ALERTayo Eleksyon 2022 Rumor Bulletin Issue No. 3

Page 1

RUMOR BULLETIN ISSUE NO.3

Papalapit na ang halalan sa 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.

Mga Marka: Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.

Sabi-sabi #1:

Kayamanan ng pamilya Marcos, nagmula raw sa ginto ng pamilya Tallano; Marcos Sr., tumulong na ibalik ito sa Pilipinas

Marka: Hindi Totoo

Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi.

Link na pinagmulan: https://bit.ly/3HOVJZD

May iba-ibang kwentong sinusubukang bigyan ng paliwanag ang pinagmulan ng kayamanan ng pamilya Marcos. Isa sa mga ito ang sabi-sabing nakatanggap si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng ginto bilang kabayaran sa kanyang pagtulong sa pamilyang dating namuno at nagmay-ari sa Pilipinas. Sa kwentong ito, isang pamilya Tallano raw ang sinasabing namuno sa Maharlika, ang kahariang diumano’y binubuo ng Pilipinas at ilang karatig na bansa, hanggang sa kalagitnaan ng ika-18 siglo. Mayroon daw silang mahigit 640,000 metric tons ng ginto na ipinahiram sa Vatican City, at si Marcos Sr. daw ang nagsilbing abogado nila na tumulong sa pagpapabalik ng ginto sa bansa noong 1949. Bilang kabayaran, ipinagkaloob daw ng pamilya kay Marcos Sr. ang 192,000 metric tons ng ginto, na ayon din sa kwento ay nagkakahalagang $4 trilyon noong 2006. Walang dokumentong nagpapatunay na may pamilya Tallano na namuno sa kaharian ng Maharlika.


Wala ring dokumento mula sa panahon ng mga Kastila na binabanggit ang pamilya “Tallano” at ang kaharian ng “Maharlika”. Dagdag pa rito, wala ring rekord na binanggit ang kasong ni Marcos Sr. sa kahit ano niyang talumpati at pahayag, at maging sa Korte Suprema ay wala ring nakatalang desisyon kaugnay ni Marcos Sr. at ng mga Tallano.

Sabi-sabi #2:

Isko Moreno, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Manny Pacquiao, gumagamit daw ng drogang cocaine Nitong Nobyembre, pinaratangan ni Pangulong Duterte na may isang kandidato sa pagkapangulo na gumagamit ng cocaine. Sa isa niyang talumpati, sinabi niya ito tungkol sa isang kandidatong binansagan niyang “mahinang pinuno” na malaki ang posibilidad na manalo sa halalan.

Marka: Halo

Link na pinagmulan: https://bit.ly/33bPfoB

Sabi-sabi #3:

Kandidatura ni Raffy Tulfo, kanselado na raw dahil sa isyu ng pangangaliwa

Marka: Hindi Totoo

Link na pinagmulan:https://bit.ly/3F9klus

Ilan sa mga kandidatong nasangkot sa isyung ito sa social media ay sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Isko Moreno, at Manny Pacquiao. Sa kabila nito, walang naging pahayag si Pangulong Duterte na nagpapangalan sa nasabing kandidato, at wala rin siyang ibingay na ebidensyang magpapatibay sa kanyang paratang. Sumailalim naman ang tatlong kandidato sa voluntary drug test na naglabas ng negatibong resulta. Kumakalat ngayon sa social media ang sabi-sabing kanselado na ang Certificate of Candidacy (COC) ng brodkaster at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo. Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na may nakahaing petisyon sa kanilang tanggapan para kanselahin ang COC ni Tulfo—subalit sa pagkakasulat ng bulletin na ito ay nakabinbin pa ang petisyon at hindi pa napagdedesisyunan. Isang Julieta Pearson ang naghain ng petisyon noong Oktubre 25. Ipinararatang ni Pearson na nagsinungaling si Tulfo nang isaad niya sa kanyang COC ang pagkakakasal niya kay ACTCIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo. Ayon kay Pearson, siya raw ang legal na asawa ni Tulfo dahil nauna silang ikasal noong Okt. 25, 1982 sa Capaz, Tarlac at wala rin daw naging pagkilos para ipawalang-bisa ito. Inamin naman ni Tulfo noong 2019 na nagkaroon siya ng anak kay Pearson.


TANDAAN! 1. Suriin ang pagkakasulat ng isang post kung ito ay makatotohanan. Isa sa pinakamadaling paraan para malaman kung kapani-paniwala ang isang post ay sa pagsuri ng pagkakasulat nito. Maayos ba ang pagkakabuo ng mga pangungusap? Tama ba ang spelling at grammar? Kung may mga numerong ginagamit kapalit ng titik, o ‘di kaya ay hindi karaniwan sa pagbabalita ang pamamaraan ng pagsusulat, may malaking posibilidad na hindi dapat pagkatiwalaan ang ating binabasa. Halimbawa:

2. Ugaliing hanapin ang source o pinagmulan ng isang post, litrato, o video Kung tayo ay pinasahan ng screenshot, litrato, o video sa private message o sa group chat, ugaliing i-check kung ang nakita natin ay makatotohanan at hindi lamang pineke. Maaari tayong mag-search sa Google o magpunta sa mga opisyal na page ng mga tao o organisasyon para tingnan kung naroon din ang ating nakitang post. Maaari rin nating i-search sa Google ang diumano’y sinabi ng isang tao sa post para tingnan kung totoo ba talagang sinabi niya ito. 3. Mas mabuti nang sigurado kaysa magpakalat ng kaduda-dudang kaalaman. ‘Di maikakaila na nangangailangan ng oras at pagtitiyaga ang pagsusuri sa ating mga nakikita, subalit napaka-importante nitong hakbang para labanan ang maling kaalaman. Sa pamamagitan kasi nito, mas magkakaroon tayo ng maayos na pagpapasya sa iba’t ibang bagay, lalo na sa darating na halalan.

MAGING Nais mo bang makialam sa mga bagong sabi-sabi at tsismis? O kaya naman nais mo rin mag report ng mga nakikita mong sabi-sabi at tsismis online? Maari mong bisitahin at i-message ang https://www.facebook.com/ ALERTayo

Meron ka bang mga katanungan tungkol sa darating na eleksyon? Mga karapatan mo bilang botante? Maari mong bisitahin at i-message ang https://www.facebook.com/tisyahustisya Ang Tisya Hustisya Live Chat ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.