Ang Nangunguna 2022

Page 1

TAPAT,
NANGUNGUNA ANG
PATAS NA PAMAMAHAYAG ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG SENTRAL NG NARVACAN TOMO XXXIX BILANG I • NOB 2021 - HUL 2022 Handa ka na ba? Handang-handa na! Matapos ang marubdob na paghahanda ng Narvacan National Central High School (NNCHS) para sa limited face-to-face classes, ipinagka loob ng Local Government Unit (LGU) Narvacan Evaluation Team ang Safety Seal Certification, Pebrero 4. BALITA ISINAKATUPARAN ng mga guro sa Filipino ang pagbabahagi ng kagamitang pang eskwela sa mga mag-aaral ng Grade 7 at 8 na residente ng Barangay Bulanos, Narvacan, Ilocos Sur, Nobyembre 29, 2021. Outreach Project pinangunahan ng Kagawarang Filipino, 53 mag-aaral nabiyayaan BALITA / PAHINA 4 LATHALAIN / PAHINA 8 BALITA / PAHINA 2 FACE-TO-FACE CLASSES 100% 100% 97% 80% 83%90%82% BANTAY BAKUNA SA TALA NOONG MAYO 2022 MGA GURO AT KAWANI GRADE 12 GRADE 11 GRADE 10 GRADE 9 GRADE 8 GRADE 7 MGA BATANG NEGOSYANTE monkeypox sindak ng

NNCHS, HANDANG-HANDA NA SA LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

Laud Production, wagi sa panrehiyonal na paggawa ng pelikula

LIGHTS, CAMERA, ACTION!

Nakamit ng Laud Production ng Narvacan Na tional Central High School (NNCHS) ang pangalawang pu westo sa panrehiyonal na paggawa ng pelikula sa ginanap na UP Namnama 40th Sirib at 13th Saririt, Marso 7-14.

Ang pelikula ay pinamagatang “Tag-ay” na umikot sa buhay ni Rose Marie De Peralta, isang magaaral ng NNCHS, at ang kanyang paglalakbay tungo sa kanyang pagkapanalo ng pilak na medalya sa ginanap na International Robotics Contest sa Korea.

Ang nasabing pelikula ay nasa direksyon ni Jus tin Guile Baldo. Kasama rin nila sina Jan Bendix Bosque bilang Production Assistant; at Joshua Cabasa bilang tagapagsulat ng iskrip.

“Dalawang araw lang ang preperasyon sa naturang pelikula dahil sa tulong ng high-end laptop na ipinagkaloob ni Congresswoman Kristine Singson-Meehan sa NNCHS,” sambit ni Vince Clyde Cardenas, ang kanilang tagapagsanay.

Sa pangunguna ni Emilio G. Ayson, punungguro IV ng NNCHS, tinang gap ng NNCHS ang na turang sertipikasyon mula sa mga kinatawan ng LGU, Kagawaran ng Kalusugan, at Kawanihan ng Pag tatanggol sa Sunog.

“Hangang-ha nga ako sa mga guro ng NNCHS sapagkat nagtu lungan ang lahat para mai pasakamay sa amin ang naturang Safety Seal,” sambit ni Ayson. “Masasa bi ko na handang-handa na kami para sa limited face-

to-face classes,” dagdag pa niya.

Ang pagkaka roon ng Safety Seal Certi fication ay nangangahulu gang isinasakatuparan ng paaralan ang mga inilathalang minimum health protocols ng pamahalaan.

Ayon sa mga kalahok, naging pagsubok sa kanila kung paano nila maisasapelikula ang temang, “Mu lat at Gamin: Paghubog ng Kasaysayan at ang Tindig ng Kabataan para sa Kinabuksan”. Gayunpaman, naging matagumpay naman sila sa kanilang pagsasagawa ng pe likula.

“Nagpapasalamat kami sa mga taong sumu porta lalong-lalo na ang mga magulang ng mga kalahok. Maraming salamat din kay Ma’am Madelyn Enomis para sa kanyang mga payo at kay Sir Emilio Ayson para sa kanyang tiwala,” sambit ni Cardenas.

Direktang ipina hayag ni Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Sara Z. Dute rte-Carpio na ang pagbubu kas ng klase ay sa Agosto 22.

Samantala, ma gaganap na ang pangka lahatang implementasyon ng face-to-face classes sa Nobyembre 2, 2022 mapa pampubliko o pribadong paaralan ng bansa. Diuma no ito ay upang matugunan at masolusyunan ang kaku langan ng pagkatuto noong panahon ng pandemya.

Karagdagan, sinu portahan naman ng Depart ment of Health (DOH) ang

anunsiyong ito ng DepEd pero binigyang-diin pa rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, bi nanggit din ng kalihim na sa Agosto 22 hanggang Ok tubre 31, may mga pagpip ilian kung paano isagawa ang pagkaklase. Una, limang araw na harapang klase, ika lawa naman ay paggamit ng blended modality. Pero nakadepende pa rin sa mga paaralan kung ano ang gu gustuhin nilang modality at paano nila ito isasagawa.

Pero hayagan niyang sinabi na simula sa Nobyembre 2, lahat na ay magsisimula sa in-person

classes at dapat pa ring sun din ang “physical distancing.” Binanggit din niyang ang Kagawaran ng Edukasyon ay hindi magbibigay ng ek saktong bilang ng mga magaaral sa isang silid dahil sa ibaibang sukat ng mga klasrum.

Tinalakay rin niya ang mga prohibisyon o pag babawal sa pagkain nang sa ma-sama na maaaring mag ing sanhi ng hawaan ng virus.

Hinikayat din niya ang mga magulang na mag pabooster kontra Covid-19 at hinimok ang pagbabakuna at pagsunod pa rin sa mga health protocols.

nagwagi

NAKASUNGKIT ng apat na medalya sina G. Ruben Dela Cruz at G. Jumar Digay sa ginanap na 4th Research Congress ng Schools Divi sion of Ilocos Sur sa Hote linda Suites Annex, Vigan City, Abril 4-8.

Nakamit ni Dela Cruz ang ikatlong puwesto sa Best Paper at Best Poster, samantalang naiuwi naman ni Digay ang

Research Congress

pangalawang puwesto sa Best Poster at pangat long puwesto sa Best Oral Presenter.

Ang nasabing pangyayari ay nakaangkla sa Deped Order No 16, s. 2017 bilang VIII o mas kilala bilang Research Management Guidelines, Dissemination and Utiliza tion, na naghihikayat ng malawakang paggamit ng

mga resulta sa mga isinaga wang riserts.

Naging hurado sa paligsahan sina Dr. Glenn Guira at Dr. Joy Caren “JC” Tablante ng SDO Ilocos Sur; Dr. Peter John Frial at Mr. Efren Molina ng SDO Vigan City.

Samantala, nakila hok din sina Dr. Gabby Ca balar at Mrs. Arzel Raqueno sa nasabing congress.

HANDANG-HANDA NA! Matapos ang marubdob na paghahanda ng Narvacan National Central High School (NNCHS) para sa limited face-to-face classes, ipinagkaloob ng Local Government Unit (LGU) Narvacan Evaluation Team ang Safety Seal Certification, Pebrero 4. SA PANGKALAHATANG IMPLEMENTASYON NG IN-PERSON CLASSES ni Ley Ann Seda ni Xandra Bernardine Alimpia
2BALITA NOB 2021-HUL 2022 NANGUNGUNA ANG
Dela Cruz, Digay
sa
ni Precious Layda /// TINGIN SA KAMERA. Ang opisyal na poster ng pelikulang “Tag-ay” ni Justin Guile Baldo, tampok ang mag-aaral na si Rose Marie De Peralta. (Likhang Sining gawa ni Justin Baldo) DIGAY DELA CRUZ LIGTAS NA BALIK-ESKWELA. Tinanggap ng NNCHS ang Safety Seal Cer tificate galing LGU Narvacan sa pangunguna ni Punong-guro IV Emilio G. Ayson Jr., kasama ang mga kawani ng paaralan, Peb.4. (Larawan mula sa NNCHS Information Team) SAFETY SEAL CERTIFICATION

BFP NARVACAN, NAGSAGAWA NG OPEN HOUSE

NARVACAN, Ilocos Sur- Para mapaigting at lalong mapalawak ang kaalaman tungkol sa pag-iwas sa sunog, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection ( BFP ) ng open house sa kanilang tanggapan, Marso 9.

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 115-A, ipinagdiwang ang Buwan ng Fire Prevention sa pangunguna ni SFO4 Jose L. Aquino, Acting Municipal Fire Marshal ng Narvacan, na may temang, ‘Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa’.

Kabilang sa mga paksang tinalakay at ipina liwanag ni FO2 Chinalyn R. Rumbaoa, tagapagsalita sa nabanggit na open house, ay tungkol sa Familiarization of Personal Protective Equipment, Fire Fighting Equipment, Donning and Doffing of PPE and Self-Contained Breath ing Aparatus, at Basic Life Support and Awareness.

Ayon kay Rumbaoa, “Mahalagang may alam at handa tayo sa pagrescue, dapat marunong tayong lahat na umiwas sa mga sakuna.”

Samantala, alertong nakinig at sumali sa wastong pagsuot ng mga fire-fighting equipment ang mga miyembro ng School Disaster Risk Reduction Man agement (SDRRM) na sina John Denver Cabotage, Russel Funtanilla, Jomar Silvania, at Jeanete Donna Escobar sa pangunguna ng koordineytor ng SDRRM na si Eduardo Capinia Jr.

Kaugnay nito, naging masigasig naman sa talakayan ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System Balik Paaralan Para Sa Out of School Adult (ALS BP-OSA) at Instructional Managers na sina Rose Joy C. Lagmay at Violeta Castillo sa open house.

“Ado ti nasursurok ken daytoy nga activity. Na pateg iti biag isu a dapat ado ti ammotayo maipanggep iti fire prevention..” (Marami akong natutuhan sa activity, mahalaga ang buhay kaya dapat alam natin ang tungkol sa fire prevention) banggit ni Aldrin Pascua, mag-aaral ng ALS-BPOSA.

Coastal Clean-Up Drive, muling isinagawa ng Science and Technology Department

MATAGUMPAY na isinaga wa ang paglilinis sa tabing dagat sa Bulanos, Narvacan, Ilocos Sur na pinangunahan ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), Hunyo 3.

Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 52, s. 2011, “Strengthening Environmen tal Education in Public and Private Schools” contains a mandate for the Depart ment of Education through the YES-O to lead environ mental programs, projects, activities, and advocacies in schools and in the communi ty.”

Kaugnay nito, laking pasasalamat naman ni Bb. Gliceria Tabalan, Ulongguro VI ng Science and Technology Department na dinaluhan pa rin ng punongguro IV ng NNCHS na si G. Emilio G. Ayson Jr., mga guro, aktibong mag-aaral ng Science, Technology and Engineering, mga miyembro ng Ilocos Sur Environmental Enthusiasts (ISEE) -Narvacan Chapter pati mga opisyales ng nabanggit na barangay kahit masama ang panahon.

“Sa pamamagitan ng activity na ito ay naipaa lala ang tungkulin at respon sibilidad sa pagsagip at pag protekta sa kalikasan para sa susunod na henerasyon at para maibsan ang epekto ng likas na sakuna o kalamidad, “ wika ni G. Ramil Flores, guro sa agham at teknolohiya.

NAKAPASA ang

mag-aaral

para sa Out of School Adult (BP-OSA) sa isinagawang Port folio Assessment, Pagbasa at Pagsulat; at Panayam, Hulyo 19.

Ang mga mag-aaral ay maaari ng makatun tong sa Senior High School upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

“Mahirap ang kanilang pinagdaanan. Pero nakaya nila. Ang pangarap nilang makapagtapos ng Junior High School ay natupad na, ngayon sa Senior High School naman. Sana hanggang sa kolehiyo maka pagtapos sila,” wika ni Violeta V. Castillo, Instructional Manager ng BP-OSA.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati ang dalawang Katuwang na Guro II na si Gng. Maria Concep cion Iglesias at Gng. Madelyn Enomis; at ang punongguro IV ng paaralan na si Gng. Emilio G. Ayson Jr. sa mga pagkapasa ng mga mag-aaral ng BP-OSA.

ni Xandra Bernardine Alimpia ni Precious Layda LABAN SA SAKUNA. Tinatalakay ni FO2 Chinalyn R. Rumbaoa, tag apagsalita, sa BPOSA learners ang kahalagahan ng first aid, Marso 19. (Larawan mula sa NNCHS Information Team) NAIPATAYO na ang bagong proyektong
NOB 2021-HUL 2022NANGUNGUNA ANG
BALITA3///
Wash Area at Learning Hub sa NNCHS, na binasbasan ni Rev. Father Ernesto Juarez Jr., Hunyo 23. Ang naturang proyekto ay kahilingan ni G. Gil bert A. Cadacio, Dalub-guro II kina G. at Gng. Lemuel Cabreros, mga nagsipagtapos ng NNCHS at kasalukuy ang residente ng San Pedro, Narvacan, Ilocos Sur. “Ang buong NNCHS ay nagpapasalamat sa donasyon nina G. Lemuel at ang kanyang kabiyak na si Gng. Mariel Cabreros sa kanilang ibinigay na wash area para sa mga mag-aaral.” wika ni G. Emilio G. Ayson Jr. punong-guro IV Layunin nitong isulong ang wastong pa ghuhugas ng kamay ng mga guro, kawani at mag-aaral ng NNCHS.
16
ng Balik-Paaralan
NNCHS Wash Area & Learning Hub, binuksan 16 ALS-BP-OSA learners, kwalipikado sa Senior High School ni Rose Marie De Peralta ni Ley Ann Seda SA TABING DAGAT. Ang mga aktibong miyembro ng YES-O sa paglilinis sa tabing dagat ng Bulanos, Narvacan, Ilocos Sur, Hunyo 3. (Larawan kuha ni G. Ramil Flores) BASBAS SA BAGONG WASH AREA. Si Rev. Father Ernesto Juarez Jr., habang binabasbasan ang bagong wash area ng NNCHS, Hunyo 22. (Larawan kuha ni Bb. ivy Cyril Altarez)

OUTREACH

NG KAGAWARANG

NABIYAYAAN

Magnitude 7 na lindol niyanig ang Hilagang Luzon

Cadacio, magreretiro nasa serbisyo

MATAPOS ang 40 na taon at dalawang buwang paninilbihan sa DepEd, magreretiro na nga ang isang batikang guro ng NNCHS na si G. Gilbert A. Cadacio, Hulyo 15.

Si Cadacio ay Da lub-guro II at kasalukuyang koordineytor ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP).

Matatandaang ilang taon din siyang nanil bihan bilang pangulo ng Faculty and Personnel Club (FPC) at nakapagpatayo ng maraming proyekto sa NNCHS.

Bukod sa pagiging mahusay na guro at koordineytor, hindi rin mata tawaran ang kanyang pag kakawang-gawa at pagtu long sa komunidad. Matagal na siyang isang dinamiko at aktibong miyembro ng Rotary Club International at nito lamang ay pangulo siya ng nabanggit na prestihiyosong samahan.

Pinangunahan ni Gng. Mary Ambrose R. Cabatic, Ulong-guro VI ng Kagawarang Filipino, ang pagpaplano sa naturang gawain na kaagad naman inaprobahan ni G. Emilio G. Ayson, Jr, Punong-guro IV, Nobyembre 29, 2021.

Layunin ng nabanggit na proyekto ang makapagpamudmod ng school supplies at mga babasahin (reading booklet) para sa mga Grade 7 at 8 bilang tugon sa pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa.

“Ang proyektong ito ay handog ng Kagawarang Filipino sa mga piling mag-aaral, sana marami pang proyektong maisasagawa sa susunod at madagdagan pa ang aming ma bigyan.” wika ni Cabatic, Ulong-guro IV.

Kaugnay nito, sa pahintulot ni G. Charlesto Cadano, Punong Barangay ng Bulanos, katuwang sina Kagawad Benita Pilar, Kagawad Joel Alegre, Barangay Kalihim Rose Ramos at SK Chairman Aaron Cadano, naisagawa ang distribusyon sa mga 27 mag-aaral na nasa Bai tang 7 at 26 mag-aaral ng Baitang 8 na ginanap sa loob ng Mababang Paaralan ng Bulanos.

Samantala, pagkatapos ng pagpapabahagi ay kaagad naman sinundan ito ng hara pang pagpapabasa ng mga guro sa mga mag-aaral.

Abot-tainga ang ngiti at lubos na pasasalamat ng mga magulang sa pagsaksi sa pagtanggap ng mga naturang kagamitan, kasama dito ang isinagawang harapang pagpa pabasa ng mga guro ng kanilang mga anak.

“Madama iti pakni idi, ta mau lawak kunak, ayna, gingined met ngayamen. Kastunay ti taraymin ket sinurot mi ti duck, cover and hold. (Kasalukuy ang nag-aayos noon, nang makadama ako pagkahilo, hala, lumilindol na pala. Mabilis kaming tumakbo at sinunod ang duck, cover and hold.) “ ani ni Realyn Labor, guro ng NNCHS, residente ng Abra, matapos masaksihan ang 7.1 magnitude na lindol, umaga ng Hulyo 27.

Sa datos na inilabas ng Provincial Government of Ilocos Sur (PGIS), lima (5) ang naitalang namatay at animnapo (60) ang sugatan at umabot na sa 24 milyon ang pinsalang in abot ng mga residente ng Ilocos Sur.

Samantala, sa Facebook post ng Philippine Volcanology and Seismology (PHILVOCS), malawak ang sakop ng pagyanig kasama na rito ang Abra, Ilocos Sur, La Union, at Cagayan. Umabot na sa mahipit 1,400 ang naitalang aftershocks.

Kaugnay nito, isang araw matapos ang lindol, dumating sa Ilocos Sur si Erwin Tulfo, Kalihim ng Department of Social Welfare and De velopment (DSWD), upang magsagawa ng inspeksiyon at magbigay tulong para sa mga naapektuhan. Kinaumagahan naman ay sinadya rin ni PBBM ang probinsiya ng Abra upang makita ang pinsala at nanga kong magkakaloob ng agarang tulong.

Iglesias, Cabatu uupobilang mga bagong superbisor

Sina Iglesias at Cabatu ay magiging Superbisor sa Programang Edu kasyon (EPS) sa mag kaibang dibisyon sa probinsiya. Sa dibisyon ng Ilocos Sur si Cabatu bilang EPS ng Learn ing Resourse (LR) sa mantalang sa Candon City Division naman

maitatalaga si Iglesias bilang EPS ng asignaturang Ingles. Matatandaang si Iglesias ay kasalukuyang Assistant Principal II para sa akademiks ng Junior High School (JHS) Department samantalang si Cabatu naman ay isa sa mga Sub ject Group Head ng Grade 12 ng SHS Department sa NNCHS.

“Ang ma-promote ay isang malaking hamon para sa akin upang lalo ko pang pag-igihan bilang tagapagling kod ng DepEd.” (To be promoted is a big challenge for me to do better as a public ser vant in DepEd.) wika ni Iglesias.

NARVACAN, Senior High School Department (SHS), uupo na nga ang dalawa bilang mga bagong superbisor sa probinsiya ng Ilocos Sur, Hulyo 22. PAGPAPAHALAGA SA PAGBASA. Matiyagang pinapabasa ni Bb. Lyka Vacolores, Guro I, ang isang mag-aaral sa Outreach Project, Nob. 29. (Larawan kuha ni Bb. Ivy Cyrus Altarez) ni Rose Marie De Peralta ni Xandra Bernardine Alimpia ni Xandra Bernardine Alimpia ni Ley Ann Seda
Ilocos Sur- Matapos manguna sa magkaibang ranking sina Maria Concepcion A. Iglesias, Assistant Principal II at si Lubeth R. Caba tu, Dalub-guro II ng
4BALITA NANGUNGUNA ANG///
PROJECT PINANGUNAHAN
FILIPINO, 53 MAG-AARAL
MULA PAHINA 1
NOB 2021-HUL 2022
CABATU IGLESIAS

Sara all nga ba?

