan ng mga mag-aaral. Ang batas ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, ika-siyam ng Disyembre.

Sa ganitong sitwasyon ay hindi na dapat umabot sa puntong kailangang magluksa bago kumilos. Panahon nang tugunan ng pamahalaan at mga institusyon ng edukasyon ang matagal nang napapabayaang aspekto ng kalusugan ng isip ng mga kabataan. Ang buhay ng bawat estudyante ay mahalaga at dapat maging prayoridad ng lahat.

PUNONG PATNUGOT

Mercela Joy L. Allosa

PANGALAWANG PATNUGOT

Nika M. Dalogdog

TAGAPAMAHALA

Sherri Mae P. Fernandez

PATNUGOT NG BALITA

Sherri Mae P. Fernandez

PATNUGOT NG LARAWAN

Mercela Joy L. Allosa

PATNUGOT NG PAGLAPAT NG DISENYO

Angel Mintt O. Gasco

MANUNULAT Jomar C. Benjamin

Geelyn P. Recuenco

Rhea Mae V. Caguil

Faith Eunice L. Molo

TAGAKUHA

Lexter Kyle R. Occeña Nika M. Dalogdog Yunos Kasuyo

Kinakapos na katatagan

Patnugutang Hudyat

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang maipatupad ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng dating DepEd Secretary at kasalukuyang Vice President Sara Duterte ang DepEd Order No. 010 noong 2024 na mas kilala bilang MATATAG Curriculum na mayroong layuning palakasin ang curriculum na mayroong kinalaman sa pagiging employmentready at aktibong mamamayan ng mga mag-aaral, pagpapabilis sa pagpapatupad ng basic education services, pagtitiyak ng isang inklusibo at positibong espasyo ng pagkatuto, at pagpapaigting sa suportang kinakailangan ng mga guro kaugnay sa kanilang pagtuturo subalit mas tumindi pa ang krisis na kinakaharap ng education sector habang isinasagawa ang unang bahagi ng implementasyon ng naturang polisiya sa Kindergarten, Grade 1, Grade 4, at Grade 7. Pangunahing binigyang-pansin ng MATATAG Curriculum ang pagpapalakas sa mga kasanayang akma sa ika-21 siglo, mga kasanayang akma sa international standards, at pagpapalakas sa Values at Peace Education ngunit nanatili pa rin ang mga institusyonal na hamong kinahaharap ng sistemang pang-edukasyon bago pa man ipatupad ang naturang reporma.

Mababatid na ang isa sa mga hangarin ng MATATAG Curriculum na bawasan ang mga asignatura at mga learning competency na taglay ng kasalukuyang curriculum ay mayroong malalimang pinag-uugatan at ito ay ang lumalalang kakulangan sa mastery ng mga mag-aaral na lumilitaw sa nararanasang learning poverty lalo na sa pagbasa ng batang Pilipino na nasa late primary age ayon sa ulat ng World Bank noong 2022.

Ayon sa ulat ng The Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 pagdating sa aspekto ng assessment gaya ng resulta ng Grade 6 National Achievement Test (NAT) noong taong panuruan 2020 hanggang 2021, kapansin-pansin na mataas ang “mean by percentage score” ng mga magaaral sa Filipino na umabot sa 54% samantalang ang mga asignatura katulad ng Math ay nasa 41%, Agham may 44%, Ingles na may 44%, at Araling Panlipunan na may 44%, lubhang nakababahalang indikasyon ng pagbagsak ng kalidad ng edukasyon na pinalala pa ng COVID-19 pandemic.

Malinaw na mayroong institusyonal na kakulangan ang DepEd pagdating sa pagpapatupad ng MATATAG Curriculum lalo na sa basic education services at matinding kontradiksyon ang ipinapakita ng naging pagpopondo ng naturang ahensiya sa mga textbook at iba pang mga instructional material na pumalo sa ₱12.6 bilyon ang inilaang badyet mula 2018 hanggang 2022 at ₱4.5 bilyon o 35.3% ng kabuuang pondo ang inilaan at ₱952 milyon o 7.5% pa lamang ang nagagamit para sa procurement o pagbili ng mga textbook at iba pang mga instructional material ayon sa ulat na inilabas ng EDCOM 2.

Sa naging implementasyon ng MATATAG Curriculum, ang mga guro at mga mag-aaral ang unang makakaramdam ng pasakit na maaring maidulot ng naturang reporma sa batayang pagkatutong pinagbabasehan ng DepEd.

Isangmanipestasyonngminadalingimplementasyon ng MATATAG Curriculum sa pampaaralang antas ay

ang nararanasan ng mga guro sa Grade 7 ng Signal Village National High School (SVNHS) na kung saan ay kulang na kulang ang inilaang 45 minuto kada asignatura.

Ang naging pagpapaikli ng teaching hours sa 45 minuto ay isang regresibong hakbang lalo pa’t patuloy na lumalala ang learning crisis sa Pilipinas at bigong mabigyang panahon ang mga guro na hasain pa nang husto ang proficiency level ng mga estudyanteng nahihirapan sa pagbabasa at pagbibilang.

Higit pa rito, lumabas sa resulta ng pag-aaral ng mga iskolar mula sa Cebu Normal University na hindi epektibo ang 45 minutong oras ng pagtuturo na inilaan ng MATATAG Curriculum at kanilang iminungkahi na kailangan pang dagdagan ang inilalaang oras sa pagtuturo upang epektibong maisagawa ang group work at audio visual materials na mahalagang bahagi sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga asignatura.

Sa kabilang banda, binigyang diin rin ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro ang matinding pasanin na posibleng idulot ng naturang kurikulum at kaniyang binanggit na hindi makatarungan ang pagpapatupad ng bagong sistema kung hindi muna matutugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon, tulad ng mga materyales sa pag-aaral, sapat na pondo, at malinaw na pagsasanay para sa mga guro. Kapwa mga guro at mga mag-aaral na ang nananawagan para sa isang maayos na implementasyon ng MATATAG Curriculum - isang pagpapatupad na naayon sa pangangailangan sa karunungan ng mga mag-aaral at kasanayan sa pedagohiya ng mga guro.

Maliban pa rito, ang husay sa kasanayan ng mga Pilipinong mag-aaral ay ang magpapatatag sa kaunlarang ekonomiko, kultural, at sosyo-politikal ng Pilipinas na nakaakma sa pangangailangan ng daigdig ngayong ika-21 siglo.

Isang aspekto na unti-unting nakakamit na ng mga karatig-bansa gaya ng Singapore kung pagbabatayan ang kanilang resulta sa Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2022 na may iskor na 575 sa Math, 543 sa Reading, at 561 sa Science, mataas sa average score ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) na mga bansa at malayong-malayo sa nakamit ng Pilipinas na 355 puntos sa Math, 347 sa Reading, at 356 sa Science.

Gaya ng MATATAG Curriculum, ang education curriculum ay mayroong kapangyarihang makapaglunsad ng isang mapagpalayang curriculum subalit nakapanghihinayang na mababaw ang naging pundasyon nito lalo na sa aspekto ng pagpapalakas sa “makabansa” na layunin ng nasabing reporma sa edukasyon.

Mahalagang tugunan ng DepEd ang mga lumitaw na hamon sa pagpapatupad ng MATATAG Curriculum upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon para makamit ang isang siyentipiko, makabayan, at makamasang curriculum samantalang panahon na upang tutukan ng nasabing ahensiya ng pamahalaan ang mga naging pagkukulang sa pagpapatupad nito at akuin ang pananagutan sa naging kakapusan sa katatagan ng nabanggit na polisiya sa edukasyon.

TAGAPAYO NG PUBLIKASYON

TAGADIBUHO Kevin B. Jamela

Tristan P. Aragon

KONTRIBYUTOR Ricky C. Angcos

Eduardo P. Frizas

Jo-anne C. Blase Mary Jane G. Camacam

Encar Paula A. Arroyo

Marcel P. Monares

Zha-Zha N. Mejos

PUNO NG KAGAWARAN

Mylene B. Valler

KAWAKSING PUNONGGURO

Dr. Reynaldo A. Nama

PUNONGGURO

Dr. Rea Milana-Cruz

Panahon na upang tutukan ng ahensiya ng pamahalaan ang mga naging pagkukulang sa pagpapatupad nito at akuin ang pananagutan sa naging kakapusan sa katatagan ng nabanggit na polisiya sa edukasyon.

Paglansag sa lansangan

Pangamba ang idinulot sa mga mananakay, mga tsuper, at mga tricycle operator ng clearing operations na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kontra sa mga itinuturing nila na road obstruction sa kahabaan ng Langka Street, na sinasaklawan ng mga barangay na South Signal Village at Western Bicutan sa Taguig City. Umabot ito sa emosyonal na pagtatalo sa pagitan ni Gabriel Go, na nangangasiwa ng Special Ops Strike Force ng MMDA, at ni Feliciano Ferrer, na Barangay Administrator ng South Signal Village at pangulo ng MSTBTODA.

Sa panig ng MMDA, iginiit ni Go na hanggang pick and drop lamang at mayroong limitadong bilang ng mga tricycle ang maaaring pumarada sa gilid ng naturang kalsada. Nag-ugat ang clearing operations mula sa reklamong inihain sa Presidential Action Center (PACe), na nag-aatubili sa pagbigat ng trapiko na dulot ng naturang tricycle terminal. Samantalang si Ferrer naman ay kumikiling sa pagiging pormalisado ng kanilang tricycle operations, sapagkat sila ay mayroong prangkisa mula sa City Government ng Taguig na humimpil sa gilid ng Langka Street at magbigay serbisyo sa pasaherong pumapasok at umuuwi sa bahaging ito ng Taguig.

Mahalaga ang ginagampanan ng MSTBTODA kaugnay sa pagiging first mile ng mga estudyante at mga manggagawang lumalabas sa Taguig City sapagkat ang naturang tricycle operators and drivers (TODA) ay nagsisilbing ruta tungo sa Arca South multimodal terminal na siya namang middle mile at last mile tungo sa mga train system gaya ng MRT 3 at LRT 1 gayundin sa kanilang mga paaralan at mga opisina.

Inaasahang matindi ang naging epekto ng clearing operation sa first at last mile ng mga manggagawa at mga mag-aaral na direktang umaasa sa mabilis at abot kayang pampublikong transportasyon lalo pa at kung humantong ito sa pansamantalang pagkawala ng tricycle terminal.

Sinasalamin ng mga pasaherong umaasa sa serbisyong hatid ng MSTBTODA ang 88% na mga pamilyang naninirahan sa National Capital Region (NCR) na hindi nagmamay-ari ng kahit isang sasakyan lamang kung pagbabatayan ang pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2015.

Sa kabilang banda, manipestasyon ng naging agresibong hakbang ng MMDA ang malinaw na pagkiling ng pamahalaan tungo sa isang car-centric na pag-unlad lalo pa at batay sa datos mula sa JICA noong 2015 ay 12% sa mga household ng NCR ang mayroong sariling sasakyan.

Bagamat kakaunti lamang ang mga pamilya sa NCR na nagmamay-ari ng sasakyan, matindi naman ang idinudulot sa pagkakaroon ng mabigat na trapiko at ayon sa JICA ay pumapalo sa ₱3.5 billion ang nawawala sa ekonomiya kada araw o ₱1.27 trillion kada taon nang dahil sa traffic congestion. Maliban pa rito, ang mga department circulars mula sa MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na ang MMDA Regulation No. 17-004 (2017) at DPWH Department Order No. 39 (2018) na legal basehan para isagawa ang mga clearing operations gaya ng ipinatupad sa South Signal Village ay nakatuon lamang sa ikagiginhawa ng mga pribadong transportasyon at pagsasantabi sa mga pampublikong transportasyon katulad ng mga jeepney at mga tricyle.

