Linang Pebrero 2025

Page 1


Itakwil ang mga kontra sa Tunay na Reporma sa Lupa na trapo at dinastiya sa halalang 2025

Editoryal

Tinanggap ng Koalisyong

Makabayan ang hamon ng kasaysayan na sumagupa sa

Halalang 2025 at dalhin sa pambansang entablado ang pambansa demokratikong plataporma nito para sa mamamayan. Buo ang suportang ibinibigay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at mga

Nilalaman

Kolumn: Magsasaka Sa Senado

P25

balangay nito sa labing-isang (11) progresibong kandidato sa pagka-senador ng Makabayan lalo na kina Danilo “Ka Daning” Ramos ng KMP at Ronnel Arambulo ng PAMALAKAYA. Ang pagtakbo ng ating kilusan ay paghamon sa mga umiiral na dinastiya. Suportado rin ng mga magsasaka

ang mga tunay na progresibong partylist na subok na ang rekord sa paglilingkod sa masa, tulad ng Gabriela, Bayan Muna, ACT Teachers at Kabataan.

Inilahad ni Bongbong Marcos Jr. kamakailan ang mga kandidato ng administrasyon sa ilalim ng

binuo niyang Alyansa ng Bagong Pilipino o ABP. Pawang galing sa parehong mga pamilya at dinastiya, mga dati nang pulitikong nakapwesto sa kapangyarihan. Walang makukuhang suporta at boto mula sa mga magsasaka ang ticket ni Marcos Jr. Dapat lamang na ilantad at itakwil ang mga kandidatong ito na protektor ng interes ng mga panginoong maylupa at mga malalaking lokal at dayuhang negosyo, at mismong kontra sa pagpapatupad ng Tunay na Reporma sa Lupa sa bansa.

Hindi natin papayagan na makapanatili sa pwesto ang gaya ng dinastiyang Duterte, Villar at Arroyo na pasimuno ng kontra-magsasaka at kontra-mamamayang Rice Liberalization Law, pagpapabilis ng kumbersyon ng

lupa, eksempsyon ng government lands sa repormang agraryo, World Bank SPLIT at iba pa. Hindi natin hahayaang maluklok ang mga trapo at galing sa dinastiya. Malinaw nating nakikita na kung saan naroon ang mga dinastiya, doon din pinaka-aba ang kalagayan, pinaka gutom at masa at pinakamasahol ang mga pyudal at malapyudal na pagsasamantala.

Dadalhin ng militanteng kilusang magsasaka ang adyendang elektoral ng magbubukid na naglalaman ng mga pambansa-demokratikong kahingian at lehitimong mga panawagan — ipatupad ang Tunay na Reporma sa Lupa at Pangisdaan, at Pambansang Industriyalisasyon, Libreng Pamamahagi ng Lupa at pagbibigay ng hustisyang

panlipunan sa mga magsasaka, pagbabasura sa mga neoliberal na patakaran sa agrikultura at ekonomya, gayundin ang pagkilala sa mga karapatan, pagtigil sa militarisasyon sa kanayunan at pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.

Higit pa sa pampulitikang ehersisyo ng eleksyon, mas mahalagang tungkulin ng kilusang magsasaka ngayon ang palakasin ang sariling hanay at abutin ang pinakaraming magbubukid at mamamayan sa kanayunan upang pukawin, organisahin at pakilusin tungo sa militanteng pakikibaka at sama-samang pagkilos para sa Pambansang Demokrasya — ang tunay na solusyon sa kronikong krisis sa ekonomiya at lipunan.

Pagkilos sa harap ng Department of Agriculture, kasama ang Makabayan senatoriables na sina Danilo “Ka Daning“ Ramos at Ronnel Arambulo, pati ang ikalawang nominado ng Gabriela Partylist na si Cathy Estavillio� Pebrero 14, 2025�

Magsasaka Sa Senado, Taumbayan Ang Panalo!

Danilo “Ka Daning” Ramos

KMP

Kapwa magbubukid at mga kababayan, ngayon na tamang panahon na magkaroon ng kinatawan ang magsasaka, producer/prodyuser ng pagkain sa Senado. Para sa kagyat na ginhawa ng masa, kagalingan ng taumbayan at kabutihan ng bayan. Karapat-dapat at may kakayahan si ang inyong lingkod, Danilo “Ka Daning” Ramos, at ang sampu pang kandidato ng Koalisyong Makabayan sa pagka-senador sa eleksyon 2025.

Karanasan At Pag-Unawa Sa Lipunan

Bilang magsasaka-manggagawang bukid, naging construction worker, trycicle driver at church worker. Naging lider-opisyal ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan (AMB), Alyansa ng Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL) at kasalukuyang Tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Kagawad ng National Executive Committee (NEC) ng BAYAN at naging Secretary General ng Asian Peasant Coalition (APC). Mahigit apat na taon nagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pag-unlad ng kanayunan at ekonomiya ng bansa. Kakatawanin ang milyon-milyon magsasaka at manggagawang agrikultural at food producers sa Senado.

Bilang opisyal ng organisasyon, isinusulong ang kagalingan ng masa-taumbayan. Tumitindig at kumikilos para sa inaapi at pinagsasamantalahan. Hindi ginamit ang posisyon para sa pansariling kapakanan. Subok na matatag at firm sa paglilingkod sa ating kababayan.

May mahabang trak-rekord sa paglilingkod sa sambayanan ang lahat ng kandidato ng koalisyong makabayan. Isinusulong ang mabuting pamamahala sa pag-gogobyerno. May malinaw na plataporma. Kung kaya, taumbayan ang panalo sa tagumpay natin sa Senado.

