
9 minute read
Posisyong Papel


Advertisement

Mariin na hindi dapat magkaroon ng legalisasyon ang abrosyon sa Pilipinas, sapagkat maghahatid to ng iba't ibang negatibong epekto sa emosyonal, sikolohikal, pisikal, at sosyal na kalusugan ng mga nais magsagawa nito. Idagdag pa rito ang paglabag nito sa moralidad, natural law, at relihiyon na malaki ang epekto sa pagkatao ng isang indibidwal.

Pahayag ni Jayson Jr R. Dela Paz ukol sa legalisasyon ng aborsyon sa Pilipinas.
Ang paglaganap ng mga katagang "My Body My Rules" at "All life should be protected, honored & cherished as the beautiful gift that it is" mula kay Benjamin Watson ay ilan lamang sa mga implikasyon ng lumalawak na debate at pagtatalo ukol sa legalisasyon ng aborsyon sa aspetong nasyonal at global Alinsunod sa pag-aaral nina Andreea Mihaela Nita at Cristina Llie Goga noong 2020 sa artikulong may pamagat na A research on abortion: ethics, legislation, and socio-medical outcomes Case study: Romania, ang aborsyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-aantala sa pagbubuntis habang ang fetus sa sinapupunan ng isang ina ay hindi pa tuluyang nade-develop at ito ay nasa estado pa lamang ng pagiging viable Sa kasalukuyang panahon, ang gawaing ito ay malayang kinikilala at tinatangkilik ng maraming bansa bilang isang legal na procedure upang bigyang katuparan ang kahilingan ng mga inang nais magpalaglag sa kaparaanang medikal Maliban dito, binigyang diin din nina Nita at Goga ang isa sa mga pundamental na katotohanan sa pagsasagawa ng aborsyon, kahit na malawak ang sakop ng legalisasyon nito, hindi pa rin ito sinasang-ayunan ng medisina, etika, at relihiyon Gayundin, hindi din ito nagdudulot ng kaayusang ekonomikal, sosyal, at legal sa isang bansa Ang kadahilanan sa likod ng rationale na ito ay ang mga maaaring maging epekto ng aborsyon sa aspetong pisikal, emosyonal, at sosyal ng isang tao Bukod sa mga ito, ang pagsasagawa ng aborsyon ay lumalabag sa aspetong moral at ispiritwal – bagay na malaki ang impluwensya sa mental at pisikal na kalusugan ng isang tao; ayon ito sa pag-aaral ni Harold Koenig (2012) na muling naging reperensiya sa pananaliksik nina Ryan McKay at Harvey Whitehouse noong 2015 na pinamagatang Religion and Mortality; Pinatutunayan din na ang hindi pagsunod sa probisyong moral at ispiritwal ay mauuwi sa paglabag sa natural law. Dahil sa mga ito, mariin na hindi dapat magkaroon ng legalisasyon ang abrosyon sa Pilipinas, sapagkat maghahatid to ng iba't ibang negatibong epekto sa emosyonal, sikolohikal, pisikal, at sosyal na kalusugan ng mga nais magsagawa nito. Idagdag pa rito ang paglabag nito sa moralidad, natural law, at relihiyon na malaki ang epekto sa pagkatao ng isang indibidwal.




Bilang oposisyon, maraming mamamayan ang gumagawa ng adbokasiya ukol sa pagtanggap ng aborsyon bilang legal na gawain lalo na sa Pilipinas na may malawak na impluensya ng relihiyon. Ilan sa mga dahilan ng mga nakikiisa rito ang lumalalang kaso ng kahirapan sa bansa at patuloy na pagdami ng populasyon. Binibigyan diin ng adbokasiya nila na ang aborsyon ay isang epektibo at agarang solusyon sa mga problemang micro at macro-perspektibong panlipunan gaya ng unwanted or unplanned pregnancy, lack of financial support, partner-related issues, emotionally or mentally unprepared, healthrelated concerns, at social influences (Narayanan, 2023). Kahit na patuloy na nananalaytay ang suliraning ito, ang pagpapalaglag ng sanggol ay hindi epektibong solusyon na tutugon dito. Bagkos, maaaring masagot ang mga ito sa iba’t ibang paraan gaya ng mga sumusunod:


Una, kung ang suliranin ay nag-uugat dahil sa problemang pinansyal, maraming programa sa Pilipinas ang maaaring tumulong sa mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ilan sa mga ito ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's), Social Amelioration Program (SAP), Sustainable Livelihood Program (SLP), at Microfinance and Microenterprise Programs Ayon sa tala na inilabas ng Comission on Audit noong 2015 mayroong 1,315,477 pamilya ang nabigyang tulong ng 4P’s na nagdulot sa kanilang transisyon mula sa pinagmulang estado na below the poverty line




Ikalawa, ang mga personal na suliranin gaya ng partner at emotional issues ay maaaring malutas sa pamamagitan ng counseling na karamihan din ay ino-offer ng iba't ibang sektor pangkalusugan ng Pilipinas Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Likhaan Center for Women's Health, Reproductive Health Rights and Ethics Center for Studies and Training (RHEC-ST), at Gabriela Women's Party Hotline Batay sa Prescription Psychiatrists and Psychologists na nakabase sa Metro Manila, ang pagkakaroon ng psychotherapy ay nagdudulot ng iba’t ibang benepisyo sa sarili ng mga sumasailalim dito Samakatuwid, ayon sa kanilang pag-aaral, 75% ng mga nagsagawa nito ang nagkaroon ng positibong benepisyo at manipestasyon
Ikatlo, kung hindi talaga nais at walang kapasidad ang isang kababaihan sa pagpapalaki at pag-aaruga ng isang paslit, maari nila itong isali sa mga adoption program upang mapalaki ng maayos ang bata Ang mga programang Inter-Country Adoption Board (ICAB), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Child Caring Agencies (CCAs), at Special Home Finding Programs ay ilan lamang sa mga halimbawa nito Bilang pagsuporta dito, binigyang diin ni Mark Cabag sa kanyang pahayag ang kahalagahan ng pag-aampon kung hindi kayang buhayin ng isang ina ang bata Ayon sa kanya, ang pagkakaloob ng isang orphan sa legal na pangangalaga ng isang pamilya ay maaaring magtanggal ng iba’t ibang trauma na dinaranas nito at makapabigay ng kasiyahan sa pamilyang kumalinga dito Gayundin, tinuligsa naman ni Dr Mary Elizabeth Torreon ang stigma ukol sa pag-aampon ng mga batang nasa orphanage – kabilang dito ang mga batang dapat sana’y ipapalaglag – sa pamamagitan ng pahayag na “It is not only one-way that the child only benefits from you because the child also gives you happiness Life is different from a child” Ang mga ito ay nagmula sa artikulong inilabas ng Philippine News Agency na isinulat ni Gail Momblan noong 2020 Bilang hudyat ng mga pag-aaral na ito, lalong napapagtibay ang argumentong hindi masasabi na pinakaepektibong solusyon ang aborsyon sa mga suliraning panlipunan na ito
Sa anggulong pangkalusugan, ang physical health ng isang ina ang pinakamaapektuhan kung sakaling matapos ang proseso ng aborsyon. Ayon sa isang libro na pinamagatang "The Safety and Quality of Abortion Care in the United States”, ang aborsyon ay maaring magdulot ng mga long-term effects like the issues with future childbearing and pregnancy outcomes (e.g., secondary infertility; ectopic pregnancy; spontaneous abortion and stillbirth; complications of pregnancy; and preterm birth, small for gestational age, and low birthweight), risk of breast cancer, Infection, at premature death. Isinaad naman ng Cairn Information International Edition na 20 sa 90 na sumasaailim sa proseso ng aborsyon ang namamatay sa Asya, 10 sa 90 ang namamatay sa Latin America, at 80 sa 90 ang mortality rate ng aborsyon sa Africa.


Gayundin, malaki ang nagiging epekto ng aborsyon sa sikolohikal na kalusugan ng mga indibidwal na nagsagawa nito Sinuportahan nina Pourezza at Batebi sa kanilang pananaliksik na pinamagatang Psychological Consequences of Abortion among the Post Abortion Care Seeking Women in Tehran ang rasyonaleng ito Ayon sa kanila, ang aborsyon ay nagdudulot ng iba't ibang kondisyong sikolohikal gaya ng depression, worry to something about being pregnant, eating disorder, decreased self-esteem, at nightmares




Kabilang din ang emotional health sa mga aspetong pangkalusugan na maaaring maapektuhan ng pagsasailalim sa procedure ng aborsyon Ang terminong ito ay binigyang depenisyon ng WebMD noong 2021 sa artikulong What to Know About Emotional Health bilang abilidad ng isang tao na pamahalaan ang mga negatibo at positibong emosyon, kasabay nito ang sariling pagtanggap na nararanasan nito ang mga ganitong uri ng emosyon Ayon din sa dito, kakambal ng konseptong ito ang emotionally healthy people – mga taong maalam sa pagkakaroon ng magandang coping mechanisms upang maibsan ang epekto ng mga negatibong emosyon Sila din ay ang mga taong may kakayanan na sumangguni agad sa mga propesyonal sa panahon ng mga ganitong sirkumstansya Kabilang sa emotional health ng isang tao ang pagkakaroon ng pagkakaroon ng maayos na ugnayan at relasyon sa ibang tao at pagkakaroon ng positibong imahe sa sarili Matapos gawin ang aborsyon, ang mga ninais na makiisa rito ay makakaranas ng iba’t ibang pagkabalisang emosyonal gaya ng kalungkutan at pagkawala, pagkakasala at kahihiyan, panghihinayang, depresyon, matinding kalungkutan, at problema sa relasyon sa ibang tao (Emotional Effects of Abortion, n d )
Panghuli, ang aborsyon ay naghahatid ng negatibong epekto sa kalusugang sosyal ng mga nakikiisa dito Ayon kay Tammy George sa kanyang isinulat na artikulo noong 2023 na may pamagat na What is Social Health? Definitions, Examples and Tips on Improving Your Social Wellness, ang social health ay ang kapasidad ng isang tao upang makipagugnayan sa pamamagitan ng makabuluhang relasyon sa ibang tao. Konektado din sa konseptong ito kung gaano ka-komportable ang bawat tao sa kanilang pag-angkop sa iba’t ibang sitwasyon na nangangailangan ng pakikisalamuha. Bukod dito, binigyang diin din ng artikulong ito na ang relasyong sosyal ay nagdadala ng iba’t ibang epekto sa kalusugang pisikal, mental, at mortality risk ng isang tao. Kabilang sa pundamental na elemento ng social health ang relasyon at interaksyon sa ibang tao (bagay na direktang naapektuhan matapos gawin ang aborsyon sa anyo ng stigma at diskriminasyon). Ipinahayag nina Cardenas et al. noong 2018 mula sa kanilang pag-aaral na nakararanas ang mga kababaihan ng stigma pagdating sa ninanais nilang proseso ng aborsyon. Bilang resulta, kakaunti lamang ang natatanggap nilang serbisyong pangkalusugan, sapagkat alinsunod din sa pag-aaral ni Tammy George, nagkakaroon ng suliranin sa probisyon ng serbisyong pangkalusugan sa mga taong nakakaaranas maging stigmatized.
Bukod sa mga negatibong epekto ng abosryon sa aspetong pisikal, sikolohikal, emosyonal, at sosyal ng isang taong sasailalim dito, marapat din lamang na tignan ang sinasabi ng relihiyon at konsepto ng moralidad ukol sa mga isyung ito. Bilang kilala ang Pilipinas sa paniniwalang Kristiyanismo, naniniwala ang karamihan sa mga ito na katumbas ng aborsyon ang pagpatay. Ito ay sa kadahilanang, ang bawat nilalang ay naaayon sa imahe ng Diyos na nakasaad sa Genesis 1:27. Gayundin, itinala naman sa Exodus 21:22-25 na maihahalintulad sa murder ang pagsasagawa ng kahit anong aksyon upang mamatay ang bata sa sinapupunan ng isang ina.


