HIWAGA NG
PLUMA BALITA Sa anunsyo ng DepEd nitong nakaraang martes, iprinisinta ng kagawaran ang ipatutupad sa taong panuruan 2022-2023 kung saan ay magsisimula ang pagbubukas ng mga klase sa pribado at pampublikong paaralan sa darating na Agosto 22 at matatapos sa Hulyo 7, 2023 . Kasabay nito ang pahayag ng bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si VP Sara Z. Duterte, na matutuloy na ang pagbabalik normal sa klase, sa bawat paaralan. Inanunsyo pa ng kalihim na sa unang bahagi ng pagbubukas ng klase ay ipatutupad parin ang blended learning , subalit ito hanggang Oktubre 31, 2022. Simula Nobyembre 2, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa magsasagawa ng transition period hanggang lubos na maipatupad ang 5-day in person o faceto-face classes. Makalipas ang petsang ito wala ng mga paaralan ang magpapatupad ng purong blended learning maliban sa mga paaralan na may Alternative Delivery Mode.Ayon pa rin sa kalihim mayroong 203 araw ng panuruan ang igugugol sa akademiko at iba pang gawain na may kaugnayan sa kurikulum. Mahigpit din na pinaalalahanan ang lahat na ipinagbabawal ang pagsasagawang mga extra-curricular activity sa nasabing panuruan. Ang unang markahan ng panuruan ay magsisimula Agosto 22 at matatapos sa Nobyembre 5, 2022, ikalawang markahan ay sisimulan sa Nobyembre 7 hanggang Pebrero 3, 2023, ikatlong markahan ay sa Pebrero 2023 hanggang Abril 28, 2023 at ang ikaapat na markahan sa Mayo 2 hanggang Hulyo 7, 2023.
DepEd: Pagbubukas ng klase sa S. Y. 2022-2023 ngayong Agosto 22