Mula sa Introduksiyon:
"[H]indi naman pa-cute lang ang kritisismo dito. May talim at lason pa rin itong nagpapaalala sa ating nakabuyangyang lang ang di-mabatang kapangyarihang ineexert sa atin ng iba’t ibang mga dambuhalang institusyon. May iba’t ibang pinanggalingan—kapitalismo, teknolohiya, patriyarkiya, heteronormatividad, mga sentro, atbp na pinanggalingan rin ng sarili nitong mga bias at prehuwisyo. Sa panahong malaking bahagdan natin ang hindi pinapansin ang mga kapangyarihang ito, hindi ba’t mas tumatambol lamang ang pangangailangan sa mga kritismong katulad ng mga nasa lathalaing ito? But to what end? Hindi pa rin naman natin alam. It’s a lot better kung may tendensiyang rebolusyonaryo pero baka mas magandang sa ibang libro at panahon na natin pag-usapan kung kaninong rebolusyon ang mababagtas at paano sisimulan ang gagawing pagbaklas."