Ang mga konseptong ito ay hindi lamang inilathala upang paniwalaan na ito ay limitado lamang sa usaping relihiyon Sapagkat, ito ay lumilinang din sa aspetong moral ng isang tao – bagay na hindi dapat balewalain sapagkat magdudulot ito ng mga negatibong epekto Pinagtitibay nina Jiang et al noong 2020 na ang anumang paglabag sa moralidad ay nagti-trigger ng mga emosyong moral na direktang naghahatid ng impluwensya sa pag-uugali at judgement ng isang indibidwal Dinagdag pa nila na maraming nakalap na ebidensya upang suportahan ang model na ito na naayon sa moral emotion of disgust
Sa perspektiba ng institusyon, nahahati ang mga batas sa dalawang kategorya, ang natural laws, at man-made laws Natural laws ang tawag sa mga batas na mayroong aplikasyon ng aspetong moral, pilosopikal, at politikal Ito din ay nagmumula sa human nature o kung ano ang mga bagay na hindi at dapat gawin bilang isang tao Sa kabilang banda naman, ang mga man-made laws ay tumutukoy sa mga batas na ginawa ng isang gobyerno para sa mga mamamayang sinasakupan nito Taglay nito ang iba’t ibang proteksyon at parusa sa mga lalabag dito, Annie Horkan (2022) Sa kaso ng aborsyon, pumapasok ang konsepto ng natural law

Tinutukoy nito na may kakayahan ang isang taong isipin na kailanman hindi magiging tama ang pumatay At dahil layunin ng abosryon na kitlin ang buhay ng isang bata, taliwas ito sa konsepto ng high moral standard bagay na hindi pinahihintulutan ng natural law Bilang resulta, ang pagsasagawa ng aborsyon ay maituturing na paglabag sa natural law na tinataglay ng bawat mamamayan ng isang lipunan, estado, at bansa Ang koneksyon ng mga konseptong ito ay tumatalakay lamang sa pagkakaisa sa persepsyon ng relihiyon, moralidad, at estado ukol sa prohibisyon ng legalisasyon sa isang bansa







Bilang konklusyon, hindi maikakaila ang pagdami ng porsyento ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo – maging sa Pilipinas ang sumasang-ayon sa legalisasyon ng aborsyon Ang katotohanang ito ay nag-uugat dahil sa matinding hangarin na masolusyonan ang iba’t ibang kontemporaryong isyu na nananalaytay sa kapaligirang kanilang kinabibilangan Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin magiging epektibong solusyon ang aborsyon sa mga ito Hindi dapat magkaroon ng aborsyon sa Pilipinas sapagkat maaari itong magdulot ng mga negatibong epekto lalo na sa kalusugang pisikal, sikolohikal, emosyonal, at sosyal ng mga taong nais magsagawa nito Nagdudulot din ang aborsyon ng paglabag sa konseptong isprituwal (relihiyon), moral, at natural law Ito ay naghahatid ng konsensya, at epekto sa pag-uugali at judgement ng isang indibidwal
Bilang rekomendasyon, marapat lamang na mas paigtingin ang pagkakaroon ng batas na nagbibigay prohibisyon sa pagsasagawa ng aborsyon sa bansa Ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan ng kaniyang ina, bagkos upang maiwasan ang mga potensyal na negatibong epekto nito sa kaniyang kalusugan. Iminumungkahi din na ang bawat lider sa iba’t ibang dako ng Pilipinas ay magkaroon ng tiyaga at konsistent na pangangaral sa mga kababaihan ukol sa mga mahahalagang bagay na ito. Dapat ding mapagtibay ang lingguhang emotional counseling sa bawat barangay upang maiwasan ang pagsasagawa ng ilegal na paraan ng aborsyon. Bilang action plan, ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang usapin ng aborsyon ay ang maging boses sa adbokasiyang iwasan ang karahasan (rape) at unplanned sexual intercourse. Kung maiiwasan ng bawat kasapi ng bansa ang mga ganitong gawain, hindi na hahantong ang lahat sa usapin ng aborsyon. Mapa-legal o ilegal man, nananatiling, isa pa rin ito sa pinakamalaking suliranin na kinahaharap ng bawat bansa. Kaya naman, kung ang bawat isa ay nagnanais ng pag-unlad at pagbabago, dapat itong magsimula sa personal na disiplina at kaalaman sa mga maaaring maging epekto ng karahasan (rape); pagsasagawa ng sexual intercourse sa hindi tamang edad at walang guidelines mula sa angkop na family planning.
