at pagtugon sa lindol
Inaksyunan ng punong-guro ang reklamo ni Ginang Noneth P. Beldoro tungkol sa kanyang mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang na nakaranas ng pangbubully noong Ika-11 ng Enero 2023 .

Iniulat ni Andy T. Damlag, Martin Gabriel T. Damole, mga mag-aaral ni Gng. Beldoro at dalawa pang iba ang pangingikil ng pera, pambubugbog at pagbabanta sa kanila ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Baitang. >>p.2

Magnanakaw walang puwang
Nagkaroon ng isang malawakang magkakasabay na pagsagawa ng earthquake drill ang mga paaralan sa Bislig 6 at Bislig 10 distrito sa pagtalima sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong ika – 9 araw ng Marso kung saan may natuklasang panganib.

Sa pagsasagawa ng nasabing drill ay natuklasan ni Ginoong Antonieto Godito, SDRRM Coordinator, ang posibilidad ng stampede na nagbabadya bilang panganib para sa lahat ng mga mag-aaral, guro at mga magulang. Ito ay panganib dulot ng kakulangan ng labasan o exit gate upang magkaroon ng madaliang paglabas ng lahat papunta sa evacuation area.
Tumagal ang paglabas ng mga bata papuntang evacuation area ng halos 20 minuto kung saan dapat ito ay tumagal lamang ng 10 minuto. Sa pag-iinspeksiyon sa kalagayan ng gusali at buong paligid ng paaralan, ay iminungkahi rin ni Ginoong Roy Go, SFO1 ang nakitang panganib kaya pinayohan ang punong-guro at CPTA officers na aksiyunan ang problema upang maiwasan ang nasabing posibilidad.
Pandaigdigang Araw ng Matematika

Jenny Rose F. Hamodiong
Hindi nagpahuli ang mga guro at mga mag-aaral sa pagdiriwang ng Pangdaigdigang Araw ng Matematika kung saan nagkaroon ng iba‟tibang patimpalak na linahokan ng piling mag-aaral mula sa Unang baitang hanggang sa Ika – anim, at ALS noong Martes, Ika-14 ng Marso. >>p.3





Kataleya Joy M. Guday


Pinaayos at pinataasan ni Ginoong Antonio T. Siano, punong-guro ng MEES, ang bakod ng paaralan lalo na sa may residential area kung saan maraming mga residente ang dumadaan dito araw-araw.
Tiniyak ni Ginoong Siano na hindi ito madaling mapasukan ng mga tagalabas kaya’t pinataasan ang pagsesemento nito. Galing naman sa School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang perang ginamit dito.
Kimupuni rin ang mga sirang yero sa likuran dahil sa ulan at baha. Siniguro din na sarado ang mga pintuang bakal o gate sa entrance at exit pagkatapos ng seremonya sa pagtataas >>p. 2
PAHAYAGANG PANGKAMPUS KOMUNIDAD NG MANGAGOY EAST ELEMENTARY SCHOOL


<< p. 1
Pangingikil sa paaralan, inaksyunan
Kinilala ang mga batang mapang-api at naitala agad sa Anecdotal Record kung saan pinapirma ang mga ito at binigyan ng babala. Inimbitahan din ang mga magulang ng mga bata upang mabigyan ng pagpapayo at kaagarang disiplina sa kanilang tahanan.
Kinondina naman ni Ginoong Antonio T. Siano, punong-guro ng MEES ang kaso ng bullying sa paaralan, ayon sa kaniya ― hindi katanggap-tanggap ang mga kaso ng bullying sa ating paaralan, lalo na’t wala namang naitalang kaso sa mga nakaraang taon ng kanyang panunungkulan.

Pagdaraos ng Buwan nga Pagbasa
Nagdaraos ng pagtatapos na programa para sa Buwan ng Pagbasa ang mga mag-aaral at guro sa pamamagitang nga pagsusuot ng kasuotan ng mga paboritong karakter sa libro noong Lunes, Disyembre 5, 2022.
Nagsaulo ng mga tula, kwento at iba pang panitikan ang piling mga bata sa bawat baiting.
Nagsuot din ng mga magagarang damit ng paborito nilang karakter sa libro ang karamihan sa mga mag-aaral.
Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng perang papremyo galing kay G. Siano.
Tagapangasiwa ng MRF nagreklamo
Jellian Fae L. Anora
Hindi maiwasan ang talamak na basura sa paaralan lalo na‟t pinatutupad ang limang-araw na in-person classes ngayong taon sa bisa ng DepEd Order 34, s. 2022.
Matatandaan na halos tatlong taon din ang remote learning kung saan ang mga mag-aaral ay nasa bahay lang nag-aaral sa pamamagitan ng Self-Learning Modules (SLMs) at sa tulong rin ng kanilang mga kaanak.
Pinangunahan ng mga opisyal nang Supreme Pupil Government (SPG) sa ilalim ng pangangalaga ni Ginang Mary Joy T. Damole ang pagpapatupad ng
tamang pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng pagkakaroon ng lingguhang inspeksyon sa mga silid-aralan ng bawat seksyon.
Nagkaroon din ng arawaraw na paglilinis sa mga bakuran ng paaralan ang mga opisyal ng SPG bilang tugon sa panawagan ng punong-guro sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.
Hinikayat din ni Ginoong Antonio T. Siano, ang bawat mag-aaral na isa-isip at isapuso palagi ang tamang pagtatapun ng basura upang lahat ay ligtas sa disgrasya at sakit na dulot nito.
<< p. 1



Bakuran ng Paaralan, tinaasan ng watawat upang hindi makalabas ang mga estudyante. Lalo na tuwing gabi, ligtas ang mga pasilidad at kagamitan tulad ng laptop, flat screen TV at iba pa, dahil naka kandado ang mga gate ng paaralan kasali na rin ang mga pintuang bakal papasok sa ikalawang palapag.
Mayroon ding itinalagang mga kawani ng security team na nagmamatyag sa lahat ng pumapasok at lumalabas na mga tao at sasakyan mula sa main gate bago pa makapasok sa MEES gate. Makikita ang doble seguridad ng paaralan dahil dito.
Tuwing uwian naman, pinaalalahanan ni Ginoong Siano ang mga mag-aaral na mag-ingat sa mga sasakyan habang tumatawid sa kalye palabas upang maiwasan ang aksidente. Iwasan na rin ang pagtatakbo tuwing uwian, bagkos ay maglakad lang at maging alerto.
Koronasyon ng Hari at Reyna ng mga Puso
Princess Aila Nathalie V. Relacion
Isang prestihiyong koronasyon ang ginawa sa hari at reyna ng mga puso kabilang na ang kani-kanilang mga prinsipe at prinsesa sa bulwagan ng paaralan na dinaluhan ni Ginoong
Gerry M. Popera, tagapangasiwa ng distrito at iba pang mga panauhin noong Biyernes, ika-17 ng Pebrero.
Nakalikom ng humigit 90,000.00 ang paaraln sa tulong na rin ng mga opisyal at sa pagganyak ng mga guro, sa pagsasaliksik ng bagong hari at reyna ng mga puso sa taong 2023. Ang naturang aktibidad ay naging kapaki-pakinabang dahil sa malaking tulong na dala nito para sa pundohan at kumpunihin ang mga pasilidad ng paaralan. Agad naming dinugtungan ng kulandong at pinaayos ang bakod.

LINDOL GUMULANTANG
Jenny Rose F. HamodiongNaramdaman ng mga magaaral at guro ang pagyanig ng isang malakas na lindol sa bandang alas 2 ng hapun sa araw ng Martes, ika-4 ng Marso.
Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa may Maragusan (Davao de Oro) na may 6.2 magnitude, lalim na 034 km at may intensity 5 na pagyanig.
Naramdaman naman ang intensity I na pagyanig sa mga probinsya ng Surigao del Norte, Tandag, at Surigao del Sur.
Disgrasya sa kalsada maiwasan
Kataleya Joy M. GudayNagsagawa ng adbokasiya ang mga opisyal ng General Parents-Teachers Association (GPTA) sa pangunguna ng pangulo na si G. Burt Bacaron, upang pabulaanan ang mga motorista na dumadaan sa kalsada malapit sa tarangkahan sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga babala.

Hindi makakaila ang dagsa ng motorista tuwing umaga at hapun sa paghahatid at pagsusundo ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak lalo na tuwing tag-ulan. Mga sasakyan at motorsiklo ang kabilang sa nagdudulot ng kasikipan sa kalsada kung saan ay mapanganib para sa mga estudyante lalo na’t ito ay malakas magpatakbo
―Dapat ay magtatakda tayo ng limit ng tulin para sa lahat ng motorista dito sa loob ng paaralan upang maiwasan ang anumang insidente‖ wika ni Ginoong Antonieto C. Godito, SDRRM coordinator sa pag-aalala sa seguridad ng mga bata.
Nagbigay naman ng mga paalala ang OIC na si Jay Romuel L. Nacino para sa mga guro na paalahanan ang mga bata tungkol sa disiplina sa sarili at ang pagiwas sa pagtatakbo palabas ng tarangkahan.
Naging alerto naman ang mga mag-aaral, at agad na kumilos ayon sa natutunan nila sa earthquake drill. Naginspeksyon agad si Ginoong Antonieto Godito, School Disaster Risk Reduction and Management Coordinator (SDRRMC) upang suriin ang mga pinsalang dulot ng pagyanig.
―Nararapat lang na maging alerto ang bawat isa dahil ang mga kalamidad tulad nito ay hindi inaasahan, ngunit mas mabuti na ang maging handa,‖ pagpapaalala ni Ginang Merly Alolino, guro sa Araling Panlipunan, sa pagpapatuloy ng kanyang klase.
LINDOL GUMULANTANG. Naging alerto naman ang mga mag-aaral, at agad na kumilos ayon sa natutunan nila sa earthquake drill.. (Gavin Blaire M. Estella)
<< p. 1
Kamalayan sa Matematika, pinahalagahan
Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay Inaanyayahan tayo ng Araw na ipagdiwang ang kagalakan na makikita sa matematika sa mga babae at lalaki, sa pamamagitan ng maligaya at magkakaibang aktibidad na nagaganap sa buong mundo.
MAKABAGONG PARAAN. Mag-aaral sa Ika-anim na baitang ang nagsagot sa Ikalawang Markahang gamit ang sagutang papel mula sa Evalbee. (Gavin Blaire M. Estella)
Pagwawasto ng sagot, mas pinadali na
Ganap na ipinatupad sa ikaapat hanggang sa ika-anim na baiting sa MEES ang Project CHECK o Conceptualizing High-Speed result in using Evalbee in checking k-12 written assessment ay sa Ikalawang Markahang pagsusulit.



Ito ay isang mabisa at mabilisang paraan sa pagwawasto ng mga sagot ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aplikasyon na tinatawag na Evalbee.
Ang Evalbee ay makukuha sa playstore at maiinstall sa
cellphone at siyang ginagamit sa pag-scan ng mga papel at agadagad na makukuha ang iskor ng mag-aaral sa particular na asignatura.
Isa na naman itong inobasyon na nagpapadali at nagpapagaan sa isa sa mahirap na gawain ng guro. Sa tulong na rin ng mga kabaro sa Bislig City National HS na siyang nagbahagi ng bagong inobasyon.
Ayon kay Ginang Merly C. Alolino, ―nararapat lang na ating yakapin ang pagbabago dahil ito ay nakatutulong sa ating trabaho.‖
Kaya naging kapanapanabik sa mga bata ang panonood sa paglutas ng mga kalahok sa rubik’s cube at paggawa ng poster na may Temang ―Ang Matimatika ay para sa lahat‖.
Idineklara ang mga nanalo sa mga paligsahan ng sudoku, poster making at rubik’s cube sa hapun banda alas-4 at nakatanggap ng perang papremyo sa inisyatibo ni Ginang Joan G. Go, guro at coordinator sa Matematika.
Nagsagawa rin ng trivia, quiz-bee at pagsasagot ng problema. Sa pagpahayag ng may pinakamataas na puntos sa trivia ay nakatanggap ng perang papremyo ang mga nanalong mag-aaral sa ika-4 na baiting. ―Salamat at meron na akong pambili ng meryenda‖ wika ng Prince Jian B. Salamo.


LINDOL GUMULANTANG. Naging alerto naman ang mga mag-aaral, at agad na kumilos ayon sa natutunan nila sa earthquake drill..
(Gavin
Joe Nicholson M. Navales




Ilang mag-aaral sa Una, Ikalawa at Ikalimang baitang ang hinangaan at pinarangalan dahil nagsauli ng perang napulot sa loob ng kampus noong ika-7 ng Nobyembre taong 2022.
Si Aslan A. Sandulan isang mag-aaral sa Unang Baitang kung saan nakapulot ng 100 peso at kusang isinauli ang pera sa punong-guro na si Ginoong Antonio T. Siano. Kabilang sa mga mag-aaral na nagsauli din ng pera ay sina Gavin Blaire M. Estella, Zachia Liam C. Caberte, Ginereen L. Padillo, Stephie Jane P. Tiodianco at iba pa.
Ang perang napulot kung saan nakita nila itong nakatihaya sa may pasilyo malapit sa unang baitang sa silid papasok sa entrance gate. Hinangaan ito ng punong-guro dahil sa magandang kaugalian na ipinapakita na siyang magiging halimbawa sa lahat ng mga mag -aaral.
Ang katapatan ay naging adbokasiya ng dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino
noong kanyang katungkulan taong 2010-2016 kung saan hinikayat ang lahat ng mga ahensiya lalo na ang Kagawaran ng Edukasyon na tuparin ang tungkulin na may malakas na kaugalian sa pagiging tapat.
―Dapat talaga nating bigyan ng pagpupugay ang mga batang may malakas na kaugalian na katapatan dahil ito ay ating adbokasiya noon hanggang ngayon. Ito ay isang bagay na ating maipagmamalaki at karangalan sa ating paaralan‖ tugon ni Ginoong Siano sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagtataas ng bandila.
Pandibisyong Komperensya ng Pahayagang Pampaaralan 2023
Jenny Rose F. HamodiongNaging matagumpay ang isinagawang Pandibisyong Komperensya ng Pahayagang Pampaaralan na nilahokan ng mga mag-aaral sa iba‟t-ibang pampubliko at pampribadong paaralan, elemetarya at sekondarya noong Sabado, ika-18 ng Marso.
Binigyang-diin ng pandibisyong coordinator na si Ginang Rhoda M. de los Santos sa kanyang talumpati ang pagiging responsible, patas at ang wastong pamamahayag ng mga kalahok. Hindi na pinayagan ang mga tagasanay sa lumapit o makipag-usap sa mga batang mamamahayag, at kung napatunayan man ang hindi pagsunod ay maari itong gamitin ebidensya upang pormal na tanggalin ang kalahok sa paligsahan.

Magkasabay na isinagawa ang tunggalian sa iba’t-ibang kategorya ng pamamahayag,
indibidwal na pagsulat at pangkatang paligsahan. Ginanap ito sa itinalagang mga paaralan sa loob ng ika-6 at ika8 na distrito ng dibisyon.
―Hindi namin inaasahan na ganito ka raming kalahok ang sumali sa paligsahan ng photojournalism ngayong taon,‖ pahayag ng tagapamahala na si Ginoong Esmael P. Endaya sa pagsagawa ng oryentasyon sa mga kalahok. Kung kaya ay gumamit ng dalawang silid sa mababang paaralan ng North para sa mga kalahok ng elementarya at sekondarya.
―Maraming salamat sa inyong lahat sa matagumpay na paligsahan ngayong araw. Punong-puno ang aking puso sa inyong ipinakitang pagmamahal at pagsisikap. Muli nating napatunayan sa ating paaralanpamayanan na tayo ay mas mabuting DepEd – BCD,‖ saad ni Ginang de los Santos.
Hezeljean L. Berongoy
Ginanap ang pagtatapos ng Summer Reading Enhancement and Numeracy Activities (SURE-NA) sa bulwagan ng paaralan noong ika-12 ng Agosto.
Pinasinayaan ng Mababang Paaralan ng Mangagoy East ang pagpapalawak ng pansangay na programang ikabubuti ng mga mag-aaral.
Sinabi ng punong-guro na si Antonio T. Siano, ―Kailangang sumali ang mga mag-aaral mula una hanggang ika-anim na baitang para mahasa at madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagbasa at pagbilang.
Dagdag pa niya na dahil sa pandaigdigang pandemya, ang dalawang taong modular learning ay malaking kawalan ng pagkatuto at may kaakibat na suliranin
Sa larangan ng literasiya.
Sabi ni Shiela Estandarte, magulang, sa isang panayam, ―Gusto naming na bumalik na sa normal ang pag-aaral ng aming mga anak.‖
Nakatanggap ng positibong reaksiyon ang pagpapatupad ng parograma sa kadahilanang maraming magulang ang walang panahong magturo sa kanilang anak dahil sa paghahanapbuhay.
Binanggit ni Gng. Ernelia O. Lagare, ―Gawin sa loob ng labinlimang araw, simulant sa ika-25 ng Hulyo hanggang sa ika-12 ng Agosto.
Pumirma ng parent’s consent ang mga magulang tanda ng kanilang pahintulot sa kanilang mga anak at maki-isa sa layunin ng paaralan.
PAHAYAGANG PANGKAMPUS KOMUNIDAD NG MANGAGOY EAST ELEMENTARY SCHOOL
Punong Patnugot:
Princess Aila Nathalie V. Relacion
Katulong na Patnugot:
HezelJean L. Berongoy
Patnugot na Balita:
Cataleya Joy M. Guday

Patnugot na Lathalain: Joe Nicholson M. Navales

Patnugot sa Palakasan: Hanna Mae M. Magayon
Agham at Teknolohiya: Jenny Rose F. Hamodiong
Kartunista:
Jellian Fae L. Anora
Litratista:
Nathaniel M. Oliveros
Gavin Blaire M. Estella
Mga Konsultant:
Joan G. Go
Jean C. Palma
Marieta C. Alcala
Ernelia O. Lagare
Antonieto C. Godito
Mary Joy T. Damole
Alejandra Vic B. De Castro
Tagapayo:
Merly C. Alolino
Pagpapahayag ng saloobin may kalakip na pananagutan
Noong 2018, 6sa 10 batang
Ang pinakakaraniwang halimbawa ay pagtawag ng pangalan, pagsigaw ng mga masasakit na salita at pangongotong.
EDITORYAL
Ang bullying ay patuloy na nakakaapekto sa mga kabataan. Ang mga magulang at guro ay dapat magtulungan para masulosyunan ang ganitong problema.
Master Teacher-I
Tagapangasiwa:
Jay Romuel L. Nacino
T-III / Officer in-charge
Pilipino ang nagsabing sila ay nabully ayon sa pagsasaliksik na pinangunahan ng Program for International Students Assessment (PISA). Ang pagpapahayag ng sariling nararamdaman at saloobin ay karaniwan, pero ito ay dapat may kalakip na pananagutan.
Ang problemang ito ay dapat magwakas at ang nagiisang paraan upang mahinto ito ay ang pagtatanim ng paggalang ng mga kabataan. Ang pagpapahayag ng sariling nararamdaman at saloobin ay karaniwan, pero ito ay dapat may kalakip na pananagutan. Dagdag suliranin
Gerry M. Popera PSDS
PRINCESS AILA NATHALIE V. RELACION
Noong Disyembre 2022, ay umabot na sa P500 hanggang P720 ang kilo ng bentahan ng lokal na pulang sibuyas.
Mahirap paniwalaan dahil ang ating bansa ay isang agricultural at sagana sa taniman ng sibuyas, kaya mahirap masabi na nauubusan tayo ng sibuyas.
Sa Bislig City ay maraming pagkakataon ng bullying gaya ng pagtawag ng pangalan, pananakit, pananakot at cyber bullying. Ang bullying ay karaniwan na sa mga kabataan.
Dagdag pa nito, uso rin ang bullying sa Mababang Paaralan ng Mangagoy East.
Apektado rin ang mga
mamimili sa pamilihang bayan ng Bislig City dahil nagmahal din ang presyo ng lokal na pulang sibuyas na umabot na rin sa P730 ang kilo. Ang pagmahal ng sibuyas ay isang pambansang suliranin.
Dagdag pa nito, nakapagtataka na sa pagtaas ng presyo ng lokal na pulang sibuyas ay bumaha naman ang mga smuggled na sibuyas at sunod sunod rin ang pagkumpiska ng
Gayunpaman, ang pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang masugpo ang bullying sa pamamagitan ng Anti Bullying Act at Cyber Bullying Act. Ang pamahalaan ay naghahanap ng solusyon para mahinto ang bullying.

Bukod pa dito, ang MEES ay tumugon sa suliranin sa bullying sa pamamagitan ng bullying awareness campaign at antibullying task force.
Bureau of Customs sa mga smuggled na sibuyas mula China. Subalit, ang pamahalaan ay nagsagawa na ng imbistigasyon tungkol sa pagtaas ng presyo at nagpalabas ng price ceiling sa presyo nito.
Sa hirap ng buhay ngayon, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay dagdag suliranin sa mga mamimili. Kailangan din na paigtingin ng DA ang paglaban sa hoarding para mapigilan ang lalo pang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Source: www.greatlife.com

PAHAYAGANG PANGKAMPUS KOMUNIDAD NG MANGAGOY EAST ELEMENTARY SCHOOL
Mga payo pakinggan, pagsali sa Fraternity iwasan
Basura mo, iligpit mo
HEZELJEAN L. BERONGOY
Ayon kay Dr Willie T. Ong, isang Cardiologist at Health Columnist,” Ang hazing ay isang gawain (initiation) ng ilang fraternity para sa mga bagong miyembro ng grupo. Para makasali ka sa ilang grupo, kailangan kang dumanas ng isang pagsubok”.
“Kadalasan sa hazing, pinapalo ng paddle ang biktima sa hita at puwit. Minsan ay may pukpok pa sa likuran. Kapag nasobrahan ang pang-aabuso sa biktima, puwede ito humantong sa pagkamatay.’’ Dagdag pa niya.
Nagulantang ang mga Pilipino sa isa na namang brutal na pagkamatay ng isang 24-anyos third year Chemical Engineering student na si John Matthew Salilig na mahigit isang linggo nang nawawala matapos matagpuang wala nang buhay sa Barangay Malagasang, Imus, Cavite noong Pebrero 28.

Lumabas sa imbestigasyon na dumaan ang biktima sa welcoming rites ng Tau Gamma Phi chapter sa unibersidad noong hapon ng Pebrero 19 .
May mga magagandang dahilan kung bakit may mga estudayante at mga taong pilit na sumasali sa mga Fraternity o Sorority kahit pa e marami na ang namatay sa hazing. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, proteksyon sa sarili, at para magkaroon ng koneksyon.
Mabuti man ang adhikain ng isang Fraternity ngunit mayroong ding kapahamakang nakaambang sa mga gustong sumali dahil sa hazing. Kung totoong pagdadamayan at pagtutulungan ang diwa, bakit ba kailangan pa ang pagpapasakit sa mga bagong miyembro.
Para sa mga taong suspect sa pagkamatay ni John Matthew Salilig at iba pang biktima, kailangang mapatawan ng kaukulang kaparusahan ayon sa Republic Act No. 8049 ng Anti-Hazing Law. Para sa ating mga kabataan, talagang huwag nang sumali sa mga fraternity. Ito ay nagpapahamak lamang sa inyong buhay. Isipin nalang na hindi sukat ang pagsali dito upang magkaroon ng kaibigang dadamay sa iyo.
Kahit wala ang mga grupong ito ay marami namang mga kaibigan at pamilya na totoong nagmamalasakit at dadamay sa atin.
Nalalapit na nga ba?
CATALEYA MAE M. GUDAY


Ang basura ay isang malaking problema sa ating komunidad sa kasalukuyan.
Lalung-lalo na sa mga paaralan. Di matapos-tapos ang problema sa basura. Ayon kay Ginoong Antonio T. Siano, Punong-guro na Mangagoy East Elementary School, ay napapanahon na upang mahigpit na ideklara sa buong paaralan ang pagbabawal sa pagkakalat upang mawakasan na ang problema sa basura sa paaralan.
Noong Setyembre 19, 2022, araw ng Lunes ay ang implementasyon ng panukala ng punong-guro. Ang mga bata ay pinapadla ng kani-kanilang mga sisidlan upang iligpit ang sariling basura.
Pagmumultahin din ang mga batang bumibili o nagdadala ng junkfood sa loob ng paaralan at ikinakalat ang kanilang mga food wrapper. Kahit papaano ay naibsan na rin ang problema ng paaralan kontra basura.
Sa isang linggong obserbasyun ay kumunti ang kalat na basura sa loob nga paaralan. Naging epektibo ang programang ipinatupad at maaaring mag tuloy-tuloy ang adbokasiya hanggang sa maging perpekto ang pagpapatupad nito.
Tiyak na isang daang porsyento ang wakas ng problema sa basura. Ngunit ito ay sa pamamagitan din ng tulong ng mga guro, mga tindera , mga magulang at mga mag-aaral na hindi nagmamatigas sa pagsunod sa mga programa sa paaralan.
“ang mahigpit napagbabawal sa pagkakalat upang mawakasan na ang problema sa basura sa paaralan”
JOE NICHOLSON M. NAVALES

Pamahiin lang ba ang sinasabing katapusan ng mundo?
Paano kung ito ay maging totoo?
Saaklatna The Last Days Are Here Again, isinulatni PropesorRichardKylenaang “biglangpagbabagoatkaguluhan salipunanaynagbubunsodng mgaprediksiyontungkolsakatapusanngmundo.”Totoong-totoo ito,lalonakapagangmga pagbabagoatkaguluhangiyanay mahirapipaliwanag.
SaPilipinas,aymaraming mgapagyanigangatingnaranasan.Tuladnalangng6.2magnitudenaLindolsaMaragusan, DavaodeOro.Naayonsa Phivolcsbagamatwalangbanta ngtsunamiaynagdudulotng mgapinsala.Anglindolay nagdulotngpagkasirasaisang gusaliatmgataongnasaktan dahilsakalamidad.Atanghula ngPHIVOLCSna“TheBigOne” natalagangpinaghahandaanng lahat.
Mgadigmaan,taggutom,lindol, atmgaepidemya.Angpagdami ngkrimenatmgakriminalna kahit2taonggulangnabatana walangkalaban-labanayginagawanngkarahasan.Angpagsirangmgataosalupa.Mga taongmaibiginsasarili,pera,at kaluguran,perowalangpag-ibig saDiyos.
Pagkasirangpamilya.Pagwawalang-bahalangmgataosamga katibayangmalapitnaangkatapusanngmundo.Pangangaralng mabutingbalitangKaharianng Diyossabuongdaigdig.Gayang sinabiniJesus,kapagnakikitana natin“anglahatngmgabagayna ito,”malapitnaangkatapusanng mundo.(Mateo24:33)
“Ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.” 1 JUAN 2:17
Orasnaupangmagbalik-loobsa PoongMaykapalnaSiyangLumikhangsanlibutanatsangkatauhan.Sakanyalamangnatinmakakamitangseguridadsaating buhayatkaluluwa.Dahilangpagdatingngmgakaguluhan,kalamidadatkamatayanayhindi inaasahan,sapagtitiwalaat pagkatiwalanatinsaDiyosna lumikha,buhayaymaykapayapaanatkatiwasayan.
PAHAYAGANG PANGKAMPUS KOMUNIDAD NG MANGAGOY EAST ELEMENTARY SCHOOL
Druga dulot ay kapahamakan
Inklusibong Edukasyon
JENNYROSE F. HAMODIONG
Ang problema ng pamahalaan tungkol sa druga ay mahahalintulad sa isang sakit. Ito ay ang Kanser na imposible o kung meron man ay napakaliit lang pagkakataong gumaling. Noong 2005, naiulat ng PDEA na mayroong 5 milyon katao ang regular na gumagamit ng “shabu” o methamphetamine na bumubuo sa 6% na kabuuang tao ng bansa.
Kung tutuosin ay maliwanag na laganap ang problema sa adiksyon dito sa bansa. Sa bawat linggo ay may naibabalita sa telebisyon at radyo na karahasang gawa ng isang adik o grupo ng mga adik. batang
Di na mabilang ang karahasang naidudulot ng mga adik na ito. Maraming buhay ang nawala at nasayang. Kung kaya gayun na lamang ang galit ng dating pangulo sa mga adik, drug pusher at drug lord.
Malayu-layo narin ang narating ng dating Pangulong Duterte sa kanyang kampanya kontra illegal na droga sa kanyang termino. Sana ay hindi masayang ang nasimulan na digmaan kontra druga ng pamahalaan sa kasalukuyan.
Tuluyan na sanang malinis ang ating bayan laban sa bawal na gamot. At sa tulong rin ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad, pagiging alerto, mapagmatyag sa mga pangyayari sa paligid ay masosolusyunan ang tila kanser ng lipunan.
Masustansyang pagkain ang piliin
mataba. Responsibilidad ng paaralan ang palaguin ang pag-iisip at pati na rin ang kanilang kalusugan dahil ang ma- lusog na kabataan ang pag-asa ng bayan.


NATHANIEL M. OLIVEROS

Ipinagbawal ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbenta ng soft drinks at junk foods sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa noong Marso 2017, para itaguyod ang pagkain ng masustansya ng mga mag-aaral at mga guro
Ayon sa Kagawaran, ang palatandaan ng hindi masustansyang pagkain-matatamis, maman tika at mas kunting gulay- ang sanhi ng pag ging
Ayon kay Ted Tores, sa pagaaral na ginawa ng Pan-Asian Insurance Giant AlA Group, ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mga pinakahindi malusog na mga bansa sa Asia. Gayunpaman, ang pamahalaan ay naglaan ng edukasyong pangkalusugan at pagpapayo para labanan ang manutrisyon, lalo na sa mga bata.
Ang pagsasanay na pang edukasyon at pagpapayo ay nagtuturo upang itama ang ugali sa pagkain at layon nito na paunlarin ang pansariling kaalaman sa lawak ng kabataan para umasenso ang pangangalaga sa kalusugan.
JELLIAN FAE L. AÑORA
Responsibilidad ng pamahalaan ang itaguyod ang karapatan ng bawat isa sa dekalidad na edukasyon ano man ang kasarian, edad, lahi, kalagayang pang ekonomiya, kalagayan ng isip at katawan.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kasangkapan sa pagpapatupad ng inklusibong edukasyon kung saan, ang mga batang mayroong kapansanan at wala ay sama-samang sumasali at natututo sa isang leksyon. Bawat Pilipino ay may karapatan sa dekalidad na edukasyon. Ayon sa ulat na pinakita ng Annual Poverty Indicators Survey (APIS) na ang ating bansa ay mayroong 3.8 milyong bata at kabataang wala sa paaralan.
Liham sa Patnugot
Dagdag pa nito, sa balita ng Manila Times, napakasikip na mga silid aralan at kulang sa sulatan ang karaniwang problemang ibinabalita sa unang araw ng pasukan.
Ang mga mag-aaral ay hindi makapag isip nang mabuti sa ganitong uri ng silid aralan. lpinapakita nito na Bukod pa rito, sa Bislig City Division ay mayroong isang SPED Center lamang at sa paaralan, sa 367 na mag -aaral ay mayroong 17 mag-aaral na may special needs Kinder hanggang ikaanim na baiting.
Sa mga gurong nagtuturo sa aming paaralan, ni isa ay walang special education units. Paano matuturuan ng mga guro ang mga batang may special needs kung wa la silang units sa special education? Ginagawa ng pamahalaan ang pinakamabuti para masulusyonan ang pangangailangan ng mga batang ito.
Mahal na Patnugot, Magandang araw po. Nais ko pong ipaabot sa inyo ang problema sa kakulangan ng palikuran. Mayroon lamang isang-pares ng palikuran sa bawat baitang na may 60 na mga estudyante. May mga panahon talaga na hindi kami makagamit agad dahil sa dami ng nakalinya.
Sana po ay mabigyang pansin at masolusyonan ang problemang ito.
Nag-aalala, Nicole Hello Nicole,

Dahil po sa inyong liham ay kinausap namin ang ating punong-guro at pangulo ng CPTA. Napagkasunduan nila na kumpunihin ang mga sirang palikuran upang ito ay magamit ng mga mag-aaral. Humihingi lang sila ng ilang buwang palugit upang makompletu ang pondo para rito.
Maraming Salamat!
Sumasainyo, Punong Patnugot
PAHAYAGANG PANGKAMPUS KOMUNIDAD NG MANGAGOY EAST ELEMENTARY SCHOOL

Kasalan ng Tribo
Joe Nicholson M. Navales





Isa sa mga 14 na magasawa na nabigyan ng bendisyon sa pag-uulit ng kanikanilang mga sumpa sa unang kasal sa harap ni G. Florio S. Josafat, na siyang tumayong tagpagdaloy at ni G. Gabriel Luna bilang “Babaylan” na siyang gumawa ng ritwal sa kasalan ng tribo noong Linggo, ika-20 ng Nobyembre taong 2023 sa Bislig City Cultural Sports Center.
Kasama sa ritwal ng kasalan ng tribo ay ang isang baso ng tubig, pinakuluang itlog at suklay. Matapos ang pagpapahid ng langis sa mag-asawa, sabay narin ng dasal, ay ang pagkain ng dalawa sa inihandang pinakuluang itlog. Ang pinakuluang itlog ay sumisimbolo ng isang matamis at mabungang buhay.
Tunay ngang isang perlas sa silangang bahagi ng barangay Mangagoy ang tanyag na mababang paaralan ng Mangagoy East na nakatayo sa isang matayog na lugar kung saan abot-tanaw ang asul at malamig na dagat sa pasipiko.
Isang katamtamang paaralan na nagbibigay ng serbisyong pangedukasyon simula pa sa taong 1987. Kabilang sa ekstensyong paaralan ng Mangagoy Central noon kung saan tinawag itong Annex II at dati’y pinapasokan ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang.
Hanggang sa naging isang ganap na malayang paaralan sa pangalan na Mangagoy East. Sa kasalukuyuan ay may 305 na kabuuang bilang ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang sa ika-anim na baitang.
Kagiliw-giliw na mga guro ang bubungad sa mga munting anghel na may sigasig, katalinuhan, pagkamasayahin at angking kabaitan. Dagdagan pa ng mga magulang na kay daling lapitan at pakiusapan sa mga pangangailangan ng paaralan na pinamunuan ng maaasahang mga opisyal.
Mga munting isipan ay nahubog at naging kapakipakinabang sa pamayanan. Naging mekaniko, inhinyero, doctor, guro, at iba pang uri ng panunungkulan sa loob at labas ng bansa man.
Sa kasakuluyan at kabuuan, ang Mangagoy East ay isang paaralang di pahuhuli sa akademya, talento, isports at iba pang larangan. Layun niya’y patuloy hanggang sa katapusan. Isang matatag na eskwelahan para sa kabataan.
Si tatay Fernando at nanay Virgencita Castillo, isang magasawa sa tribo ng Manobo, sa barangay Santa Cruz 1, Bislig City. Sila ay may 30 taon ng pagsasama na biniyayaan ng 5 mga anak. Si nanay “Virgie” ay dating anak ng isang sundalo kung saan nakaranas ng isang maunlad na pamumuhay noon dahil sa may matatag na trabaho ng ama at natustusan ang mga pangangailan ng kanilang pamilya.
Pagkatapos ng seremonya sa pagkain at pag-inum ay ginawa naman ang pagsuklay ng kani-kanilang buhok. Ito ay sumisimbolo ng mapag-alagang kamay para sa kanilang pares.
“Malaki ang aking pasasalamat sa isinagawang kasalan ng tribo at nagkaroon ng isang dimalimutang karanasan kung saan itinuring ang mga tribo na parang hari at reyna ,” saad ni nanay Virgie.