Mainit

na usap-usapan ngayon ang pagkatalaga ni bise presidente Sara Duterte-Carpio bilang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Usisa ng nakararami, kakayanin kaya niya ang mga hamon ng naturang kagawaran? Matatandaan na matapos ang eleksiyon, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang paniniwala sa kakayahan ni bise presidente Sara Duterte-Carpio bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Dahil dito, nagsilabasan ang mga iba’t ibang komento mula sa mga eksperto, guro, at mga mag-aaral tungkol sa nasabing isyu. Inihayag ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP) ang kanilang pangamba laban kay Duterte-Carpio. Ika nila, magiging isang mandaragit sa posisyon ito dahil sa kaniyang mga nakaraang isyu patungkol sa karahasan, pang-aabuso at impunity.

Inihayag din ni Cleve Arguelles, isang political analyst mula sa De La Salle University, na mahihirapan si Duterte-Carpio dahil sa kasalukuyang krisis na pinagdadaanan ng bansa at mga problema sa mga pampublikong mga paaralan. Sa kabilang dako, naungkat din ang posibleng pagkakaroon ni Sara ng mga tagapayong eksperto sa kaniyang pag-upo bilang kalihim. Binigyang-diin ng ilang organisasyon na kayang-kaya niya ang trabahong ito dahilan sa siya’y naging Chairperson ng City School Board sa Davao City noong siya’y alkalde pa lamang sa nabanggit na lungsod. Tiyak nilang mulat si Duterte-Carpio sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga pampublikong mga paaralan na magsisilbing basehan niya sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagpapatupad ng dekalidad na edukasyon.

“If you need to reform and uplift a very big organiza tion, especially the biggest in the country like DepEd, what you need is a strong leadership character,” ani ni party-list lawmaker Ducielle Cardema sa paniniwalang isang malakas na babaeng lid er si Duterte-Carpio na kayang maglathala ng mga pagbabago bilang kalihim ng nasabing kagawaran. Gayunpaman, sa kabila ng mga ibinabatong komento ng mga organisasyon ng bansa, nararapat na bigyan ng pagkakataon si Duterte-Carpio na patunayan ang kanyang sariling administra syon.

Kung ang dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ay binigyang-pansin ang mga sundalo, ano naman kaya ang kayang gawin ni Duterte-Carpio tungo sa dekalidad na edukasyon?

PATNUGUTAN

Na-fact-check ka na ba?

Sapanahong importante ang impormasyon sa pang-araw-araw na buhay, hindi maikakaila na minsan ay magkakaiba ang deliberasyon at pagkaka intindi sa konteksto na pareho lang naman ang nilalaman. Sabi nga nila, hindi na lang pandemya ang kinakaharap na krisis ng mamamayan, kung hindi pati na rin ang bagsik ng ‘mare, anong latest? ‘(Marites) sa bayan. Sa mga de talyeng iyong nakalap, nakapagfact-check ka na ba?

Ang fact checking ay isang proseso upang matingnan kung ang naba sa, narinig at natuklasan ay pawang katotohanan at hindi nakabatay sa sabi sabi o chismis lang.

ROSE

LORENA

ricadel

MA.

Alina

Ang mundo ay binubuo ng samu’t saring istorya na hindi natin alam kung saan nagmula. Ito ba ay batay sa realidad o haka-haka na maaaring human tong sa misinpormasyon at disinpormasyon? Ang tanong, lulunukin na lang ba ang nalalaman na tulad ng pagkain kung ito ay parang panis na? Kung hindi, ano nga ba ang magagawa?

Ayon sa aking nabasa, may mga gabay sa pagsasagawa ng fact checking. Una, tingnan kung sino ang nagsulat. Nararapat lamang na imbestiga han kung saan nakalap ang impormasyon. Makatutulong din kung titingnan kung kailan ito ginawa. Dahil, ang impormasyong nakalap na hindi na sariwa at walang saysay lalo na kung hindi na ito konektado sa nangyayari ngayon. Pangalawa, tingnan ang detalye ng buong istorya dahil minsan malayo ang kinakalabasan sa headline. Ang huli, magsaliksik ng iba pang source na susuporta sa impor masyong nakalap upang matukoy kung tama o tiyak.

Minsan hindi na natin alam kung alin ang tama at totoo. Nakagawian na rin na magpabulang sa usong, “Sinabi kasi ni ganito kaya pinaniwalaan ko.” Saan nga ba tayo dadalhin ng mga paniniwalang hindi kabalikat ng katotohanan kundi sugo ng mga haka-haka? Hindi ba mas mabuti at magandang mabuhay sa pamumuhay na abo’t kamay ang katotohanan na kayang-kayang panindigan? Sa pananaliksik sa internet kapag may mga assignment o project, dapat doon tayo sa legit na websites magbasa at kumalap ng impormasyon. Sa alin mang asignatura, sa anumang pangyayari na nais malaman at mabatid, ting nang mabuti kung tama ang nilalaman o kontent ng ating binabasa. Para sa ban dang huli, hindi tayo maging sentro ng katatawanan at bashing dahil sa maling impormayon na ating isinulat, iniulat o inihayag sa social media.

Kung ganon, upang masolusyonan ang pagdami ng misinpormasyon, dapat maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagfact- check sa mga istorya na nasasagap o nasasaliksik. Nawa’y maimulat tayo sa aral na tanging ang katotohanan ang magbibigay ng kapayapaan at kalayaan na inaasam-asam. Ugaliing maging tiyak sa mundo na punong-puno ng haka-haka at walang kasiguraduhan.

Sa Puntong Ito LEY ANN SEDA
NANGUNGUNA ANG ///
editoryal
NOB 2021-HUL 2022 NANGUNGUNA ANG
MARIE DE PERALTA Punong Patnugot Taong Panuruan 2021-2022 emilio g. ayson jr. Punong-guro IV LEY ANN SEDA Katulong na Patnugot XANDRA BERNARDINE ALIMPIA Editor ng Balita jancel cabanit Tagaguhit ng Kartun
CABANIT MARK IAN FELICITAS Katulong na Tagapayo rose joy lagmay Tagapayo
cereno-lim Koordineytor mary ambrose cabatic Ulong Guro VI, Kagawaran ng Filipino
CONNIE IGLESIAS Katuwang na Punong-guro II Junior High School madelyn enomis Katuwang na Punong-guro II Senior High School PRECIOUS LAYDA Tagapamahala ARMYN JHOSELLE RABARA Editor ng Lathalain
Jane Ramos Editor ng Isports

#Cancelled

Habang ang ‘cancel culture’ ay patuloy na lumalaga nap sa social media, ito ay nagiging dahilan upang ang isang tao ay ‘ma called out’ sa isang negatibong paraan dahil lamang ang kanyang opinyon ay iba sa karami han. Subalit, teka, ano nga ba ang cancel culture?

Batay sa aking nabasa, ito ay isang paraan ng pag papahayag ng hindi pagsang-ayon at pagbibigay ng panli punang panggigipit sa isang grupo sa social media, ito ay isang baluktot na ideya na mas nakasasama kaysa sa magdulot ng kabutihan.

Kung ang mundo ng ‘cancel culture’ ay isang mundo na may handog na pagmamahal at hindi galit ang matatang gap, wala rin sanang isyu. Ang ‘cancel culture’ ay isang red flag, sa pamumuhay sa isang mundong puno ng mga kapintasan, karaniwan na lamang ang gulo, bangayan at away. Ito na ang ganap araw-araw sa social media.Totoo, toxic na talaga.

Kapag mayroong nagpost ng saloobin, ideya o pun to sa social media tungkol sa napapanahong isyu, prominente man o hindi, umaatikabong pambabatikos ang napapala ng taong nagpost. Lantaran ang pagkondena, tuwirang pangpap ahiya kapag hindi sumasang-ayon. Kaya naman, may mga na duduwag na ring magpahayag ng saloobin, maraming tikom at ayaw magbahagi ng kanilang kaalaman. Ngayon, nasaan ang hustisya? Paano na ang malayang pamamahayag?

Hahayaan ba na ting ang kulturang ito na pigi lang mabasa at malaman ang mga magagandang ideya dahil sa takot na makansela at mahusgahan sa pamam agitan ng simpleng post o pahayag lamang?

Hindi makataru ngang kanselahin ang isang tao mula sa pagkakamali lalo na’t alam nati na lahat ng tao ay nakagagawa ng mali. Tayo ba ay mga banal? Lahat ba ay perpekto? Bakit habang tumatagal ay parang karaniwan na lamang ang pangpapahiya at panghuhu sga? Madalas, magyayaya pa o mang-iimpluwensiya pa o aakay pa ng iba para ka galitan o husgahan ang isang tao dahil lamang sa sariling paniniwala?

Sa pagiging bukas sa pagkansela sa tao, di ba dapat mas maging bukas tayo sa pag-unawa at pa ggalang sa mga ideya, panini wala, saloobin, punto at panig para sa kapayapaan at kaun laran ng bawat isa?

Kaya naman, ang solusyon upang maibsan ang cancel culture na ito ay iba yong pag-iingat sa mga inila labas o ibinabahagi sa social media, maging matapang na harapin ang anumang bu nga nito. Tandaan, ang pag popost sa socia media ay may kalakip na pananagutan at responsibilidad.

Blended learning, epektibo ba?

Sanakalipas na dalawang taong panuruan, ang ating sistema ng edukasyon ay nagkaroon ng isang mabilisang pagbaba go dulot ng pandemya.

Sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 22, 2022, ang face-to-face learning ay unti- unti nang ibinabalik. At sa Nobyembre 2, sa taon ding ito, ang ganap na implementasyon sa hara pang pagkaklase ay tuluyan nang magbabalik.

Bagamat mayroon pa ring banta ng COVID-19, ang mga mag-aaral na ka tulad ko ay makararanas na rin ulit ng “in-classroom lear ning”.Marapat lamang na ang lahat ay sumunod sa mga protocols na itinakda upang masigurong ligtas ang la hat sa pagbabalik ng dating kadaywan. Bakit nga kaya biglang inanunsiyo ng DepEd sa pangunguna ni Bise Pres idente Sara Duterte-Carpio ang pangkalahatang pag babalik-eskwela ng mga mag-aaral?

Sa aking pagninilay nilay, parang lumalabas na ang Blended Learning ay hin di epektibo.

KOMENTARYO

XANDRA BERNARDINE ALIMPIA

Ayon sa DepEd, ito ay isang “good and valid way” para maihatid ang edu kasyon noong pandemya. Oo naman, kung sakali mang epektibo ito, hindi nito matu tumbasan ang face-to-face na pagkaklase.

Ayon naman sa isang survey na inilabas ni tong Marso, 2021 ng Social Weather Stations (SWS), 89% ng mga pamilyang Pilipinong may miyembro na nakatala sa taong-panuruang 20202021, ay ikinokonsidera ang Blended Learning na “more difficult” kumpara sa regu lar na face -to-face set up. Binanggit rin ng ilang mga magulang ang nagsabing sa kasalukuyang sistema, ba

gaman nagbibigay ng mga printed materials at online support ang mga paaralan, kalimitang kailangang matuto pa ring mag-isa ang mga es tudyante.

Hindi rin lahat ng lugar sa bansa ay abot ng sig nal ng tv o radyo kung saan eere ang mga video lessons na inihanda ng mga guro.

Bilang isang magaaral na nakaranas ng Blended Learning, mas maraming matutuhan kung harap-hara pan ang pagkatuto. May roong interaksiyong mang yayari sa bawat mag-aaral, at may gabay ng guro sa mga gawain. Sapagkat ang Blended Learning ay pansa mantalang solusyon o tugon lamang para hindi mahinto ang pagkatuto.

Salamat, sa pana hong inalalayan tayo ng Blended Learning noong tayo ay pinadapa ng pandemya, pero sadyang may mga bagay sa mundo na kailangan ibalik para sa kapa kanan ng nakararami.

Makinilya

Impatso ng implasyon

AngCOVID-19 na pinaniniwalaang nagsimula noong Disyembre 31, 2019 sa Wuhan, China at kinumpirma ang pagkalat noong Enero 31, 2020 sa Pilipinas ay hindi lamang nagdala ng naka hahawang sakit sa ating bansa, ito rin ang naging da hilan ng pagbagsak ng ekonomiya na tinatawag na im plasyon o inflation. Noong ipinatupad ang lockdown upang maiwasan ang hawaan ng virus, madaming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil nalugi na rin ang mga negosyanteng pinagtatrabahuhan nila da hilan na rin sa pagbabawal sa mga taong lumabas sa kanilang mga tahanan at kung papayagan man ay isa lamang na miyembro ng isang pamilya ang maaaring lumabas.

Hindi lang sa loob ng bansa kundi pati na rin ang mga kababayan nating nagtatrabaho abroad ay nawalan ng trabaho kaya sila ay pinauwi dito sa ating bansa. Tumaas din ang presyo ng mga bilihin gaya ng bigas at karne, kuryente, at pati na rin ang langis na nag dulot ng pagtaas ng pamasahe sa mga transportasyon.

Ngunit hindi lamang ang ekonomiya ng ating bansa ang naapektuhan nito kundi pati na rin ang edu kasyon. Napagbawalan ang pagkakaroon ng face-toface classes upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Nagpatuloy na nag-aral ang mga estudyante sa pamamagitan ng iba’t ibang learning modalities gaya ng online learning, modular, at blended learning. Dahil sa pag-iba ng mga learning modalities, naapektuhan din ang pag-aaral ng mga estudyante dahil nanibago sila at hindi makasabay ang iba. Na-pressure at na-stress din ang iba dahil hindi nila masyadong maunawaan ang nilalaman ng modyul, walang gurong nagtuturo sa kanila.Inasahang mga magulang at tagapag-alaga ang gagabay pero kinalaunan, hindi lahat nagampanan ito. Pagkalipas ng halos dalawang taon na pagaaral ng mga estudyante ng online learning, modu lar, naipatupad na sa wakas ang limited face-to-face classes. Ngunit sa kabila ng pagbabalik nito, may mga magulang ng mga estudyante na mas gusto na mag modular sila marahil na rin sa hindi pa sila nakabangon sa kahirapan dulot ng pandemya. Maaaring gaya ko rin, hindi pa makabalik sa trabaho sa dating pinagtatrabahu han ang kanilang mga magulang at kung meron man sil ang sideline ay hindi naman araw-araw, kaya hindi nag iging sapat ang sahod upang mabayaran ang mga bills at iba pang necessities sa pang-araw-araw. At kung isa sama pa ang mga gagastusin sa pagbili school supplies, bagong uniporme, at pagbayad ng pamasahe para sa transporatasyon para lamang mapasok sa paaralan, ma hihirapan na silang ipagkasya ito.

Para sa akin naman, kung ako ang magulang, pipiliin ko rin ang modular na pag-aaral kung makakatipid ako, pero kung kaya ko naman pag-aralin sa faceto-face classes ang aking anak, bakit hindi? Kung ito ang makatutulong sa kanila na mas maintindihan ang mga itinuturo, kung mas komportable at mas masaya sila, bakit hindi? At malayong mas epektibo pa rin ang hara pang pagkaklase. Prayoridad pa rin sana ang pagkatu to at paglinang sa mga literasi ng mga kabataan sublait hindi nga kaya pa, nadadaan iyan sa mabuting usapan sa loob ng pamilya.

Ikaw, anong opinyon mo tungkol dito?

Ang simpleng opinyon ay maaaring magresulta sa hindi kanais-nais na kahihinatnan.
6OPINYON NANGUNGUNA ANG///
NOB 2021-HUL 2022

Hiraya

Pulsuhan sa Twitter: School uniform

Eskwela-handa na ba?

Sa nakalipas na dalawang taon kung saan ang mga mag-aaral ay sumailalim ng mga learning modalities, marami sa ating mga mag-aaral ang uma sam ng sana ay nasa dating ayos o dating kadawyan pa ang paraan ng pagkaklase.

Nitong Hulyo 12, 2022, nilag daan ni Bise Presiden te at Kalihim Sara Z. Duterte ang DepEd Order No. 034, series of 2022. Ayon sa DO 034, s. 2022, “hindi kakailanganin ang mga inspeksyon, kasang kapan, o anumang karagdagang require ment upang muling buksan ang mga paaralan at sa pagpa patupad ng kinakailan gan na limang (5) araw na in-person classes, maliban sa pagsunod sa mga karaniwang pre-pandemic regula tory permit at lisensya na kinakailangan sa pamamagitan ng batas o ordinansa.”

Nagtakda rin ang DepEd ng mga pagpipilian lamang na 5 na araw na in-per son classes, blended learning modality, at full distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.

At sa Nobyembre 2, 2022, ang simula ng 5 araw na harapang klase ng lahat mapa pampub liko man o pribadong paaralan. Diumano ay

walang paaralan ang pap ahintulutang magpatupad ng purong distance learning o blended learning maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na nakatakda sa DO 21, s. 2019 (Policy Guidelines on the K to 12 Basic Educa tion Program) at DO 01, s. 2022 (Revised Policy Guide lines on Homeschooling Program).

Marami ang nasi yahan, marami ang nasabik sa ganap na implementa syon ng harapang pagka klase subalit mayroon din itong kaakibat pangam ba at panganib. Hindi pa tuluyang naglalaho ang COVID virus, marami pang kaso na maaaring maging ng sanhi ng hawaan sa loob ng klasrum.

Pero aminin na tin, mas maganda pa rin at mas epektibo ang pagka tuto kung face-to-face o in-person learning ang ma gaganap. Ayon sa DepEd, mahalaga ang “human interaction” sa pangkala hatang pag-unlad ng mga mag-aaral. Dagdag pa nila na ang face-to-face classes ay tumutulong upang maging “kumpleto at buong indibidwal at hindi isang ro bot.”

Lubos akong su masang-ayon sa DepEd, kaya naman sa mga ma gulang, sana kapag ang kanilang mga anak ay hindi mabuti ang pakiram dam, huwag na huwag na dapat nilang papasukin, at panawagan ko, huwag na munang isipin ang pagka karoon ng mataas na grado bagkus ang kapakanan ng bawat isa, isantabi muna ang pansariling kagustuhan

kundi ang paglalapat o pag-aplay sa mga wastong pagsunod sa mga protocols para sa kabutihan ng lahat.

Hindi naman panghabang-buhay na nasa bahay na lamang ang mga mag-aaral. Malaking epekto nito ay kulang ang mo tibasyon para magaral. Minsan walang pagkukusa para mag basa at sumagot sa mga modyul o aklat. Hindi talaga maisa sa-utak ang isang bagay kapag walang pokus. Maraming mga distraksyon, maraming ingay. Tama ako, di ba?

Tunay na mas may natututunan ang mga mag-aaral kung harap-harapan ang pagtuturo ng mga guro, sa mga pangka tang gawain, sa pag sasagawa ng eksperi ment, sa paghawak ng mga aparatu, naroon talaga ang pagkatuto. Higit sa lahat, sa ba haging pagbibigay ng mga iskor sa mga pag susulit o eksamen, iba pa rin kapag mismong harapan ang pagsagot ng mga mag-aaral sa mga tanong at mga aktiviti o gawain.

Sa kabuoan, ang susi ay marapat at mahalagang sumunod tayo sa lahat ng mga isinasaad ng proto cols o minimum health standards na ibinigay ng DepEd. Sabay-sa bay nating kamtin at tuparin ang, SULONG Edukalidad!

Ayon kay Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Inday Sara Z. Duter te-Carpio, hindi na obligado ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme, sa darating na pasukan.

Layon nitong mabawasan ang gastusin ng mga magulang dahil sa pandemya at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon sa pahayag ni Duterte, ““Even be fore the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniforms [DepEd Or der No. 065, s. 2010] to avoid incurring additional costs to the families of our learners.”

