KISLAP

Page 1


Kislap

Tomo VI Blg.1

Agosto 2024 – Enero 2025

Rehiyon IX Zamboanga Peninsula

Opisyal na Pamahayagan ng Commonwealth National High School

Liham Kanya

para sa

Tinig ng Kabataan:

Gabay sa Tamang Desisyon sa 2025

Lathalain AgTek Editoryal pahina 6 pahina 10 pahina 4

LIGTAS AT ALISTO

Upang mahasa ang kakayahan ng mga Basketbolista ng Commonwealth National High School (CNHS), ay ipinaayos ang nasirang basketball goal nito sa tulong ng inisyatibo ng Sports Coordinator na si G. Robert Cabatingan at Mapeh Coordinator na si Gng. Delma Dagatan.

SEF Project

Laptops para sa Mag-aaral

Pagadian City— Tatlumpo (30) na yunit ng laptop ang matagumpay na naibahagi sa mga paaralan mula sa Project I-Tech, na pinondohan ng

Special Education Fund (SEF) ng lalawigan ng

Zamboanga del Sur. Ang distribusyon ay isinagawa noong ika-14 ng

Setyembre 2024 sa Dao, Pagadian City, kasabay ng pagdiriwang ng ika-72 Araw ng

Zamboanga del Sur sa Employee Night.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P40,500. Nakalikom ng 33,000 pesos ang Sports at Mapeh. Nag-ambag ang tatlong departamento ng CNHS. Science Department ni Gng. Elsa Boca, P2,500.00, Araling Panlipunan ni G. Richard Abadies, P2,500.00. Ito ay

Ang mga laptop ay natanggap ng mga kinatawan ng mga paaralan na sina Gng. Ursulina Bonilla, Master Teacher III ng Commonwealth National High School, Gng. Elsa Boca, Master Teacher II; G. Richard Abadies, Master Teacher I; at G. Junard Ceniza, Teacher III.

Ang mga yunit ay nakalaan upang gamitin ng mga mag-aaral bilang bahagi ng pagsusumikap ng probinsya na mapalawak ang akses ng mga kabataan sa teknolohiya at mapabuti ang kanilang karanasan sa pag-aaral.

Ang Project I-Tech ay bahagi ng inisyatibo ng

pamahalaang panlalawigan upang isulong ang makabagong edukasyon sa pamamagitan ng paggamit ng digital na kagamitan. Sa tulong ng mga laptop na ito, inaasahang mapapalakas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya, na mahalaga sa makabagong panahon.

Ang hakbang na ito ay patunay ng walang sawang suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na mapagkukunan upang makamit ng mga kabataan ang kanilang potensyal. Basketball Goal ng CNHS, Itinayo Retiradong mga Guro, Binigyang-pugay

Upang mabigyang

halaga ang mga guro sa

kanilang pagsisikap at deteminasyon sa pagtuturo ay ipinagdiwang ang Teachers Day taon-

Pagretiro ni Gng. Cagaanan, nagmarka sa CNHS

Sa halip na magdaos ng engrandeng selebrasyon, pinili ni Gng. Letecia D. Cagaanan na ipagdiwang ang kanyang pagreretiro nang simple at mapayapa kasama ang kanyang mga kasamahan. Noong Nobyembre 20, 2024, nagretiro si Gng. Cagaanan. Isang mahalagang miyembro ng Commonwealth National High School o CNHS. Sa halip na isang magarbo at emosyonal na pamamaalam, mas pinili niyang gawing simple at tahimik ang kanyang pag-alis sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanyang mga kasamahan bilang pasasalamat sa mga taon ng pagsasama.

Si Gng. Cagaanan ay isang guro sa asignaturang English na kilala sa kanyang pagiging masipag, mahinahon, at mapagkakatiwalaan. Nagdesisyon siyang gawing

sundan sa pahina 3 sundan sa pahina 3

pribado ang kanyang pagreretiro. “Ayoko ng iyakan o malaking seremonya. Gusto ko lang magpasalamat sa inyo sa lahat ng suporta at pagkakaibigan,” ani niya sa maikling pahayag habang kumakain ang grupo. Ang handaan ay naganap sa isang simpleng salu-salo sa loob ng paaralan, kung saan pinagsaluhan ng mga

taon tuwing Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Noong Oktubre 4, Humigit-kumulang sa 302 na

kasamahan ang masasarap na pagkain. Ang atmospera ay puno ng mga ngiti at simpleng kwentuhan na nagpapakita ng pagkakaibigan at respeto sa guro na nagbigay ng maraming taon ng serbisyo. Ang desisyon ni Gng. Cagaanan na magretiro nang

CNHS, nakatanggap ng donasyon sa Rotary Club, Pagadian

libro ang natanggap ng Commonwealth National High School

(CNHS) mula sa Rotary Club, Pagadian. Ito’y inihandog nila sa mga

sundan sa pahina 3 sundan sa pahina 3

Shienna Rose P. OLIS
Kimberly ALBAŃO
Christy VERCEDE
Shienna Rose P. OLIS
Hannah MALINAO

Balita

Upang mahasa at mapaunlad ang kaalaman ng mga guro sa larangan ng pagtuturo, mahigpit na ipinalunsad ng DepEd ang taunang In-Service Training for Teachers (INSET).

Ang nasabing pagsasanay ay ginanap noong Nobyembre 2529, 2024 sa paaralang Commonwealth National High School o CNHS. Ito’y dinaluhan ng mga guro sa Sekondarya ng Aurora West District; Commonwealth National High School, Lantungan National High School at Monte Alegre National

2 Kislap

Isa sa mga tagapagsanay sa nasabing seminar ay ang tagapamasid pampurok ng Aurora West na si Gng. Alma D. Belarmino na tumalakay tungkol sa kahalagahan ng Growth Mindset. Idiniin niya rito na dapat maging bukas sa panibagong kaalaman, hindi kagaya ng Fixed Mindset na sa kanilang isip ay iisa lamang ang kakayahan o kaalaman ng isang tao.

Distritong Pagsasanay 2024, idinaos sa CNHS

High School na may temang “Empowering Secondary

CNHSians, pasok sa National Sci Quest

Tatlong mag-aaral sa Commonwealth National High School ang nagkamit ng unang gantimpala o puwesto sa ginanap na Division Level Sci Quest sa Tukuran Technical Vocational School, Tukuran, Zamboanga del Sur. Ito ay may temang “Harnessing Scientific Innovation to Build and Sustainable Future.” Sila ay sina Jessel Talledo ng antas labindalawa seksyon Amihan, Shella Pilapil ng antas siyam seksyon St.

at Gold Nicole Quinco ng antas siyan seksyon St. Therese. Sila ang mga kwalipikadong mga magaaral mula sa Sangay ng Zamboanga del Sur na lalahok sa darating na National Level Sci Quest na gaganapin ngayong Pebrero, 2025 sa Baguio City, Philippines. Ang nasabing kompetisyon ay sinusuportahan ng buong paaralang CNHS at ng Municipal School board ng Aurora, Zamboanga del Sur upang ito ay magtagumpay.

Educators: Integrating E-Learning Strategies and

Research Management Skills for 21st Century Education.

Marami pang mga tagapagdaloy ang nagbigay ng kaalaman at eksperto sa kanilang paksa. Ito ay mas lalong maihanda ang mga guro sa bagong henerasyong kinakaharap.

Masayang Pasko, Pinagsaluhan ng mga Guro

Covered Court,

Disyembre 19, 2024 – Sa ilalim ng temang “Pasko ng Pagbabago: Nagkakaisang Pamilya, Humuhubog ng Mas Maliwanag na Bukas,” muling nagtipon-tipon ang mga guro ng Commonwealth National High School o CNHS para sa kanilang taunang Christmas Party. Ang okasyong ito ay naging pagkakataon upang magdiwang, magbalik-tanaw, at magpatibay ng samahan. Nagpasimula ng kasiyahan ang masiglang parlor games na naghatid ng tawanan at sigla sa buong covered court. Ang bawat guro ay aktibong nakilahok, ipinakita ang kanilang galing at pagkakaisa bilang isang pamilya. Sinundan ito ng community singing, kung saan sabay-sabay nilang inawit ang klasikong Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan, na nagbigay ng diwa ng pag-asa at pagkakapit-bisig. Isa sa mga tampok ng programa ay ang makabuluhang inspirational talk mula sa punung-guro na

si Gng. Al Di La Filomenita T. Bajuyo, EdD. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at sama-samang pagsusumikap upang makamit ang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga magaaral.

Matapos ang inspirasyonal na bahagi ng programa, pinagsaluhan ng lahat ang isang masarap na maagang hapunan. Kasabay nito ang masayang kwentuhan, pagbabahagi ng karanasan, at

pagpaplano para sa darating na taon. Ang kasiyahan ay nagpatuloy sa ikalawang bahagi ng programa, kung saan naging mas kaswal ang mga aktibidad tulad ng sayawan at iba pang dagdag na kasiyahan.

Ang taunang Christmas Party ay hindi lamang naging pagkakataon upang magsaya, kundi isang paalala rin ng kahalagahan ng pagbabago, pagkakaisa, at pag-asa para sa isang mas magandang kinabukasan.

Timpalak Pang Qualci, isinagawa sa CNHS

Ang paligsahang ito ay sinalihan ng mga paaralang nagmula sa anim na distrito na sakop sa Qualci 3, ang Auroa East at West,Labangan I at Labangan II, kabilang na dito ang antas Elementarya at Sekondarya na may temang “Harnessing Scientific Innovation to Build a Sustainable Future.

Sila’y kaniya-kaniyang nagdala ng kanilang kagamitan na gagamitin tulad ng laptop, printer, speaker, microphone at iba pa para sa paligsahang Radio

Scriptwriting, Broadcasting at Collaborative Desktop Publishing.

Ginanap ang nasabing tagisan ng talino sa kategoryang ito sa Commonwealth National High School, Commonwealth, Aurora, Zamboanga del Sur noong ika-21 ng Nobyembre, 2024. Umabot ng isang araw ang kanilang pagtutunggalian at itinanghal sa pangkalahatang kampeon ang distrito ng Tukuran West ng antas Sekondarya kapwa Radio Scriptwriting, Broadcasting at Collaborative Desktop Publishing.

Merlyn B. ELORDE
Hannah MALINAO Therese
Jenifer II CAPISTRANO

Kislap

mula sa pahina 1

Retiradong mga Guro,..

2024 ay idinaos sa covered court ng Commonwealth National High School (CNHS) ang Teachers Day na selebrasyon.

Isa sa tampok ng programa ay ang pagkilala sa tatlong retiradong guro na sina Alicia BullecerTumala, retiradong guro sa Filipino, Roberta Bascon-Caipang, retiradong guro sa Matematika at Carmelita Adolfo-Estrera, retiradong guro sa TLE. Sila ay kilala bilang mga beteranong tagapagturo na minsay naglingkod upang makabahagi ng kaalaman. Nakatanggap din sila ng handog bilang pasasalamat mula sa punongguro ng

CNHS na si Gng. Al Di La Filomenita T. Bajuyo.

Maraming kaganapang nangyayari sa nasabing selebrasyon. Sentro nito ay ang partisipasyon ng lahat ng guro ng CNHS tulad na lamang ng parlor games, pagsayaw ng BINI at iba pa. Ang lahat ng ito ay inisyatiba ng mga opisyales ng Supreme Student SSLG.

CNHS Drum and Lyre Corp, lumahok sa 82nd Araw ng

Aurora

Bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika

82nd Araw ng Aurora, lumahok ang Commonwealth National High School o CNHS sa 2024 Drum and Lyre Corp Presentation.

Nilahokan ito ng anim na paaralang sekondarya at tatlong elementarya. Paaralang Commonwealth National High School, Aurora National High School, Santa Teresita Academy, Aurora Pioneers Memorial College, Lintugop National High School, Lantungan National High

School, Aurora Regional Pilot School (SPED at REGULAR).

Mahigit kumulang 161 mag-aaral ng CNHS ang sumali sa nasabing presentasyon na ginanap sa Aurora Regional Pilot School grandstand noong Nobyembre 30, 2024.

Dahil sa tulong ng kanilang Drum and Lyre Corp Coordinator na sina G. Ricky C. Arabis, tagapagsanay na si G. Sergio Godofredo Ceniza at sa kanilang tagapayo na si Bb. Juliet Caminade at sa suporta ng kanilang punongguro na si Gng. Al Di La Filomenita

Global Handwashing Day: Paalala sa Kalinisan at Kalusugan

Sa layuning itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng wastong paghuhugas ng kamay, masiglang nakiisa ang mga Senior High School Students ng Commonwealth National High School sa pagdiriwang ng Global Handwashing Day noong Oktobre 16, 2024. Ang simpleng gawain na ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng kalinisan upang mapanatili ang kalusugan ng bawat

ng nasabing paaralan, “Bagamat ito ay isang simpleng aktibidad, ang paghuhugas ng kamay ay may malaking epekto sa ating kalusugan at kaligtasan mula sa iba’t ibang uri ng sakit.”

Tapdasan Bajuyo ay matagumpay na natapos ang kanilang presentasyon.

Aniya, “Salamat, at sa wakas ay natapos na rin.” Sambat ni Bb. Caminade.

Nakatanggap ng 15 libong piso bilang consolation prize ang lahat ng lumahok ng Drum ang Lyre Corp mula sa LGU ng Aurora na pinangunahan ng Alkalde ng lungsod na si Honorable Silvano Ceniza Zanoria.

Laking tuwa at pasasalamat ng lahat dahil sa kaunti ay nagantimpalaan ang kanilang pawis at pagod sa bawat pagensayo.

mula sa pahina 1

CNHS, nakatanggap ng donasyon sa Rotary Club,..

Senior High School na mga mag-aaral upang ito ay magamit bilang pandagdag sa sangguniang aklat. Ito ay dahil sa inisyatibo ng CNHS SOCMOB Coordinator na si Gng. Rufina A. Quieta. Noong ika-17 ng Oktubre, 2024 ay iginawad ni President Dr. Roesmin S. Edding, sa koordinasyon ng kanyang kasama na si G. Rene Luy ng nasabing Club o organisasyon at opisyal itong tinanggap ni Gng. Alma D. Belarmino, ang PSDS ng Aurora West at ng mga Master Teacher sa nasabing paaralan. Ang makabuluhang gawaing ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Sector ng Edukasyon at ng Rotary Club.

Ang proyektong ito ay naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at magsilbing inspirasyon upang mas pag-ibayuhin pa nila ang kanilang pag-aaral. Tunay na isang hakbang pasulong para sa mas maunlad na kinabukasan ng kabataan.

Intramurals 2024, ginanap

Unity Dance ang mga mag-aaral at tinanghal na kampeon ang Grade 10 Department. Itinanghal din bilang Ms. Intramurals at Mr. Intramurals 2024 sina Charlene Mangubat at Clyde Cortes na parehong nagmula sa antas labindalawa.

Sa pagtatapos, itinanghal bilang pangkalahatang kampeon ang antas labing-isa. Ang mga manlalarong nanalo ay siyang lalaban sa darating na District Meet 2024. isa.

Naging sentro ng aktibidad ang sama-samang paghuhugas ng kamay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Ginamit nila ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig bilang bahagi ng kampanya laban sa pagkalat ng sakit. Ayon kay Gng. Zendle Esplana, ang School Nurse

Pagretiro ni Gng. Cagaanan, ...

mula sa pahina 1 simple ay isang patunay ng kanyang mapagkumbabang pagkatao. Bagama’t tahimik ang kanyang pag-alis, hindi maikakaila ang malaking puwang na iiwan niya sa puso ng kanyang mga kasamahan. Sa kanyang pagreretiro, nawa’y magpatuloy ang kanyang tagumpay at kasiyahan sa bagong yugto ng kanyang buhay.

Dagdag pa rito, ang mga mag-aaral ay hinikayat na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na gawi ang wastong paghuhugas ng kamay, lalo na bago kumain, pagkatapos gumamit ng banyo, at tuwing kinakailangan upang mapanatili ang kalinisan. Ang pakikiisa ng mga mag-aaral ng CNHS sa Global Handwashing Day ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa kalinisan. Ang simpleng paghuhugas ng kamay ay nagbigay ng paalala sa lahat na kahit ang maliliit na hakbang ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng komunidad.

Ginanap ang Intramurals nitong October 1819, 2024 sa Commonwealth National High School o (CNHS) Sa pagbukas ng aktibidad, unang isinagawa ang parada na pinangunahan ng mga Boy Scout at Drum and Lyre Corp na ginabayan ng mga guro at polisya. Opisyal namang binuksan ng School Sports Coordinator na si G. Robert Cabatingan ang aktibidad. Mayroon ding ginanap na

mula sa pahina 1 mula sa fund raising na kani-kanilang ginawa. Nagbigay din ng tulong ang paaralan sa halagang P2,500 mula sa MOOE.

Basketball Goal ...

HANNAH MALINAO
SHIENNA ROSE P. OLIS
CHRISTY VERCEDE

Editoryal

Tinig ng Kabataan:

Gabay sa Tamang Desisyon sa 2025

Sa pagpasok ng taong 2025, muli na namang bubuksan ang kabanata ng halalan sa bansa — isang mahalagang sandali para sa bawat Pilipino. Sa darating na eleksyon, hindi lamang boto ang nakataya kundi pati ang kinabukasan ng bawat mamamayan. Kaya’t higit kailanman, kinakailangan ang matalinong pakikilahok at responsableng pagbabantay mula sa bawat isa, lalo na sa kabataan. Ang kabataan, na itinuturing na pag-asa ng bayan, ay may mahalagang papel sa darating na halalan. Sila ang bumubuo ng malaking bahagi ng populasyon ng mga botante, at ang kanilang boto ay maaaring magtakda ng direksyon ng bansa sa susunod na mga taon. Ngunit ang tanong, paano magagampanan ng kabataan ang kanilang tungkulin sa isang responsableng paraan?

Una, kinakailangang magsimula sa tamang edukasyon at impormasyon. Kailangang suriin ng kabataan ang mga plataporma, track record, at mga adhikain ng bawat kandidato. Huwag padadala sa popularidad o sa ingay ng kampanya. Sa halip, dapat magtuon sa mga kandidato na may malinaw na plano para sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at iba pang mahahalagang aspeto ng lipunan.

Pangalawa, mahalaga ang aktibong pakikilahok sa mga diskurso at talakayan. Sa pamamagitan ng

social media at iba pang platform, maaaring maging boses ng pagbabago ang kabataan. Gayunpaman, kasabay nito ang responsibilidad na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon. Magiging makapangyarihan ang boses ng kabataan kung ito’y batay sa katotohanan at pagninilay.

Bukod sa kabataan, ang bawat mamamayan ay may pantay na pananagutan. Ang tamang pagpili ng lider ay hindi lamang tungkulin ng isang sektor, kundi ng buong sambayanan. Kailangan ng mapanuri, matalinong, at makabayang botante na uunahin ang kapakanan ng bansa kaysa pansariling interes.

Ang eleksyon 2025 ay isang pagkakataon upang ipakita ang lakas ng pagkakaisa ng bawat Pilipino. Sa tamang pagpili, maaari masiguro ang mas maunlad at makatarungang lipunan. Kaya’t sa darating na halalan, nawa’y maging mapanuri, matalino, at responsible ang lahat. Nawa’y samasamang itaguyod ang tunay na diwa ng demokrasya.

Salamin ng Edukasyon: Maganda Nga, PeruangNasaan Talino?

a panahon ngayon, tila nagiging sukatan ng tagumpay ang dami ng likes, views at followers sa social media. Maraming kabataan ang nagbibigaydiin sa kanilang itsura at online presence ngunit, paano na ang kanilang pagganap sa loob ng silid-aralan?

Maganda nga ang hitsura, pero sa klase ay walang pakialam at naintindihan. Anong mangyayari sa kinabukasan?

Shienna Rose P. OLIS

Hindi masamang maging maayos at presentable ang sarili, ngunit huwag sanang kalimutan na ang tunay na puhunan sa buhay ay kaalaman at ang edukasyon. Maraming magaaral ngayon ang mas abala sa pag-aayos ng buhok at pagkuha ng perpektong selfie kaysa sa pag-aaral para sa pagsusulit. Nakababahala na ang ilang mag-aaral dahil mas pinahahalagahan ang pagporma kaysa sa pag-aaral. Sa halip na mag-review para sa exam, abala sa pagkuha ng selfie, pagsayaw sa tiktok at iba pa para sa bagong post. Ayon sa datos mula sa Departamento ng Edukasyon, patuloy na bumababa ang academic performance ng mga mag-aaral sa bansa. Lumalabas na mas mataas ang “screen time” kaysa “study time” ng maraming kabataan. Ang social media ay nagiging takbuhan ng pansin at papuri, ngunit bihirang makita ang pagpupursige sa akademiko.

Ang pagiging maganda ay isang biyaya, ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa pag-abot ng tunay na tagumpay. Maaaring makatawagpansin ang pisikal na anyo, ngunit sa huli, kaalaman at kakayahan ang

nagdadala ng tagumpay sa totoong buhay. Nakalulungkot makita ang mga estudyanteng napakaganda o napakagwapo ngunit tila naliligaw pagdating sa akademikong responsibilidad. Ang tunay na salamin ng edukasyon ay hindi nakikita sa panlabas na anyo kundi sa taglay na kaalaman at kakayahan ng isang tao. Panahon na para bigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at paglinang ng kaalaman. Tandaan, hindi sapat ang maganda at maamong mukha kung ang utak ay walang laman. Magpursige, matuto at magtagumpay. Sapagkat ang pinakamainam na kombinasyon ay maganda ka na, matalino ka pa!

Monetary Penalty Classroom Project Ba Talaga

Estratehiya Mong Panghakot Pera?

Penalty ba talaga, sigurado ka? Baka pag tinanong ka kung saan napupunta ang mga perang ibinayad namin, mabubuking ka. Para sa classroom project ba talaga? Baka pag nalaman ng madla na iginala mo lang pala ang mga multa namin, baka mapahiya ka! Ano masarap ba sa pakiramdam? Nakapagbigay na ba ng ginhawa sa inyo ang pagpapamulta sa amin ng sobra?

Penalty ba talaga, sigurado ka? Baka pag tinanong ka kung saan napupunta ang mga perang ibinayad namin, mabubuking ka. Para sa classroom project ba talaga? Baka pag nalaman ng madla na iginala mo lang pala ang mga multa namin, baka mapahiya ka! Ano masarap ba sa pakiramdam? Nakapagbigay na ba ng ginhawa sa inyo ang pagpapamulta sa amin ng sobra?

Bilang Presidente ng Supreme Secondary Learner’s Government ng Commonwealth National High School, nakita ko ang kaparehong isyu na kinakaharap ng mga kapwa ko mag-aaral sa ibat-ibang baitang. Namasdan ng aking dalawang mata ang bigat sa mga mukha ng mga estudyanteng sinisingil sa kanilang mga monetary penalties; at narinig ng dalawa kong tainga ang galak ng mga guro sa tuwing nakaka-kolekta ng napakaraming pera. Batid kong galit kayong mga guro habang binabasa ito. Ngunit huwag kayong mag-alala, dahil wala naman akong pakialam. Alam nyo bang ayon sa Journal of Education Psychology, hindi lamang takot at stress ang naidudulot ng monetary penalty kundi malaking pasanin sa mga estudyanteng mula sa mahihirap na pamilya? Hindi niyo ba binasa ang mga nakalagay sa handbook? Nakasaad sa Student Handbook ng Commonwealth National High School sa ilalim ng School Policy and Code of Discipline, nakalagay doon ang “Embezzlement of Students Funds”.

Ibig sabihin kung manghihingi kayo ng penalties, hindi ito dapat magbukas ng pagkakataon para sa maling paggamit ng pera. Ayon naman sa American Psychological Association, sa halip na pangongolekta ng multa ay mas mainam na magpatupad ng mga sistema ng disiplina, dahil ang financial stress ay isa sa mga pangunahing sanhi ng depresyon sa mga kabataan. Naniniwala ako na ang edukasyon ay para sa pagpapabuti ng mga kabataan. Sa totoo lang, hindi mo naman kailangan ng pera para tumino kaming mga mag-aaral. Ang kailangan mong hakbang ay dispilina at pagmamahal. Kung hindi sapat ang sahod mo, huwag mo naman kaming gawing adisyunal mong taga suweldo! “Education should be a right, not a privilege. Ensure students can learn without the burden of financial costs”. Sana maintindihan niyo naman ang pahayag na iyan ni Senator Risa Hontiveros.

Ilantad niyo sa lahat kung saan napupunta aming mga multa. Ipakita niyo ang sinasabi niyong proyekto, huwag ‘yung puro salita. Hindi ‘yung maririnig ko nalang sa mga sarili niyong bunganga na ang mga perang ibinayad namin ay naigasta niyo lang sa gala. Ano na? Kaya pa? Tandaan niyo, saka niyo lang kami angasan kapag ang proyektong sinasabi ninyo ay nabili niyo na! Ano? Para sa classroom project ba talaga, o estratehiya niyo lang ng pamemera?

Jovelyn M. CANOOG
Punong Patnugot Jovelyn M. CANOOG | Pangalawang Patnugot Angelo CABELLON Tagapangasiwang Patnugot Jessica ONJANO
Balita: Christy Vercede, Hannah Malinao | Lathalain: Marianne Eda B. Maboloc, Jovelyn Canoog Editoryal: Jessica Eyas | Agham at Teknolohiya: Shienna Rose P. Olis, Steve Russel S. Suson, Jessica Eyas Kolum: Jovelyn Canoog, Angelo Cabellon, Chelme Vedz Paragamac, Kimberly Albano | Kartung Editoryal: Angelo Cabellon Pagwawasto ng Sipi: Hannah Malinao | Isports: Manilyn Jane V. Mabano, Angelo B. Cabellon

Kislap

Galita Ka? Pwes Tumulong ka!

Diretsahan

“No-Smokin Policy” iyan ang polisiyang hindi mawawala sa bawat paaralan, maging ang ating mga mahal na guro ay palaging pinapaalala iyan. Ngunit mayroon ba silang ibang nagawa maliban sa pagpapa-implementa at pagbubunganga?

Batid nating lahat na ang paninigarilyo ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga pribado at pampublikong paaralan. Ngunit sadyang hindi natin kontrolado ang bawat tao kahit anong polisiya pa man ang paaralang Commonwealth National High School (CNHS) na matigas ang ulo na palihim pa ring humihipak ng usok sa mga sulok ng kampus.

