Mga payo ni Atty. Leni Robredo sa INSPIRE II, nagmarka sa mga Iskolar ng AdNU-SHS
Upang paigtingin ang pagpapahalaga ng paglilingkod bilang isang lider at iskolar, inimbitahan si dating Bise Presidente Atty. Maria Leonor Gerona Robredo bilang tagapagsalita sa INSPIRE II Seminar ng SIRANG: The Scholars’ Organization na isinagawa noong ika-7 ng Disyembre taong 2023 sa Alingal Convention Hall, sa pamantasang Ateneo de Naga.
BALITA | PAHINA 2
ISLA NG PAG-ASA
Noong Disyembre 25, 2023 ay ipinalabas sa sinehan ang isa sa mga makabuluhang pelikulang pinamagatang “Firefly”. Ito ay isang kuwento ni Tonton (Euwenn Mikael Areta) na magaling gumuhit dahil sa kaniyang pagkamit ng inspirasyon mula sa kuwento ng kaniyang ina na si Elay (Alessandra de Rosi).
LATHALAIN | PAHINA 13
NAGKANDABUHOL-BOHOL
Walang mag-aakalang ang isa sa mga tanyag na anyong lupa at laging binibisita ng mga turista sa Bohol ay siyang sasalpakan ng makina ng pera. Alam na ng mga Pinoy iyan eh, seguro upang mapagsilbihan naman ang ganda ng tinatawag na Tsokolateng Burol o Mga Bungtod sa Tsokolate sa Cebuano.
OPINYON | PAHINA 09
BABAE ANG ILALABAN: Ateneo JHS delegado ng JAM antabayanan sa UAAP
Ipinamalas ng babaeng delagado ng Ateneo de Naga University Junior High School ng nakaraang Jesuit Athletic Meet (JAM) 2023 sa isports na 3x3 Basketball ang lakas ng isang babae nang masungkit ang interes ng dalawang institusyong kabilang sa sampung Heswitang pamantasan na lumahok sa nasabing kaganapan noong Setyembre 18-24, 2023 sa Xavier School Nuvali.
PAMPALAKASAN | PAHINA 17
OPINYON | PAHINA 11
Pilit na isinasayaw ng gobyerno ang istorya ng kasalukuyan tungo sa madugong kasaysayan.Sa indak ng unang hakbang, patuloy na iginigiit ng administrasyon ang pag-amyenda sa 1987 Konstitusyon sa pagpapanukala ng Charter Change (Chacha). Katuwang nito ang pagsusulong ng full foreign ownership sa mga institusyong pang-edukasyon ng bansa.
02 BALITA PAMPAARALAN
RISE Raffle ng SIRANG: The Scholars’ Organization, matagumpay na nakalikom ng Php117,219
nina Glen Joy E. Abilgos at Neil B. Lawag
Umabot sa 6,030 raffle tickets na nagkakahalagang Php 20 bawat isa ang naibenta ng SIRANG: The Scholars’ Organization sa proyektong ‘Rise Raffle’, ang pinakamalaking fund raising activity ng paaralan sa kasalukuyan, sa tulong ng iba’t ibang organisasyon ng Pamantasang Ateneo de Naga Senior High School na ginanap sa Gymnasium noong Enero 28, 2024.
Mga payo ni Atty. Leni Robredo sa INSPIRE II, nagmarka sa mga Iskolar ng
Upang paigtingin ang pagpapahalaga ng paglilingkod bilang isang lider at iskolar, inimbitahan si dating Bise Presidente Atty. Maria Leonor Gerona Robredo bilang tagapagsalita sa INSPIRE II Seminar ng SIRANG: The Scholars’ Organization na isinagawa noong ika-7 ng Disyembre taong 2023 sa Alingal Convention Hall, sa pamantasang Ateneo de Naga.
Nakaangkla ang akademikong pagtitipon sa temang “Invigorating and Nurturing Students by Providing Inputs to Reignite Enthusiasm,” kaya binigyang-diin ni Atty. Robredo sa INSPIRE Seminar ang kahalagahan ng paghasa ng kakayahan ng mga kabataan sa iba’t ibang larang. Nagbigay rin siya ng payo upang manumbalik ang sigla sa pag-aaral ng mga estudyante, mga input tungkol sa katatagan, at mga karanasan kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay at kaniyang personal na pananaw sa pamumuno upang magbigay ng inspirasyon sa mahigit 350 na estudyanteng iskolar at mga kabataang lider ng institusyon.
Ang panayam na ito ay nagmistulang couch session ni Atty. Leni Robredo kasama ang mga tagapagdaloy na sina Allia Herras at Geline Velasco. Sa interbyu, ibinahagi ni Atty. Robredo ang kaniyang mga karanasan at pananaw sa paglilingkod sa bayan. Isinapuso niya ang mensahe ng pag-asa at determinasyon sa kabila ng mga pagsubok at diniinan niya ang kahalagahan ng liderato na nagmumula sa pagmamalasakit at pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
mga balita sa komunidad at isyu sa lipunan.
Ang mga kabilang na organizasyon na nagtanong kay Atty. Robredo ay ang Ateneo Student Council Organization (ASCO), Student Council Commission on Elections (SC COMELEC), Plenum Debate Society, KuritBULAWAN Publication, at ang SIRANG: The Scholars’ Organization, kung saan ay kanilang ibinahagi ang mga hakbang at daan upang mapanatili ang pananaw at konsistensi sa paglilingkod sa kabila ng mabilis na pagbabago sa institusyon. Dagdag pa rito, nagpokus sila sa kung paano ang mga estudyanteng lider ay maaaring makatulong sa pagpapalakas ng antas ng literasiya ng kabataan. Bukod dito, binigyan din nila ng importansya ang mga paraan kung paano maaaring maging matatag ang mga kabataan sa pagtataguyod ng mas mahusay na sistema ng edukasyon sa bansa.
Karagdagan, isang tanong ang ibinato sa pakikipanayam na agad namang kumalat sa iba’t ibang plataporma ng social media. Ito ay isang kontrobersiyal na tanong na tila ay nagbigay aliw sa mga tao at nagbunga ng iba’t ibang positibong reaksiyon mula sa mga manonood at tagasubaybay. Ang naturang tanong mula sa Miss Universe 2023 ay:
“If you could live one year in another woman’s shoes, who would it be and why?” “Kathryn Bernardo”, ang kaniyang naging tugon sa tanong.
“She has been a really good person, and aram nindo, she has been helping us very very quietly”, dagdag pa niya.
SIKLAB. Dumalo bilang tagapagsalita si dating Bise Pangulo Atty. Leni Robredo sa inorganisang seminar ng SIRANG: The Scholars’ Organization na pinamagatang INSPIRE YEAR II,
temang “Pagbibigay-Sigla at Pagsusulong ng Pagsisikap ng mga magaaral.” Ito’y ginanap sa Alingal Convention Hall ng Ateneo de Naga University noong Disyembre 7, 2023. | Kuhang larawan ni Oonah Angela
Ngiting tagumpay ang ipinakita nina Bb. Rizalyn Saha-
parangal sa 14th National Campus Media Conference sa Lungsod Zamboanga, Zamboanga del Sur noong ika-10 ng Nobyembre 2023. | Larawan mula sa Arkibo
‘Shared reality,’ pokus ng Pambansang Kumperensiya sa Pahayagan ni Alaine V. Rodrigo
Sa patuloy na banta ng misimpormasyon at kasinungalingan sa lipunan, isinulong ng School Press Advisers Movement (SPAM) ang temang “Promoting Evidence Based-Journalism in the Reel World of AI and Social Media Influencers” sa 14th National Campus Media Conference na ginanap sa Lungsod Zamboanga, Zamboanga del Sur noong ika-8 hanggang 10 ng Nobyembre 2023.
Kabilang sa 507 mamahayag pangkampus at tagapayong lumahok sa pagtitipon ay ang kinatawan ng KuritBulawan. Sa patimpalak na itinampok dito, nasungkit ng Kapatnugot na si Alaine V. Rodrigo ang ikalawang gantimpala sa Visual Journalism - Filipino at ikaapat na gantimpala sa News Writing Filipino-kategoryang Senior High School. Samantalang natamo naman ng Tagapayong si Bb. Rizalyn Sahagun ang ikalimang gantimpala sa News Writing Filipino-kategoryang Tagapayo.
Hinirang naman ang ikalawang tomo ng Kurit Bulawan bilang ikalawang may pinakamahusay na larawang pampahayagan sa balita at isports, maging sa seksiyong opinyon. Karagdagan dito, ang ikatlong gantimpala sa front page layout, editorial content, at paglalarawang tudling. Samantala, kinilala naman sa ikaapat na puwesto ang editorial content at ikalimang puwesto ang larawang lathalain ng naturang papel.
Maliban sa iba’t ibang panayam pampahayagan, itinampok sa taong ito ang kauna-unahang International Media Research Conference na nagbigay pagkakataon sa mga kalahok na maibahagi sa mas malawak na espasyo ang kanilang dedikasyon sa larang ng komunikasyon at pamamahayag sa paraan ng marubdob na pananaliksik.
Bukod sa interbyu ni Atty. Leni Robredo, ipinahayag ng iba’t ibang organisasyon ng AdNU-SHS ang kanilang katanungan ukol sa
Batay sa tagapag-organisa, ang INSPIRE Year II Seminar ay hindi lamang isang pagkakataon upang magkaroon ng bagong kaalaman at karanasan, kundi isang pagkakataon din upang magbahagi ng inspirasyon at pag-asa sa mga kabataan. Ang presensiya ni Atty. Robredo ay nagbigay ng sigla at kahulugan sa seminar, na nag-iwan ng marka ng pagmamahal at paglilingkod sa puso ng bawat isa. Ito rin ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maibahagi ang kanilang kaalaman at kakayahan, pati na rin ang kanilang mga pangarap at ambisyon sa hinaharap.
Caceres Youth Commission (CYC), pinamunuan ang Marian Youth Congress (MYC) na may temang “Mary arose and went in haste” (Lk 1:39), bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Solemn Feast of Our Lady of Peñafrancia.
Ayon sa datos na ibinigay ng CYC, tinatayang aabot sa mahigit-kumulang 1,700 na kabataan mula sa iba’t ibang lugar ang nakilahok sa pagtitipong ito.
Diskriminasyong Panrelihiyon iwinaksi sa Red Wednesday ni Mikaela Villanueva
Isang espesyal na misa ang idinaos noong Nobyembre 29, 2023 sa Pamantasan ng Ateneo de Naga para sa mga pinagkaitan ng kalayaang panrelihiyon na ipinaglalaban ng sektor. Binigyang-diin sa seremonya ang pagpapahalaga sa diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa sa sangkatauhan sa gitna ng mga hamon na bunga ng relihiyosong pag-uusig.
Sa pagtatapos ng misa, pinailawan ng pula ang tanyag na Four Pillars ng pamantasan at ang Christ the King Church tanda ng paalala sa buong komunidad na patuloy nilang dadalhin ang liwanag ng pag-asa at pagkakaisa sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang naturang pagkilos ay hindi lamang isang taunang pagdiriwang, kundi isang hamon at panawagan upang magbigay ng espasyo para sa pagkakaisa at pagrespeto sa lahat ng tao, anuman ang kanilang pananampalataya.
nina Allia Herras at Jess Mario San Joaquin
na may
Padayao
TAGUMPAHAYAGAN.
gun, Bb. Erika James Roxas, at Alaine Rodrigo matapos nasungkit ang ilang
Via Allia Herras, Sean Estadilla, Riczon Prado, at Kim Delovino
Kuhang larawan ni Oonah Angela Padayao
Kuhang larawan ni Alaine Rodrigo
DYORNALISTO: Sinalubong ng mga mamamahayag pangkampus ang isang drayber ng dyipni para sa isang panayam ukol sa Jeepney Phaseout sa LCC Transport Terminal noong ika-19 Enero 2024 bilang bahagi ng kanilang pagsasanay sa Peryodikuhan 2024.
Diskursong pangkaligtasan at BMI, pinaigting sa Peryodikuhan 2024
Bukod sa nakagawiang talakayan-palihan sa mga sulatin at sining sa pampahayagang pangkampus, binigyang-diin sa idinaos na Peryodikuhan 2024 ang kaligtasan ng mga mamamahayag pangkampus lagpas sa apat na sulok ng paaralan.
Sinimulan ang pagsasanay noong ika-18 ng Enero sa pamamagitan ng pagbabahagi ni Abby Bilan, ang dating punong patnugot ng ThePILLARS Publication, ng mahahalagang etika at payo sa pagsusulat ng makabuluhang balita at ang sining ng pakikipanayam.
“Despite the threats on (campus) press freedom and journalists, you all have been courageous enough to take on the challenge of being in this field. But in going further, don’t take this dangerous and difficult road lightly. When you are repressed, and you stumble, always go back to the mandate of journalism–serve the people,” pahayag ni Bilan sa isang panayam na kaniyang pinaunlakan matapos ang Peryodikuhan 2024.
Iminungkahi niya na ang pagsasaalang-alang ng mamamahayag sa etikang pang-midya sa lahat ng oras ay isang bahagi ng pagsulat ng balita. Idinagdag pa niya na dapat isapuso ng mga nasa ilalim ng propesyong ito na ang pinakadiwa ng pamamamahayag ay ang pagsisilbi sa interes ng publiko. Sumunod na naglatag ng diskurso si Reynard Magtoto, ang patnugot ng Baretang Bikolnon at tagapangulo ng National Union of Journalists (NUJP) - Bikol. Tinalakay ni Magtoto ang mga batayang kasanayang dapat isaalang-alang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamahayag.
Ibinahagi niya na, “Journalism is dangerous business.” Isa si Frenchie Mae Cumpio, Tacloban-based na manunulat ang kailangang patuloy na ipanawagan para sa kaniyang kalayaan. Karagdagan, ilan sa mga naitalang rekord na magpapatunay sa pahayag ni Magtoto ay ang mga danas ng mamamahayag pangkampus sa Bikol katulad ng redtagging, pangmamaltrato, at mga lantarang pananakot sa kanila.
Sa kabila nito, ibinahagi niya ang ilang paraan ayon sa NUJP na dapat na gawin upang mapanatiling ligtas ang mga mamamahayag sa ganitong linya ng trabaho.
Nagpahayag naman si Geline Velasco ng kaniyang saloobin sa bukas na talakayan, aniya, “Sad siya, na kailangan natin siyang alamin. Alam natin na patuloy pa rin ‘yong threats and given harm na ginagawa sa ating journalists because of our field of work.” Samantala, noong ika-19 ng Enero, sinimulan ng mga miyembro ng Kurit Bulawan na mailapat ang mga natutuhan sa naging talakayan-palihan nina Bilan at Magtoto sa kanilang paglahok sa Basic Mass Integration (BMI) na bahagi ng Peryodikuhan 2024.
Ayon kay Sean Gabriel Estadilla, ang circulation manager ng pahayagan, nailapat niya ang kaniyang natutuhan sa pamamagitan ng pagiging mulat sa mga nagaganap sa kaniyang paligid.
“Napakagandang experience para sa akin. Pangalawang sali ko na ito sa event na ganito and honestly sobrang grateful ako dahil nakasalamuha ko ang realidad – nakasalamuha ko ang mga taong kailangan marinig ng karamihan,” ani Estadilla.
Maliban kina Bilan at Magtoto, nakasama rin sa hanay ng mga tagapagsanay ang Bikolanong manunulat na si Francisco Peñones, batikang retratistang si Ping Peralta, mamamahayag na si Aireen Perol-Jaymalin, dating tagapayo ng The Bicol Scholar na si Jerry Noveno, dating Kartunista ng The Stateans na si Gerard Ibaretta, ang National Schools Press Conference award-winning sports writer na si Renzo Guzon, mga mamamahayag pangkampus ng ThePILLARS Publication na sina Edward Alipio, Jamil Mazo, at Rica Borromeo. Kasama rin dito ang dating punong patnugot ng Philippine Collegian na si Daniel Sebastianne Daiz.
Naging inspirasyon sa kabuoang konsepto ng Peryodikuhan 2024 ang matagumpay na pagbabalik ng Liyab X: Regional Journalism and Arts Festival 2023 ng ThePILLARS Publication na nilahukan ng mahigit 200 mamamahayag pangkampus sa loob ng Bikol.
AdNU SHS, nagawaran ng akreditasyon mula PAASCU
ni Trixie Myla Job
Sa kalagitnaan ng ikalawang semestre ng Taong Panuruan 2023-2024, nagkaroon ng pagdalaw at pag-iinspeksiyon ang Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) sa Ateneo de Naga Senior High School noong Marso.
Ang kanilang pagbisita ay kinapalooban ng mga pag-obserba ng mga sesyon sa klase, interbyu sa
mga empleado, pagsusuri sa pamamalakad ng mga opisina at pasilidad, at iba pang pag-aanalisa sa kabuoang kalakasan at pangangailangan ng SHS.
Sa huli, naging matagumpay ang mga paghahanda ng SHS para sa PAASCU dahil nagawaran itong ng akreditasyong balido para sa tatlong taon.
Komunidad ng AdNU, ipinaabot ang Hiling sa bagong Pangulo
Sa pagsalubong ng bagong Taong Panuruan 20242025, umaasa ang buong komunidad ng Ateneo de Naga sa mauupong bagong pangulo na si Reb. P. Aristotle “Ari” C. Dy, SJ na magdadala ng bagong sigla at layunin sa institusyon, tangan ang masigasig na pangangasiwa sa edukasyon at magbubukas ng mga iskolarship na makakatulong sa mga karapat-dapat na Bikolanong mag-aaral.
Ang pagtanggap kay Reb. P. Ari ay isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng pamantasan at inaasahang magbubukas ng bagong pinto ng tagumpay at pag-unlad nito kaakibat ang pagpapatuloy ng tradisyong Ignasyano sa loob at labas ng rehiyon.
Opisyal na inanunsiyo sa komunidad noong ika-13 ng Agosto ang pagkilala kay Reb. P. Ari. bilang ikalimang heswitang Pangulo ng Ateneo de Naga. Siya ay inaasahang magtatapos ng katungkulan bilang Pangulo ng Xavier School (XS-XS Nuvali) sa ika-30 ng Marso 2024.
AdNU, pinangunahan ang ikawalong araw ng nobenaryong misa para kay Ina
Bilang isponsor ng ikawalong araw ng nobenaryong misa para kay Inang Penafrancia at Divino Rostro, tinatayang nasa 300 na mag-aaral ng pamantasang
Ateneo de Naga ang dumalo sa Naga Metropolitan Cathedral noong ika-15 ng Setyembre.
Ang misa ay pinangunahan ng pangulo ng pamantasang si P. Roberto Exequiel N. Rivera, SJ kasama ang iba pang paring Heswita. Sa kaniyang homili, ibinahagi niyang hanggang sa kasalukuyan ay
nananatiling pag-asa si Ina sa maraming tao, sa mga Filipino, at partikular sa mga Bikolano.
Dagdag sa misang ito, pagkatapos ay mas pinalalim ng mga Atenista ang pagpapakita ng kanilang debosyon sa pamamagitan ng pagsayaw ng Voyadores sa patyo ng simbahan, pati na rin ang paglahok sa prusisyong Traslacion.
ni Brent Isaac Geronimo at Mikaela Villanueva
Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng tulong pinansyal sa kanilang programang Feed-a-Scholar at magsilbing fundraising activity para sa mga darating na proyekto at aktibidad ng SIRANG.
ni Ethan Nigel Portes
ni Trixie Myla Job
PINTAKASI KAY PENAFRANCIA. Taimtim na nakikinig ang mga dumalong mag-aaral mula AdNU sa ikawalong araw ng nobenaryong misang ginanap noong Setyembre 15 sa Naga Metropolitan Cathedral. | Kuhang larawan ni Riczon Prado
Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng Ateneo de Naga University.
Pagbahagi ng mga saliksik, kinilala sa MUKNA
ni Alaine Rodrigo
Sa pangunguna ni G. Vincent Eduard A. Sta. Clara kasama ang Research in Daily Life cluster, binuksan noong Mayo 23 ang unang Student Research Congress na pinamagatang MUKNA: Engaging Young Researchers in Promoting Research Culture na ginanap sa University Gymnasium ng Pamantasang Ateneo de Naga.
Ibinida ng mga mag-aaral ang kanilang mga pananaliksik, research abstracts, at research posters mula sa ika-12 baitang ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), AD-2D Animation and Visual Effects (AVFX), Accountancy Business Management (ABM), at General Academic Strand (GAS).
Nagbahagi ang STEM at GA strands sa unang bahagi ng programa ng ng kani-lang mga research poster at pagpapamalas din ng 13 na video ab-
371 mag-aaral, nagtamo ng Semestral awards nina Glen Joy E. Abilgos at Neil B. Lawag
Matapos ang pagkahinto buhat ng pandemya, tagumpay na inilunsad ang pinakahinihintay na semestral awarding ng mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Naga ng Senior High School na ginanap sa Gymnasium nito noong ika-15 ng Marso.