Isyu at Plataporma

1. Libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka at manggagawang agrikultural;

2. Pagpapababa sa presyo ng bigas sa 25 pesos kada kilo. Isinusulong ang pagpapalakas sa lokal na produksyon ng pagkain at ‘di iaasa sa importasyon;

3. Signipikanteng government production subsidy sa magsasaka (PhP 30-50k)

4. Kompensasyon para sa mga biktima ng bagyo/kalamidad na nawasak ang pananim, bahay at iba pang ari-arian;

5. Kagyat na pagtigil sa mapanira

at mapaminsalang pagmimina, pagtotroso at quarrying sa bansa;

Mga kababayan, mahalaga po at kinakailangan ang inyong malakas at malawak na suporta at pakikiisa. Makipagtulungan, suportahan, at ipanalo ang mga lokal na kandidato sa antas probinsya, lungsod, at bayan na progresibo at nakikipagkaisa sa isyung isinusulong ng Makabayan. Magbuo ng makinarya sa kampanya, team, o task force, maraming boluntir na may klarong tasking. Gamitin ang lokal na rekurso, tulad ng mga sakong nakalagay ang pangalan at numero ng kandidato at isabit sa harap ng bahay at estratehikong lugar. Gamitin ang iba’t ibang paraan para ipalaganap ang ating plataporma. Maging daan ang kampanyang elektoral sa pagkapanalo ng 11 kandidato ng Koalisyong Makabayan at Gabriela Women’s Party pati ang ibang progresibong party-list sa kongreso. Muling pagbubuo, pagpapalakas at pagpapalawak ng kilusang magbubukid sa iba’t ibang antas.

Magsasaka, itanim sa Senado! Panahon Na! Taumbayan Naman Sa Senado!

P25 na Kilo ng

Bigas, Posible Nga Ba?

Rafael “Ka Paeng” Mariano, Chairperson Emeritus, KMP

Sa huling bahagi ng Disyembre 2024 hanggang ngayong Pebrero, sunodsunod ang mga pag-anunsyo ng Department of Agriculture ng mga pekeng solusyon sa krisis sa bigas, kabilang ang pagbebenta ng 100% broken rice, ang pagtatanggal ng brand labels at premium classifications, pati ang pagkakaroon ng Maximum SRP sa mga imported na bigas. Kung ano-anong hakbangin ang pinapaganap ng rehimeng

Marcos Jr. subalit bigo pa rin ito sa paglutas ng malawakang krisis sa pagkain at patuloy na kagutuman ng masa.

Umiiral na ang mga batas na maaaring pagkuhaan ng pondo para sa pagpapababa ng presyo; wala nang panibagong panukla ang kailangan pang maipasa. Sa Section 2 ng Republic Act No. 12078 o ang in-amyendahang Agricultural Tariffication Act, makakakuha ng pinagsamang PhP7B mula sa buffer fund at excesses sa annual tariff collection. Sa Section 5, maaring kumuha pa ng karagdagang PhP8B mula sa PhP15B na alokasyon para sa Other Priority Programs. Sa Republic Act No. 11203 o Rice Liberalization Law, may PhP10B pang pwedeng makuha mula sa Palay Procurement Fund. Sa pinagsamang PhP25B, makakabili ito ng isa (1) milyong metrikong

tonelada ng palay sa abereyds na Php25 na kilo ng palay. Nasa 650,000 metric tons ng bigas ang mapo-prodyus mula dito sa 65% na milling recovery rate, na aabot sa 13 milyong sako ng bigas o 650 milyong kilo ng bigas. Kapag ibinenta ito sa inaasam nating halagang P25 kada kilo (malilikom na P16.25B), may mawawala lamang na P8.75B mula sa puhunan na ngayong magsisilbing rice price subsidy ng gobyerno para sa mga konsyumer. Sa ganitong pagkalkula, hindi mananatiling aspirasyon lamang ang PhP25/kilo ng bigas basta mayroong decisive action mula sa gobyerno.

Hindi sa pag-asa sa pag-aangkat at mga neoliberal na polisiya ang solusyon, at kayang-kaya talaga ng gobyerno na pababain ang presyo ng bigas basta’t buhusan lamang nito ang mga magsasaka at mamamayan ng suporta at subsidyo. Kahit bahain ni Marcos Jr. ang merkado ng imported na bigas, hinding-hindi talaga niya mapapapababa ang presyo ng bigas na nangyayari na sa ngayon.

Kung sisipatin, wala ring substansyal at konkretong solusyon ang mga naganap na pagdinig ng Quinta Committee ng House of Representatives na naghahanap lamang ng masisisi sa krisis sa pagkain. Babalik at babalik tayo sa pundamental na panawagang palakasin ang lokal na produksyon ng palay at bigas, pagpapababa ng cost of production, pagbibigay ng sapat na farm gate price sa mga magsasaka, at tunay na reporma sa lupa para kamtin ang tunay na solusyon sa pagsirit ng presyo ng bigas at pagkain.

Agarang pagpatalsik kay VP Sara Duterte, pinanawagan

Sa isang makasaysayang pangyayari sa pulitika ng Pilipinas, na-impeach ng Mababang Kapulungan si Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Dulot ito ng iba’t ibang akusasyon, pangunahin na ang malawakang katiwalian. Kauna-unahang beses na may na-impeach na bise-presidente. Pinanawagan ng mamamayan ang agarang pagpapapatalsik kay Duterte. Kabilang dito ang 75 representante ng taumbayan, mga kumakandidatong senador at kongresista sa ilalim ng Koalisyong Makabayan, na nagsumite ng impeachment complaint sa batayang “Betrayal of Public Trust” o pagtataksil sa tiwala ng publikol.

Ayon sa Commission of Audit (COA), umabot sa halagang

P612.5 milyong piso ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng Office of the Vice President at Department of Education ang nilustay mula Disyembre 2022 hanggang Setyembre 2023. Ipinag-utos niya rin ang paggawa ng mga pekeng accomplishment report, dokumento, at resibong nakapangalan sa mga pekeng personalidad para pagtakpan at itago ang kanyang pagwawaldas ng pera ng taumbayan.

Noong Pebrero 5, 2025, pinagtibay ng 215 sa 306 na mambabatas ang impeachment, lampas sa kinakailangang mayorya.

Nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi agad magsisimula ang paglilitis sa Senado habang naka-break

ang Kongreso. Kinakailangan daw na nasa sesyon ang Senado upang opisyal na magtipon bilang impeachment court. Dahil dito, inaasahang magsisimula ang paglilitis sa Hunyo 2, 2025, kung kailan babalik sa sesyon ang Kongreso. Pinayuhan din ni Escudero ang mga senador na umiwas sa mga pahayag na maaaring magpakita ng bias bago magsimula ang paglilitis.

May malaking epekto ang impeachment sa darating na midterm elections sa Mayo 2025, kung saan boboto ang mamamayan para sa 12 bagong senador. Mahalaga ito dahil kailangan ng dalawang-katlong mayorya (16 sa 24 na senador) upang mapatalsik si Duterte sa puwesto. Ang eleksyon ay makakaapekto sa direksyon ng paglilitis at sa hinaharap ng pulitika ng bansa, lalo na’t lumalala ang hidwaan sa pagitan ng dalawang dambuhalang pulitikal na angkang Marcos at Duterte, na dating magkaalyado ngunit ngayo’y nagbabanggaan na.

Patuloy itinatambol ng taumbayan ang agarang pagtitipon ng impeachment court. Noong ika Enero 31, naglunsad ng pagkilos sa Liwasang Bonifacio ang mga magsasaka at mamamayan para palakasin ang panawagan sa pagpapatalsik kay VP Duterte, at para sa pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Protesta sa harap ng House of Representatives, Pebrero 5, 2025

Kompensasyon para sa magbubukid: Panawagan para sa hustisya sa gitna ng sakuna at krisis sa klima

Makatwiran at dapat na ipaglaban ng mga magsasaka at mangingisda ang karampatang kompensasyon sa mga pananim at kabuhayang nawasak dahil sa sunud-sunod mga kalamidad�

Kabilang ang mga magbubukid sa pinakabulnerableng tinatamaan ng mga sakuna at krisis sa klima. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, mga magbubukid ang may pinakamataas na antas ng kahirapan sa bansa, na umaabot sa 30 porsyento o higit pa sa katotohanan. Pinapatindi pa ito ng kawalan ng sariling lupa, pagsasamantalang pyudal at malapyuda at kakulangan ng suporta mula sa gobyerno. Sa bawat pananalasa ng bagyo o tagtuyot, halos nawawalan sila ng kabuhayan habang nananatiling mahina ang kanilang kakayahang muling makabangon.

Hindi kalikasan lamang ang dahilan ng sakuna. Malaking bahagi nito ay nagmumula sa pagkaganid at kapabayaan ng malalaking negosyo, dayuhang korporasyon, at mismong mga gobyerno. Bagamat nag-aambag lang ang

Pilipinas ng 0.4% sa kabuuang carbon emissions sa mundo, ang mga pinakamayayamang bansa gaya ng Estados Unidos (24.1%) at European Union (17.7%) ang pangunahing nagdudulot ng pandaigdigang krisis sa klima.

Sa lokal na konteksto, lalong nawawasak ang kalikasan at agrikultura sa ilalim ng mga mapanirang proyekto ng nakaraan at kasalukuyang mga rehimen. Sa panahon ni Marcos Sr., higit sa dalawang milyong ektaryang kagubatan ang nasira dahil sa timber licensing agreements. Nagdulot naman ang Masagana 99 ng pagkasaid ng sustansya ng lupa at pagkawala ng local varieties ng palay. Nagpatuloy ang mga ganitong polisiya na nagpapabigat sa krisis na kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

May sapat na pondo at rekurso ang gobyerno upang tugunan ang

mga pinsala ng sakuna. Sa taong 2024, may P88.26 bilyong pondo para sa disaster risk reduction at climate adaptation. Kasama rito ang P31 bilyong National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Fund, P20 bilyong sobrang koleksyon mula sa taripa sa bigas, at P211 bilyong pondo para sa agrikultura. Ngunit, hindi ito lubos na napapakinabangan ng mga magsasaka. Noong 2022, 52% lamang ng NDRRM budget ang nailabas. Nauuwi ang pondo sa korapsyon at pamumulitika, imbes na direktang suportahan ang mga nangangailangan.

Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ng agarang kompensasyon para sa mga biktima ng sakuna. Naniniwala ang KMP na hindi lamang ito usapin ng ayuda, kundi ng pananagutan para sa dekada-dekadang pagpapabaya sa mga magsasaka. Nararapat ang kompensasyon

Pagkilos ng mga magsasaka’t mangingisda sa harap ng DENR noong Oktubre 29, 2024�

bilang pagkilala sa kanilang karapatan sa lupa, kabuhayan, at kalikasan at sa pananagutan ng mga negosyo at gobyerno.

Hindi magtatapos ang laban sa paniningil ng kompensasyon. Ipinaglalaban din ng mga magsasaka at mamamayan ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Mahalaga rin ang pagtutol sa mga mapanirang proyekto at programa ng gobyerno at negosyo na nagdudulot ng

pagkawasak ng kapaligiran at pagkakait ng lupa sa mga magsasaka.

Ang gobyerno ng Pilipinas na pumirma sa mga pandaigdigang kasunduan tulad ng Paris Agreement at Sendai Framework for Disaster Risk Reduction, ay may malinaw na obligasyong tugunan ang krisis sa klima. Dapat nitong tiyakin na ang bawat sentimo ng pondo para sa sakuna at agrikultura ay mapupunta sa tunay na layunin: ang pagpapabuti ng

Tumitinding HRVs

sa

buhay ng mga magsasaka at ng sambayanan.

Ang panawagan ng KMP ay hindi lamang usapin ng relief. Pagkilala rin ito sa malalim na ugat ng problema—ang sistematikong pangaabuso sa kalikasan at kapabayaan sa sektor ng agrikultura. Ang hustisya para sa magbubukid ay hustisya para sa sambayanan. Ang pakikibaka para sa lupa, klima, at kabuhayan ay pakikibaka para sa hustisyang panlipunan.

mga

magsasaka sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr.,

kinundena

Nasaksihan ng taumbayan ang pagdami ng mga paglabag sa karapatang pantao (human rights violations o HRVs) sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr� sa taong 2024� Umabot na sa 72 magbubukid ang naitalang biktima ng pampolitikang pamamaslang noong 2024� Pito sa labinlimang kaso ng sapilitang pagkawala ay magsasaka, at mayorya rin sa 755 bilanggong pulitikal ang magsasaka�

Pinatunayan lamang ni Ferdinand Marcos Jr. na di siya kaiba sa kanyang amang papet ng imperyalistang Estados Unidos at dambuhalang pasista sa mga mamamayan. ‘Di rin makapagmalinis si Marcos Jr. sa madugong bahid ng rehimeng Duterte sa kasaysayan ng bansa sa pagpatuloy ng mga anti-mamamayang patakarang Executive Order (EO) 70 at Anti-Terrorism Act na patuloy na inilalagay sa panganib at pinapapatay ang mga magbubukid, aktibista, progresibong indibidwal, at mamamayan sa buong bansa.

Matapos ang tagumpay na makasaysayang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre noong Nobyembre 18, 2024, anim na hinihinalang elemento ng militar kasama

ang taksil na si Florida “Pong” Sibayan, ay “bumisita” sa bahay ni JV Bautista, kasapi ng Samahan ng mga Kabataang Demokratiko ng Asyenda Luisita (SAKDAL). Isa lamang ito sa serye ng pananakot at pasistang atake sa mga

nakikibakang mamamayan ng Hacienda Luisita sa nakaraang taon. Noong Oktubre 18, 2024 sinalakay ng mga hinihinalang elemento ng 3rd Mechanized Infantry Battalion ang tahanan

Ipapagpatuloy sa pahina 12

Balita Iligal na pagbabakod ng tauhan ng Ayala-Aguinaldo sa Lupang Tartaria, Abril 20, 2024

PAGBABALIK-TANAW

Enero

Binuksan ng magsasakang ang taong 2024 sa kampanyang

“Land Reform is Peace,” na nagbibigay-diin sa tunay na reporma sa lupa at sa pagbubuo ng kasunduan sa CASER bilang tunay na alternatibo sa bangkaroteng kaayusang pang-ekonomiko at para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Kasabay nito ang pagpapatambol ng panawagang muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), na nagkaroon ng positibong mga pag-unlad sa pagtatapos ng 2023 sa paglagda sa Oslo Joint Communique.

Nakaranas ng serye ng paniniktik at harassment sa pambansang tagapangulo ng KMP na si Danilo “Ka Daning” Ramos. Minanmanan siya ng mga hinihinalang mga ahente ng estado.

Pebrero

Sinalubong ng protesta ng mga magbubukid sa pangunguna ng KMP, Amihan, at Bantay Bigas ang ikalimang taon ng RA 11203 o ang Rice Liberalization Law (RLL) sa Mendiola. Ang neoliberal na patakarang RLL ay patuloy na nagpabaha ng imported na bigas sa merkado at nagdulot ng malawak na pagkalugmok ng mga magsasaka ng palay. Naitala sa buwan ng Pebrero ang pinakamataas na rice inflation na 22.6% na pinakamataas mula pa noong 2009.

Lumahok ang mga magbubukid sa protestang Balik-EDSA sa ika-38 na anibersaryo ng People Power 1. Dito higit na pinatampok ang pagtanggi ng mamamayan sa nilulutong ChaCha ni Marcos Jr. Nakitang pagpapalala ng sigalot sa lupa ang ChaCha sa pagpahintulot nito sa 100% dayuhang pagmamay-ari sa lupa.

Marso

Tumindi ang epekto ng El Nino sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa, kung saan isinailalim ang ilang bayan sa Occidental Mindoro, Cebu City sa State of Calamity. Nagtamo din ng malawakang pinsala ang lupain sa Western Visayas, Negros, at Calabarzon. Sa buwan ng Marso, tinatayang na sa halos P2 Bilyon na ang pinsala ng El Nino sa agrikultura ng bansa.

Ginunita ng mga magbubukid sa iba’t-ibang panig daigdig ang Day of the Landless sa ika-29 ng Marso bilang pagpaigting ng pakikibaka laban sa imperyalismo, pagtataguyod ng tunay na reporma sa lupa, tunay na pag-unlad sa kanayunan, likaskayang pagsasaka, at tunay na pangmatagalang kapayapaan.

PAGBABALIK-TANAW SA 2024

Abril

Naglunsad ng pagkilos ang mga magbubukid sa pangunguna ng KMP, Amihan, at PAMALAKAYA sa harap ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) para sa agarang ayuda at kumpensasyon sa mga nasalanta ng El Nino.

Napagtagumpayan naman ng mga magbubukid sa pangunguna ng Masipag ang paghatol ng Cease and Desist order ng Court of Appeals sa pagtatanim, paggamit, at pagbebenta ng mga Genetically Modified Organisms (GMO) katulad ng Golden Rice at BT Talong.

Mayo

Matapos ang mahigit 30 taon, na-install na ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng MAKISAMA-Tinang sa 62.4-ektaryang lupa. Matatandaan ang marahas na pagdakip at iligal na pagdetina sa mga ARBs at mga

tagasuporta nito noong 2022 sa kumpas ng Mayor ng Concepcion at panginoong maylupa na si Noel Villanueva.Nagdaos ng isang media forum ang KMP at Tanggol magsasaka bilang push back sa serye ng panunupil ng estado sa mga magsasaka.

Nagdaos ng isang media forum ang KMP at Tanggol Magsasaka bilang push back sa serye ng panunupil ng estado sa mga magsasaka. Kasama sa mga nagbigay ng testimonya ang mga lider-magsasaka ng Danggayan Cagayan Valley, FARMER Inc., Kilusang Magbubukid ng Bicol, at KMP Sorsogon, at dinaluhan ng lagpas 100 indibidwal mula sa mga organisasyon ng mga magsasaka, Taong Simbahan, akademya, peasant advocates, at human rights defenders.

Isa ring tagumpay sa hanay ng mga nakikibakang mamamayan ang pagkilala ng Korte Suprema

sa red-tagging bilang pinsala at banta sa buhay, kalayaan, at seguridad.

Hunyo

Binigyan ng “bagsak na marka” ng mga magsasaka si Marcos Jr. noong ika-36 na anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa pagpapalala nito sa krisis sa lupa at pagkain dulot ng pagpapatuloy nito ng bogus na programa sa reporma sa lupa.

Niransak at tinaniman ng armas at pampasabog ng mga sundalo ng 80th Infantry Battalion ang tirahan ni KMP Secretary General Ronnie Manalo sa Barangay San Roque, San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan noong ika-18 ng Hunyo. Sa mga sumunod na linggo at buwan, naranasan ng mga residente at magsasaka ang serye ng mga pananakot, red-tagging, at sapilitang pagpapasuko. Kinampuhan ng mga militar ang komunidad ng mga magsasaka.

Hulyo

Pinangunahan ng KMP, kasama ang iba’t ibang organisasyon ng mga magsasaka at mga sektor ang mobilisasyon malapit sa Mendiola upang kundenahin ang lumalalang krisis sa ekonomiya at pampulitikang panunupil sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr noong unang araw ng Hulyo. Sinimbulo ang huwad na pangakong P20 na bigas ni Marcos Jr sa “KaBUDOL Rice Cart”.

Muling napatunayan ang kapabayaan ng gobyerno sa mga mamamayan sa pagragasa ng Bagyong Carina (Gaemi) sa Luzon, pangunahin sa NCR, Bulacan, Cavite, Rizal, Batangas at sa ilang parte ng Cagayan at Bicol. Nagdulot rin ito ng malubhang pagbaha sa mga siyudad ng Metro Manila kahit may PhP1.079 billion na badyet sa flood management ang DPWH noong 2023.

Agosto

“Isang malaking kalokohan” na itinuring ng mga mamamayan ang kaululan ng NEDA na hindi “food poor” ang sinumang kayang gumastos ng P21 per meal. Hina-

mon ng mga magsasaka ang mga opisyal ng NEDA na sila mismo ang mamuhay sa ganoong halaga. Nagbukang-liwayway ang dulo ng Agosto sa pag-anunsyo ng tagapangulo ng KMP na si Danilo “Ka Daning” Ramos at pangalawang pangulo ng PAMALAKAYA na si Ronnel “Isdabest” Arambulo ng pagtakbo sa pagkasenador sa darating na Halalang 2025.

Setyembre

Lubog sa baha ang mga palayan sa Polangui at Libon na rice granary ng Albay na hatid ng Bagyong Enteng (Yagi). Umabot sa P2.2 bilyon ang pinsala sa agrikultura.

Tinangkang pasukin ng di kumulang sa 100 na pulis at militar sa ilalim ng Task Force Ugnay ng 202nd Infantry Battalion ang Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite. Napabulalas ang LGU na ito ay sangayon lamang sa operasyong kontra-insurhensya at sarbeylans ng kasundaluhan at hindi “fire prevention” inspection.

Sa dakong Bulacan, ginunita ang ika-30 anibersasyo ng Sandigan ng Samahang Magsasaka (SASAMAG) ng SJDM. Nakipagday-

alogo naman ang mga magsasaka ng Malolos, Plaridel, at Calumpit sa NIA para sa panawagang agarang rehabilitasyon ng irigasyon sa harap ng matinding epekto ng El Niño.

Oktubre

Pinasinayaan ng KMP ang Buwan ng Magbubukid sa paglunsad ng kampanya laban sa mga pulitikal na dinastiya na sila ring mga monopolyo sa lupa. Kasunod nito ang pagsumite ng Certificate of Candidacy ni Danilo Ramos at Ronnel Arambulo kasabay ang iba pang mga senador at progresibong partylist ng Makabayan. Nasaksihan ang pag-arangkada ng pamamahagi ni Marcos Jr. ng Certificates of Condonation and Release of Mortgage (CoCRoM), o ang mapanlinlang na kondonasyon sa utang sa lupa, noong Oktubre. Sa Hacienda Luisita, 4,663 CoCRoMs ang pinamahagi sa 3,527 na ARBs sa harap ng kaliwa’t kanang demolisyon, pagpapalayas, at militarisasyon. Matapos lang ang dalawang araw sa pamamahagi ng CoCroM ay ginawad ni Marcos Jr. ang 200 ektaryang parsel ng lupa sa Aboitiz.

Sa binasagang “World Hunger Day”, nangalampag ang mga magsasaka’t mamamayan sa DA upang patambulin ang lumalalang krisis sa pagkain. Sa unang kwarto ng 2024, mas maraming pamilya ang nakaranas ng “involuntary hunger”, o kawalang-akses sa pagkain, na tumaas ng 14.2 percent.

Kumilos ang mga magbubukid mula sa Central Luzon at Southern Tagalog kasama ang iba’t ibang sektor sa Plaza Miranda sa ika-52 na anibersaryo ng huwad na reporma sa lupang PD27 ni Ferdinand Marcos Sr. Nagkaroon rin ng mga koordinadong pagkilos sa Tuguegarao City, Cebu City, Iloilo City, Bicol, La Union, Ilocos, and Negros provinces bilang pakikiisa.

Nanalanta ang Bagyong Kristine (Trami) sa kalakhan ng bansa, pangunahin sa Bicol, Cagayan Valley, Eastern Visayas, at Calabarzon, na umabot sa P6.2 bilyong pisong pinsala sa agrikultura. Sa kabuuang Camarines Sur, nakita ang mga pagbaha sa mga

di inaasahang pook kabilang ang Cenral Business District ng Naga City.

Nobyembre

Giniit ng KMP na imbistagahan rin si dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpaslang nito sa mga magsasaka’t aktibista matapos ng publikong pag-amin ni Duterte sa pag-mastermind ng madugong War on Drugs. Nalantad rin si VP Sara Duterte na may dinambong na P612.5 milyon mula sa kaban ng bayan.

Makasaysayan ang pag-alala sa ika-20 na anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre, kung saan nakabalik ang mga mamamayan ng Hacienda Luisita pati ang mga tagasuporta nito mula sa iba’t ibang sektor sa pook kung saan idinaos ang masaker. Nag-piket naman ang mga magsasaka sa tapat ng DA para tugunan ng gobyerno ang lumalalang epekto ng sunod-sunod na bagyo kung saan tumatayang nasa P6 bilyon ang danyos sa agrikultura, at nasa P10 bilyon na sa imprastraktura.

Disyembre

Tinutulan ng mga magsasaka’t mamamayan ang di makatwirang mga alokasyon sa pambansang badyet sa taong 2025, kabilang ang mga pagkaltas sa badyet ng edukasyon, kalusugan, at kalamidad at pagpalobo pa ng CIF ng pangulo, at unprogrammed funds. Tinuligsa rin ang panunumbalik ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), at magiging bulnerable lamang itong gamitin bilang pondo para sa kampanya at sa pagbili ng boto.

Nilarawang tila sintensya sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka ang pag-amyenda ng Rice Tarrification Law (RTL) kung saan higit pang mas makikinabang ang malalaking negosyante at mga suplayer. Kasabay pa nito ang pinagtibay na kasunduang isang milyong toneladang bigas na iimport mula sa Pakistan, pagpapasa ng Senate Bill 2898 and House Bill 10755, na nilalayong pahabain ang dayuhang paggamit sa lupa hanggang 99 na taon.

ni Francisco Dizon, tagapangulo ng AMBALA, at isinailalim siya sa harassment.

Noong Disyembre 12, 2024, isang diumanong engkwentro sa pagitan ng 85th Infantry Battalion at New People’s Army (NPA) ang humantong sa pamamaril at pagdukot ng mga sundalo sa dalawang magsasaka sa Guinhalinan, San Narciso, Quezon. Ang nasugatang si Ronilo Villanueva ay nagtitigkal lamang ng kopra ayon sa mga nakasaksing residente. Kasabay niyang iligal na dinetina ang isa pang magsasaka na nagngangalang Genero. Kabilang ang insidenteng ito sa pagmamadali ng estadong magdeklara ng mga lugar bilang “insurgency free” nang hindi tinutugunan ang ugat ng armadong tunggalian. Nagdeklara rin si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro noong Disyembre na huwag magdedeklara ng tigil-putukan sangayon walang habas na mga atake laban sa magbubukid at mamamayan sa kanayunan. Dalawang magsasaka rin sa Uson, Masbate ang pinaslang ng 2nd Infantry Battalion. Pinagtakpan nila ito sa pagsasabing mga miyembro

ng NPA ang napatay sa engkwentro. Nasa 70% ng mga baranggay sa Masbate ang isinailalim sa Retooled Community Support Program (RCSP), na sa katunayan ay isang balatkayo ng tuwirang militarisasyon.

Tabing ang RCSP para sa pagpakat at pagkampo ng militar sa mga komunidad ng magsasaka. Di rin ligtas ang mga pampublikong espasyo mula sa iligal na pag-okupa ng mga sundalo para gamitin sa kampanyang kontra-insurhensya. Noong 2024, kinampuhan ng 80th Infantry Battalion ang mga komunidad sa San Jose Del Monte City, Bulacan; maging ang Barangay Hall sa limang baranggay para magsilbing benyu ng military summons, o pagpapatawag ng militar para

sa “sapilitang pagpapasuko” at interogasyon. Ang okupasyon ng militar sa mga espasyong sibilyan ay paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).

Tumitindi ang paggamit ng estado ng aerial bombings sa kanayunan. Noong Abril 2, nagsagawa ng aerial bombing ang AFP sa Pilar, Abra at Sta. Maria, Ilocos Sur na nagpalayas ng mahigit 700 residente. Noong Mayo 10, nagsagawa rin ng pambobomba ang Philippine Air Force (PAF) sa mga barangay ng Peñablanca, Cagayan. Hindi bababa sa 690 na pamilya ang sapilitang lumikas dahil sa mga operasyong militar sa lalawigan. Umabot sa 6,931 katao ang naging biktima ng aerial bombings sa taong 2024.

Dumarami rin ang pisikal na mga pinsala sa mga magsasaka dahil sa pwersa ng estado at pribadong mersenaryo. Limang kabataang residente at boluntir, tatlo sa mga ito ay menor de edad, ang dinala sa ospital matapos magtamo ng mga malalang sugat mula sa inilunsad na reyd ng Jarton Security Guards sa kampuhan ng mga magsasaka sa Brgy. Tartaria, Silang, Cavite noong Abril 20, 2024. Nanadyak ang mga goons ng Ayala-Aguinaldo habang natutulog ang mga residente.

Ipokrito ang administrasyong

Pagkampo ng 80th IB sa Brgy� Tungkong Mangga, SJDM
Pagpatay ng 2nd IB sa dalawang magsasaka sa Brgy Simawa, Uson, Masbate

Marcos Jr. sa paglagda sa EO 77 na nagtayo ng komiteng inter-agency na magpapataas umano sa kamalayan tungkol sa International Humanitarian Law, pati ang pagbalandra ng kanyang National Human Rights Action Plan noong Disyembre 2024. Pa-

kitang-tao lamang ang mga ito at taliwas sa rekord ng pamahalaan na puno ng paglabag sa karapatang pantao at pagbalahura sa batas ng digma at IHL.

Walang sawa sa karahasan ang rehimeng US-Marcos na pinataas

pa nang 6.4% ang badyet ng DND, na umabot na sa P256.1 bilyon. Sa bagong taon ay patuloy ang pagkundena at paglaban ng mga magsasaka sa paniniil ng rehimeng US-Marcos Jr. sa lehitimong panawagan para sa lupa, pagkain, at kapayapaan.

Pagpahintulot ng Commercial Fishing Vessels sa municipal waters, binatikos

Umani ng matinding batikos mula sa mga mangingisda ang desisyon ng Korte Suprema na payagan ang commercial fishing vessels na mangisda sa 15-kilometrong municipal waters. Ito ay matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyon ng Malabon Regional Trial Court kaugnay sa petisyon ng Mercidar Fishing Corporation na ideklarang labag sa Konstitusyon ang espesyal na akses ng maliliit na mangingisda sa municipal waters. Banta sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda maging sa kalikasan at yamang dagat ang hatol na ito.

Ang hatol ng korte ay bumatay sa “7-fathom rule” na probisyon ng Fisheries Code of 1998. Ayon

dito, ang mga bahagi ng dagat na may lalim na 7 fathoms (katumbas ng 42 talampakan) o mahigit ay puwede nang pasukin ng komersyal na mga barkong pangisda. Ibubukas nito ang halos 90% ng municipal waters sa pagsasamantala ng malalaking kumpanya sa pangingisda at mag-iiwan ng maliit na bahagi para sa maliliit na mangingisda, ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA). Sa Cavite lamang, mahigit 30,000 mangingisda mula sa siyam na baybaying bayan ang maaaring mawalan ng kanilang tradisyunal na pangisdaan.

Talamak ang panggigipit at pangha-harass sa mga mangingisda buhat ng malupit na mga zoning ordinance na tulak ng Fisheries Code. Kinakahon na nga sa kakarampot na 15 kilometro mula sa baybayin ang mga mangingisdang ‘di lalagpas sa 3 gross tons ang bangkang gamit, ngunit sa desisyon ng Korte Suprema ay tinatanggalan nang tuluyan ng eksklusibong karapatan ang mga mangingisda sa naturang mga pook-pangisdaan.

Tinitignang pagdurog sa buhay at pamumuhay ng malilit na mangingisdang tradisyunal at maliitan ang pananalasa ng malalaking barkong may mga abanteng kagamitang kayangkayurin ang karagatan ng mga isda at iba pang yamang-dagat sa loob ng maiksing panahon.

Malinaw na huwad at ‘di maka-mangingisda ang Fisheries Code of 1998. Nagpapatuloy ang panawagan para sa ekslusibong karapatan ng maliliit na mangingisda sa municipal waters, at pag-repaso sa mga batas na pahamak lamang sa kanila.

Balita

BALITANG INTERNASYUNAL

Marupok na Ceasefire sa Gaza, binantayan

Pinagdiwang ng mga nakikibakang mamamayan sa buong daigdig ang kasunduan noong Enero 16, 2025 sa pagitan ng resistance forces ng Palestine at ng nakapangibabaw na Zionistang entidad ng Israel na suportado ng imperyalistang Estados Unidos. Matagal nang panawagan ng mamamayang Palestino at ng internasyonal na pamayanan ang ceasefire bungsod ng pagsidhi ng henosidyong isinasagawa ng Israel sa Gaza Strip pagkatapos ng Al Aqsa Flood o ang Oktubre 7, 2023 na operasyong militar ng mga armadong pwersa ng pakikibakang Palestino.

Ang kasunduan, na nagsimula noong Enero 19, 2025, ay may tatlong yugto. Sa unang 42 araw, magpapalaya ang Palestine resistance forces ng 33 bihag, kabilang ang mga kababaihan, bata, at matatanda, kapalit ng pagpapalaya sa libo-libong bilanggong Palestino ng Israel. Bukod dito, aatras ang pwersang militar ng Israel mula sa Gaza upang bigyang-daan ang pagbabalik ng pinalayas at pagpasok ng humanitarian aid. Ang mga susunod na yugto ay naglalayong palayain ang lahat ng natitirang bihag, ang buong pag-atras ng mga pwersang militar ng Israel, at simulan ang rehabilitasyon sa Gaza. Ang tigil-putukang ito ay pinamagitan ng Qatar at naimpluwensyahan ng mga internasyonal na diplomatikong pagsisikap.

Nananatiling marupok ang tigil-putukan sa harap ng mga paglabag ng Israel sa kasunduan, kabilang ang ilang kaso ng airstrikes sa Gaza, pagharang sa pagpasok ng mahahalagang suplay at tulong pantao, at pag-aantala sa pagpapalaya ng mga bilanggong Palestino.

Hindi maghihiwalay sa Israel ang walang tigil na pag-tustos ng US ng armas at pondo para paigtingin pa ang ‘di makatwirang pagdigma nito sa mamamayang Palestino na bahagi ng estratehikong interes ng US sa Middle East. Mapagmatyag ang human rights advocates at ang pandaigdigang kilusang anti-imperyalista sa pagpapatibay ng ceasefire, pati sa pagpanagot sa Israel sa madugong kampanya nito hindi lang sa Gaza kundi pati sa Syria, Yemen, Lebanon, at kabuuang Middle East. Nasa 46,000 na Palestino na ang kumpirmadong pinatay sa mga operasyong militar, pagbobomba, pagtortyur, at iba pang karahasan ng Israel, at nasa 110,000 ang tumamo ng mga pinsala mula Oktubre 2023.

Pagtaas ng Alarma sa Ikalawang

Pagkapanalo ni Trump

Ang kamakailang pagkapanalo ni Donald Trump sa halalan sa Estados Unidos ay nagdulot ng pangamba sa hanay ng Pilipinong magsasaka sa paglubha ng mga patakarang maaaring magpalala

ng imperyalistang kontrol ng US sa Pilipinas.