Malinaw na nakasaad sa Student Handbook ng CNHS ang No-Smoking Policy sa ilalim ng School Policy and Code of Discipline. Kaya naman bilang Presidente ng SSLG Organization, mahigpit kong binabantayan at inatasan ang bawat miyembro ng aking kasapi. Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay sa bawat may nakakalusot ng palihim na naninigarilyo ay kami ang pinagbubuntungan. Bakit mas napapansin mo ang aking mga pagkukulang kaysa sa aking matinding sakripisyo? Bakit hindi mo subukang gumawa ng hakbang at tumulong? Kahit pag-aralan mo pa ang Republic Act No. 9211, makikita mong nakasaad doon na “Teachers are responsible to implement tobacco-free policies within the campus.”

Ibig sabihin, ang mga guro ay may responsibilidad sa polisiyang ito. Gaya ng nakasaad sa DepEd Order No. 48 s. 2016, “Educators has a great role in Fostering a smoke-free

environment.” Bakit nawaglit sa isipan n’yo ang malaking papel na inyong ginagampanan sa polisiyang ito? Bakit karamihan sa inyo ay inaasa lamang sa mga estudyanteng lider ang mga isyung ito? Bakit puro sermon lamang ang naibibigay nyo at hindi disiplina at paaralang serbisyo? Paano sila titino kung hindi papahirapan? Paano malulutas ang problema kung wala naming pagtutulungan.

Patunayan mo ang dalisay mong pagseserbisyo! Kung Nakita mo sa akto, disiplinahin mo, hindi iyung titingnan mo lang at tatawagin ako para sermonan at ipamukha sa akin na ako’y isang pabayang Presidente. Tandaan mo, nagserbisyo ako ng totoo dahil mahal ko ang paaralan ko kahit hindi ako suweldado. Isaisip mo ang kataga ni Manuel Dayrit na “Teachers are role models.”

Kapag Nakita mo sa akto, huwag na akong tawagin, sa halip ay kumilos nalang kayo! Kapag ilong mo’y nakalanghap ng usok at mga mata mo ay nakatutok, sindihan mo na ang apoy ng pagdisiplina at sa kanila’y ipaputok. “No-Smoking Policy” sa CNHS ay ating mas higpitang ipatupad. Mapa-guro o mag-aaral ka man ay walang mas nakaka-angat, dahil tayo ay may iba’t ibang respomsibilidad. Kaya kung sa tuwing may nakikita kang estudyanteng naninigarilyo, sa akin ba’y nagagalit ka? Pwes sa ngayon ay maging responsible ka na at sa ami’y tumulong ka!

Opisyales ka pala? Kulang ka yata sa Disiplina!

OPISYa-ALIS!

KIMBERLY ALBAÑO

Ang YES-O (Youth Environment in School Organization) ay itinatag upang palaganapin ang kalinisan, disiplina at malasakit ng mag-aaral sa kapaligiran. Ang mga officers sa YES-O o mga lider ay ang inaasahan na manguna sa paglilinis ng kapaligiran. Ngunit paano kung ang kinikilala nating mga lider ay siya ring mangunguna sa kakulangan ng disiplina?

Ayun sa Republic Act No. 9163 o ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001 na may kaugnayan sa YES-O na nagsasaad na ang mga kabataan ay dapat sanayin sa pagtulong sa komunidad at paglinang sa mga positibong aral sa pambansang pag-unlad. At ang kawalan ng disiplina ay labag sa batas na ito dahil ito ay naglalayong hubugin ang pigiging mabuting lider ng mga kabataang Pilipino.

Tungkulin ng YES-O na paglingkuran ang buong komunidad ng paaralan ngunit paano kung sa mismong silidaralan ay hindi na nila ito kayang panagutan, saksi ako kung paano sila ka irresponsable dahit itinatapon at isinisiksik lang naman nila ang kanilang mga basura kahit saan. Iyan ba ang YES-O officers? Hindi ko man nilalahat peru iilan sa kanila ay nagiging aktibo lang kapag may mga programa sa paaralan pero kapag wala na ay wala na rin silang pake kung magkalat man ang basura diyan sa tabi-tabi. Minsan nga dinadaanan lang nila ang mga basura at hindi ito pinupulot

ANGELO B. CABELLON

Sa Sistema ng politika sa Pilipinas, hindi na 0bago ang mga sigalot kahit sa pagitan ng mga magkasangga sa politika. Kamakailan lamang nagkaroon ng alitan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte. Bagama’t magkasama sa koalisyon noong nakaraang halalan, tila nagbago ang ihip ng hangin sa kasalukuyan. Naging sentro ng balita hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo.

No Permit, No Exam Policy: Ibasura Upang Sistema’y Gumanda

“Good Quality Education”. Simpleng pariralang may layuning magtaguyod ng edukasyon para sa lahat, anuman ang pinagmulan at kalagayan sa buhay. Ngunit nasaan ang esensiya nito kung may polisiyang “No Permit, No Exam”? Ito ba ay may sapat na basehan para ipatupad? Ano ang epekto nito sa mga estudyanteng kagaya ko?

Ang “No Permit, No Exam Policy” ay isang kontrobersyal na isyu sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at hamon at hindi lamang sa magaaral kundi pati na rin sa magulang, paaralan, at pamahalaan. Sa ilalim ng patakarang ito, hindi pinapayagang kumuha ng pagsusulit ang isang magaaral ng may kailangang bayaran sa matrikula at iba pa. Bagama’t ang layunin ng patakarang ito ay para sa operasyon at kaunlaran ng paaralan, nananatili pa rin ang palaisipang, ito ba ay makatarungan o labag sa konstitusyon ng pamahalaan? Bilang isang mag-aaral, ang pagkakaroon ng ganitong polisiya o patakaran sa sistema ng edukasyon ay isang balakid sa pagkamit ng aking pangarap. Nalilimitahan ito na maipakita ang aking potensiyal sa akademikong gawain dahil binibigyan ng prayoridad ng paaralan ang obligasyon mong makabayad kaysa sa pagnanais mong makakuha ng pagsusulit. Dagdag pa rito, walang matibay na dahilan kung bakit ipinapatupad ang ganitong polisiya sa mga paaralan. Ito ay hindi makatarungan na pagbawalan mo ang estudyanteng may pagnanais na kumuha ng pagsusulit sapagkat ito ay labag sa karapatang pantao. Papaano kung ang estudyante ay kapos sa pinansiyal na aspeto, may posibilidad pa ba siyang makakuha ng pagsusulit?

Ayon sa Republic Act 11984 o mas kilala bilang “No Permit, No Exam Prohibition Act” na akda ni Senador Ramon “Bong” Revilla, hindi pwedeng pagbawalang kumuha ng exam ang isang estudyante sa pampubliko at maging sa pribadong paaralan para kahit man may balance pa sila sa matrikula at iba pang bayarin. Dahil sa pagkalathala ng batas na ito, mas umigting ang usaping kailangan ng ibasura ang patakarang nakaugalian na nangyayari sa loob ng kagawaran ng edukasyon. Nararapat na alisin sa sistema ang ganitong patakaran sapagkat ito ay nagiging balakid sa mga estudyante at magulang na matugunan ang kinakailangang gampanan ng bawat isa sa paaralan.

Dapat na manatili ang esensiya ng katagang “Good quality education” upang mapanatili ang intigridad ng kagawaran at mas umangat pa lalo ang estado ng edukasyon sa ating bansa. Polisiya ay dapat ibasura upang ang takbo ng sistema’y gumanda.

Pagtakas sa Paaralan: Isang Malakas na Panawagan

Ang

paulit-ulit na pagtakas ng mga estudyante sa paaralan ay hindi lamang isang simpleng paglabag sa disiplina, ito ay isang malakas na panawagan para sa mas malalim na pag-unawa at agarang pagkilos. Hindi ito isang isyu na maaaring balewalain o pagtakpan ng simpleng parusa. Sa likod ng bawat pagtakas ay isang kuwento. Isang kuwento ng mga hamon, pangangailangan, at mga tinig na hindi naririnig.

Ayon sa Supreme School Learners Government (SSLG) Handbook, nakasaad dito ang polisiya na “Ang paglabas ng silid-aralan o bakuran ng paaralan sa oras ng klase ay di pinapayagan.”

at itinatapon sa tamang lalagyan. Para sa akin pasikat lang naman sila dahil nila kayang panagutan ang kanilang mga responsibilidad. Dahil diyan, sumasalungat din sila sa batas na Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management o Act of 2000 na nagtataguyod ng responsibilidad sa wastong pangangalaga sa kapaligiran. Ang isang lider na hindi marunong dumisiplina sa kanyang sarili ay hindi rin magiging isang mabuting lider.

Huwag nating hayaang masira ang dignidad ng YES-O dahil sa ibang lider sa irresponsable bagkus gamitin natin ang Republic Act No. 9163 at Republic Act No. 9003 bilang gabay upang gawing matibay at mas makabuluhan ang mga hakbang ng organisasyon. Kung may pagkakaisa at tamang disiplina maaring itaguyod muli ng YES-O ang kanilang pangalan at maipapakita nila ang tunay na lider na may disiplina sa kalikasan at kapaligiran hindi lang iyan, kundi pati narin sa kanilang mga sarili.

Ang alitan sa pagitan ng MarcosDuterte ay hindi lamang isang personal na isyu, kundi isang salamin kung papaano tumatakbo ang Sistema ng politika sa bansa. Sinasalamin nito ang hindi maayos na pamumuno na naging dahilan ng pagkakawatak-watak ng estado at mga mamamayan. Ano ang kahihinatnan ng ganitong hidwaan? Sa palagay niyo ba’y ikauunlad ito ng ating bansa?

Bilang isang estudyante ng Commonwealth National High School (CNHS), marami paring estudyante na nag-aaral dito na palaging tumatakas sa bakod ng paaralan. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, maraming dahilan kung bakit tumatakas ang mga estudyante. Ano nga ba ang dahilan ng problemang ito?

Maaaring dahilan ito sa pang-aapi ng mga kaklase o guro, kahirapan sa tahanan na nagtutulak sa kanila na maghanap ng paraan upang kumita, o ang simpleng pagnanais na makatakas sa presyon ng akademya. Ang ilan ay maaaring naghahanap ng pakiramdam ng kalayaan at pagsasarili, lalo na sa mga kabataan na nag-explore pa lamang ng kanilang identidad na pwedeng humantong sa pakikipaghalubilo sa barkadang may mga bisyo. Ang mga dahilan ay maaaring magkakaibaiba, ngunit ang resulta ay pareho, ang pagkawala ng isang mahalagang bahagi ng kanilang edukasyon at ang panganib sa kanilang kaligtasan.

Hindi maganda ang magiging epekto ng ganitong isyu sa bansa? Pamahalaan, at mamamayan, dahil nagkakaroon ng paksyon ang mga Partido. Bukod pa dito, naapektuhan ang takbo ng ekonomiya, politika, at pamumuhay ng mga tao. Marahil ang iba sa inyo ay iba ang pananaw sa isyung ito ngunit kung magpatuloy ang problemang ito, walang dahilan para umunlad ang ating bansa. Nasa ating kultura na imbes tayong mga kapwa Pilipino ang nagtutulungan, tayo ang gumagawa

Hindi sapat ang pagpapataw ng parusa sa mga estudyanteng tumatakas. Kailangan nating harapin ang ugat ng problema. Kaya ito ay nangangailangan ng isang multi-faceted na solusyon upang mabawasan ang ganitong uri ng isyu na kinakaharap ng bawat indibidwal. Kagaya na lang ng pagpapahusay ng suporta sa mga estudyante, pagpapalakas ng ugnayan sa mga magulang, paglikha ng ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan, at pagsusuri sa kurikulum at mga pamamaraan sa pagtuturo. Ang pagtakas sa paaralan ay isang malaking problema na nangangailangan ng malaking solusyon. Hindi kasi ito isang isyu na maaaring balewalain, kundi isang isyu na dapat lutasin. Kaya kinakailangan ng kooperasyon ng paaralan, magulang, at pamahalaan upang matugunan ang problemang ito at matiyak ang kaligtasan at edukasyon ng bawat estudyante. Ang panawagan ay malakas, at ang oras upang kumilos ay ngayon na.

ng dahilan para hilain paibaba ang mga taong umaasenso. Walang dahilan para umunlad ang ating bansa kung sa kultura pa lang natin tayo’y naghihilaan pababa. Dapat nating ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan. Isantabi muna ang politikal na adhikain at isipin ang ikabubuti at ika-uunlad ng bansa. Walang mabuting maidudulot ang ganitong hidwaan bagkus mas lalong nagdudulot ito ng hindi pagkakaisa. Tayo’y magtulungan, huwag maghilaan upang kaunlaran na ating inaasam ay makamtan.

Angelo B. CABELLON
JESSICA E. ONJANO
Opisyal na Pamahayagan ng Commonwealth National High School

Lathalain para saLiham Kanya

Kumusta ka na? ayos ka lamang ba riyan? Nasasabik na akong makapagsulat muli ng liham para sa’yo. Kumusta ka riyan? Nakakain ka ba ng maayos? Masarap ba ang iyong mga kinain diyan? Nakakatulog ka ba ng maayos? Malambot ba ang iyong higaan? Alam mo, nasasabik na akong makita ka at sumbatan sa iyong pagmumukha sa lahat ng kakulangan mong nagagawa sa bansa!

Aming mahal na Pangulong Ferdinand Marcos Jr, isang malaking pagpupugay para sa inyo. Bakit kaya ang hina ng taktika natin kapag may hinaharap na suliranin? Bakit tila hindi nararamdaman ng mga mamamayan ang sinasabing “bagong-mukha?” Bakit pa kaya natin ipinapangako ang mga repormang imposible naman palang magawa? Isang saludo ang maibibigay ko sa kagalingan mong manggamit ng tao.

Ikaw ay isang lamesang matibay na nakatayo dahil sa iyong mga paa. Ngayon unti-unti mong pinuputol ang nakatukod, tiyak kong darating ang araw, babagsak ka. Paano tatayo ang lamesa kung wala itong mga paa? Ikaw ang liwanag at ilaw na naging pag-asa nila sa simula, ngunit ngayon

ang tunay mong kulay ay unti-unting nailantad sa madla. Mahal kong Pangulo, wala akong ibang hangad kundi ang makapaglakad ng malaya ang mga kababaihan sa gabi; malayang makapaglaro ang mga bata sa labas, at makagalaw nang hindi napapraning sa takot sa labas. Ikintal mo sa iyong isip ang Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto sa bilang 8. “Ipagtanggol mo ang inaaapi; kabakahin ang umaapi. Bilang Presidente na nanumpa sa Republika ng Pilipinas, isapuso mo ang bilin ni Andres Bonifacio, “Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib, kahit mapilitang ihandog mo man ang sariling buhay at yaman.”

Ako ay isa lamang ordinaryo mong mamamayan, ngunit ako ang isang Pinay na may dangal, may boses at higit sa lahat, may pagmamahal sa aking bayan. Tumayo ka sa iyong upuan at kami’y masdan. Habang ang aking tinta ay umaagos sa papel na ito, nawa’y katulad ko ay nagugunita mo rin ang kanilang dakilang sakripisyo. Kaya’t pakiusap mag serbisyo ka ng totoo, hindi dahil sa kayamanang natatamo, kundi dahil sa buong puso mong pagmamahal sa bayan ko------ PILIPINAS

Sa tahimik na sulok ng Aurora West, ang Commonwealth National High School ay tila isang munting tanglaw sa gitna ng kadiliman. Bagamat binabalot ng hamon ang bawat araw, ang kakulangan sa kagamitan, at ang tila walang katapusang laban para sa kaalaman, hindi kailanman nagkukulang ang paaralang ito ng pag-asa.

Ang bawat silid-aralan ay may kwento ng pangarap. Ang mga guro, bagamat madalas ay pagod, ay nananatiling masikhay, tulad ng liwanag ng kandila na kahit gaano kaliit ay nag-aalay ng init, liwanag at gabay. Samantalang, ang mga mag-aaral ay tila binhi ng mga punong itinatago ng lilim sa dilim,

Liwanag

Karimlan sa

ay nagsisikap umahon mula sa kahirapan at kamangmangan, umaasang balang araw ay aabot sa bahaghari ng tagumpay.

Ngunit ang dilim ay hindi mananatili magpakailanman. Sa bawat patak ng pawis,

luha at puyat na iniaalay ng bawat guro, magulang, at ng mga magaaral, isang bituin ang unti-unting nabubuo sa kamay ng Commonwealth. Sa bawat sulok ng paaralan, sa bawat pader na minsan ay nagiging saksi ng paghihirap, ay umuusbong ang mga pangarap na hindi matitinag sa pagsubok ng panahon at oras. Ang madilim na kabanata ng paaralan ay simula lamang para sa mas maliwanag na kinabukasan. Tulad ng araw na palaging sumisikat sa kabila ng napakahabang gabi, naniniwala ako bilang CNHSians na ang liwanag ay darating, hindi lamang para sa akin kundi para sa lahat ng mga naniniwala at patuloy na nakikidigma sa pagsubok.

CHELME VEDZ PARAGAMAC
JOVELYN M. CANOOG

sa bawat Ang Nakakubling Yabag bukas

Sa bawat hakbang patungo sa ating mga pangarap, hindi maiiwasan ang mga balakid na susubok sa ating lakas at determinasyon. Ang bawat isa sa atin ay may sariling kwento ng pagsusumikap at tagumpay. Sa gitna ng kahirapan at kawalan ng katiyakan, ang tapang at tibay ng loob ang nagiging gabay upang maabot ang hinahangad. Ang kwento ni Angelo A. Lamar ay isa sa mga kwentong ito—isang kwento ng inspirasyon at hindi matitinag na pananampalataya sa mas magandang bukas.

Si Angelo A. Lamar, isang Grade 12 HUMSS student mula sa Commonwealth National High School, ay hindi lamang isang ordinaryong estudyante. Siya ay nakatira sa Purok 1, Balintawak, Aurora, Zamboanga del Sur at panganay sa tatlong magkakapatid. Sa kanyang simpleng anyo at palangiting mukha, sino ang mag-aakalang may bigat ng kwentong nakatago sa likod nito? Ang bawat araw niya ay kwento ng sakripisyo at pagsusumikap. Araw-araw, nilalakad ni Angelo ang mahigit isang oras at tatlumpung minutong distansya mula sa kanilang tahanan patungo sa paaralan, kasama ang kanyang nakababatang kapatid. Gigising sila ng alas-tres ng madaling araw upang maghanda at makarating sa klase nang hindi nahuhuli. Mula elementarya hanggang ngayon, ang mahabang paglalakad na ito ay bahagi na ng kanilang buhay.

Bagama’t napapagod at minsang naiinggit sa mga kaklase niyang mas maginhawa ang biyahe, nananatili siyang

determinado. Simple ang kanilang pamumuhay—ang ama ni Angelo ay isang hardinero, at ang ina naman ay inaasikaso ang kanilang tahanan. Ang kita ng kanilang pamilya ay sapat lamang para sa pangaraw-araw na pangangailangan. Kaya’t ang pangarap na magkaroon ng sariling sasakyan ay tila isang malayong bituin.

Ngunit hindi kailanman naging dahilan ang kahirapan para huminto si Angelo. Sa kabila ng lahat, patuloy niyang sinisikap tuparin ang kanyang pangarap na maging isang doktor. Hindi lamang ito para sa kanya kundi para maitaguyod ang kanyang pamilya at suklian ang sakripisyo ng kanyang mga magulang. Ang bawat hakbang na tinatahak niya araw-araw ay hindi lamang pisikal na paglalakbay kundi simbolo ng kanyang pagtitiyaga at pananampalataya sa hinaharap. Ang kwento ni Angelo ay sumasalamin sa katotohanan ng marami sa atin. Sa gitna ng mga pagsubok, ang pagsusumikap at pananampalataya ang nagtutulak sa atin upang huwag sumuko. Ang kanyang bawat yabag ay nagpapaalala sa atin na gaano man kahirap ang daan, ang mga pangarap ay abotkamay sa mga handang magsakripisyo. Mula sa kwento ni Angelo, natutunan natin na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa distansyang nalakbay kundi sa tapang na ipinakita sa bawat hakbang. Tunay na ang bawat apak, gaano man kabigat, ay may patutunguhan—isang mas maliwanag na bukas na puno ng pag-asa.

WaLANGKAtulad na Kanlungan

Sa bawat paaralan, laging may mga tagong pook na nagiging kanlungan ng mga estudyante—mga lugar na tahimik ngunit puno ng kwento at kahulugan. Sa Commonwealth National High School, natagpuan ko ang ganoong lugar: sa ilalim ng puno ng langka. Hindi lamang ito isang tanawin; ito’y isang kanlungan ng kapayapaan, katahimikan, at inspirasyon.

Ang ilalim ng puno ng langka ay tila isang natural na obra maestra. Napalilibutan ito ng luntiang halaman at nilililiman ng malalabay na sanga. Ang mga upuang nakapalibot dito ay tila nag-aanyaya sa sinuman na maupo, huminga nang malalim, at damhin ang presensya ng kalikasan. Ang malamig na simoy ng hangin ay parang isang bulong na sinasabi, “Huwag kang susuko. Pahinga ka muna.” Ang mga matang napapagod at pusong nabibigatan ay tila gumagaan sa bawat haplos ng hangin at liwanag ng lilim. Hindi lamang ito isang lugar ng pahinga. Ang puno ng langka ay

saksi rin sa masasayang kwentuhan, tahimik na pagmumuni-muni, at masiglang tawanan. Sa ilalim nito, makikita ang kagalakan sa mga mata ng mga estudyante—isang kaligayahang hatid ng pagiging malapit sa kalikasan. Ang lugar na ito ay parang tahimik na tagapagalaga na nagbibigay ng lakas sa bawat bumibisita.

Bagama’t payak ang anyo nito, taglay nito ang hiwagang mahirap ipaliwanag. Walang makintab na palamuti o magarbong istruktura, ngunit ang katahimikan at kagandahan nito ay bumabalot sa bawat dumadako rito. Ang bawat sanga, dahon, at lilim ay tila may dalang paalala: ang buhay ay puno ng mga simpleng biyaya na madalas nating nakaliligtaan.

Sa ilalim ng puno ng langka, natutunan ko ang halaga ng sandaling pahinga at katahimikan. Ang lugar na ito ay isang paalala na, sa gitna ng kaguluhan ng buhay, palaging may espasyong nag-aalok ng kapayapaan. Tunay ngang “Wa LANGKA Tulad na Kanlungan,” dahil wala nang hihigit pa sa tahimik na yakap ng kalikasan sa mga pagod na puso.

Ang lilim

MARIANNE EDA B. MABOLOC
LIKAS NA PARAISO:
ng langka, tahanan ng mga tahimik na kuwento.

Sa Likod ng Maskara Lathalain

ng

KSP

Unlocking the Secrets of a Lonely Heart

Nakakita ka na ba ng batang tila laging naghahanap ng atensyon sa klase? Parang mga paru-paro na hindi mapakali sa isang hawla, ang mga batang ito ay madalas maghanap ng paraan upang mapansin.

Tinatawag natin silang "KSP" – kulang sa pansin. Ngunit sa likod ng kanilang maingay at minsan nakakainis na paguugali, maaaring may mas malalim na dahilan kung bakit sila ganito. Ang pag-unawa sa mga ugat ng kanilang paguugali ang susi upang sila’y matulungan.

Halimbawa si Conan. Bagama’t nabubuhay siya sa karangyaan, maaaring nakakaramdam siya ng hindi pagkakatanggap. Inihahambing niya ang sarili sa kanyang mas matalinong kapatid, kaya’t nadarama niyang hindi siya sapat. Sa halip na ipakita ang kanyang kakayahan sa positibong paraan, nagiging "KSP" siya bilang paraan upang makuha ang pagkilala at pagmamahal na hinahanap. Marahil ay pinipilit din siya ng kanyang mga magulang na maging perpekto, dahilan upang gumamit siya ng hindi pangkaraniwang paraan para maibsan ang presyur. Sa ganitong sitwasyon, ang paghahanap ng pansin ay nagiging bahagi ng proseso ng pagtuklas niya ng sariling identidad sa mundong puno ng inaasahan.

Sa likod ng marangyang buhay ni Conan, nagiisa siya sa kanilang napakalaking mansyon. Habang naglalaro ng video games, madalas siyang mahuling nakatitig sa kawalan, tila naghahanap ng bagay na hindi kayang ibigay ng materyal na kayamanan. Uhaw siya sa tunay na pakikipag-ugnayan—isang yakap na nagsasabing siya ay mahalaga. Sa paaralan, napipilitan siyang gumawa ng nakakagulat na kilos para mapansin. Para kay Ma’am C, malinaw na ang kaguluhang idinudulot ni Conan ay isang sigaw ng kanyang puso na naghahanap ng koneksyon at pagmamahal.

Ang mga batang naghahanap ng pansin ay hindi lamang pasaway—sila ay mga indibidwal na nangangailangan ng pag-unawa at pagmamahal. Sa likod ng kanilang maingay na kilos, naroon ang isang batang sumisigaw para sa tulong. Sa paaralan, makikita natin silang patuloy na nagtataas ng kamay kahit hindi naman sila tinatawag. Sa bahay, madalas silang magiyak nang walang dahilan o magsinungaling upang makuha ang atensyon ng kanilang mga magulang. Ano kaya ang nararamdaman ng isang batang laging pakiramdam ay hindi sapat? Paano natin sila matutulungan?

Bilang mga magulang, guro, at miyembro ng komunidad, mahalaga ang ating papel sa pagtulong sa mga batang ito upang mahanap nila ang kanilang lugar sa mundo. Maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng pakikinig nang walang paghatol, pagbibigay ng positibong puna, at pagtuturo ng malusog na paraan ng pagpapahayag ng emosyon. Ang bawat bata ay tulad ng isang binhi— may kakayahang mamukadkad kung bibigyan ng wastong pangangalaga at paggabay. Magtulungan tayo upang lumikha ng isang mundo kung saan nararamdaman ng bawat bata na sila’y mahalaga. Maglaan tayo ng oras upang makipag-ugnayan sa kanila, makinig sa kanilang kwento, at bigyan sila ng suporta. Sa ating simpleng pagkilos, maaari tayong maging bahagi ng pagbabago.

Kislap

Agham at Teknolohiya

Teleskopyo ng Paaralan, Tuklasin Natin ang Kalawakan!

sa mas maliwanag na kinabukasan?

Ang teleskopyo ay isang mahalagang kasangkapan sa larangan ng astronomiya na nagtitipon at nagtutuon ng liwanag. Ang mga teleskopyo (daksipat) ay tila nakapagpapalaki at nakapagpapalapit ng mga bagay na nasa malayo.

Tank You!

Ang kakulangan ng sapat at malinis na suplay ng tubig ay matagal nang isang hamon sa paaralan na nakakaapekto sa kalinisan, kalusugan at sa pangkalahatang pag-aaral ng mga mag-aaral. Ngunit hindi na dapat mangamba, dahil may bagong water tank na ang ibibida!

