FILIPINO
n a l a h g n a t g n a m u l a s a r a p a Pag-as
Photo courtesy of Google Images and Inquirer.net
10 | THE LPU INDEPENDENT SENTINEL
Ni Mariztela Alyssa Quirubim R. Domasian glo. Natapos ang proyekto noong 1930 at binuksan nang sumunod na taon. Nadamay ang gusali at nasira noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1978, sa pangunguna ng dating �irst lady na si Imelda Marcos ay ipinaayos ang naturang gusali sa pangunguna ni Otilio, pamangkin ni Juan Arellano. Ang teatrong ito na matatagpuan sa Lawton ay naging tahanan ng mga drama at zarzuela na pinagtanghalan din ng mga beteranong artista, Pilipino man o banyaga. Taong 2011 nang huli itong pinagtanghalan ng bandang Wolfgang. Sinasabing ang pagkasira ng tanghalan at problema na may kinalaman sa may-
Ang buwan ng Marso ay tinaguriang Buwan ng Kababaihan sa buong daigdig, samantalang sa ika-8 naman ng nasabing buwan ay selebrasyon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda!” ang tema ngayong taon ng pagdiriwang nito sa Pilipinas. Kinikilala at binibigyang-pugay sa pagdiriwang na ito ang mga kababaihan na patuloy na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan upang maiangat ang kanilang estado sa lipunan. Bahagi ng pagdiriwang na ito ang pagtalakay sa iba’t ibang isyu na nakakaapekto sa kababaihan. Ang Magna Carta of Women o R.A 9710 ay komprehensibong batas na nangangalaga sa mga karapatan ng kababaihan na ang layunin ay alisin ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala, pagprotekta, pagpapatupad, at pagtaguyod ng kanilang mga karapatan. Kilala ang GABRIELA bilang isang organisasyon na nagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan, bata man o matanda. Sa ngayon ay nakatalaga si Emma Watson bilang UN Women Goodwill Ambassador. Layunin niya na isulong ang women empowerment sa iba’t ibang bansa na kasali sa United Nations.
ari, Government Service Insurance System (GSIS), ang mga dahilan ng pagsasara nito noong 2012. Mula noon, hindi na ito muling binuksan. Noong Mayo 26, 2015, nakatanggap ang National Commission on Culture and the Arts o NCCA ng 270 milyong piso mula sa Department of Budget and Management na kinuha sa National Endowment Fund for Culture and the Arts, upang bilhin ang tanghalan mula sa GSIS at maibalik ang dating ganda at sigla nito. Inumpisahan kamakailan ng NCCA ang paglilinis at pagpapaganda nito. Ayon kay Architect Raj Busmente, project coordinator ng MET Cleanup Drive and Conservation, “We are going into
rehabilitation and conservation. Rehabilitation would mean trying to put it back into a functional stage, magagamit na siya”. Hindi pa man lubusang maisaayos ang teatro dahil sa mga hindi maaaring galawin gaya ng panlabas na disenyo, vandalism, at graf�iti, ginagawa pa rin ng NCCA ang kanilang makakaya upang ayusin ito. “We are doing efforts. We are asking the community to help us so at least may nagagawa untiunti. Yun ang aming pinipilit kahit ganoon yung situation,” ani Busmente. Ayon pa kay Busmente, “Ang dami naming programa na talagang di mo masabi sa dami kung ano ang pwede naming gawin doon so we’re just looking forward”. Ilan sa
Marso bilang Buwan ng Kababaihan
mga programang ito ay ang people’s theatre with activities on art and heritage; schools for living traditions kung saan ipapakita kung paano magukit sa silver, gumawa ng banig, at maghabi ng tela; galleries, music, at teatro. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagsasaayos ng MET. Bukas ito sa lahat ng gustong tumulong. Ang sino mang interesado na tumulong ay maaaring lumapit sa METamorphosis Facebook page. Maaari ring tumawag sa 527-2192 o magpadala ng mensahe sa mettheatermanila@ncca. gov.ph. Tandaan lamang na hindi lahat ay magkakaroon ng pagkakataong maging isa sa mga volunteer dahil sa limitadong kagamitang pangkalig-
tasan.
Idineklara bilang National Culture Treasure noong 2010, ang MET, sa kabila ng kalagayan nito ay kinikilala pa rin bilang isa sa mga kayamanan ng bansa na nararapat lamang buhayin at manatiling buhay sa mata, isip, at puso ng sambayanang Pilipino. Maraming taon man ang bubunuin bago muling masilayan ang dating ganda nito, asahan natin na muling sisibol ang larangan ng teatro dito sa ating bansa. Sa muling pagbangon ng Manila Metropolitan Theater, dala nito ang pangarap ng nakararami na muling palaguin ang mga tanghalang minsa’y muntik na nating iwanan sa nakaraan.
Pagsilip sa loob ng Cinematheque
Ni Ayshea B. Perucho
Ni Lauren Ian Marie G. Magtira
Para sa mga mahilig manood o gumawa ng pelikula, ang Cinematheque Centre Manila ay isang bagong tahanan ng pelikulang Pilipino na matatagpuan lamang sa Kalaw, Ermita. Ito ay naglalayong mapanatili at maibahagi ang sining nito. Dito matatagpuan ang Cinematheque Manila Theater kung saan nagpapalabas ng mga natatanging pelikulang Pilipino at banyaga. Nandito rin ang Museo ng Pelikulang Pilipino kung saan makikita ang mga lumang kagamitan sa paggawa ng pelikula. May mga memorabilia ng mga pelikulang
gawa ng mga sikat na Pilipinong direktor katulad nina Jose Nepomuceno, Manuel Conde, Gerardo de Leon, Lamberto Avellana, Ishmael Bernal, at Lino Brocka. Matatagpuan din sa Cinematheque ang mga opisina ng National Film Archives of the Philippines, FILM ASEAN Knowledge Management Center, at Film Development Council of the Philippines. Ilan pa sa mga maaaring makita dito ay ang Cinematheque Café, isang souvenir shop na nagbebenta ng mga nobela at mga memorabilia, at mga silid-aralan na ginagamit para sa mga special lectures.
Photo courtesy of Google Images
Punong-puno ang Maynila ng mga makasaysayang lugar at gusali na nagpapakita ng pag-unlad at pagbagsak nito. Isa na marahil ang Manila Metropolitan Theater (MET) sa mga gusali sa Maynila na unti-unting nalimot dahil sa mga pangyayari sa kasaysayan na umukit sa kalagayan nito sa kasalukuyan. Panahon pa ng mga Amerikano nang maisipan ng pamahalaan na magtayo ng isang bahay-tanghalan. Naisakatuparan ang planong ito sa tulong ng disenyong gawa ni Juan Arellano na ipinadala sa Amerika upang magaral sa ilalim ni Thomas Lamb, ang nag-disenyo ng mga teatro at sinehan sa Amerika noong ika-20 si-