Sa nangyaring clearing operations ng MMDA ay malinaw na nagtutunggalian ang mandato ng pambansang pamahalaan at ng lokal na pamahalaan. Tungkulin ng Public Transport Office and Tricycle Regulatory Unit ng Taguig na tiyaking ligtas at maayos ang operasyon ng TODA, may mga tricyle terminal na magagamit ang mga pasahero, pagpapatupad ng taunang rehistro sa mga tricycle, pagtiyak na sumusunod ang mga ito sa tamang ruta, at pagpapataw ng mga taripa mula sa prangkisang pinagkaloob ng naturang local regulatory body.

Mababatid rin sa clearing operations ng MMDA ang pagyurak sa “right to the city” ng mga tsuper ng MSTBTODA sapagkat ang kanilang karapatan sa espasyong inookupa ng tricycle terminal ang sapilitang binubuwag.Unang tinalakay ni Henri Lefebvre ang “right to the city” at binigyang diin niya rin dito ang pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayan katulad ng mga TODA na magkaroon ng aktibong papel sa paggawa ng mga desisyon na direktang nakakaapekto sa kanilang buhay gaya ng mga road clearing operations ng MMDA.

Sa kasalukuyan, ang mga polisiyang nabanggit ay kadalasang ipinapatupad ng pamahalaan nang walang sapat na pampublikong konsultasyon mula sa mga maapektuhang sektor katulad ng mga TODA.

Ang serbisyong binibigay ng MSTBTODA ay nagbibigay kabuhayan sa mga pamilyang umaasa rito at ito ay paggiit sa kanilang karapatan sa lungsod na makapaghanap-buhay nang naayon sa prangkisang ipinagkaloob ng Public Transport Office and Tricycle Regulatory Unit ng Taguig na isa ring mahalagang karapatang pantao.

Malinaw na nilabag ng MMDA ang karapatan sa lungsod at karapatang pantao ng mga kabahagi ng MSTBTODA at mga pasaherong tumatangkilik nito na siyang sumusupil sa una at huling milya ng mga pasahero at ekonomikong ganansiya ng mga tsuper.

Opinyon

RETORIKA DISKURSO

Laban sa kalaswaan

Maraming mga mahahalagang aral ang aking natutunan bilang isang mag-aaral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng Signal Village National High School (SVNHS) at isa na rito ay ang pagbabasa ng iba’t ibang mga batas at ang kritikal na pagsusuri sa kung paano naipatupad ang isang batas sa pampaaralang antas.

Isa sa mga batas na aking nabasa ay ang Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act at layunin ng nasabing batas ay ang pagkilala ng estado sa karapatan ng lahat ng Pilipino sa isang espasyo na ligtas at malaya mula sa iba’t ibang uri ng genderbased sexual harassment.

Ang aking pagsusuri sa Safe Spaces

Act ay nagmulat sa akin kaugnay sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga institusyong pang-edukasyon gaya ng SVNHS pagdating sa pagkakaroon ng isang epektibo at makataong pagpapatupad ng nasabing batas sa pampaaralang antas.

Malinaw na binigyang diin sa Section 21 Article V ng Safe Spaces Act ang pagkakaroon ng isang officer-in-charge sa mga paaralan katulad ng SVNHS na tatanggap sa pormal na reklamo ng mga biktima ng sexual harassment. Nabatid ko rin na kasama sa tinukoy ng Safe Spaces Act ang pagtitiyak ng school administration sa isang espasyong gender-sensitive na may paggalang sa pangangailangan ng mga biktima at mandato ng paaralan na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng sexual harassment na nangyari sa hurisdiksyon ng paaralan kahit pa hindi naghain ng pormal na reklamo ang biktima o hindi tinanggap ng paaralan ang

reklamo. Nakasaad rin sa V ng Safe Spaces tinatawag na Committee and Investigation (CODI) pormal na mekanismong reklamo kaugnay sa harassment at online Nakita ko rin sa Section naturang batas na gaya ng mga principal schools na hawak Education (DepEd) kapangyarihang bumuo pampaaralang antas.

Ayon naman sa V ng Safe Spaces karampatang disiplina handbook o mga kinalaman sa guidance mga mag-aaral mapapatunayang ng gender-based at online sexual harassment estudyante. Pumukaw ng pansin pa nakasaad sa Safe gampanin ng isang edukasyon katulad ring CODI at officer-in-charge sa mga kaso ng harassment at online na maaring mangyari paaralan. Kinapanayam ko kasalukuyang pangulo Club kaugnay sa naging Safe Space Act sa magkahalong bigla nadama matapos na ang naturang paaralan binubuong CODI at in-charge na maghahawak mayroong kinalaman

DIYALEKTIKA

“ Salinlahing ganid

Malinaw na nilabag ng MMDA ang karapatan sa lungsod at karapatang pantao ng mga kabahagi ng MSTBTODA at mga pasaherong tumatangkilik nito na siyang sumusupil sa una at huling milya ng mga pasahero at ekonomikong ganansiya ng mga tsuper.

Kung tatanungin ang mahigit sa 110 milyong Pilipino kung ilan ang panahon sa Pilipinas, tiyak na isasagot nila ay ang tag-init, tag-ulan, at eleksyon subalit ang panahon ng eleksyon ay namumukod-tangi sa lahat sapagkat ito ay pagkakataon ng mga botanteng Pilipino na makapili ng mga susunod na mga mamumuno sa pamahalaan at oportunidad sa mga mga politiko lalo na sa mga kabilang sa dinastiyang politikal na palawigin pa ang kanilang kabig sa iba pang mga posisyon sa pamahalaan. Kaagad na matutukoy sa National Capital Region (NCR) pa lamang na ang mga Local Government Unit (LGU) na pinamumunuan ng mga political dynasties at sa naging pag-aaral ng mga akademiko mula sa Philippine Review of Economics noong 2017 ay

lumilitaw na mayroong direktang pagkakaroon ng maraming legislative political dynasty incidence. Partikular na tinukoy ng mga naturang ang Quezon City bilang LGU sa pinakamataas na political dynasty nakapagtala ng 281 puntos Taguig City naman ay nagkamit at mahalagang mabatid na ang mayroong anim na legislative district Taguig City naman ay mayroong

Bukod-tangi ang magiging 2025 sa Taguig City sapagkat maliban unang eleksyon na boboto ang mula sa sampung barangay Barrio (EMBO) ng mga kandidato posisyon sa lokal na pamahalaan ay sagana sa dinastiyang politikal lungsod kahit pa dalawa lang district nito.

Maliban pa rito, ang mga maglalaban-laban sa mga executive at legislative City ay kabilang sa mga kasalukuyan dinastiyang politikal at ito ay ang

Jomar Benjamin
Reinhardt Costumbrado

Opinyon

kalaswaan

sexual harassment at online sexual harassment.

sa Section 21 Article Spaces Act ang pagbuo sa Committee on Decorum (CODI) na magsisilbing mekanismong hahawak sa mga sa gender-based sexual online sexual harassment.

Section 22 Article V ng ang mga school head principal sa mga public hawak ng Department of (DepEd) ay mayroong silang bumuo ng CODI sa antas. sa Section 24 Article Spaces Act ay bibigyan ng disiplina ayon sa school mga polisiyang may guidance counseling ang mapapatunayang gumawa sexual harassment harassment sa kapwa pansin sa akin na kahit Safe Spaces Act ang mga isang institusyong pangng SVNHS ay wala pa officer-in-charge na tututok gender-based sexual online sexual harassment mangyari sa loob ng naturang

ko si Ricky Angcos, ang pangulo ng SVNHS Faculty naging pagpapatupad ng pampaaralang antas at at lungkot ang aking niyang kumpirmahin paaralan ay wala pang at itinatalagang officermaghahawak ng kasong kinalaman sa gender-based

direktang kinalaman ang legislative district sa naturang akademiko sa NCR na mayroong dynasty incidence na samantalang ang nagkamit ng 24 puntos ang Quezon City ay district habang ang mayroong dalawa. halalan ngayong maliban sa magiging ang mga mamamayan ng Enlisted Men’s kandidato para sa mga pamahalaan ng naturang LGU politikal ang naturang lang ang legislative

Partikular na pinunto ni Angcos ang kawalan ng implementing rules and regulations (IRR) ng Safe Spaces Act mula sa DepEd na siyang magbibigay mandato sa mga pampublikong paaralan na bumalangkas ng CODI at magtatalaga ng officer-in-charge, kapwa mahalaga para maitaguyod ang institusyonal na mekanismong kinakailangan upang matugunan ang mga reklamo kaugnay sa gender-based sexual harassment at online sexual harassment.Sa kabila nito, tinukoy ni Angcos ang Child Protection Committee ng SVNHS bilang kasalukuyang mekanismong tutugon sa mga kaso kaugnay sa gender-based sexual harassment at online sexual harassment.

Ang naturang komite ay binubuo ng mga sumusunod na pampaaralang stakeholder at ito ay ang Principal, Faculty Club, Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Guidance Office, Parents Teachers Association (PTA) na bumabalangkas at nagpapatupad ng mga polisiyang magtitiyak na ang SVNHS ay isang safe space para sa mga estudyante at mga guro.

Gayunpaman, ang kawalan ng IRR ng Safe Spaces Act mula sa DepEd ay malinaw na nagiging hadlang upang maging opisyal ang mekanismong inilatag ng nasabing batas sa pampaaralang antas at ang mga biktima ng genderbased sexual harassment at online sexual harassment ay mananatiling nakakubli sa madilim na yungib na puno ng panganib. Ang pagpapangalan ng mga section sa SVNHS ay mayroong mabuting layunin kung ito ay susuriin subalit kung ang pangalan ng mga kapitalistang na mayroong madugong kasaysayan ang gagamitin ay hindi lamang ito kontradiksyon sa hangarin ng mga gurong iwasto ang kultura ng pagtatangi ayon sa ayos ng alpabeto kundi ito ay isang huwad na paggawad at malasadong pagbabago.

REKURSO

Huwad na paggawad

Pangalan ang isa sa mga unang batayan ng pagkakakilanlan ng isang tao at kadalasang nakakabit sa pagpaparangal sa isang indibidwal na nagkaroon ng positibong kontribusyon sa lipunan ang pagpapangalan ng mga lugar, paaralan, at maging ang mga section o pangkat sa loob ng paaralan katulad ng naganap sa Signal Village National High School (SVNHS). isang malaking kabalintunaan ang pagpapangalan sa ilang mga pangkat ng senior high school ng nasabing paaralan sa mga kapitalista gaya ni Jeff Bezos, Elon Musk, Mark Zuckerberg, at Henry Sy.

Layunin umano ng naturang reporma ang iwasto ang kinagisnang kultura ng pagtatangi na nakakabit sa alpabetical na section ngunit malinaw na kontradiksyon ang mga pangalang pinili sapagkat ang mga naturang kapitalista ay may kasaysayan ng pagabuso sa karapatan ng mga manggagawa, pagiging huwad sa pagbabayad ng buwis, at pagkasira ng saribuhay sa mga Global South na bansa dulot ng mataas na demand sa mga likas na yamang ginagamit katulad ng cobalt, lithium, copper, zinc, nickel at marami pang iba.

Pagdating sa pagbalasubas sa karapatan ng mga manggagawa, si Jeff Bezos na kasalukuyang executive chairman ng Amazon ay kilala hindi lamang sa pagiging bilyonaryo kundi maging sa pagiging union buster matapos supilin ang karapatan ng mga manggagawa sa Amazon na bumuo ng unyon at magkaroon ng collective bargaining agreement (CBA).

Habang isinusulat ang artikulong ito, si Elon Musk na kasalukuyang may-ari ng Tesla, SpaceX, at X na dating Twitter ay itinalaga ni kasalukuyang US President Donald Trump bilang direktor ng Department of Government Efficiency na responsable sa illegal na pag-access sa confidential database na mayroong kinalaman sa Social Security, Medicare, at Medicaid ng mga Amerikano.

sa munting kamay ng mga batang biktima ng child labor, malinaw na mayroong legal na pananagutan si Musk kung tutukuyin ang supply chain ng mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga electric vehicles (EVs) ng Tesla.

Sa kabilang banda, si Mark Zuckerberg na may-ari ng Meta ay nasasangkot sa kontrobersiya kaugnay sa mga pinsalang idinulot ng Facebook sa mga demokrasya sa Global South katulad ng Pilipinas, Myanmar, at maging sa Estados Unidos matapos pumutok ang isyu ng Cambridge Analytica na kung saan ay iligal na ginamit ang mga personal na datos ng halos 50 milyong Facebook users na hawak ng nasabing social media platform para sa politikal na gawain katulad ng eleksyon.

Isa sa mga nakinabang sa mapaminsalang ugnayan ng Facebook at Cambridge Analytica ay si kasalukuyang pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na kung saan ay matagumpay na nakapagsagawa ng “rebranding” ang pamilyang Marcos na siyang nagbigay-daan upang matagumpay na makabalik sa Malacañang ang naturang pamilya noong 2022.

Bukod pa rito, naging lunsaran ng misinpormasyon at disinpormasyon ang Facebook at malinaw na naging manipestasyon ito noong halalan 2022 dahil sa kaliwa’t kanang black propaganda na idinikit sa pagkatao ni dating Vice President Leni Robredo, tunay na bigong matugunan ng Meta ni Zuckerberg ang pagliyab ng pinsala sa mga liberal na demokrasya sa Global South.

Panghuli sa mga kapitalistang pinangalan para sa mga section ng senior high school sa SVNHS ay si Henry Sy na nagtatag ng SM at kilala ang naturang kompaniya sa kontraktwalisasyon ng mga manggagawa na kwalipikado na para sa regularisasyon.

Ang mga pinsalang idinulot ng kontraktwalisasyon sa pangmatagalang ekonomikong pag-unlad ng mga manggagawa ng SM ay patuloy na nagiging pasakit hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa pagkamit ng isang makataong karapatan sa paggawa.

ginagamit

Maliban pa rito, ang pagkiling ni Musk tungo sa far right na pulitika katulad ng suportang kaniyang ibinigay sa kandidatura ng Trump, ang tahasang pagsuporta niya sa Alternative for Germany (AfD), at ang kaniyang Roman salute na saludong ginagamit noon sa Nazi Germany ay lubhang nakababahala para sa isang bilyonaryong nnagmamay-ari ng X (dating Twitter) na mayroong milyon-milyong users sa buong mundo.

Tinukoy naman ng Investor Advocates for Social Justice noong 2020 ang kompaniya ni Musk na Tesla bilang bumibili ng naminang cobalt mula sa Democratic Republic of Congo na ginagamit sa paggawa ng lithium batteries at 20% sa mga naminang cobalt mula sa naturang bansa ay nagmula

Mayroong mga Pilipinong positibo ang naging ambag sa larangan ng accountancy, humanities, science and technology, at information and communications technology ang mas karapat-dapat ipangalan sa mga section ng SVNHS.

Ang pagpapangalan ng mga section sa SVNHS ay mayroong mabuting layunin kung ito ay susuriin subalit kung ang pangalan ng mga kapitalistang na mayroong madugong kasaysayan ang gagamitin ay hindi lamang ito kontradiksyon sa hangarin ng mga gurong iwasto ang kultura ng pagtatangi ayon sa ayos ng alpabeto kundi ito ay isang huwad na paggawad at malasadong pagbabago.

Matapos ang halalan noong 2022 ay dalawang Cayetano na sina Senador Allan Cayetano at Senador Pia Cayetano ay naging bahagi ng kasalukuyang 19th Congress samantalang si Mayor Lani Cayetano naman ay muling nagbalik bilang alkalde ng Taguig City para sa isang panibagong termino matapos ang kaniyang pagiging kinatawan ng Second Congressional District ng nasabing lungsod ngunit pagkandidato ni dating Taguig City Mayor Lino Cayetano bilang District Representative para sa First Congressional District ng TaguigPateros at kalaban ni kasalukuyang Rep. Ricardo “Ading” Cruz ay isang nakababahalang indikasyon kung ang pag-uusapan ay ang checks and balance ng isang demokrasya.

Kung magkataon na manalo sa pagiging kongresista si Lino Cayetano ay aabot na sa apat ang mga Cayetano na nasa pamahalaan, ito ay kahit pa nasa oposisyon ang naturang politiko at maituturing nang isang “obese” na dinastiyang politikal ang nabanggit na political family ito ay

maglalaban-laban para positions sa Taguig kasalukuyan at dating ang mga Cayetano, Cerafica, at Zamora na kapwa nagpapalawak ng kanilang kabig sa mga nabanggit na halal na posisyon sa pamahalaan.

kung pagbabatayan ang naging pagsusuri ni Julio Teehankee kaugnay sa mga political dynasties na nagiging “obese” kapag umabot na sa apat o higpit pa ang magkakamag-anak na sabay-sabay nanunungkulan sa pamahalaan.

Hindi lamang ang mga Cayetano ang maituturing na dinastiyang pulitikal sa Taguig City sapagkat maging ang mga Zamora mula sa San Juan City ay mayroong kabig sa Second Congressional District ng nabanggit na lungsod matapos manalo ni Rep. Pammy Zamora noong halalan 2022 at aabot na sa tatlo ang mga Zamora na nasa kapangyarihan.

Sa kabilang banda, ang mga Cerafica na tumatakbo sa mga posisyon ng Mayor at Vice Mayor ng Taguig City gayundin ang First District Representative ng Taguig-Pateros at kahit wala pa sa posisyon ang mga Cerafica ay lantad na ang kanilang hangaring bumuo ng isang dinastiyang politikal.

Ang pagkakaroon ng mga dinastiyang politikal sa pamahalaan mapa-pambansa man o mapa-lokal ay malinaw na nagpapahina sa isang malusog na demokrasya dahil ang checks and balances ang unang nawawala kapag magkakamag-anak na

ang mga nakaupo sa mga posisyong nakadisenyo upang matiyak na naayon sa saligang batas ang bawat polisiyang ipinatutupad at binabalangkas ng pamahalaan.

Higit sa lahat, ang mga mamamayan ang matinding tinatamaan ng pagkakaroon ng dinastiyang politikal sa pamahalaan sapagkat ang kanilang espayong politikal sa isang representative democracy ang dahan-dahang sinusupil.

Mananatili pa rin sa habi ng sistemang politikal ang mga political dynasties lalo pa’t wala pa namang batas ang naglilimita sa hangganan ng “consanguinity and affinity” o antas ng pagiging magkamag-anak na papahintulutan sa pamahalaan. Mahalaga para sa isang malusog na demokrasya ang pananaig ng partido imbes na mga dinastiyang politikal at sa darating na halalan 2025 sa Taguig City ay kapwa mayroong bahid ng political dynasties ang mga kandidatong nakalagay sa balota subalit nasa indibidwal na pagpapasiya ng mga botanteng Taguigeño kung ang political dynasty na kanilang iboboto ay maghahatid ng polisiyang may kinalaman sa positibong pag-unlad naturang lungsod.

itinalagang evacuation center. Dahil dito, marami ang napipilitang sumilong sa pansamantalang tirahan tuwing may sakuna.

Upang tugunan ang problemang ito, naghain ng mga panukalang batas ang mga mambabatas upang magtayo ng evacuation center sa bawat barangay sa Pilipinas. Ang pinakabago rito ay ang Senate Bill No. 2451, bilang kapalit ng Senate Bills 193, 940, 1200, 1652, 2085, at 2143. Gayunman, nahaharap ito sa mga hadlang sa institusyon at pananalapi, na pumipigil sa ganap nitong pagsasabatas.

Kakulangan sa Silungan

Ayon sa datos ng OCD, tanging 1,109 evacuation center lamang ang maaaring magbigay ng matitirhan sa mga biktima ng sakuna sa rehiyon ng Metro Manila. Karamihan sa mga pansamantalang silungan na ito ay mga paaralan at tanggapan ng gobyerno. Ang mga nakalaang evacuation center ay bumubuo lamang ng maliit na bahagi ng kabuuang bilang ng mga pasilidad. Ang kakulangan ng evacuation center ay pinalalala pa ng mababang absorptive capacity (AC) ng mga ito, kaya’t mahirap nitong mapagkasya ang malaking populasyon sa bawat lalawigan. Ayon sa datos ng OCD, lahat ng evacuation center sa Metro Manila ay may napakaliit na AC kung ihahambing sa populasyon ng kani-kanilang lalawigan (tingnan ang infographics 1).

Halimbawa nito ang kabisera ng Metro Manila na City of Manila kung saan 498 katao ang kailangan magsiksikan sa espasyong nakalaan sa iisang indibidwal para lamang mapagkasya ang populasyon ng Manila sa harap ng sakuna.

Upang ma-accommodate ang buong populasyon ng 16 na lalawigan sa mga evacuation center na ito, kailangan namang magsiksikan ang 48 katao sa isang espasyong dinisenyo lamang para sa isa. Ang mga lalawigang nasa tabing-dagat, na mas mataas ang tyansa ng pagbaha sa oras ng bagyo, tulad ng Navotas na may kaunting bilang lamang ng mga evacuation center (tingnan ang infographics 2).

Ayon sa International Society of Photogrammetry and Remote Sensing (ISPRS), dagok sa mga lungsod at mga sangay ng pamahalaan ang hindi kumpletong bilang ng mga evacuation center sa Metro Manila kaya’t hindi madaling tukuyin ang bilang ng na maaaring gamitin sa oras ng kalamidad.

Istruktural na Paghihigpit

Dagdag na pahirap sa kakulangan sa evacuation center ang 15-araw na limitasyon na ipinataw ni dating Kalihim ng Edukasyon at Bise Presidente Sara Duterte sa paggamit ng mga paaralan bilang silungan ng mga evacuee tuwing may kalamidad. Ang nonpermanent status ng pasilidad tulad ng mga paaralan ay nagdudulot pa ng mas limitadong espasyo para sa mga evacuee sa rehiyon kaysa sa inaasahan.

“Tayo ay nagbigay na rin ng posisyon na sana ay talagang hindi na magamit ang ating mga paaralan bilang evacuation centers dahil nga talagang hindi maiiwasan minsan na tumatagal ang stay at nagha-hamper talaga, nagkakaroon talaga ng learning disruption,” ayon kay exDepEd spokesperson Michael Poa sa isang panayam sa Super Radyo dzBB.

Isa sa mga regulasyon na naglilimita sa paggamit ng mga paaralan bilang evacuation center ay ang Children’s Emergency Relief and Protection Act, na tahasang nagsasaad na ang mga gusali ng paaralan ay dapat gamitin lamang bilang pansamantalang silungan sa loob ng 15 araw, at ang mga klasrum ay ang huling pasilidad na pupunuin tuwing may kalamidad.

Ang pananaw na ito ay muling inulit ni DepEd Undersecretary for Governance and Field Operations Revsee Escobedo sa deliberasyon ng budget ng departamento, na nagbigay ng instruksyon sa mga lokal

Kulang na Kanlungan

Ang Kapos na Estado ng Evacuation

Infographics 1

Population-capacity ratio ng mga evacuation center sa Metro Manila

Sanggunian: Office of the Civil Defense at Philippine Statistics Authority

na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang direktiba at huwag payagan ang mga evacuee na manatili ng higit sa tatlong araw.

Bagamat maganda ito sa papel, ang kakulangan pa rin ng mga itinalagang evacuation center ay nagiging sanhi upang magamit pa rin ng mga lokal na pamahalaan ang mga pasilidad ng paaralan tuwing may sakuna at emergency.

Maraming mambabatas na ang nagtaguyod ng isang batas na mag-uutos ng pagtatayo ng mga itinalagang evacuation center sa bawat isa sa 149 na lungsod sa bansa, ngunit wala pang batas na naipasa mula nang manalasa ang Yolanda noong 2013.

Ang kakulangan sa mga batas na nag-uutos ng pagtatayo ng evacuation center sa lahat ng lungsod ay isa sa mga dahilan

Valenzuela City Walang datos

Navotas City 2,000 katao

City of Manila 3,700 katao

ng pagsisiksikan sa 28,083 evacuation center na available sa bansa noong 2019, ayon sa isang ulat ng PhilStar.com.

Sa Metro Manila, limang evacuation center lamang ang nakalaan, kaya’t umaasa sila sa mga pasilidad ng paaralan at gobyerno, pati na rin sa mga covered courts upang matugunan ang mataas na bilang ng mga evacuee (tingnan ang infographics 3).

Isang pag-aaral noong 2023 ang nagsiwalat na higit sa 45 porsyento ng evacuation centers sa Metro Manila ay nasa mga flood-prone areas habang ang 12 porsyento ay nasa loob ng 1-km buffer zone ng West Valley Fault.

‘’EC-to-population ratios were calculated for each of the 16 cities and one municipality of Metro Manila. Values range

Sherri Mae Fernandez

Caloocan City 14,354 katao

Pasay City 17,530 katao

Parañaque City Walang datos

Las Piñas City 30,069 katao

Infographics 2

Kabuuang absorptive capacity ng lahat ng evacuation centers kada lungsod sa NCR

Sanggunian: Office of the Civil Defense

Dibuho ni Kevin Jamela

Kanlungan

Evacuation Centers sa Kamaynilaan

from ~3,000 to 81,000 persons per EC. Distance analysis using Thiessen Polygon shows that the ECs are not evenly distributed with proximity areas ranging from 0.0009 to 9.5 km2. Out of the total number of mapped ECs, 392 (45%) are situated in floodprone areas while 108 (12%) are within the 1-km buffer hazard zone of an active faultline,” mula sa ISPRS.

Wala ring orihinal na estruktura ng disenyo para sa evacuation centers at pawang mga public school buildings, covered basketball courts and public gymnasiums lamang ang nagsisilbing evacuation centers. Kaya’t ang mga lokasyon ng mga evacuation centers na ito ay hindi batay sa mga salik na may kinalaman sa disaster risk reduction at management, kundi sa halip ay nakasalalay sa lokasyon ng mga umiiral na pasilidad.

Kakulangan sa Pondo

Sa lokal na antas, patuloy na nahaharap sa malaking hadlang ang pagtatayo ng mga bagong evacuation facility upang mabawasan ang pinsala at

Ang pagtatayo ng mga itinalagang evacuation center ay nananatiling hamon dahil hirap ang gobyerno na maipasa ang mga batas na maglalaan ng sapat na pondo para sa mga proyektong ito. Ayon sa think-tank na Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD), mabagal pa rin ang proseso ng gobyerno sa pagpapasa ng batas na popondohan ang tinatayang P33 bilyong halaga upang makapagpatayo ng sapat na evacuation center sa bawat lungsod sa bansa.

Kahit pa may nakalaang pondo, ang mga suliraning burukratiko— tulad ng mababang absorptive capacity ng Department of Public Works and Highways (DPWH), o ang kakayahan nitong magamit nang buo ang badyet nito—ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa pagpapatupad ng naturang batas.

Ayon sa pagtataya ng CPBRD, aabutin ng P64.8 milyon ang pagtatayo ng isang evacuation center sa bawat lungsod. Sa labinganim na lungsod sa rehiyon, kakailanganin ang P1.0368 bilyon upang maisakatuparan ito.

Habang patuloy na nahihirapan ang Metro Manila sa kakulangan ng evacuation center isang dekada matapos ang Yolanda, nananatiling seryosong usapin ang pagiging bulnerable ng rehiyon sa mga sakuna. Ang kakulangan ng mga itinalagang pasilidad, kasama ang mga hamon sa pondo at burukrasya, ay nagpapakita ng agarang pangangailangan para sa komprehensibong batas at epektibong pagpapatupad upang maprotektahan ang buhay ng mga nasa calamity-prone na lugar.

Infographics 3

Bilang ng evacuation centers sa bawat lungsod ayon sa klasipikasyon ng pasilidad at establisyemento

Sanggunian: Office of the Civil Defense

TATAG PARA SA KOMUNIDAD.

Bitbit ang isang balde ng lupa, personal na isinagawa ni Ate Jing ang pagsasaayos ng maputik at baku-bakong daan sa Sitio Maysapang, Ususan, Taguig City—isang malinaw na pagpapakita ng kanyang dedikasyon sa kapakanan ng kanyang mga ka-sitio. Sa kabila ng tila pagkakalimot ng lokal na pamahalaan sa kanilang lugar, ipinapakita niya na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasa salita kundi sa konkretong aksyon para sa mas maayos at ligtas na pamumuhay ng bawat residente.

ADBOKASIYA.

Bilang kandidato sa pagkakonsehal ng District 1 sa Taguig, ipinakita ni Ate Jing ang kanyang plataporma, kabilang ang “Bahay ay Buhay”— isang programang naglalayong tiyakin ang abot-kayang pabahay, proteksyon laban sa demolisyon, at maayos na relokasyon, dahil mismo nilang nararanasan ang sapilitang pagpapaalis sa kanilang tahanan, na sumasalamin sa pagkakaila sa kanila ng karapatan sa maayos na pamumuhay.

GABRIELA SILANG NG MAYSAPANG

Kuha nina Lexter Occena at Athena Alcoran

Sa loob ng isang buong araw, sinundan ng aming publikasyon si Girlie ‘Ate Jing’ Delos Santos upang tunghayan ang kanyang araw-araw na pamumuhay— isang buhay na hindi lamang umiikot sa sariling pangangailangan, kundi sa kolektibong laban ng kaniyang komunidad. Sa bawat bitak ng pader na sinulatan ng panawagang “Tulong, ‘di demolisyon!”, umaalingawngaw ang sigaw ng isang pamayanang matagal nang nais mapakinggan. Hindi siya isang lider na dumadalaw lamang tuwing kampanya; siya mismo ang nasa unahan ng laban, inilalatag ang platapormang “Bahay ay Buhay” upang tiyakin na walang pamilyang mapagkakaitan ng tahanan, walang residente ang itutulak sa kawalan, at walang mamamayan ang mawawalan ng boses sa sarili nilang komunidad. Hindi natatapos sa pananalita ang kanyang paglilingkod. Sa simpleng kilos ng pagbuhat ng isang balde ng lupa, sinimulan niyang tapalan ang baku-bakong daan sa Maysapang, isang simbolo ng kanyang pangakong hindi siya maghihintay ng aksyon mula sa iba—siya mismo ang kikilos para sa kanyang mga ka-sitio. Tulad ni Gabriela Silang, isinusulong niya ang isang rebolusyon—hindi ng armas, kundi ng pagkakaisa, tapang, at paninindigan upang matamo ang isang kinabukasang may dignidad at hustisya para sa lahat.

PANAWAGAN NG MARALITANG TAGALUNGSOD.

Sa gitna ng lumalalang banta ng demolisyon sa mga informal settler, matapang na ipinapahayag ni Ate Jing ang kanyang paninindigan: “Tulong, ‘di demolisyon.” Isinulat sa pader ang panawagang ito, sumasalamin sa kaniyang adyenda na bigyang boses ang mga maralitang tagalungsod na patuloy na hinaharap ang banta ng sapilitang pagpapaalis.

DAAN SA PAGBABAGO.

Hinikayat ni Ate Jing ang kanyang mga kasitio na suportahan ang kanyang kandidatura bilang konsehal, bilang hakbang sa paglaban para sa kanilang karapatan sa paninirahan. Isinusulong niya ang seguridad sa tirahan, disenteng kabuhayan, at isang komunidad na malaya at may pantay na oportunidad para sa lahat.

Lathalain

“Sa pamantasan tumutubo ang malay, sa kabukiran tumutubo ang palay. Palay na naging bigas, sining na naging armas.”

Ang himig ni Oriang ay nagsisilbing tinig ng mga isyu ng mga makabagong bayani ng lipunang patuloy na sumisikil sa kanilang artistikong pagpapahayag. Kasabay ng kaniyang pagtugtog, ang pagsiwalat ng katotohanang natatago sa samu’t saring kuro-kuro at bersiyon ng mga istorya.

Si Gregoria de Jesus ay isa sa mga pangunahing tauhan ng rebolusyonaryong Pilipino na nagsilbing record keeper sa Katipunan. Malaking papel ang kaniyang ginampanan sa pagpapanatili ng kasaysayan ng kilusan. Ang kaniyang kwento ng tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan ang nagsilbing inspirasyon sa album na pinangalanang “Oriang,” na sumasalamin sa mga hamon at adhikain ng mga makabagong mandirigma ng sining.

pagsisikap na ipaglaban ang karapatan sa disenteng sahod, mga katutubong inagawan ng lupang pamana ng kanilang mga ninuno, at mga estudyanteng hindi natakot bumoses laban sa pang-aabuso ng gobyerno.

Istilo ng kanta

Ang mga kanta sa album ay inawit ng lead singer na si Tao Aves at nilapatan naman ng malumanay na tunog ng beatmaker na si Calix na parehong labinlimang taon na sa industriya. Binubuo naman nina Camoi Miraflor, Aki Merced, Bea Fabros, at Geela Garcia ang samahan ng mga batikang manunulat ng Oriang. Kabilang din dito si Emman Acosta na anak ng mga aktibistang sina Ericson Acosta at Kerima Tariman na parehong pinatay ng pwersa ng estado.

Kamakailan lamang, nitong Setyembre, sila ay naglabas ng 12-track album bilang pagkilala sa labindalawang kontemporaryong bayani ng Pilipinas. Ang kanilang mga awitin ay naglalaman ng iba’t ibang personal na istorya ng mga indibidwal na lumaban para sa kalayaan at karapatan. Kalakip din nito ang mga kaganapan na nangyayari sa marginalisadong sektor ng lipunan. Isa sa mga tampok na personalidad sa album ay si Ericson Acosta, isang makata, musikero, mamamahayag,

Pinaghalong malumanay na boses ni Aves at matalim na liriko ang bumubuo sa mga awitin ng album. Ginamit nila ni Calix ang kanilang istilo na may simpleng tunog ngunit may malalim na mensahe. Ang tinig ni Aves ay kalmado at emosyonal, habang ang beats ni Calix ay may halong modernong tunog na nagbibigay ng mas matinding dating sa kanta. Ang ilan sa mga awitin ay tila tula na nilapatan ng musika, habang ang iba ay may rap o mala-dokumentaryong pagsasalaysay.

Sa madaling salita, ang Oriang ay hindi lamang pangkaraniwang album, ito ay isang musikal na testamento ng paglaban at pag-alala, na gumagamit ng ritmo at liriko upang isiwalat ang mga nakukubling istorya ng mga bayani ng bansa.

Ritmo ng katotohanan

Nagsimula ang banda sa paglabas ng unang tatlong

awitin noong Abril 2022 na pinamagatang “Amanda,” “Kerima,” at “Chad” sa tulong ng Innovation for Change ng East Asia’s Libraries of Resistance grant. Para sa proyektong ito, naglalayon ang mga kanta na kilalanin ang tatlong aktibistang Pilipino na nagsilbing bayani sa lipunan. Si Amanda, isang organizer ng mga kababaihang magsasaka na kasalukuyang nakakulong dahil sa mga maling paratang sa Cagayan; si Kerima Teriman, asawa ni Ericson Acosta, na isang makata at rebolusyonaryo na pinatay ng pwersa ng estado sa Negros Occidental; at si Chad Booc, isang guro ng matematika at agham sa mga kabataan ng Lumad na pinatay rin ng pwersa ng estado sa Davao de Oro.

Naging batayan ng malikhaing proseso sa pagbuo ng album ang pagsasaliksik at pakikinayam sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng mga nasawing kontemporaryong bayani. Dagdag pa rito ang tulong ng talakayang pinangunahan ng Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo at Concerned Artists of the Philippines upang palakasin ang kultura at sining pakanta sa Pilipinas na nagsisilbing repleksyon ng kasaysayan at katotohanan.

“Di man makasalag, ang bala’y walang talab sa bayang nag-aalab.”