Ang proyektong pagtatayo ng bagong water tank sa Commonwealth National High School (CNHS) ay hindi lamang isang simpleng proyekto, kundi para ito sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon. Ito ay ipinagkaloob ng ating mga gurong masigasig para sa lahat ng mga kabataang nag-aaral dito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), na ang sapat na suplay ng malinis na tubig ay may malaking epekto sa kalusugan at kalinisan ng mga magaaral at kawani. Bago ang pagtatayo ng water tank, ang kakulangan ng tubig ay nagdulot ng mga problema sa kalinisan ng mga banyo at silidaralan. Ngunit ngayon, ang regular na paglilinis ay nagiging mas madali at epektibo na nagpapababa ng panganib ng mga sakit na dala ng dumi. Ang pag-access sa malinis na tubig para sa pag-inom ay nagpapabuti rin sa

kalusugan ng mga magaaral, na nagreresulta sa mas mataas na antas ng pagdalo sa klase at pagganap sa pag-aaral. Ang pagpapabuti ng kalinisan at kalusugan ay may direktang epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang mas komportableng kapaligiran sa paaralan ay nagtataguyod ng mas produktibong pag-aaral. Ang ipinagkaloob sa atin ng mga guro ay nagbibigay na sapat na suplay ng tubig ay nagbibigay ng malaking tulong upang maging malusog sa loob ng paaralan. Ang bagong water tank sa CNHS ay isang halimbawa ng kung paano ang simpleng teknolohiya ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa edukasyon at kalusugan. Ito ay isang pamumuhunan sa kalusugan, kalinisan, at pag-unlad ng mga magaaral. Ang proyektong ito ay isang patunay na ang isang malaking “Tank You” ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago.

Ayon kay Gng. Jenniely F. Roxas, isang Science Teacher at isa ring tagapamahala ng Science Laboratory, na sa paaralan ng Commonwealth National High School (CNHS), meron tayong isang teleskopyo na pwedeng magamit sa lahat ng mga mag-aaral upang mas mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman sa kalawakan. Marami ng mga estudyante ang nakagamit na nito at halos sa kanila ay gusto pang mag-aral at matuto.

Ano nga ba ang mga benepisyo nito?

May maraming

benepisyo na ating makukuha sa paggamit ng teleskopyo.

*Una, ito ay nagbibigay ng hands-on na karanasan sa pagaaral ng astronomiya, na nagpapalalim sa kanilang pag-unawa sa kalawakan higit pa sa simpleng pagbabasa ng mga aklat o panonood ng mga video.

*Pangalawa, ito ay nagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan sa STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) sa pamamagitan ng praktikal na aplikasyon ng mga konsepto na natutunan sa silid-aralan.

*Pangatlo, ang paggamit ng teleskopyo ay maaaring mag-udyok ng interes sa agham at teknolohiya, na maaaring humantong sa pagtuklas ng mga bagong hilig at karera.

Ang proyektong ito

ay nagtataguyod ng pagtutulungan at pakikipagugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral at guro habang sama-sama nilang tinutuklasan ang mga himala sa ating kalawakan. Ang pagkakaroon ng telebisyon sa paaralan ay hindi lamang isang mahalagang kagamitan para sa pag-aaral ng astronomiya, kundi isang makapangyarihang kasangkapan para sa pagpapalawak ng kaalaman at interes ng mga magaaral sa agham. Ito ay hindi lamang nagsisilbing bintana sa kalawakan kundi pati rin sa mga posibilidad na maaaring matamo ng mga mag-aaral sa hinaharap. Ang pamumuhunan sa teleskopyo ay isang pamuhunan sa kaalaman, inspirasyon, at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan.

JESSICA E. ONJANO

Agham at Teknolohiya

LIGTAS AT ALISTO:

CCTV Bilang Kaagapay sa Silid-Aralan

Paano natin matitiyak na ligtas ang ating mga mag-aaral sa loob ng silidaralan? Ito ang isang mahalagang tanong na patuloy na hinahanap ang solusyon. Sa makabagong panahon, ang Closed-Circuit Television (CCTV) ang naging epektibong teknolohiya upang matugunan ang isyung ito.

Halina’t ating alamin kung ano nga ba ang CCTV. Ang CCTV ay naimbento ni Walter Bruch, isang Aleman na electrical engineer at unang ginamit noong 1942 sa Germany upang kumuha ng live sa video footage. Ginamit ito upang panatilihin ang seguridad sa paligid at makakuha ng visual na tala sa mga aktibidad ng tao.

Chatgpt:

Isa sa mga silidaralan ng Commonwealth National High School o CNHS ang Grade 10- Wisdom kung saan gumagamit ng CCTV. Ito ay dahil sa inisyatiba ng kanilang tagapayo na si Gng. Brigette A. Denoy. Aniya” sinisiguro ko na sa loob ng aming klasrum ay masiguro ang seguridad ng aking mga mag-aaral at maiwasan ang mga insidente na nagaganap sa loob tulad na lamang ng bullying o pagnanakaw o anumang krimen. Ang proyektong ito ay aprobado sa lahat ng mga magulang ng ika-sampung baitang, seksyon Wisdom at ng punongguro ng CNHS. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng disiplina dahil ang mga mag-aaral ay magiging mas maingat sa kanilang mga aksyon sapagkat maaaring

masubaybayan ang bawat galaw sa silid-aralan. Ang CCTV ay nagsisilbing gabay para sa mga guro upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Sa madaling sabi, ang CCTV ay isang mahalagang kasangkapan na nagpapanatili sa ligtas at produktibong kapaligiran sa mga silidaralan ng paaralan. Gayunpaman, mahalagang tiyakin na ang paggamit nito ay alinsunod sa wastong pamantayan at may pagsasaalangalang sa karapatan ng bawat isa. Sa ganitong paraan, magiging tunay na kaagapay ang CCTV sa pagsulong ng ligtas, disiplinado at produktibong kapaligiran hindi lamang sa paaralan pati na rin sa labas o publiko.

Teknolohiyang Higit pa sa Inaasahan

Sa modernong panahon, lahat nagbabago, hindi lamang sa teknolohiya pati narin sa implementasyon ng mga pagkain lalo na sa loob ng mga paaralan. Binago na ang sistema’t serbisyo sa mga kantina. Ngunit ito ba’y nakakatulong?

Sa anong paraan? May epekto din kaya ito sa kalusugan?

Upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, naglabas ang Departamento

Bagong Sistema, Bagong Serbisyo sa Kantina

Sa modernong panahon, lahat nagbabago, hindi lamang sa teknolohiya pati narin sa implementasyon ng mga pagkain lalo na sa loob ng mga paaralan. Binago na ang sistema’t serbisyo sa mga kantina. Ngunit ito ba’y nakakatulong? Sa anong paraan? May epekto din kaya ito sa kalusugan? Upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, naglabas ang Departamento ng Edukasyon ng panibagong polisiya para sa wastong pamamahala ng mga kantina sa paaralan. Nakasaad sa mga alituntunin na dapat maayos at maingat, maaaring ito’y pinamahalaan ng paaralan mismo basta’t sinusunod ang mga pamantayan sa kalinisan, tamang pangangasiwa at tamang paggasta ng pundo. Ika nga

ni Gng. Ailyn Dela Torre, ang canteen manager ng CNHS, “previous years, canteen was managed by Teachers’ cooperative but since hindi ito registered ng COA at batay din sa Deped Memo No. 8, s. 2007, na ang mamamahala ay ang School dapat. Pangunahing layunin din ng patakaran ang pagpapatupad ng “no junkfoods, no softdrinks policy”, na alinsunod sa DepED Order No.13, s. 2017.

Ipinapakita nila ang dedikasyon sa pagsunod nang bagong polisiya na maging hakbang patungo sa mas maayos na pamamahala ng kantina. Hindi lamang tungkol sa kaayusan ng kantina ang bagong sistema, kundi ito rin ay paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at maitaguyod ang kalusugan sa loob ng paaralan.

ng Edukasyon ng panibagong polisiya para sa wastong pamamahala ng mga kantina sa paaralan. Nakasaad sa mga alituntunin na dapat maayos at maingat, maaaring ito’y pinamahalaan ng paaralan mismo basta’t sinusunod ang mga pamantayan sa kalinisan, tamang pangangasiwa at tamang paggasta ng pundo. Ika nga ni Gng. Ailyn Dela Torre, ang canteen manager ng CNHS, “previous years, canteen was managed by Teachers’ cooperative but since hindi ito registered ng COA at batay din sa Deped Memo No. 8, s. 2007, na ang mamamahala ay ang School dapat. Pangunahing

layunin din ng patakaran ang pagpapatupad ng “no junkfoods, no softdrinks policy”, na alinsunod sa DepED Order No.13, s. 2017.

Ipinapakita nila ang dedikasyon sa pagsunod nang bagong polisiya na maging hakbang patungo sa mas maayos na pamamahala ng kantina. Hindi lamang tungkol sa kaayusan ng kantina ang bagong sistema, kundi ito rin ay paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at maitaguyod ang kalusugan sa loob ng paaralan.

