VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018
Opinyon
5
“ITO NA NAMAN TAYO”
PAGHILOM
Ang kabilang pisngi
Paggunita kay San Antonio de Padua, Patron ng mga “nawawala”
Niceforo Balbedina Sa dalawampung taon na nabuhay akong kasama ang aking ina, hindi siya nanawa na paalalahanan ako na piliing maging mahinahon sa pakikitungo sa mga taong mahirap pakitunguhan. Sa kaniyang paliwanag, walang magagawa ang kahit na anong matalinong pakikipag-rason at mga pinagiisipang argumento sa mga taong sarado na ang desisyon sa isang bagay. Bilang isang binatang mahilig matuto at agresibo sa mga kaalaman, hindi naging madali para sa akin na sundin itong payo ng nanay ko. Para sa akin, walang magagawa ang pagpapalampas ng isang kamalian kung alam kong mayroon akong magagawa, lalo na kung ako rin naman ang lalabas na dehado sa labanan. Ngunit nanaig padin ang payo ng akin nanay, “Minsan, anak, dapat tanggapin mo nalang. Mabuti na na wala silang narinig galing sayo.” Bagama’t madalas kong nakakalimutan ‘to, isa padin yan sa mga payo ng nanay ko na pilit kong pinapaalala sa sarili ko tuwing humahalik ako sa kaniyang noob ago pumasok sa trabaho. Nitong nakaraang linggo lang, binaha ang Cabanatuan,, sa probinsya ng Nueva Ecija, ng mga nagluluksang parokyano at mga Katoliko suot ang itim na pangitaas habang hinahatid sa kaniyang huling hantungan si Fr. Richmond Nilo; ang pangatlong na pari na walang habas na pinaslang sa loob ng anim na buwan. Ayon sa mga ulat, nasa kalagitnaan ng paghahanda ng altar si Fr. Nilo bago siya magmisa nang dumating ang ilang mga hindi pa nakikilalang salarin na tuluyang sumingil sa buhay ng pari na ito na kilalang apologetic o tagapagtanggol ng pananampalatayang katoliko. Isang linggo lang naman bago ang naturang insidente, nakatakas naman din ang isang pari sa kamay ng kamatayan nang magawa nitong makaligtas sa dalawang tama ng pala sa kaliwang bahagi ng likuran nito. Kasabay ng mga insidenteng ito ang ilang pagharap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng media para maglabas ng mga hinaing
nito tungkol sa ‘di umano’y katiwalian ng simbahang katolika. Ang tila mapait na sopas na ito na kaniyang ipinapasubo sa publiko ay kaniya pang sinahugan ng isang napakagandang ideya na talaga namang nagmistulang isang masamang biro. “Armahan ang mga pari.” Ang galing diba? Bilang solusyon sa persekusyon na nararanasan ng mga alagad ng simbahan, walang ibang naisip na mas mabuting mungkahi ang administrasyon kundi labanan ang apoy gamit ang apoy. Sa inaasahan, ilang mga matataas na opisyal ng simbahan ang agad na tumutol dito. Ito na siguro ang isa sa mga pinaka malalaking kasalanan ng administrasyong ito sa pangalan ng Diyos na pinagsisilbihan ng mga alagad ng simbahan na ito na kanilangminartir sa harapan ng taumbayan na tila mga dagang tuwang tuwa pa sa nangyari: ang hatakin ang mga paring ito sa mundo ng karahasan na patuloy na bumabalot sa mundo natin. Ganoon na lang ba talaga ka desperado ang mga ito na sinubukan na din nilang lasunin ang simbahan upang yakapin ang kanilang prinsipyo ng karahasan bilang solusyon sa karahasan? “Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila,” ani ng Hesus na lumigtas sa mundo sa pamamagitan ng pagmamahal at ng pagmamalasakit. Ang simbahan ay isang tahanan ng pagmamahalan kung saan ang bawat kasalanan ay iniintindi at binabago. Ang simbahan ay isang pamilya na sabay-sabay kumakain sa hapag ng Panginoon kung saan walang lugar ang karahasan, poot, inggit at pambabastos. Maaasahan na ng mundo na hindi matatahimik ang simbahang katolika sa patuloy na karahasang tinatamo ng mga Pilipino sa ilalim ng kapangyarihang nangaalipin sa ngalan ng kasikatan at pekeng pagkatikas. Pero hindi kalian man ito susuko sa kapritso ng ilang mga naliligaw na tao na walang ibang ninais na ilubog ang kanilang nasasakupan sa kadiliman ng kanilang katuwaan.
