
5 minute read
Posisyong Papel BURADOR


Advertisement

Mariin na hindi dapat magkaroon ng legalisasyon ang abrosyon sa Pilipinas sapagkat hindi lamang ito magdudulot ng kasawian sa buhay ng bata, maghahatid din ito ng iba't ibang negatibong epekto sa aspetong emosyonal, sikolohikal, pisikal, at sosyal na kalusugan ng mga nais magsagawa nito.
Pahayag ni Jayson Jr R. Dela Paz ukol sa legalisasyon ng aborsyon sa Pilipinas.
Ang paglaganap ng mga katagang "My Body My Rules" at "All life should be protected, honored & cherished as the beautiful gift that it is" mula kay Benjamin Watson ay ilan lamang sa mga implikasyon ng lumalawak na debate at pagtatalo ukol sa legalisasyon ng aborsyon sa aspetong nasyonal at global Alinsunod sa pag-aaral nina Andreea Mihaela Nita at Cristina Llie Goga noong 2020 sa artikulong may pamagat na A research on abortion: ethics, legislation, and socio-medical outcomes


Case study: Romania, ang aborsyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-aantala sa pagbubuntis habang ang fetus sa sinapupunan ng isang ina ay hindi pa tuluyang nade-develop at ito ay nasa estado pa lamang ng pagiging viable Sa kasalukuyang panahon, ang gawaing ito ay malayang kinikilala at tinatangkilik ng maraming bansa bilang isang legal na procedure upang bigyang katuparan ang kahilingan ng mga inang nais magpalaglag sa kaparaanang medikal Maliban dito, binigyang diin din nina Nita at Goga ang isa sa mga pundamental na katotohanan sa pagsasagawa ng aborsyon, kahit na malawak ang sakop ng legalisasyon nito, ang desisyon ng mga sasailalim dito ay sumasangguni sa perspektiba ng medisina, etika, relihiyon, kasama ang pagpapanatili ng kaayusang ekonomikal, sosyal, at legal Dahil sa mga probisyong ito, mariin na hindi dapat magkaroon ng legalisasyon ang abrosyon sa Pilipinas sapagkat hindi lamang ito magdudulot ng kasawian sa buhay ng bata, maghahatid din ito ng iba't ibang negatibong epekto sa aspetong emosyonal, sikolohikal, pisikal, at sosyal na kalusugan ng mga nais magsagawa nito

Bilang oposisyon, maraming mamamayan ang gumagawa ng adbokasiya ukol sa pagtanggap ng aborsyon bilang legal na gawain lalo na sa Pilipinas na may malawak na impluensya ng relihiyon Ilan sa mga dahilan ng mga nakiisa rito ang lumalalang kaso ng kahirapan sa bansa at patuloy na pagdami ng populasyon hanggang sa lumagpas ito sa kapasidad ng isang bansa upang magbigay at magbahagi ng mga resources upang ma sustentuhan ang minimithing buhay ng bawat indibidwal Binibigyan diin ng adbokasiya nila na ang aborsyon ay isang epektibo at agatang solusyon sa mga suliranin ng Unwanted or unplanned pregnancy, Lack of financial support, Partner-related issues, Emotionally or mentally unprepared, Health-related concerns, social influences (Narayanan, 2023).


Hindi maikakaila na ang intensidad ng mga suliraning ito ay nakaapekto sa micro at macro-perspective ng isang lipunan Kahit na patuloy na nananalaytay ang problemang ito sa isang lipunan, ang pagpapalaglag ng mga sanggol ay hindi epektibong solusyon na tutugon sa mga suliraning ito Bagkos, maaaring tugunan ang mga problemang ito sa maraming paraan Una, kung ang suliranin ay nag-uugat dahil sa problemang pinansyal, maraming programa sa Pilipinas ang maaaring tumulong sa mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ilan sa mga ito ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P's), Social Amelioration Program (SAP), Sustainable Livelihood Program (SLP), at Microfinance and Microenterprise Programs Ikalawa, ang mga personal na suliranin gaya ng partner at emotional issues ay maaaring malutas sa pamamagitan ng counseling na karamihan din ay ino-offer ng iba't ibang sektor pangkalusugan ng Pilipinas Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Likhaan Center for Women's Health, Reproductive Health Rights and Ethics Center for Studies and Training (RHEC-ST), at Gabriela Women's Party Hotline Ikatlo, kung hindi talaga nais at walang kapasidad ang isang kababaihan sa pagpapalaki at pag-aaruga ng isang paslit, maari nila itong isali sa mga adoption program upang mapalaki ang bata Ang mga programang Inter-Country Adoption Board (ICAB), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Child Caring Agencies (CCAs), at Special Home Finding Programs ay ilan lamang sa mga halimbawa nito Dahil dito, hindi masasabi na pinakaepektibong solusyon ang aborsyon sa mga suliraning ito

Sa anggulong pangkalusugan, ang physical health ng isang participant ang pinakamaapektuhan kung sakaling matapos gawin ang proseso ng aborsyon Ayon sa isang libro na pinamagatang "The Safety and Quality of Abortion Care in the United States”, ang aborsyon ay maaring magdulot ng mga long-term effects gaya ng future childbearing and pregnancy outcomes (e g , secondary infertility; ectopic pregnancy; spontaneous abortion and stillbirth; complications of pregnancy; and preterm birth, small for gestational age, and low birthweight), risk of breast cancer, Infection, at premature death Isinaad ng Cairn Information International Edition na 20 sa 90 na sumasaailim sa proseso ng abortion ang namamatay sa Asya, 10 sa 90 ang namamatay sa Latin America, at 80 sa 90 ang mortality rate ng aborsyon sa Africa Gayundin, malaki ang nagiging epekto ng aborsyon sa sikolohikal na kalusugan ng mga individwal na nagsagawa nito Sinuportahan nina Pourezza at Batebi sa kanilang pananaliksik na pinamagatang "Psychological Consequences of Abortion among the Post Abortion Care Seeking Women in Tehran" ang rasyonaleng ito Ayon sa kanila, ang aborsyon ay nagdudulot ng iba't ibang psychological conditions gaya ng depression, worry to something about being pregnant, eating disorder, decreased self-esteem, at nightmares



Kabilang din ang emotional health sa mga aspetong pangkalusugan na maaaring maapektuhan rin ng pagsasailalim sa procedure ng aborsyon Ang terminong ito ay binigyang depenisyon ng WebMD noong 2021 sa artikulong What to Know About Emotional Health bilang “ability to cope with both positive and negative emotions, which includes your awareness of them Emotionally healthy people have good coping mechanisms for negative emotions, and they also know when to reach out to a professional for help ” Kabilang sa emotional health ng isang tao ang pagsasagawa ng mga bagay-bagay gaya ng pagkakaroon ng emosyong malusog, pagkakaroon ng maayos na ugnayan at relasyon sa ibang tao, pagkakaroon ng perspektiba at positibong imahe sa sarili Matapos gawin ang aborsyon, ang mga ninais na makiisa dito ay makakaranas ng iba’t ibang emotional distress gaya ng grief and loss, guilt and shame, regret, depression and anxiety, relationship strain (Emotional Effects of Abortion, n d ) Panghuli, ang aborsyon ay naghahatid din ng negatibong epekto sa kalusugan sosyal ng isang tao Ayon kay Tammy George sa kanyang isinulat na artikulo noong 2023 na may pamagat na What is Social Health? Definitions, Examples and Tips on Improving Your Social Wellness, “Social health can be defined as our ability to interact and form meaningful relationships with others It also relates to how comfortably we can adapt in social situations Social relationships have an impact on our mental health, physical health, and mortality risk ”

Kabilang sa pundamental na elemento ng social health ang relasyon at interaksyon sa ibang tao, bagay na direktang naapektuhan matapos gawin ang aborsyon sa isang tao sa anyo ng stigma at diskriminasyon Ipinahayad nina Cardenas et al noong 2018 mula sa kanilang pag-aaral na “Abortion stigma is experienced by women seeking legal induced abortion services and by abortion providers in a range of legal contexts ” Alinsunod din sa pag-aaral, nagkakaroon ng provision of health services sa mga tao na nakararanas maging stigmatized
Bilang konklusyon, hindi maikakaila ang pagdami ng porsyento ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo maging sa Pilipinas ang sumasang-ayon sa legalisasyon ng aborsyon sa bansa Ang katotohanang ito ay nagdudulot dahil sa matinding hangarin na masolusyonan ang iba’t ibang kontemporaryong isyu na nananalaytay sa kapaligirang kanilang kinabibilangan Ngunit sa kabila nito, hindi parin magiging epektibong solusyon ang aborsyon sa mga ito Hindi dapat magkaroon ng aborsyon sa Pilipinas sapagkat maaari itong magdulot ng mas malalang epekto lalo na sa kalusugang pisikal, sikolohikal, emosyonal, at sosyal ng mga taong nais magsagawa nito Ang pagsasagawa nito ng hindi isinasaalang-alang ang perspektiba ng medisina, etika, relihiyon, kasama ang pagpapanatili ng kaayusang ekonomikal, sosyal, at legal ay maaaring magdulot ng mas malawak na negatibong epekto hindi lamang sa batang ipinalaglag, maging sa indibidwal na nagpalaglag at sa lipunang kinabibilangan nito
