May agwat sa pagitan ng karne at tiyan: sa pagkain at ng mga kailangan kumain.
May mga agwat na hindi maaaring itawid. May agwat sa pagitan ng mga henerasyon, sa pagitan ng kapulisan at ng kanilang mga sinerserbisyuhang komunidad, sa pagitan ng sistemang pangkalusugan at ng mga pasyente, sa pagitan ng mga CEO ng mga dambuhalang korporasyon at ng mga naghahanap-buhay sa kanilang mga pabrika; at hanggang ngayon, sa ilalim ng isang mapang-aping estado, lumalawak pa ang agwat sa namamahala at pinamamahalaan.
Narito na ang regular na isyu ng Matanglawin Ateneo na naghahatid sa inyo ng mga lumalawak na agwat sa ating lipunan.