Bukod sa inaasahang pagtataguyod ng mabangis na patakarang panlabas at kontra-mamamayang patakaran sa mga mala-kolonya, kinakatakutan din ang tendensiya ni Trump sa padaskul-daskol na mga retalyasyon. Ang nakaraang administrasyon ni Trump ay hitik sa mga drone strike, kabilang ang kontrobersyal na pagpatay kay Iranian General Qasem Soleimani ng Quds Force ng Iranian Islamic Revolutionary Guard Corps. Pinalala nito ang tensyon sa pagitan ng US at Iran at nilagay sa panganib ang mga Pilipinong migrante. Inatras din ni Trump ang pakikilahok ng US sa mga kasunduang internasyonal, gaya ng Paris Climate Accord, Iran Nuclear Deal, at World Health Organization.

Kapalit ng akses sa bakuna kontra COVID-19, minaniobra ni Trump ang pagbibigay ni Duterte ng pardon kay US Marine Joseph Scott Pemberton, na nahatulang maysala sa Pilipinas dahil sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014.

Ang mga patakaran ni Trump ay may pagkiling sa pasismo, partikular sa pagyakap sa maka-kanang nasyonalismo at awtoritaryang retorika. Madalas siyang gumamit ng mga paninira laban sa migrante at minorya, at nagpapakalat ng kultura ng takot at pagkakahati, na ipinakita sa kampanya ng “build the wall” at mahigpit na pagpapatupad ng

mga patakaran laban sa imigrasyon. Isa sa mga nilahad na “day one” executive orders ni Trump sa kanyang ikalawang termino ay ang pagsasara sa US-Mexico Border, panunumbalik ng mga travel ban, at pagsuspinde ng pagtanggap ng mga refugee na susundan ng mga malawakang deportasyon. Pinirmahan niya rin ang EO para wakasan ang mga tinaguriang “diversity hires” sa gobyerno, na tumatarget sa mga minorya, pati ang pagtanggi sa pag-iral ng mga transgender.

Inaasahan din ang pag-igting ng imperyalistang adyenda at militaristang aksyon ng US sa buong daigdig. Kabilang dito ang deklarasyon ni Trump ng interes sa pagsakop sa Greenland at Panama Canal, mga istratehikong pakana sa usaping pang-ekonomya at heopulitikal na pagpwesto ng US at pang-uupat ng digma sa Tsina.

Us Troops Out Now!

EDCA, VFA Patuloy Na

Salot Sa Kanayunan

Kinundena’t sinalubong ng protesta ng mga magsasaka ang isinagawang ika39 na Balikatan Exercises noong Abril 22 hanggang Mayo 10, 2024. May 11,000 US troops at 5,000 sundalong AFP pati mga tagamasid mula sa 14 bansa ang lumahok sa pagsasanay at war games. Ang Balikatan, pati ang mga ‘di pantay na kasunduan ng Pilipinas sa US tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA), Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty (MDT) ay layong pahigpitin ang imperyalistang kawing ng US hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya-Pasipiko. Sa Balikatan 39-24,

nagpahayag ng pagkabahala ang mga magsasaka’t mamamayan sa pag-tindi ng tensyon sa rehiyon at paglala ng banta ng digma na tinutulak ng US sa Tsina. Napatunayan ang pang-uudyok ng US ng kaguluhan sa Tsina sa pagkumpirma ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III noong Nobyembre sa direktang pakikialam ng US sa girian ng Pilipinas at Tsina sa Ayungin Shoal.

Kinatakot naman ng mga magbubukid ng Bicol ang presensya ng sasakyang pandigma at mga sundalo sa Albay. Namataan ang USNS City of Bismarck sa Legazpi City, Albay noong Hulyo 30, 2024 na parte ng Balikatan. Mula Agosto 1-14, 220 tauhan ng US Navy ang kabilang sa pagsasanay.

Bago pa nito, naganap ang 2+2 Ministerial Meeting ng US sa gobyerno ng Pilipinas noong Hulyo para pagkasunduan ang paglawak ng panghihimasok ng US military sa bansa at sa Timog Silangang Asya. Naisara sa pag-uusap ang pagpatupad ng Security Sector Assistance Roadmap (SSAR) kung saan bibili ng Pilipinas ng mga pinaglumaang kagamitang pandigma sa US. Patuloy ring banta sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka ang EDCA, na pinagtibay rin ng 2+2 Meeting matapos itong dagdagan ng $128 milyong pondo.

Ginunita rin ang ika-25 taon ng VFA sa bansa. Ito ang batayan legal para sa “pansamantalang” presensya ng mga sundalong Amerikano sa bansa, na bukod sa ganap na pagyurak sa soberanya ng bansa ay nagresulta rin ng iba’t ibang pang-aabuso at pandarahas sa mamamayan.

Ika-80 taon ng World Bank, Tinuligsa ng mga Magbubukid

Noong ika-13 ng Mayo taong 2024, naglunsad ng People’s Conference on Land and Climate Justice ang KMP, na bahagi ng Global Day of Action Against World Bank Policies and Programs. Kontrapunto ito at kritika sa naganap na World Bank Land Conference. Inilahad ng kumperensya ang walumpung taon ng pananalasa ng World Bank sa mga malapyudal na kalagayan sa buong daigdig, pati ang panibagong pagsulong nito ng “green” projects bilang tabing sa pangangamkam ng lupa.

Naitatag noong 1944, parte na ng mandato ng World Bank ang panghihimasok sa ekonomya ng mga malakolonya upang kabigin ang mga programa nito sa lupa tungong “market assisted land reform” o pagtransporma ng lupa bilang kalakal para sa dayuhang interes at dambuhalang mga negosyo’t monopolyo sa halip na mapasakamay ng mga magsasaka. Nailantad rin sa kumperensya ang pagtulak ng World Bank sa mga anti-mamamayang patakaran tulad ng Rice Liberalization Law (RLL) at Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) na patuloy na nagpapahirap sa sambayanan at nilulubog ang mga magbubukid sa kahirapan.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.