Ano angQCHD
Ang Quezon City Health Department (QCHD) ay ang departamentong nagsisilbing frontliner sa pampublikong kalusugan ng Quezon City. Binibigyang-pansin nila ang mga isyung pangkalusugan ng buong lungsod. Alinsunod dito, namamahagi sila ng nararapat na healthcare services. Sa pamamagitan ng edukasyon, polisiya, at pananaliksik; naisasakatuparan ng QCHD ang pagprotekta at pagtugon sa kabuuang pangkalusugan ng lahat ng komunidad sa buong lungsod ng Quezon City.
Layunin
Ang pangunahing layunin ng QCHD ay ang makapagbigay ng dekalidad at komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad. Pangitain ng departamentong ito ang matamasa ang “health for all, health in the hands of the people.” .

Quezon City Health Department









Birth Control Methods ng QCHD


Implant removal
Non-scalpel vasectomy
IUD insertion and removal




Provision of DPMA injectables
Provision of combined oral contraceptives
Teaching of standard days method
Provision of male condoms
Porsyento ng pagkaepektibo
Contraceptive implants
99.95%
Non-scalpelvasectomy
99.85%
Hormonal IUDs

99.8%
Copper IUDs
99.2% Injectables
94%
Standard days method
88%
Birth control pills
91%
Male condoms
82%
Management of side effects due to use of Family Planning Method
Breast Examination
Insert tex here
Visual inspection with Acetic Acid for cervical cancer screening
Pre-Marriage Counseling
PhilHealth enrollment
Referral of men and women to bilateral tubal litigation or BTLs
Iba pang mga binibigay na serbisyo
MISCONCEPTIONS

MYTH FACT
Nakadudulot ng fetal abnormalities ang paggamit ng oral contraceptives.
Mababa ang panganib ng fetal abnormalities batay sa mga pananaliksik. Kung mabubuntis man ang babae, ang panganib na magkaroon ng
komplikasyon ay pareho lang sa pangkalahatang populasyon. Hindi rason ang paggamit ng kontrasepsyon.
May negatibong epekto sa libido at performance ang paggamit ng kontrasepsyon.
Ang libido ay nakasalalay sa mga indibidwal at sa kanilang mga kalagayan. Ipinaliwanag ng Kagawaran ng Kalusugan na ang mga contraceptive sa pangkalahatan ay hindi nakakabawas sa sekswal na pagnanais o paggana.
Ang pangmatagalang paggamit ng family planning methods ay nagdudulot ng pagkabaog o infertility.
Nagpapatuloy ang regla ng
babae sa regular na iskedyul kapag itinigil niya ang
paggamit ng contraceptive, kung kaya’t bumabalik ang kakayahang magbuntis ng mga babae kapag nagpasya silang
magkaroon ng anak at tinigil nila ang paggamit ng kontrasepsyon.
MYTH FACT
Ang family planning ay may negatibong epekto sa kalusugan ng babae.
Kapag ginamit nang maayos, lahat ng family planning methods ay ligtas. Ang paggamit din ng
mga kontrasepsyon tulad ng condoms ay tumutulong rin sa pag-iwas sa sexually transmitted diseases at infections.
Mahal ang family planning.
Maraming mga family planning options ang binibigay ng libre, lalo na para sa mga pamilyang indigent. Kabilang din ang mga health departments tulad ng QCHD na namamahagi ng libreng modern family planning methods.
Ang paggamit ng
kontrasepsiyon ay ginagawa ng mga taong makasalanan o may inililihim sa pamilya/karelasyon.
Ang pagtangkilik sa family planning ay isang sistematikong pamamaraan upang maiwasan ang hindi inaasahang
pagbubuntis lalo na ng mga magkarelasyon na hindi pa kayang bumuo ng pamilya at tustusan ang pangangailangan ng
bata o mga mag-asawang hindi pa kayang gampanan ang mas malaking responsibilidad (oras o pinansiyal).
Insert tex ere Sino ang sakop ng Family SPlanning ervices
Kababaihan o kalalakihan na may edad na 15 pataas hanggang 49 na taon
Mga residente ng Quezon City
Para sa mga indibidwal na mas bata sa 15 o mas
matanda sa 49 na taon:

May iilang serbisyo na hindi aksesible sa inyo, tulad ng implant at IUD insertion, ngunit tatanggapin at tutulungan pa rin kayo ng QCHD sa ibang serbisyo o konsultasyon na kinakailangan ninyo. Maaaring lumapit na lamang sa isang healthcare worker na nasa health center.

Upang malaman ang pinakaepektibong kontrasepsiyon para sa iyo, tumungo sa pinakamalapit na health center.




KaligayanHC

MagkaisangNayonHC


NorthFairviewHC



Tumungo sa pinakamalapit na health center.
I-fill out ang kinakailangang form.
Process Map ng pagkuha ng serbisyo sa QCHD
Itutuloy ang pagkuha ng piniling serbisyo?
Family Planning Form 1 HINDI
Mamili ng ibang serbisyo.
Sumailalim sa interview at counseling
Tapusin ang pagkuha sa serbisyo. OO
2 4
I-fill out nang maigi ang Family Planning Form 1. Pag-isipang mabuti ang serbisyong nais kuhain. Maaaring kumonsulta muna sa isang healthcare worker sa naturang health center upang malaman ang kaibahan ng mga serbisyo at kung anong kontrasepsyon ang pinakamabisa sa katawan mo.
Tumungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar. 1 3
Sumailalim sa interview at counseling mula sa service provider ng napiling serbisyo. Tumugon nang makatotohanan at makabuluhan sa mga tanong.
Paano makukuha ang serbisyong
I-avail ang serbisyo.
ito?


Family Planning Form (FPF)




1.0
Sa tulong ng isang medical practitioner, may mga ilang katanungan at pagsusuri na gagawin na tungkol sa kalusugan ng kung sino mang gustuhing mag-avail ng family planning service.
Lahat ng datos ay itatala sa Family Planning Form 1 kasama na rin ang mga susunod na pagbisita at pagsusuri ng doktor sa likod ng form.
Side A

Side B

PARA SA MGA KATANUNGAN
Dr. Rochelle Paulino
Medical Officer IV
Family Planning Division
BUKAS TUWING
Lunes - Biyernes
8:00 AM - 5:00 PM
2nd Floor, Batasan Social Hygiene
Clinic, IBP Road near corner
Commonwealth Avenue, Brgy.
Batasan Hills, Quezon City.