The Pinoy Chronicle April Second Issue

Page 1

APRIL 2014 SECOND ISSUE

Daloy Kayumanggi

ENRILE, ESTRADA AND REVILLA APPEAL VS OMBUDSMAN

Impormasyon ng Pilipino

SUNDAN SA PAHINA 2

IKA NGA NI KONSUL PAHINA 3

"MAHAL NA ARAW" PAHINA 4

YOUR WEEKLY HOROSCOPE PAHINA 6

PINOY-BIZZ PAHINA 7

RWANDA 20 YEARS AFTER GENOCIDE

DOJ PUMANIG KAY VHONG NAVARRO

YES TO BISTEK ANG PUSO NI KRIS

SUNDAN SA PAHINA 3

SUNDAN SA PAHINA 2

SUNDAN SA PAHINA 7

ALTERNATIBONG MASASAKYAN ANG SUHESTIYON NG MALACANANG

T

ila doble pasakit na ang iniinda ng mga Pilipinong mananakay mula nang simulan ang re-blocking sa kahabaan ng EDSA. Hindi pa nga nasosolusyunan ang problema sa kakulangan ng tren ng MRT, idadagdag pa ang mas lalong sisikip na daloy ng trapiko dahil sa reblocking sakaling sumakay ka naman ng pampublikong bus. Ngunit umaani ngayon ng batikos ang Malacañang sa mundo ng social media hinggil sa suhestiyon nila upang magkaron ng kaunting ginhawa ang mga "commuters". Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr sa isang press briefing na ginanap, "Yung MRT lang ba ang puwedeng sakyan sa mga rutang dinadaan nito? Baka naman puwede pang matuklasan yung iba pang options". Hinihikayat ni Coloma na piliing sumakay ng Bus ang mga commuters upang 'di na rin maabala sa pagsakay ng MRT. Iginiit pa niya na bagama't mas makakatipid at mas mabilis ang pagsakay ng MRT hangga't hindi pa dumarating ang mga karagdagan tren ay sana'y subukan muna ang pagsakay ng mga bus. Tinatayang 500,000 katao ang sumasakay sa MRT araw-araw na higit ang dami sa kung ilan lamang ang kaya nitong isakay ayon sa pagkakadesenyo nito na 320,000 lamang.

2 PINAY RUNNER-UPS SA ASIA'S TOP MODEL

H

TRAVEL & ARTS PAHINA 5

indi man nasungkit nina Jodilly Pendre at Katarina Rodriguez ang prestisyosong titulo, higit pa sa nanalo ang kanilang pakiramdam sa pagkakataon na mapabilang sa patimpalak na nilahukan ng iba pang mga modelo sa buong Asya. Bagama't aminadong kapwa walang karanasan sa pagmomodelo ang dalawa, hindi ito naging hadlang upang hindi sila makaipagsabayan sa kanilang mga katunggali. Ayon kay Pendre na isang working student, ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap maging isang modelo. Ngunit tila tadhana na ang nagtulak sa kanya upang subukan at patunayan na karapat-dapat siyang tanghaling Asia's Top Model. "Kapag meron akong goal, 'di nawawala yung focus ko. Hindi nawawala yung confidence ko (kasi) naniniwala ako na kaya kong makuha iyon. You really attract what you want," ani ni Pendre. Ang mapalad na nagwagi at itinanghal na Asia's Top Model ay walang iba kundi ang pambato ng Malaysia na si Sheena Lim. Ginanap ang Finale sa Tanjong Jara Resort, Kuala Terengganu, Malaysia.

MANNY PACQUIAO

PINATUNAYANG

SIYA ANG POUND S

a pangalawang pagkakataon napatunayan ni Pambansang Kamao Manny “ Pa c m a n” Pa c q u i a o n a karapatdapat siya para sa titulong WBO Welterweight Champion.

SUNDAN SA PAHINA 2

FOR-POUND

KING


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Pinoy Chronicle April Second Issue by Jagger Aziz - Issuu