Hindi lamang koleksyon ng mga awitin ang album na Oriang. Isa itong pagsasalaysay ng mga pinagtagpitagping istoryang hindi nabibigyang pansin ng madla. Ito ay pagpupugay sa tapang ng mga patuloy na lumalaban, panawagan sa mga nakikinig na hindi dapat manahimik, at boses ng mamamayan laban sa hindi makatarungang sistema. Higit sa lahat, isang paalala na ang musika ay maaaring maging makapangyarihang sandata sa paglaban para sa katotohanan at hustisya. Bawat awit ay may mensaheng nais ipahiwatig na silang instrumento tungo sa kalayaan na pilit na hinahadlangan sa sariling bayan.

Rebyu at Sanaysay ng Larawan
Flairlleyth De Leon
Dibuho ni Kevin Jamela

AT BUHAYAN AT BUHAYAN AT BUHAYAN

mula sa pahina 1 22, napagkasunduang US$300 bilyon ang lilikumin taun-taon hanggang 2035 na manggagaling sa mga pribado at pampublikong korporasyon at mayayamang bansang o “developed countries” na nagpagpapalala sa climate change sa kasalukuyan gaya ng Estados Unidos, Germany, France, at United Kingdom. Gagamitin ito sa iba’t ibang proyekto bilang tugon sa mga epekto ng climate change

kabilang sa layunin ng COP29 na limitahan sa 1.5°C ang global warming. Ang naging usapang ito ay lubusang pinanghinayangan ng mga climate activists. Kabilang sa nagpahayag ng kanilang pagbatikos at panghihinayang ay si Chandni Raina, tagapayo ng Department of Economic Affairs sa India. Ayon sa kaniya, lubos siyang nanghinayang sa naging kinalabasan ng usapan at ang hindi pakikipagtulungan ng mga developed countries na punan ang kanilang mga

responsibilidad.

“We are disappointed with the outcome, which clearly brings out the unwillingness of developed country parties to fulfil their responsibilities”, paglalahad niya.

Mekanismong nananawagan

Ang NCQG ay ang balangkas na naglalatag ng pondong ipinapanawagan ng developing countries na babayaran tauntaon ng mga developed countries.

Ayon sa dokumento ng Loss and Damage Collaboration, isang samahan ng mga bansa at grupo na nagsusulong ng pondo para sa Loss and Damage. Ito ay nasa porma ng mga bago, karagdagan, “predictable,” at sapat na grant, sa halip na utang o loan.

Batay naman sa Youth Advocates for Climate

Action Philippines (YACAP) noong 2024, ang NCQG ay isang mekanismo upang tiyakin na may pagkakaisa at koordinasyon sa pandaigdigang antas para sa pagtugon sa mga hamon ng climate change. Kasama rito ang mga usapin ng transparency, tamang distribusyon ng pondo, at pagkilala sa pangangailangan ng mga pinakaapektado.

Dagdag pa ng grupo, mahalaga ang NCQG para sa loss and damage funds dahil ito ang magtatakda ng malinaw na target sa internasyunal na pondo para sa mga bansang apektado ng climate change. Sa pamamagitan nito, masisiguro na sapat ang mga pondong nakalaan para sa mga bansa, lalo na ang mga mahihirap at mas mahina sa epekto ng pagbabago ng klima, upang makabangon mula sa mga pinsalang dulot nito.

Salaping paglalaanan

Sa kabila ng pondong hindi sapat sa iilan, popondohan

ng US$300 bilyong ito ang climate funds tulad ng Loss and Damage Funds, Adaptation Funds, Green Climate Funds, Special Climate Change Funds, at Least Developed Countries Funds na tumutugon sa iba’t ibang suliranin at konteksto ng mga bansa sa mundo. Sa konteksto ng Loss and Damage Fund, kung saan Pilipinas ang host ng Board of Funds, ang pondo na malilikom ay gagamitin para sa pagsasaayos ng mga nasira at nawalang ari-arian dahil sa mga kalamidad na pinalalala ng climate change. Ang “loss and damage fund” ay maaaring gamitin para sa rehabilitasyon ng mga komunidad na nasalanta ng matitinding bagyo, baha, o tagtuyot; sa muling pagtatayo ng mga nasirang imprastruktura tulad ng mga tulay, paaralan, at ospital; at sa pagsuporta sa mga kabuhayan ng mga taong nawalan ng ari-arian at pinagkukunan ng kita. Ang pondo ay nakalaan para sa mga bansang pinakaapektado ng climate change, partikular ang mga mahihirap at maliliit na isla na hirap makabangon mula sa pinsala. Maging ang mga lokal na pamahalaan at komunidad ay pwedeng makinabang dito, lalo na kung ang layunin ay masigurong mas handa sila sa hinaharap na sakuna. Batay sa Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD), mayroon lamang US$731 milyon na nakalagak sa Loss and Damage Fund na kalakhan ay “undelivered pledges” o mga pangakong pondo ngunit hindi pa pormal na naibibigay o naisasakatuparan. Malayo ito sa US$447 hanggang US$894 bilyong na tinatayang taunang mawawala sa mga “developing

countries” hanggang sa 2030. Kaya gayon na lamang ang naging pagtutol ng mga bansang kabilang sa Global South na iginigiit na hindi sapat ang US$300 bilyon para masugpo ang mga epekto ng climate change at mapigilan ang paglubha ng global warming. Ayon naman sa YACAP, mas magiging epektibo ang loss and damage funds sa pagtulong sa mga komunidad na muling bumangon, makapaghanda, at maiwasan ang mas malalaking pinsala sa hinaharap kung ang target na pondo ng NCQG ay maisasakatuparan.

Kung kaya’t ang kabiguan ng NCQG sa pagtataguyod ng nasabing target na pondo ay may malaking kawalan para sa loss and damage funds at iba pang mga pondong susuportahan nito.

Pinsalang pilit na ibinabangon

Ang krisis sa klima ay hindi na lamang hamon ng kinabukasan—ito ay narito na at nararamdaman natin ngayon. Sa gitna ng lumalalang epekto ng climate change, napakahalaga ng pagkilos upang masigurong may sapat na pondo at suporta para sa mga bansang nangangailangan, lalo na ang mga papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas.

Ang pagtatakda ng US$300 bilyong pondo ay isang mahalagang hakbang, ngunit hindi ito sapat upang tugunan ang lawak ng pinsalang idinudulot ng mga sakuna. Para sa YACAP, marapat na ipaglaban ang mas mataas na target sa pamamagitan ng NCQG—isang balangkas na nagtitiyak ng mas maayos, sapat, at naaakmang pondo para sa mga naapektuhan ng climate change.

NTALAS NG SARILING DILA

itong 2024, inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang plano nitong tanggalin ang asignaturang Mother TongueBased Multilingual Education (MTB-MLE) mula sa Matatag curriculum. Bagama’t ipinapaliwanag ng gobyerno na ito ay bahagi ito ng proseso at pagtutok sa mas mahahalagang asignatura, ang hakbang na ito ay lantarang naglalantad ng kakulangan ng pansin sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ang MTB-MLE ay ipinatupad upang mapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang unang wika bilang midyum ng pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ngunit sa bagong pagbabago sa curriculum, tinanggal ito bilang isang hiwalay na asignatura at isinama na lamang sa Filipino at Araling Panlipunan.

Ayon sa isang pag-aaral mula sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS, 2018), mas mabilis natututo ang mga bata sa agham at matematika kapag ginagamit nila ang kanilang unang wika. Kung aalisin ang MTB-MLE, hindi lamang ito magpapahirap sa pagkatuto ng mga mag-aaral kundi magdudulot din ito ng mas malaking problema sa siyensiya at edukasyon ng bansa. Sa agham, ang wika ay isang mahalagang instrumento upang madaling maipaliwanag ang mga komplikadong konsepto. Kung mahihirapan ang mga bata na unawain ang mismong wika ng pagtuturo, mas lalong magiging mahirap para sa kanila na maunawaan ang agham at teknolohiya.

Ang paggamit ng sariling wika sa pagkatuto ay hindi lamang tungkol sa pagpapadali ng pagtuturo, kundi tungkol din sa pagpapalalim ng pag-unawa sa kultura at pagkakakilanlan. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang lokal na wika

ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng kultura at nakakatulong sa pagpapalawak ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa maraming bansang may maunlad na sistema ng edukasyon tulad ng Japan, South Korea, at Germany, ang agham ay itinuturo gamit ang kanilang sariling wika. Dahil dito, nagawa nilang mapanatili ang lokal na terminolohiya sa agham at mas napalalim pa nila ang interes nito sa mga mag-aaral sa teknolohiya at inobasyon.

Kung nais nating maiangat ang lebel ng edukasyon sa bansa, dapat nating tiyakin na ang sistema ng edukasyon ay nakaangkla sa wika na naiintindihan ng nakararami. Sa halip na tanggalin ang MTBMLE, dapat itong palakasin upang gawing mas epektibo ang pagtuturo ng agham sa Pilipinas.

Ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng MTB-MLE mula 2013-2023 ay hindi dapat ituring bilang isang kabiguan ng programa mismo, kundi isang sintomas ng mas malalim na problema sa sistemang pangedukasyon—ang kakulangan sa pondo.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA, 2021), halos 70% ng mga Pilipino sa rural areas ay hindi matatas sa Ingles. Sa halip na palakasin ang implementasyon ng MTB-MLE sa pamamagitan ng mas maraming learning materials, storybooks, diksyunaryo, na naka angkla sa asignaturang agham, mas pinili ng DepEd na tanggalin ito nang buo, isang desisyong makakalikha ng language barrier sa mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ng PIDS (2019), ang Pilipinas ay may isa sa

pinakamababang scientific literacy sa ASEAN region. Isa sa mga dahilan nito ay ang hindi maituro ng maayos ang agham sa mga mag-aaral sa mga liblib na lugar sa bansa. Kapag tanging Ingles ang gamit sa pagtuturo ng agham, maraming estudyante ang hindi lamang nahihirapang intindihin ang konsepto kundi nawawalan din ng interes sa pagaaral nito. Sa ganitong sistema, nagiging eksklusibo ang agham para lamang sa mga urban na lugar o rural na lugar na kayang makaintindi ng Ingles, habang karamihan sa mga Pilipino ay patuloy na naitutulak sa gilid ng siyentipikong diskurso.

Sa pag-alis ng MTB-MLE, mas titindi ang language barrier, at mas magiging mahirap para sa mga guro at estudyante na magpaliwanag at unawain ang agham sa wikang mas pamilyar sa kanila. Sa halip na gawing bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan ang agham, muling ituturing itong isang banyagang larangan na para lamang sa iilan. Maraming pag-aaral mula sa UNESCO, PIDS, at KWF ang nagpapakita na mas epektibong natututo ang mga bata kung ang unang wika nila ang ginagamit sa pagtuturo, lalo na sa mga mahihirap na asignatura tulad ng agham at matematika. Kung tunay na layunin ng DepEd ang pagpapahusay ng edukasyon, bakit nila tinanggal ang isang patakarang suportado ng agham?

Ang pag-alis ng MTB-MLE ay isang hindi makatarungan at hindi makatuwirang desisyon. Hindi ito sagot sa problema ng edukasyon sa bansa kundi isang palpak na pagtatangkang takpan ang tunay na ugat ng krisis sa edukasyon—ang kakulangan sa pondo, mahinang implementasyon ng mga reporma, at ang patuloy na pagtalikod ng gobyerno sa siyentipikong ebidensya.

Kung nais nating magkaroon ng isang bansang may malalim na pangunawa sa agham at teknolohiya, kailangang tiyakin nating naiintindihan ng bawat Pilipino ang agham sa sarili nilang wika. Ang agham ay hindi dapat nakatali sa wikang dayuhan—ito ay dapat maging bahagi ng ating kultura at identidad bilang isang bansang mayaman sa talino at inobasyon.

Dibuho ni Kevin Jamela

Ipunla ang sustenableng agrikultura

Walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kagutumang sinabayan pa ng matinding pagbabago ng klima sa kasalukuyan, ito ang mga hagupit na patuloy na nararanasan ng bawat pamilyang Pilipino. Kung ating mapapansin, mabibilang na lamang sa ating mga daliri ang mga pangangailangang natutugunan ng bawat pamilyang nagdurusa sa mga pagbabagong ito. Gayunpaman, ang mga pangyayaring ito ay pilit binibigyang solusyon ng ilang mga organisasyon, mga samahang pilit binabangon ang karapatan ng mga magsasaka at itinataguyod ang maunlad na kalikasan at abot-kayang pagkain ng bawat pamilyang Pilipino.

“Isulong ang likas kayang pagsasaka”, sigaw ng mga aktibista sa pangunguna ng organisasyong “Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura” (MASIPAG) na nagtataguyod sa mga kasanayan ng agroecology at repormang agraryo. Kanilang ipinaglalaban at mithiing makamtan ang isang alternatibong solusyong may kinalaman sa punla, sakahan, at kabuhayan ng mga magsasaka. Alinsunod sa sistemang kanilang ipinaglalaban, ang pangunguna ng mga magsasaka sa pagsasagawa ng mga hakbang na batay sa kasanayan ng agroecology ay nagbibigay diin sa sustenableng agrikultura at soberanya sa pagkain.

May kasanayang isinasabuhay....

Sa kasalukuyan, nakapunla sa agroecology na mga kasanayan ang naging pagkilos ng organisasyong “MASIPAG” sa pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa sustenableng agrikultura.

Kabilang rin dito ang pagbawas sa paggamit ng mga kemikal na fertilizers na kilala bilang synthetic fertilizers at pesticides, pag-breed ng mga native rice plants tungo pagsasagawa ng organic cultivation method, at pagprotekta sa saribuhay o biodiversity ng bansa. Dulot ng mga hakbang na ito ay nakalilikha ng mga magagandang kalidad ng palay at iba pang mga pananim na kayang labanan ang mga peste, sakit, tagtuyot, at saltwater na makasisira dito.

May saribuhay ang binubuhay...

Isa sa mga

maituturing na pangunahing adhikain ng agroecology ang pagprotekta at pagtaguyod sa “biodiversity” ng bansa. Ayon sa Convention on Biological Diversity, ang Pilipinas ay kabilang sa 18 mega-biodiverse na mga bansa sa mundo at ito nasa ika-5 ranggo sa bilang ng mga uri ng halamang nabubuhay dito

Kung kaya’t, ilan sa binibigyang diin ng MASIPAG ang pagsuporta sa mga crop varieties, paggamit ng mga native species, at pagbawas sa paggamit ng mga kemikal na pesticides upang mas mapanatili ang malusog na ecosystems sa mga sakahan.

Sa paraang ito ay mas binibigyang diin ng MASIPAG ang aktibong pagpapanatili at palitan ng mga tradisyunal na mga punla na nakatutulong sa pagpreserba sa saribuhay at nakapag-uusbong ng katatagan sa mga kasanayan sa agrikultura.

May sikmurang napupunan...

Ilan din sa mga isyung maaaring maresolba ng agroecology ang matinding “food insecurity” sa Pilipinas. Ang food insecurity ay may marubdob na epekto sa mga mamamayan lalo na sa kanilang kalusugan na maaring mauwi sa malnutrisyon.

Ayon sa tala ng United Nation’s Children’s Fund, 95 na mga kabataan ang nasasawi araw-araw dulot ng malnutrisyon sa ating bansa samantalang 27 sa bawat 1000 bata ang hindi umaabot sa edad na lima dahil sila ay maagang binabawian ng buhay.

Binigyang-diin naman ng Social Weather Stations (SWS) ang kanilang ulat hinggil matinding hunger rate ng bansa. Lumabas na ang bilang ng mga tahanang nakararanas ng involuntary hunger ay pumalo sa 25.9%, pinakamataas simula nang magsimula ang pandemya.

Sa kabilang banda, ang hunger rate noong Disyembre 2024 ay mas mataas sa annual hunger rate noong nakaraang taon. Ito ay pumalo sa 10.7%, mas mababa kumpara ngayong taon na umabot sa 22.9%.

Kaya matindi ang pangangailangan ng mga mamamayan sa pagkain at makatutulong ang pagtataguyod ng agroecology sa bansa dahil mas

napauusbong ang produktibidad ng mga pagkain upang masolusyunan ang “food insecurity” ng bansa. Isang malaking halimbawa nito ay ang isinagawang programa ng MASIPAG na kung tawagin ay Diversified and Integrated Farming System (DIFS). Ayon sa MASIPAG, ito ay ang pamamaraan ng paggamit sa malaking bahagi ng kalupaan upang tamnan ng iba’t ibang mga pananim kasabay ng paghahayupan.

Tunay na malaking tulong ang DIFS upang mapakinabangan ang mga lupa at maani ang samu’t saring benepisyong hatid ng naturang pamamaraan sa pagtatanim kabilang na ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng sakahan bilang bahagi ng kabuuang ecosystem nito.

Binubuo ng pitong antas ang nasabing programa na kung saan ito ay may iba’t ibang pamamaraan ng pagkamit sa surplus o pagpaparami ng mga pananim at karne sa komunidad.

Partikular na tinukoy sa pangapat na antas ang sistemang rice at upland crops-based na pagsasaka na layuning nakapagbibigay suplay ng carbohydrates, protina at fiber na galing sa mga pananim, hayop, at nakatutugon sa mga pangangailangang nutrisyunal ng mga pamilya, na may dagdag na pananim tulad ng herbal bilang pagkukunan ng alternatibong gamot para sa pamilya kabilang na ang luya, luyang dilaw, at sambong.

Sa paraang ito, layunin ng MASIPAG na isulong ang isang malusog, matatag, at makatao na komunidad. Makakamit lamang ito kung ang isa o dalawang sakahan sa mga komunidad ay nagsasabuhay ng DIFS.

May pandaigdigang paninindigan..

Ayon sa United Nations, ang pagsuporta sa agroecology ay nakatindig sa Sustainable Development Goals (SDG) #2 na “End hunger, achieve food security and improved nutrition and promote sustainable agriculture” na layuning itaguyod ang sustenableng agrikultura at bigyang suporta ang mga magsasaka.

Dagdag pa ng United Nations, marapat na maging produktibo, bawasan ang paglikha ng mga patapon mula sa pagtatanim, taasan ang kita ng mga magsasaka sa paraan ng pagbibigay ng pantay na karapatan sa lupa, teknolohiya, at pamilihan, at pagiging sustenable sa sistema ng produksyon sa pagkain at katatagan sa mga kasanayang agrikultural.

Sa patuloy na pakikibaka ng mga organisasyong gaya ng MASIPAG tungo sa pagtataguyod ng sustenableng agrikultura, ang kanilang mga naging sustenableng hakbang ay testamento ng masaganang ani sa komunidad dulot ng mga ipinunlang sustenableng pamamaraan sa agrikultura na naging bahagi ng hapag-kainan sa bawat pamilyang Pilipino.

Dibuho ni Tristan Aragon

Sa isang siyudad ng Mindanao, isang batikan sa larangan ng boksing ang ipinadala sa lungsod ng Taguig upang maipamalas ang bunga ng paghihirap sa sagad-sagarang ensayo sa pagkamit ng kauna-unahang pasaporte tungong palarong pambansa at masungkit ang ginto.

May gatas pa sa labi ang Gold medalist na si John Lowie Lastimosa, nasubok na ang puspusang pagbabawas ng timbang, buong araw na pag-eensayo, at pagkokondisyon upang makasali sa mga palaro sa kanilang baryo sa Mindanao.

Walang mintis ang paghahasa sa panahong nagdaan kaya’t hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na mabigo ang 18-anyos simula’t sapul sa kaniyang pagpasok sa mas mataas na komprehensiya at dibisyon.

Nabuhay ang puso’t diwa ng beterano matapos ang pangyayaring hindi niya inaasahan sa kaniyang ina matapos nitong mawala na nagsilbi motibasyon

pag-aaral at pagiging atleta. Sa unang tapak niya sa Maynila, puno ng nag-aalab na suntok at nag-uumapaw pangarap ang sumibol ang itinanghal ni Lastimosa sa paghahasa kasama ang Signal Village National High School, Boxing Head coach na si Brecilda M Delosa.

Pagsasanay para kay Inay

Hating gabi ng Sabado, isang payapang araw sa pamilyang Lastimosa ang nagpagising sa diwa nila matapos silang looban ng isang taong may patalim at gumamit ng pinagbabawal na gamot ang walang habas na kinitil ang ilaw ng tahanan kasama ang kanilang kapitbahay at iniwang karumaldumal at walang malay.

Matapos ang nakapanlulumong senaryo sa tahanan, hindi na nagsayang ng oras ang ama na si Jun Lastimosa na protektahan ang mga anak at agad na hinasa ang kakayahan na lumaban sa mga pangyayaring hindi inaasahan.

Tumatak sa nag-aalab na puso ng

magulang sa insidente at makasama pa ito sa mga laban na dadaluhan at ipagmamalaki sa laging naka-suporta at nagbibigay pundasyon sakaniya.

Pag-isa ng pamilya Lastimosa

Dadaan sa ating buhay ang pagkakaroon ng hidwaan sa pamilya at pagkakaroon ng girian at problema sa isa’t isa. Sa paglisan ng kanilang ina, tila niyakap sila ng ina at sinigurado na mananatili silang buong kapatiran hanggang sila ay tumanda.

“Siguro kung hindi nawala si mama, magulo pa rin kami ngayon e,” sambit ni Lastimosa na parang pinagbuklod sila ng kanilang sa kaniyang pagkawala at mas naging matibay ang koneksyon ng isa’t isa na tanging ama na lamang ang nagdidisiplina.

Ugat ng tatlong panapat

Inimpluwensiyahan ng padre de pamilya na kanilang tagapagsanay na rin na si Jun Lastimosa ang paghahasa ng ilang buwan at sinalang agad ang kaniyang mga anak sa murang edad pa lamang.

“Mas malakas ‘yung mga ‘yon sa’kin. Malupit talaga sila since mas matanda na sila nang turuan sila ni papa sa pagsisimula namin,” papuring saad ni Lowie sa kaniyang mga kapatid na taas noo sa bawat bigwas at kampeonatong nauuwi para sa kaniyang pamilya lalo na sa kanilang ina.

Tanging pinagdarasal na lamang nila na sana’y kapiling pa rin nila ang kanilang ina at buong pwersa nilang bibigyang tanggol ang ina na walang awang binawian ng buhay.

Pasaporte tungong norte

Matapos ang nakalipas na palarong pambansa taong 2023, nadiskubre ng Education Program Supervisor ng Taguig-Pateros na si Shoji Gerona ang talentong taglay ni Lastimosa at binigyan ito ng pagkakataon na isalin ang talento sa paaralang SVNHS na kung saan malaki ang kaniyang tiyansa manalo bukod sa puno ng suporta, mas mabibigyan siya ng laban hindi katulad sa kaniyang kinagisnan na walang pag-aasikaso sa papeles at paglalabanan.

Nang mapanood ni Coach Gerona ang mga nakalathalang laban ni Lastimosa sa Youtube, agad nitong inanyayahan ito na sumama at magsanay upang lumaban sa susunod na palarong pambansa. Nilapat siya sa SVNHS sa dibisyong Youth Boys at nagsimulang magsanay sa loob ng tatlong buwan bago ang kompetisyon. Nanirahan muna sila sa kanilang tiya na mayroong boksing gym upang madali lang itong makapagsanay.

Pagpapalang hindi hayag

Bigwas ng tatlong alas

Bukod kay Lowie, naging matinding boksingero rin ang kaniyang dalawang kapatid na sina Jojo Lastimosa at Jhonyl Lastimosa na katulad ni Lowie, matindi na rin ang mga nasikwat na ginto at kampeonato sa kanilang barangay at iba-ibang dibisyon na pinagmamalaki ng kanilang ama.

Dibuho ni Kevin Jamela

Isports

Balik-ahon: Muling pagsisid ni Esmeria sa swimming

Esmeria kampeon sa ikalawang pagkakataon;

mula sa pahina 20 ... ang ginto sa Army’s Angels Integrated School, Disyembre ika-21.

Mula pa sa simula ng laban, ipinamalas ni Esmeria ang kaniyang kahusayan sa backstroke, at tinutukoy niyang malaking tagumpay ito para sa kanyang sarili bilang isang atleta.

“Masaya ako na nalalamangan ko ang kabilang koponan dahil ipinapakita nito ang aking kakayahan bilang isang swimmer at atleta,” wika ni Esmeria matapos ang laban.

Umarangkada ang TagSci at bumawi sa ikalawang bahagi ng kompetisyon. Gumamit sila ng makinis na freestyle strokes at mabilis na flip turns, na nagbigay ng kumpiyansa sa kanilang koponan at nagpadikit sa laban.

“Akala ko hindi ko na maaabot si Esmeria dahil talagang mabilis siya, at maganda na siya ang nakalaban ko sa district meet dahil mas nakikita ko ang laban bilang isang tunay na hamon,” pahayag ni Kenneth Frias, isang atleta mula sa TagSci.

Sa paglipas ng tagisan, ramdam ni Frias ang pressure ng mabilis na takbo ng laro at ang mahigpit na agwat sa pagitan nila ni Esmeria.

Pagsapit ng 50 meters freestyle, ipinamalas ni

Esmeria ang kaniyang pagiging beterano sa backstroke at kicks upang masungkit ang gintong medalya.

“Ibang klase, ang lapit ng oras namin pero masaya ako na nanalo ako para sa SVNHS,” ani Esmeria matapos makuha ang gintong medalya mula kay Frias.

Habang si Frias naman ay pinakitang-gilas ang malacheetah na freestyle at butterfly upang manguna ngunit hindi sapat ito upang malampasan ang galing ni Esmeria.

“Hindi ko inasahan na ganito ka-intense ang laban, parang hindi pa sapat ang mga trainings ko,” sabi ni Frias.

Ayon sa coach ng SVNHS, ang tagumpay ni Esmeria ay patunay ng kanyang dedikasyon at disiplina.

Sa pagtatapos ng laban, inamin ni Frias na hindi ito ang katapusan at gagamitin niya ang karanasang ito bilang inspirasyon upang mas pagbutihin ang kanyang kakayahan.

“Disappointing, pero alam kong may susunod pa, may pagkakataon pa akong bumawi,” sabi ni Frias at nangako siyang maghahanda para sa mga susunod na laban. Habang patuloy na umaangat ang SVNHS swimming team, tiyak na handa silang magbigay ng makapigilhiningang laban sa mga darating na torneo.

Sa mundo ng paglangoy, tila likas na kay Andrei Jan Esmeria ang magsunod sa agos ng palakasan subalit, sa kabila ng kapaligirang puno ng mga kapatid niyang nagtagumpay sa larangan ng taekwondo, pinili niyang lumihis ng landas, isang landas na naiiba at malayo sa sinimulan ng mga kapatid. May gatas pa sa labi si Esmeria, inirekomenda na ng doktor na hasain siyang lumangoy upang makatulong sa pagpapabuti ng kaniyang kalusugan matapos magpositibo sa hika. Ang simpleng rekomendasyong ito ang naging simula ng kaniyang paglalakbay patungo sa tagumpay sa larangan ng swimming.

Sinisid na ni Esmeria ang mundo ng paglangoy. Mula nang siya ay pitong taong gulang, sumasali na siya sa mga summer training para mapabuti ang kaniyang kakayahan sa paglangoy. Nang magwalong taong gulang siya, nagdesisyon na siyang seryosohin ang swimming.

Pagpasok niya sa mga kompetisyon, agad siyang nakilala bilang isang natural na atleta. Bilang isang batang atleta na sabay na tumutok sa akademiko at isports, hindi madaling maabot ang tamang balanse sa kanilang dalawa.

Hindi biro ang talentong nilaan ni Esmeria sapagkat hirap ito

sa i-kumpas ang paghinda sa tubig, nalagpasan niya at nalunasan niya ang sakit na hika Sa bawat oras na ginugugol niya ang oras sa pool, may naiiwang mga proyekto o leksiyon

Huminto sa paglangoy si Esmeria upang tutukan ang kaniyang pag-aaral, kasabay nito ang pagbuo muli ng kaniyang buhay sa labas ng swimming at akademiko.

Nais niyang magkaroon ng kaibigan na makakausap niya at sa mga panahong napupuno siya sa mga problema, at mga natamasa niyang presyon sa akademiko at pagiging atleta.

Naging kabilang si Esmeria sa line-up ng Storm Signal Boys Basketball dahil sa tangkad nitong taglay. Ninais niyang subukin ang larangan ng basketball sapagkat narito ang mga kaibigan niyang nakakausap niya sa panghihikayat ng mga tagapagsanay nito sa swimming, siya ay nagbalik sa larangan na kaniyang unang minahal at kung saan siya ay posibleng itanghal na Athlete of the Year.

Sa taong ito, ipinakita ni Esmeria na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, nananatili siyang isang malakas na kalahok sa larangan ng swimming. Bawat paglusong niya sa tubig ay nagsisilbing patunay ng isang kwento ng pagbangon, paglago, at walang sawang pagsusumikap.

KAMAO. Tanaw sa bawat pagsuntok ni Lastimosa ang nagbabagang mithiing ipagpatuloy ang hindi inaasahang pagkahumaling sa larangan ng boxing tungo sa tagumpay na ninanais, patunay ay ang medalyang nakamit sa kaunaunahan niyang Palarong Pambansa. Kuha ni Nerch Kodon.

BJon

Lastimosa

Palarong

M atapos selyuhan at masungkit unang linggo Sa pagbubukas ng Sinamantala ng 5’8 nakakadistansiya at agad

ago tuldukan ang laban sa unang yugto, hindi na pinagbigyan ng pagkakataon ni Lastimosa na makaabante si Pores matapos nitong i-korner at magpakawala ng buong puwersang left hook na dahilan ng pagkawala ng momento ni Pores.

“Kapag napuruhan ko talaga siya, kailangan susundan ko na nang marami para maknockout ko siya agad,” sambit ni Lastimosa.

Nananatiling nakaantabay ang coach ng Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH) Coordinator Head Coach na si Bresilda Delosa sa bawat estratehiya at pagdidisiplina sa tensiyon na mayroon si

Lastimosa.

“Magaling siya turuan at talentado talaga siyang magpapakampante siya nadadali Delosa na buong talentong taglay Paghantong ng kumakatawan abante at sinundan na humantong pagbasa sa galaw Nabuhayan

John Dominic Pallada
John Dominic Pallada
John Dominic Pallada
KORONA. Bakas sa bawat langoy at kumpas ng atletang si Esmeria ang nakalulunod nitong pinagdaanan bago masungkit ang mga kampeonatong hindi inaasahang makakamit, patunay ang mga ginintuang medalya na umukit ng kaniyang historya. Kuha ni Mercela Joy Allosa.
Matapos
salang
nila Cardones sa Men’s sa School Nobyembre, Ang ng kanila

BALYAHAN. Binalagbag at pinako sa lona ng Storm Signal Basketball Team ang kanilang mga katunggali gamit ang kanilang pamatay-apoy na galawan at matagumpay na sinelyuhan ang kampeonatong inaasam tungong City Meet. Kuha ni Yunos Kasuyo.

Storm Signals hinagupit

ang Cardones

Matapos ang unang matinding salang ng Storm Signal, nakaharap ang matindi nilang katapat na Cardones sa dikit na laban at nagapi hamon (11-12) sa ginanap na Men’s Basketball 3x3 District meet Em’s Signal Village Elementary School (ESVES) noong ika-28 ng Nobyembre, Huwebes. Ang pagkatalo na ito ay nagdulot kalungkutan at pagkadismaya sa kanila ngunit hindi sila nagpataob at

agad sinikwat ang kanilang lakas sa ikalawang laban na twice-to-beat.

Kasama sa kanilang tagumpay ang kanilang star player na si Shan Andrei Alfaro na ipinamalas ang kahusayan sa dribbling at hindi mabilang na tres na naging susi ng kanilang koponan laban sa pag-abot ng pasaporte tungong City Meet.

Nagpaulan ng tres ang 5’8 shooting guard na si Alfaro na naging susi sa pagkawagi kontra sa Bicutan kung

saan ibinida niya ang tibay at galing upang agawin ang panalo.

“Favorite shot ko kasi talaga ang tres, kaya lagi kaming nanalo kapag ginagawa ko ‘yon,’’ ani Alfaro.

Hindi rin matatawaran ang liderato ni Alfaro sa buong laro, pinangunahan niya ang kaniyang mga kasama at pinagtibay ang moral ng kaniyang koponan. Ang mga krusiyal niyang puntos at matalim na desisyon sa court ay nagbigay daan sa unang panalo sa torneo.

Ang tagumpay na ito ay isang malaking hakbang tungo sa kanilang layunin, at naging mahalaga bilang momento para sa susunod nilang laro kontra Upper Bicutan.

Sa kabila ng mga pagsubok, nagpakita ng hindi matitinag na determinasyon ang Storm Signal na sinimulan ang laban sa isang makapigil hiningang salaksak mula kay Miguel Diaz na nagbigay daan sa isang mabilis na pagsisimula ng laro.

Sinundan ng isang magandang tirada mula kay Alfaro na nagpasabog ng tres na nagpatibay sa pagkakataon ng koponan. Abot-palad ang bawat rebound at mala-kidlat na fastbreak na nagpakita ng lakas ng pagkakaisa at sa kakayahan nilang umabante sa laro.

Habang patuloy ang gitgitan at sikuhan ng laban, napanatili ng Storm Signal ang kanilang nag-aalab na determinasyon at hindi maawat na depensa sa ilalim ng Forward na si Dave Garcia upang maungusan ang Cardones.

Sa kabila ng mahigpit na depensa ng Cardones, ang bawat tres na pinakawalan ni Alfaro ay naging daan upang makahabol sila at makuha ang panalo sa markang 21-19.

“Sinuwerte lang siguro kami, kasi magaling din talaga ‘yung kalaban namin,’’ ani Alfaro.

Itinuring nila ang panalong ito bilang isang mahalagang hakbang upang umarangkada para sa City Meet na gaganapin sa ika-14 at ika-15 ng Disyembre.

Determinado ang Storm Signal na tuldukan ang sagupaan at patunayan ang lakas sa mga higanteng kalaban na Cardones. Handa silang ipagpatuloy ang laban para sa susunod na hantungan ng torneo.

Sa kanilang kasalukuyang momento, tiwala ang buong koponan na kayang ipagpatuloy ang kanilang matagumpay na laban at ipakita ang pinakamahusay na laro sa susunod na mga pagsubok.

Ika ni Alfaro na “Nag all out na po kami” upang siguraduhin ang tamasa ng tagumpay sa susunod na torneo.

Lastimosa tiningala sa Palarong Pambansa

Pallada

Tanyag na ang sintang Signal Village National High School (SVNHS) bilang isa sa mga aktibong paaralan sa larangan ng isports. Paghahasa sa potensyal na kapasidad ng mag-aaral ang tanging gabay, ngunit piling larangan ang binibigyang pansin na kung saan ang tiyak ang panalo ay sigurado.

Paano na ang henerasyon ng kabataan na nagnanais mahasa at ibandera ang sintang paaralan kung binibigyang pansin lamang ang tiyak na mananalo at walang mga programang pinapalakad upang patuloy na buhay ang mundo ng palakasan.

Kamakailan lamang, matagumpay ang sagupaan ng koponan ng Signal Village sa 3x3 Basketball Congressional District 1 Championship match kontra Bagong Bayan na magre-representa sa District 1 kontra sa iba pang District at Ipaglalaban sa Division Meet.

Nagsiwalat ang Signal Head Coach Lauro B. Mandale tungkol sa naging usapin sa dahilan bakit 3x3 Basketball team lamang ang na ipaglaban kahit mataas ang porsyento ng potensyal ng regular team ng Signal. “marami talagang magaling” sambit ni Coach Mandale na may panghihinayang sa talento na taglay ng Signal. Hindi maaaring walang pondo ang mga mag-aaral na atleta na nagnanais irepresenta ang paaralan, may nakalaan at abot kamay ang perang pwedeng maibigay sa mga ito sa panahon ng paligsahan.

Ayon sa Grassroots at LGU, mayroon talagang nakalaan na pangsuporta sa mga atleta sapagkat layunin nilang maghanap ng mga manlalaro na maaaring isabak sa mga labang pangnasyunal na kung saan irerepresenta ang paaralan at magsisilbing karanglan kapag nanalo ito. Saan na napunta ang mga nilaang pondo para sa mga atleta na nagsusumikap para lang maabot ang pangarap na ninanais bitbit ang sintang paaralan.

“Minsan nga po kahit wala na po kaming jersey at pagkain sa training, kami na lang po gumagastos kahit walang-wala na rin kami” sambit ng isang manlalaro. Hindi na nakasampa ang Regular team ng Signal ngayon congressional sa District 1 Championship. Nagaasam si Coach Mandale na babawi sa sunod na regular team Competition matapos manghinayang sa nasayang na oportunidad na mayroon ang paaralan.

Nasayang muli ang pagkakataon na ibandera ng signalians ang pagkakataon na ibida ang talento na mayroon sila dahil lamang sa “walang pondo ang paaralan” kaya walang nabuong koponan sa limahan.

“Ang alam ko meron talaga e, ‘di ko lang alam bakit hindi kami na line up kahit mayroong try out para sa team ng 5x5, nanalo pa nga kami noon. Pero pagtapos no’n wala na kaming balita,” Sambit ng isang manlalaro mula sa baitang 12 ng HUMSS.

Kilala na ang larangang basketball bilang isports sa larong pinoy, ngunit sa nangyaring Congressional at tryout ay marami ang kulang na kagamitan upang suportahan ang mga manlalaro. Isa ito sa naging suliranin ng manlalaro ng SVNHS sa kanilang palaro para sa mga manunulat ng isports. Napahinto ang laban dahil biglang nagbadya ang hangin at tuluyang nakaapekto sa gitgitan. Paano na ang henerasyon ng pangarap na mapupurnada lang at walang tumutulong na paaralan at pamahalaan na tanging legasiya at talento lang naman ang nais milang makamtan.

Ilan pa lamang ito sa kanilang tanging kailangan upang buong pwersa nilang ibigay ang kanilang buong potensyal at mababawasan ang presyon sa kanilang pagsasanay sa kanilang talento Napurnadang

selyuhan ang tagisan sa tanso at pilak, nasikwat ng Orthodox na si Jhon Lowie “SpiderMan” Lastimosa ang pagkakataon na magdomina ang ginto kontra sa kinatawan ng Rehiyon 10 na si Cj Pores sa ginanap na Palarong Pambansa sa Cebu City Sports Center, ng Hunyo.

ng unang yugto, tansiyahan ang naging tuktukan at palitan nina Lastimosa at Pores at tila hindi mabasa ang galaw ng isa’t isa. 5’8 na si Lastimosa ang kaniyang tangkad at abot ng wing-span na kung saan sa bawat sunggab ni Pores ay maliksing siyang agad na nagpaulan ng pamatay-sunog na kaliwa si Lastimosa.

talaga siya, kahit hindi mo na at bantayan, may disiplina at talaga siya. ‘Wag na ‘wag lang magpapakampante kasi minsan do’n kapag crucial,” ayon kay Coach buong pusong nakasuporta sa taglay ng boksingero. Paghantong sa ikalawang round, sinimulan kumakatawan sa Rehiyon 10 ang pagsinundan ng isang straight-punch humantong sa pag-iingat ni Lastimosa at galaw ng katapat. ng diwa ang kinatawan ng

National Capital Region (NCR) at nagpakawala ng kanang straight-punch at isinubsob si Pores sa kabilang parte ng ring.

Natameme ang 5’6 na Southpaw na si Pores matapos mawala ang momento sa pagpadapa sa kaniya ni Lastimosa at dumistansiya sa pagpapaulan nito sa natirang minuto ng ikalawang yugto.

Tila lumiit ang mundo ni Pores matapos paluhurin sa isang kanto ng ring at paulitulit na nabigwasan ngunit agad naman itong nakawala matapos birahin ng pamatay na sunog na upper-cut na dahilan ng pag-atras ni Lastimosa.

Nagkainitan ang dalawa ang sa pagtatapos ng ikalawang yugto matapos patuloy na magpalitan ng suntok sa pagtunog ng bell at pag-awat ng referee.

“Makulit kasi siya, kaya rin nainis ako kaya napasuntok pa ako niyan,” sambit ni Lastimosa matapos ang mainit na girian sa pagtatapos ng ikalawang yugto.

Kalkulado na ni Lastimosa ang kaniyang galaw at basang-basa na niya ang bawat abante ni Pores na tila umiindak sa bilis sa bawat hawi ng suntok at pumabor ang pagsisimula ng ikatlo at huling round ng kampeonanto para sa ginto.

Sa huling minuto ng laban, sinayawan na lamang ni Lastimosa si Pores at pinamukha na hindi siya nahirapan sa katapat, nakangiti, nakalabas dila, at hindi na ito sineryoso ni Lastimosa dahil kampante ito na sa pagangkin ginto.

Hindi pumayag ang Southpaw na si Pores at sinubukang tumaripa sa kalmadong si Lastimosa ngunit hindi ito nagpadaig at pinantayan ang puwersa sa pamamagitan ng pag-iwas at sunggab ng one-two combo sa pagtatapos ng laban.

Hinirang na gold medalist ang 5’8 na si Lastimosa sa paraang split decision at kaunaunahang nag-uwi ng ginto mula sa palarong pambansa na inirepresenta ang paaralang Signal sa kompetisyong pang-nasyunal.

“Worth it ang lahat ng pagod namin, ng coach namin kaya sa kanila ko inaalay ito at nanay ko kahit wala na siya sa piling namin,” saad ng gold medalist mula sa SVNHS.

Sa murang edad, ipinamalas ng Signalian swimmer ang pagpupursigi sa mundo ng isports sa kaniyang paglalakbay tungong tagumpay.

buong istorya sa pahina 18 / isports

Matapos tumigil at halos limutin na ang mundo ng paglangoy muling

nilampaso ng Signal Village National High School (SVNHS) ang Taguig Science High School (TagSci) nang tuldukan ang sagupaan gamit ang matinik na backstroke at malakidlat na bilis upang ungusan at isara ang laban upang maselyuhan

Lerum at Sacayanan, lumundag sa pagsungkit ng ginto

Pinaulanan ng matutulis na sipa nina Kenneth Ryan Lerum at Mhariel Ellaine Sacayanan ang kanilang mga kalaban upang masungkit ang gintong medalya sa Division Meet Flyweight 2025 ng Taguig at Pateros noong Enero 2024.

Pinatunayan nina Lerum at Sacayanan ang kanilang husay matapos dominahin ang kompetisyon, dala ang kanilang matinding determinasyon at pagsasanay.

“Actually, wala po talaga akong inspirasyon para ipagpatuloy ang paglalaro ng Taekwondo. Noong bata po ako, sinali lang ako ni Mommy sa sport na ito dahil mahilig akong manood ng training ng aking tito at ate,” ani Sacayanan, isa sa nakasungkit ng ginto.

“Ang lamang ko sa kalaban na nagbigay sa akin ng panalo sa kompetisyon ay ang mas mahusay na paghahanda, mas malakas na diskarte, kumpiyansa at pokus, mas malawak na karanasan,

Sa kabila ng kawalan ng interes noong una, pinatunayan ni Sacayanan na ang tiyaga at dedikasyon ay susi sa tagumpay. Nagsimula siya sa taekwondo sa edad na anim, ngunit noong una, nasindak siya sa sakit at hirap na dulot ng pagsasanay. Sa paglipas ng panahon, natutuhan niyang yakapin ang hamon ng isport, hanggang sa tuluyang mahubog ang kanyang galing. Hindi biro ang pagsabak sa taekwondo kailangan nito ng lakas, disiplina, at matibay na paninindigan. Ipinamalas nina Lerum at Sacayanan na ang pagsusumikap ay may gantimpala, kaya naman sinikap nilang makuha ang panalo upang magsilbing inspirasyon sa iba pang atleta.

“Ang lamang ko sa kalaban na nagbigay sa akin ng panalo sa kompetisyon ay ang mas mahusay na paghahanda, mas malakas na diskarte, kumpiyansa at pokus, mas malawak na karanasan, at mas matibay na determinasyon. Ang lahat ng ito ang naging susi upang makuha ko ang tagumpay,” dagdag ni Sacayanan.

Sa huli, pinatunayan nina Lerum at Sacayanan na sa tamang pagsasanay at determinasyon, walang imposible sa larangan ng taekwondo.

Ang kanilang tagumpay ay patunay na mas mainam magsimula nang maaga upang mahubog ang husay at tapang sa bawat laban.

isports hudyat

Heralds Pep Squad, umarangkada sa Inter-barangay

tunggalian laban sa Drag Queens at Team Ethnic na nakakuha ng pangalawa at pangatlong pwesto.

sa kasaysayan sa kanilang barangay.

Humataw muli ng panibagong tagumpay ang Heralds Pep Squad matapos mag-uwi ng kampeonato sa Milo 2024 Manila League at masikwat ang korona sa Inter-Barangay Cheerdance Competition sa TLC Park noong Nobyembre. Pinatunayan ng koponang Central Signal Village Heralds ang kanilang tatak na pagkakakilanlan sa pagpili ng temang Airline sa kanilang

“Sa last winning, syempre thankful kami sa mga alumni namin dahil kung wala sila, hindi namin maeexecute ‘yung ganitong routine na nakapagchampion sa amin,” ani Justin Rob Sañga, ang team captain ng Heralds Pep Squad.

Sambit pa niya na ito ang pinakaunang cheer dance competition na naganap sa Taguig, kaya para sa kaniya, isa itong magandang biyaya at pribilehiyo sa kanilang iniwan

Nagpakita sila ng iba’t ibang teknik tulad ng High V/Low V, Clasp, Tumbling pass, at ang kilalang pyramid style ng koponan.

Ipinamalas ng kampeon ang kanilang mababangis na kasanayan na may kasamang pagtutulungan upang makasiguro sa kanilang pwesto.

“As a leader, sa disiplina dapat palaging on-time sa training. Pag hindi, may parusa kaming pinapagawa. Kailangan kasi talaga yung disiplina

sa team namin, lalo na sa cheerdance, kasi kapag wala ‘yung isa, hindi makakapagpractice ang grupo. Kaya pagkakaisa at disiplina talaga ang kailangan,” sambit ni Sanga.

Malinis na tinapos ng Heralds ang laban, na nagbigay ng mataas na tyansa sa kanilang panalo. Ayon kay Sanga, hindi talaga niya hilig ang cheerdance, pero kaya niya pinapatuloy pa rin ang paglalaro dahil sa koneksyon na nabuo sa ilang taon na magkakasama sa kahit anong lugar, pawang pamilya

ang kampeonato sa kaunaunahang Inter Baranggay Competition ng Taguig City. Kuha ng Taguig City PIO

na din ang turing niya.

“Kung gusto niyong i-pursue yung cheerdance, mas maaga, mas maganda. Dahil ang cheerleading ay hindi lamang siya nadedevelop ng dalawang buwan, kundi kailangan maglaan ng mahabang panahon at oras,” saad ni Sanga.

Pinalipad at nilibot tayo sa iba’t ibang emosyon ng Heralds at ating aabangan sa Pebrero 15, 2025 ang Milo 2025 Cheerdance Competition, susunod na tunggalian ng Heralds laban sa ibang paaralan.

INDAK. Pinatalsik at nilugmok sa pagkatalo ng Heralds Pep Squad ang kanilang mga katunggali matapos nilang angkinin ang korona at matagumpay na sinikwat
Faith Eunice Molo
Faith Eunice Molo

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.