Pormal na binuksan ang nasabing seremonya sa pangunguna ng Tagapangulo ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) na si Bb. Marian Callo, kasama ang Assistant Principal on Formation and Student Services (APFSS) G. Honesto S. Bermundo III, para sa pamamahagi ng mga sertipiko sa 294 na mag aaral na nakakuha ng Second Honors at ang Punong Guro na si Dr. Lydia T. Goingo para naman sa 81 mag-aaral na nakasungkit ng First Honors.
Inaasahan ng mga mag-aaral na magtutuloy-tuloy na ang pagkilalang ito sa susunod pang semestre upang magsilbing motibasyon at inspirasyon sa iba pang mag-aaral.
Sa unang face-to-face na paligsahang inorganisa ng Philippine Schools Debate Cup (PSDC) matapos ang pandemya, nag-uwi ng mga parangal mula sa pambansang paligsahang ito ang mga debater ng Ateneo de Naga Senior High School Plenum Debate Society.
Noong ika-11 at 14 ng Enero sa Pamantasang Ateneo de Manila, matagumpay na natamo nina Mary Catherine Marco at Jerard Benedick Caguicla ang titulo bilang mga Ana Alano Cup Grand Finalists, ang pinakamataas na posisyong nakamit ng nasabing organisasyon.
Karagdagan sa kanilang panalo ay sina Yuan Angelo
P. Pacao at Jhanina Sophia M. Bermas na tiniyak ang kanilang puwesto bilang mga Ana Alano Cup Semifinalists, gayundin ang tambalan nina Kent John A. Baracinas at Geoffrey Nicholas L. Opeña.
Nagpamalas din ang mga kalahok na sina Franc Iverdre Gonzaga at Amber Colleen Oloya, at Trishia Pauleen O. Ruta kasama si Trishia Aliezza G. Sadueste, na malaking bahagi rin ang ginampanan sa kabuoang tagumpay ng paaralan.
Pormal na kinilala ang kanilang gilas noong Pebrero 5, 2024 sa Monday General Assembly.
Ambassadog Booster, mananatili sa AdNU
ni Cesar Armando Camba
Pinangunahan ng Ateneo de Naga University - Student Supreme Government ang petisyong “Booster Stay” noong ika-25 ng Abril na naglalayong makahanap ng pamilyang kukupkop kay Booster bilang alternatibo sa paglipat nito sa Lungsod Tagaytay.
Sa tulong ng mga Atenista at iba’t ibang institusyon sa bansa, nakalikom ng kabuoang 1,318 indibidwal ang sumuporta sa nasabing petisyon.
Bago ang nasabing inisyatiba, inanunsiyo ng student government ang pagreretiro nito matapos ang apat na taong pagseserbisyo sa pamantasan bilang isang bomb sniffing dog. Sa pitong taon o katumbas ng 70 taon ng tao, hindi na praktikal at magiging delikado ang pagbiyahe nito pabalik sa Tagaytay dahil sa posibleng istres na maidulot nito sa aso. Ang planong paglilipat sa lahat ng pagmamay-aring canine unit kabilang si Booster ay dulot ng hindi pagkapanalo ng El Tigre - ang security agency na nagmamay-ari kay Booster.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ngayon ng Ateneo Animal Management and Nurturing Network (ATAMANN) at Ateneo de Naga University Student Recruitment Office (AdNU USRO) si Booster upang maseguro ang kalusugan nito at ligtas sa bantang hatid ng init, habang inilalakad ang proseso sa pag-ampon.
stracts mula sa lahat ng strands.
Sa hapon, unang sinimulan ng AVFX ang public presentations tungkol sa proseso ng kanilang paggawa ng mga animation videos hango sa literaturang Bikol.
Nagtapos ang unang araw sa mga public presentations mula sa HUMSS at GAS tungkol sa mga problema ng mga mag-aaral at ng lipunan.
Ipinagpatuloy naman sa ikalawang araw ang public presentations mula sa STEM strand at sinundan din ng ABM strand.
Nagtapos ang MUKNA sa pagkilala ng natatanging ambag ng mga mag-aaral sa disiplina ng kaalaman at larang ng pananaliksik. Inaasahan na mula sa gawaing ito ay mas magiging masigla ang kultura ng pananaliksik sa AdNU-SHS.
DUGONG ALAY, ISANG BUHAY. Isa sa mga miyembro ng Ateneo de Naga University ay sumali sa bloodletting drive para sa ika-16 taon ng programang Dugong Atenista na isinagawa sa Xavier Hall noong Nobyembre 29-30, 2023. | Kuhang Larawan ni Alaine Rodrigo
Bayanihan serbisyong pampamayanan, tampok sa Dugong Atenista
Sa ika-16 na taon ng Dugong Atenista, muling ipinamalas ng mga mag-aaral, guro, kawani, at alumni ng Pamantasang Ateneo de Naga ang taos-pusong pagtulong sa mga indibidwal na may panga- ngailangang tulong-medikal sa pamama- gitan ng pakikilahok sa bloodletting drive mula Nobyembre 29-30 sa Xavier Hall.
Sa pangunguna ng AdNU Office of Student Affairs (OSA), katuwang ang Bicol Medical Center (BMC) at College of Nursing, umabot sa 228 ang bilang ng nagbahagi ng kanilang dugo sa dalawang araw na aktibidad.
Layunin ng Dugong Atenista na makalikom ng ligtas na suplay ng dugo upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga mamamayang may karamdaman. Gayundin, hangad ng programa na mahubog ang diwa ng bolunterismo sa komunidad sa pamamagitan ng pakikisangkot sa paglilig-
tas ng buhay.
Samantala, hinimok ni Bb. Tricia M. Del Castillo, isang 4th Year Junior Clinical Instructor mula sa College of Nursing, ang patuloy na pagsuporta ng mga donors sa Dugong Atenista upang itaguyod ang kalusugan at matugunan ang kakulangan sa suplay ng dugo.
“It would be very beneficial to the patients dahil hindi na po maghahanap pa ng mga persons na mag-dodonate, since magi- ging available na yung mga blood sa blood bank ng BMC,” ani Del Castillo.
Sa isang Facebook post, ipinahayag ng OSA ang walang humpay na pasasalamat sa Ateneo College Red Cross Youth, Ateneo Higher Education Health Services Office, iba’t ibang opisina ng institusyon, at mga organisasyong naging bahagi sa tagumpay ng aktibidad.
ni Trixie Myla Job at Allyza Joy Magadia
SALIKSIK SA MGA SIPI. Isang mananaliksik mula sa GE2A ay ipiniprisenta ang kanilang nakalap tungkol sa paggamit ng sipi mga mag-aaral ng AdNU SHS sa University Gymnasium ng Pamantasang Ateneo de Naga. Kuhang larawan ni Alaine Rodrigo
BANTAYdOG. Inilakad ng isa sa mga Security Guard ng Pamantasang Ateneo de Naga ang Ambassadog na si Booster kasama ang iba pang mga Atenean sa Ignatius Park noong April 26, 2024 para sa inaasahang ‘Farewell Walk’ na inihanda para sa kaniya. | Kuhang larawan ni Jabez Phire Santiago
BALITA
Kurit Bulawan, nagpakitang-gilas sa BACS Journalism Youth Summit 2024
ni Trixie Myla Job
Bitbit ang diwa ng Kurit Bulawan (KuBu), labinsiyam na mga mag-aaral ng Ateneo de Naga Senior High School ang nagpamalas ng kanilang galing sa paggamit ng tinta u- pang magsulat at gumuhit ng pagpapahayag sa kauna-unahang Journalism Youth Summit na inorganisa ng Bikol Association of Catholic Schools (BACS).
Hawak ang temang “Youth on Mission: Bearers or Love and Truth,” inilunsad ito noong una hanggang ikatlo ng Marso kung saan naging punong-abala ang Holy Rosary Minor Seminary, Lungsod ng Naga bilang ginanapan ng mga aktibidad at programa, at katuwang ang Unibersidad de Sta. Isabel na naging tuluyan din ng mga kalahok.
Dagdag sa mga kompetisyong pangmag-aaral na pinangungunahan ng BACS, nabuo ang nasabing youth summit gamit ang idea ni Owen del Castillo, ang tagapayo ng The Agnesian mula sa St. Agnes Academy, Lungsod ng Legazpi.
Bunsod ng kagustuhan ni del Castillo na bumuo ng pagtitipon para sa mga katolikong mamamahayag ng Bikol, binuksan ng Ca- tholic Educational Association of Caceres and Libmanan (CEACAL) ang kanilang pintuan para sa kabuoang bilang na 626 na mag-aaral, galing sa iba’t ibang archdiocese ng rehiyon.
Sa tatlong araw ng naisakatuparang youth summit, nabigyang-tsansa ang mga kalahok na makilala ang mga kapuwa-mamamahayag na tubong iba’t ibang dako ng Bikol, mamulat lalo sa kahalagahan ng epektibong pamamahayag, at lalong lalo ang ipakita ang kanilang mga kagalingan sa pagsulat at pagguhit.
Nang winakasan ang youth summit, ang mga kinatawan ng Kurit Bulawan ay kabilang sa mga nagawarang gantimpala pareho para sa mga indibidwal at pampangkatang kompetisyon.
Ang Radio Broadcasting Team-English ng KuBu ay itinanghal bilang Overall Top 2 at Top 2 Best Script, kasama ang mga indibidwal na pagkapanalo nina Emilia Prilles bilang Top 3 Best News Presenter at Kristoff Macalla bilang Top 2 Best Technical.
Ang Radio Broadcasting Team-Filipino naman ay hinirang na Overall Top 1, Top 1 Best Infomercial, Top 1 Best Script, na dinagdagan ng mga miyembro nitong sina Lewis Bañas na Top 2 Best Anchor, Theo Bordado na Top 3 Best Anchor, Joszhlei Gatan na Top 2 Best News Anchor, at Kristoff Macalla na itinanghal bilang Top 1 Best Technical.
Sa mga indibiwal na kompetisyon naman ng English, matagumpay na nakamit ni Mikaela Villanueva ang News Writing Top 2, ni Althea Avila ang Feature Writing Top 2, at Oonah Padayao ang Photojournalism Top 5.
Sa Filipino ay nasungkit ni David Barrameda ang Top 1 sa Pagsulat ng Isports, ni Adriane Umali ang Top 2 sa Pagsulat ng Pang-agham at Teknolohiya, ni Cesar Camba ang Top 3 sa Paglalarawang Tudling, at Trixie Job bilang Top 4 sa Pagsulat ng Balita.
Naging mahalagang kasangkapan din sa tagumpay na nakamit sina Nicole Contreras, Alwein San Juan, at Sofia Ordoña, kabilang sa mga kinatawan ng KuBu.
Mula sa panayam kasama si David Ba rameda, isang miyembro ng KuBu, naging paraan ang mga pagtitipong tulad ng BACS Journalism Youth Summit upang mahasa lalo ang husay ng mga mag-aaral, lalo para sa mga katulad niyang unang beses na lumahok sa kompetisyong pamamahayag.
Saad pa ni Barrameda, “Hindi ko talaga inexpect na manalo kasi gusto ko lang ng karanasan, pero noong nakita ko na eager ang lahat ng KuBu representatives na manalo, ginalinangan ko na rin. Para sa akin, parang bonus na lang iyong manalo kasi grateful na ako na marepresent ang AdNU at ang KuBu sa BACS Summit.”
Ang BACS Journalism Youth Summit 2024 ay patotoo ng dedikasyon at komitment ng mga Bikolanong katolikong mamamahayag na magsilbi sa Diyos, kapuwa, at bayan.
723 na mag-aaral ng Batch ‘24, binuod ang pagpupunyagi sa Ika-7 Taunang Pagtatapos
Binigyang-pugay ang mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang ng Ateneo de Naga Senior High School na naisakatuparan ang dalawang taong pangangasiwa ng Ignasyanong aral at husay sa naganap na Ika-7 Taunang Pagtatapos.
Dinaaluhan ang Ateneo Covered Courts noong ika-22 ng Hunyo, 2024 ng mga nagdiriwang na magtatapos na mag-aaral, magulang, empleado ng pamantasan, at ang Pangunahing Tagapagsalitang si Atty. Melbourne Ziro Pana, ang Undersecretary for Legal Affairs ng National Economic and Development Authority (NEDA), alumnus ng Ateneo de Naga High School noong 2004.
Idiniin niya sa kaniyang talumpati na kaakibat ng paghatid ng pagiging Magis sa mga mag-aaral sa malayo’t malawak na tagumpay, nararapat pa rin ang pagbabalik-tanaw sa pamantasan bilang pasasalamat.
Ani Atty. Pana, “Let the Jesuit education be a compass that will guide you to your life’s ultimate calling.”
Sa ginanap na pagtatapos, 723 na mag-aaral mula sa iba’t ibang strands ang kinilala: 90 mula sa Accountancy, Business, and Management (ABM), 35 sa Animation and Visual Effects (AD-2D AVFX), 113 ang nanggaling sa General Academic (GA), 119 sa Humanities and Social Sciences (HUMSS), 2 sa Social Journalism (SJ), at ang malaking bilang na 364 ang nagmula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).
Dagdag sa paggawad-parangal sa kagalingang ibinuhos ng mga nagtapos, noong Hunyo 21 ay nagkaroon din ng Recognition Rites para sa mga mag-aaral na nakatanggap ng mga parangal pang-institusyon na Oustanding, Service, at Leadership Awards, pati ang mga pang-akademikong gawad na Pillars Gold, Silver, at Bronze Medallion. Ngayong taon, ang hinirang na Class Valedictorian ay si Allia Herras ng ABM na nakatanggap ng mga parangal na Pillars Gold Medallion, Leadership Award, Rev. Fr. Raul Bonoan S.J. Service Award, at Second Honors.
Balikbayan Banwa Expo, muling pinasiklab sa ikalawa nitong
taon
Sa pangunguna ng Contemporary Philippine Arts from the Regions (CPAR) cluster, inilunsad noong ika-16 ng Mayo 2024 ang Balikbayan Banwa Expo na nagtatampok ng gawang mural, booth, at coffee table ng piling munisipalidad sa Camarines Sur.
Sinalubong sa Xavier Hall ng mga seksiyon mula sa istrand na Science, Technology, Enginnering, Mathematics (STEM), Animation and Visual Effects (AVFX), at General Acade-mic Strand (GAS) ang mga hurado gamit ang Welcome Arc bilang panimula sa patimpalak. Nagwagi ang munisipalidad ng Minalabac matapos nitong makakuha ng 92.67 puntos mula sa mga hurado. Nagtapos naman ang munisipalidad ng Magarao sa ikalawang puwesto na may 90.6 puntos, at sinundan ng Canaman na may 90 puntos.
Ipinamalas naman ang husay ng munisipalidad ng Magarao nang magkampeon ito sa Coffee Table Curation. Sinundan naman ito ng mga munisipalidad ng Camaligan at Minalabac para sa ikalawa at ikatlong gantimpala.
Nagtanghal naman ng mga presentasyon ang bawat seksiyon upang ipresenta ang kanilang mga munisipalidad para
sa Town Booth Presentation, at Town Curation. Nakuha ang unang gantimpala ng Pili para sa Town Booth Presentation, na sinundan naman ng Magarao at Minalabac. Para sa Town Curation, muli ring nagwagi ang munisipalidad ng Pili.
Nagpakitang-husay naman sa pagkamalikhain ang mga seksiyon mula sa Minalabac nang magkampeon para sa Best Mural. Hindi rin naman nagpahuli ang mga munisipalidad ng Pili at Magarao nang makuha nito ang ikalawa at ikatlong gantimpala.
Nagtapos ang expo sa isang mensahe ni G. Ryan Cuatrona, isang guro mula sa 2D - Animation and Visual Effects.
Sa huli, nagbalik-tanaw naman si G. Cuatrona sa kaniyang panapos na pananalita tungkol sa pangunahing layunin ng Balikbayan, maging ang patriotismo at pagbabalik ng komunidad sa sariling bayan.
“Lugod, pilion ta man giraray na magbalikbayan dawa dakulaon an agyat na satuyang sasabaton. Pilion ta man giraray an satong Banwaan. Pilion ta pa giraray an Filipinas.” ani Cuatrona.
USAPANG PANGKULTURA. Masusing ipinapaliwanag ni Ynna Raiy Salaver, isang magaaral ng ika-12 baitang, ang booth at mural na gawa ng kanyang seksiyon kaugnayan sa kanilang itinalagang munisipalidad ng Camarines Sur sa kanyang kapwa mag-aaral, na ginanap sa Xavier Hall noong ika-16 ng Mayo, 2024. |Kuhang larawan ni Alaine Rodrigo z BALITANG-PITAK
Tatlong daan dalawampu’t anim (326) na mag-aaral ng Ateneo de Naga University Senior High School ang nakilahok sa taunang Peñafrancia Traslacion Procession.
Via Neil Lawag at Emman Gallenito
Kuhang Larawan ni Riczon Prado
SULYAP NG PAGSISIKAP. Buong pugay na pagbati ng mga tagapangasiwa, kasama ang pangunahing tagapagsalita, sa mga mag-aaral na nagsipagtapos para sa kanilang natatanging tagumpay na ginanap sa Ateneo Covered Courts noong Hunyo 22, 2024. | Kuhang larawan ni Ben
Bayot
Sa kaniyang talumpati, inihayag niya ang naging buong giting na pagharap niya at ng kaniyang mga kapuwa-magtatapos bilang mga nakaranas ng paglipat mula online patungong face-to-face classes, hanggang sa kanilang matagumpay na pagtatapos ng dalawang taon sa Senior High School.
Bago magwakas, iminungkahi
niyang “Whatever path we take, be an Atenean. Aim high, trust the process, embody values and principles, navigate opportunities, expect the unexpected, appreciate the goodness of people around us, and never forget God.”
Ipinagkaloob din kina Ethan Nigel Portes ng STEM ang Pillars Silver Medallion, Rev. Fr. Raul Bonoan S.J. Service Award, First Honors, at Academic Distinction in Science, Technology, Engineering, and Mathematics Strand, at Geline Antonette Velasco ng HUMSS na itinanghal bilang tagapagtanggap ng Pillars Bronze Medallion, Rev. Fr. Raul Bonoan S.J. Service Award, at Second Honors. Bilang mga kinatawan ng Batch 2024, binigyang-tunay ng 723 na magtatapos ang talino’t tibay ng bawat Ignasyanong nagmumula sa paglalagay-sentro kay Kristo sa kanilang espirito at buhay.
ni Trixie Myla Job
ni Juan Edgardo Crisostomo
Josiah
06 BALITA
PAGBASA, PAG-ASA. Nagtipon-tipon ang mga opisyal ng barangay Casuray, Magarao, Camarines Sur noong ika-25 ng Nobyembre 2023 upang ilunsad ang Book Donation Drive na nagbigay-daan sa pagtatatag ng kauna-unahang Barangay Reading Center. | Kuhang larawan ni Rizalyn Sahagun
Pirma sa Cha-cha, pinangangambahang napuwersa ni Trixie Myla Job
Magmula nang inumpisahan ang mga pagtatangkang pag-amiyenda sa Saligang Batas ng Filipinas, pangunahing isyu sa kasalukuyan ang paraan ng pagkuha ng suporta para sa Charter Change. May mga ulat na nagsasaad na ilang mga tao ay pinipilit o niloloko upang pumirma sa petisyon para sa Charter Change na nagdudulot ng agam-agam sa kredibilidad ng proseso.
Sa kabila ng pagtutol ng House of Congress at Senate and House of Representatives na ang pinaplanong Cha-cha ay daan upang matanggal ang kanilang limitasyon sa termino at magpahaba ng kanilang pag-upo sa puwesto, parehong nagsasagawa ang dalawang bahagi ng gobyerno ng mga pampublikong pagdinig tungkol sa panukala. Sinasabing ang kanilang pinakamalaking hamon ay kung papaano makukuha ang suporta ng publiko sa kabila nang mas pinapaigting na pagpapakalap sa publiko tungkol sa “puwersahan” o “pekeng” pagpapapirma.
ni Mary Chrissel Rosari
Sa pahayag na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) noong Martes, Enero 16, nakasaad sa Kautusan Bilang 20 s. 2023, wala nang ipapamahaging CHED vouchers para sa mga mag-aaral ng pribadong eskuwelahan mula State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) bukod sa mga magtatapos ngayong taon.
saad sa memorandum ng CHED.
Read, Reread, Relive, isinulong sa Barangay Casuray
Tangan ang layuning panliterasiya at edukasyon, inilunsad nitong ika-25 ng Nobyembre ang isang Book Donation Drive na naging instrumento upang masimulan ang kauna-unahang Barangay Reading Center sa Casuray, Magarao, Camarines Sur. Ang programang ito ay isa sa mga adhikain ng lokal na opisyales ng barangay at ng kanilang Sangguniang Kabataan upang magbigay ng positibong libangan, interes sa pagbabasa o pananaliksik, at higit sa lahat mabawasan ang out of school youth na kabilang sa kanilang komunidad.
Hangarin din nitong mapabilang sa mga Barangay Reading Center (BRC) sa Bikol na kinikilala at nagiging benepisyaryo ng National Library ng bansa.
Kasalukuyang may labing-isang BRC sa Bikol at siyam mula rito ay mulang Lungsod Naga at tig-isa sa Munisipalidad ng Pasacao at Pili.
