Tapos na ang karimlan ng gabi, nasisilayan na natin ang kariktan ng bagong umaga, at mulat na tayo sa katotohanang pilit nilang ikinukubli. Panahon na para sa oras ng muling paggising. Ikaw ba — handa ka na? Sa unang isyu ng AZUL, nagngangalang MULAT, minumulat natin ang ating mga mata sa katotohanan at sa mga kuwentong kay tagal nang hindi binibigyang pansin, at kinikilala natin ang ating tungkulin upang ipasa ito sa iba.