SHIENNA ROSE P. OLIS
STEVE RUSSEL SUSON
SHIENNA ROSE P. OLIS

“Mga Guro, Bida sa Fun Run!”

Dalawang dedikadong guro ang nagpakita ng kanilang pagsuporta sa kalusugan at pisikal na aktibidad sa pamamagitan ng pagsali sa mga Fun Run sa Zamboanga del Sur, na nagbigay inspirasyon sa kanilang mga estudyante at kasamahan.

Si Gng. Brigette Denoy, 33 taong gulang at isang Teacher III sa Commonwealth National High School, ay lumahok sa 3-kilometrong kategorya sa isang fun run na ginanap sa Molave, Zamboanga del Sur. Ang kaganapan ay bahagi ng anibersaryo ng Cinema at Central Hypermarket. Pinatunayan ni Gng. Denoy ang kanyang kasipagan nang

makakuha siya ng medalya at mga premyo tulad ng grocery items, t-shirt, at iba pa. Ang kanyang pakikilahok ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapanatili ng pisikal na kalusugan at pakikilahok sa komunidad.

Samantala, si Bb. April Lou Martorillas, 26 taong gulang at isang Teacher I din ng CNHS, ay sumabak sa 5-kilometrong hamon (run for a cause) sa Aurora, Zamboanga del Sur. Nakasungkit din si Bb. Martorillas ng medalya sa pagkilala bilang finisher ng 5km. Ang kanyang partisipasyon ay nagpapakita ng kasiglahan at enerhiya ng mga batang guro na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga estudyante.

Ang mga fun run na ito ay hindi lamang nagdiwang ng pisikal na kalusugan kundi nagpapatibay din ng pagkakaisa at diwa ng komunidad. Kapwa nagbahagi ng kanilang

kasiyahan at kasiyahan ang dalawang guro sa pagsali sa mga aktibidad, na umaasang maengganyo rin ang iba na magkaroon ng aktibong pamumuhay.

Pagbati sa mga BAGONG

naitaas na POSISYON!

Ang kanilang pakikilahok ay isang paalala na ang mga guro ay hindi lamang mga tagapagturo sa akademya kundi mga tagapagtaguyod din ng kabuuang kagalingan.

Si Gng. Brigette Denoy
Bb. Martorillas
AL DI LA FILOMENITA T. BAJUYO, RN, EdD PRINCIPAL – III
CHELOUVIE T. BASIGA Teacher – III
BRELDA JEAN S. MENCHAVEZ Teacher – III
JUNARD P. CENIZA Teacher – III
PATRICE JEAN A. MOSQUEDA Teacher – III
JEMMA A. ARABIS Teacher – III
GERTRUDE R. OPELEÑA Teacher – III
MARLYN P. ARABIS Teacher – III
RUFINA A. QUIETA Teacher – III
BRIGETTE A. DENOY Teacher – III
DARYLL ANN R. SEVA Teacher – III

i Sp rts Kislap

CNHS Baby Archers, Dinomina ang ANHS Hoopers sa Palarong Pambayan

Brgy. San Jose, Aurora – Ipinakita ng CNHS Baby Archers ang kanilang lakas at husay sa Basketball Secondary Girls matapos talunin ang ANHS Hoopers sa iskor na 38-8 sa ginanap na Palarong Pambayan. Ang laban ay ginanap sa Brgy. San Jose Covered Court at sinaksihan ng mga taga suporta ng bawat koponan mula sa magkaibang distrito.

Sa pagsisimula ng laro, ipinakita ng CNHS ang solidong depensa laban sa katunggaling paaralan na nagresulta sa magandang opensa. Mabilis

na umarangkada ang Baby Archers dala ang kanilang pamatay na shooting skills at halimaw na rebounding sa ilalim. Nahirapan ang kabilang koponan na kontrolin ang rebound sa ilalim at makakuha ng puntos sa dahil sa laki at agresibong manlalaro ng CNHS. Pagdating ng second half, hirap pa ring makabutas sa opensa ang ANHS dahil sa kabi-kabilang turnovers at traveling violations. Sa kabilang banda patuloy pa rin ang pananalasa ng Baby Archers upang iangat ang kalamagan sa trenta puntos (30 pts). Matinding hiyawan ang ipinamalas ng mga taga suporta ng CNHS sa tuwing

nagkakaroon ng puntos ang koponan dahilan upang magbigay ng lakas sa mga manlalaro.

Sa huling isang minuto ng laro, sinubukan ng ANHS Hoopers na makabalik sa laro mula sa pagkakatambak ngunit hindi na nila kinayang habulin ang isang buwang kalamangan ng CNHS. Nanguna sa laro ang Grade 10 student na si Chavel Canaza mula sa kanyang inside at outside shooting.

Sa pagtatapos ng laro, nagkamayan ang mga manlalaro ng bawat koponan bilang pagpapakita ng sportsmanship at binati ang bawat isa dahil sa ipinakitang nakakagulat na laban.

CNHS Volleyball Girls Winalis ang LNHS, 2-0

MANILYN JANE V. MABANO

Ang mga babaeng manlalaro ng volleyball ng Commonwealth National High School (CNHS) ay matagumpay na nakakuha ng puwesto bilang mga kwalipikado para sa 2024 Municipal Meet. Matapos ang kahanga-hangang pagganap sa District Meet na ginanap sa CNHS volleyball court noong Nobyembre 22–23, 2024, nanatiling walang talo ang koponan ng CNHS, na nagdadala ng karangalan at pagmamalaki sa kanilang paaralan. Sa likod ng kanilang mantra, “Kaya natin ito!” pinatunayan ng koponan ang kanilang determinasyon at umangat bilang mga kampeon.

Habang naghahanda para sa nalalapit na Municipal Meet sa Disyembre 13–14, 2024, nakatuon ang koponan sa pagpapalakas ng teamwork at pagpapanatili ng bukas na isipan. Ang mga halagang ito ang nagbibigay-daan upang mas mapatatag nila ang kanilang samahan at maging handa sa mga hamong darating.

Sa kabila ng ilang paunang pagdududa, kumukuha ng inspirasyon ang koponan mula sa kanilang kapitan na si Warth Rose Arias, na palaging nagbibigay sa kanila ng mga salitang nakapagpapalakas ng loob: “Magtiwala lang tayo sa Diyos; kaya natin ito!” Ang hindi matinag na

suporta na ito ang nagpatibay ng kanilang kumpiyansa, na nagbigay-daan upang buong pagmamalaki nilang katawanin ang CNHS. Ang mga babaeng volleyball players ng CNHS ay nakatuon sa kahusayan. Inilalaan nila ang kanilang sarili sa masinsinang mga sesyon ng praktis at ibinibigay ang kanilang pinakamahusay na pagsisikap, anuman ang resulta. Ang kanilang katatagan at sipag ay makikita habang patuloy silang nagsusumikap na mag-improve.

Matapos ang kanilang tagumpay sa District Meet, ang koponan ay puno ng kagalakan at pagmamalaki. Samantala, ang kanilang mga kalaban mula sa Lantungan National High School (LNHS) ay umalis ng court na kitang-kita ang pagkadismaya, kasama ang kanilang coach, matapos ang isang mahigpit na laban laban sa koponan ng CNHS. Ipinahayag ni Coach

Daryll Ann Seva ang kanyang pagmamalaki sa pagganap ng koponan: “Sa unang laro, nakamamangha ang kompetisyon. Hindi inaasahan ang pagkapanalo, ngunit napakaproud ko sa inyong lahat.” Sa boost ng kumpiyansang ito, mas pinaiigting ng mga babaeng volleyball players ng CNHS ang kanilang paghahanda para sa Municipal Meet na gaganapin sa oval.

Masayang-masaya ang head coach ng CNHS Baby Archers na si Gng.Robert O. Cabatingan dahil sa pagkapanalo ng koponan sa kauna-unahang pagkakataon sa Palarong Pambayan.

Kalaban, pinakain ng alikabok! OPORTO,

Panalo!

MANILYN JANE V. MABANO

Nanalo si Ray Oporto mula sa Commonwealth National High School bilang kampeon sa 5K na takbuhan sa ginanap na Qualci Meet noong Enero 3, 2024. Ang prestihiyosong kaganapan ay tinampukan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ng Qualci 3. Ipinakita ni Oporto ang kanyang galing at tibay sa buong ruta, nangunguna mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng takbuhan. Ang kanyang pagtatapos ay nakapagbigay ng malaking karangalan hindi lamang sa

kanyang paaralan kundi pati na rin sa buong Distrito ng Aurora West.

Tinutukoy si Oporto bilang isang rising star sa larangan ng atletiks, at ang kanyang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na magpursige at magtagumpay sa larangan ng sports.

Ang Qualci Meet ay isang taunang kaganapan na layuning paunlarin ang kakayahan ng mga kabataang atleta sa iba’t ibang sports, at nagbigay daan kay Oporto upang ipakita ang kanyang husay sa takbuhan.

ANGELO B. CABELLON

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.