Naisakatuparan ang pangangalap ng mga aklat na ibinahagi sa binuksang reading center sa pangunguna ng ADNU SHS Library at sanib-puwersang inorganisa ng mga laybraryan mulang Basic Education, Tersiyari, at Law School ng AdNU.
Maliban sa pagiging haylayt ng buong linggong selebrasyon sa pamantasan ng National Book Week na sinimulan nang Nobyembre 20, inspirasyon sa pananaliksik ng ilang laybraryan ng AdNU ang pagbubukas ng espasyo para sa pagkatuto ng mga lokal sa iba’t ibang barangay sa Bikol.
PAGTATANDANG PRESYO. Isang punit na poster ang nakadikit sa
nang
ang
z BALITANG LOKAL
Taas-pasahe
sa Lungsod Naga, Inaprobahan ni Trixie Myla Job
“Beginning SY 2023-2024, there should be no more Government Assistance to Students and Teachers in Private Education and Teachers in Private Education beneficiaries from SUCs/LUCs except those who will be entering Grade 12 in SY 2023-2024 to finish their basic education and that SUCS and LUCs with laboratory school can accept enrolled but will no longer receive vouchers.”
Sa pahayag ni Education Undersecretary
Michael Poa, tumigil na ang DepEd sa pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga papasok sa ika-11 baitang na magaaral sa SUCs at LUCs bago magsimula ang taon ng paaralan. Ngunit, ilang SUCs at LUCs pa rin ang tumatanggap ng mga mag-aaral sa Grade 11 para sa kasalukuyang taon ng paaralan, bagamat ipinagbabawal na ito ng kautusan.
Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon sa hinaharap, nagbigay naman ng panukala ang DepEd sa mga SUCs at LUCs na magsisimula silang hindi magbigay ng Senior High School Voucher Program (SHSVP) para sa mga magaaral na papasok sa Senior High School simula sa TP 2024-2025. DepEd,
Sinang-ayunan noong Enero 16 ng Sangguniang Panlungsod Naga ang pagtaas ng minimum na pasahe para sa mga trimobile, e-trike, taxicle patungong P15 mula P13.
Ayon sa inilabas na Ordinansa Blg. 2024-002, upang mapanatili ang seguridad at disiplina, may mga kondisyon na dapat sundin ang mga operator, tulad ng pagsunod sa batas trapiko at pagsumite ng mga ulat sa mga paglabag na nagawa.
Public Safety Office ang itinalagang maghahanda ng fare matrix upang gabayan ang mga driver at pasahero sa tamang pasahe sa iba’t ibang ruta.
Samantala, may mga deskuwento pa rin para sa senior citizen, estudyante, persons with disability, at solo parents, ngunit kinakailangan ang tamang identification card para maging epektibo ang mga ito.
Ang City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) ay pinagutos na magpakalat ng impormasyon tungkol sa pagtaas ng pasahe at ipaskil ang fare matrix sa lahat ng trimobiles, e-trikes, at taxicles sa Naga City. Samantala, ang Trimobile Task Force ang responsableng magmonitor ng mga ulat ng paglabag at magpasa ng rekomendasyon sa Sangguniang Panlungsod
para sa pagsusuri. Ang mga lumang ordinansa na salungat sa bagong regulasyon ay isasawalang-bahala na.
Bagamat may ilang pagtutol, kinikilala ang pangangailangan ng pag-angat sa kita ng mga drayber upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at responsibilidad sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Matapos ang pag-apruba at pagpapalimbag sa mga pahayagan ng lokal na sirkulasyon, ang ordinansang ito ay ipinatutupad na ngayon.
Dagdag na Pondo ng Seniors, itinaas hanggang P1,000
Pinalaking tulong ang nakaabang sa mga benepisyaryo ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) dahil makakatanggap sila ng pinataas na buwanang tulong pinansiyal na P1,000 bilang tugon sa mga probisyon ng Republic Act No. 11916 simula Pebrero 2024.
Isinabatas noong Hulyo 2022, ang Republic Act No. 11916, o mas kilala bilang “An Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens and Appropriating Funds,” ay nagtakda ng isang daang porsyentong pagtaas sa buwanang pensiyon para sa mga lolo at lola. Ang pondo ay nasa ilalim ng Republic Act No. 11975, o ang General Appropriations Act para sa Taon ng Pananalapi 2024.
Alinsunod sa batas, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-10 ay magpapatupad ng semestral na pamamahagi ng tulong pinansiyal. Layunin nitong tiyaking ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng P6,000 sa buong taon, bilang suporta sa kanilang pangunahing pangangailangan.
Ipinahayag ng isang senior citizen sa Lungsod Naga na malaking tulong sa kaniyang buhay ang itinaas na buwanang tulong mula sa SPISC Program, lalo na’t limitado ang kaniyang pinagkukunan ng kita. Ayon sa kaniyang pahayag, napakalaking ginhawa para sa kaniya ang pag-angat ng buwanang tulong mula P500 patungong P1,000.
Sa panayam, ibinahagi niya na hindi sapat ang kaniyang kinikita at wala siyang malaking pinagkukunan ng kita sa kasalukuyan. May mga gastusin pa rin siyang kinakaharap sa kaniyang tahanan, kaya itong pagtaas ng buwanang tulong ay nagiging malaking ginhawa para sa kaniya.
Ang layunin ng SPISC program ay mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga kinakapos na senior citizens sa lungsod. Sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at pang-medikal, layunin ng programa na maibsan ang gutom at mapanatili ang kanilang kaligtasan laban sa pag-aabandona at pang-aabuso.
ni Mary Chrissel Rosari
Mikaela Villanueva at Mary Chrissel Rosari
bintana ng Tricycle matapos itong unang dikitin
maanunsyo
bagong presyo ng mga Tricycle dahil sa bagong odinansa ng Lungsod Naga. Kuhang larawan ni Oonah Angela Padayao
BENIPISYONG NAKAABANG. Sipat sa ilang senior citizen habang hinihintay ang paparating na bus, sa Cental Bus Station sa Lungsod Naga. Kuhang Larawan ni Riczon Prado
z BALITANG NASYONAL
TRAHEDYA SA PAGHIMIG. Batikang local radio broadcaster ng Gold FM 94.7 Calamba, Misamis Occidental na si Juan Tumpag Jumalon, mas kilala sa tawag na ‘DJ Johnny Walker,’ naka-live broadcast noong ika-5 ng Nobyembre 2023, pangyayari bago siya bawian ng buhay matapos barilin. | Kuhang larawan ni Leo Udtohan/Inquirer
DJ Johnny Walker pinaslang habang naka-live broadcast
ni Mikaela Villanueva
Mas umigting ang panawagan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamahayag sa Pilipinas matapos ang pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental noong ika-5 ng Nobyembre 2023.
Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek si Juan Tumpag Jumalon, mas kilala sa tawag na “DJ Johnny Walker” ng Gold FM 94.7 sa kalagitnaan ng kaniyang programa nitong 5:35 ng madaling araw noong Linggo.
Habang si Jumalon ay naka-live stream sa kaniyang tahanan, pumasok ang isang armadong gunman at binaril ang biktima nang dalawang beses sa ulo. Bago tumakas, kinuha ng suspek ang gintong kuwintas ni Jumalon at agad itong umalis. Nahuli ang buong insidente sa live stream ng programa ni Jumalon na tinawag na "Pa-Hapyod sa Kabuntagon." Idineklara nang patay si Jumalon matapos isugod sa Calamba District Hospital.
Kinondena ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ang naganap na pagpatay sa broadcaster.
Ayon sa NUJP, “The attack is even more condemnable since it happened at Jumalon’s own home, which also served as the radio station.”
Isinaad ng Mindanao Independent Press Council Inc. (MIPC) na ang ganitong uri ng pag-atake sa mga mamamahayag ay isang “grave assault on the fundamental principles of human rights, press freedom, and democracy itself.”
Nananawagan din ang MIPC sa mga awtoridad para sa agarang aksiyon tungo sa pangangalaga at pagprotekta sa kapakanan at buhay ng mga mamamahayag na may mahalagang gampanin sa pagpapanatili ng transparency at accountability sa bansa.
Naganap ang insidente tatlong araw pagkaraan ng International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists noong November 2.
Naitala ang pagpaslang kay Jumalon bilang ika199 laban sa mga mamamahayag mula 1986 at ang ikaapat sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Aktibismo sa mga pamantasan
sa US at ibang bansa, sumiklab para sa Gaza
ni Ethan Nigel Portes
Estados Unidos ng Amerika—Mahigit 120 pamantasan sa Amerika ang nakararanas ng pangangampo at protesta mula sa kanilang mga estudyante bilang panawagan ng mga nagpoprotestang sugpuin at putulin ang ugnayan ng kanilang mga paaralan sa mga kompanyang sumusuporta sa Israel o nakikinabang sa giyera sa Gaza, ika-11 ng Mayo.
Sumiklab ang unang yugto ng aktibismo nang arestuhin ang 108 estudyanteng nagpoprotesta sa pamantasan ng Columbia, New York City (NYC), para sa parehong layuning tigilan ang giyera sa Gaza noong ika-18 ng Abril.
Dala ng pag-aresto sa pamantasan ng Columbia, sunod-sunod ng naglabasan at nagsimula ng kanilang pangangampo ang iba’t ibang grupo ng akibtista sa iba’t ibang bahagi ng US, kasama ang The New School at New York University, NYC; pamantasan ng Yale, Connecticut; pamantasan ng Harvard, at Massachusetts Institute of Technology (MIT), Massachusetts; pati na rin ang ibang unibersidad sa ibang bahagi ng mundo gaya ng pamantasan ng Toronto, Canda; pamantasan ng Amsterdam, Netherlands; at pamantasan ng Oxford, England.
Ayon sa nakalap na datos ng Times Magazine, mahigit 2800 ang nakumpirmang bilang ng pag-aresto at pagpiit ang naganap sa iba’t ibang pamantasan sa Amerika lamang. Hindi pa
BALAKID NG KALIKASAN. Pansamantalang isinara ang viral resort na itinayo sa gitna ng Chocolate Hills, Bohol na nagngangalang Captain’s Peak Garden and Resort, matapos umani ng mga negatibong kritisismo sa social media. | Larawan mula sa Facebook live
Ilegal na kumikitang Resort sa Bohol, umani ng pambabatikos
ni Summer Allie Pena
Isang resort sa Bohol ang nag-viral dahil sa kontrobersyal na lokasyon nito– ang protected zone ng Chocolate Hills.
Kakulangan sa Environmental Compliance Certificate o ECC ang naging dahilan ng paglabas ang DENR ng temporary closure order sa Captain’s Peak Garden and Resort noong ikaanim ng Setyembre 2023. Gayunpaman, hindi ito tumigil at nagpatuloy pa rin sa operasyon ayon sa mga ulat.
Alinsunod sa Expanded National Integrated Protected Areas System Law, kailangan ang ECC upang magsimula ang anumang proyekto sa mga protected areas. Isa sa mga itinalaga bilang ganitong uri ng lugar ang Chocolate Hills sa Bohol, base sa Proclamation No. 1037 ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Hulyo 1, 1997.
Sa kabila nito, ayon kay board member
Jamie Villamor ng Bohol, may mga pagaari na raw sa Chocolate Hills bago pa man nilagdaan ang proklamasyon. Dagdag pa niya, walang natanggap na kopya ng pagsasara mula sa DENR ang lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, sa gitna ng pagtatalo ng DENR at lokal na gobyerno, temporaryong magsasara ang Captain’s Peak Garden and Resort, ayon sa kanilang opisyal na pahayag. Subalit, ang DENR Undersecretary na si Juan Miguel Cuna ay nagpahayag na dapat munang pag-aralan ang paggiba ng resort dahil ito ay nasa private property na may titulo.
Ang insidente ay nagdulot din ng malawakang diskusyon sa social media, at naging ugat ng mga meme ng ilang netizens buhat sa kontrobersyal na lokasyon ng resort.
McDo CEO, isinisi ang pagbaba ng kita sa ‘pagkalat ng maling impormasyon’
ni Mary Chrissel Rosari, Trixie Myla Job at Juan Edgardo Crisostomo
Umakyat ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa industriya ng pagkain, kaugnay sa pag-boycott sa kompanyang Mcdonald’s at Starbucks dulot ng posisyon nito sa pagatake ng Israel sa Palestina.
matukoy kung ilang ang dami ng nasugatan, ilan ang nagdulot sa bayolenteng protesta, at ilan ang natapos sa kapayapaang pag-uusap.
Iba-iba ang naging tugon ng mga presidente ng mga institusyon sa lumalaking masa ng estudyanteng nagpoprotesta sa kanilang mga kampus. Sa New York University, natapos ang pangangampo sa kampus nang arestuhin ang ilang mga estudyante at propesor na sinubukang protektahan ang nagpoprotesta. Baligtad naman ang naging sagot ng pamantasan ng California, Berkley na piniling makipag-usap at makaabot sa isang kasunduan kasama ang mga nagpoprotestang estudyante.
Sa patuloy na pagsugpo ng mga pulis sa pangangampo at aktibismo ng mga estudyante, para kay Quinn Perian, isang estudyante ng MIT, “Magpapalakas lamang ito sa amin. Hindi nila kayang arestuhin ang isang kilusan.” [“This is only going to make us stronger. They can’t arrest the movement.”]
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring dumadagsa ang dami ng mga estudyanteng nagproprotesta sa iba’t ibang parte ng mundo. Mula sa isang maliit na protesta sa Columbia, lumaki na ito sa isang pandaigdigang kilusan para sa mga Palestinong sinisiil at pinapatay sa Gaza.
Sa pagkalat ng mga balita at retrato kung saan makikitang nagbigay ng libreng pagkain ang lokal na prangkisa ng McDonald’s ng Israel sa mga militar ng bansa matapos ang naging pag-atake sa Hamas noong ika-7 ng Oktubre, nagsimula ang pag-boycott ng mga kontra-Israel sa McDonald’s, Starbucks, at ilang kompanyang tubong Gitnang Silangan tulad ng Coca-Cola.
Sa kamakailang inilabas na quarterly sales ng korporasyon, ipinapakitang bumaba ang kanilang kita sa iba’t ibang bansa, partikular na sa Gitnang Silangan na bumaba ng apat na bahagdan.
“Several markets in the Middle East and some outside the region are experiencing a meaningful business impact due to the war and associated misinformation that is affecting brands like McDonald’s,” ani ni Kempczinki sa isang post sa LinkedIn.
Alinsunod sa nararanasang pagbaba ng kita ng mga kompanya, naging apektado ang mga manggagawa sa mga kompanya. Sa ulat ng isang opisyal mula sa food production worker unions, sa mahigit na 15,000 manggagawa sa industriya ng produksiyon ng pagkain, 5,000 ang haharap sa banta ng terminasyon ng kontrata, sakaling tumuloy ang ang boycott campaigns.
Kaugnay sa epektong pang-ekonomiko ng campaign, lumalakas din ang panawagan sa mga kompanyang internasyonal na lutasin ang magiging pinsala nito sa mga lokal na manggagawa.
“I call for an urgent meeting between all stakeholders. The government, the Jordan Chamber of Industry, and representatives from international companies need to come together to address the challenges faced by the local workforce.” ulat ng opisyal.
Ayon sa Employment Insurance System Report by the Social Security Organization (SocSo), tumaas ang bilang ng 23.8% nang mahigit 22,315 mga empleyado ang nawalan ng trabaho mula Enero hanggang Mayo 2024, kompara sa 18,026 na empleado noong 2023. Ang mga naitalang kawalan ng trabaho ay dulot ng pagsasara ng mga negosyo at downsizing.
Bunga nito, naudyok din ang mga may-ari ng prangkisa sa mga Muslim na bansa tulad ng Kuwait, Malaysia, at Pakistan na magpahayag ng distansiya na hindi sila kaisa sa naisagawang pagresponde ng McDo-Israel sa mga militar ng bansa.
Binigyang-diin naman ng McDonald’s na wala silang pinipiling panig sa sa kasalukuyang giyera at hindi sila responsable sa ginawang aksiyon ng sangay ng kanilang korporasyon sa Israel. Pahayag din ng Starbucks Malaysia na wala itong ambag sa pagpopondo ng gobyerno ng Hudyo o sa Israeli Defense Forces (IDF).
Naibahagi ni Chris Kempczinki, ang Chief Executive Officer ng Mcdonald’s sa kaniyang post na, “Our hearts remain with the communities and families impacted by the war in the Middle East. We abhor violence of any kind and firmly stand against hate speech, and we will always proudly open our doors to everyone.”
BURUBAILE
ALAINE V. RODRIGO
Atras Abante, Atras
Atras
Sa tuwing iniisip ng isang Bikolano ang Ateneo, unang papasok sa kanilang isip ang prestihiyosong apat na haligi ng Ateneo de Naga (AdNU). Napanood na ng apat na haliging ito ang pagpasok at paglabas ng mga mag-aaral sa iba-ibang henerasyon ng AdNU. Dekada-40 nang unang pinatayo ang Ateneo de Naga, at sa tagal ng pagkatatag nito, sa mga national rankings pa lamang nakakapasok ang AdNU at hindi pa naipapamalas sa labas ng bansa ang galing ng insitusyon.
NGunit naiwan ang institusyon sa isang alaala ng nakaraan. Patuloy pa ring namumuno ang mga administrasyong ang pagpapalakad ay nasapanahon pa ng pamumuno ng una at ikalawang presidente ng nasabing institusyon. Pinanghahawakan pa rin hanggang sa ngayon ang daang nakalipas na. Hindi umaabante ng malayo ang paaralan at paunti-unting umaatras sa alaalang hindi bumabagay sa modernong panahon.
Kung titingnan sa mata ng agila, maliit lamang ang AdNU kompara sa mga kapatid nitong institusyon na Ateneo de Manila (AdMU), Ateneo de Davao (AdDU), Ateneo de Zamboanga (AdZU), at Xavier University (XU). Sa mga gusali pa lamang, mas nahahalata sa iba-ibang institusyon ang bago
o ipinaayos na mga lumang gusali nila na kompara sa AdNU may mga gusaling puno ng lumot, damo, o butas na kisame. Pinapaayos o pinapalinisan lamang ito kung may mahalagang bisitang darating o kung hindi na kaaya-aya sa pagtingin ang sira at dumi.
Hindi lang nagtatapos sa pisikal na anyo ang pagkakulelat ng AdNU sa mga kapatid nitong institusyon. Humaharap din sa malaking krisis ang kasalukuyang ipinapataw na sistema ng edukasyon. Tahasang gumagamit ng mga makabagong teknolohiya ang AdNU tulad ng Google Classroom, ngunit minsan na malimit lamang ito sa paggamit ng Google Classroom. Hindi rin nakakatulong ang mga mababagal at mahihinang kompyuter na ipinapagamit sa mga estudyante. Ang mga paraan ng pagturo din ay halos hindi nagbabago—isinusubo pa rin ng mga guro ang kanilang mga aralin sa mga estudyante na parang mga sanggol na walang muwang ang mga mag-aaral.
mula sa administrasyon. Minsanang gustuhin na lamang lumuhod upang mabigyan ng pagkakataong mamuno at mag-organisa ng sariling ganap.
Sa pagtanggap, paunti-unti nang katotohanang wala na sa mga gintong araw ng dekada 50 ang AdNU; wala na sa mga nakakatanda ang pamumuno.
Hayaan na ang mga nakababatang tumayo sa mga haliging pananda ng Ateneo de Naga. Ang patuloy ng pag-indak ng AdNU sa awitin ng nakaraan ay kapabayaan sa posibleng kasiyahan ng kinabu kasan. Sa darating na bagong pamumuno sa nasa bing institusyon, nawa’y pakinggan na ang mga batang nagbibigay solusyon sa pagka huli ng paaralan at tanggapin ng mga nakatatanda ang katotohanang hina handog ng kabataan para sa kinabukasan.
Sa tuwing umaabante ang pag-unlad ng Ateneo, parating hinihila paatras at pababa ang mga nagawa nitong kaunlaran. Palagi pa ring pinanghahawakan ng Ateneo ang sirang krus ng nakaraan at pilit na tinatanggihan ang mga pagbabagong inihinahandog ng mga estudyante nito. Sa patuloy na pagpau-
Ang mala-Beurokratikong sistema ng AdNU ay patuloy pa ring pinapalaganap. Mahigpit pa rin ang sistema ng pirmahan at pag-aproba sa mga nais na gawin ng mga mag-aaral at student leader ng institusyon. Pahirapan din makakuha ng pirma at pera
Tila nagsasayaw lamang ng chacha ang estado ng pag-unlad ng Ateneo— umaatras-abante na lamang sa awiting tinutugtog ng mga kapatid na insti tusyon nito.
Matunog ang Pamantasang Ateneo de Naga sa tainga ng mga Nagueño, at tuwing naririnig ito, ang ilan sa mga unang naiisip ng tao ay ang kalidad ng mga pasilidad nito. Sa katunayan, isa sa pinagmamalaki ng nasabing pamantasan ay ang ika-21 siglong mga silid sa Fr. Hilario Belardo, SJ Hall. Subalit, maraming daing ang binabato sa mga pahayag na ito. Ang mga kuwarto ay kulang-kulang sa gamit, at pinunan lamang ang pangagailangan ng mga estudyante upang magpabango sa ebalwasyong hatid ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities (PAASCU).