Isinusulong ng kagawaran ang pagsu suot ng mga komportable at presentableng damit para mas makapag-aral nang maayos ang mga estudyante.

Kaya’t nagtungo ako sa Twitter upang kunin ang pulso ng mga mag-aaral ukol dito, sa pamamagitan ng tanong na ito: Pabor ka ba sa panukalang hindi na istrikto ang pagsusuot ng school uniform sa mga paaralan?

Makikitang halos lahat ng mga tugon ay sumasang-ayon. Narito ang ilan sa mga magaaral na nagbahagi ng kanilang mga sagot:

Ganap na implementasyon ng harapang pagkaklase sa taong-panuruang 2022-2023, lahat ba ay handa na?
NANGUNGUNA ANG OPINYON7///
NOB 2021-HUL 2022

Mga Negosyong

sa Kasagsagan

Nagulantang

ang lahat sa pagdating ng nakamamatay mga nagsarang negosyo. Ngunit sa bayan ng Narvacan, ng tatlong young entrepreneurs ang kanilang negosyo.

ROLL & GLAZE

Sa edad na 20, sinimulan ni Glyza C. Cabbat ang kanyang negosyong Roll and Glaze. Mula sa kanilang tahanan, gumagawa siya ng mga cinna mon rolls na pumatok sa mga Narvacanean noong kasagsagan ng pandemya. Hindi nagtagal, naging kilala ito sa mga karatig bayan hanggang nakarating sa iba’t ibang lugar.

Buwan ng Agosto, 2020 nang una niyang sinubukang ibenta ang kanyang mga produkto sa kaniyang mga kakilala. Hindi niya inaasahan na nagustuhan ito ng madla kung kaya’t ipinagpatuloy ang paggawa ng cinnamon rolls at sinubukang dagdagan ng iba’t ibang flavors. Sa kabila ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo, binibigyan niya rin ng oras ang kanyang maliit na negosyo hanggang noong kalauna’y lumago at patok sa puso ng mga Narvacanean.

STREAT

Mula pagkabata nakita ni Jessa Marie Chan-Aleson ang hilig ng kanyang ina sa pagluluto at pagnenegosyo. Nakamu latan rin niya ang hirap nito, ngunit nangibabaw ang kaniyang paghanga sa nasaksi han niyang tatag at lakas ng loob mula sa kanyang ina. Ika nga ng kanyang ina, “hindi madali ang mag-umpisa sa negosyo, pero hindi dapat susuko kundi ituloy at pag-iigi han hanggang gumanda ang takbo nito.”

Sa taon 23 ni Jessa, napagde sisyunan niyang mag-umpisa ng negosyo sa kasagsagan ng pandemya. Nagamit niya ang kanyang kursong Bussiness Adminis tration at sa kanyang hilig sa pagbake.

Panalo sa puso ng mga milenyals ang kaniyang mga produkto na Korean Snacks at Japanese Food. Madalas soldout ang kaniyang mga paninda at hindi nauubusan ng orders.

Gayunpaman, hindi ganun kadali ang daan na kanyang tinahak dahil nagsi simula pa lamang ito, ngunit dahil sa supor tang ibinibigay ng kaniyang pamilya at sa kanyang pagtitiwala sa Diyos, nalagpasan niya ang mga pagsubok na kaniyang na tahak.

ni Armyn Jhoselle
LATHALAIN NANGUNGUNA ANG///
Pumatok
SIP
@ SipstrEat @ roll.and.glaze

Pumatok sa Narvacan Kasagsagan ng Pandemya

nakamamatay na COVID-19. Marami ang nawalan ng pagkakakitaan at Narvacan, hindi naging hadlang ang pandemya para simulan negosyo.

DELICALI’S HOMEMADE PASTRY

Isang tindahan na nagbebenta ng seleksyon ng mga hindi pang karaniwang o dayuhang pagkain.

Ang pandemya ay isang mahirap na landas ngunit sa tulad ni Jelena Kay P. Viloria pagkatapos niyang manganak noong pandemya, naging libangan niya ang pagba-bake o paggawa ng tinapay. Ayon sa kanya ay ‘therapeutic’ ang gawaing ito. Idagdag pa ang pagkakaroon ng isang kaibigang nagsasabi sa kaniyang subukang ibenta ng kaniyang produkto para matikman din nga mga tao ang kaniyang brionuts. Sa una, siya ay nag-aalinlangan ngunit dahil alam niya kung paano siya sinusuportahan ng kanyang partner, pamilya at kaibigan. Kung kaya’t nagpasya siyang i-post ito sa social media at sa ilang oras na pagpost nito ay kaagad na tinangkilik ito ng kaniyang mga FB friends at lalo pang dumami ang kaniyang mga followers sa instagram.

Para sa kaniya ang pagpapatakbo ng negosyo ay hindi tungkol sa kita kundi isang bagay na gusto mo, at hilig mo, isang bagay ding magpapasigla sa paggising sa umaga at isang bagay na inaabangan mo, at sa pamamagitan ng pagiging handang matuto mula mga pagkakamali at handang matuto mula sa pagkabigo.

Ilan lamang sina Glyza, Jessa Marie, at Jelena Kay sa mga young entrepreneurs ng Narvacan na nagsimula noong panahon ng pandemya. Sila ay ehemplo na sa kahit anong pagsubok, makagagawa tayo ng kakaibang mga bagay na maaring makatulong sa ating buhay.

Higit sa lahat ang tatlong babaeng mahuhusay na ito ay mga bunga ng NNCHS!

delicalispastry
LATHALAIN NANGUNGUNA
@

magan-dhang hangarinat adhikain

Kahit pansamantalang natigil ang klase sa kasagsa-gan ng pandemya, ang serbisyo ng mga guro ay hindikailanman huminto. Ipinagmamalaki kong ang Facultyand Personnel Club ng NNCHS ay hindi nahimlay bagkusnagpatuloy para sa pagsasakatuparan ng mga proyekto atadhikain.

Nasa ikalabing-apat na taon na sa DepEd bilang guro,labindalawang taong namamahala ng kantina ng NNCHS,at dalawang taon na rin bilang Nutrition Coordinator.

Bago magtapos ang taong-panuruan, nakapanayam kosiya nang mabatid kong siya ang kasalukuyang pangulo ngFPC. Kilalanin natin ang gurong nagbibigay ng matamis nangiti tuwing tayo ay pumapasok sa kantina ng paaralan.Siya si Gng. Florinda Cabanada-Calderon.

1. Bilang pangulo ng FPC, ano-ano ang mga proyekto na nais ninyong isakatuparan?

Ang water drainage system sa hilagang bahagi ng paaralan ang pangunahing proyekto ng kasalukuyang opisyales ng FPC. Nais pa rin naming ipagpatuloy ang mga programa at aktibi dades ng FPC kagaya ng pagsunod sa 4Ms (Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa):

Maka-Diyos pagkakatoon ng misa sa paaralan, pagiging sponsor ng misa kapag may programa ang simbahan, pag-aalay ng bible service o pagdarasal kapag may kasamahang nama tayan.

Maka-tao sa pamamagitan ng bayanihan - pagbibigay ng tulong kapag may nagkasakit at naospital, namatayan o namatay na sponsor/stakeholder.

Makakalikasan - patuloy at panatilihing maayos, maganda, ma linis ang paaralan, partisipasyon sa Brigada Eskwela.

Makabansa - pagsuporta sa mga programa ng DepEd at pro grama ng munisipyo o probinsiya.

2. Ano-ano ang mga balakid sa pagpapatupad ng mga proyekto ng FPC?

Sa totoo lang, mabuti at suportado ng ating prinsipal si G. Emilio G. Ayson Jr. ang FPC. Kasama riyan ang mga dalawang Assistant Principal II na sina Gng. Maria Concepcion Iglesias at Gng. Madelyn W. Enomis.

Ang masamang bunga ng pandemya ay damang-dama pa rin. Hirap kami sa pag-implement ng mga programa. Marami kaming planong magaganda para mapabuti ang ugnayan ng mga guro pero naroon ang pangamba na baka may hawaang maganap.

3. Sa mga binanggit ninyong mga hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto, paano ninyo naipagpapatuloy ang inyong paninilbihan?

Ang mga kasama kong opisyales ay mayroong determinasyon. Ako rin ay commited at may pagmamahal at pagpapahalaga sa NNCHS. Kaya’t kahit may kalakip na mga pagsubok, dumarating ang mga problema, motivated at goal-oriented pa rin ako dahil, nagtiwala ang mga guro ng NNCHS nang iluklok ako bilang pangulo. Ayoko rin silang madisappoint sa akin.

4. Kung ganoon po, may mga plano pa rin ba kayong nais ibahagi o ipatupad?

Gustung-gusto naming mag-raise ng funds para sa mga proyekto pero hindi pa rin ganoon kadali kaya inu-un ti-unti o dinadahan-dahan namin para kahit papaano, may roon pa rin kaming accomplishments. IpinapasaDiyos ko ang lahat.

5. Mayroon ka bang nais gustong pasalamatan sa iyong paglilingkod bilang pangulo ng FPC?

Mayroon akong mga mentor na gumagabay sa akin, nagbibigay ng mga payo at nagpapatibay sa aking loob, sila ay sina Sir Emil, Ma’am Zenaida Unida, Sir Gilbert Cadacio, Ma’am Myrna Cabanas kasama riyan ang mga opisyales ng FPC.

Malaki rin ang aking pasasalamat sa TLE Depart ment, siyempre sa aking buong pamilya na naniniwala sa aking kakayahan at suportado ako sa lahat ng aking mga proyekto at tahakin sa buhay.

ni Armyn Jhoselle Rabara
10LATHALAIN NANGUNGUNA ANG///
NOB 2021-HUL 2022

ang bantayan sa narvacan

Ang Bantayan ng Narvacan ay gawa sa laryo at batong-apog na may bantod na anim at kalahating metro at taas na pitong metro. Tinatawang itong “Baluarte” ng mga residente ng Sulvec.