Bishop Pablo David Kapag narinig daw kasi siya ng mga “nawawala” o naliligaw ng landas, sila’y nagbabalik-look sa Diyos. Ang Diyos na kanyang ipinahayag ay laging taglay ang mukha ng habag, katulad baga ng ama sa talinghaga na nag-anyaya sa mga kapitbahay, “Halikayo at makigalak kayo sa akin...ang anak kong ito’y namatay at muling nabuhay, siya’y nawala at muling natagpuan!” Baka naman kung ano-anong mga nawawalang bagay ang inihihingi natin ng tulong kay San Antonio na kaya namang hanapin ng taong may mata at may tiyagang
maghanap. Bukod sa mga nawawala, si San Antonio’y patron din ng mga nagwawala. Mga taong walang makitang kahulugan sa buhay at tuloy nawawalan ng ganang mabuhay. Hindi kayo aksidente o mistulang basurang itinapon lang dito sa mundo. Kayo’y regalo, kaloob, pinili at ibinukod para sa natatanging misyon. Nabubuhayan daw ng loob ang mga taong nakakarinig sa kanya. Kung minsan hindi kaagad natatagpuan ng tao ang mga husay at galing na kaloob ng Espiritu sa kanila. Katulad ni San Antonio mismo. Matagal na nasa tabi Paggunita / 6
“JUAN REPUBLIC”
Walang tahimik na pakikiramay John Emmanuel Ebora kasama ang mga pari, ako ay lubos
Huwag kang maingay. May pinatay. May pinapatay. May papatayin. Huwag ka na lang maingay. Huwag ka na lang makialam. Huwag ka nang makisawsaw. Tumahimik ka na lang. Baka madamay ka pa. Hanggang kailan nalang ba tayo mananahimik? Kamakailan lamang ay tatlong pari ang pinaslang. Si Father Marcelito Paez. Si Fr. Mark Anthony Ventura. At ‘yung pinakahuli, si Fr. Richmond Nilo. Apat pa nga sana, pero nakaligtas si Father Rey Urmenta. Pak. Boom. Malakas ang alingawngaw ng mga putok ng baril. May dugo. Sa loob ng simbahan. Sa tabi ng altar. Yung kalis na iaalay para maging dugo ni Hesukristo, sinamahan ng dugo noong paring mag-aalay. May pinatay. Pero huwag kang maingay. Kung ayaw mong madamay. Nakakalungkot na nitong mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang pagpatay sa mga alagad ng Diyos. Mas nakakalungkot dahil dalawa sa mga ito ay ginawa bago at matapos ang pagdiriwang ng banal na misa. Hindi lamang isyu dito ang pagpatay sa mga pari – sa gawaing ito ay nalapastangan si Kristo sa banal na sakramento ng Eukaristiya. Bilang isang dating seminarista na gumugol ng maraming taon
na nalulungkot sa mga nangyari. Pero higit akong nalulungkot sa tila ba pagiging “manhid” ng marami sa ating mga kababayan tungkol sa ganitong isyu. Bakit sila nananahimik? Bakit sila walang pakialam? Takot ba silang marinig ang kanilang saloobin? O hindi lang talaga sila marinig dahil mas madami ang pumapalakpak, himihiyaw, sumisigaw, at pumupuri sa ganitong gawain? Ito na ba ang pagbabagong ipinangako sa atin? Ganito na ba ang panibagong kultura na ating isinasabuhay at mamanahin ng mga susunod sa atin? Kung isa itong masamang panaginip, gusto ko nang magising. Ang sunudsunod na pagpaslang, hindi lamang sa mga alagad ng simbahan, ay isang malaking bangungot ng ating bansa. Ngunit mas malaking bangungot na tinatanggap at pinagwa-walang bahala nalang ang sitwasyong ito. Sinasabing sa bibliya ay maraming beses naisulat ang mga katagang “Huwag Kang Matakot.” Nawa, sa panahong ito ay tunay na mawaksi sa ating isipan at damdamin ang takot at kadiliman na dulot ng mga ganitong patayan. Tumindig para sa buhay, hustisya, katotohanan, at kapayapaan. May pinatay. Mag-ingay. Tayo ay magkakaramay. Walang tahimik na pakikiramay.