Ilang buwan bago ang pagdating ng PAASCU, inabisuhan ng Pangalawang Punong Guro para sa
PSEUDO-SUDO
THEODORE ART FRANCISCO
PAASCUlang
Paghuhubog at Gawaing Pangmag-aaral ang mga estudyante na may paparating na bisitang susuri sa senior hay-iskul ng pamantasan. Iginiit niya na walang pagbabago ang magaganap.
NGunit nang bumalik ang mga estudyante sa paaralan matapos ang work immersion at ilang araw na walang pasok ng ika-11 baitang, laking gulat nila nang makita ang nag-uumapaw na pagbabago sa gusali. Ang unang palapag ay nagkaroon ng magarang directory, telebisyong kailanman hindi sinabit sa loob ng dalawang taon, at mga bulletin board na punong-puno ng mga retrato ng ilan sa mga naging aktibidad noon. Samantala, ang mga silid ay mistulang nagbagong anyo. Nagkaroon ito ng mapa sa panahon ng sakuna, at
mga dapat gawin tuwing lindol. Ang mga bintana ay natakpan ng magarbong kurtinang ilang buwan nang hiniling ng mga estudyante dahil sa labis na init ng panahon. Ang mga palikurang bihirang magkaroon ng sabon at air freshener, ay biglang nabiyayaan noong kapanahunang ito.
Nakakalula sa dami ng pagbabagong naganap sa senior hay-iskul nang dumating ang PAASCU. Tila pinapahiwatig nito na kinakailangan pa ng mga accreditors upang mas mapainam ang mga pasilidad ng AdNU SHS. Nakakalungkot isiping ang ilan sa mga estudyanteng nagrereklamo sa madumi at kulang sa gamit na palikuran o kaya naman ang mga estudyanteng nakikipagsiksikan sa kabilang gilid ng silid-aralan
upang hindi matamaan ng init dala ng walang kurtina, ay hindi binigyang pansin noong mga panahong humihiling silang tugunan ang kanilang pangangailangan.
Baligho kung papakinggang Magis ang tinuturo ng pamantasan. Gayunpaman, nagtitiis pa rin ang mga mag-aaral sa paaralang hindi man lang mabigyang Magis ang mga gusali. Kaya naman sa bawat taong sinisingil ang mga mag-aaral ng libo-libong matrikula, nararapat lamang na bigyang hustisya ang malaking kantidad na ito, hindi sa paraang pagresolba sa paraang PAASCUlang.
MASAYAHING PANGULO
ALWEIN FRANCINE P. SANJUAN
PUROPAGANDA
Isang pamilyar na kilos ni Marcos, maituturing na signaturang kilos pa nga, ang pagkabuhol-buhol sa kaniyang pagbigkas tuwing siya ay tinatanong tungkol sa kaniyang pamilya. Nagpapatunay na pawang piksyon at walang katotohanan ang lahat na datos sa naratibong paulit-ulit na pinapalabas ng pamilyang Marcos.
Noong ika-4 ng Marso, humarap sa kamera si Marcos upang magbigay ng panayam tungkol sa foreign policy ng bansa lalo na sa kumukulong isyu ng South China Sea. Hindi katulad sa Filipinas na kung saan may kakayahan siyang takasan ang mga pagpupulong kahit na iyan pa ay debate sa pagkapangulo, isinalang ni Ferguson sa maiinit na tanong si Marcos.
“May I ask you why that’s funny?”, tanong ni Ferguson
pagkatapos tangkaing takasan ni Marcos ang tanong na seguradong magpapakati sa ulo kakahanap ng sagot habang pinoprotektahan ang matagumpay na kampanyang pinabango ang mga pangyayari sa taong 1965-1986. Maliban kay Marcos, tiyak na nataranta at nagkagulo ang kaniyang mga tauhan ngayong bihira na lamang pumayag siyang magbigay ng panayam maliban nalang sa aktres na si Toni Gonzaga at iba pang mga kaibigang walang ibang ginawa kundi gawing pelikulang itim at puti ang di-umanong pagmamalabis na naranasan ng kaniyang pamilya.
“The assertions that were made, we have shown to be untrue,” depensa niya. Subalit, sa dami ng dokumentong nagpapatunay ng milyon-milyong pagnanakaw ng kaniyang pamilya, walang takas ang anak na isinilang at pinalaki gamit ang buwis na bunga ng pawis ng
taumbayan. Tila mayroong pormulang sinusunod si Marcos sa kaniyang mga panayam upang maiwasang mabulgar ang katotohanang maraming taon nilang hinulma - pagngiwi, pagngiti, pagngisi, pagpawalang-bahala sa paksa, pag ‘di sunod sa tanong, at kung ano mang pagsisikap na pagtakpan ang umaalingasaw na baho mula sa rehimen ng kaniyang ama.
Maaaring inakala ni Marcos na makakaligtas siya sa mga panayam sa labas ng bansa, kailangang maintindindihan niyang kahit ano mang pakulo ay hindi hihinto at makakalimot ang taumbayang makamit ang hustisya. Alisin man sa hanay ng mga Non-Working Holidays ang EDSA People’s Power Revolution, baguhin ang kurikulum sa edukasyon, ipawalang-bisa ang mga ebidensya, o gamitin ang lahat ng kaniyang kakayahan bilang pangulo, walang makakabura sa
bakas ng dugo at buhay na nasawi limang dekada na ang nakalipas.
Maaasahang simula ng panayam kasama si Ferguson, ay mas lalong tatanggi ang pangulo sa pagtanggap ng mga imbitasyon upang hindi mabulgar ang katotohanang nararapat na para sa taumbayan. Nawa’y lahat ng mamamahayag, kagaya ni Ferguson, ay maging matapang sa pagharap ng mga kontrobersiyang nakapalibot sa bansa. Lagi’t laging kasama at para sa karapatan ng mga Filipino ang bawat pagkuwestiyon sa bawat pagbigkas at pagngisi na ang layunin ay pabanguhin ang apelyido, at hindi kailanman naging propaganda laban sa apelyido.
PUNTO IBARRA
JUAN EDGARDO I. CRISOSTOMO
Sa totoo lang, masarap ang maging malaya. Malaya sa pananakit, malaya sa pagkakait, malaya sa pagkakatali sa sarili, at malaya sa impyerno ng pananakop. Ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo ang Araw ng Kasarinlan bilang palatandaan na ang Filipinas ay sumulong bilang pagtakwil sa alon ng pagsupil.
Ngunit ito ang katotohanan: walang esensiya ang araw na ito sa kasalukuyang republikang walang pagkilala sa kalayaan.
Matagal nang pinakawalan ang Pilipinas ng mga ninuno sa mga kolonya. Noong 1898, idineklara ni Emilio Aguinaldo ang pag-alpas ng bayan sa mga Espanol na naghari sa
PASULONG PAATRAS
bansa nang mahigit-kumulang 300 taon. Dito ipinanganak ang Araw ng Kalayaang tinatamasa ng mga lipi; ngunit kung titingnan nang mabuti, tahimik pa ring ginagambala ang bansa ng multo—ang multo ng pang-aalipin.
Matagal nang pinagpapasa-pasahan ang Filipinas ng mga bansa—halimbawa na lang ang imperyalismo ng Estados Unidos na nagtagal noong 1898 hanggang 1946. Nagsimula ito sa giyera ng Spanish at America, kung saan nadakip ang ating republika ng US mula sa Espanol sa pamamagitan ng Treaty of Paris. Nakakapagtaka lamang kung naging malaya ba talaga ang Pilipinas sa pang-aalipin ng iba.
Sa kabilang dako, hindi aakalaing ang pang-aalipin na pangasiwaan sa sariling bayan ay nahuli rin sa patibong ng kolonya. Muling umiinit ang alitan ng nasyon sa Tsina mula pag-angkin ng West Philippine Sea, pagdedeklara ng republika bilang probinsya Tsina, hanggang sa alitan sa pangingisda. NGunit sa kasalukuyan, nananatiling tahimik ang mga pinuno sa matagal nang isyu na kinakaharap ng bansa.
natural lamang na panindigan ang sariling bayan at kalabanin ang dahas nito. Ang balak na pakikipagkampi ng kapulungan ay isang senyales na ang republika ay handang magpaalipin—wala nang iba.
pos-tapos—mula sa kasakiman ni Aguinaldo, hanggang sa pagkawili ng mga nakaraang pinuno sa pagpapatuta.
Isa lang ang pinagmulan nitong kwento—ang dating diktador ay may masidhing koneksiyon sa Tsina noong kaniya pang termino. Sa matagal na pang-aapi ng Tsina sa ating bansa,
Nakakatawang isipin ngunit may tanyag na pinagmanahan lamang ang lahat. Huwag kakalimutan na nagbadyang ibenta ni Aguinaldo ang republika—ang mismong nagdeklarang malaya na ang bansa. Pumayag si Aguinaldo na ibenta ang rebolusyon ng Filipinas sa mga Espanol sa halagang 800,000 Mexican Peso. Ang mahabang kwento ng pagkakaalipin mula sa ibang bansa ay hindi mata-
Sa sandamakmak na pangulong naupo sa posisyon, marami ay nagigipit sa ahas ng pang-aalipin. Kung nanaising mamuno, nararapat lamang na maging prayoridad ang pagsisilbi sa bayan. Ang pasulong na inisyatibong inilatag ng mga ninuno tungo sa kalayaan ang siyang dapat maghari sa kasalukuyan. Ang paatras na takbo ng gobyerno ang siyang kikitil sa mataas na lipad ng kasarinlan.
Walang mag-aakalang ang isa sa mga tanyag na anyong lupa at laging binibisita ng mga turista sa Bohol ay siyang sasalpakan ng makina ng pera. Alam na ng mga Pinoy iyan eh, seguro upang mapagsilbihan naman ang ganda ng tinatawag na Tsokolateng Burol o Mga Bungtod sa Tsokolate sa Cebuano.
Matitiyak kang hindi lang ikaw ang nagulat nang makitang sa tanawin ng berde at tsokolate, may sisilip na gusali ng puti, dagat ng asul, at kumakaway na mga Filipino at dayuhan, hawak-hawak ang pera sa kanilang bulsa.
Aakalain mo ba, pati ang ating pamahalaan ay gulat na gulat din!
Sa haba ng proseso ng pagpatayo ng resort, pagtiyak ng kinakailangang permit, at pagbubukas ng negosyo, ni isang opisyal ng gobyerno ay walang tumutol sa paninira ng natural na tanawing ito sa isa sa mga tinataguriang national heritage site at kasama sa temporaryong listahan ng UNESCO’s World Heritage Sites.
Kung hindi pa sumikat at sumabog ang isyu sa social media, malamang ay pati seguro ang puntod ng ibang burol ay napatayuan na
KINASIHAN NG MALAS, FILIPINONG ALPAS
ETHAN NIGEL A. PORTES
NagkanDabuhol-BOHOL
rin ng iba’t ibang imprastraktura: subdivision ni Villar, malls, ang paborito ng lahat na fast food chains na si Bubuyog at Matsing, ecoparks na pera lamang ang hangarin, retreat house ng mga senador, at isama na rin natin ang helipad landing para sa pribadong helicopter ng pangulo.
Ang pagpapasara ng itinayong resort na ito sa paa ng mga Tskolateng Burol ay hindi lamang repleksiyon ng kasakiman ng mga kapitalistang negosyante, bagkus isang pagkukulang at kawalan ng direksiyon ng pamahalaang ingatan at pangalagaan ang yamang taglay sa ating bansa.
Nang sumikat ang video ng isang aerial shot ng resort at ipinahayag ng nakararaming netizen ang kanilang pagkadismaya sa itinayong negosyo, agad-agad naman ang pasahan ng responsibilidad ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno mula sa Mayor ng Sagbayan, Department of Environment (DENR) and Natural Resources, Department of Tourism (DOT), at Protected Areas Management Board.
ng pagkakamali na kung tutuosin ay nakatahi na sa kanilang mukha ang kahihiyan ng kanilang pagkukulang. Isang hatak lamang ng sinulid ay pare-pareho silang damay at may pananagutan sa isyung ito.
gulong-gulo na sa kanilang responsibilidad at tungkulin, hindi na dapat itinatanong pa kung bakit ganito ang estado ng ating bansa. Hindi lamang ito kasakiman na pumiling sirain ang natural na kagandahan ng mga burol, bagkus ay repleksiyon ng mabagal na aksiyon at kawalan ng priyoridad ng pamahalaan ng buong sambayanan pagdating sa pangangalaga ng mga yaman ng Pilipinas. Tiyak na kayang pasarahin ang resort at maibawi ang perang naibuhos sa pagpapatayo nito ngunit ang epekto nito sa tanawin ng mga burol ay hindi basta-bastang nababayaran at napapatawan ng TCO.
Totoo ngang laging sa huli ang pagsisisi at sa kaso ng mga Tsokolateng Burol, pati na rin ang ECC.
Kung mailalagay natin sa isang analohiya, napakabilis ng paghuhugas nila ng kamay at pagbigay sa katabing ahensiya ang karayom
Sa sakop ng Mayor ng Sagbayan, nakapagtatakang binigyan nito ng permit ng negosyo ang resort nang hindi pa natitiyak ng kaniyang opisinang may environmental compliance certificate o ECC ang may-ari ng resort. Malaki rin ang pagkukulang ng DENR at DOT nang hindi nila naaksiyunan ang kawalan ng ECC ng resort kahit pa sabihin nitong nagpataw sila ng temprorary closure order (TCO) noong 2023. Kung iisipin ay mas nakakawalang-bahala na hindi nasundan ng tamang aksiyon at pagbabantay ang ipinataw na TCO dahil hindi pa ilang buwan o taon ang lumipas ay patuloy agad na nagpatakbo ng negosyo ang resort. Ang punot-dulo ay kahit idineklara na mismo ng DENR at ng pamahalaang isang protektadong lugar ang kalibutan ng mga burol ay nakalusot pa rin ang kasakimang ito nang napakatagal ng walang tamang aksiyon at pagkabahala sa mga ahensiyang dapat nagbabantay sa ganitong mga problema.
Kung pati ang ahensiya ng pamahalaan ay
BEBOT SA KANTO
DANNAFIELLE I. VERGARA
DUGO PARA SA LUHO
Kamakailan lang ay inilabas na ng UN ang lista ng mga kompanyang sumusuporta at nagpopondo ng pagpapaalis at pagsira ng housing settlements sa West Bank na pinaninirahan ng mga Palestinian. Mga kompanyang gikan mula sa Israel, o sa banyagang bansa, at maging ang mga nagpapahayag ng kanilang suporta sa Israel—ang lahat ay isinapubliko.
Ilan sa mga nasambit ay malalaking kompanya sa loob at labas ng bansa, na ngayon ay natatapat sa isyu ng pagkasangkot sa malawakang giyera.
Inilantad na sa ating mga mata kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa lahing Palestino.
Kaya bakit talamak pa rin ang mga Filipinong tumatangkilik sa mga kompanyang nagpopondo sa pananakop ng lahi at sa pagkitil ng dugo?
Nagsimula ang aksiyon upang matigil ang marahas na atake ng Israel at tulungang maisalba ang natitirang buhay ng mga naninirahan sa mga bansa. Ito ay nagbigay daan upang ilunsad ang boycotting campaign o ang malawakang pagtangging tumangkilik sa mga kompanyang sumusuporta sa Israel sa laban na ito, bilang tanda ng pagtutol natin sa hindi makatarungang aksiyon na ginagawa ng Israel sa laban.
Habang marami ang marriin na sumusunod sa kampanya at pinapalaganap ang
impormasyon tungkol sa mga nasabing kompanya, makikitang ang karamihan ay patuloy pa rin ang pagtangkilik sa mga produkto nito. Ganoon ba kalakas ng uhaw natin sa luho na hindi natin ito kayang ialay para sa buhay ng ating kapuwa tao?
Hindi lamang basta pagtangkilik ang ating ginagawa sa oras na kumonsumo tayo ng mga produkto mula sa mga kompaniyang ito, tayo ay nagiging daan sa pag-abuso at paglabag sa karapatang pantao ng mga Palestinian. Tayo ang nagiging dahilan sa paghihirap at pagkawala ng buhay sa bansa. Isa tayong instrumento ng genocide at tayo lamang ang may kakayahan na itigil ang aksiyon na tayo ang gumagawa.
Oras na para sa lahat na itigil ang pagtangkilik sa mga nagpopondo sa pagpatay sa Gaza. Para sa libo-libong Palestinian na pinapatay ng mga pagsabog araw-araw ng mga puwersa ng Israel, para sa buhay ng kabataan na pilit na iniinda ang takot sa gitna ng karumal-dumal na sitwasyon, at para sa lahat na naiiipit ng giyera.
Lahat ng impormasyon na mayroon tayo ay hindi sapat upang maipahayag sa nangyayari sa loob ng giyera. Habang hindi natin posibleng maibalik ang buhay ng 31,923 na Palestinian at humigit-kumulang 1,139 katao mula Israel, ay mayroon tayong kakayahang ipaglaban at matulungan ang mga naipit sa loob ng Gaza.
Walang boses na maririnig kung patuloy nating isasara ang ating tainga sa mga tawag nila. Hindi tayo dapat nabubusog sa pagkaing nagiging daan sa pagkitil ng buhay. Hindi nararapat na tayo ay maging dahilan ng hindi matigil-tigil na giyera at pagpatay sa libu-libong inosente. Itigil na ang pagbingi-bingihan sa tawag ng katarungan
Sa kabila ng mahigpit na bakod ng giyera at patayan, magsisilbi tayong boses para sa mga inuusig at inaapi. Tayo ang magsisilbing boses ng Gaza, sa mga panahong sila ay nawawalan ng kakayahang marinig at makita.
10 OPINYON
Minamahal na patnugot,
Bilang natatanging pamantasang Heswita sa rehiyong Bikol, pinapahalagahan ng Pamantasang Ateneo de Naga (AdNU) ang integridad at katarungan bilang haligi ng pamantasan. Sa katunayan, isa sa pinakamahalagang pagkatuto na ibinabaon sa atin bilang mga Atenista ay ang pagiging "persons for others," na unang inihayag ni Fr. Pedro Arrupe, SJ limang dekada na ang nakalipas. Bilang pagtupad sa hamong ito, hinihimok tayong mga Atenista na kumilos bilang katalista ng pagbabagong panlipunan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga hakbanging nagsusulong ng makatao at makatarungang pagbabago sa loob at labas ng paaralan.
Sa kabila ng mga mithiing ito, patuloy pa rin ang mga pwersang naglalayong tapakan ang karapatan ng mga mag-aaral sa malayang pagpapalitan at talakayan ng mga isyu sa paaralan at lipunan.
Matatandaan na noong Setyembre 2023, may mga naitalang kaso ng surveillance at red-tagging laban sa mga alumni at mamamahayag ng ThePillars, ang opisyal na pahayagan ng AdNU. Ayon sa kanilang pahayag, sinundan umano ng hindi nakikilalang tauhan sa kanilang tahanan ang isa sa kanilang manunulat na tinanong ng mga detalye tungkol sa pahayagan at sa College Editors Guild of the Philippines. Sinundan ito ng ilan pang mga insidente kung saan pinunterya ng mga pinaghihinalaang ahente ng estado ang ilan sa mga nakaupong patnugot ng pahayagan, kabilang na ang kasalukuyang punong patnugot.
Kamakailan lamang, nasangkot sa isang malaking isyu ang TomasinoWeb ng University of Santo Tomas (UST) matapos ipatanggal ng UST Office of Student Affairs (OSA) ang isang larawang nagpapakita ng mga mag-aaral na papasok sa isang convenience store. Ayon sa OSA, naging dahilan umano ito ng pangungutya sa mga mag-aaral matapos maihambing ang kanilang uniporme sa ginagamit ng mga empleado ng naturang convenience store. Ang sensurang ipinataw sa TomasinoWeb ay mariing kinondena hindi lamang ng mga Tomasino ngunit pati na rin ng mga mag-aaral mula sa ibang pamantasan dahil umano sa kultura ng represyon sa loob ng UST.
Kalakip ng mga isyung ito ang mas malawak na diskurso tungo sa pagprotekta sa kalayaang pang-akademiko at higit sa lahat, sa karapatan ng mga mag-aaral na maghayag ng mga saloobin na malaya sa pag-uusig at sensura. Bilang opisyal na pahayagan ng AdNU Senior High School, malaki ang tungkulin ng Kurit Bulawan sa pagprotekta sa boses at pagsulong sa interes ng mga mag-aaral. Alinsunod dito, paano kayo--bilang mga Ignasyanong mamamahayag--titindig laban sa mga panloob at panlabas na pwersang sumusupil sa karapatan ng inyong kapwa mag-aaral at paano niyo ito maisusulong sa loob ng inyong paaralan?
Lubos na nagpapasalamat ang aming patnugutan sa paglalaan ng iyong oras upang sulatan ang aming publikasyon.
Mula sa mga nakaraang rehimen hanggang sa kasalukuyang administrasyon, pilit na tumitindi ang mga karahasang natatanggap ng mga mamamahayag-pangkampus maging ang mga kabataan at estudyante sa nasyon. Kasalukuyan tayong nasa estado kung saan patuloy na dinadaluyong ang kapakanan ng mga estudyante at ang malayang pamamahayag.
Sa anim na taong patuloy na pagseserbisyo ng KuritBULAWAN, naging integral sa pamantasan ang malaking gampanin ng publikasyon bilang tagapagpahayag ng katotohanan, at boses ng mga mag-aaral. Hanggang ngayon, pinapanatili nito ang pagtindig sa haligi ng mga katotohanan at pagpapahayag ng mga balitang nagbibigay-interes sa mga estudyante. Ito, bilang mga mamamahayag pangkampus, ang responsabilidad na patuloy naming bitbit bilang kasangga ng mga estudyante ng pamantasan.
Ngunit gayong nananatili ang agresyon at mga pagbabanta sa karapatan ng aming mga kapuwa mag-aaral, malaki ang papel ng publikasyon sa pakikibaka laban sa mga puwersang ito. Isang hakbang ang patuloy na pag-uulat ng mga balita, opinyon, at problemang kinakaharap ng komunidad, mapaloob o labas man ng pamantasan. Kaugnay sa responsabilidad, isang obligasyon din ng publikasyon na maimulat ang mga estudyante sa kasalukuyang represyong pang-akademiko nitong kinakaharap.
Mayroon ding obligasyon ang pamantasan na mapanatili ang kalayaan sa pagpapahayag bilang suporta sa pagsulong ng aming gampanin bilang mga mamamahayag. Bilang isang institusyon, kaisa rin ang aming mandatong mapanatili ang kabutihan ng mga estudyante. Upang mapaigting ang puwersa laban sa mga represyon, isang kahingian ang pagiging katuwang ng administrasyon sa pagtindig.
Kailangan ding maitatak sa mga estudyante ang kanila mismong gampanin na umagapay at makiisa sa pagsulong ng aming mandato. Ngayong sunod-sunod ang pang-aatake sa mga akademikong institusyon mula sa mga nakaraang rehimen hanggang sa kasalukuyan, nananatiling patuloy ang aming laban, bilang mga estudyante sa pagpapanatili ng kalagayan sa aming pamantasan.
Sa nalalapit na transisyon sa susunod na taong panuruan, sineseguro ng An KuritBULAWAN ang patuloy na pagtindig sa mga haligi ng katotohanan ngayon, hanggang sa hinaharap. Kaisa ang aming tungkulin, bilang mga kampus mamamahayag, na magsilbing boses ng mga estudyante ng pamantasang Ateneo de Naga.
Tumitindig sa mga Haligi ng Katotohanan, Editor Ang Kanyon, T/P 2023-2024
LIHAM SA EDITOR
Bilang natatanging pamantasang
Heswita sa rehiyong Bikol, pinapahalagahan ng Pamantasang
Ateneo de Naga (AdNU) ang integridad at katarungan bilang haligi ng pamantasan. Sa katunayan, isa sa pinakamahalagang pagkatuto na ibinabaon sa atin bilang mga Atenista ay ang pagiging “persons for others,” na unang inihayag ni Fr. Pedro Arrupe, SJ limang dekada na ang nakalipas. Bilang pagtupad sa hamong ito, hinihimok tayong mga Atenista na kumilos bilang katalista ng pagbabagong panlipunan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga hakbanging nagsusulong ng makatao at makatarungang pagbabago sa loob at labas ng paaralan.
Sa kabila ng mga mithiing ito, patuloy pa rin ang mga pwersang naglalayong tapakan ang karapatan ng mga mag-aaral sa malayang pagpapalitan at talakayan ng mga isyu sa paaralan at lipunan.
Matatandaan na noong Setyembre 2023, may mga naitalang kaso ng surveillance at red-tagging laban sa mga alumni at mamamahayag ng ThePillars, ang opisyal na pahayagan ng AdNU. Ayon sa kanilang pahayag, sinundan umano ng hindi nakikilalang tauhan sa kanilang tahanan ang isa sa kanilang manunulat na tinanong ng mga detalye tungkol sa pahayagan at sa College Editors Guild of the Philippines. Sinundan ito ng ilan pang mga insidente kung saan pinunterya ng mga pinaghihinalaang ahente ng estado ang ilan sa mga nakaupong patnugot ng pahayagan, kabilang na ang isa sa mga dating patnugot. Kamakailan lamang, nasangkot sa isang malaking isyu ang TomasinoWeb ng University of Santo Tomas (UST) matapos ipatanggal ng UST Office of Student Affairs (OSA) ang isang larawang nagpapakita ng mga mag-aaral na papasok sa isang convenience store. Ayon sa OSA, naging dahilan umano ito ng pangungutya sa mga mag-aaral matapos maihambing ang kanilang uniporme sa unipormeng gamit ng mga empleado ng naturang convenience store. Ang sensurang ipinataw sa TomasinoWeb ay mariing kinondena hindi lamang ng mga Tomasino ngunit pati na rin ng mga mag-aaral mula sa ibang pamantasan dahil umano sa kultura ng represyon sa loob ng UST. Kalakip ng mga isyung ito ang mas malawak na diskurso tungo sa pagprotekta sa kalayaang pang-akademiko at higit sa lahat, sa karapatan ng mga mag-aaral na maghayag ng mga saloobin na malaya sa pag-uusig at sensura. Bilang opisyal na pahayagan ng AdNU Senior High School, malaki ang tungkulin ng Kurit Bulawan sa pagprotekta sa boses at pagsulong sa interes ng mga mag-aaral. Alinsunod dito, paano kayo--bilang mga Ignasyanong mamamahayag--titindig laban sa mga panloob at panlabas na pwersang sumusupil sa karapatan ng inyong kapwa mag-aaral at paano niyo ito maisusulong sa loob ng inyong paaralan?
Sa ngalan ng mapagpalayang pamamahayag,
Mary Lorelie A. Potencio Punong Patnugot, Kurit Bulawan Taong Panuruan 2022-2023
SANGGUNIAN:
OPINYON
ANG Kanyon
z EDITORYAL
BANYAGANG SAYAW
Pilit na isinasayaw ng gobyerno ang istorya ng kasalukuyan tungo sa madugong kasaysayan.
Sa indak ng unang hakbang, patuloy na iginigiit ng administrasyon ang pag-amyenda sa 1987 Konstitusyon sa pagpapanukala ng Charter Change (Chacha). Katuwang nito ang pagsusulong ng full foreign ownership sa mga institusyong pang-edukasyon ng bansa.
Pangunahing layunin ng Chacha ang mga probisyong pang-ekonomikong nag-ugat sa mga lumang artikulo ng konstitusyon na pumipigil sa patuloy na paglago ng ekonomiya, ayon kay Pangulong Marcos Jr.. Isang paraan ang pagpapapasok ng mga foreign investor sa bansa sa kanilang pag-aari ng mga pribadong institusyon. Ngunit
nasyonalismong binuo ng mga ninunong tumindig para sa kalayaan ng bansa.
Malaon na ring kultura ang paghahain ng full foreign ownerships sa industriya. Nilagdaan noong nakaraang Marso 2022 ang pag-amyenda sa Republic Act. No. 11659 o Public Service Act na binibigyan ng buong pag-aari ang mga dayuhan sa mga pampublikong serbisyo. Magsisimula ang bisa sa Abril 2023, nakaangkla rito ang mga serbisyong airports, railways, expressways, maging ang mga telekomunikasyon.
Ngunit gayong patuloy ang pag-usbong ng mga
kung ikukumpara sa ibang bansa. Sa sandamakmak na palisiyang isinulong sa ikauunlad ng edukasyon, nananatili pa ring lugmok ang katayuan nito sa habang panahon.
Gayong patuloy na pinagkakaitan ng oportunidad na sumulong ang sektor ng edukasyon sa bansa, patuloy pa rin ang laban ng mga lider-estudyante, mga pahayagan at organisasyong pangkampus sa pagtakwil ng patuloy na panggigipit ng administrasyon. Isang malaking kahingian sa mga estudyante ngayong henerasyon ang pakikikonekta sa bawat isa, at mag-aklas sa anumang pagbabanta sa malayang edukasyon.
Kasama ang mga mag-aaral ng kasalukuyan, isang panawagan maging sa mga unibersidad at akademikong institusyon na makiisa sa pagsugpo ng anumang pagbabadyang katiwalian sa mga pamantasan. Bilang kakampi ng mga mag-aaral, nananatiling integral na maging katuwang ang mga pamantasan sa patuloy na paglaban sa mga
Habang nananatiling bulag ang administrasyon sa pagpapanagot ng kalidad na edukasyon, patuloy ang pagtinding ng mga kabataan sa paghulma ng
loy na pagbabantang kinakaharap ng estado ng edukasyon, hindi kailanman matutumbasan ang demokratikong kapangyarihan ng mga mag-aaral bilang tagapagsanggalang sa karapatang patuloy
baybayin muling buhay in sa baybaying atin
FI-LI-PI-NO
Bago pa man dumaong si Magellan sa baybayin ng islang Homonhon, may Baybayin ng sinusulat ang ating mga ninunong Filipino.
Sinasabi ng ilang historyador na unang ginamit ang Baybayin bilang isang sistema ng pagsulat sa ika-15 at 16 siglo matapos ang karaniwang panahon. Suportado ito ng itinataguriang kauna-unahang nailimbag na aklat sa bansa (bagkus pinagdedebatehan din ng ilang eskolar) noong 1593, ang Doctrina Cristiana, na naglalaman ng ilang Baybayin teksto.
Naalala ko noong kinder, sa sulok-sulukan ng aking memorya, ipinabasa pa rin ang alpabetong Abakada sa amin bago naipakilala ang sinusunod ngayong alpabetong
Filipino. Ako’y limang taong gulang ng unang beses kong nakompletong awitin ang Abakada. Nang ako’y tumanda ng ilang taon at lumabo ang pagkakaalala sa kantang ito, lagi akong nabubulol pagkatapos ng titik H.
A, Ba, Ka, Da, E, Ga, Ha, “I” nga ba ang sunod nito? Pagkatapos ng I, ano ang sunod? Ja? NGunit, hindi bumabagay ang pantig-katinig na “Ja” sa tono ng kanta. Inuulit ba ang “Ka” para sa titik na K at C? Napakarami na’ng kaguluhan at pagkalitong umiikot sa bawat pagkakataong pilit kong inaalala ang kanta ng aking pagkabata.
Ito’y totoo rin sa usapin ng Baybayin ngayon. Madalas ay maraming kontra sa pagpasok at pagbubuhay muli ng sistema ng pagsulat ng Baybayin dahil nakakalito at mas nakakagulo lamang ito sa mga batang mag-aaral na Filipino. Bagkus may kapupulutan din ang pagbubuhay muli ng Baybayin. Ito ang naging pagtingin ng gobyerno sa pagpresenta ng House Bill 1022 ng Kawanihan ng Committee on Basic Education and Culture of the Philippine Congress na nagsasabing ang Baybayin ang siyang dapat maging sistema ng pagsulat ng buong nasyon noong Abril 2018.
BAY-BA-YI-N
Ang alpabeto ng Abakada ay hinango sa pagpapantig ng mga titik sa Baybayin. Ang labing-apat na pantig-katinig ay laging may kasamang tunog na /a/, maliban na lamang kung ang titik ay sinamahan ng tuldok, linya, o kurba. Kaya’t marami sa mga salitang katutubong Filipino, gaya ng baybay, salita, at buhay, gamit na gamit ang letrang /a/ dahil nakahango ito sa unang sistema ng pagsusulat ng mga Filipino na siyang Baybayin.
Napalitan man ito ng alpabetong Filipino na kinuha lamang sa alpabetong Latin, ginagamit pa rin itong disenyo at pampaganda sa damit, produkto, at sining tulad ng tattoo. NGunit hindi lamang dapat sa layuning pampaganda magamit ang pagsusulat ng Baybayin bagkus ay maisakatuparan ang sinasabing maging sistema ito ng pagsulat ng Pilipinas. Nakakainggit kung iisiping hindi gaya ng Hapon, Tsino, Korea, Thailand, Alemanya, at iba pang bansang may sariling sistema ng pagsulat, ang sistema ng pagsulat ng Filipino ay anak lamang ng kolonisasyon at impluwensiyang Kanluran. Ang wikang Filipino ay daig pa ng dayuhang wika na Ingles sa sektor ng matematika at sisensiya, batas, industriya, komersiya, at edukasyon. Mas una pang itinuturo sa mga bata ang salitang addition, subtraction, solar system, at photosynthesis kaysa ang mga salin ng salitang ito sa Filipino. Sa kinatatayu-
an ngayon, marami pang lalakarin upang tuluyang pumasok sa kamalayan ng masang Filipino ang sulat-sistemang Baybayin.
BU-HA-YI-N
Sapagkat, sa pagpasok ng taong 2018 hanggang sa kasalukuyang panahon, muling nagbinhi ang interes ng kabataang millenials at Gen Z na gamitin ang Baybayin sa sining at pagbabahagi ng damdaming-tao. Tanda ko po na noong ikaanim na baytang, itinatak ko sa aking bisig ang Baybayin ng aking pangalan. E-TA-N. Matapos ang isang linggo ay naglaho rin ang markang ito bagkus ay naitanim na sa kamalayan ng masa at tanawin ng modernong panahon ang pagbabalik-buhay ng sulat-sistemang Baybayin.
Ayon kay Nyrene Paranga, isang estudyante ng Pasay National Science High School, ipininapangarap niyang maging parte ng kurikulum ng hayskul at elementarya ang pagturo ng Baybayin dahil maging ang wikang Ingles at kahit Koreano ay mas una pang itinuro sa kanilang paaralan kaysa ang Baybayin.
NGunit hindi madali ang daan sa pagsama ng Baybayin sa kurikulum, lalong-lalo na sa pagsasabatas ng House Bill 1022. Salungat ang ibang grupong etniko sa iba’t ibang parte ng bansa dahil ang pagsasabatas na tignan bilang isang sulat-sistemang pambansa ang Baybayin at pagtuturo nito sa kurikulum sa halip ng sariling wika o wikain ng bawat etnikong rehiyon ay isang maka-Tagalog na aksiyong hindi tumitingin sa pagkakaiba-iba ng mga wika sa bansa.
Maging estandardisado man ang sulat-sistema ng Baybayin na naghirang mula sa wikang Tagalog na mapapalakas nga ang pagkabihasa ng mga mag-aaral sa Filipino, lalong mababalewala ang sariling wikain sa bawat rehiyon.
NANG TA-MA
Tunay na isang identidad ng bansa at pagpapaantig ng nasyonalismo ng bawat Filipino ang pagbubuhay muli sa unti-unting naglalahong sulat-sistemang Baybayin. NGunit hindi dapat ito ihirang bilang nag-iisang paraang maipakita ang pagka-Filipino dahil ang totong nasyonalismong Filipino ay siyang tumitingin sa pagkakaiba-iba ng wika, kultura, at tao. Buhayin hindi lamang ang baybayin bagkus ang identidad ng Filipinong yumayabong sa sariling kultura.
Buhayin muli ang isang Filipinong hindi nagpapadala sa agos ng dayuhang barkong dumadaong sa baybaying atin.
ni Ethan Nigel Portes
z KULTURA
Dibuho ni Cesar Armando Camba
z TAMPOK SA PAARALAN
PINAG-ISA NG PAG-IBIG
Sa kabila ng lamig ng hangin na bumabalot sa paligid nitong buwan ng Pebrero, nanatiling hindi nababahala ang ating mga puso dahil sa isang bagay na taglay nating lahat–ang mainit na yakap ng pag-ibig.
Ang pag-ibig ay may maraming anyo at nagpapakita sa iba’t ibang paraan. Maaari itong magpakita saiyo bilang isang liham mula sa ’yong minamahal, isang mahigpit na yakap mula sa isang matalik na kaibigan, o matamis na ngiti mula sa isang estranghero na hindi mo na muling makikita. Hindi man natin pansin sa lahat ng oras, iisa lamang ang tiyak: Kahit saan ka man magpunta, ang pag-ibig ay iyong nasasaksihan sa bawat paglingon.
Ngayong buwan ng pagmamahalan, inihandog ng ASCO, STEM Organization, Ateneo Business Circle, LIKHA, HUGAS Organization, Peer Volunteers, YCLSi, IgKnights, Film Society, Writer’s Guild, at Plenum Debate Society ang
“AGAPE: Enchanting Ateneo in the Spirit of Love”– isang pagdiriwang na alay sa araw ng mga puso.
Sa layong iparating sa lahat ang kapangyarihang dala ng pagmamahalan, nagkaroon ng pagkakaisa ang iba’t ibang organisasyon ng mga mag-aaral sa pamantasang Ateneo de Naga Senior High School upang isagawa ang selebrasyong ito mula ika-12 hanggang ika-16 ng Pebrero.
“Masaya”
Ito ang emosyong namumutawi sa Glee Club Head ng YCLSi na si Mary Emmanuelle Reim.
z PALABAS
“Ang iba’t ibang mga pakulo ay nagdala ng saya at gaan ng loob sa mga kapuwa ko mag-aaral na sa kahit mga simpleng paraan man lang ay maipakita nila ang kanilang pagmamahal sa kapuwa. Mas lalo pang naging espesyal ang pagdiriwang na ito dahil sa kolaborasyon ng mga organisasyon,” ani ni Reim.
Ayon naman kay Wenadel Payales,
ang treasurer ng ASCO, wala siyang pagsisisi sa kolaborasyong ito sa kabila ng mga balakid na hinarap nila.
“Nakakataba ng puso ang makitang abala ang unang palapag ng Belardo Hall sa samo’t saring mga booths o activities na inihanda ng bawat organisasyon, na sa bawat interes ng mga estudyante ay mayroon silang booth na maaaring puntahan. Nakadagdag pa sa saya ng kaganapan ang aktibong partisipasyon ng mga SHS students at ang pagtutulungan ng bawat organisasyon upang maisakatuparan ang pagdiriwang na naganap. Lubos kaming nagagalak na sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda ay naging matagumpay ang AGAPE, na hindi magiging posible kung wala ang partisipasyon at pagkamalikhain ng bawat org na lumahok.”
Makikita mula sa mismong tema ng kaganapang ito ang pagbibigay diin sa pagpapaigting ng pag-ibig. Dahil minsan ay nakakalimutan natin itong big-
z BALITANG-PITAK
ISLA NG PAG-ASA
ni Sir Edmund Guillerm C. Cabral
Noong Disyembre 25, 2023 ay ipinalabas sa sinehan ang isa sa mga makabuluhang pelikulang pinamagatang “Firefly”. Ito ay isang kuwento ni Tonton (Euwenn Mikael Areta) na magaling gumuhit dahil sa kaniyang pagkamit ng inspirasyon mula sa kuwento ng kaniyang ina na si Elay (Alessandra de Rosi). Patungkol ito sa isang alitaptap na nagligtas sa paruparo. Sa kasamaang palad ay sumakabilang-buhay ang kanyang ina at dito na nagsimula ang paglakbay ni Tonton sa “isla ng mga alitaptap”.
Sa trailer pa lamang ay
yang pansin o halaga, naging isang paalala ng palagiang presensiya nito ang pakikilahok ng maraming tao sa nasabing pagdiriwang.
Sa kabila ng ligaya at pagkakaisa na naihahatid ng pagdiwang ng Valentine’s Day sa ating mga puso, nararapat din nating tandaang hindi lamang sa “araw ng mga puso” natin maaaring ipahayag ang ating pagmamahal sa kapuwa at sarili kung hindi sa kahit na anong araw man, dahil araw-araw may mi namahal at nagmamahal.
lubhang nakakaintriga na talaga ang kuwen to. Iyong tipong mapapatanong ka na lamang sa sarili ng “Ano ang Isla?”, “Totoo ba yan?” “Ano-ano ang mga makikita sa isla?”, na tila mangigilabot nalang sa rami ng tanong. Iyan ang kagandahan ng pelikulang maraming misteryo ang nakapalibot sa paligid. Noong magsimula na ang mismong palabas ay masasabing nakamit at nalagpasan nito ang lahat ng ekspektasiyon. Maraming elemento ng mahika ang makikita tulad ng pagkabuhay ng bulkang Mayon sa isang napakagandang diyosa. Tunay na masasabing ito ay tulay sa paglalahad ng imahinasyon patungo sa realidad.
Isa pang elemento ay ang pagkabanggit ng “Isla ng mga Alitaptap”.
Alam niyo bana ang “Isla ng mga Alitaptap” ay binase sa totoong lugar? Ito ay ang isla ng Ti-
Humigit-kumulang 40 mag-aaral mula sa Pamantasang Ateneo de Naga ang lumahok sa Creative Writing Workshop-Unmasked: A Photo Exhibit nina Howie Severino and Atom Araullo sa SM City Naga Event Center. Nagsimula ang exhibit noong April 20 at inaasahang matatapos ito sa April 29. Bukod sa workshops, inaasahan ding sa mga darating na araw ay magkakaroon pa ng Radio Programming, Journalism, at Content Creation sessions.
hira pakinggan, ay sumisimbolo sa ating mga pinakamalalim na pagnanasa. Si Tonton ay laging mahina ang loob kaya naman ay laging naapi ng kaniyang kapuwa mag-aaral. Dahil diyan, nagnais siyang maglakbay patungo sa isla upang makamit ang lakas ng loob. Gaya ni Tonton, tayo rin ay may sari-sariling islang nais puntahan. Isla ng pag ibig, isla ng kayamanan, sla ng kasiyahan at siyempre ang isla ng pangarap. Nagiging inspirasyon din itong magpatuloy lamang sa ekspedisyon dahil tiyak na mararating mo natin ito.
“Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na. Gusto mo bang sumama.“
Iyan ang isang linya sa ginamit na theme song na ginamit sa “Firefly’. Ito ay orihinal na likha ng bandang Eraserheads ngunit sa pelikula, ang umawit ay si Arlene Calvo. Sa dalawang linyang ito ay nailalahad ang paglalakbay ni Tonton sapagkat hindi lamang siya mag isa dahil mayroon siyang ibang mga kasama sa paghahanap ng Isla. Gaya ng sabi sa isang sikat na kasabihan, “It’s not about
ay may patutunguhan ngunit hindi sa lahat ng oras ay makakaabante tayo nang mag-isa. Napakahusay ng kantang napili sapagkat nasasalamin nito ang biyaheng patungo sa walang nakakaalam.
Sa panonood ng Firefly ay maghanda na ng mga pamunas sapagkat itong pelikula ay walang awat na nagpapaluha sa lahat ng manonood. Ipinakita sa tema ng pelikula ang kahusayan ng loob at imahinasyon sa simpleng paraang hindi komplikado at kahit anong edad ng manonood ay makakaintindi at makakabuo ng koneksiyon sa mga karakter.
Gaya ng mga karakter sa pelikula, nais ko lamang sabihin na “Magpursige lamang at ipagpatuloy ang paglalakbay. Mahirap man ang kumapa sa dilim, tandaan lamang na sa oras ng dilim, ay paparating na ang liwanag.”
nina Ma. Charisse Elaine V. Bellen at Xai Abarro
nina Allia Herras, Neil Lawag at Kim Delovino Kuhang Larawan ng Naga City Deck
04 14
14 LATHALAIN
z PANGDAIGDIGANG KASAYSAYAN
Mga paruparo sa puti’t itim na paligid
Isinulat ni: Alaine V. Rodrigo
H indi na bago sa araw-araw na ikot ng mundo ang mga masasamang nararanasan ng kababaihan. Tulad ng magkakapatid na Mirabal, na patuloy na umaaklas sa mga lunid na kinabit sa kamay at paa upang maging isang papet lamang sa lipunan. Hanggang sa kasalukuyan, problema pa rin ang pagtapak sa karapatan ng kababaihan at patuloy pa rin nagiging bingi ang mga tao sa kanilang sigaw ng tulong. Naging hakbang ang magkakapatid na Mirabal para sa kababaihan upang kalabanin ang sistemang siyang itinataas ang mga taong mas nakakaangat.
Pinalibutan ng kadiliman ang Dominican Republic nang nasailalim ito sa pamumuno ni Rafael Trujillo, isang diktador na namuno sa isla nang mahigit 30 na taon. Sa isang palihim na pag-aaklas, ang magkakapatid na Patricia, Minerva, at Antonia Mirabal, kasama ang kanilang mga asawa. ay nanguna sa pakikibaka laban sa pamumuno ng diktador.
Ngunit lumipas ang mga taon matapos yumao ang magkakapatid na Mirabal sa kamay ng awtoritaryang pamumuno ni Trujillo, patuloy pa ring nararamdaman ang epekto ng katapangang ipinakita ng magkakapatid na Mirabal sa harap ng isang diktaduryang nagha-hanap ng positibong pagkilala gamit ang dahas na dala ng lider nito.
Sa tuwing sinasamantala ni Trujillo ang kahinaan ng magkakapatid na Mirabal, patuloy na lumalakas ang apoy sa kanilang mga puso. Kung kaya ay hindi naging dagok sa magkakapatid ang paulit-ulit na pagmamalupit na kanilang dinanas sa kamay ng diktador. Kahit anong pag-uusig na ginawa ni Trujillo, patuloy pa ring pinanghawakan ng magkakapatid ang kanilang laban sa demokrasya at ang pagpalaya sa kanilang mamamayan.
Ang pag-aaklas ng mga paruparo
Hindi aakalain na ang magkakapatid na Mirabal, kasama ang kanilang bunsong kapatid na si Dede Mirabal, ay parte ng isang paghihimagsik sa bansa noon dahil parte ang kanuyang pamilya sa middle class at maluwag ang pamumuhay. Sa pamumuno ni Trujillo, nagdanak ang panganib sa puso ng bawat mamamayan nang nagtaas ang bilang ng mga taong nawawala, pinapakulong, at pinapatay.
z LITERATURA
Unang suma li si Minerva sa isang patagong kilusang sumusulong sa pagbagsak ng rehimeng Trujillo at sumunod naman ang kaniyang mga kapatid na sina Patricia at Antonia. Minsang pinakulong si Minerva nang paghinalaan siya sa kaniyang oposisyon. Dagdag pa sa mga hinala ang kaniyang pagpalag sa pambabastos na ginawa ni Trujillo nang maimbitahan siya sa tirahan ng diktador.
Sa dekadang 60’s, kinilala ng mga desteradong aktibista ng Republika ng Dominican ang Nobyembre 14 bilang araw ng kanilang pagkabigo sa kanilang paghihimagsik laban kay Trujillo. Isang taon matapos mangyari ito, sinimulan ni Trujillo ang malawakang pag-aaresto sa mga aktibista kung saan kasali ang tatlong magkakapatid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtawag sa magkakapatid na Las Mariposas o Mga Paruparo upang matago ang kanilang pagkakakilanlan.
Nobyembre 25, 1960 nang huling nakitang buhay ang tatlong magkakapatid. Ayon sa El Caribe, ang pahayagang pinanghahawakan ni Trujillo, namatay sila sa isang aksidente ngunit ibang-iba ito sa katotohanang dinanas ng magkakapatid sa kanilang mga huling oras sa mundong ibabaw. Sila ay hinarang ng mga lihim na pulisya ayon sa plano ni Trujillo. Dahil hawak ng diktador ang mga pahayagan sa panahong iyon, hindi pinalabas na kaniyang iniutos ang pagpatay sa magkakapatid at itinago na lamang ang krimen bilang isang aksidente.
Ang pagkamatay ng magkakapatid ang nagsindi ng mitsa sa kanilang mga kababayan. Anim na buwan matapos yumao ang magkakapatid, iniutos ng mga dating kaalyado ni Trujillo ang pagpatay sa diktador.
Ang Epekto sa Kasalukuyang Panahon
Inialay ni Dede Mirabal, ang bunso sa magkakapatid na Mirabal, ang kaniyang buhay upang gunitain ang alaalang iniwan ng kaniyang mga kapatid. Siya na rin ang nagpalaki sa mga naulilang anak ng magkakapatid.
Naging simbolo ng feminist resistance ang magkakapatid na Mirabal. Ang kanilang pagiging paruparo ay isang sagisag ng kanilang
GULONG NG EDSA
Isinulat ni: Ethan Nigel A. Portes
S abi nila, ang mundo ay parang gulong—minsan ika’y nasa taas, minsan naman ika’y nasa baba.
Pero ang totoong mundo, isang gulong na patay ang kilos. Kung ipinanganak kang nasa ibaba, igigiit ka nila sa lupa, pipigilan kang tumaas. Kaming pamilyang mahihirap, kami ang gulong ng dyip sa EDSA—hindi makakilos sa bulok na sistema.
Nang marinig ko ang anunsiyo ng isasagawang pag-aaklas sa transportasyon ngayong araw, nagbali ang aking tingin sa nakasabit na kalendaryo sa bahay. Tinalaan ng ekis ang numero 20 sa buwan ng Nobyembre at binalikan ang mga nakatapos na buwan sa taon, binibilang kung ilang marka na ang naisulat ko sa kalendaryo. Apat na ekis at wala pa ring nakikinig. Ilang araw na lang din bago ang ika-23 ng Disyembre, ang huling araw na palugit sa mga hindi pa pumapalit sa bagong modelo ng dyip. Buti nalang, hindi na ito problema ng pamilya.
Ilang buwan nang kinakalawang ang makina ng dyip ni Papa. Inuubo sa itim ng usok na ibinubuga. Mas masahol pa sa nagmamanehong may TB, may sakit na nga, nangdadamay pa ng iba. Masisisi ko ba ito? E, lagyan ba naman ng mumurahing likido sa gasolinahang kung saan-saan. Mataas na raw kasi ang presyo ng langis na dati-rati’y pinapainom dito. Mas makakatipid kung ibang alternatibo nalang. Kinakaya pa namang bumuhay ng pamilya, mabagal nga lamang ang kita.
Pero ngayon, ni isang piso hindi na makasahod si Papa sa pagiging dyípni drayber. Simula ng inilabas ng gobyerno ang bagong modelo ng dyípni, pinalitan na lahat ng mga kinakalawang at makalumang dyip. Kung hindi man pinalitan, pinapahirapan silang makapasada. Kaysa mabaon kami si milyon-milyong utang, mas pinili ni Papa na maghanap nalang ng ibang trabaho. “Mga butas na pangako lang nila iyan,” hirit noon ni Papa, “Hindi ko ikokontrata ang buhay nating pamilya sa wala.”
Naaawa ako kay Pinong, iyon ang tawag namin sa dyip ni Papa. Ilang taon din akong lumaki ng kasama ito, simula kinder hanggang hay-
iskul sa pagpasok sa paaralan hanggang sa pag-uwi. Sagisag nga ito ng masa kung tutuosin. Kaming mahihirap, pumipila sa kahaba-habang linya para lang makarating sa pupuntahan: sa mga estudyante, sa paaralan at sa mga tulad ng nanay kong nagtatrabaho, sa lugar ng pinapasukan nila. Nagtitiis kami sa init at baho ng usok na dala ng mga sasakyan. Mga sasakyan tulad ni Pinong, ni Mitsu, Susuki, Nissa, Toyo, at For. Pero hindi gaya ng iba, si Pinong, maraming buhay ang dinadala, maraming oras ang kinakarga. Ang dali nila kung palitan ang mga tulad ni Pinong. Dahil walang pakinabang, pangit, at pangmahirap, basta-basta nalang pinapalitan.
Naalala ko noon, ilang araw bago ang Pasko at giit kami sa trapiko. Isang sentimo ang usad kada oras na tila mag-ugaga na kaming mga pasareho sa bagal ng galaw ng trapiko. Ang mga sasakyan naman kaniya-kaniyang pindot ng busina, labanan ng patagalan at palakasang ingay kumbaga. Tanda ko noon si Manang Sisa, walang pigil ang pagmamadali sa tsuper. Mahuhuli na raw kasi siya sa trabaho. Ako naman, huli na rin sa unang klase pero “bahala na”, naisip ko noon, “maiintindihan din naman ako ng aking guro”. Iyon ngang katapat ko, mukhang isang guro din pero hindi siya nababahala sa oras. Iyong tipong sanay na siya sa ganitong sitwasyon, kailangan mo nalang talagang tanggapin at tiisin. Makalipas ang kalahating oras, hindi na natimpi ni Manang Sisa, bumaba na siya ng dyip at nilakad ang buong haba ng EDSA, nakadamit pangdisente at naka-heels pa. Iyong mga sasakyan naman sa paligid, nagsikantahan na rin sa inip. Inakala ko noon na ilang oras lamang ang nasayang sa pagkaipit namin sa trapiko. Ngayon, alam kong ilang taon din ang nakitil sa aming buhay sa bawat segundong pumapatak kakahintay. Ilang suweldo ang binawasan, ilang klaseng naliban, at ilang gutom ang tiniis dahil walang pambili ng pang-araw-araw na pangangailangan. Grabe ang pangungutya ko noon sa pagbaba ni Manang Sisa. Pagkakamali ko noong hindi maisip na hindi gaya ko, alam niya ang halaga ng bawat segundo.
Nakakapagtaka nga kung iisipin, bakit nila pinapalitan ang mga dyip tulad ni Pinong kung ang mga bagong modelo ay pareho rin namang masasakal sa bulok na sitwasyon sa daan? Malinis, malamig, at may Wifi raw iyong mga bagong dyípni. “Seguro para hindi mainip ang
pakikibaka para sa kanilang kasarinlan. Ipinakita rin ng magkakapatid na hindi nagtatapos sa bahay ang kanilang tungkulin bilang babae. Sa gitna ng kahirapan, ipinakita ng mga paruparo na hindi sila babae lamang, na hindi dapat kinakatakutan ang isang masokistang lalaki tulad ni Trujillo. Ang boses ng babae ang pinakamalakas sa gitna ng kahirapan at sa kanilang pagtutulong-tulong, makakamit at makakamit ang hustisya at kasarinlang kanilang inaasam.
Isang araw ng Pagkilala
Makalipas ang 20 taon, kinilala ng mga women’s rights activists ang ika-25 ng Nobyembre bilang International Day for the Elimination of Violence against Women upang alalahanin ang magkakapatid na namatay na iniutos ng diktador.
Noong ika-7 ng Pebrero 2000, 19 na taon pa ang lumipas bago tuluyang kinilala at itinalaga ng United Nations General Assembly ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence against Women at pagsisimula ng 16 na araw na kampanya kontra sa pang-aabuso sa mga kababaihan. Kalakip nito ay inanyayahan ang mga pamahalaan, at mga Non Government Offices upang bigyang liwanag ang problemang dinaranas ng mga babae taon-taon.
Sa panahong patuloy pa ring ipinaglalaban ng mga kababaihan ang kanilang karapatan, hindi nagtatapos sa apat na sulok ng bahay ang kanilang gampanin. Hindi nagtatapos sa tradisyonal na gampanin ng babae ang kanilang karapatan. Sana ay maipakita rin na kahit sa kalsada, ang boses nila ay palaging kinikilala para sa karapatan ng lahat.
mga pasareho kakahintay sa trapiko,” aking bungisngis. Maliban sa matitipid ko pa ang ilang barya sa itinaas na presyo ng pamasahe, hindi ko rin naman magagamit ang libreng Wifi o masisiyahan ang lamig ng aircon kung sa bawat minuto’y nag-aabala sa oras na iginugugol kakahintay.
Nang binuksan kamakailan lamang ang express lane para sa mga bus, ambulansiya, at iba pang emerhensiyang sasakyan, sa halip na mapakinabangan ng mga ordinaryong nagko-commute, ginawa pang pansariling tawiran ng magagarang sasakyan ng mga senador at opisyal ng gobyerno. Daig pa ang mga ambulansiyang buhay ang kinakalaban sa oras. Sabi nila, para daw mabigyan ng tamang oras ang mga pinunong ito na magampanan ang kanilang trabaho bilang mga opsiyal. Mas mahalaga ba ang oras nila sa pinagsamang oras ng masang nahihinto sa trapiko sa kalsada? Saan nila ibinubuhos ang mga oras ng pagtatrabaho kung ang gampanin nilang masolusyonan ang isyung trapiko at kalsada ay hindi nila maaksiyonan?
Iyong mga pinapaayos na kalsada at pinapalawak na daan, sa halip na magpagaan ng trapiko, mas pinapalala pa nang ilang taon na ang lumipas, at hindi pa rin maitapos-tapos. Ang mahirap kasi sa Filipinas, iyong namumuno at tumutugon sa isyung kinakaharap naming masa ay iyong mga taong hindi dinanas ang mga paghihirap sa pang-arawaraw naming pamumuhay.
Tulad sila ng gulong ng dyip sa EDSA, sa tagal na pamumuhay sa itaas, hindi kayang damayan ang paghihirap sa ibaba.
Mataas na rin ang tirik ng araw nang mapahinto ako sa aking pagmumuni-muni. Nagsisimula ng magising ang umaga. Matapos ang ilang oras ng paglalakad, narating ko rin ang aking paaralan, mas maaga pa sa mga estudyanteng ibinibaba ng kaniya-kaniyang sasakyan.
Natuto na rin ako, gaya ni Manang Sisa. Alam ko na ang halaga ng bawat segundong pumapatak at hindi gaya ng gulong ng isang modernong dyip sa EDSA, hindi ako magpapakabilanggo sa isang bulok na sistema.
Dibuho ni Cesar Camba
AGHAM
AI AT AKADEMIKS: KATUWANG SA
TAGUMPAY
Ni:
SJuliete N. Villaraza
a paglipas ng mga panahon marami na ang nagbabago. Hindi lang ang lipunan kundi pati na rin ang teknolohiya. Akalain ba natin na kung noon, hindi uso ang mga telepono, ngayon oo na? Sa paglaganap ng teknolohiya, naging uso na rin ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) hindi lamang sa pang-araw-araw na buhay, bagkus sa pag-
Hindi madaling sabihing sagabal ang AI sa pagaaral, lalo na kung tatanungin ang mga estudyante. Ayon sa ilang estudyante, napakalaking tulong ng AI sa kanila, lalo na sa ispeling, gramatika, at iba pa. Sa tulong din ng AI ay mas napapadali ang pag-check at paghanap ng mga kamalian sa gawa.
Hindi naman sa lahat ng oras ang AI maganda. Siyempre kailangan din nito ng disiplina pagdating sa gumagamit. Ang mga essay at written works ng mga estudyante ay minsan kayang magawa ng mga AI na apps. Dapat gawin ito ng mga estudyante mag-isa. Puwede naman humingi ng tulong sa mga AI kagaya sa mga ispeling, gramatika at iba pa, ngunit ang ang mga idea at sulat ay galing mismo sa mga estudyante.
Kung titingnan naman ay maraming mga kabutihang maaaring ibigay ng AI sa pagkakataong lubos na maging parte ito ng edukasyon. Ang paggamit ng AI ay maaaring mas magpaganda pa ng buhay ng pag-aaral ng mga estudyante. Hindi lamang mga estudyante ang gumagamit ng AI sa paaralan, pati na rin ang mga guro. Sa tulong ng mga AI nakikita ng mga guro kung ang isang estudyante at nandaya at nangopya lamang sa isang website. Nagagamit din ito para sa madalian paggawa ng mga grades o di namna kaya sa paggawa ng mga lesson plan.
Kung titingnan, nasa tao na lamang kung papaano nila gagamitin ang AI. Hindi ito kasalanan ng teknolohiya dahil ang layunin naman nito ay ang pagaanin ang ating buhay. NGunit hindi dapat ito dahilan sa paggamit ng AI sa mga tungkuling tao dapat ang gumagawa.
Sa laki ng mundo ng AI, hindi na nakakagulat na may mga gumagamit nito sa kasamaan. Akalain ba natin na ginagamit na ang AI sa paggawa ng mga teksto ng mga estudyante kung saan dapat sila ang gumagawa? Ang AI ay hindi ginawa para gawin ang mga bagay na dapat tayo ang gumagawa. Nariyan ito para tayo ay tulungan at padaliin ang ating buhay
GAMOT SA DEMENTIA, SUSUBUKAN O SUSUKUAN ?
Ni: Juliete N. Villaraza
Ang salitang dementia ay nag-ugat sa salitang “demens” mula Latin na nangangahulugang “nawawala sa sariling isip”.
Ang pinakaunang kaso ng “DementiaI” ay nangyari noong 1905. Nag-umpisa ito noong tinignan ng isang doktor na si Dr. Aloise Alzheimer ang utak ng isang babae na nangangalan na Auguste Deter, na namatay pagkatapos makaranas ng sintomas ng ngayong kinikilala bilang Dementia. Sa doktor rin pinagmulan ang pangalan ng Alzheimers
Habang tumatagal ang panahon ay sinimulang pag-aralan ang sakit na ito at kalaunan ay natuklasan din ang iba’t ibang sakit na masasabing kapareho o ‘di naman ay dementia talaga. Sa paglipas ng panahon, nag-uumpisa na ring maghanap ng paraan upang magamot ang dementia
Dala ng pag-aaral at pananaliksik, ang dementia ay tumutukoy hindi bilang isang sakit bagkus isang tawag sa lipon ng mga sakit kung saan humihina ang kakayahan ng isang taong makaalala, mag-isip, o ‘di naman kaya ay gumawa ng mga desisyon para sa mga pang-araw-araw na gawain.
Ang Alzheimer’s disease ang pinakakaraniwang sakit na makakategorya bilang dementia. Kadalasan ang naapektuhan nito ay mga nakakatanda na, ngunit ang dementia ay hindi parte ng pagtanda. Mayroon din naman mga gamot o paraan upang gumaling mula sa pagkakaroon ng dementia, ngunit ang mga paraan na ito ayon sa isang pag-aaral ay nagdudulot ng mga hindi magandang epekto. Sa panahon ngayon ay may mga nagawang teknolohiya ang mga tao upang makatulong sa mga taong may Dementia na mabuhay ng
maayos. Mga Carebots, Dementia-friendly communication technology, Home monitoring technologies, Medication management, at location tracking. Sa tulong ng mga bagong teknolohiya ay napapadali ang buhay ng ga tao may sakit. Mayroon din gamot na binibigay ang mga doktor. NGunit may mga epekto ba ito sa mga tao ?
