6 minute read

Replektibong Sanaysay

Next Article
Bionote

Bionote

Apaka Nega mo Sis! Turn that into Positive Always: Pagpapahalaga sa mga Suliraning Kinahaharap ng Bawat Isa Bilang Tao.

Hindi maikakaila na ang bawat indibidwal ay humarap sa iba’t ibang suliranin maging ito man ay interpersonal (Mga problemang naiuugnay sa ibang tao) o intrapersonal (Mga problemang nangyayari sa pangsariling aspeto lamang). Mula sa pagmulat ng ating mata hanggang sa muling pagpikit nito, ang bawat isa ay nakararanas ng iba’t ibang sirkumstansya na sumusubok sa pansariling kakayahan natin na gumawa ng mga epektibong solusyon upang lampasan ang mga ito Dahil dito, hindi natin maiiwasang magkaroon ng existential crisis o ang akumulasyon ng iba’t ibang damdaming negatibo na nauuwi sa mga katanungan ukol sa totoong depenisyon at dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito Sa mga panahong ito, marami sa atin ang piniling mabuhay at lumaban sa mga susunod pang hamon na hatid nito, ngunit masakit mang isipin, madami din ang piniling kitlin ang kanilang natatanging susi upang masilayan ang mas magagandang bagay na maaari pa nalang maranasan – ang kanilang buhay Suicide ang tawag sa akto ng pagkuha ng sariling buhay gamit ang iba’t ibang gawaing nakamamatay Ayon sa pag-aaral ng Statista noong 2019, isa ang suicide sa nangungunang dahilan ng mortality rate sa bansa Maliban dito, binigyang diin din ng kanilang pananaliksik na 2 2 kada 100,000 katao na namamalagi sa Pilipinas ang namamatay dahil sa problemang mental na ito Sa malawakang perspektiba, hindi maikakaila na maaaring magdulot ito ng pagka-alarma lalo na sa sangay pangkalusugan ng isang bansa

Advertisement

Ang mga kaso nito ay hindi lamang magkakaroon ng negatibong epekto sa pamilya ng nasawian, bagkos, nagdudulot din ito ng hindi kaaya-ayang kondisyon sa estadong sosyal at ekonomikal ng isang bansa – kapag ang isang indibidwal ay piniling magsuicide, nagkakaroon ng kaisipan ang mga taong nakakarinig nito na ito ay mainam na solusyon upang tapusin ang mga problema Gayundin, ang pagbaba ng populasyon ng isang bansa ay magdudulot ng mga problema gaya ng insufficient workmanship na nagdudulot naman ng pagbagal ng ekonomikal na paglago ng isang lipunan Alinsunod sa pag-aaral ng Mind Organization, ang kadalasang dahilan ng suicide ay may koneksyon sa problema sa pera, problema sa bahay, problema sa pamilya, problema sa relasyon, at marami pang iba Bilang isang tao na nasa maayos na kalagayang mental at emosyonal, hindi marapat na magkaroon tayo ng negatibong pang-huhusga sa mga ito Sa halip, dapat tayong maging daluyan ng mga katagang nagsisilbing pampatibay-loob sa mga taong nalulugmok sa kalagayang ito Bilang katugunan dito, at bilang isang paraan ng repleksyon sa aking 18 taon na pamumuhay sa mundong ito, tatalakayin sa papel na ito ang mga positbong epekto ng mga problema’t suliranin na ating kinahaharap Layunin nito na maibsan ang ating mga negatibong persepsyon at pagtingin kung sakaling magdadaan tayo sa mga ito sa hinaharap

Ang unang positibong epekto ng problema sa ating buhay ay nagiging daan ito upang makilala natin kung sino talaga tayo Mula sa ating pagsilang, ang bawat tao ay nagkakaroon ng development at pagtuklas sa mga bilidad, kakayahan, karakter, at pag-iisipna ating tinataglay bilang isang pundamental na kasangkapan bilang tao Dahil sa pagkakakilala natin sa ating mga sarili, kadalasan tayong naglalagay ng boundary o limit na ito lamang tayo Ito lamang ang aking abilidad, ito lamang ang aking kakayahan, ito lamang ang aking ugali, ito lang ako bilang isang tao Bilang resulta, ang mga ito ang nag-uudyok sa atin upang hindi kilalanin ang iba pang mga posibilidad at pangyayari na maaaring magbigay sa atin ng iba pang mga pagkakakilanlan na hindi pa natin nalalaman Lingid man sa ating mga mata, ang mga problemang ating nararanasan ang siya na mismong gumagawa ng daan upang mas makilala pa natin ang ating mga sarili at mas matuklasan natin ang mga katangiang hindi natin inaakalang mayroon tayo Bunsod sa intensidad ng mga epekto nito, nagkakaroon ang bawat isa ng kritikal na pag-iisip at inisyatiba na gawin ang mga bagay na hindi natin nagagawa noon Matapos maisagawa ang mga ito ng hindi sinasadya – bagkos dahil lamang sa pangangailangan sahil sa problema – tsaka lamang natin mababanaag na hindi lamang tayo basta pangkaraniwang nilalang Nang dahil sa kagustuhan nating malampasan ang isang suliranin, aksidente nating nailalabas ang ating pagkamalikhain at talento Ilan sa mga halimbawa nito ay ang aksyong ginawa ng mga tao na nakaranas sa patuloy na lumalaganap na Covid-19 Noong mga panahong lumalaganap ang enhanced community quarantine at mga lockdowns, maraming trabaho ang natigil, result nito ay ang pagkaroon ng problemang pinasyal ang karamihan sa pamilyang Pilipino Bilang tugon, maraming mga tao ang naka-diskubre sa kakayahan nalang magluto, mag-crochet, kumanta, sumayaw, mag-benta ng iba’t ibang produkto tungo sa layuning kumita – o pampalipas oras para sa iba Isa lamang ito sa positibong epekto ng problema sa ating buhay

Ikalawa, datapwat nakakapanghina ang mga problemang ito, nagdudulot naman ito ng bagong lakas upang lampasan ang mas malalang problemang darating Bagama’t nakakapagod mag-isip ng iba’t ibang paraan upang malampasan ang isang suliranin, ang ating tagumpay matapos itong malampasan ay magbibigay ng doble hanggang tripleng lakas pisikal, mental, at emosyonal na magagamit natin sa mga susunod na kabanata nito Isa sa mga kadalasang kinahaharap ng bawat pamilya sa isang lipunan ay ang problema sa pera Dahil sa mababang pasahod at kulang na oportunidad sa bansang Pilipinas, karamihan sa mga pamilya nito ay nabibilang sa poverty at below the poverty line. Ang mga kondisyong ito ay siyang nagbibigay daan upang mahirap ang iba’t ibang mamamayan sa kagipitan, at kakulangan sa mga resources upang matugunan ang mga pangangailangan sa buhay gaya ng tirahan, pagkain, damit, at mgaing pag-aaral. Kapag dumating ang panahon na ang bawat isa ay humarap sa crisis na ito, matinding pagod mula sa pag-iisip ng solusyon at pagsisikap upang maisagawa ito ang ating daranasin. Sa kabilang banda, ang mga pagod na ito ay ang nagdudulot sa atin na magkaroon ng tactical skills at technical skills upang mas mapagbuti pa natin ang pamamahala sa pera na mayroon tayo Hindi man natin nakikita, ngunit ito ay nagbibigay kalakasan sa ating lahat up mayroon tayong pundasyon at background skill and ability upang mas mapagb nating ang pagsasagawa sa mga epektibo at mabisang taktika sa susunod na dada tayo sa ganitong mga pagsubok.

Ikatlo, ang mga problema din ang nagiging susi sa maayos na relasyon natin sa ating pamilya, kaibigan, at sa Diyos Sabi nga sa isang kataga, “No man is an island” Alinsunod dito, marapat lamang na malaman ng bawat isa na mayroon tayong pangangailangan sa paghingi ng tulong mula sa ibang tao upang tuluyan nating malampasan ang mga problemang ito ng maayos Kung ating iisipin, normal na magkaroon ng alitan at samaan ng loob sa pagitan ng bawat isa Kadalasan, ang mga ito ay tumatagal ng ilang araw, buwan, o taon upang maayos at makalimutan Ngunit sa ibang mga kaso, natatapos agad ito ng maaga dahil sa paghingi ng tulong kapang dumaranas ng matinding pagsubok Halimbawa, mayroon akong kaalitan na kaibigan sa loob ng mahabang panahon, ngunit kung ako ay makakaranas ng problemang siya lamang ang maaaring maging epektibong solusyon, mas pipiliin ko na lamang magpakumbabang loob at makipagayos upang magkaroon muli ng panibagong simula ang aming koneksyon at maayos ang problemang kinahaharap ko Nakipagayos ako hindi dahil sa kadahilanang kailangan ko lamang siya, bagkos naniniwala ako na ito na ang senyales na hinahantay ko upang itapon na ang sakit, galit, at hinanakit na nagmula sa nakaraan naming dalawa Batay sa halimbawang ito, hindi lamang nagdudulot ng maayos na relasyon sa ibang tao ang problema, bagkos, nagiging hudyat pa ito upang maayos at muling mabuhay ang mga namatay na relasyon noon Sa kabilang banda, malaki ang ginagampanan ng problema upang mapagtibay ang koneksyo natin sa kanila Ang katotohanang nababagabag tayo sa mga pangyayaring dala ng problema, ang una nating nilalapitan upang magbigay kaginhawaan, motibasyon, at katiyakan ay ang presensya’t salita ng ating mga magulang, kapatid, at kamag-anak Ngunit higit sa lahat, upang mapunan ang mga pansariling kakulangan na mayroon tayo sa gitna ng suliranin, palagian tayong lumalapit sa Diyos upang magkaroon ng malinaw na pag-iisip, karunungan, at sariling kapayapaan Kapag ang mga ito ay nagkaroon ng kombinasyon, tiyak ang tagumpay natin sa problema kasabay ng mas malalim na pagkilala at pagmamahal sa kaniya

Bilang konklusyon, kahit na tila ba kapaguran, kasakitan, at kaguluhan ang hatid ng mga problema, lagi nating tatandaan na nasa proseso at dulo nito ang mga positibong epekto nito gaya ng pagiging daan ito upang makilala natin kung sino talaga tayo, pagdudulot nito ng bagong lakas upang lampasan ang mas malalang problemang darating, at pagiging susi sa maayos na relasyon natin sa ating pamilya, kaibigan, at sa Diyos. Nawa ang mga ito ang isa sa mga mandato ng ating mga buhay upang makita natin ang problema bilang isang biyaya at regalo para sa ikabubuti ng ating mga sarili. Tandaan na walang improvement at development sa ating mga buhay kung hindi tayo daranas sa pagpapahirap nito. Itatak natin sa ating mga isip at puso na ang bawat problema ay hindi dinaraanan lamang, hindi tinatambayan! Nawa magkaroon tayo ng holistic life view na tumitingin sa magkabilang parte ng bawat bagay, hindi lamang sa iisang bahagi o manipestasyon nito.

This article is from: