Hindi na lamang ulan o bagyo ang nagdudulot ng baha sa bansa. Sa Pilipinas, tila ang mas mapanganib na agos ay nagmumula sa kasinungalingan, kasakiman, at korapsyon. Nitong linggo, sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ibinunyag ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya II na ilang mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang umano’y humihingi ng payola matapos maipagkaloob ang mga proyekto.
Nakakuha ng atensyon ang pamilya Discaya matapos ang panayam nila kay Korina Sanchez. Doon ay inamin nilang lumago ang kanilang yaman at koleksyon ng sasakyan nang sila’y magsimulang pumasok sa mga proyekto ng DPWH. Ang rebelasyong ito ang nag-udyok sa Senado upang sila’y ipatawag at imbestigahan—at dito lumabas ang mas malalim na usapin.
Noong Setyembre 8, 2025, pinangalanan ni Discaya ang ilang kongresista tulad nina Rep. Roman Romulo ng Pasig, Rep. Arjo Atayde ng Quezon City, at Rep. Marvin Rillo ng Quezon City. Isinangkot din niya ang ilang opisyal ng DPWH, kabilang si Regional Director Eduarte Virgilio ng Region 5 at Undersecretary Robert Bernardo, na umano’y humihingi ng pera upang hindi hadlangan ang mga proyekto. “Kung hindi kami mag-
bibigay, gagawa sila ng problema,” ani Discaya.
Nakakabahala ang ganitong paratang. Tapat na nagbabayad ng buwis ang mamamayan para sa kalsada, tulay, at mga flood-control project na magpoprotekta sa kanilang pamilya. Ngunit kung nauuwi ito sa bulsa ng iilan, doble ang pasakit: mula sa baha at mula sa katiwalian.
Mariing itinanggi ng ilang mambabatas at opisyal ang mga akusasyon, anila’y paninira lamang ang mga ito. Subalit para sa mga ordinaryong Pilipino, mahirap tanggapin na habang lumulubog ang mga komunidad sa baha, may mga lumalabas na balita tungkol sa suhol at kasakiman.
Giit ni Senador Francis Tolentino, chairman ng Blue Ribbon Committee, “Hahanapin namin ang katotohanan dahil ang pondo ng bayan ay para sa tao,
hindi para sa sakim na opisyal.” Ang pangakong ito ay nagbibigay ng pag-asa—ngunit magiging totoo lamang kung may kasunod na aksyon. Malinaw na kapag nangingibabaw ang korapsyon, ang taong bayan ang tunay na biktima. Naiiwan ang mga proyekto, nasisira ang tiwala, at nalalagay sa peligro ang buhay. Sa bawat pisong ninanakaw, may pamilyang walang proteksyon tuwing dumarating ang mga bagyong tulad nina Rosing at Kristine. Hindi mapipigilan ang bagyo, ngunit maaaring pigilan ang katiwalian. Kinakailangang manindigan ang pamahalaan at mamamayan upang hindi na muling malunod ang bansa sa Agos ng Katiwalian.
Lsino ang may tapang?
imampu’t dalawang alkalde at lokal na opisyal mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang pumirma kamakailan sa Mayors for Good Governance (M4GG) na pinangungunahan ni Mayor Benjie Magalong ng Baguio City. Layunin ng koalisyon na ito na wakasan ang bulok na sistema sa mga proyektong pang-flood control at tiyakin na ang bawat pisong galing sa buwis ng mamamayan ay hindi ninanakawin. Sa panahong ito ng matinding katiwalian, ang kanilang hakbang ay patunay na mayroon pang natitirang mga lider na may malasakit sa bayan.
Itinatag ang M4GG bilang tugon sa mga palpak at kaduda-dudang flood control projects na sumisira imbes na magligtas. Malinaw ang kanilang hiling: ilantad ang Programs of Work, Detailed Unit Price Analyses, Bill of Quantities, Feasibility Studies, at pangalan ng mga kontratista at opisyal na nasa likod ng multi-bilyong pisong proyekto. Isa itong mariing panawagan para sa buong gobyerno: wala nang puwang ang pagnanakaw at panlilinlang. Ngunit sa Batangas, walang pumirmang lokal na opisyal. Sa Lemery, si Mayor Ian Alilio ay isa sa mga hindi lumagda. Maraming tanong ang lumitaw— takot ba siyang mahila sa isyu ng katiwalian? O pinili lamang niyang umiwas sa spotlight ng koalisyon? Sa mga mata ng taumbayan, ang kawalan ng pirma ay madaling ipakahulugan bilang kawalan ng paninindigan. Gayunpaman, sinabi ni Atty. Limuel V. Baldoza, municipal legal officer ng Lemery: “Kahit walang pirma si Mayor Ian Alilio, rest assured naman na he was aligned with good governance.” Ngunit sapat na bang assurance ang salita kung wala namang konkretong aksyon? Ang lider na tunay na nasa panig ng mabuting pamamahala ay hindi natatakot magpakita ng paninindigan—sa
salita, sa gawa, at oo, kahit sa isang simpleng pirma.
Ang politika sa Pilipinas ay matagal nang ginawang negosyo ng iilang pamilya. Pinapasa ang kapangyarihan na parang minanang ari-arian. Imbes na serbisyo, pansariling interes ang nangingibabaw. At habang abala ang ilan sa pagpapayaman ng bulsa, libo-libong Pilipino ang lumulubog sa baha—literal at simbolikal—ng kapabayaan at katiwalian.
Ang M4GG ay hindi lamang koalisyon, ito ay babala. Babala na hindi na palalampasin ng taumbayan ang mga lider na nagtatago sa katahimikan at nakikisawsaw lang kung kailan makikinabang. Hindi sapat ang pangakong “aligned” kung walang tapang na sumama sa laban para sa transparency at pananagutan. Sa dulo, ang tanong ay simple: Ano ang mas mabigat—ang pirma sa papel o ang paninindigan sa gawa? Kung tunay na kasama sa mabuting pamamahala si Mayor Ian Alilio, dapat itong makita hindi sa mga palusot, kundi sa konkretong pagbabago sa Lemery. At para sa sambayanan: huwag nang magtiwala sa mga lider na inuuna ang sarili. Panahon na para ang boto ng tao ay mapunta sa mga tunay na handang manindigan. Sino ang May Tapang?
Princess Nicole Tolentino
Emmanuel Baldivia
Dila Bilang Bala
Briley Camson
Sa politika, may mga salitang lumilipas na parang hangin—ngunit mayroon ding mga salitang nagiging bakal na bigkis ng kasaysayan.
Ang paulit-ulit na paratang ni Vice President Sara Duterte na “kinidnap” ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang ama ay hindi na maituturing na simpleng retorika o emosyonal na pagtatanggol. Ito ay isang mapanganib na naratibo na hindi lamang nagbabaluktot ng katotohanan, kundi nagiging mismong bala laban sa depensa ng dating pangulo. Sa halip na pagaanin ang kaso ni Rodrigo Duterte, ang mga salita ng kanyang anak ay unti-unting nagpapabigat sa kanyang posisyon sa harap ng internasyonal na hustisya.
Sa mga nagdaang buwan, sa loob man ng The Hague, sa lansangan ng Pilipinas, o sa pag-
Ktitipon ng mga Pilipino sa Japan, iisa ang linya ng bise presidente: na ang ICC ay abusado at marahas
na inalis ang kanyang ama mula sa bansa. Subalit taliwas sa kanyang mga salita, malinaw na ang dating pangulo ay inaresto sa bisa ng internasyonal na kautusan, bunga ng matagal na imbestigasyon sa libu-libong pagkamatay sa giyera kontra droga—isang kampanya na para sa marami ay sumira sa dangal ng bansa at pumatay sa libo-libong inosente. Hindi simpleng hyperbole ang paggamit ng salitang “kidnap.” Ito ay isang sadyang pagbaluktot ng naratibo: isang pagtatangkang ilihis ang usapan mula sa pananagutan tungo sa pagiging biktima. Ngunit sa internasyonal na larangan, kung saan ang mga salita ng mga lider ay sinusuri at isinusulat bilang bahagi ng rekord, ang mga ganitong pahayag ay bumabalik na parang sibat laban sa kanilang pinoprotektahan. Sa katunayan, ginamit mismo ng prosekusyon ng ICC ang mga salitang ito upang ipakita ang kawalan
PAGSIKAT
Bulsa Bago Baha
MJ Ken L. Moredo
apag bumubuhos ang ulan, dapat kaligtasan ang dumadaloy sa mga komunidad, hindi tubig na sumisira ng buhay. Pero sa Pilipinas, tila hindi ulan ang tunay na kalaban kundi ang mismong katiwalian. Bilyon-bilyong piso ang nakalaan para sa flood control projects, pero taon-taon, parehong eksena: nalunod ang mga kabahayan, sinira ang kabuhayan, at inulila ang mga pamilya. Ang nakakasulasok? Ang mga proyektong dapat sumalo sa delubyo, kinain ng bulsa ng mga opisyal.
Ayon mismo kay Finance Secretary Ralph Recto, mula 2023 hanggang 2025, mahigit US$2 bilyon (o halos 120 bilyon) ang nawala sa katiwalian sa flood control projects. Hindi biro ang halagang ito: sapat sana para magpatayo ng libo-libong matibay na flood barriers, pumping stations, at kanal sa buong bansa. Sa halip, ang naiwan sa taumbayan ay mga half-baked na istruktura at walang saysay na pader na nilalamon ng unang buhos ng ulan.
Sa Bulacan, pumutok ang iskandalo laban sa mga tinaguriang “BGC Boys”—isang grupo ng mga kontratista at opisyal ng DPWH. Kinasuhan sila dahil sa pekeng dokumento, pagbabayad sa proyektong hindi naman tapos, at mga depektibong flood control structures na hindi tumagal sa unang baha. Tatlong DPWH executives ang tinanggal, labing-pito ang sinuspinde, at higit dalawampu’t anim ang kinasuhan. Ang tanong: ilan pa ang makakalusot?
Hindi natatapos sa Bulacan ang kuwento. Sa Oriental Mindoro, sinampahan din ng kaso ang mga DPWH officials at kontratista dahil sa anomalya sa flood control projects. At kamakailan, ipinag-utos ng DPWH na habulin ang mga ari-arian—mga mansion, sasakyan, at lupa—ng mga sangkot. Isipin mo: habang milyon ang nagdurusa sa baha, may ilan na nagkakape sa sala ng kanilang mansion, galing sa pondong dapat sana’y pananggalang sa tubig. Hindi rin maitatanggi ang
Kng tiwala at pagtanggi ng pamilya Duterte sa lehitimong proseso ng korte.
Sa madaling sabi, ang ginagawa ni VP Sara ay nagiging hadlang sa mismong layunin nilang makamtan: ang pansamantalang paglaya ng kanyang ama. Paano papayagang makalabas ang isang akusado kung ang kanyang pamilya ay lantaran nang nagbabadya ng “jailbreak” at tumatangging kilalanin ang korte? Ang ganitong asal ay nagpapakita ng panganib na muling magamit ang impluwensya, kapangyarihan, at alyansa upang baluktutin ang hustisya. Ang mas mabigat dito, ang paggamit ng bise presidente ng kanyang plataporma upang ilagay sa posisyon ng kahihiyan ang isang institusyong nilikha upang ipagtanggol ang sangkatauhan laban sa malalaking krimen ay hindi lamang isang pagtatanggol sa pamilya—ito’y isang paglapastan-
SERBISYO EDUKASYON
Iepekto nito sa ordinaryong tao. Sa mga baranggay na madalas bahain, nakikita natin ang parehong eksena: mga magulang na binabalikan ang lumubog na gamit, mga bata na namamalagi sa evacuation centers, mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng kabuhayan. Ang pera ng bayan, nilustay. Ang kinabukasan ng mga komunidad, isinugal.
Tama si Senador Ping Lacson: higit pa sa flood control, ang kailangan natin ay “greed control.” Hangga’t hindi tinatabas ang ugat ng kasakiman sa gobyerno, uulit at uulit ang delubyong ito—hindi lang baha, kundi pati ang pagbaha ng kawalan ng hustisya.
Bilang mamamayan, may papel tayo. Hindi sapat ang magreklamo sa social media. Kailangan nating hingin ang transparency reports, bantayan ang budget hearings, at suportahan ang mga whistleblower. Dapat mas maging mapanuri tayo sa mga opisyal na ibinoboto: hindi sapat ang apelyido o pormang maayos; dapat may rekord ng paglilingkod at hindi ng pagnanakaw.
Sa huli, ang tunay na tanong: hanggang kailan tayo magtitiis? Hanggang kailan natin hahayaang unahin ang bulsa bago ang baha? Ang katiwalian ay hindi simpleng maling gawain—isa itong krimen laban sa kinabukasan ng bansa. At kung hindi kikilos ang gobyerno at mamamayan ngayon, malulunod tayo hindi sa ulan kundi sa sariling kapabayaan.
gan sa konsepto ng pananagutan. Kapag ang ikalawang pinakamataas na lider ng bansa mismo ang humahamak sa internasyonal na hukuman, ang ipinapakita ay hindi lamang pagtatanggol sa ama, kundi pagtatanggi sa prinsipyong ang lahat ng pinuno—malaki man o makapangyarihan—ay may pananagutan sa batas. Sa huli, hindi mapapawalang-bisa ng mga retorika ang dugo na dumikit sa giyera kontra droga. Hindi matatabunan ng salitang “kinidnap” ang libu-libong bangkay na iniwan ng karahasan. At hindi mapipigilan ng paulit-ulit na paninira sa ICC ang takbo ng hustisyang pandaigdig. Kung ang pamilya Duterte ay patuloy na gagamit ng maling wika upang gawing biktima ang dating pangulo, mas lalo lamang nilang pinatutunayan ang pangangailangan ng korte: na harapin, sa liwanag ng katotohanan, ang mga krimen laban sa sangkatauhan.
PUWERSA
Pamana ng Pag-asa
Emmanuel Baldivia
sang makabuluhang kaganapan ang naganap kamakailan sa R. Venturanza Central School (RVCS) nang
575 estudyante ang nabigyan ng educational assistance mula kay District 1 Batangas Congressman Leandro Legarda Leviste. Sa gitna ng lumalaking pangangailangan ng mga pamilya, ang programang ito ay nagsilbing sinag ng pag-asa para sa mga kabataan at kanilang mga magulang na nagsusumikap upang maitaguyod ang edukasyon.
Hindi maitatanggi na ang edukasyon ang pinakamatibay na puhunan para sa magandang kinabukasan. Ngunit marami sa ating mga estudyante ang humaharap sa hamon ng kakulangan sa gastusin—mula sa uniporme, gamit pangeskwela, pamasahe, hanggang sa iba pang bayarin. Ang tulong pinansyal na ibinigay ni Cong. Leviste ay hindi lamang nakabawas sa bigat na pasan ng mga magulang, kundi nagbigay rin ng dagdag inspirasyon sa mga bata upang magpatuloy nang may pag-asa at determinasyon.
Para sa mga magulang, ang tulong na ito ay higit pa sa salapi. Ito ay tanda ng malasakit, at konkretong patunay na may mga lider na tunay na nakikinig at kumikilos para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Sa simpleng pagbibigay, maraming pamilyang Batangueño ang
amakailan lamang ay nanaig ang tibok ng puso ng bayan sa nangyaring protesta sa Luneta park. Libo-libong Pilipino ang nagsama-sama, hindi para maki-uso, kundi para ipakita na sawa na kami sa mga kasinungalingan ng mga nasa kapangyarihan. Ang init ng araw, ang bigat ng trapiko, at ang panganib ng ulan ay hindi naging hadlang—dahil mas mabigat ang dala-dalang galit at pagkadismaya ng mamamayan.
Noong nakaraang Setyembre 21, 2025, may naganap na trillionpeso March sa Luneta Park. Sa gitna ng mga plakard, sigawan, at talumpati, isang bagay lang ang malinaw: hindi na puwedeng palampasin ang korapsyon sa mga flood control projects. Habang patuloy tayong lumulubog sa baha, ang mga opisyal na dapat nagliligtas ay mas inuuna pa ang kanilang bulsa. Walang proyekto ang kumakatawan dito kundi
ang mga tabing-ilog na dapat proteksyon natin—ngunit nauuwi lamang sa sementong madaling mabakbak at pondong biglang naglalaho. Hindi makakalimutan ang mga mukha ng mga taong naroon. May mga estudyanteng nagtitipid pa sa pamasahe para makadalo, may mga nanay na iniwan ang kanilang tindahan, at may mga manggagawang galing pa sa probinsya. Hindi lang sila
basta nagprotesta—dala nila ang mga sariling kwento ng pagkalugi, pagkasira ng bahay, at pagkamatay ng mahal sa buhay dahil sa baha na sana ay naiwasan kung ginamit nang tama ang pera ng bayan. Kung may mga nagsasabing sayang ang oras sa lansangan, nararapat lamang sagutin: “Walang mali sa protesta, may mali kay may protesta.” Hindi kasalanan ng bayan ang iparinig ang kanilang panawagan. Ang mali ay ang
kawalan ng hustisya, ang kawalan ng aksyon, at ang patuloy na pangaabuso ng mga nasa pwesto. Ang rally kahapon ay hindi lamang ingay sa kalsada. Isa itong pagsasama-sama ng mga pusong sugatan at umaasa pa rin na may pagbabagong darating. Habang nakikinig sa mga sigaw, paulit-ulit ang tanong: hanggang kailan maghihintay ng hustisya?
Hanggang kailan pakikinggan sa lansangan, pero binabalewala sa kongreso at mga opisina ng pamahalaan?
Nakakapanlumo na tuwing may kalamidad, ang karaniwang mamamayan ang unang nagdurusa.
kabuhayan, ng seguridad. Samantalang ang mga dapat nagtatanggol sa atin, sila pa ang unang kumakapit sa ating pondo. Ang mga lider na dapat sana’y kanlungan, sila ang nagiging panganib.
Kaya sa mga opisyal na patuloy na nagpapalusot, tandaan ninyo ito: hindi kami mga ilog na tahimik na tatanggap ng inyong dumi. Kami ang agos na babangga sa inyo kapag patuloy kayong lumalapastangan. Kung hindi niyo kayang tuparin ang tungkulin ninyo, kami mismo ang magpapaalala sa lansangan. Ika nga ni Vice Ganda, “Tapos na ang panahon ng mababait at resilient.” Sa huli, ang hiling namin ay malinaw—Hustisya, Hindi Pangako.
PANSININ
Princess Nicole Tolentino Hustisya, Hindi Pangako
Ionline gambling ay nakakatulong sa Pilipino.”
Online Sabong, Offline Sistema
Kristine Ricalde
lang taon nang usap-usapan ang online gambling, lalo na ang online sabong, na nakatago sa likod ng makikinang na apps at digital na laro. Pero pagdating sa Senado? Parang wala silang naririnig at nakikita. Ang kanilang katahimikan ay nakakabingi at nakakasulasok. Lalong tumingkad ito sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan maraming mambabatas ang nadismaya na hindi man lang nabanggit ang online gambling. Tanong tuloy ng marami: nakalimutan ba niya, o sadyang iniwasan?
Sa isang press briefing, nang tanungin si Malacañang undersecretary Claire Castro ukol sa isyu, mas lalo niyang binuhusan ng gasolina ang apoy. Ang sabi niya, “Pag tinanggal agad-agad ang
natutulungan—kundi pati ang kinabukasan ng buong bayan. Ang educational assistance ay hindi lamang ayuda; ito ay pamana ng pagasa na magbubunga ng mas maliwanag na kinabukasan.
Sa huli, ang naging kaganapan sa RVCS ay patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi nasusukat sa dami ng pangakong binitiwan, kundi sa mga konkretong aksyon na agad na
online gambling at maapektuhan ang mga lisensyado, makakaapekto ba ito sa tulong sa bayan, sa tulong sa mga estudyante, sa tulong sa mga Pilipino?” Dinagdagan pa niya ng isa pang maling linya: “Ang
mensahe ang ipinabatid: ang bawat batang Batangueño ay may karapatang mangarap at umasang makakamtan ito. Ang pamana ng pag-asa ay hindi natatapos sa isang araw ng pamamahagi. Ito’y patuloy na nabubuhay sa bawat batang natulungan, sa bawat pamilyang gumaan ang loob, at sa bawat pangarap na muling sumiklab sa kanilang mga puso. Sa ganitong mga pagkakataon, palakpak ay hindi pa sapat
Nakakatulong? Paano magiging tulong ang online gambling kung may mga nawawala, lumulubog sa utang, at winawasak ang mga pamilya? Hindi ba’t sapat na halimbawa ang kaso ng mga nawawalang sabungero na diumano’y natagpuang patay sa Lawa ng Taal? Dapat iyon pa lang ay alarma na para sa gobyerno. Ngunit ano ang naging tugon? Wala—pawang katahimikan. Lalong lumilinaw na baka kaya nananahimik ang administrasyon ay dahil may pakinabang din sila rito.
Ang katotohanan: batay sa datos, ang pagdami ng online gambling ay may kaugnayan sa pagbaba ng produktibidad at pagkakautang ng mga Pilipino. Hindi na kailangang magpakadalubhasa para makita ang epekto nito. Sa personal naming karanasan, online
PAGDAKA
Ilusyon o Solusyon?
Glenda Duran
SPATNUGOT
Mahal na Patnugot,
Bilang isang mag-aaral, hindi ko maiwasang ipahayag ang aking pagkadismaya sa kasalukuyang kalagayan ng waste management sa ating paaralan. Araw-araw ay nakikita ko ang tambak ng basura sa paligid ng canteen, mga pasilyo, at maging sa gilid ng mga silid-aralan. Bagama’t may mga basurahan na inilaan, madalas itong kulang at hindi malinaw kung alin ang para sa nabubulok, di-nabubulok, o recyclable. Ang resulta, nagiging magulo ang kalinisan ng ating kapaligiran, at tila walang agarang aksyon upang masolusyunan ito. Kung patuloy itong mapapabayaan, hindi lamang ang ating kalusugan ang malalagay sa peligro, kundi pati na rin ang disiplina at malasakit ng bawat estudyante sa kalikasan ay mawawala. Nais kong manawagan sa pamunuan na bigyan ng mas seryosong pansin ang tamang waste management, magdagdag ng sapat na basurahan, at magsagawa ng mga programa upang turuan ang mga estudyante tungkol sa kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura.
Lubos na gumagalang, Briley Sophia T. Camson
sabong ang naging pinakamalaking dahilan ng bangayan ng aking mga magulang noong pandemya. Hindi lang daan kundi libo-libong piso ang nawala. Pati mga pinsan at tiyo ko, nalubog sa Scatter, POGO, at casino. Ang perang nawala? Hindi kami natulungan—taliwas sa sinabi ni Castro. Ang dumami lang ay utang, sama ng loob, at sugat sa pamilya.
Kaya’t ang pananahimik ng Senado ay hindi lamang nakakabigo—nakakasama. Ilan pang pamilya ang dapat masira bago sila kumilos? Ilan pang buhay ang dapat malugmok bago sila magsalita? Trabaho nilang protektahan ang mga Pilipino, hindi balewalain ang paghihirap ng mamamayan. E-gambling ay isa sa pinakabobo at pinakamapanirang sistemang pinapayagang gumana nang hayagan. At ang pinakanakakakilabot dito—ang Senado, na dapat unang kumikilos, ay nananatiling parang patay ang sistema.
a Pilipinas, ang bigas ay hindi lamang pagkain—ito ang ating sandigan. Ito ang laman ng ating hapag, ang nagpapabusog sa ating tiyan, at bahagi ng ating kultura. Kaya’t nang mangako ang isang lider na magiging Php20 kada kilo ang bigas, hindi lang numero ang ipinangako niya, kundi pag-asa. Ngunit ang pag-asa ay madaling mabasag, lalo na kung paulit-ulit na lang itong ibinabandera nang walang katuparan.
Kamakailan, muling umingay ang isyu matapos ipatupad ang 60-araw na suspensyon ng importasyon ng bigas. Para bang sinasabi na ito ang simula ng katuparan ng pangakong Php20 bigas. Pero ang tanong—ito ba ay seryosong polisiya, o isa na namang palabas na politikal? Ito ba’y hakbang patungo sa tunay na pagbabago, o isa lang panandaliang aksyon para makabawi sa nababasag nang tiwala ng
Noong kampanya, ipinagparada ni Pangulong Marcos Jr. ang pangakong Php20 bigas na tila isang gintong tiket. Inuulit-ulit niya ito hanggang halos maging “gospel truth” para sa mga tagasuporta. Ngunit ngayong nasa kalagitnaan na siya ng termino, bakit wala pa rin tayong nakikitang malinaw na resulta? Kung ito ay talagang prayoridad, bakit ngayon lang kumilos? Ang timing na ito ay amoy desperasyon, hindi estratehiya—isang PR stunt na nagkukubli
Sabihin na nating totoo: sinasakal ng inflation ang bawat pamilyang Pilipino. Tumataas ang presyo ng bilihin, hindi gumagalaw ang sahod, at ang bigas—na pinakamahalagang pagkain sa ating mesa—ay lalong nagiging mahirap bilhin. Ang ipataw ang 60-araw na import ban nang hindi sinisiguro ang sapat na lokal na suplay ay hindi matapang na pamumuno, kundi padalus-dalos na sugal. Noon pa man, napatunayan na kapag nabawasan ang suplay, nagiging mas matindi ang hoarding, pumapalo ang presyo, at mga mahihirap ang direktang tinatamaan. Mas nakababahala, nakapikit pa rin ang gobyerno sa
kalagayan ng ating mga magsasaka. Hanggang ngayon, kulang sila sa pondo, suporta, at makabagong kagamitan. Sira ang irigasyon, mahal ang gastos sa produksyon, at halos walang proteksyon laban sa pananamantala ng malalaking negosyante. Kung walang agarang puhunan at reporma sa agrikultura, ang suspensyon ng importasyon ay wala kundi dahan-dahang sakuna. At kung tutuusin, hindi naman ito ang tanging opsyon. Maaari sanang ipatupad ang controlled o limitadong importasyon para maprotektahan ang lokal na magsasaka habang tinitiyak na may sapat na suplay. Pero bakit agad-agad total ban? Sa papel, maganda pakinggan. Pero sa realidad, binubuksan nito ang pinto sa kakulangan, pagsirit ng presyo, at panic buying. Hindi ito maingat na polisiya; isa itong knee-jerk reaction na nagsusugal sa hapag-kainan ng buong bansa. Madaling magsalita ng pangako, lalo na sa panahon ng kampanya. Ngunit ang Php20 bigas, kung walang kasunod na malinaw na plano at pangmatagalang solusyon, ay mananatiling ilusyon. Hindi palabas ang kailangan ng mga Pilipino, kundi konkretong aksyon—mula sa pamumuhunan sa agrikultura, pag-aayos ng supply chain, at pagbibigay-proteksyon sa magsasaka.
Hanggang hindi ito nagagawa, mananatiling pangarap ang Php20 bigas. Ang bawat anunsyo ng gobyerno ay mananatiling butil ng palsong pag-asa, at ang mga Pilipino, lalo na ang pinakamahirap, ang patuloy na nagbabayad ng presyo para sa pangakong hindi naman tinutupad.
KALABIT
Pag-asa, Hindi Parusa
Carmencita Maligaya
ITUGON NG
PATNUGOT
Minamahal na mambabasa, Maraming salamat sa iyong obserbasyon at malasakit. Nais naming ipaalam na ang pamunuan ng paaralan ay may isinasagawang mga hakbang kaugnay ng waste management alinsunod sa mga polisiya ng DepEd at ng lokal na pamahalaan. Sa katunayan, kasalukuyan nang inaayos ang karagdagang mga basurahan at muling binibigyang-diin sa mga guro at mag-aaral ang kahalagahan ng segregation. Pinapahalagahan namin ang iyong puna at ito ay makatutulong upang mas mapabilis at mapabuti ang implementasyon ng aming mga programa. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang kalinisan ng ating paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng pamunuan kundi ng lahat ng estudyante at guro na bumubuo sa komunidad. Sama-sama nating panatilihing malinis at ligtas ang ating kapaligiran.
—Patnugot
sa na namang mapanganib na panukala ang nakalatag sa Senado—ang ibaba mula 15 hanggang 10 taong gulang ang minimum age of criminal responsibility. Hindi ito hakbang laban sa krimen; ito’y tahasang pagkakanulo sa diwa ng katarungan. Sa edad na sampu, ang isang bata ay nagsisimula pa lamang unawain ang tama at mali, hinuhubog pa ang konsensya, at nangangapa pa sa kanilang pagunlad. Ang ituring silang batikang kriminal ay hindi katarungan, kundi kalupitan. Isinusulong ni Senador Robin Padilla ang pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344) upang gawing ganap na mananagot ang mga batang edad sampu pataas kapag sangkot sa mabibigat na krimen. Ngunit ang kasalukuyang batas ay malinaw na nakatuon sa rehabilitasyon at pagbibigay ng pagkakataon. Sa halip na palakasin ito, itinutulak ng panukalang ito ang kabataan sa selda, sa halip na sa pag-asa. Subalit tingnan natin ang reyalidad. Ilang senador at opisyal ng gobyerno ang nasangkot sa korapsyon, plunder, at droga, ngunit nananatili sa puwesto o nakakalusot matapos magpiyansa. Kung ang mga lider na ganap ang pag-unawa sa batas ay nakakalusot, bakit ang sampung taong gulang na anak ng kahirapan ang kailangang pagbayarin ng pinakamabigat na parusa? Ito ba ang hustisya? May mga kuwento sa ating mga komunidad na sumasalamin sa kabiguan ng sistema. Isang 12-anyos sa Maynila ang nahuli dahil nagnakaw ng pagkain para sa mga kapatid na dalawang araw nang walang laman ang sikmura. Sa Cebu, isang batang babae ang ginamit ng sariling kamag-anak bilang drug courier. Nahuli ang bata, ngunit nakatakas ang mga totoong salarin. Ang mga batang ito ba ang dapat ikulong? O sila ang tunay na biktima ng lipunan na bigo tayong protektahan?M Mismong mga eksperto at tagapagtanggol ng karapatang pantao ang mariing tumututol. Alam nila na ang kulungan ay hindi paaralan ng kabutihan, kundi pugad ng pang-aabuso. Kapag ang bata ay ikinulong, mas lalo lamang siyang mahuhulog sa siklo ng karahasan at desperasyon. Hindi ito solusyon; ito’y paglalagay ng sugat na habang-buhay. Ang tunay na laban kontra krimen ay hindi ang pagpaparami ng bilanggo, kundi ang pagtugon sa ugat nito— kahirapan, kagutuman, at kawalan ng oportunidad. Kailangang palakasin ang Bahay Pag-Asa, mga programang pangkomunidad, at ang edukasyong kayang magbukas ng bagong landas para sa kabataan. Hindi ito usapin ng pagiging “malambot” sa krimen. Ito’y usapin ng pagiging makatao at makatarungan. Ang parusang walang pag-unawa ay magbubunga lamang ng mas maraming sugat, mas maraming krimen, at mas maraming sirang kinabukasan. Ngayon ang panahon para manindigan. Tawagin natin ang Senado at Malacanang sa kanilang responsibilidad. Ang mga bata ay hindi kriminal sila ang kinabukasan. Ang dapat ialok ng lipunan ay pagkakataon., hustisya at kinabukasang may liwanag. Ang tanging panawagan, Pag-asa, Hindi Parusa.
Cherry on Top Sa dulo ng lahat ng awit at sayaw, malinaw ang paalala: ang buhay ay hindi karera. Hindi ito paligsahan na minamadali, kundi isang himig na dapat namnamin, isang sayaw na mas masarap kapag sinasabayan, at isang kwento na mas makulay kapag may kasamang tawa at musika. Tulad ng BINI na patuloy na nagbibigay-boses at kulay sa kabataan, ang bawat hakbang ng ating henerasyon ay nagiging bahagi ng mas malaking himig ng pag-asa. Sapagkat sa musika ng buhay, hindi mahalaga kung sino ang mauna—ang tunay na mahalaga ay ang kasayahan ng pagsasama at ang pagdiriwang ng ating sariling kultura. At sa huli, ang BINI ang Cherry on Top, ang pinakamatamis na dagdag na nagpapa-kumpleto sa handog ng P-Pop, ang kulay na lalong nagpapatingkad sa kwento ng kabataan, at ang himig na patuloy na magpapaalala na mas masaya ang buhay kapag pinipili nating sumayaw, ngumiti, at magmahal.
SSalamin, Salamin
ng Kulturang sa Atin!
a loob lamang ng maikling panahon, ang walong mukha ng grupong BINI ay hindi na lang larawan sa isang poster—sila na ang sumasalamin sa bagong mukha ng kabataang Pilipino. Tulad ng isang malaking alon na biglang sumakop sa dalampasigan, ang kanilang popularidad ay lumaganap nang mabilis, nagpapaalala sa lahat na ang Pinoy Pop o P-Pop ay hindi na lamang isang pangarap, kundi isang puwersang dapat kilalanin.
Ang kanilang tagumpay ay isang testamento sa pagbabagong-tanaw ng bansa: handa na tayong magpakita ng sariling atin, may mataas na kalidad, at may puso ng pagiging tunay. Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay na ang tagumpay ay hindi lang nasusukat sa pandaigdigang pagkilala, kundi sa lakas ng pagmamahal ng sariling bayan.
Pantropiko
Ang awiting "Pantropiko" ang walang-dudang naging pagsabog ng kasikatan ng BINI. Tila isang nakakahawang lagnat, mabilis na kumalat ang tugtog at indayog nito sa bawat sulok ng bansa, lalo na sa mundo ng kabataan. Sa isang iglap, ang BINI ay naging paborito, at ang kanilang pag-ere sa mga plataporma online ay hindi mapigilan. Ang kantang ito, na nagpapaa lala sa saya ng tag-araw, ang nagsilbing pintuan kung saan nakita ng mga bagong tagahanga—mula sa probinsiya hanggang sa siyudad—ang galing ng P-Pop. Ang mabilis nilang pag-akyat sa tuktok ay nagpakita na handa na ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling musika, basta't ito ay may kalidad, ganda, at kakaibang hatak.
Halos tatlong dekada’t kalahati ring itinaguyod ni Ma’am Susana M. Silva ang intermediate level sa R. Venturanza Central School bilang isa nitong matatag na haligi. Sa bawat taon, siya ang naging gabay ng mga batang malapit nang tumawid sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral. Nakasanayan na niya ang hamon ng pagtuturo sa mga batang nasa gilid ng pagkabata at pagbibinata, kaya’t ang kaniyang pangalan ay naging simbolo ng karanasan at kahusayan. Ngunit isang araw, dumating ang isang pangkalahatang memorandum, na magbabago sa kaniyang landas bilang guro. Kinailangan niyang iwan ang kaniyang nakasanayang silya sa ika-anim na baitang upang lumipat sa primarya, partikular sa ikaunang baitang. Ito ay isang malaking hamon; tila iniwan ng isang Punong Mandirigma ang kaniyang matibay na kastilyo upang maging liwanag sa simula ng mapaghamong daanan. Ang paglipat mula sa matatanda at sanay na mag-aaral tungo sa mga musmos na natututo pa lamang bumigkas ng alpabeto ay isang misyon na sumusubok sa tunay na dedikasyon.
“Hindi madali ang biglang pagbabago,” aniya, may
Ang BINI Phenomenon ay isang pagdiriwang ng pagkakaisa. Ang kanilang mga tagahanga, na tinawag na "Blooms," ay nagpakita ng kolektibong pagmamahal at dedikasyon na bihira makita. Ang epekto ng grupo ay lumampas na sa musika— nagbigay ito ng tiwala at kapital sa iba pang mga Pilipinong alagad ng sining, at nagpabago sa pananaw ng industriya sa P-Pop.
Super Ma’am
ngiting nagkukubli ng pagod ngunit puno ng tapang. “Ngunit kung saan ako higit na
makakatulong, doon ako maglilingkod,” dagdag pa niya. Sa isang iglap, ang beteranang guro ng ika-anim na baitang ay naging bagong ina ng unang baitang. At sa halip na tingnan ito bilang pagbaba, ginawa niyang pagkakataon upang muling bumalik sa pinagmulan—ang pagtuturo ng mga unang letra, unang bilang, at unang pangarap. Sa mga unang araw, ramdam ang bigat ng hamon. Ang mga dati niyang estudyante ay kayang makipagdebate, ngunit ngayon ay mga batang marunong lang bumigkas ng “a, ba, ka.” Ang dating diskusyon ay napalitan ng simpleng pagguhit ng letra. Ngunit sa bawat batang nakabubuo ng unang salita, dama niya ang gantimpalang higit pa sa medalya.
“Ang pinakamasarap na bahagi ng pagtuturo ay ‘yung makita mong natututo ang bata…kahit sa simpleng paraan na itinuro mo. Kapag nakikita kong kaya na nilang bumasa o sumulat kahit paunti-unti, doon ko nararamdaman na sulit lahat ng pagod. Sapat na sa akin na alam kong may batang natuto dahil sa akin,” wika ni Gng. Silva. Hindi maitatanggi ang paghanga ng Punong
Tagapamahala ng Distrito ng Lemery na si G. Avelino B. Mortel. Ayon sa kanya, bihira ang guro na handang iwan ang nakasanayang antas para magsimula muli sa panibagong hamon. Para kay G. Mortel, ang ginawa ni Ma’am Silva ay hindi simpleng pagsunod sa utos kundi malinaw na patunay ng kanyang katapatan at dedikasyon sa tungkulin—isang katangiang nagbigay sa kanya ng dangal at mataas na respeto.
Kung tutuusin, maaari siyang tumanggi. Maaari niyang igiit ang tatlong dekadang karanasan. Ngunit pinili niyang magpakumbaba, at sa pagpapakumbabang ito mas luminaw ang kanyang kadakilaan. Sa bawat batang tinuturuan niyang sumulat ng unang letra, tila ba siya’y muling nagtatanim ng mga binhing magbubunga ng pangarap—at siya ang unang tumutulong sa mga itong tumubo.
“Hindi ko masasabing madali, pero masarap sa puso,” mahina ngunit tapat na
sambit dami alam hindi emosyonal Silva. mababakas guro paglilingkod, handang Susana
Alexa Rose B. Rivera
Kuha ng NYLON Manila
Isabel Lauren A. Maranan
Liwanag Lakas Layunin
Isabel Lauren A. Maranan
SAng Tatlong L ni LLL
a isang mundong pilit gumagapang mula sa hampas ng ekonomiyang bumagsak, ang bawat pamilya ay nakikipagbuno sa hamon ng bawat araw. Ang dating simple at karaniwang gastusin ay naging napakabigat, at ang mga pangarap ng maraming kabataan ay tila unti-unting nalalanta sa kakulangan ng suporta. Sa ganitong sitwasyon, ang isang simpleng inisyatiba ay naging tulad ng patak ng ulan sa tuyong lupa. Sa pamamahagi ni Congressman Le-
andro Legarda Leviste ng tig-isang libong piso sa libu-libong kabataan sa iba't ibang komunidad sa unang distrito ng Batangas, hindi lamang
Mike it HAPPEN
Isabel Lauren A. Maranan
SLiwanag
PAG-ASA NA HATID NG EDUKASYON AT KAALA-
BILANG
MAN SA BUHAY NG MGA KABATAAN. Ang aksyon ni Leviste ay tulad ng isang magsasaka na naghahasik ng butil sa inaasahang magandang anihan. Ang bawat Php 1,000 ay hindi lamang isang simpleng salapi; ito ay isang puhunan sa kinabukasan ng bawat batang tumanggap. Sa pagitan ng pag-aaral, pag-asa, at realidad ng kahirapan, ang munting tulong na ito ay nagsilbing pambalanse. Ito ay nagsilbing isang munting tanglaw sa dilim, nagbibigay liwanag sa daan ng mga kabataang nagpupursigi sa kabila ng kakulangan.
Lakas
KAKAYAHANG IBINIBIGAY NG KAALAMAN SA MGA
BILANG
ESTUDYANTE UPANG MAGING MATATAG SA PAGHARAP
SA MGA HAMON NG BUHAY. Para sa mga pamilyang hirap makaahon, ang bawat piso ay mayroong bigat na katumbas ng pag-asa. Ang ₱1,000 na ayuda ay nagsilbing isang tulay na nag-uugnay sa kanilang mga pangarap
pera ang naibahagi kundi pati na rin ang binhi ng pag-asa.
a bawat komunidad, mayroong isang taong hindi mo puwedeng kalimutan, isang indibidwal na ang presensya ay tila sikat ng araw na nagpapawi ng anumang lungkot o pagod. Sa R. Venturanza Central School (RVCS), ang pangalang "Kuya Mike" ang madalas na sumasalamin sa ganitong uri ng pagkatao. Kilala siya sa buong paaralan hindi dahil sa pormal na titulo, kundi sa kanyang walang-kaparis na pagiging palabiro na nagbibigay-buhay sa bawat araw at walang pagod na serbisyo sa paaralan. Sa likod ng bawat ngiti at biro ay nakatago ang isang malalim na dedikasyon sa paglilingkod na nakatuon sa kapakanan ng mga magaaral at kawani ng RVCS.
Para kay Kuya Mike, ang buhay ay tila isang laro na kailangang laruin nang may ngiti, at ipinapakita niya na ang kaligayahan ay dapat laging may puwang, anuman ang problema. Ang kanyang pagpapatawa ay hindi lang basta biro, kundi paraan upang magaanin ang loob ng mga tao sa paligid niya.
tungkol sa pahayag ni Kuya Mike sa pagtatrabaho,” biro niya minsan habang patuloy sa trabaho.
Higit pa rito, siya rin ang maaasahan sa bawat Gawain, mula sa maliliit na tungkulin hanggang sa pinakamabigat na trabaho, hindi siya
uon sa paglilingkod. Tulad ng isang malakas na ilog, ang kaniyang tulong ay dumadaloy nang walang pasubali sa bawat sulok ng RVCS. Siya ang taong handang magbigay ng lubos na atensyon sa bawat hinaing, gamit ang kanyang koneksyon at boses upang maghanap ng solusyon para sa mga pangangailangan ng paaralan. Hindi mahalaga ang pormalidad, ang mahalaga ay ang resulta ng tulong na maibibigay niya. Sa mga oras na may kailan-
sambit niya. “Sa dami ng mga batang natututo, alam kong ang sakripisyo ko’y hindi mawawalan ng saysay,” emosyonal na pahayag ni Gng. Silva. Sa kanyang mga mata, mababakas ang kislap ng isang guro na, sa kabila ng taon ng paglilingkod, ay nananatiling handang magsimula muli. Ngayon, si Ma’am Susana ay hindi lamang guro. Isa
siyang huwaran ng dedikasyon, isang paalala na ang tunay na kagitingan ay hindi laging nasa entablado o tropeo, kundi sa tahimik na pagsusumikap sa loob ng silid-aralan. Sa kanyang tapang na magbago ng landas matapos ang tatlumpu’t apat na taon, ipinakita niya na ang pagiging guro ay hindi lamang trabaho. Ito ay isang bokasyon,
pamamagitan ng pagiging masaya sa buhay, lalo na sa isang paaralan na nangangailangan ng liwanag.
Para sa mga kabataan, siya ay isang huwaran na nagpapakita na ang paglilingkod ay maaaring isabay sa pagiging tunay at pagiging masiyahin. Sa pagtulong niya sa mga mag-aaral na, pinatutunayan niya na ang edukasyon ay isang seryosong bagay, ngunit ang daan patungo dito ay maaaring may kasamang tawa at saya.
pahayag ng isang guro tungkol sa pagiging matulungin ni Kuya Mike,” wika ni Ma’am Tess
Si Kuya Mike ay hindi lamang katuwang sa gawaing pisikal, kundi haligi ng sigla at inspirasyon sa RVCS. Sa bawat biro niyang pumapawi ng pagod at sa bawat kilos niyang puno ng malasakit, ipinapakita niya na ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa laki ng gawain kundi sa pusong handang magbigay. Ang kanyang sipag at katapatan ay nagsilbing paalala na ang isang komunidad ay nagiging mas matatag kapag may taong gaya niya—tapat, masayahin, at handang ialay ang sarili para sa lahat. Sa kanyang mga mata at ngiti, nagiging malinaw na ang paglilingkod ay hindi trabaho kundi isang pamana ng pagmamahal na magpapatuloy hangga’t may pusong nangangailangan ng ginhawa at pag-asa.
isang panata, isang sakripisyong ginagampanan nang may puso. At sa bawat batang natututong bumasa, sumulat, at mangarap, naroroon ang patunay ng kanyang dakilang paglilingkod. Sapagkat si Ma’am Susana M. Silva ay hindi lamang nagsusulat ng aralin sa pisara— kundi nagsusulat ng kasaysayan sa bawat murang isipan na kanyang hinuhubog.
sa realidad. Sa tulong na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makabili ng mga pangunahing gamit sa pag-aaral na matagal na nilang pinangarap. Mula sa simpleng notebook, bag, at panulat, hanggang sa pang-araw-araw na pamasahe at pangangailangan sa tahanan, ang ayuda ay nagbigay ng praktikal na solusyon sa kanilang pang-araw-araw na hamon.
Layunin
INSPIRASYON AT DIREKSYON NA NAKATUTULONG
BILANG
SA MGA KABATAAN NA ABUTIN ANG KANILANG MGA
PANGARAP. Bukod sa halaga ng pera, ang inisyatiba ay isang malinaw na pagpapakita na ang pagtulong ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan. Tulad ng isang komunidad na nagtutulungan upang buhatin ang isang bahay sa isang bayanihan, ipinakita ni Leviste na ang pribadong sektor ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mas matatag na pundasyon para sa mga kabataang Pilipino. Sa probinsya ng Batangas, kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral ng R. Venturanza Central School (RVCS) sa Lemery. Sa mga pader ng paaralan na matagal nang saksi sa pagsusumikap ng mga kabataan, ang pamamahagi ng tulong ay nagdagdag ng bagong kabanata. Ito ay hindi lamang tungkol sa pera; ito ay isang pampalakas-loob at pagkilala sa kanilang pagpupursigi.
mula sa isang guro o punong-guro tungkol sa ibinigay ni LLL
Higit pa sa halaga ng pera, ang pamamahagi ay isang paalala na ang edukasyon ay isang paglalakbay na nangangailangan ng suporta mula sa lahat. Kung ang edukasyon ay ang ilog na nagdadala ng kaalaman, ang mga tulong na gaya nito ang nagsisilbing batong-tuntungan na tumutulong sa mga estudyante na makatawid sa kanilang mga hamon. Ito ang nagbibigay sa kanila ng lakas na magpatuloy sa paglalayag, gaano man kalakas ang agos ng kahirapan. Ang tig-isang libong piso ay tila maliit lamang na piraso ng butil, subalit sa kamay ng mga kabataan, ito ang magiging binhi ng isang masaganang bukas. Ito ang pundasyon na bubuhat sa kanilang mga pangarap isang simpleng tulong na nagbubukas ng daan patungo sa mas maliwanag na hinaharap.
LATHALAIN
ino ba ang hindi nakakaalala ng larong Pogs—ang makukulay na bilog na paborito ng mga bata noong dekada nobenta? Sa bawat hampas at salpok ng karton, nabubuo ang tawanan, hiyawan, at simpleng ligaya ng kabataan. Ngunit sa makabagong panahon kung saan ang teknolohiya ang kadalasang kaagaw ng atensyon ng mga bata, muling binuhay ang larong ito—ngunit ngayon ay may bagong layunin. Hindi na lamang ito larong pampalipas-oras, kundi isang kasangkapan sa pagkatuto.
lamang sa kanilang paglalakbay sa mundo ng Matematika, malaking hamon ang masanay sa abstract na konsepto ng mga numero. Dito pumapasok ang inobasyon ng Project POGS. Sa bawat talbog ng karton at sa bawat sigaw ng mga bata, nagiging natural ang pagkatuto—hindi sapilitan, hindi
1 learners na nagsisimula pa
SIto ang tahimik na hamon na kinakaharap ng maraming mag-aaral—isang laban na hindi nakikita sa pisara ngunit ramdam sa bawat pagod na katawan at mapungay na mata. Ngunit sa pagbabalik ni Maria Bernadette M. Onor, isang dating estudyante ng R. Venturanza Central School (RVCS) na muling kumatok sa pinto ng kaniyang paaralan, unti-unting nabuksan ang pagkakataon para sagutin ang matagal nang tanong na ito. Sa pamamagitan ng Masayang Busog Feeding Program, nagsimulang magbago ang takbo ng araw ng mga bata. Hindi na lamang pagod at gutom ang dala nila sa klase, kundi lakas at kasiglahan na galing sa isang mainit na plato ng lugaw, may kasamang ulam,
at higit sa lahat, malasakit. Ang dating pag-upo nila sa upuan na may halong panghihina ay napalitan ng sigla— ang mga mata’y mas malinaw, ang pakikinig ay mas matino, at ang pagtawa’y mas madalas. Sa bawat plato, tila muling bumabalik ang pagkakataon para maging bata: makinig, mag-aral, at mangarap.
“Ako’y naniniwala na ang batang busog ang tiyan ay masaya ang isip,” bigkas ni Onor, sabay bigyang-diin na ang tunay na layunin ng programa ay hindi lang mapawi ang gutom, kundi ipadama na ang bawat bata ay may karapatang matutong may ngiti at may lakas.
“Nais kong ibalik sa aking paaralan ang kabutihang ipinunla sa akin ng mga
Pogs pagkatuto
mabigat, kundi masaya. Imbes na maramdaman ng mga bata na sila’y “pinapaaral,” ang dating ng aktibidad ay isa lamang larong kanilang kinahuhumalingan.
a bawat segundo ng katahimikan sa loob ng bulwagan sa paligsahan sa District Schools Press Conference ng Lemery, tanging ang tibok ng puso ang maririnig. Subalit nang iproklama ang panalo, ang tumunog ay ang tinig ng R. Venturanza Central School (RVCS) Broadcasting Team. Sa isang larangan kung saan ang mikropono ay sandata at ang wika ay bala, sila ang nagpatunay na ang kanilang tinig ang pinakamalinaw at pinakamatibay. Ang kanilang pagbabalita ay hindi lamang isang ulat ngunit isang tugtuging-simponya ng pagkakaisa, tiyempo, at katumpakan na siyang naghatid sa kanila upang masungkit ang titulo bilang Best Filipino Radio Broadcasting Team. Sa Likod ng Mikropono
Ang tagumpay na ito ay nagtataglay ng isang kakaibang kuwento ng pag-aalay.
Ang mga batang mamamahayag ng elementarya ay sinanay ng mga matatandang mag-aaral mula sa senior high school, na ngayon ay nasa kanilang huling pagkakataon nang makasali sa paligsahan. Sa halip na ituring itong huling laban para sa sarili,
inialay ng mga beteranong tagapaghatid ng balita ang kanilang oras at karunungan sa mga nakababatang kasapi.
Ang panalong ito, kung gayon, ay hindi lamang pag-aari ng mga bata, ito ay isang pamana at isang huling aral mula sa mga bantog na henerasyon na handang mag-iwan ng isang matamis na alaala. Ang paghahanda ng
pangkat ay tila hindi lang isang mahigpit na pagsasanay kundi isang masayang pagawaan. Puno ito ng tawanan, biruan, at mga kalikutan na nagpagaan sa bigat ng kumpetisyon. Sa bawat pagpapalit ng tagapagbalita at pag-iiba-iba ng tunog, binuo nila ang isang matibay na pamilya na nagtutulungan. Ang kanilang inaasahan ay hindi lang manalo, kundi maipamalas
ang saya at husay ng pagbabalita sa paraan na mag-iiwan ng ngiti sa mga hurado.
“Minsan nagkakapalpakan kami sa practice, pero we just laugh it off. Kasi ganun naman talaga, dadaan ka sa mali bago mo mahanap ‘yung tamang timpla. At least, hindi lang kami nag-practice, we also built memories together,” ani ni
ISANG ISANG PAGBABAGO
guro at komunidad. Nais kong iparamdam sa mga bata na hindi sila nag-iisa,” dagdag niya. Hindi lamang pagkain ang kaniyang ibinabahagi kundi isang halimbawa na ang mabuting ala-ala ng kabataan ay maaaring maging binhi ng malasakit na patuloy na namumunga.
Hindi nakaligtas sa mga mata ng mga guro ang positibong epekto ng programa. Isang guro sa RVCS ang nagsabing,
tungkol sa nakikitang mga pagbabago sa mga estudyante na parte ng programa.”
Charles Naethan B.Bandong, isa mga nagsanay sa koponan. Oras ng Katotohanan Pagsapit ng araw ng paligsahan, nag-iba ang ihip ng hangin. Ang bulwagan na punung-puno ng tensyon ay tila naging isang tahimik na plataporma kung saan nakasalalay ang pangarap. Walang bakas ng kaba; tanging pananabik at
a bawat simula ng pasukan, hindi lahat ng bata ay may baon na pagkain o lakas ng katawan upang sabayan ang gutom. Sa halip na unahin ang mga letra sa pisara o ang bilang sa kuwaderno, ang unang kailangang napipilitang unahin ang pagtiis at paghahanap ng lakas. Sa ganitong kalagayan, paano nga ba matututong
ISA DALAWA
tungkol sa koneksyon ng laro at pagkatuto galing sa project coordinator,” ani Susana Silva, na siyang nagpasimula at gumabay sa Project POGS.
pagkatuto abay SA
Hindi rin maikakaila ang kasiglahan na naidudulot ng aktibidad sa loob ng klase. Mula sa karaniwang tahimik na silid, biglang napupuno ito ng halakhak, palakpak, at hiyawan ng mga bata. Ang Matematika na dating itinutur-
mag-aaral. Ang bawat sesyon ng Project POGS ay nagiging patunay na kapag sinamahan ng malikhaing estratehiya ang pagtuturo, mas nagiging makabuluhan ang karanasan sa pag-aaral.
pahayag ng isang estudyante tungkol sa Project POGS,” ani ng isang batang kalahok na ngayo’y mas nahilig sa Matematika.
PLATO PAGBABAGO
Pinatunayan ng proyektong ito na ang edukasyon ay hindi kailangang nakatali lamang sa pisara, papel, at lapis. Maaaring pagsamahin ang tradisyon at inobasyon upang makabuo ng mas makabuluhang karanasan sa pag-aaral. Sa simpleng pagbabalik ng isang tradisyunal na laro, naidudugtong ang saya ng nakaraan sa pangangailangan ng kasalukuyan, at nagbubukas ng mas maliwanag na daan para sa hinaharap.
Sa bawat pagtalbog at pagbagsak ng Pogs, hindi lamang puntos at laro ang nakataya—nakasalalay dito ang paghubog sa mga batang mas masaya, mas palaban, at mas handang sumabak sa mundo ng pagkatuto. Ang dating simpleng bilog na karton ay ngayo’y naging simbolo ng malikhaing pagtuturo, kung saan ang laro at aral ay nagtatagpo.
sabayan ang aralin sa silid. Marami sa kanila ang nakikipaglaban muna sa isang mas mabigat na pagsubok— kailangang harapin ay ang kumakalam na tiyan. Ang mga murang isipan na dapat sana’y nakatutok sa pangarap ay matututong mangarap ang isang batang uhaw sa kaalaman ngunit salat sa pagkain?
Ang pagbabagong ito ay hindi lamang nakikita sa kanilang mga grado kundi higit sa lahat sa kumpiyansa at kasiglahan na ipinapakita nila sa loob ng klase.
tungkol sa pasasalamat ng isang estudyante sa mga nagawa ng feeding program,” ani ng isang batang kalahok sa programa.
Isang simpleng tugon, ngunit sapat na para ipaalala na ang kabusugan ng isang plato ay maaaring magbigay-linaw at pag-asa sa isang buong kinabukasan.
Sa bawat sabayang pagkain, hindi lang tiyan ang
napupuno. May kasamang aral at pag-asa ang bawat plato. Ang halaga ng pagbabalik-serbisyo, ang kapangyarihan ng sama-samang pagkilos, at ang katotohanan na ang maliit na tulong ay maaaring maging malaking pagbabago sa buhay ng isang bata. Sa bawat guro at tagapagtaguyod na nag-abot ng oras at malasakit, nabubuo ang matibay na sandigan ng programa. At sa bawat batang nakikinabang dito, unti-unti nilang natutuklasan na hindi sila nag-iisa, sapagkat may mga taong handang umalalay at sabay silang itaguyod sa pagbangon.
Sa huli, ang Masayang Busog Feeding Program ay hindi lamang tungkol sa pagkaing nakahain sa mesa, kundi sa pag-asa at mala-
sakit na naihahain sa puso ng bawat bata. Ngunit higit pa sa bawat plato ng lugaw at ulam, ipinapaalala rin nito ang mas malaking katotohanan—na ang gutom ay hindi lamang laban ng iilang mag-aaral sa isang paaralan, kundi isang hamon na kinahaharap ng libo-libong bata sa buong bansa. Sa bawat kumakalam na tiyan ay may pangarap na naiisantabi, at sa bawat programang tulad nito ay muling nagbubukas ang pintuan ng pag-asa. Hangad ng inisyatibang ito na magsilbing inspirasyon—na sama-sama, kayang baguhin ang kalagayan ng mga batang Pilipino, upang wala nang kailangang pumili sa pagitan ng pagkain at edukasyon
DALAWA TATLO
matinding pokus sa pagbabahagi ng kanilang ulat ang naramdaman. Ang bawat miyembro ay tahimik na naghanda, tinitiyak na ang lahat ng kanilang pinag-aralan mula sa kanilang mga tagapayo ay maipapakita. Ito ang araw na tatayuan nila ang lahat ng pagsisikap at sakripisyo ng buong pangkat. Nang magsimula ang
pagbabalita, tila naglaho ang indibidwal na papel. Sila ay nag-isa, isang dumadaloy na ilog ng salita kung saan ang bawat boses ay umayon sa isa’t isa nang walang kalituhan. Walang anumang pagkakamali ang nakita, na nagpakita ng hindi maikakailang tiyempo at pagkakasundo. Sa sandaling iyon, ang tanging
nagdala sa kanila ay ang kanilang matinding pagtitiwala sa kakayahan ng bawat isa.
tungkol sa kung gaano sila nagtiwala sa isa't isa noong mismong laban, from Director ng Team," Tinig ng Tagumpay
Nang tawagin ang pangalan ng RVCS bilang
kampeon, ang sigawan ay tila isang pagbuhos ng ulan sa tuy ong lupa. Ngunit ang pinakamalaking luha ng tuwa ay nakita sa mga mata ng kanilang mga guro at tagapayo. Ang tagumpay ay hindi lamang nag-angat sa pangalan ng RVCS; ito ay patunay na ang pamana ng kaalaman ay matagumpay na naipasa. Ang kanilang panalo ay nagtatak ng isang matamis na huling kabanata para sa mga matatandang mag-aaral na naglaan ng kanilang oras. Ito ang naging panalo ng pag-asa laban sa duda at pagtuturo laban sa kaba.
Ang tagumpay na ito
ay nagbigay inspirasyon. Sa mga susunod na paligsahan, lalo na sa nalalapit na pandibisyong hanggang panrehiyong antas, ang panalo ng pangkat na ito ay nagsisilbing unang nota sa isang mahabang tugtuging-simponya. Ito ay nagpapaalala na ang talento at dedikasyon ay maaaring sumahimpapawid, nag-iiwan ng tatak hindi lamang sa talaan ng marka kundi pati na rin sa puso at isip ng mga tagapakinig. Ang boses ng pag-asa ay ngayon ay mas malakas na, at ito ay nagmula sa maliit na paaralan ng R. Venturanza.