Ayon sa pananaliksik na isinigawa sa Paris, France, may masamang epekto ng paggamot sa dementia, kabilang na rito ang pagkakaroon ng heart failure. Ayon sa pag-aaral na isingawa ng British Medical Journal (BMJ), ginagamit ang antipsychotic sa mga tao na may dementia na kadalasang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng stroke, blood clots, heart attack, heart failure, fracture, pneumonia, at acute kidney injury
Ang pinakaunang gamot na ginamit sa pagtrato ng Dementia ay tinatawag na “Cholinesterase inhibitors”, nagagawa nitong pagandahin lalo ang pag-iisip ng mga tao, kasama na rito ang memorya, komunikasyon at mga pang-araw-araw na gawain.
Ngayon, isa sa mga paraan ng paggamot sa dementia ay ang pag-inom ng gamot na tinatawag na cholinesterase inhibitors May tatlong klaseng gamot na pinakanirerekomenda ng mga doktor: Ang Donepezil, kung saan puwede nitong gamutin ang lahat ng stages ng sakit na isang beses sa isang araw iniinom. Ang Galantamine naman na nakakagamot din ng mga sakit ng dementia na walang malbuhang epekto sa kalusugan. Sa panghuli, nariyan ang Rivastigmine na kagaya din ng Galantamine, ngunit mayroon din itong skin patch na pinahihintulutan na gamitin sa lahat ng stages ng Dementia
PAGKANSELA NG KLASE DAHIL
Ni: Juliete N. Villaraza
Maraming paraan upang masukat ang temperatura at moisture sa katawan ng isang tao, isa na sa paraan na ito ay ang tinatawag natin na “heat index”. Noong 1979, isang nangangalang R.G Steadman ay nakagawa ng isang masukat ang heat index gamit ang isang temperature table, sinusukat nito ang temperatura, relative humidity, at ilang pang mga factors. Sa ngayon panahon, ginagamit na ang salitang heat index sa pagsukat ng init sa isang lugar. Sa tagal ng panahon ngayon lamang nagkaroon ng temperatura ng tataas ng 45 degree Celsius. Kung noon ay ito ang pinakamataas na nasukat sa Pilipinas tuwing taginit, ngayon ay tumaas na at patuloy pa rin itong tumataas.
Ayon kay Arayata (2024), ang dahilan kung bakit sobrang init ngayon sa Pilipinas ay dahil sa tinatawag na “El nino”. Sa panahon na ito nakakaramdam ang Pilipino ng temperatura na sobrang init. Ayon kay Rappler (2024), ang pagsukat ng panahon ay isang Greek Philo- sopher na si Heraclitus. Isa naman sa nabaggit niya ay ang “Climate change”. Kaya naman iba-iba ang paraan upang hindi mapahamak ang mga tao sa init, lalo na sa mga kabataan na nag-aaral pa.
Dahil sa sobrang init sa ibang lugar ay naisipan na ng DepEd na ikansela ang mga klase upang hindi mapahamak ang mga estudyante. Maliban sa pagkansela ay binawasan na rin ang oras ng mga estudyante sa paaralan, imbes na buong araw sila papasok ay ginawa na lamang kalahating araw. Ang iba naman ay mas pinipili ang online class upang matutukan ng mga magulang ang kanilang mga anak at hindi na rin mapahamak pa.
Ayon sa DepEd memorandum Order No. 37, series of 2022, maaaring isuspende o gawing online ng mga school heads ang mga gawain sa paaralan sa tuwing mabigat ang
temperatura o kaya may mga kalamidad na maaaring magpahamak sa buhay ng mga mag-aaral. Dahil sa memorandum na ito at kasabay ng matinding init ay naisip na ikansela o paiksiin ang mga oras sa paaralan.
Napakaraming sakit o pahamak ang pwedeng madala ng mataas na init. Ang isa sa pinakasikat na nakukuha ay ang “heat stroke”. Nangyayari ito sa tuwing hindi na kaya ng katawan ng tao ang sobrang init. Kadalasan na epekto nito ay pagkahimatay, pagkahilo, at minsan naman ay kamatayan.
Iilan din sa mga maaring mangyari ay maari maapektuhan ang ating kalusugan dahil nahihirapan ang ating katawan na mapaikot ang temperatura ng ating katawan. dahil dito nagkakaroon ng mga sakit ang mga tao kagaya na lamang ng heat cramps, heat exhaustion, at hypothermia dahil sa tindi ng init.
Mayroon din itong hindi malalang sakit kagaya na lamang ng pagkasunog ng balat o mas kilala bilang “Sunburn” na nagyayari tuwing babad na babad ang isang tao sa isang sobrang init na lugar habang wala itong proteksyon kaya ng payong o sunscreen.
Ayon sa GMA news, mahigit 7,000 na paaralan ang nagkansela ng klase dahil sa sobrang init. Ayon sa Department of Education (DepEd), ang pinakaapektadong paaralan dahil sa init ay ang Central Luzon, kasunod naman nito ang Central Visayas, at panghuli naman ang Wes-tern Visayas. Sa loob ng National Capital Region (NCR) ay nasa 311 na paaralan ang nagsuspende ng faceto-face na klase.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 42°C hanggang 51°C ang delikadong temperatura tuwing tag-init. Possible rin dito ang
TAG-INIT CHRONICLES
SA INIT
heat stroke at iba pang sakit dahil sa sobrang init. Kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagtaas ng temperatura, ayon sa ilang magulang ay pabor sa kanila ang online classes, dahil nagagawa nilang bantayan ang kanilang mga anak.
Maraming paraan upang malabanan ang sobrang init, kagaya na lamang ng paginom ng maraming tubig. Sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig ay nababawasan nito ang init sa ating katawan. Isa pang paraan ay ang paggamit ng mga payong sa tuwing lalabas o ‘di naman paglagay ng sunscreen upang maprotektahan ang ating balat sa init ng panahon.
Kung kakayanin ay umiwas tayo sa mga lugar na maraming tao ay sobrang init. Sa tuwing pupunta tayo sa mga lugar na ganiyan ay mas tumataas ang ating temperatura. Iilan rin upang manatili tayong litas kahit na sobrang init at ang pagligo dahil nagagawa nitong ma-cooldown ang katawan lalo na kung sobrang init.
Kung kakayanin naman ay manatili sa mga lugar na malalamig kagaya ng isang kuwarto na may aircon upang mabawasan ang init. O kung ‘di naman ay maggamit ng tuwalyang basa at ipunas ito sa katawan , at paggamit din ng mga light at loose na damit upang hindi sobrang init.
Ang kaniya-kaniyang Local Government Unit (LGU) ay nagpapaalala na palagi tayong manatiling hydrated, wag kakalimutan uminom ng tubig at umiwas iwas muna sa mga lugar na mainit at tutok ang init. Dahil sa sobrang init pinapaalala na rin ng Department of health (DOH) na mag-ingat at laging uminom ng maraming tubig.
Tila walang makakaligtas sa malakas na tirik ng araw ngayong tag-init — daig pa natin ang mga solar panel sa paghagip ng sikat ng araw. Nasasaksihan natin ang epekto ng kasalukuyang heat index sa mga mag-aaral: ang mga estudyante ay nagmistulang mga human fan, habang ginagamit ang kung ano mang makuha para ipanglaban sa bumubugang temperatura at nakakasulasok na kapaligiran: folder ni titser, ipad ni klasmeyt, o kuwaderno sa bag. Mayroon ding mga nag-transform bilang The Flash para maiwasan ang nakapapasong bagsik ng araw.
Kung titignan ang mga gamot na ito, nakakatulong naman sa pagpagaling ng sakit, ngunit may dalang epektosa katawang hindi kanais-nais. Iilan sa mga epekto nito ang pagsusuka, diarrhea, loss of bladder control, muscle cramps, muscle twitching at pagbawas sa timbang. Marami ang epektong dala ngunit ayon naman sa ibang pag-aarl ay maaari naman maiwasan. Isa sa mga paraan na ito ay ang pagsimula lamang sa maliliit na dosage upang masanay ang katawan at pakonti-konti ay lalakihan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), mayroong 55 na milyon pataas na kaso ng dementia sa buong mundo. 60% nito ay galing sa mga low at middle-income na bansa. Ayon din sa WHO, kada taon ay nadadagdagan ng halos 10 million na kaso ng dementia.
Maraming mga kamag-anak ang nais ipagaling ang
kanilang kapamilyang may dementia dahil nagdudulot ito ng pagiging makalimutin. Masakit para sa mga kaanak na makita ang isang tao na pinakamamahal nila na unti-unti na sila nakakalimutan. Ayaw naman ng mga tao na makilamutan sila ng kani-kanilang mga mahal sa buhay kaya naman ngayon palang ay ating sulitin na ang oras habang natatandaan pa nila tayo.
Sa ngayon ay kulang pa rin ang mga tao sa kaalaman tungkol sa dementia, kaya naman sa ngayon kung saan malaki ang tulong ng teknolohiya may mainam kung patuloy natin pag-aralan ang kondisyon na ito. Mas alamin ng mga eksperto ang dementia at ang mga epekto nito upang makahanap sila ng paraan upang magamot ito o kung di man ay makatulong sa mga taong nahihirapan sa sakit na ito.
ng Ang Kanyon
dibuho ni Cesar Armando
dibuho ni Arielle Jemeline Rey
16 AGHAM
INECAR: INSTITUSYON PARA SA MAAYOS NA KINABUKASAN
Ni: Adriane B. Umali
Ang INECAR o Institute for Environmental Conservation and Research ay isang pangunahing samahan para sa kalikasan. Ipinamalas nito ang dedikasyon sa pangangalaga ng kapaligiran, integridad, mga proyektong makabayan, at malikhaing pagpapalaganap ng kamalayang pangkalikasan sa rehiyon.
Arkibo ng Pagbabago Ang INECAR ay itinatag noong 1990-1991 sa ilalim ni Fr. Raul Bonoan, S.J. sa Ateneo de Naga College, unang pinangasiwaan ni Dr. Emelina G. Regis. Nagsimula ito sa mga environmental activities tulad ng pananaliksik at seminar, nagpapalaganap ng kamalayang pangkalikasan sa Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Naga City. Sinuportahan ni Fr. Bonoan ang paglaki ng mga organisasyong pang-estudyante na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan. Nag-iba ang INECAR kasabay ng pagkuha ni Ms. Regis ng doktorado upang mapalakas ang kanyang ekspertis sa siyensya. Sa ilalim ni Fr. Joel Tabora, S.J., ito ay naghiwalay sa Math at Science Department, pinalawak ang saklaw at mga mapagkukunan mula noong 2000.
Diwa ng Agham at Teknolohiya Marami ng pananaliksik ang nagawa ng INECAR. Sa kasalukuyan, natapos na nito ang 9 na proyekto at pananaliksik at may 2 pang kasalukuyang ginagawa. Tatalakayin ng parte ng artikulong ito ang lima sa mga proyektong nagawa ng INECAR at kung ano ang mga layunin nito. Noong 2000, natapos nito ang report tungkol sa ECOTOURISM PROJECT FOR THE PROVINCE OF SORSOGON na may pangkalahatang layunin na gamitin ang ecotourism bilang paraan ng pangangalaga sa biodiversity at integridad ng ilang mga ekosistema sa lalawigan ng Sorsogon. Noong 2004, natapos nito ang report tungkol sa A VISITOR MANAGEMENT SYSTEM FOR MT. ISAROG NATURAL PARK na may layunin na buoin ang isang sistema ng pamamahala ng mga bisita sa Mt. Isarog Natural Park upang matulungan ang PAMB, LGUs, at mga komunidad sa gilid ng kagubatan sa pamamahala ng turismo. Noong
2005, natapos nito ang report tungkol sa ASSESSMENT OF THE EFFECTS OF ACID MINE DRAINAGE ON MOGPOG RIVER ECOSYSTEM, MARINDUQUE, PHILIPPINES, AND POSSIBLE IMPACTS ON HUMAN COMMUNITIES na may layunin na alamin ang lawak ng pinsalang resulta ng nakaraang operasyon ng pagmimina ng Marcopper Mining Corporation at maiugnay ang acid mine drainage (AMD) na nangyayari na sa lugar sa biophysical na kondisyon ng Mogpog River. Noong 2006, natapos nito ang report tungkol sa ENVIRONMENTAL STATE OF LAKES BATO AND BAAO, CAMARINES
SUR na isinagawa upang matukoy ang mga sanhi ng pagkasira ng kalikasan ng mga lawa.
Noong 2013, natapos nito ang report tungkol sa BASELINE ASSESSMENT OF THE CURRENT ENVIRONMENTAL CONDITION OF THE NAGA RIVER na isinagawa dahil sa lumalalang kalagayan ng nabanggit na ilog na naapektuhan ng pag-akumula ng basura, polusyon sa lupa at mga daanan ng tubig na nagresulta sa malansang amoy at pagbaha dahil sa pagbara ng mga kanal.
Serbisyo para sa Bayan Ang INECAR ay maraming serbisyong inihahandog na makatutulong hindi lamang sa mga estudyante ng ADNU kundi pati na rin sa buong
komunidad. Ilan sa mga serbisyong kanilang inihahandog ay ang PLANT IDENTIFICATION SERVICE kung saan ay may layunin na magbigay ng real-time na komposisyon ng mga fauna sa Pilipinas. Sunod, ang REGIONAL ENVIRONMENTAL GEOGRAPHIC INFORMATION SYSTEMS (REGIS) HUB na kung saan ay nagbibigay sila ng mga serbisyo at pagsasanay sa GIS applications at iba pang kaugnay na bagay ng Local Government Units (LGU) Government Agencies, NGOs, POs, at iba pang institusyon. Bukod pa rito, ito rin ay naglalayong mapalawak ang kaalaman sa disaster reduction, planning, at iba pang decision-making processes na kailangan para makatulong sa kapuwa at sa kapaligiran.
ISANG SAGISAG NG PAG-ASA
Ni: Adriane B. Umali
Sa malawak na tanawin ng Lungsod Naga, tumitindig ang isang sagisag ng pagbabago, ang gusali ng CeSaR. o“The Center for Safety and Resilency.” Ito ay isang proyektong inisyatiba na pinamumunuan ng Alkalde nitong si Nelson Legacion. Tuklasin natin ang kabuoang kagandahan ng estrukturang ito at alamin ang masusing pagtatangka na binubuo ng mga Filipino para sa pag-unlad ng agham, teknolohiya, at kalikasan.
Tala ng Pagsubok Baha, bagyo, lindol at iba pa. Ilan lamang iyan sa mga kalamidad na Tinatayang umaabot sa 20 na bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) taon-taon. Isa ang Naga City sa rehiyong Bikol na karaniwang madaling tinatamaan ng pagbaha sa panahon ng partikular na mga bagyo at malakas na pag-ulan. Ang lokasyon nito sa silangang bahagi ng bansa, malapit sa Typhoon Belt ng Karagatang Pasipiko ay isa rin sa mga dahilan kung bakit madalas na nakakaranas ito ng pag-ulan at bagyo. Ito ay may masamang epekto sa impras truktura at kabuhayan sa lungsod. Halimbawa na lamang ang Bagyong Reming (internasyonal na pangalan: Durian) noong 2006 ay malaking nagdulot ng pinsala sa mga tahanan, lalo na sa mga lugar na mababa ang lebel sa lungsod at binagsak ang mga linya ng kuryente. Kaya’t ang heograpikal na lokasyon ng lungsod at iba pang mga sosyo-ekonomikong salik ay nakaaapekto sa mga ekonomikong resulta sa lugar. Matagal ng nararanasan ang mga kalamidad na ito ngunit wala pa rin sapat na safety measures ang ating bansa. Marami ng napip
kaasa pa rin tayo sa tulong mula sa ibang bansa kapag tayo’y nakakaranas ng matitinding pinsala. Sa pamamagitan ng pagsasanib ng agham, teknolohiya, at kolektibong pagkilos, ang lungsod ay maaaring magpatuloy sa pag-unlad patungo sa isang mas ligtas at mas matatag na hinaharap.
Arkitekturang Mapanlikha
Ang Center for Safety and Resiliency Building o mas kilala bilang CeSaR Building ay isa sa mga proyekto at inisyatibo ng alkalde ng Naga City na si Nelson Legacion. Sinabi niya
ng 2025 at nakakuha ang lungsod ng budget na P400 milyon para sa pagpapaunlad ng lugar at konstruksyon ng gusali.
Pagkakaisa para sa Bayan
Mabuti na sinimulan na ng pamahalaan ng Naga na baguhin ang “toxic resilience” mentality na lumalaganap sa ating komunidad. Sa pamamagitan ng pagbibigay pondo sa teknolohiya at research development sa pagtugon sa mga kalamidad na paparating ay nakaisip sila hindi lamang ng reactive measures kundi pati na rin ang mga proactive solutions. Sa isang daig-
Larawan mula sa Institute for Environmental Conservation and Research
Larawan mula sa Naga City Government
BABAE ANG ILALABAN;
Ateneo JHS delegado ng JAM antabayanan sa UAAP
Isinulat ni: Clarisse Mae B. Peñaredondo
Marahil ang kaniyang kadalubhasan sa paglalaro ng basketbol ang dahilan kung bakit sa edad na 15-anyos, si Keith Sophia Bombita ng ika-9 na baitang ng Ateneo Junior High ay dinumog ng alok mula sa Ateneo de Manila University (AdMU) at Sacred Heart School - Ateneo de Cebu (SHS-ADC) para ihasa ang kaniyang galing sa basketbol bilang point guard at isabak sa iba’t ibang laban sa hinaharap.
Bata pa lamang ay kusang nahiligan na ni Keith ang paglalaro ng basketbol bagaman balibol ang hilig na laro ng kaniyang pamilya. Sa larong ito, nagkaroon siya ng mga kaibigan na may parehong hilig at nagbigay sa kaniya ng pagkakataon upang mapagigihan pa ang kaniyang husay sa paglalaro. Naging simula rin ito ng kaniyang pagiging estudyanteng-atleta nang tumungtong siya sa Ateneo Junior High School.
PAGLIPAD NG KABALYERO. Dala ni Keith Sophia Bombita ng AdNU JHS ang bola habang hinahabol ng mga kalaban mula sa Sacred Heart School - Ateneo de Cebu. Kuhang larawan ni Thaddeus Oliver/Ateneo Golden Knights
Kaniya namang iniidolo ang “Baby-faced Assassin” ng Golden State Warriors, Stephen Curry,
at ang “Triple-Double Queen” ng New York Liberty, Sabrina Ionescu, sa kanilang mga tumpak na 3-point shoots at kakayahang magbigay inspirasyon sa mga batang basketbolista, mapalalake o babae man. Bukod sa kaniyang pamilya, sa kanila siya humuhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang paglalaro at abutin ang pangarap na makasali sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa larong basketbol.
Kaya naman labis ang pananabik nila nang nang alokin siya ng assistant coach ng AdMU upang maging iskolar ng pamantasan pagtungtong niya ng kolehiyo sa kondisyong ipagpapatuloy niya ang pagiging estudyanteng-atleta. Hindi naman nagpatalo ang SHS-ADC at nilapitan ang coach ni Keith upang ipahayag ang kanilang balak.
Malaking oportunidad ang bumukas kay Keith at konting takbo nalang ay makakamit niya ang kaniyang pangarap na makapaglaro sa UAAP. Bukod pa riyan, isinasaalang-alang niya rin ang kalidad ng edukasyon sa pamantasang ito at ang
kursong nais niyang kunin. Ilang taon pa para pag-isipan ang alok marahil may kaniya rin itong kapinsalaan, ang mahiwalay siya sa kaniyang pamilya. Gayunpaman, kung ano man ang desisyon na nakasalalay sa kaniya at kaniyang pamilya ay para sa kapakanan niya.
Hindi madali ang pagiging estudyanteng-atleta. Ang pagbabalanse sa gawain sa paaralan at ang halos hapon-hapon na pageensayo ay hindi mapagkakailang nakakapagod at madalas na magdulot ng sakit sa katawan na nagiging hadlang upang maging produktibo pagdating sa ibang gawain. Gayunpaman, kakayanin pa rin at magpupursige upang makamit ang mga pangarap na sa paglalaro ng isports makakamit. “Matutupad mo ang pangarap mo kung sisikapin mo na maabot ito.” ani Keith.
CITY MEET BY THE NUMBERS BASAHIN
z BALITANG PAMPAARALAN
MGA BABAENG ATLETA, NANAIG SA JAM 2024
Isinulat ni: Alaine V. Rodrigo
Mga babaeng atleata ng Ateneo de Naga Senior High School, pinangunahan ang pagkapanalo sa nakalipas na Jesuit Athletic Meet noong ika-19 hanggang 24 ng Setyembre, 2023.
Pinanalo nina Kaira Ramboyong, Kaethy Maizzy Bernales, Maria Angela Saturius at Jann Kaira Morrada ang ikalawang gantimpala sa Chess Girls - Team Event.
Samantalang itinuon nina Divie Grace Monte, Sofia Angela Llorin, Marian Angelie Ebron, Jamaica Shayne, Samantha Chloe Francisco at Rae Frances Joson ang kanilang atensiyon sa premyo nang makamit nila ang ikalawang gantimpala laban sa Ateneo de Zamboanga (AdZU) sa larong Badminton Girls - Team
Ibinaling naman nina Irish Denise Guzman at Lucy Marie Delos Santos ang kanilang tuon sa koordinasyon matapos matalo sa pagkakampeon sa Sacred Heart School - Ateneo de Cebu (SHS-ADC) sa larong Table Tennis Girls - Doubles.
Ngunit nanaig pa rin si Lucy Marie Delos Santos nang maging ikatlo siya sa Singles Category. Pinarangalan din siya ng Enrico
David S. Navarro Sports award. Pinagkakalooban ang premyong ito sa mga magaaral na nagpapakita ng pagkamaginoo at paghihikayat sa kaniyang pangkat na ipakita ang kanilang galing sa loob at labas ng labanan.
Siniguro naman nina Angelika Idioma, Farah Braider at Daniella Faustine Bracia ang pilak matapos ang kampeonato laban sa SHS-ADC.
Nilangoy naman nina Samantha Chloe Advincula, Leanne Marthena Gonzaga, Althea Talagtag at Juliana Sabela Solares ang panalo nang makamit nila ang tanso sa 200m freestyle relay sa Swimming. Nakamit nila ang ikatlong gantimpala laban sa walong paaralan.
Winalis naman ni Aluie Shane Lumañga ang pagkapanalo sa Poomsae Cadet Junior Female at Kyurogi - Cadet Female Novice 2 sa Advance Light Middleweight Division. Samantalang inangkin naman nina Shen Kezia Dela Rosa at Ma. Zamara Tutanes ang tanso sa parehong kategorya.
Nilampason naman ni Gian Carlo Ginanan ang Poomsae - Cadet Junior Male
category kasunod si Gian Carlo Barbosa na nakamit ang pilak sa Poomsae - Junior Male B Category.
Samantala, sa kategoryang Kyurogi naman, taas noong pinanalo ni Daniel Ayala ang pilak sa mga kategoryang Cadet Male Advanced Lightweight and Junior Male Novice 2 Bantamweight. Habang inangkin rin ni Gian Barbosa ang pilak sa mga kategoryang Cadet Male Advanced Middle and Junior Male Welterweight samantalang sinipa naman ni Hans Ayo ang ikalimang pilak dahil sa kategoryang Junior Male Novice 2 Lightweight. Inuwi naman ng kambal na sina Michael at Matthew Peñas ang pilak at tanso sa Junior Senior Male Novice 1 Bantamweight category.
Tunay na inihulma ng Ateneo ang mga estudyante nito hindi lamang sa kanilang galing sa kanilang mga laro, kundi rin sa kanilang pagkamaginoo at pagbigay respeto sa kanilang mga naging kalaban at kaibigan na nakilala noong JAM 2023.
Husay at determinasyon, ipinamalas ng AGC sa NCC Season 17 Finals
18 PAMPALAKASAN
Nakakapanlumong isipin na tila nawawala na ang ‘values before skills’ sa larangan ng pampalakasan.
Kamakailan lamang, humantong sa rambulan ang football game ng Masbate at Naga sa Palarong Bikol. Nagsimula umano ang alitan matapos matambakan ang Naga City sa iskor na, 0-5. Ayun sa facebook live, tapos na ang laro saka sumugod ang nasabing atleta ng Naga at tadyakan ang isang miyembro ng kabilang koponan.
Umani naman ito ng samu’t saring komento sa social media kung ano ba dapat ang maging kaukulang aksiyon upang hindi na maulit pang muli ang nangyari sa pagitan ng dalawang koponan.
Dahil lamang sa malaking agwat ng mga puntos magiging ugat na upang mamisikal? Bilang atleta dapat may kakayahan makitungo at tanggapin kung ano man ang
ISPORTSMANSWEEP
DAVID BARRAMEDA
PATAY NA BA ANG VALUES BEFORE SKILLS?
resulta ng laban dahil sa larangang ito, may natatalo at may nanalo.
Kung matatandaan din noong Bicol Universities and College League (BUCAL) Volleyball NCF vs. AdNU, isang manlalaro ang dinribol at pinashoot sa ring ang bola noong match point na. Ayon sa player, paraan niya lamang daw ito ng pagpapasaya sa mga manonood na hindi naman inukulan ng marami at sinabing ang aksiyong ito ay nakakabastos. Bagaman ang BUCAL ay isang prestihiyosong laro na dapat seryosohin. Kaya’t naging hati noon ang opinyon na dapat daw ay huwag nang palakihin pa at palampasin na lamang kaysa patawan pa ng kaukulang parusa.
Matatandaan din noong 2018 ng maging boxing ring ang basketball court ng magkagulo ang Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa qualifying match para sa 2019 Fiba Basketball World Cup. Mula sa pali-
tang salita ay nagresulta ng palitan ng mga suntok. Napasabi pa noon ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Al Panlilio, na dapat respetohin ang laro at iparamdam na ligtas sila sa arena.
Mula football, volleyball, at pati sa basketball hindi maitatanggi na marami ng kaganapang nagpapakita ng pagkawala ng respeto sa loob ng laro. Na sa bawat galaw ng mga manlalaro ay dala-dala ang pangalan ng koponan at lugar na pinagmulan, patunay na kahit ano pa ang laki ng laro, mapalokal man o internasyonal, paunti-unting lumalaho na parang bula ang sportsmanship sa larangan ng pampalakasan. Kaya dapat na pagpokusan ang values bago paman mapahusay ang skills.
ISPORTS ‘YAN, HINDI ISPORTS LANG
Madalas marinig ng mga manlalaro na wala silang patutunguhan sa paglalaro at kung gagawin man itong kurso o propesyon ay tiyak na wala silang mararating sa buhay.
Pero kung sa paraan na pagpapalawak at pagbibigay pansin sa mga pasilidad na pang isports ay pagbibigay ng mas maraming oportunidad at masusuportahan lalo ang mga manlalaro sa ganitong paraan. Sa mga pasilidad na ito, mas nakakatikim pa ang mga itim na sapatos ng estudyanteng nakasuot ng kumpletong uniporme kaysa sa mga jersey at nike, adidas, o keds pa man ‘yan. Sa mga yapak na ito na patunay na hindi ito nagagamit ayon sa kanilang pakay at nababalewala dahil sa mga paghihigpit at paglilimita. Seguro isports nga lang talaga ito.
Paano nga ba masasabi na hindi ito isports lamang? Kailangan ba ng mga sobrang sikat na manlalaro para masabing hindi ito basta isports lamang at may patutunguhan ang mga manlalarong pilit pinipili ang landas na ito kahit hindi gaanong suportado? Paano nga ba kung sa mga unibersidad pa lamang ay hindi na ito nabibigyan ng pansin katulad na lamang ng mga pasilidad pang-isports na hindi magamit sa tama dahil sa maraming dahilan?
Sa bawat pasilidad na pang-isports na hindi nagagamit ay ang mga natatagong kakayahan na kinakalawang dahil walang lugar kung saan ito maaaring ilabas. Katulad na lamang sa mga gymnasium at covered courts na bawal gamitin kung wala kang naka-iskedyul na klase o walang pahintulot kahit wala namang gumagamit. Sa paraang paglilimita ng mga pasilidad pampalakasan ay parang paglimita na rin sa kakayahan na maaaring umusbong kung pinahihintulutan lamang. Aanhin pa ang mga pasilidad na ito kung hindi magagamit nang tama at ayon sa pangalan nito? Seguro skills nga lang talaga iyon at wala nang iba.
Kung mamamaximize ang mga pasilidad na pang isports, mapopromote ang campus diversity at magkakaroon ng mga lugar ang iba’t ibang isports kung saan masasanay nila ang kanilang mga kakayahan na walang limita at mas lalong hindi lamang malilimita sa basketbol o balibol ang mga isports. Mas lalong dadami ang isports at ma-eensayo nila ang kanilang kakayahan at iba’t ibang skills hanggang sa makakaya nila. Hindi lamang malilimita sa mga varsity ng Unibersidad, kundi pati na rin ang mga naghahangad na maging manlalaro na kailangan lamang ng kaunti pang suporta at lugar kung saan maipapakita ang galing na nakatago sa likod ng kahihiyan at kawalan ng oportunidad na maipakita ito. Hindi na ito basta isports lamang.
Sa paraang ito, ipinapakita at sinusuportahan na ang akademikong isports ay hindi lamang at tinuturing basta isports, kapantay rin nito ang ibang kurso sa kolehiyo at strands sa senior high school. Katulad ng iba, inihahanda rin nito ang mga estudyante para sa sports success at careers nila pagkatapos mag-aral. Hindi na ito matatawag na skills na ‘sayang’ lamang.
Kaya ang mga kakayahan para sa isports ay hindi sayang, walang kuwenta, o kahit ano pa ‘yan dahil isports ‘yan at hindi isports lang.
Dibuho ni Samuel Ivan Nidea
Dibuho ni Samuel Ivan Nidea
Determinasyong umaapaw sa prestihiyosong patimpalak ng National Cheerleading Championship (NCC) season 17 ang nagdala upang umabante ang Ateneo Golden Cavalry (AGC) sa finale nitong ika-26 ng Marso sa The PhilSports Arena, Pasig City. Hindi nagpatinag ang AGC bagamat 60 mahuhusay na cheerleading squads mula sa iba’t ibang institusyon sa buong Pilipinas ang kalahok sa NCC. Dahil sa nangingibabaw ang ipinamalas na galing ng team kung kaya’t nakatungtong sila sa finale ng NCC at nagpakita ng malilinis na mga stunts at skills.
Pagpasok pa lamang ng mga atleta ay kitang-kita na sa kanilang mga mukha ang gutom na maipanalo ito. Kaya’t sa hudyat ng kanilang pag-umpisa, sunod-sunod na toss, at hindi lang isa ngunit dalawang matayog na pyramid ang kanilang ipinamalas. Nagpatuloy ang kanilang masiglang dalawang minutong agaw-pansing stunts kasama ang hiyawan at palakpakan ng kapuwa cheerdancers sa huling parte ng kanilang performance nang sabay-sabay na silang sumayaw na tila isang masayang hatawan ang nagaganap.
Ito man ang kauna-unahang pagkakataon ng kanilang paglaban sa NCC Finals ay hindi maikakaila na matinding laban ang kanilang binigay sa loob ng Arena. Marahil din ang cheerdance squads ng Ateneo de Naga (AdNU) ay sadyang hindi matatawaran ang kanilang intensibong paghahanda sa labang ito sa tulong ng kanilang head coach, Sir Alfon John Pati at moderator, Akeem Arcayera.
Bago pa man ang NCC, hindi maitatanggi na bilang mga estudyanteng atleta ay talagang hati ang oras sa pag-aaral at pag-eensayo. Pahayag nga ni Laurence Vergara, team captain ng AGC, bagamat galing sila sa iba’t ibang college program ay kailangan nilang i-maximize ang oras pagkatapos ng klase dahil iyon na lang ang oras na bakante ang isa’t isa. Kaya isa rin ito sa naging hadlang upang mas lalong makapaghanda sa NCC finals.
Ani pa niya, “ang nadaramang pressure mula sa Ateneo community ay isa pang factor upang mas pag-igihan ang kanilang performances.”
Bagkos, alam nila na dala-dala ang pangalan ng buong AdNU sa larangang ito kaya kailangan ipakita kung ano ang mayroon sila—ang husay at galing.
Gayon pa man, may tiwala ang AGC na kakayanin nila ang laban matapos ang mga nasalihang lokal na kompetisyon kabilang na noong nakaraang ika-75 Naga City Charter Anniversary: Cheerdance Competition na nasungkit nila ang kampeonato at ang Best in Costume kaya naman hindi sila napanghinaan ng loob.
Sa kabilang dako, sa taos pusong suporta ng kanilang natanggap, hindi nakalimutan ng Golden Cavalry na magbigay pasasalamat sa kanilang Facebook post para sa Ateneo Blue Babble Battalion at Ateneo de Manila University sa pagpapagamit sa kanila ng pasilidad upang mag-ensayo bago pa man ang nasabing kompetisyon. Gayun din ang pagbanggit sa alumni, pamilya ng mga atleta, at mga Atenista na kahit wala sa mismong Arena ay dama raw nila ang umaapaw na suporta ng mga ito.
Para sa AGC, isang bagay lamang ito noon na dating pinapangarap ng mga alumni na Atenista hanggang sa lumahok at nakamit ang tagumpay dahil sa determinasyon, sakripisyo at galing.
19 PAMPALAKASAN
Pagbabalik ng ABC Season 17
ni Clarisse Mae B. Peñaredondo
Muling nagbabalik ang Ateneo Basketball Camp (ABC) sa ika-17th Yugto nito ngayong Hunyo 3 - Hulyo 6, 2024 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9-11 ng umaga na gaganapin sa Covered Courts ng Ateneo de Naga University Main Campus na pinangungunahan ni Coach Nuki Sabio. Ito ay bukas para sa mga 4-18 taong gulang na nais na matuto at paghusayan ang kanilang kadalubhasaan sa larangan ng basketbol. Kinakahalaga itong P4000 bilang registration fee at nahahati ang mga kalahok sa 5 katergorya: Beginners, Intermediate, Intermediate Advance 1, Intermediate Advance 2, Advance, Intermediate, at Advance.
Nabuo ang ABC taong 2007 nang simulan ng dating Athletics Director ng Ateneo, Coach Noli Ayo, kasama ang Athletics Director ngayon, Coach Joseph Eric “Jec” Claro, bilang fundraising event para sa isang coach na nangailangan ng tulong medikal para sa kaniyang pamilya. Kinalaunan, naging taon-taon na ang pagbubukas ng ABC para na rin magkaroon ng karagdagang pondo ang mga estudyanteng atleta ng Pamantasan.
Binubuo ng mahigit na 10 coaches kasama ang varsity ng Ateneo Golden Knights (AGK) ang magtutulong-tulong sa nasabing aktibidad. Magsisilbi rin itong
pagsasanay sa kanila ng disiplina at leadership skills na maari nila magamit sa susunod nilang laro at lalo na sa hinaharap ano man ang landas na kanilang piliin.
Pangunahing layunin naman nito ang makatulong sa kabataang may hilig at nais matuto ng basketbol. Bukas hindi lamang para sa mga Atenista, kundi sa lahat mapapribado o publikong paaralan man, basta determinadong matuto at mapaghusay ang kanilang galing sa paglalaro. Bukod pa riyan, layunin ng camp na imulat ang mga manlalaro sa iba’t ibang skills at higit sa lahat ang disiplina na mahalagang matutuhan ng bawat atleta.
“Bukod sa fundamentals, siyempre tinuturo namin [yan] pero pagtuturo sa pag-correct sa bata ng right attitude and the right values na magagamit mo yung basketball para madevelop ang tamang pag-uugali. Yun yung mga hindi binabayaran pero tinuturo pa rin namin dito.” Pahayag ni Coach Nuki.
Work hard. Be a team player. Have the right attitude. Iyan ang mantra ng AGK na pinakasentro ng kaugaliang hinahasa ng ating mga atleta sa Ateneo. Dito rin nakatutok ang ABC ngayong season at sa mga susunod pang taon.
z LATHALAING
ISPORTS
Paghimay sa Larang ng F1 Racing
ni David Barrameda
Lumalawak ang popularidad ng Formula 1 o mas kilala sa F1 racing sa Pinas matapos ifeature sa mga balita ang pagkahilig ng ilang persona kabilang ang mga artista tulad ni Belle Mariano at kahit ang ating Presidente. Subalit hindi ito tanyag na isports sa atin at ngayon ay bukambibig ito sa iba’t ibang platform upang ipaliwanag ito at kung ano ang nagpapahumaling sa mga die-hard fans nito.
Nakuha ang pangalan ng laro na Formula mula sa guidelines ng laro at 1 naman na nangangahulugang nangungunang racing competition sa buong mundo. Marahil ang Formula 1 ay isang prestehiyosong karera sa buong mundo na nagsimula pa noong 1950 na binubuo ng 20 driver na may tig-iisang pangkarera o sampong maglalaban na team na mayroong tagdadalawang manlalaro.
Bilang simula, ang F1 race ay isang team sports na binuo ng engineering team, na siyang nagdidisenyo at gumagawa ng kotse na gagamitin dahil ang F1 team ay pwedeng gumawa ng sariling disenyo pero kailangan pa ring sumunod sa guidelines. Pit crew naman ang tawag sa mga nagpapalit ng gulong sa loob lamang ng dalawang
segundo at madalas ito ay binubuo ng 22 crews. At ang driver na makapigil hiningang nilalabanan ang 370mph na bilis ng sasakyan at hangin upang hindi tumilapon sa ere sa loob ng track—ito ay hindi lang labanan ng driver kundi pati ng mga tao sa likod nito.
Bago paman makapasok sa finals at makamit ang tropeyo, sa loob naman ng event o grand prix, ito ay nahahati sa tatlong araw, ang practice, qualifying, na nahahati rin sa tatlo, at ang pinakamalaking araw, ang race day. Sa unang araw ng praktis dito sinusubukan ng iba’t ibang team kung gumagana ba ng maayos ang kotse at para matansya ang track na gagamitin kinabukasan.
Ang qualifying day naman ay may tatlong laban, ang lima sa 20 manlalaaro na mahuhuli sa 18 minuto Q1 phase ay matatanggal at pipili sa ika-16 hanggang 20 pwesto sa mismong araw ng laro. Sa Q2 ay dito ulit tinatanggal ang lima pang mahuhuli sa 15 minutos na karera, at sa Q3 kung saan sa 12 minutong habang karera, ang
standing ng sampong mauuna ay siya rin ang pole position nito sa grand prix—ang mananalo sa qualifying ay nasaunahan magsisimula.
Sa araw ng mismong laro, dito ay hindi mahulogang kayarum sa dami ng tao na mahigit kumulang 200,000. Dito malalaman kung sino ang makakauwi ng kampeonato.
Masusungkit naman ang titulo ng driver’s championship ng indibiduwal na racer kung sya ang pinakaunang matatapos sa karera. Sa kabilang dako, constructors’ championship naman ang titulo kung mananalo ang team ng dalawang racer base sa pinagsamang puntos na makukuha nito sa standing.
Ngayong 2024, ang kasalukuyang standing ay pinangugunahan ng Red bull racers, Max Verstappen na may tatlong panalo at 4 poles na may puntos na 77, at Sergio Perez na may 64 points.
Pangatlo at pang-apat naman ang Ferrari drivers na sina Charles Leclerc, 59 puntos at Carlos Sainz Jr na may isang panalo at 55 puntos. Sumunod naman ang McLaren Mercedes, Lando Norris at Oscar Piastri na may 37 at 32. Samantala, zero naman ang kasalukuyang puntos nina Alexander Albon at Logan Sargeant ng Williams, Guanyu Zhou at Valtteri Bottas ng Sauber, Esteban Ocon at Pierre Gasly ng Alpine F1 Team, at si Daniel Ricciardo ng RB Formula One Team.
Gayun pa man, sa industriyang ito, ang team costs kahit maraming ispekulasyon sa mga kompanyang ayaw maglabas ng pahayag, ang iba ay nagrelease ng financial update at noong 2020, 95-425 milyong dolyar o 5.5-24.5 bilyong piso. Subalit nilimitahan ito sa USD135 million pero
hindi pa kasali ang sahod ng mga driver.
Ayon din sa report, ang nakukuhang profit ng isang team ay halos wala. Halimbawa ng red bull noong 2020, ang nalikum nila ay USD230 million pero ang naggastos nila ay higit kumulang USD 229 million—ang nakuha lamang nila ay USD 1.5 million—hindi kalakihan. Ngunit ayon sa annual report ng Ferrari, sa F1 race nakasalalay ang tagumpay ng kanilang brand. Marketing strategy lamang ito at paraan upang magamit ang mga natuklasan sa paggawa ng race car at magamit sa mga ordinaryong sasakyan.
ni David Barrameda
Larawan mula sa Carscoops (2019)
TORE NG DETERMINASYON. Mga cheerleader mula sa Ateneo Golden Cavaliers ay bumuo ng tore bilang parte ng kanilang sayaw sa National Cheerleading Competition. Kuhang larawan ni Thaddeus Oliver/Ateneo Golden Knights
Sayaw ng Halimaw
Dibuhista: JACKY G. RATIO
Lantad na kasakiman, punto ng korupsiyon, at palihim na manipulasyon; matagal ng buhay at tanyag sa pahayagan ang talinghaga ng mga “buwaya” ngunit hanggang ngayon sila pa rin ang nanggigipit sa kalayaan ng bansa. 333 taon sa Espanyol, 48 sa Amerikano, 3 sa Hapon, 14 taong Martial Law, at ngayon, ang buwaya sa pamahalaang pilit na iginagapos ang sarili sa bandera, makaupo lamang sa trono.