Ito ay isa sa mga pinakamatatandang muhon sa Narvacan. Ang Bantayan, kasama ang Bantay Abot, ay nagsisilbing simbolo ng bayan bilang parte ng opisyal na selyo at sagisag nito.

Noong ika-28 ng Marso, 2014, naglabas ng commemorative postage stamp ang Philippine Postal Corporation na may natatanging kayarian tampok ang mga Bantayan ng Narvacan, Luna (La Union), Oslob (Cebu), at Panglao (Bohol).

Ang Bantayan ng Narvacan ay kinilala bilang National Cultural Treasure (2015) ng National Museum of the Philippines. Isa sa mga kaunaunahang ginawa ng dating Mayor Luis “Chavit” Singson at kaniyang konseho ang pagdeklara sa Bantayan na isang “Municipal Cultural Property.”

Noong January 2021, pormal na nilipat ng pamilya Canosa ang propyedad sa Munisipalidad ng Narvacan sa pangunguna ng dating Mayor Luis “Chavit” Singson. (Sanidad, 2021, p. 45)

MGA LARAWAN MULA SA LGU NARVACAN Isinalin ni Armyn Jhoselle C. Rabara mula sa librong Narvacan Naisangsangayan ni Mayor Atty. Pablito V. Sanidad Sr.
NANGUNGUNA ANG lathalain11///
NOB 2021-HUL 2022

nars na, clerk pa, san ka pa?

Kapag

patungo sa tanggapan ng butihing prinsipal o sa registrar, siya ang una mong makikita sa pagkat ang kanyang mesa ay nasa bahaging harapan. Siya ay payat, hindi rin naman matangkad pero may pambihirang ngiting nakapapawi. Bagay sa kanya ang pagiging frontliner. Tama, literal na isa siyang frontliner kasi nasa harap nga ang mesa niya. Ay mali, frontliner siya kasi nars pala ang propesiyon niya. Oh, di ba bongga?

Pinakikilala ko si G. JOHN REY BATIN LAGMAY o kilala sa kanyang palayaw na “JUMONG.“ Ang ilan ang tawag sa kanya ay “JUMO“. Siya ay tu bong CABAROAN, STA. MARIA, ILOCOS SUR. Oo, siya ay isang nars at sa LORMA COLLEGES, SAN FERNANDO CITY, LA UNION siya nagtapos at noong Disyembre, 2012 siya nakapasa ng pagka-nars, legit, di ba?

Sinong mag-aakala na ang isang nars ay Admin Aide II ng NNCHS? Bonus na rin siya ay madaling lapitan, taglay ang hindi matatawarang kasipagan. Noong kasagsagan ng pandemya, isa siya sa mga naging aktibong katuwang sa pamamahala sa

mga modyul sa pamamagitan ng pag-disinfect nito. Sa pag-anunsiyo ng mga iskedyul ng pagbakuna, siya ay masiglang nakikipagkoordineyt sa Rural Health Unit (RHU) ng Narvacan. Hinirang din siyang “Most Out standing Employee“ nito lamang 2021.

Hindi niya ipinagdadamot ang kanyang propesyon sa paninilbihan sa paaralan, laging may oras tuwing siya ay kailan gan. Bagaman sa opisina siya, sa abot ng kanyang makakaya, boluntaryo ang kanyang pakikipagugnayan para sa kalinisan, kalusugan, kaligtasan ng buong NNCHS!

Sana FOREVER ka na sa NNCHS, kuya JUMONG!

Ang Mahika ng Teknolohiya

Kabaat pangamba, ito ang aking baon nang aking pasukin ang mas malalim pang mundo ng teknolohiya. Ang paglalakbay na ito ay nag-umpisa sa kawalang katiyakan, sapagkat hindi mai pagkakaila na ang robotics technology ay masikot at kumplikado. Sa kabutihang palad, ito ay nagtapos sa aming matagumpay na pag-uwi ng karangalan para sa buong bansa at lalong-lalo na sa Pambansang Mataas na Paaralang Sentral ng Narvacan.

Youth Robotics Convention and Competition, dito kami nanalo ng pilak meda lya sa line tracing category na siyang naging daan upang kami ay maging kwalipikadong sumali sa International Robot Olympiad na ginanap sa Korea. Ang biyahe ng NNCHS Ro botics Team ay hindi naging madali. Samu’t saring mga problema ang aming hinarap, kabilang na rito ang kakulangan sa sensors na napakahalaga upang makagawa ng robot na multifunctional, na siyang magiging susi sa tagumpay na aming minimithi. Ang mga bu wan na aming iginugol sa pagsasanay at pa ghahanda ay napuno ng iba’t ibang emosyon. Saya at kagalakan, sa tuwing makabubuo ng matagumpay na robot, samantalang lungkot at pagkadismaya, sa tuwing hindi aayon sa amin ang tadhana at takot, sa tuwing oras na upang i-presenta sa mga coaches at panels ang aming nagawa. Gayunpaman ang aming koponan ay hindi nagpatinag, sapagkat ang pakikisalamuha sa mga robot ay nangangail angan ng sapat na lakas ng loob at isipan upa ng magpatuloy sa laban.

Naging masusi at matiyaga ang am ing pagsasanay bago kami sumabak sa kom petisyon. Nagdaan ang mga busy days and

sleepless nights at ebidensya ang mga nagsisigawang eye bags ng bawat isa. Ika nga nila, para na kaming mga zombies, pero not brainless zombies daw. Nang dumating ang araw ng paligsahan, hindi maipinta ang aming mga mukha na natitiyak kong dahil ito sa kaba. Robot in Movie category, sa loob ng limang oras lamang, kailangan naming gumawa ng isang ro bot na naaayon sa theme na Social Robot at subtheme nitong Traffic Safety Robot. Kinakailangan naming makagawa ng 1-minute movie at kumpletong story board na isusumite bago matapos ang itinakdang oras. “Red Light, Green Light,” ito ang pamagat ng pelikula. Ang traffic safety robot na siyang bida sa istorya ay pinangalanang Godori na ang ibig sabihin ay gostop sa Korean. Nang oras na upang ipasa namin ang video at story board may hindi inaasahang pangyayari, na naging dahilan upang maglaho ang aming pag-asa na makamit ang tagumpay. Ang bawat isa ay nabalot ng lungkot at pagkadis maya at ang mga araw na nagdaan habang hinihintay ang re sulta ay napuno ng katahimikan.

Madaling araw noong Disyembre 22 nang ilabas ang resulta sa naganap na kumpetisyon, “Gising na Rose Ma rie, panalo kayo,” sabi ni ma’am Roxanne sa kaniyang mes sage. Nung mga oras na iyon, para bang ako ay nananaginip hanggang sa naiyak na lang ako sa tuwa. Nanalo ulit ang am ing team (Narvacan DPC) ng silver medal, hindi maipaliwanag ang tuwa sa aking puso dahil kami ay muling nag-uwi ng ka rangalan para sa eskwelahan.

“Challege your status quo,” ito ang pangunahing natutuhan ko pagkatapos kong sumabak sa daan na ni min san sa aking buhay ay hindi ko naisip na tahakin. Natuto akong maging bukas sa mga oportunidad na darating at huwag matakot na lumabas sa aking comfort zone sapagkat madalas na nasa labas ang mga bagay na makapagbibigay sa atin ng mga mas malalaking tagumpay sa buhay. Higit sa lahat, nam ulat ako sa liwanag at ginhawa na maaaring dalhin ng robotics technology sa pamumuhay ng mga tao. Totoong ang mahika at teknolohiya ay lubhang magkaiba, ngunit napatunayan ko, na ang teknolohiya ay puno ng pag-uusisa at pagkamangha kagaya na lamang ng mahika.

ni Precious Layda ni Rose Marie M. De Peralta
12AGHAM NANGUNGUNA ANG///
NOB 2021-HUL 2022

ORGANIKONG PANGANGALAGA SA MGA PUNLA

ni Rose Marie De Peralta at Ley-Ann Seda

Likasat organikong pagsasaka para sa mas kapa ki-pakinabang na kinabukasan ng bawat isa. Ang organikong pagsasaka o organic farming ay nakatuon sa prinsipyo ng kapaligiran at kalikasan o “Farming in Harmony with Nature.” Ang bakas ng lupa sa mga kamay at kuko ng mga nagtatanim ay simbolo ng pagmamahal at dedikasyon sa kalikasan. Subalit hindi dito natatapos ang obligasyon ng isang tao para sa kapaligiran, importanteng malaman at maunawaan nito ang tamang pag-aalaga sa lupa sa pamamagitan ng organikong pagsasaka.

Sa panahon ngayon, ang paggamit ng mga kemikal na abono at pestisidyo ay hindi na maialis sa bawat magsasaka. Nakababahala sapagkat lingid sa kaalaman ng marami na ito ang sanhi ng pagkasira ng mga lupaing tinataniman at sinasaka. Ang DepEd, ay nagbukas ng pintuan para sa Gulayan sa Paaralan Program upang ipalaganp ang pagpaparami at pagpa payabong ng kaalaman at produksyon ng mga gulay at halaman hindi lamang sa elementarya kundi pati na rin sa sekondarya. Layon nito na suportahan ang dis tribusyon ng masusustansiyang pagkain na ibibigay sa feeding program o paghahandog pagkain sa malnour ished na mag-aaral.

Habang lumalaki ang mga bata sa isang mun dong pinamumunuan ng teknolohiya at gumugugol ng mas kaunting oras sa labas, nawawala ang kanilang koneksyon sa kalikasan. Ang mga hardin sa paaralan ay magandang paraan para malaman ng mga estudyante ang tungkol sa nutrisyon. Kaya naman ang NNCHS ay nakiisa sa pagkakaroon ng gulayan sa paaralan at pag papakilala ng vermiculture na itinuturing na isa sa mga pinakamabisang paggawa ng organikong pataba. Sa katunayan, ang pagtatanim bilang isa sa mga kasanayan sa kabuhayan na mag-aaral ay magagamit hindi lamang sa kundi sa kani-kanilang mga kabahayan. Mahalaga ang gulayan sa paaralan sapagkat ito’y nag sisilbing materyal ng mga guro sa pagtuturo ng asigna turang agrikultura at sa pamamagitan nito mahihikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kalusugan ng bawat indibidwal. Ang vermicast ay mahalaga dahil na katutulong ito sa pagkakaroon ng malusog na lupang taniman upang magkaroon ng mabungang halaman, paliwanag ng aming mga guro sa agrikultura. Sa pamamagitan ng programang mga ito mai papakita sa mga mag-aaral ang kahalagahn ng organ ikong pagsasaka at pag-amyenda sa lupa ay maaaring mabawasan ang paggamit ng mga kemikal habang pinapanatili ang mataas na ani ng mga pananim. Kaya naman, ito ay isang lugar na mainam umpisahan ang pag kamulat ng mga kabataan tungkol sa pagpapahalaga sa food security, kalikasan at kamalayan sa organ ikong pagtatanim at pangagalaga sa mga punla. Ang paaralan bilang isang maliit na lipunan ay tunay na masusing paraan sa pagpapakilala ng mga mabut ing kasanayan.

m nkeypox sindak ng

Hindi pa man natatapos ang kinakaharap nating pan demya dulot ng COVID-19 ay meron na namang ba gong sakit ang nakapasok sa ating bansa. Ayon kay Department of Health (DOH) Deputy Spokesperson Bev erly Ho sa isang press briefing ng Palasyo noong July 29, 2022 ay natukoy ng DOH ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas sa isang 31 anyos na Pilipino na nanggaling sa ibang bansa noong July 19, 2022. Ngunit bago ang lahat, ano nga ba itong monkeypox?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ito ay isang bihirang sakit na dulot ng impeksyon ng monkeypox virus at katulad ng mga sintomas ng smallpox ang mga sintomas ng monkeypox ngunit ito ay mas mild at bihirang nakamamatay. Ayon rin sa CDC, natuklasan ang monkeypox noong 1958 nang magkaroon ng dalawang paglaganap ng pox-like na sakit sa mga kolonya ng mga unggoy na itinatago para sa pagsasaliksik at naitala ang un ang kaso ng monkeypox sa Ayon naman sa World Health Or aganization (WHO), ang monkeypox ay kumakalat mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng close contact sa isang taong may mon Maaari ring mahawaan ang isang tao pox kung nahawakan niya ang mga bagay na hinawakan ng isang taong may monkeypox gaya ng mga damit, kama, tuwalya, at electronics. Puwede ring kumalat ang virus mula sa isang taong buntis hanggang sa fetus o mula sa isang magulang na may monkeypox sa isang sanggol o bata habang nagkakaroon ng close contact.

Ayon pa rin sa WHO, ang monkeypox ay maaar ing magdulot ng iba’t ibang mga palatandaan at sintomas. Habang ang ilang tao ay may mild symptoms, ang iba ay maaaring magkaroon ng mas malubhang sintomas at nan gangailangan ng pangangalaga sa isang health facility. Kabilang sa mga may higher risk para sa malubhang sakit o komplikasyon ay mga buntis, bata, at mga taong immu nocompromised. Ang pinakakaraniwang sintomas ng mon keypox ay gaya ng lagnat, sakit sa ulo, pananakit ng ka tawan at likod, pagkapagod, at pamamaga ng lymph nodes at ito ay sinusundan ng pamumuo ng isang pantal o rash. Ngayong papalapit na ang pagbubukas ng klase, kinakailangan pa rin ng ibayong pag-iingat upang mai wasan ang hawaan hindi lang sa COVID-19 bagkus sa lahat ng sakit. Ayon sa DOH, makatutulong ang pagpapanatili ng malinis na kamay sa pamamagitan ng paghuhugas nito o paggamit ng alcohol-based hand sanitizer, pagsu suot ng face mask, pagtakip gamit ang siko kung uubo, at pagpunta sa mga lugar na may maayos na ventilation.

ni Precious Layda
NANGUNGUNA ANG agham13///
VERMICULTURE BANTAY KALUSUGAN
NOB 2021-HUL 2022 produksyon ng vermicast

Team Narvacan umariba, kampeonato kinubra

Dikdikang sagupaan ang namutawi sa dal awang araw na laro at pilit na nag-uungusan ang mga manlalarong uhaw na uhaw sa kampeonato. Ngunit sa isang laro, may mananalo at may matatalo, matirang ma tibay.

Walang pakundangang hinakot ng Team Nar vacan ang halot lahat ng pwesto sa Mens Category at walang-awang inilampaso ang mga kalaban. Pinanguna han ito ng halimaw sa paglalaro na si 5-foot-9 Peter Jay Quiogue na itinanghal Most Valuable Player, kabilang sa Team Narvacan 1 at itinanghal na kampyeon.

“First of all I’m very happy at the same time grateful and blessed that we won the tournament (Una sa lahat napakasaya ko at kasabay nito ako’y pinagpala at nagpapasalamat sa aming pagkapanalo sa paligsahan.)”, ani Quiogue, star player ng laro.

Nasungkit naman ng Team Narvacan 3 ang un ang pwesto, ikalawang pwesto ay Team Narvacan 2 at ang ikatlong pwesto ay nakuha naman ng Team San Ilde fonso.

Samantala, naiuwi din ng Team Narvacan 1 ang kampeonato sa Womens Category, unang pwesto ay na kuha ng Sto. Domingo 1, ikalawang pwesto ay ibinulsa ng Narvacan 3 at ang ikatlong pwesto ay nakamit ng Vigan City.

Pinangunahan ni 5-foot-3 Desiree Jurado, iti nanghal na Most Valuable Player, kabilang sa Team Nar vacan 1 at itinanghal na kampyeon, sa kanyang mababag sik na spayks at makamandag na estratehiya na siyang humimlay sa pangarap ng kalaban at naging daan ng kanilang pagkamit ng kumikinang na kampeonato.

Ang mga nabanggit na manlalaro ay dating mag-aaral (Quiogue) at kasalukuyang mag-aaral (Jura do) ng Narvacan National Central High School. Na maitu turing din na karangalan ng paaralan ang nakamit nilang tagumpay.

Ilocos Sur Summer Sports Fest 2022

Mga Atleta Namayagpag sa Sports Fest 2022

ILOCOS SUR – Nagpasiklaban at nakipag-ungusan ang mga manlalaro sa katatapos lamang na Ilocos Sur Sum mer Sports Festival 2022, isang patimpalak na inihanda ng Ilocos Sur Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Ryan Luis Singson kabalikat nito ang Provincial De velopment Sports Office, Marius Cabudol, coordinator at PPSK President Janina Joyce Tabios. Ito ay dalawang araw na patimpalak na ginanap noong Mayo 21-22.

Dinaluhan ito ng mga atleta mula sa iba’t ibang lugar dito sa probinsya. Binubuo ito ng anim na laro tulad ng chess, swimming, football, badminton, volleyball at ta ble tennis. Labis ang galak ng mga manlalaro sa pagsisim ula ng paligsahan sapagkat matapos ang dalawang taon na nahinto ito dahil sa pandemya, ngayon ay maipapakita na muli nila ang kanilang angking talento, kakayahan at magpakitang gilas sa kani-kanilang laro.

Ang paligsahan ay ginaganap taon-taon ngunit nang magkaroon ng pandemya ay naitigil ito. Layon ng patimpalak na ito ay upang mahubog at mapalakas ang mga kakayahan ng mga manlalaro at mahasa ang kanil ang galing at talento sa iba’t ibang larangan. Matutunan ang pagkakaisa at sportsmanship ng bawat atleta.

PalarongmagbabalikPambansa, na ba?

Sakaramihan ang isports ay isa lamang libangan o pampalipas oras na ng mga tao. Lingid sa kaalaman nilng ito ay isang mabisang paraan upang mahasa, maipakita at maipagmalaki ang galing at tal ento ng bawat atleta o manlalaro sa iba’t ibang laran gan ng isports. Hindi lubos mabilang ang mga pawis na na pumapatak, oras na ibinubuhos, at pagod na nararamdaman ng bawat isa sa mga atleta.

Ang Palarong Pambansa ay paligsahan pam palakasan kung saan naglalaban at nagtutunggalian ang mga student athletes mula pa sa labing pito (17) na rehiyon sa Pilipinas. Ito ang masasabing katapusan o pinakahuling lebel ng pampaaralang pampalakasan na nagsisimula sa lokal na pampaaralang paligsahan, pap unta sa paligsahang pandistrito, panlalawigan at pan grehiyon. Itinataguyod ng R.A. No. 10588 IRR – Palar ong Pambansa, ang paghikayat sa pagkakaroong ng pisikal na edukasyon at mga programang pang-sports na maaaring magsilbing pagsasanay para sa mga inter nasyonal na kompetisyon. Ito ay may layuning pasigla hin ang disiplina sa sarili, pagtutulungan ng mga magka kasama, at paunlarin ang kahusayan ng isang manlalaro. Ang taunang paligsahang pampalakasan na ito ay hindi rin pinalampas na padapain at patigilin ng pandemya na sa ating lahat ay umalarma.

Ngayon, tayo ay unti-unti nang nakakabangon mula sa pandemya na patuloy pa rin nating hinaharap, ang lahat ay pinaghahandaan na ang pagbabalik ng full face-to-face classes sa mga paaralan. Ang usaping ito ay maugong sa kasalukuyan, ngunit papaano naman kaya ang pagbabalik ng Palarong Pambansa? Kung ako ang tatanungin patungkol rito, nararapat lamang na ito ay ibalik na rin sapagkat sa panahon ngayon ang dapat nating pagtuonan ng pansin, ay ang pagpapabuti ng kalusugan at pisikal na kondisyon ng karamihan. Hindi rin matatawaran ang kahalagahan ng isports sa pagpa panatili ng positibong disposisyon ng mga tao lalo na sa kasalukuyan. Panahon na rin upang muling buksan ang taunang okasyon na ito nang sa ganon ay makabalik na sa higit pang pagpapabuti ng mga palatuntunan sa pagpapalago ng pampaaralang pampalakasan, na mag reresulta sa mas pinabuti at pina-igting na pagsuporta at paghubog nga mga estudyanteng manlalaro, na maaar ing isang araw ay magdala ng karangalan sa ating ban sa.

Hindi mabilang na pawis, pagod at pagsa sakripisyo ang ibinubuhos ng mga manlalaro sa pagsa sanay. Mahalaga ang pagpapahintulot sa muling pagbu bukas ng pagdiriwang ng Palarong Pambansa, sapagkat sa paraang ito maipapakita ang suporta, tiwala at kumpi yansa ng bawat estudyanteng manlalaro, tungo sa pag kamit ng tagumpay para sa ating lahat. Ang inaasam na muling pagbubukas nito ay magsisilbing simbolo sa ating mga atleta sa muling pag-usbong ng mga palaro sa buong bansa na ipinagkait ng pandemya.

Puntos ROSE MARIE M. DE PERALTA
14ISPORTS NANGUNGUNA ANG///
MULA PAHINA 16
NOB 2021-HUL 2022

GALAW PILIPINAS, inindakan ng NNCHS

BILANG suporta sa National Calisthenics Exercise Program na inilunsad ng Kaga waran ng Edukasyon, ang Narvacan National Central High School (NNCHS) ay nagsanib-puwersa para ipamalas ang kahusayan sa pagsayaw, Hunyo 24. Ginamit ng mga guro ang kanilang mga bakanteng oras upang nag-en sayo at mapahusay ang pagsunod sa bawat ritmo ng tugtugin.

Layunin nitong isulong ang kahalagahan ng mabuting pag-ehersisyo sa pamamagitan ng pagsayaw sa Galaw Pilipinas Challenge ng DepEd habang isina sagawa ang mga iba’t ibang kilos o aksiyon ng mga laro ng lahi sa Pilipinas at para ipakita rin ang kariktan ng paaralan at ang bayan ng Narvacan.

Ang nasabing performance ay produkto ng kolaborasyon at kagustu hang isulong ang aktibo at mabuti at malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagsayaw.

Narvacan

Tennis

Ang puspusang ensayo at natatanging talento ang naging daan upang bumira ng apat na tropeyo ang koponan ng Narvacan tatlo(3) sa 15 and below Men and Women category at isang special award.

PAKIKIBAKA PARA SA PANGARAP

Hanggang

kaya pa at habang may posibilidad, aking ipagpapatuloy ang pakikibaka para sa pangarap. –Bryan Jay Cabrera (2022)

Si Bryan Jay Cabrera ay magaaral mula sa Narvacan National Central High School. Isang estudyanteng nagbibigay karangalan sa pamilya, mga kaibigan, sa paaralan at pati sa kaniyang lalawigan- Ilocos. Kilala siya sa kaniyang pagpapakitang gilas, hindi lamang sa pang akademikong usapin kundi pati na rin sa larangan ng isports.

Isa si Bryan Jay sa napili na mag ing kalahok sa VNS Volleyball tournament sa Aklan noong April 25- 29, 2022 kasama ang iba’t ibang manlalaro mula Luzon at National Capital Region (NCR).

Sa likod ng tagumpay na ito, hindi maikakaila na maraming pagsubok ang hi narap at patuloy nitong hinaraharap. Saan nga ba humuhugot ng lakas ng loob upang ip agpatuloy ang laban para sa tila imposibleng pangarap?

Nagsimula ang ensayo ni Bryan Jay sa Aklan isang buwan bago magsimula ang tournament. Bagama’t kasabay nito ang kaniyang klase, hindi ito naging balakid para sa kaniyang aktibong pakikilahok. “Ang araw ng pasok ko ay Lunes at Martes. Pagkatapos ng pasok ay bibyahe ako papunta sa training at babalik din ng Araw ng Linggo. Nakakapa god, walang pahinga pero kinakaya ko kasi goal-oriented ako.”

Sa kaniyang patuloy na paglalak bay, ang mga sakripisyo niya ang nagiging instrumento upang mahubog at mapaghan

daan pa ang mga hamon sa buhay. Sa pagkat pangarap din niyang balang araw, kung loloobin ng Diyos, siya ay maka kasama sa mga manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

“Ang pag-aaral at pag-eensayo ay malaking sakripisyo. Hinihingi nito ang disiplina sa sarili, pagbalanse ng mga oras para sa mabuting kahihi natnan ng aking magsu sumikap.” Napapa god ako pero iba ang dulot na saya. Dahil alam ko, sa paglalakbay kong ito, baon ang mga aral at tiwala ng mga mahal ko sa buhay.”

Isa namang produkto ng NNCHS ang talag ang namamayagpag sa mundo ng volleyball.

Pinatutunayan ni Bryan Jay Cabrera na ang tagumpay ay nasusukat sa pamamagitan ng dispilina sarili at pagsisikap para sa minimithi. Sa ngayon ay kasalukuyang naghahanda para sa gaganapin na Volley ball League sa Baguio si Cabrera.

Ibinandera ni Julius Kelly Cacabelos (Grade 8SMC) ang bumubulusok niyang smash na nakipag-ungu san sa kalaban at hindi na ito pinayagan ni Cacabelos nang inilatag niya ang kanyang nakamamatay na moves na si yang dahilan upang masungkit ang unang pwesto sa kat egoryang 15 and below Men. Nakipag-agawan rin si Carl Jake Calpo (Grade 9- SSC) sa ikalawang pwesto at inilatag ang kanyang makamandag na blocks na syang naging tu lay upang magapi ang kanyang katunggali.

“Sa totoo lang po hindi po ako naka pag han da ng maayos pero na-ihanda ko naman yung confidence ko tsaka una kong ginawa ay mag dasal na matalo man o manalo basta may matutunan, pero tinarget ko talaga makuha ang aking pwesto para sa school ko at sa mga pamilya ko. Sobrang saya at nag papasalamat po ako sa Diyos na nakakuha po ako ng pwesto sa laban namin. Ipa ghahanda ko ulit ang sarili ko para mas mataas ang prosy ento ng asking pagpasok sa kampeonato tas sabayan ng dasal,” ani Cacabelos, nanalo sa unang pwesto.

Sa kabilang banda, nakamit naman ni Elena Bul so gamit ang kanyang mapanlinlang na estratehiya ang kumikinang na tropeyo sa ikalawang pwesto sa kategoryang 15 and below Women at nakuha naman ni Krish Angel Santia (Grade 7- Balite) ang isang special award bilang Youngest Female Player.

“Bilang isang coach napakasaya ng pakiram dam kapag nananalo ang mga players namin. Ma sasabi ko napakalaking bagay ang kanilang panalo ngayon dahil mas lalo silang nagpupursigi sa pagha handa sa mga susunod nilang laban. Natutuwa kami ng aking kasamang Coach si Christopher Calpo dahil sa kanilang hilig sa larong table tennis ay nkakapagbigay sila ng parangal sa kanilang club, pamilya, paaralan at sa kanilang bayan,” ani G. Cacabelos, tagasanay. Labis ang tuwa ng kanilang mga tagasanay na sina G. Joel Cacabelos at G. Christopher Calpo sa pag kapanalo ng mga manlalaro. Patuloy parin ang kanilang puspusang pag-eensayo para susunod nilang laban.

Pinapaalala namin ang tamang disiplina sa sarili para sa malakas na pangangatawan at pag iisip. Ha los araw araw na pag-eensayo ang aming ginagawa bilang paghahanda sa summer sports. At bukod doon pinaaalalahanan din namin mga players na huwag maka kalimot magdasal sa panginoon,” dagdag pa nito.

Ang Narvacan Table Tennis Club ay patuloy

at

6-7,

ni Alina Jane Ramos ni Alina Jane Ramos BAWAT RITMO. Buong husay at galing na ipinamalas ng NNCHS ang pagsasayaw sa tugtuging Galaw Pilipinas, Hunyo 24. (Larawan mul sa DepEd Tayo Narvacan National Central High School Facepook Page) PITIK NG RAKETA. Si Elena Bulso ng Team Narvacan habang nakikipagsagupaan sa naganap na 2022 Ilo cos Sur Summer Sports Fest,May 22. (Larawan mula kay Clifford Bustillo)
NANGUNGUNA ANG ISPORTS15///
na aarangkada
magpapasiklab sa gaganaping Summer Sports sa Urdaneta City ngayong darating na August
2022.
Table
Club nagpasikat, apat na tropeyo sinikwat MULA PAHINA 16
Summer Sports Fest 2022
NOB 2021-HUL 2022
ISPORTS ANG NANGUNGUNA Team Narvacan Umariba,Kampeonato Kinubra Namayagpag at nagpakitang-gilas ang Team Narvacan matapos pabagsakin at pakainin ng buhangin ang mga naghihikahos na kalaban sa ginanap na Beach Volleyball Competition matapos magpa-ulan ng malakidlat na spayks at mapanlinlang na placings sa kagila-gilalas na labanan na namutawi sa tabi ng dalampasigan ng Sta. Catalina, Mayo 21-22, 2022. ISPORTS EXPLOSIBONG bakbakan ang lumaganap matapos patunayan ng koponan ng Narvacan ang kanilang bagsik at angking galing sa larangan ng table tennis at buong tapang at lakas na isinal pak ang kanilang nakalalason na smash at mala-pader na depensa sa umaatikabong Table Tennis Competition na ginanap sa San Vicente Gymnasium, May 21-22. Narvacan Table Tennis Club Nagpasikat,Apat na Tropeyo Sinikwat ISPORTS / PAHINA 15 SUMMER SPORTS FEST 2022: BEACH VOLLEYBALL COMPETITION ISPORTS / PAHINA 15 HAMPAS NG TAGUMPAY. Ang nagbabagang sagupaan ng Team Narvacan 1 at Team Narvacan 3 sa Sta Catalina Beach, May 22. (Larawan kuha ni Clarizze Ann Arconado) TOMO XXXIX BILANG I • NOB 2021 - HUL 2022 ni Alina Jane Ramos

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.