Lumapas, ika-3 sa pinakamahusay na punong-guro sa Rehiyon XI
ang
Ang Opisyal na Paaralang Pampahayagan ng Davao Oriental Regional Science High School
DALUMAT
PANULAT | Paige Bernardino
H
inimok ni Gng. Jessica Lumapas, punong-guro ng Davao Oriental Regional
Science High School na ang bawat pinuno na maging disiplinado at mahalin ang trabaho upang maging epektibong lider. Pinatunayan ng nasabing punong-guro ang kanyang sinabi sa pagkamit ng panalo bilang ikatlong pwesto sa patimpalak ng Achievement of Great Instructional Leadership Award (AGILA) na ginanap sa F. Street, Davao City noong Nobyembre 25, 2023. Ayon sa Department of Education Region XI, ang pamantayan ng kompetisyon ay kasama ang kanilang nagawa, pagiging epektibo sa pagtuturo, kakayahan sa pamumuno, at pakikilahok sa propesyonal at panglipunang aktibidad. Sa karagdagan, si Lumapas ay ang nag-iisang nominado sa AGILA dahil siya lamang ang may titulong ‘SBM level III ‘Validated’ sa Sangay ng Mati. “Ang AGILA na parangal ay bunga ng aking pagsusumikap at pagiging responsable sa aking trabaho bilang punong-guro ng DORSHS at Don Enrique Lopez National High School,” pahayag pa ni Lumapas. Naniniwala rin siya na kinakailangan ng isang lider na maging mapagmatyag sa paligid at tuklasin ang suliranin nito upang mabigyan ng solusyon. Bilang panapos, nagpasalamat si Lumapas sa mga tao at mga organisasyon na nagbigaysuporta at tulong upang makamit niya ang nasabing parangal.
02
DORSHS, NASUNGKIT ANG IKA-2 PWESTO SA RSTF
PANULAT | Donna Nuñez
Ugnayan ng DORSHS, DeMolay Int’l sinelyohan ng MOA
K
atuwang na ngayon ng Davao Oriental Regional Science High School (DORSHS) ang International Group na DeMolay sa pagtulong sa pinansyal na aspeto ng mga kapos-palad na mga mag-aaral na nais makapagtapos sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement na ginanap sa Activity Center ng DORSHS noong Enero 17, 2024. Bukod pa sa nasabing layunin, hangad din ng nasabing orgaisasyon ng mga disiplinadong kabataan upang magkaroon ang
07
05 Opinyon
Lathalain
LAGDANG BIGKIS: HALIGING PANG-EDUKASYON
TATAK REGSCIAN : ANG PAMAMAYAGPAG NG ALUMNUS SA DALAWANG BOARD EXAMS
10
12
Isports
Agham at Teknolohiya
RHINOS INUNGUSAN ANG WILDCATS, 25-11; TRONO MULING HINABLOT
DAVAO REGION LUBOG SA BUNTOT NG LPA
bansa ng mapagkakatiwalaang lider sa hinaharap kalakip ang paniniwala nila ang mgaestyudante ay karapat-dapat na paglaanan ng suporta dahil taglay nila ang kahusayan sa Matematika at Agham. Ayon kay District Deputy Grand Master Rufo Trocio, ang hinahanap nil ana maging benepisyaryo ay may pananalig sa Diyos, interesadong matuto, at nasa edad 11-17 taong gulang.
“
We are not signing a document, we are nurturing future leaders, fostering limitless opportunities, and we are uniting a world where young minds are empowered,” saad ni Trocio talumpati.
sa
kanyang
Bilang karagdagan, iginiit din ni Teresita Reyes, pangulo ng organisasyon na kinakailangan ng mga mag-aaral na magsumikap sa kanilang pag-aaral sapagkat handa silang
suportahan ang kanilang edukasyon sa kabila ng krisis ng bansa. “Follow your dreams, make efforts to your academics, mag-aral kayong mabuti dahil ang edukasyon lang ang makatutulong sa inyo upang magkaroon kayo ng magandang kinabukasan,” sabi ni Reyes. Gayunman, nagpapasalamat naman ang punong-guro ng naturang eskwelahan sapagkat isa sila sa nabigyan ng oportunidad na matulungan ng organisasyon kaugnay sa edukasyon.
Catch-up Friday’ ng DORSHS tugon sa mababang PISA result PANULAT | Rizzy Masangay Agad na umaksyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Sara Duterte upang masolusyonan ang mababang resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2022 sa paglunsad ng ‘Catch-up Friday’ na sinimulan noong Enero 12, 2024 sa lahat ng pampublikong paaralan. Ayon sa DepEd Memoramdum 001 s. 2024, layunin ng nasabing programa na palakasin ang pundasyon ng kaalaman at kasanayan ng bawat mag-aaral kaugnay sa pagsunod ng MATATAG curriculum. “The ‘Catch Up Fridays’ will dedicate half of every Friday to reading and other half to values, peace and health education,” saad pa ng nasabing memoramdum. Isinagawa ang programa matapos masiwalat ang resulta ng PISA 2022 na nagpapakita na ang mga estudyanteng Pilipino ay nakakuha
ng 355 sa Matematika, 347 sa Pagbasa, at 357 sa Agham. Ang Pilipinas ay kasali sa sampung bansa na nakakuha ng may pinakamababang puntos sa nasabing pagtatasa. Bagaman tumaas ng dalawang puntos ang Matematika at pitong puntos ang nadagdag sa Pagbasa, bumaba naman ng 1 puntos ang Agham na parehong nakababahala. “The teachers should engage in collaborative sessions to share best practices in implementing the program,” dagdag pa ng nasabing kagawaran. Kaugnay nito, hinikayat din ni Duterte ang lahat ng guro na makiisa sa pagimplementa sa programa upang mas mapatatag ang programa at magkaroon ng magandang resulta sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral.