69% pangkalahatang marka ng BRSHS sa BUCET naitala
mabot sa 69% ang nakuhang pangkalahatang marka ng mga mag-aaral sa
69% pangkalahatang marka ng BRSHS sa BUCET naitala
mabot sa 69% ang nakuhang pangkalahatang marka ng mga mag-aaral sa
LRP hindi sapat, mga freshmen nagdudusa pa rin — mga guro ng BRSHS
Patuloy na nakakaranas ng paghihirap sa pag-aaral ang mga freshmen ng Bicol Regional Science Highschool (BRSHS) kahit ilinunsad ang Learning Recovery Program (LRP) sa mga mag-aaral upang magsilbing transition period mula blended learning patungo sa face-to-face classes.
Ito ay ayon sa mga guro ng BRSHS nang maobserbahan na hindi ito sapat upang maiusad ang learning gaps ng mga kabataan.
Ang LRP ay pinangunahan naman ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd Bicol na saklaw ang serye ng walong linggong recovery program para maihanda ang mga estudyante sa tuluyang pagbalik ng faceto-face classes.
“Yung mga grades seven and eight, dun ang mahirap since they’re from different schools (wherein) the grade eight (students) nakaadjust na (while) yung mga grade seven nahihirapan talaga especially the core subjects.” Saad ni Cristina Relleve, punongguro II ng BRSHS.
(19.33%) ang pumasa habang 682 mag-aaral ang waitlisted.
Alinsunod dito, ibinahagi ni Cristina B. Relleve, Secondary School Principal II, ang kaniyang kagalakan sa naitalang resulta ng BRSHS.
“Knowing students from Bicol Regional Science High School mataas ang pagtingin ng mga taga Bicol University kasi previous records lalo na sa engineering mostly ang topnotchers sa licensure examinations for whatever courses comes from BRSHS.” Wika ni Relleve.
Binigyang diin ni Relleve na malaki ang naging epekto ng sistema ng edukasyon partikular na ang mga asignaturang inaalok sa kurikulum ng Senior High School dahil ito ay nakaangkla sa Bicol University.
Dagdag pa niya, “Siguro curriculum-structure wise is enough to meet the standards of all colleges and universities.”
Ibinahagi rin ni Relleve ang kaniyang mga gagawing hakbang upang maipagpatuloy ang magandang performance ng BRSHS pagdating sa isinasagawang College Entrace Test.
“Ang masasabi ko to maintain that [mataas na pangkalahatang marka] for the succeeding graders in 11 and 12, the same thing. I’ll be strict in the supervision of the teachers of Bicol Regional Science High School and cooperation with the students that they have to strive more.” Saad ni Relleve.
Matatandaang ito ang kauna-unahang BUCET matapos ang dalawang taong pagkaudlot nito dala ng pandemya.
ng mga estudyante ang mga prerequisite skills since almost two years tayong pandemic.” Ani ni Padagdagan.
Dagdag pa niya, kakapusin sa oras kapag ituturo pa nila ang concepts noong elementarya, hanggang review nalang ng mga nakaraang konsepto ang kayang magawa ng mga guro para sa mga estudyante. Gayundin, inilahad ni Crisha Castillo ng ika-pitong baitang na hindi madali ang pag-aadjust sa bagong pamamaraan ng pagaaral lalo na’t bilang isang freshman.
“Last face-to-face namin grade five pa, hindi kami mentally ready, mahirap mag-adjust” Saad ni Castillo.
Patuloy parin ang mga ginagawang interbensyon ng paaralan para masigurado na makaka-agpang ang mga kabataan para sa mga susunod na taon.
Pinagpaplanuhan muling buhayin ng Bicol Regional Science High School o BRSHS ang balak nitong magpatayo ng 3-storey building bilang karagdagang pasilidad matapos itong maudlot dala ng pandemya.
Ayon kay Alvin Cells, Supply Officer ng BRSHS, “Supposed to be way back 2018 pa yung proposed plan, ang problema inabot tayo ng pandemya tapos hindi natuloy yung project kasi siguro na realign yung budget for the COVID.”
Gayunpaman, posibleng
masimulan na ang proyektong magpatayo ng 3-storey building gayong nagsagawa ng soil testing sa paaralan na siyang pinakaunang proseso bago magpatayo ng imprastraktura.
Dagdag pa niya, “Bago kasi ang proof of project ay nauuna diyan yung soil testing at naisagawa na iyon ng Central Of fice ng dalawang beses.”
Aniya, kailangan na lang muling buhayin ang proyekto at maglaan ng pondo upang masimulan na ito.
Bukod dito, kaniyang nabanggit na ang pagpapatayo ng karagdagang pasilidad ay magbubukas ng maraming oportunidad para
sa iba. Lalo na’t kasama sa orihinal na plano ang pagpapatayo ng Biology Laborato- ry at Speech Laboratory. Subalit, kasabay umano nito ang pagdami ng kailangang asikasuhin upang mapanatili ang kaayusan ng paaralan.
“Kasi as a supply officer hindi lang supply ang inaasikaso ko rito pati na rin yung sa construction. Kasi may individual pro- gram of works ang kada building at nandiyan yung list of materials and kailangan namin i-inspect yan.” tugon niya. Samantala, ang nasabing building ay planong itayo kapalit ng mga silid-aralan na kasalu kuyang inookupa ng Grade 7 at ng kantina.
5.7% 64.3% 30%
Kinumpirma ni School Parents and Teachers Association
President, Roberto Navera na ang mga nakoletang pondo ay handa na para sa makabagong proyektong maaaring ipatupad sa paaralan.
Inihayag niya na ang mga nakolektang pondo ng samahan noong family day ay asahan natin na may paro roonan. “As what we have mentioned last general assembly, the funds collected from the family day will be utilized in upgrading the Closed-Circuit television o CCTV’s and in adding two more CCTV cameras in the school premises”, saad nito.
Para sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School o BRSHS, nais pa nilang palawakin at dagdagan pa ang mga CCTV cameras sa bawat sulok ng paaralan, upang maagapan kung may kaguluhan man na maaaring maganap at bigyan ng agarang pag responde. Kung may maganap naman na hindi maganda, isa ang CCTV cameras sa pinaka matibay na ebidensya na posibleng magamit.
Bilang isang magulang isinasaalang-alang ni Navera ang maayos na lugar ng pag-aaral para sa mga estudyante, “As a parent, I will surely strive hard and do what I can for my children studying in BRSHS to be safe, secured and with the best learning environment.” pahayag niya.
Napapanatili nila ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng “police presence” o patuloy na pagbantay sa labas ng paaralan.
“We need to seek assistance or respect, siyempre yung coordination, kasi you are in the premises ng school, wala po kaming authority, pag pumasok po kami, kailangan may mag coordinate, hindi po pwede kami pumasok nang wala kming sadya, or wala kaming concern, basically pumapasok kami diyan pag tinawag ang atensyon namin.” dagdag pa niya.
Sa tulong nito mas mapapadali ang paghingi ng tulong ng mga mag-aaral kung sakali mang may krimen na mangyari sa loob o labas man ng paaralan.
Ibinahagi ni Chief Officer Police Ruel Morato Pedro, MPA Public Servant, sa isang panayam ang ilan sa mga Philippine National Operational Procedures na kanilang isinasagawa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa ibat-ibang paaralan ng Ligao City noong Abril 17, 2023.
Layunin ng Philippine National Police o PNP na ipatupad ang batas, maiwasan at kontrolin ang mga krimen, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, tiyakin ang kaligtasan ng publiko at panloob na seguridad sa suporta ng komunidad.
Ayon kay Chief Officer Police Pedro, lahat ng guide, innovative practices at good deeds na kanilang isinasagawa ay mula sa revised Police Operational Procedures at tinatawag na rules of engagement ng PNP.
“Nandito na po nakapalaman lahat ng ginagawa namin, sample, yung pre-operational clearance, coordination, requirement ng police operation, use of force kung paano inaapply, use of firearms during police operation. Sa police operation naman meron kaming tinatawag na patrol operation, law enforcement operation, public safety operation, internal security operation, investigation operation, and police-community relation.” ani pa niya.
Ayon kay Chief Officer Police Pedro, 24-hour basis naka-deploy ang mga pulis kasabay na ang shifting sa mga nagduduty tuwing umaga at gabi.
“Yan po ang trabaho when we are talking about “Man in Uniform”, wala po yan break, specially tuwing holidays or special days nandyan po yung PNP and other uniform personnel nan aka deploy, kasi full alert kami. Ang career ng Man in Uniform, hindi lang po ordinaryong sibilyan lang na eight hours a day, kami po 24 hours. Ganyan po yung policy na sinusunod ng PNP.” saad pa niya.
Madalas ay naka deploy ang mga pulis sa mataong lugar kung saan karaniwang nangyayari ang mga krimen.
“Basically, ang deployment po namin, is kung saan yung mataong lugar, kasi the more na maraming tao, strategic na lugar, maraming opportunity”,dagdag niya.
Ayon kay Jiji Erick Matias, tagapayo ng BriScience Organization, ang pagdaraos ng naturang kaganapan ay nakatutulong na mapunan ang puwang sa pagitan ng institusyon at ng mga tao sa komunidad.
“Since ito naman ay pasko, panahon ng pagbibigayan, kaya kung ano man ang nalikom namin na tulong galing sa mga pinalad ay handa kaming ibahagi sa ibang nangangailangan. Kaya, dahil dun mas nabribridge namin yung mga gap or ng mga tao sa lipunan at nahahasa rin namin ang spirit of Christmas sa mga mag-aaral dito sa BRSHS,” hayag ni Matias.
Samantala, binigyang-diin naman ni Mark Lyndon Ariate, pangulo ng BRSHSBSP, ang kasiyahang dulot ng pagbibigay tulong sa institusyon.
BRISAYANO
Upang makapag paabot ng tulong sa mga kababaihan sa komunidad, tagumpay ang naging pagdaraos ng outreach program sa Haven for Women and Girls, sa pangunguna ng Bicol Regional Science High School – Science Organization noong Disyembre 13, 2022. Bitbit ang mga nalikom na damit, pagkain, personal hygiene kits, at mga laruan, masiglang ipinadama ng mga Brisayano ang pagmamahal at malasakit ng isang pamilya sa mga residente at miyembro ng Haven for Womens and Girls.
BAHAGI NG PAG-ASA. Mga guro at lupon ng mga organisasyong pang-agham ng Bicol Regional Science High School ay nagsagawa ng programang pagtulong para sa Haven for Women and Girls noong ika-13 ng Disyembre taong 2022 sa Nasisi, Ligao City.
“Yung pakiramdam nila they are being cared ng people ng isang organized group that really, kumbaga, nagpasaya talaga yun sa kanila. Yung kaligayahan nila na yung family na pinaramdam sa kanila ay isang pamilya through that outreach program,” saad ni Marvie Pedro, Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o DSWD Center Head.
“Ang pagpapasaya at pagbibigay tulong sa kanila ay isa sa mga pinakamahalagang sandali ng programa, matapos maunawaan ang kalagayan ng mga kababaihan bago sila ay inalagaan at kinupkop ng Haven for Women and Girls,” dagdag ni Ariate.
Bilang pasasalamat, ipinamalas ng mga kababaihan ng Haven for Women and Girls ang kanilang mga talento sa pagsayaw at pagkanta sa harap ng mga miyembro ng BriScience Organization.
Ang nasabing outreach program ay isang kolektibong inisyatibo ng Equilibrium Club, CUBS-O, BrisayOrg, YES-O at BSP ng paaralan.
20.6%
IMPLEMENTASYON NG MANDATORY ROTC SA PAARALAN PABOR
41 Brisayano 119 Brisayano
59.4% HINDI PABOR
19.6% WALANG KOMENTO 39 Brisayano
Poblacion Barangay (Guilid, Bagumbayan, Tinago, Dun- ao, Calzada, Sta. Cruz, Binatagan, Tomolin, Tuburan at Tagpo
Regular Rate: P 12.00
SURING BALITA
Koresponsal
Apektado rin ng implasyon ang pang araw-araw na baon ng mga mag-aaral, at sila’y napipilitang lumapat ng stratehiyang pinansyal sa pamimili ng mga kani-kanilang baon.
Ayon kay Kendra Llanera, magaaral mula ika-siyam na baitang, “Nagkukulang po yung pera ko, minsan po wala na akong naiipon na pera sapagkat masyadong mahal ang mga bilihin sa kantina na siyang umuubos sa aking baon,” aniya hindi niya mabubudget at mapagkakasya ng maayos ang baon niya sa isang araw kung bibili pa siya ng snacks sa kantina.
Iginiit naman ni Althea Bonafe, mag-aaral mula ika-sampung baitang na may murang bilihin siyang binibili sa kantina na pasok sa kanyang bulsa.
“Kung ako ay nagtitipid at ayaw gumastos ng marami para sa aking snack, ang maaari kong bilhin ay pansit dahil sa nakakabusog ito at nagkakahalaga lamang ng mababang presyo”.
Wika naman ni Ethan Roi Balana, isang Senior high student, na kung saan 100 pesos ang kaniyang pang araw-araw na baon. “Maari akong makabili ng school supplies katulad ng mga papel, lapis, ballpen, correction tape at iba pang pangangailangan kung makakaipon ako ng pera mula sa aking baon at lilimitan ang pagbili sa kantina,” Dagdag pa niya, kung mapapamahalaan ng maayos ang gastos, nakakaipon siya ng 500 sa isang linggo.
Tugon naman dito ni Danica Pagdagdagan, tagapamahala ng school canteen, tumataas ang presyo sa kantina dahil tumataas din ang presyo ng mga bilihin sa merkado. Madami rin expenses aniya katulad ng pa-sahod sa helper.
“Kung hindi kami magdadagdag presyo at panatilihin ang dating presyo ng mga produkto halos patas na lang at baka malugi pa”, ani ni Pagdagdagan.
Discounted Fare (Seinor Citizens/Students/PWDs): P 10.00
Discounted Fare for Elementary Pupils:
Binigyang-diin niya rin na halos sa mga produktong inumin ang kalimitang nagtaas presyo sa merkado, “Katulad ngayon nagdagdag naman ng 15 pesos per box sa mineral water, pero hindi pa kami nag dagdag presyo nito sa kantina”, ngunit kung patuloy pa rin ang pagtaas nito we don’t have a choice kundi dagdagan din ang presyo nito sa kantina, dahil kung hindi ay malulugi lang kami.”
Nabanggit din ni Pagdagdagan na marami pa rin affordable food choices na binebenta sa kantina, ang problema lang ay minsan lang ito tangkilikin ng ilang mag-aaral dahil mas pinipili nila ang pasok sa kani-kanilang panlasa.
Ibinahagi ng Tourism Receptionist II ng lungsod ng Ligao na si Myla Monzon ang naging dahilan sa pagpili sa lungsod ng Ligao upang bisitahin ng 24 na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa Miss Earth 2022 preliminary competition na idinaos noong ika-22 ng Nobyembre, taong 2022 sa M Plaza event grounds sa Batang, Ligao City.
“I think it was the decision of the major sponsor, who happens to be a Ligaoeño, si Mr. Mike Makinano from Batang. So, he decided to choose Ligao City para naman daw ma-uplift. It is the time for Ligao to shine din daw to bring something to the international field.”
Banggit ni Monzon sa isang panayam noong Marso sa opisina ng turismo ng lungsod.
Sinabi ni Monzon na ayon mismo kay Makinano, inilarawan nito ang lungsod ng Ligao bilang ‘very promising city’ at marami raw ritong karapat-dapat na ipagmalaki.
Binigyang diin din ni Monzon ang napansin nilang naging malaking kontribusyon ng pagbisita ng mga kandidata sa lungsod.
Lalong paiigtingin ng Ligao City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ang kanilang environmental code sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya.
Layunin nilang patibayin pa ang pagpapatupad ng Solid Waste Management o SWM sa lungsod. Ayon kay Rossauro Perillo, ang Head ng CDRRMO ng Ligao, “We are intensifying talaga the enforcements ng environmental code naten. Pinaigting talaga namin yung enforcement ng environmental codes so may mga tinitignan kaming mga ibang strategy kung paano ito iaaprehend.”
Ninanais ni Perillo na maturuan pa ang mga mamamayan ng tamang pangangasiwa ng basura, aniya baka kailanganin pang mag labas ng sapat na impormasyon or education campaign kung magpapatuloy pa ang mga paglabag patungkol sa SWM. Dagdag pa niya “Malakas ang factor na tinulong ng enforcements than apprehension kasi nakikita ng tao na the city government is very serious talaga na maimplement yung ordinansa”
Nagbigay rin ng payo ang ahensya kung ano ang ma1aaring gawin ng sambayanan sa kanilang mga basura, “Actually marami ang pwedeng gawin sa basura. It’s always been our tagline na gusto natin na ma-inculcate sa tao na iconsider ang basura bilang resources. Itrato ang basura bilang raw materials na pwede mong pagkakitaan at pwede mo pagkunan ng materyales para makagawa ng other materials kumbaga recycling”. Pahayag niya rin na maaaring malinang ang problema sa basura kung sasanayin ang sambayanan ng proper composting katulad na lang ng backyard composting at iba pa.
“Marami pa ang nagbukas na tourist attraction yun ang na-notice namin after having the 2022 Miss Earth international, there is a very noticeable increase in the number of tourist attractions here in the city.”
Gayunpaman, ang pagbisita ng mga kandidata sa baybaying lugar ng lungsod, kung saan nagsagawa sila ng pagtatanim ng halamang mangrove sa isang plantasyon nito na matatagpuan sa Cabarian sa lungsod ng Ligao, ay kinilala ni Monzon bilang isang aktibidad na nagbigay tulong sa komunidad upang magkaroon ng kamalayan sa kahalagahan ng pag-aalaga sa kalikasan.
“I think that helped our communities to be more aware of what importance we can get from being environment (environment-friendly), kung baga, you are doing your part as an individual to preserve the beauty of nature and the environment.” Ayon sa Tourism Receptionist II ng lungsod. Binahagi rin ni Monzon ang iba pang mga aktibidad na ginawa ng mga kandidata sa lungsod.
presyo SALAT BAYAD. Si Rochelle Herrera, isang manininda, ay pagbebenta ng mga pagkain sa kantina ang pangunahing hanapbuhay sa loob ng ilang taon sa Bicol Regional Science High School, Tuburan, Ligao City, ika-2 ng Marso 2023. | Kish Payoyo GALAK NA PAGTANGGAP. Sinalubong ng mga Ligaoeño ng may masisiglang ngiti at malakas na hiyawan ang mga kandidata ng Miss Earth sa Ligao City, ika-21 ng Nobyembre 2022. | Kish Payoyo TRIZHA CONVOCAR KYLA NEBRES AT KIAH OPEÑA Patnugot sa Balita at KoresponsalLabis ang pagkagalak ng mga kababaihan sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas sa paghain ng House Bill 7758 o mas kilala bilang Menstrual Leave Act na kung saan napapatunayan ang pagsisikap ng gobyerno sa pagkilala sa sigaw ng kababaihan para sa pantay na karapatang pantao.
Ito’y inihain ni Representative Arlene Brosas ng Gabriela Partylist noong Marso 22, 2023 na kung saan ang panukalang batas ay nagbibigay ng menstrual leave ng maximum na dalawang araw kada buwan na may 100% daily remuneration sa lahat ng babaeng empleyado sa parehong pribado at pampublikong sektor.
Naglalayon itong bigyan ang mga kababaihan ng kakayahang umangkop at suporta na kailangan nila upang pamahalaan ang kanilang reproduktibong kalusugan nang walang takot sa mga negatibong kahihinatnan tulad ng pagkawala ng sweldo, pagkahuli sa trabaho, o pagharap sa aksyong pang disiplina.
Sa pagbanggit sa ulat mula sa National Library of Medicine, sinabi ng mambabatas na umabot ng 45% hanggang 95% ng mga kababaihan na nasa kanilang pulang araw ay dumaranas ng pangunahing dysmenorrhea.
Ito ay sinang-ayunan ni Keviannah Amaranto, mag-aaral sa ika-sampung baitang, “Kapag may dysmenorrhea, ang tao hindi nagiging productive. Women have to deal with a lot of pain for the whole day.” Saad nito.
Gayundin, paliwanag naman ni Nurse II Charlou Natalie Rempillo ng City Health Office ng Ligao, ang sakit ay isang sabdyektibong pananaw, kailangan natin irespeto ang mga hinanain ng mga kababaihan sapagkat sila lamang ang nakakaalam kung gaano kabigat ang pagdusang kanilang idinadala.
“Speaking as a man with a sister and a mother, I think the menstrual leave bill is rightfully deserved even if the leave only lasts two days, and as far as I know, menstrual cramps last as long as 3-5 days. But still, the bill could prove to be useful for women as menstrual cramps can be no joke.”
Higit na nabawasan ang kaso ng agriculture open-burning related cases magsimula nang ipinatupad ang Harvester Project Campaign ng Lokal na Pamahalaan ng Ligao o LGU at City Agriculture Office o CAO Ligao na naging epektibo magsimula noong 2019, bago ang pandemya.
Ang open burning ay tumutukoy sa pagsusunog ng mga basura ng walang tamang permit o regulasyon. Ito ay naglalabas ng usok na mayroong carbon dioxide na nagdudulot ng greenhouse gases. Bagama’t ito ay pinagbabawal, patuloy ito nagiging problema lalo na sa mga rural at liblib na lugar.
Ayon kay Rossauro Perillo, ang pinuno ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ng lungsod Ligao, naging onti ang naitalang kaso ng open-burning ngayong nakaraan na anihan.
Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng maagang pagbubuntis, umapela ang City Health Office o CHO ng lungsod Ligao sa pagpapaigting ng mas matatag na sex education sa mga paaralang pangsekondarya.
Ito ay binigyang-diin ni Nurse II Charlou Natalie Rempillo ng CHO na pangalawa sa pinakamataas ang Ligao sa lalawigan ng Albay na umabot sa halos 200 ang kasong naitala at hindi hihigit 20 ang nabalitaan sa unang markahan ng taon.
Ayon kay Rempillo, ang sanhi ng pagtaas ng kaso ay dahil sa kakulangan ng kaalaman at edukasyong natatanggap ng kabataan lalo na sa mga edad 13 hanggang 14 ukol sa isyung may kinalaman sa pagdadalaga at pagbibinata.
“So far hindi pa nila tinatake seriously yung mga complications na pwedeng ibigay o ihatid ng early pregnancy. May mga teens na nabibigla pa na hindi pa alam ang proper term para sa sexual organs so dapat at that age aware na sila para syempre naaddress naten properly yung mga health concerns. So for the consequence, hindi ata nila alam kasi kung alam nila, edi sana ngayon palang bumaba na ang kaso naten.” Ani ni Rempillo.
PINAALAM NA KAALAMAN. Ipinamalas ng isang trabahente sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang isa sa pamamaraan ng paglunas sa “Open-Burning Cases” sa malawak na lupain ng BFP, Ligao City, ika27 ng Abril 2023.
Ayon sa kaniya, bago maipatupad ang nasabing proyekto, naging malaki ang pangamba ang dinulot ng pagsusunog ng mga dayami ng palay sa kaligtasan sa kalsada nagsisilbing karagdagang gastos para sa magsasaka, kaya’t napilitan silang magsunog na lamang nito.
“May mga incidents na lumaki talaga siya to the point na kailangan na naming tumawag ng bumbero kasi parang alarming na. Number one, hindi dahil may mga malalapit na bahay na masusunog but it is zero visibility na ang daanan, wala nang makita at maaaring mag cause sa mga dumadaan.” Ani ni Perillo.
Dagdag pa niya, labis na nakatu long ang mga makabagong pamamaraan kagaya ng paggamit ng Harvester na pumalit sa mga tradisyunal na Tracer sapagkat ang proseso sa pagkakalat ng dayami ay nagsisilbing karagdagang gastos para sa magsasaka, kaya’t napilitan silang magsunog na lamang nito.
Ani ni Christanne Tedd Revidad ng baitang 11 ng Gauss, isang lalaki na nagbibigay ng buong suporta sa batas na inihain. Nanawagan din si Brosas para sa agarang pagpasa ng panukalang batas. Sa ngayon, wala pang karagdagang kumpirmasyon ang nagaganap.
Kahit likas naman sa kaalaman na kasama pa rin ang sex education sa kurikulum ng sekondaryang pampaaralan, nagsasagawa parin sila ng mga youth forums upang maipabatid ang kamalayan ng mga kahihitnatnan ng mga isyung nakapalibot dito, kasama na dito ang pagkakaroon ng mga Sexually Transmitted Diseases o STD ng mga kabataang sangkot sa premarital sex.
69.4% SANG-AYON HINDI SANG-AYON
19% WALANG KOMENTO
Sa unang pagkakataon matapos ang mahigit dalawang taong modular learning ay hindi pinahintulutang isakatuparan ang Sportsfest sa Bicol Regional Science High School o BRSHS ngayong taong panuruan.
Ipinabatid ni BRSHS Sports Coordinator Rico Padilla na sakabila ng mga pagpaplano na muling ipatupad ang nakasanayang aktibidad sa larangan ng isports ay hindi sila nabigyan ng pagkakataon na ilunsad ito ayon na rin sa naging saad ni Cristina B. Relleve, punong-guro ng paaralan.
“One of the main reasons kung bakit walang sportsfest this year is because maaapektuhan ang classes. Nagkaroon ng order na bawal na ang activities na maaapektuhan ang classes since nagkaroon tayo ng ilang weeks for our adjustment period. So, we don’t have a choice but to follow the order.” Ani ni Relleve.
Dagdag pa niya, kailangang mas mapagtuunan ng pansin ang pagtugon
sa learning gaps na nararanasan ng mga magaaral.
“Hindi nainclude sa school improvement plan yung mga activities sa school na nakapaloob sa Sports Intervention Program na siyang paraan so that we can avail the funds from the Maintenance Operating Expenses.” Hayag ni Relleve.
Alinsunod dito, ipinahayag ni Keisha Gandia, pangulo ng MAPEH Club, ang kaniyang pagkabalisa sa ibinigay na kautusan ng nakatataas na kung saan ay kailangan pa rin itong sundin kahit labag man ito sa kanilang kalooban.
Ayon kay Gandia, “As an athlete also, nanghihinayang ako at nalulungkot na walang sportsfest this year. Hoping next year since it’s my last year in BRSHS ay magkaroon na ng sportsfest.”
Sinisigurado naman ni Relleve na posible nang magkaroon ng Sportsfest sa susunod na taong panuruan.
Magellan Jr.
Hindi pa tuyo ang bahid ng nageeskarleteng dugo ng mga biktima ng Martial law sa mga ala-ala ng eskinita ng Maynila ngunit isang di inaasahang bangungot naman ang sumalubong sa mga mamamayang pilipino. Ang apelyido na nagpaulan ng takot sa nakaraan ay bumabalik bilang isang silwete na lumilipad sa himpapawid ng Pilipinas.
Matapos ang halos tatlong dekada mula nang mapatalsik sa kapangyarihan ang kanyang ama, si Ferdinand Marcos Jr. ang nahalal bilang ika-17 na presidente ng Pilipinas. Sa halos pitong buwan sa panungkulan, tila’y marami na sa 31 milyon na bumoto para sakanya ang nagsisimulang kumwestyon sa kakanyahan ni Marcos bilang isang pinuno.
Magagarbong mga jet flights, mga 5-star hotels, at umeengrandeng mga pagsasalo-salo, naging kontrobersiya ang maluhong pamumuhay ng presidente. Imbis bigyang prayoridad ang pagtaas ng implasyon sa bansa, patuloy parin si Marcos sa kanyang mga paglalakbay.
Ayon sa pangkatapusang-taong ulat ng Department of Trade and Industry, naging produktibo ang mga biyahe ng pangulo sa Indonesia, Singapore, United States, Cambodia, at Thailand.Nagdala sila ng $23.6 bilyon na mga pangako sa pamumuhunan.
Ang problema, gayunpaman, wala itong binatbat sa naiulat na $46.4 bilyong gastos ng pangulo sa kanyang unang pitong biyahe sa panunungkulan.
Sinubukan ng Pangulo na bigyang-katwiran ang kanyang “jet-setter” na iskedyul bilang pinakamahusay na paraan upang makakuha ng mga internasyunal na imbestor.
Ang bagsik ng kaniyang ama na gumamit ng rehas ay walang pinagkaiba sa pangamba ng kaniyang kapabayaan.
Ang pag-alis ng pangulo sa bansa upang manood ng isang paligsahan sa pagkarera sa Singapore habang ang mga pilipino ay naghihikahos ay isang paglalantad ng kanyang kawalan ng pakiramdam sa pagdurusa ng kanyang mga kababayan.
Matagal nang isyu ang korapsyon sa gobyerno ng Pinas, bilang presidente dapat bigyan ng pansin ni Marcos ang mga panloob na isyu sa halip na bigyang prayoridad ang paghanap ng mga Imbestor. Kailangan din ng transparensiya sa eksaktong mga paggasta at laki ng mga delegasyon ng pangulo sa mga pagbisita sa ibang bansa upang matiyak na maiwasan natin ang mga potensyal na pagliliwaliw.
Unti-unting binabago ng maling balita ang anyo ng dihital na panahon na lumikha ng mga nakababahalang hamon para sa demokrasya at pamamahayag.
Dahil sa kasalukuyang kalagayan ng media, nalalagay sa panganib ang katayuan ng mga mamahayag sa lipunan dahil ang mga kasinungalingan na kumakalat sa media ay madalas nabibintang sakanila. Ngayong mas ‘accessible’ na ang social media, mahigit 58 porsiyento ng mga ‘vloggers’ at ‘influencers’ ay napatunayang kumakalat ng pekeng balita ayon sa pananaliksik na isinagawa ng Pulse Asia. Ang larangang ito ay tila’y nagagamit
sa masamang paraan upang guluhin at pagbitak-bitakin ang samahan ng mga mamamayan. Bagkus wala namang kamalian sapakat ang bawat tao ay may kalayaang bumoses ng kani-kanilang mga hinain ngunit kapag ang ipinagkaloob na kalayaan ay naabuso nagiging mas malaking problema para sa masa. Nagiging isang vulnerable target ang aktibong online population ng Pilipinas target para sa mga ‘troll armies’ o ‘keyboard warriors’ na nagbabahagi ng maling impormasyon upang patahimikin ang mga hindi sumasang-ayon na opinyon. Ang pag-asam ng disinformation sa mga kasinungalingan ay sadyang nagtataguyod ng ilang mga ideolohiya na maaaring humantong sa pagkalito, kawalan ng tiwala, o paranoya sa publiko.
Dagdag pa rito, ang mga simpleng mamamayan ay madaling mabiktima ng mga pekeng balita. Habang ang mga akusasyon ng pekeng balita ay nagiging mas prominente sa lipunan, kailangang harapin ng mga mamamahayag ang mga pag-atake at pagpuna sa publiko. Ang pagkalat ng maling impormasyon ay maaaring maging mapanganib lalo na sa demokrasiya dahil sinisira nito ang isang tunay at masinsinang talakayan sa pulitika. Kahit nanasain ng gobyerno na parusahan ang mga kumakalat ng pekeng balita ngunit ito ay kaakibat na isang lehislasyon. Ang pagpapatupad nito ay maaaring mauwi bilang isang paglabag sa konstitusyon ng malayang pagpapahayag ng saloobin.
Manong, students haircut po.” Mga katagang madalas sinasambit ng karamihan noon.
Upang sugpuin ang lumalaking diskriminasyon at hindi pantay na pagtrato sa mga mag-aaral, isinapuso ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ang pagrebisa ng Gender-Responsive Basic Education Policy nito. Subalit ilang taon na ang nakalipas at hindi pa rin nagbabago ang mga pamamalakad pagdating sa haircut policy para sa mga kalalakihang mag-aaral.
Napakalaking hamon para sa ating lipunan na magkaroon ng pantay na pagtrato at pagkilala sa karapatan ng bawat isa. Sa kasalukuyang patakaran ng gupit para sa mga kalalakihan sa mga paaralan, hindi pantay ang trato sa mga mag-aaral. Ang bawat hibla ng ating buhok ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat kultura at katangian ng isang tao.
Bilang mag-aaral, ang buhok ay isang paaran ng pagpapakita ng ating indibidwalidad at humuhubog sa ating personal na karakter. Ang malayang pag-istilo ng buhok ay nagbibigay ng kumpiyansa sa isang mag-aaral, na humahantong sa mas mahusay na pagganap sa kanilang gawain sa paaralan.
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang DepEd Order 32, s. 2017 ay inilabas “upang isulong ang proteksyon ng mga bata mula sa lahat ng uri ng karahasan na may kaugnayan sa kasarian, pang-aabuso, pagsasamantala, diskriminasyon, at pambubulas, at upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at mapayapang lugar ng tra-
baho at sa loob ng DepEd.” Gayunpaman, walang pagbabago o kahit na binanggit na anumang pamamaraan sa patakaran sa gupit.
Ang mga mag-aaral ay hindi lamang mga “estudyante” kundi mga indibidwal na may sariling kultura, paniniwala, at pagkakakilanlan.
Hindi tama na ipinagbabawal sa kanila na maipakita ang kanilang tunay na sarili sa pamamagitan ng kanilang gupit. Ang polisiyang ito para sa mga kalalakihan ay nagiging hadlang sa kanilang pagpapakatotoo at pagpapakita ng kanilang indibidwalidad.
Ang mga mag-aaral ay pilit na idinidikta kung paano
dapat mag-ayos ng kanilang buhok, nang hindi man lang kinokonsidera ang kanilang sariling opinyon. Desisyong sumasalungat sa layunin ng DepEd na kilalanin ang karapatan at ringgin ang boses ng bawat isa.
Disiplina? Ang naturang polisiya ay hindi makakatulong sa pagpapakita ng propesyonalismo ng isang mag-aaral. Tunay ba natin masusugpo ang lumalaking diskriminasyon at hindi pantay na pagtrato kung sa patakaran pa lamang ng gupit ay hindi na natin ito maabot? Ang malayang pag-istilo ng buhok ay isa na ring paraan ng malayang pamamahayag. Buwagin ang haircut policy at bigyang kalayaan ang mga kalalakihang mag-aaral na ipahayag kung paano nito gusto. Kalayaan na magbibigay daan sa kumpiyansa at pagkakakilanlan. Ang tunay na disiplina at propesyonalismo ay nakabatay sa pagiging bukas sa pagkakaiba-iba at pagtingin nang pantay-pantay.
ANDREA GALE ALMONTE Punong Patnugot EUGENIO MUELLA KoresponsalGinusto niya yan.” Rinig na rinig sa aming bahay ang mga umaalingawngaw na boses ng mga marites habang minamaliit nila ang kapuwa nilang babae na maagang nabuntis.
Noon pa, hindi ko mabigyang lohika ang kaugalian ng nga Pilipino pagdating sa makalumang sistemang patriarkal na labis ang pagtuligsa sa kababaihan at ang mga kalalakihan ay nakakatakas sa kanilang mga kasalanan na walang mabigat na parusa sa lipunan.
Kahit na matagal nang isinatupad ang Republic Act 9710 o Magna Carte of Women na layong pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan, milyon-milyon parin ang nagdurusa dahil sa pagtakas ng mga kalalakihan sa kanilang mga responsibilidad. Ang mga kababaihan ay naiiwan magisa na mag-alaga sa kanilang mga anak at magpakahirap upang mabuhay.
Ang mga kalalakihan ay mayroong mga karapatan at responsibilidad sa pagpaplano ng kanilang pamilya. Kung walang karapatan ang babaeng iwan ang responsabilidad bilang ina, wala ren karapatan ang mga kalalakihan na tumanggi na sumuporta sa sarili niyang dugo. Kinakailangan ren nilang sumuporta, alinsunod sa Artikulo 195 ng Family Code na nagdiin na legal na kinakailangan ng mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak kundi didiretso ang isyu sa korte.
Sa tango ng dalawang magkasintahang nagmahalan, isang pares ng paa naglaho parang bula ang isa naman ay naiiwang duguan. Hindi lang tungkulin ng mga kababaihan na bitbitin ang bungga ng sayaw na hindi siya mag-isang gumawa. Dapat mas pang patatagin ng lipunan ang mga mekanismo upang maprotektahan ang mga kababaihan at kanilang mga anak mula sa pang-aabuso at magkaroon ng mga batas at polisiya na nagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga kababaihan at kanilang mga anak.
Aang kinakaharap na problema kail angan ng bawat tao na magpare histro ng kanilang sim card kasabay ng pinalawig na SIM Card Registration Act or Republic Act (RA) No. 11934 na unang naipasa at nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Oktubre 10, 2022, upang maprotektahan ang kanilang seguridad at kaligtasan na gampanin ng bawat Pilipino sa misyong pangkaligtasan ng ating gobyerno.
dang pagsarado ng inatasang rehistrasyon, 36.79 porsiyento pa lamang ng lahat ng subscriber identity module (SIM) cards ang nairehistro na sa bansa. Ito ay batay sa inilabas na datos ng Department of Informa tion and Communications Technology. Sa tumataas na insidente ng mga krimen na ginagamitan ng hindi rehistradong sim card, isa lamang ito sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa pang-aabuso sa kalayaang mayroon tayo.
Sa ilalim ng mga pinalawig na regulasyon ng National Telecommunications Commission (NTC), ang mga telco companies ay nagbibigay ng libreng pagpaparehistro ng sim card sa kanilang mga tanggapan at online. Kasabay nito, binigyan din ng mga kompanyang kabilang ng sapat na panahon ang mga nagmamay-ari ng sim card upang irehistro ang kanilang mga unit.
Sa kabila ng mga benepisyo ng pagpaparehistro ng mga sim card, mayroon pa ring mga tao na ayaw o hindi interesado na magparehistro. Ayon kay Ethan Balana, magaaral ng 12-Heisenberg ng Bicol Regional Science High School,
“Hindi ako agree masyado kasi may mga personal information ako na kailangan ko din ng privacy, kunware sa chat, di natin alam ang mga kayang gawin ng mga hacker, uso pa naman din ang inside job.”
Napakahalaga na tandaan na ang pagpaparehistro ng mga sim card ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan, lalong-lalo na ng mga mag-aaral. Hindi dapat balewalain ang mga ganitong regulasyon dahil hindi lamang ito nagbibigay ng seguridad sa bawat tao, kundi nagbibigay din ng proteksyon sa ating mga mahal sa buhay at sa ating pamayanan. Sa kabilang banda, hindi rin mai-aalis ang mga pangamba at takot patungkol sa personal na seguridad ng mga nagmamay-ari ng sim card. Dagdag pa ni Ethan, “Bilang mga kabataang nakatutok sa pag-
Kahit sa kamay ni kapahamakan, nanaisin pa rin nating mga kabataan na pilitin ang ating sarili na himukin ang mga mapanganib na sitwasyon upang makaraos sa araw na may laman ang tiyan. Maaring umabot sa punto na maging desperado tayo sa pagbabaybay sa mga kalsada upang manglimos, na maaaring maglalagay sa ating kalusugan at kapakanan sa peligro.
Isa sa napapanahong suliranin na kinakaharap ng Pilipinas ay ang Child Labor na nangangailangan ng pansin hindi lamang ng ating mga magulang kundi pati na ang gobyerno.
Kabilang ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng child labor sa mundo na kinabibilangan ng mahigit sa 2 milyong kabataan na nagtatrabaho sa iba’t ibang industriya, kabilang na ang agrikultura, pangingisda, trabaho sa bahay, at pagmamanupaktura. Kadalasan na nagtatrabaho ng mahabang oras para sa kakarampot na kita at madalas na nasasangkot sa pisikal, emosyonal, at sekswal na pang-aabuso. Kasabay nito, sa hindi pagkakaroon ng pagkakataon na makapasok sa
mga nasabing industriya ay napipilitan na lamang manghingi o manglimos.
Isa sa mga pangunahing salarin ng child labor sa Pilipinas ay kahirapan. Saksi ako, sa maraming pamilya na nabubuhay sa kahirapan at nahihirapan na makaraos sa araw-araw. Madalas ko rin nakikita ang mga magulang na tinuturing ang kanilang mga anak bilang pinagkukunan ng kita at pinapasok sa trabaho sa murang edad.
Ginagawa ito upang makatulong ang kapwa natin kabataan sa kanilang pamilya at masiguro na may sapat na pagkain at pagkukunan sa mga pangunahing pangangailangan.
Bukod dito, hindi lamang ang kahirapan ang dahilan ng child labor. Sa aking pagkakaalam, ang gobyernong nangangasiwa sa bansang ito ay may malaking papel sa isyu sa pagkabigo na magbigay ng sapat na suporta sa mga pamilyang nabubuhay sa kahirapan. Kasama na dito ang akses sa edukasyon, kalusugan, at mga serbisyong panlipunan. Dahil dito, ang tanging
pagpipilian ng ating mga magulang ay ang ipasok ang kapwa natin kabataan sa trabaho. Ang patuloy na pagtaas ng child labor sa Pilipinas ay hindi lamang dahil sa gobyerno kundi maaari rin iatang sa ating mga magulang. Sa aking karanasan, karaniwan itong nangyayari sa loob ng maraming henerasyon bunga ng maling tunguhin at kawalan ng interes dahil sa mababang katayuan sa komunidad ng ating pamilya. Dahil sa kaisipan na tayo ay walang karapatan sa edukasyon, kalusugan, at iba pang pangangailangan, ang ating mga magulang ay napipilitan na iatang ang responsibilidad sa ating kabataan upang magbigay ng mapagkukunan at ikabubuhay sa ating tahanan, at dito patuloy ang siklo ng kahirapan.
Dagdag pa, hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno upang ipatupad ang mga batas na nagpoprotekta sa ating mga kabataan mula sa pagsasamantala sa trabaho. Ang maingat at patas na pagpapatupad ng mga batas ay isa rin sa dahilan upang ibukod ang ating mga pamilya sa patas na oportunidad. Bagamat may mga batas ang Pilipinas na nagbabawal ng child labor, hindi ito palag-
“Since nasa apartment ako, kasi originally taga-Pioduran ako so medyo malayo, minsan akala ni mommy ako ang nag-titext na humihingi ng allowance, ganitong amount, tapos pag tinatawagan niya na ako sa messenger, para kunin details ko, nabibigla ako kasi hindi man ako yun. Ang pagpaparehistro ng mga sim card ay isa ring hakbang upang matiyak na maayos ang komunikasyon ng mga estudyante sa kanilang mga magulang at guro. Dahil sa tamang detalye ng may-ari ng sim card, maiiwasan ang mga pagkakamali sa pagpapadala ng mga mensahe at maibibigay ang tamang impormasyon sa mga tamang tao. Sa kabuuan, ang pagpaparehistro ng mga sim card ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa, lalong-lalo na sa mga mag-aaral. Dapat lamang nating bigyang pansin ang mga regulasyon ng National Telecommunications Commission at gawin ang ating bahagi upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa ating komunidad. Sa ngayo’y may kani-kaniyang mga saloobin patungkol dito, ang pagbigay pansin sa magandang tunguhin ng regulasyong ito,
ing ipinapatupad. Ang mga employer na lumalabag sa mga batas na ito ay bihira lamang na napaparusahan, na dahilan ng talamak at hindi mapigilang pagsasagawa nito na nagpapadala ng mensahe na tinatanggap ang child labor.
Responsable ang gobyerno at ang ating mga magulang sa pangangasiwa ng isyung child labor sa Pilipinas. Kailangan ng gobyerno na magbigay ng mas maraming suporta sa mga pamilyang nabubuhay sa kahirapan at ipatupad ang mga batas na nagpoprotekta sa ating kabataan mula sa pagsasamantala. Maging ang pagtalaga ng mga tao na ang pangunahing tunguhin ay ang kapakanan nating mga kabataan. Ang responsableng pagpaplano ng ating mga pamilya, at pagbibigay pansin sa mga karapatang nararapat na matamasa nating kabataan ay dapat na pagtuunan ng pansin ng ating mga magulang sa pagmungkahing ang pag-atang ng trabaho sa kanilang mga anak ay mabigyan ng karamptang parusa sa patuloy na pagsasagawa nito
nti-unti nang nawawalan ng pagasa ang mga pamilyang Pilipino sa patuloy na pagsasahimpapawid ng presyo ng mga bilihin sa merkado. Kung dati’y kaya pa ng isang libong piso na itawid ang aming pamilya sa balakid ng gutom nasa bingit na kami ng bangin sa kawalan ng pagkukunan ng mga pangangailangan.
Kinikilala ang Batas Republika Blg.
lakalan at Industriya (DTI) sa pagtatakda ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Isa ito sa mga batas na umaapela sa pagtaas ng mga presyo sa panahon ng mga emerhensiya. Sa na implasyon ay nananatiling mabagal ang pagbaba nito. Hindi kailanman naibsan ang paghihirap ng sambayanang Pilipino gayon nakalipas na ang mahigit tatlong dekadang pagpapatupad nito.
Mayroong iba’t ibang dahilan ang pagakyat ng presyo ng mga bilihin na nagdulot ng pangamba sa mga mamamayan. Isa na rito ang pagtaas ng halaga ng mga ‘raw materials’ na ginagamit sa paggawa ng mga produktong kailangan upang mabuhay.
Bilang isang kabataang nakasilong sa kanlungan at umaasa pa sa suporta ng mga magulang, mulat ang aking mga mata
pagtitipid na lamang ang aming magagawa upang makaraos.
Ang dating dalawang eco-bag ay nagiging isa na lamang, at ang isang libong piso ay tumatagal na lamang ng apat na araw, na kung minsa’y nagiging isa pag nariyan na ang mga dagdag kontribusyon sa aming paaralan.
Matatandaan ang dating sampung piso na pamasahe o di kaya naman ang dalawampung pisong sapat na upang makabili ng papel. Sa unti-unting pag-usbong ng implasyon ay siyang pagkait sa kakayahang makapag-unlad.
Sa mga mahihirap na pamilya, kadalasan ay kailangan nilang magpaputol ng mga pangangailangan tulad ng pagpapakain ng kanilang mga anak, pagpapagamot, at iba pang mga gastusin upang makatipid sa kanilang badyet. Batay sa pribadong pollster, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay umakyat sa 12.9 milyon mula Oktubre 2022, na kumakatawan sa pagtaas ng humigit-kumulang 300,000 kabahayan. Kung gaano kataas ang nilipad ng presyo ng bilihin ay ganoon din ang lagapak ng buhay ng bawat pamilya.
Ayon kay Bienvenido Vargas, tanging pagsasaka ang kaniyang pinagkakakitaan ng pera. Hindi madali ang paghahanap ng perang panustos sa pang araw-araw na pamumuhay, lalo na sa gitna ng isang pandemya. Bunga nito, umaabot lamang sa tatlong araw ang isang libong nilalaman ng kaniyang pitaka, na siyang umudyok pa sa kaniya upang maghanap ng ibang trabaho. Dahil sa krisis na ito, tayong mga Pilipino ay nakararanas ng hindi pagkakapantay-pantay sa pagkakataon at nabubuhay sa karalitaan. Kailangan ng agarang aksyon ng ating pamahalaan upang matugunan ang problemang ito. Dapat magbigay ang ating pamahalaan ng mga solusyon at programa upang mapababa ang presyo ng mga bilihin at matiyak na mayroong sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Ang pagpapalakas ng mga lokal na industriya tulad ng agrikultura, patuloy na pagpapababa ng kahirapan at pagpapalawig ng social programs ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin.
Sa kabuuan, mahalaga na maging maagap ang pamahalaan sa pagtugon sa mga suliranin ng taumbayan. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isang malaking hamon para sa bulsa ng mga pamilyang Pilipino, at kailangan ng ating pamahalaan na magkaroon ng solusyon upang matulungang makaahon sa dilemang ito. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay siyang pagpigil sa atin upang matamasa ang kalawakan ng bukas, pagbarena sa walang hanggang butas ng bulsa kailangan upang mabuhay.
pinansya ang pangunahing mga target.
“Upang maiwasan ang pagiging biktima ng phishing attacks at iba pang online scams, kinakailangang maglaan ng oras upang maingat na suriin ang anumang mga mensahe at e-mail na natatanggap, lalo na kung mayroong mga link o attachments.”
Ipahayag at ipaglaban ang katotohanan, ito ang pangunahing layunin ng isang campus journalist na tulad ko. Responsibilidad na maging tagapagbalita nang walang kinikilingan o pinapaboran.
Gayunpaman, sa paglaganap ng kulturang “Marites” sa mga kabataan, nagiging banta ito sa ating pagiging tapat at patas sa paglalahad ng mga katotohanan.
Ang “Marites” ay isang katawagan na sumikat sa ating bansa at ginagamit upang pangalanan ang mga tsismoso’t tsismosa sa ating lipunan. Ito ay salitang balbal na ginagamit ng mga tao ngayon – sa parehong online at sa totoong buhay. Nakababahalang isipin na unti-unting nagiging mahalagang bahagi ng aking buhay ang tsismis, na nakakaapekto hindi lamang sa aking personal kundi pati na rin sa aking panlipunang buhay. Sa paglaganap ng kulturang ito, naging malaking hadlang sa aking akademiko at personal na pag-unlad ang tsismis.
patuloy na nagiging mahalagang bahagi ng ating buhay, mahalagang manatiling alisto sa ating mga online na aktibidad. Isa sa pinakamalaking banta na kinakaharap natin sa paggamit ng internet ay ang panganib ng mga online scams, lalo na ang mga phishing attack at spam e-mails. Kaya’t kailangan nating tiyaking lagi nang mag-isip bago mag-click.
Ang phishing links at spam e-mails ay ilang lamang sa mga uri ng cyber attack kung saan ang mga attackers ay nagpapanggap na sila ay lehitimong kumpanya o indibidwal upang mahikayat ang mga biktima na magbigay ng kanilang sensitibo ng impormasyon o magbayad para sa mga pekeng produkto o serbisyo. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga e-mail, text messages, o mga links na nag mumukhang lehitimo ngunit sa katunayan ay naglalaman ng mga pekeng website o software.
Ayon sa AAG IT Services, 323,972 na gumagamit ng internet ang nabiktima ng phishing attacks noong 2021. Ibig sabihin, kalahati ng mga gumagamit ng internet na naging biktima ng cybercrime ay nabiktima sa mga phishing links. Ito ay sa kabila ng cyber security na ipinatutupad ng Google na pumipigil sa 99.9% ng mga phishing attempts bago pa man ito umabot sa mga gumagamit ng internet. Nakasaad din sa ulat na ang madalas biktimahin ng mga phishing attack ay ang sektor ng pinansyal, kung saan ang mga bangko at iba pang institusyon sa
Ilan sa mga karaniwang batayan ay ang mga mensaheng humihingi ng personal na impormasyon o login credentials, mga mensaheng mayroong pagbabanta, o mga mensaheng nagmula sa hindi kilalang indibidwal.
Ayon kay Al Christian Marcaida, isang magaaral sa Grade 12 ng Bicol Regional Science High School, “Hindi pa ako naging biktima ng phishing at online scams dahil sinisigurado ko na tama at ligtas ang mga link ng mga website na binibisita ko.
tayo ay mananatiling ligtas at may seguridad. Isang maling click lamang ay maaaring maging dahilan upang maging biktima ng online scam.
Bukod sa pagiging maingat sa pagsusuri ng mga mensahe, e-mail, at mga link, mahalagang magkaroon ng mga malakas na security measures sa ating mga gadgets. Kasama dito ang pag-install ng anti-virus software, paggamit ng hindi pangkaraniwang mga password para sa lahat ng iyong mga account, at pananatiling updated ng iyong operating system at iba pang mga software sa mga bagong security patches.
Sa huli, bilang mga kasapi ng henerasyon na madalas gumamit ng internet, tungkulin nating manatiling mapagbantay at maalam sa mga posibleng panganib na kaakibat nito. Ang pagtaas ng phishing
“Lumilikha ito ng nakakalasong kapaligiran na tila sinira ang aking tiwala sa sarili. Mga maling sabi-sabi sa aking pagkatao na maging sanhi ng pagkahiya at kaba.”
Bagama’t lumipas na ang mga tsismis na ito, hindi maitatanggi na nag-iwan ito ng malaking epekto sa aking pakikipagkapwa tao. Mahina at utal-utal na boses tuwing pagsagot sa klase, patunay nakaapekto sa aking pagganap sa pagaaral.
Mapagtatanto natin na hindi madaling kumawala sa kulturang ito, ngunit hindi ito imposible. Maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng pagkilala at pagkiling sa katotohanan. Maaari tayong tumanggi na lumahok sa mga tsismisan at umiwas sa mga makasinungalingang “Marites” upang maiiwasan natin ang pagkalat ng mga tsismis. Sa halip na makipagtsismis, maaari nating piliing suportahan ang ating kapwa at mag-alok ng pakikinig tuwing kailangan nila ito.
Bilang isang mamamahayag, dapat tayong tumindig hindi lang sa tsismis tungkol sa atin kundi para sa lahat. Ang kulturang “Marites” ay isang lason na unti-unting kumakalat sa mga kabataan. Oras na para kumilos tayo at subuking matanggal ang kulturang ito. Bawat kilos natin ay dapat pag-isipang mabuti upang hindi ito magkaroon ng negatibong epekto sa ating kapwa
Mula sa unang pagtungtong ko ng silid-aralan, naging malapit na ang aking loob sa aking mga guro na lubos na kinikilala ko bilang aking ikalawang mga magulang. Sa halip na mas mapagbuti ang bigkis na nag-uugnay ng samahan sa pagitan ng mga estudyante at guro, naglunsad ang DepEd ng isang batas kung saan hinihigpitan nito ang kapit sa ugnayan ng mga guro’t magaaral.
Ikalawa ng Nobyembre nang pinirmahan ni Bise-Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte ang kasulatang nagsasaad na kailangang malimitahan ang interaksyon ng mga mag-aaral at guro na walang kinalaman sa pag-aaral sa labas ng silid-aralan o ang Amendments to DepEd Order no. 047, 5.2022 (Promotion of Professionalism in the Implementation and Delivery of Basic Education Programs and Services).
Nakakapanglumo isipin na magkakaroon na ng katakdaan ang mga kasanayan ko sapagkat malaking bahagi na ng aking buhay ang mga gurong patuloy na gumagabay sa akin sa bawat pagsusulit na aking naipasa at bawat paligsahan na aking sinasalihan.
May klaradong linya na dapat ay nirerespeto ng bawat partido kung saan hindi na kailangang magpatupad ng kasulatang sasakal sa matiwasay na pagsasamahan ng mga guro’t mag-aaral.
Parte ng paglaki ng mga magaaral na katulad ko ang pagkakaroon ng malapit na pakikisama sa aking mga guro. Mahalagang maginhawa ang pakikitungo ng mga guro sa mga mag-aaral, hindi lamang sa loob ng silid-aralan kung hindi pati na rin sa labas ng paaralan. Tila tinuturing na lamang ang mga guro bilang mga sandata upang matugunan ang mga karunungan ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan at binabalewala ang karapatan nila bilang tao na maaaring makipagkaibigan at magkaroon ng kaswal na pakikitungo sa mga tao sa labas ng paaralan.
Kung hindi sila maaaring magkaroon ng pakikisama sa mga mag-aaral sa labas ng silid-aralan, ano na lamang sila bukod sa mga makinaryang ang tanging tunguhin ay mamahagi ng kaalaman sa mga estudyante?
Hindi makakailang wasto ang pagpapanatili ng propesyonalismo ng mga guro sa pakikipag-ugnayan sa mga magaaral, lalo na sa mga kumakatawan ng Kagawaran ng Edukasyon at institusyong kanilang kinabibilangan kaya naman nagkaroon ng maayos na pagpaparte sa personal at sosyal na buhay ng mga guro. Subalit, iba ang pakikitungo ng mga guro at mag-aaral. Mahalaga ang pakikisalamuha sa paghubog ng personalidad ng isang tao at malaki ang pakikibahagi ng mga guro dito.
Maaaring ibasura na lamang ang kasulatang ito o limitahan ang interaksyon sa pagitan ng dalawang panig. Gayunman, hindi matwid na idikta ng DepEd kung paano makikitungo ang mga guro sa mga tao bagkus manggagawa nila ang mga guro. Huwag nating hahayaang tabakin nila ang mga gurong walang ginawa kung hindi hubungin ang mga batang katulad ko sa lahat ng aspeto.
Mainit na usapin simula noong nakaraang eleksyon ang patungkol sa cancel culture o ang pagkundina o pagtawag sa mga indibidwal o grupo na nagpapasubali o nakagawa ng mga kilos na hindi kaaya-aya na tinatangi bilang hindi katanggap-tanggap, nakakasakit o kaya naman ay laban sa pinaniniwalaan ng karamihan. Maraming nagsasabing ito’y para sa responsableng pananagutan ngunit may mga iilan namang nagsasabing ito’y sobra na, kalimita’y sa takot at pangamba.
Kalimita’y makikita ang mga sang-ayon at nakikiisa sa cancel culture na naniniwala sa kaisipang dapat managot ang mga indibidwal o mga grupo sa kanilang mga kilos at pahayag na nakakasakit sa saloobin o may hindi katanggap-tanggap na ideya patungkol sa partikular na bagay. Kadalasa’y ito’y naisasangkot sa mga sikat na personalidad, pulitiko, at mga pampublikong personalidad na naghahayag ng seksista, rasista, o homopobyang mga ideya.
Ang ideya ng cancel culture ay nagsisimbolo bilang anyo ng mapanagutang katarungan sa lipunan na nagbibigay boses sa mga taong inaapi at inaabuso. Gayunpaman, may mga kritiko na tutol sa cancel culture sa pangambang ito’y magdudulot ng isang kapaligirang puno ng takot at pagpipigil, kung saan ang mga indibidwal na kasapi nito ay natatakot na magpahayag ng kanilang mga opinyon at saloobin sa takot na sila ay ma-cancel o mapuna ng mga taong maaaring hindi sang-ayon sa mga ideyang kanilang nais
ipahatid.
Ito’y paglimit sa bukas na pakikipagtalakayan sa mga isyu at usapin na nangyayari sa bansa o komunidad dahil sa takot ng hindi pagtanggap sa mga usapin na maaaring humamon sa kanilang mga paniniwala o halaga.
Ang cancel culture ay maaaring maging isang kasangkapan upang patahimikin ang mga magkaibang pananaw na maaaring humantong sa kakulangan ng pagkakaiba at kalayaan ng pagsasalita. Ang pag-cancel sa isang tao dahil lamang sa kanilang pagkakaiba, paniniwala o opinyon ay maaaring humantong sa isang nakakalason na kapaligiran, kung saan ang mga indibidwal ay natatakot na magsalita ng kanilang mga saloobin, nagdudulot ng pagpigil sa mas masagana at kasiya-siyang komunidad.
Higit pa sa napapanahong isyung ito ay ang epektong maari nitong maidulot sa kalusang ng isipan at kagalingan ng mga mag-aaral. Ito’y maaaring magbigay ng takot at pangamba sa mga mag-aaral na may nais ipabatid sa nakararami, dahil sa mentalidad na mayroon sa kanilang mas naka-aangat at mas kilala na higit pa sa kanila’y pagtutuunan ng pansin. Ito’y hadlang sa malayang paghahayag ng mga umuusbong na boses na dulot ng takot sa posibleng isyung kasangkutan, pagpapahiya at pagpipigil, ay mananahimik na lamang.
Sa kabilang banda, may mga magaaral naman na mas pinipili na makiisa sa saloobin ng nakararami upang hindi masangkot sa pag-cancel ng mga grupong may malaking impluwensiya at sakop. Ito’y mitsa ng kakulangan sa paninindigan ng mga mag-aaral na sa ngayong panaho’y mas kailangang pagyamanin at pa-usbungin. Bukod pa rito, ang tahasang pag-cancel sa mga indibidwal na nais lamang ay magbatid ng damdamin ay maaaring magkawsa ng anxiety at depression dahil sa social comparison o ang pagkukumpara ng mga saloobin ng isang indibidwal o grupo na imbis na ating unawain bilang parte ng isang komounidad, ating binibigyang pansin ang pagpaparusa at pagpigil sa kanilang mga gustong gawin at sabihin. Ito’y maaaring magdulot ng isang nakakalason na kapaligiran, kung saan ang mga indibidwal ay pinagtatabuyan at pinapalayas, sa halip na binibigyan ng pagkakataon na matuto at lumago.
Sa kabuuan, bagaman may pananagutan tayong nais bigyang tuon, mas mainam na hanggang sa abot ng ating isipan ay bigyan natin ng puwang ang bagong ideya at saloobin. Pag-usapan, pagnilayan, at bigyan ng sapat na panahon ang mga ito hanggang sa mabigyang linaw ang bawat paniniwala. Tayo ay patuloy na umuusbong, ‘wag nating hayaan na ang bangayan sa dapat paniwalaan, at pagbaba sa tao ang maging hadlang sa pag-abot natin nito. Respeto sa kapwa tao, dahil tayo’y nabibilang sa bansang demokratiko.
Sa kabila ng pagkakaroon ng malakas na relihiyosong pananaw sa Pilipinas, hindi dapat nating ikaligta ang katotohanan na may mga Pilipino rin tayong bahagi ng LGBTQ+ community. Sa kasalukuyan, ang same-sex marriage ay hindi pa legal sa Pilipinas, ngunit hindi dapat ito maging hadlang sa pagpapatupad ng katarungan at paggalang sa karapatang pantao. Sa salinlahi ngayon, hindi na bago ang pagsang-ayon sa legalisasyon ng samesex marriage. Naniniwala ako na hindi dapat limitado sa kasarian ang pagmamahalan. Sapagkat ang
mga kasapi ng LGBTQ+ ay may karapatan sa pagmamahal at pag-aasawa tulad ng iba pang mga tao sa lipunan. Ang relihiyosong pananaw ay mahalaga at dapat respetuhin, ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang ipagkait ang karapatan ng mga tao sa pagpili ng kanilang sariling kapalaran sa buhay. Ito ay pagkakataon upang magpamalas ng tunay na pagmamahal at pag-
tanggap sa lahat ng tao, anuman ang kanilang kasarian o orientasyon sa buhay. Si Juan ay pwede kay Juan, at si Juana ay maari kay Juana. Sa hinaharap, ang pagbibigay ng taimtim na suporta sa same-sex marriage ay naglalayong maging daan upang mabigyan ng pansin ang karapatan ng mga taong kabilang sa komunidad ng LGBTQ+. Importante rin na bigyang halaga ang kanilang pagkakalayo sa diskriminasyon at nang sa gayon ay tuluyan nilang makamit ang kanilang kasiyahan sa isang malaya at mapagtanggap na lipunan.
Opisyal na pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Rehiyon 5 sa Filipino
Tirik na araw at mahapding balat – karaniwang iniinda ng mga magsasakang pilit nilalabanan ang walang katarungang pagbayad sa bawat butil ng pananim na kanilang iginagapas gamit ang kanilang mga mala-gintong palad.
Bawat magsasakang Pilipino ay katuwang sa paglago ng Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Sa kabila ng ilang taong pagtuklas ng mga makabagong imbensyon at teknolohiya sa sektor ng agrikultura, patuloy pa rin nitong hinaharap ang mga hamon na dala ng kapitalismo at globalisasyon. Ang hindi makatarungang pagbabayad sa mga magsasaka sa Pilipinas ay isang malaking isyu na patuloy paring nararanasan ng mga lokal. Sa ilang taon nang pag-usbong ng ekonomiya ng bansa, ang mga magsasaka ang nagsilbing pundasyon nito dahil sa araw-araw nilang pakikipagsapalaran sa kabukiran.
Ngunit, sa kabila ng lahat ng kanilang pagsisikap na naglalayong magkaroon ng sapat na produktong pang suplay at pang-angkat ng ekonomiya ng bansa, sila rin ang biktima ng hindi patas na pagbabayad sa mga produktong kanilang inani.
Sa bawat ektarya ng lupang sinasaka, karaniwang umaabot sa Php 30,000 ang kinikita ng mga magsasaka sa isahang ani, hindi pa rito isinasaalang-alang kung tag-init ba o tag-ulan. Ang Php 30, 000 na ito ay hindi sapat upang mabawi ang puhunang itinalaga para sa buong durasyon ng pagtatanim. Nagbabayad ang mga magsasaka sa pagpapa-araro, tractor, upa sa lupa, sa pagtatabas ng damo at pati na rin sa pagpapatubig. Malaking tulong na rin sa kanila kahit papaano ang libreng binhi at abono na libreng ipinamimigay ng gobyerno. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumapatak lamang sa Php 17.00 hanggang Php 19.00 ang presyo ng bawat kilo ng palay na
binibili ng mga awtoridad sa mga lokal na magsasaka. Ang rason kung bakit umaabot lamang sa ganitong halaga ay dahil ito ang presyo na itinakda ng ahensya batay sa kanilang mandato at regulasyon. Ang National Food Authority (NFA) ay nagtalaga ng pambansang batas na bumili ng palay sa presyong hindi bababa sa P17 kada kilo at hindi lalampas sa P19 kada kilo. Hindi ito sapat kung ikukumpara sa presyong ninanais ng mga magsasaka para sa kanilang mga tuyong palay kung saan inaasahan nilang mabibili ito nang Php 24.00 kada kilo. “Mura naman ang pagbili saamin ng palay,ngunit mahal parin ang presyo ng bigas” saad ni Alfonso Nuevo, isang lokal na magsasaka. Sa halos 35 taon niya sa pagsasaka, naranasan niya ang pait at tamis na dulot nito. “Kung wala lang siguro kaming utang, hindi kami papayag na ipagbili ang palay namin sa ganyang halaga.” Isa ito sa malupit na katotohanan na pilit nilang nilalabanan sa likod ng lupang kanilang sinasakahan.
Sa pagtilaok ng manok, hindi mo na malalasap sa hangin ang bango ng prinitong almusal. Napagtanto mong dumating na ang panahon kung kailan ang apyak o pula ng itlog ay unti-unti nang kinukulayan ng ginto.
Isa sa mga saksi ng malaking pagbabago ang mga reseller sa Ligao Public Market. Malumbay niyang isiniwalat ang paghihirap na kanilang dinaranas.
Noon ay nakabibili pa sila ng isang tray ng itlog sa halagang 190.00 Pesos hanggang 200.00 Pesos. Ngunit ngayon ay pumapatak na ito sa 270.00 Pesos kada tray. Ayon sa DA noong Enero 13, ang mga medium-sized na itlog ay pumapatak sa P9 bawat isa, malayo kumpara sa P6.90 noong 2022.
Ramdam nila kung gaano kahap di sa bulsa ang presyo ng mga bilihin ngayon, kahit silang mga resellers ay umaaray mula sa mahigpit na kadena ng inplasyon.
Mapait mang lunukin, wala silang ibang pagpipilian kundi taasan din ang kanilang presyo, kung hindi ay negosyo naman nila ang tuluyang maba basag.
Sa pagsibol ng umaga, wala na tayong ibang dahilan kundi pakawalan ang mga alaalang kaakibat ng pamban sang almusal. At isang tanong ang maki kintal sa ating isipan: Darating pa kaya ang araw kung kailan kaya lalaya ang manok mula sa nakasasakal na kadena ng inplasyon?
Kasabay ng paghikbi ng ulan ay ang pagbagsak ng kanilang nangangambang luha. Ngunit hindi ito ang nais nilang ikintal ng nakatataas sa madla. Kailan kaya nila makikita ang palahaw ng mga ngiti ng mga nasa laylayan?
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas bisitahin ng mga kalamidad.
Isa lamang ang pamilya ni Rosa Tambobong sa pamilyang Pilipino ginagambala ng mga ito.“Kahit ganon, nagagawa ko pa rin ngumiti kasi buo
ang pamilya namin.” Isang panutay na ang diwa ng mga Pilipino ay hindi matitibag basta-basta ng isang sakuna.
Sa kabila ng mga ngiti mayroong masaklap na katotohanan ang hindi maitatago. Ang salitang ‘resiliency’ ay isang salitang madalas kasama sa kulturang Pilipino. Ngunit sa pagdaan ng taon, unti-unting nabubura ang kahulugan nito.
Batay kay Rosa, walang patutunguhan ang pagiging resilent ng mga Pilipino kung hindi tuluyang aaksyon ang gobyerno.
Kung ito’y magpapatuloy, hindi sila makaaahon mula sa laylayan. Sa halip, patuloy lang bibigat ang tanikala ng kahirapan.
Ang bawat ngiti, tawa, at halakhak ay may katumbas na kalungkutan at hinagpis. Nawa’y ang kamay na nakatakip sa mga matang nanlilimos ng tulong ay tuluyang matanggal. Hindi lamang ang mga ngiti ang ipakikita natin sa madla, kundi pati na rin ang matang pumapalahaw, na siyang naging saksi sa hagupit ng kapaligiran.
Pihit ng nagkukulayang damit, laylayan ay sumasayad sa bawat pag-indak at pagpitik. Masigabong palakpakan sa pagtugtog ng huling nota, habang mababang yumuyuko ang bawat tagapagtanghal.
Isa ang Bicol Regional Science High School sa mga paaralang kalahok sa kaganapang ito. Sa pangangatawan ng Dance Theater (DT), isang organisasyon ng mga mag-aaral na talentado sa larangan ng pananayaw, ang BRSHS ay naging Hall of Famer sa loob ng tatlong taon. Sa gabi ng
ika-16 ng Disyembre, 2022, ang mga miyembro ng naturang organisasyon ang nangingibabaw sa mga lansangan sa harap ng SM City, Legazpi kasama ang mahuhusay na musikerong mula sa parehong paaralan.
Si Zhannine Miraballes, isa sa mga magaaral na nagtapos sa BRSHS, at miyembro ng DT, ay muling nabigyan ng pagkakata ong magtanghal para sa paaralan. Tinanggap niya umano ang oportunidad na iyon, sapagkat nais niyang maranasang muli ang indak ng nakaraan at makasayaw ang dating mga kasamahan niya sa DT.
“I was reminded how we all used to brainstorm for routines and choreo.
‘Di na rin mawawala yung chikahan during break time in between practices plus the overnight rehearsals,” sambit niyang nagpapalagay na hindi lamang karangalan at mga palakpak ng papuri ang natatamo ng mga lumalahok sa mga kaganapang tulad ng Pastores, kundi pati na rin ang karanasan, pagkatuto, at pagkakaibigan.
Sa pagsasadula ng pagsilang kay Hesus sa pamamagitan ng Pastores, nagbigay buhay ito sa mga tagapag tanghal na hindi lamang hasa sa pagsusunog ng kilay, kundi pati na rin sa pagpapaliyab ng kanil ang mga puso sa anuman nilang ginagawa.
Ingay ng madla sa kabila ng kaba, takot, at pananabik na kanilang nadarama sa pagsisimula ng programa. “Ito na, pagkatapos ng halos tatlong taon. Mangyayari na ulit ang YSTEC.”
Naging malaking hadlang ang pandemya sa iilang mga karanasan natin sa nakaraan. Marami na ang nagbago, mga araw na hinding-hindi na maibabalik, mga dating kinagawian, mga ala-ala, at ang ilang mga tradisyon na kinasanayan.
Ang ilan sa mga aktibidades ng Bicol Regional Science High School ay inaakma sa sitwasyon simula noong nagkaroon ng pandemya. Marami nang dumaan na mga serye ng mga pangyayari ngayong taong panuruan. Ngunit, ang isa sa mga inaasam ng mga Brisayano ay ang “Youth for Science Technology and Environment Camp 2023” o mas tinatawag na “YSTEC” na ginanap noong Abril 17-20.
Naging isang malaking hamon sa mga guro at Technical Working Group (TWG) ng YSTEC ang pagtupad sa mga ekspektasyon ng mga estudyante. Buwis buhay ang mga sakripisyo na kanilang dinanas upang makamtan ng lahat ang matagumpay na resulta ng programa. Ang kanilang dugo’t pawis ay kinukubli lamang ng kanilang mga matatamis na ngiti. Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, pinili parin nilang tamasahin ang karanasang ito.
Ilan sa mga estudyante ay hinamon rin ng epekto ng pandemya. Nahirapan silang makipag-batid sa kanilang kapwa estudyante, ngunit nakapag agpang naman sila kaagad pagkatapos ng Congregation o pagtitipon.
“Sa pangkalahatan, maganda yung karanasan ko ngayong YSTEC. May mga nakilala akong bagong tao at nagkaroon ako ng mga bagong ala-ala. Lalo na nang nanalo ang feeder namin, dumagdag pa ‘yun sa experience” sambit ng estudyante mula sa 10-Newton na si Ashton Lorenz Pacis o mas kilala sa palayaw na “Enzo”.
Lumipas man ang oras, araw, o kahit taon ay naging matagumpay pa rin ang munting pasinaya ng kaganapan sa likod ng nakaraang nakasisindak na pandemya. Ang taunang YSTEC ng institusyong ito ay magpapatuloy bilang pamanang nakapagbibigay ng saya at aral sa lumalaking komunidad ng brisay.
Tropang mag-aaral at kumpol-kumpol na empleyado mula sa iba’t-ibang edipisyo ang mapapansin na naglalakad sa malawak na kalsada ng Ligao City, lahat naghahangad na matikman ang kanilang inaasam na pagkain na nakahilera sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.
Kapansin-pansing dumarami na ang iba’t-ibang supply ng pagkain sa lungsod ng Ligao. Kung ikukumpara ito sa mga nagdaang taon, marami na ang nadagdag para narin sa kagustuhan ng mga tao. Sapat na nga ba ito para tawaging “Food Capital” ng Albay?
Madalas ngang sinasabi na ang Ligao ay sikat sa kaniyang likas na yamang lupa tulad ng mga kuweba, burol, lawa, at mga baybayin sa nayon. Ano naman kaya ang pananaw ng mga taong-bayan sa pagkain dito?
Sa kahit saan mang sulok ng Ligao ay malalanghap mo na agad ang ilan sa mga pagkaing matatagpuan dito. Pansin
ng lahat na dumadami na nga ang mga kainan dito.
Mula sa fast food chains at magagarang restaurants, hanggang sa mga simpleng karihan at tusok-tusok na fishball, kwek-kwek, at proben sa tabi-tabi, ang pansitan ni Perillo at ang barbeque-han ni Morada na patuloy paring tinatangkilik ng mga Ligaoeños.
Tropang mag-aaral at kumpol-kumpol na empleyado mula sa iba’t-ibang edipisyo ang mapapansin na naglalakad sa malawak na kalsada ng Ligao City, lahat naghahangad na matikman ang kanilang inaasam na pagkain na nakahilera sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.
Kapansin-pansing dumarami na ang iba’t-ibang supply ng pagkain sa lungsod ng Ligao. Kung ikukumpara ito sa mga nagdaang taon, marami na ang nadagdag para narin sa kagustuhan ng mga tao. Sapat na nga ba ito para tawaging “Food Capital” ng Albay?
Madalas ngang sinasabi na ang Ligao ay sikat sa kaniyang likas na yamang lupa tulad ng mga kuweba,
JAN KENDRA LLANERA Manunulatburol, lawa, at mga baybayin sa nayon. Ano naman kaya ang pananaw ng mga taong-bayan sa pagkain dito?
Ilan sa mga artikulo at pananaliksik tulad ng Food Standards and Quality Control mula 2012 ang nagpapakita ng batayan upang matawag ang isang lugar na “Food Capital”. Ayon dito, ang lugar ay isang Food Capital kapag ito’y sagana sa supply at may maunlad na turismo upang ang produksyon ng negosyo ay patuloy na napapanatili.
Sapat na ba ang pagkaing patok sa masa upang maging batayan? Maaaring oo sa pananaw ng iba. Ngunit, ayon sa batayan ng pagiging kwalipikado ng isang lugar para tawaging “Food Capital”, ang lungsod ng Ligao ay kailangan pa ng higit na pagsisikap para ito ay makamtan.
Magkagayon man, sa puso ng mga lokal nakaukit na ang karangalang ito. Sa paglipas ng panahon, ang mithiing maging “Food Capital” ay inaasahang makakamit rin ng mga Ligaoeños.
Gaya ng mga likhang sining na nakapinta sa bawat dyip, naitatak na rin sa makulay na kultura ng mga Pilipino ang imahe nito. Mula sa kahalagahan nito sa pang-araw-araw na transportasyon hanggang pagbibigay-buhay nito sa daang libong tsuper na nakakabit ang buhay sa sektor na ito.
Sa mahigit dalawang dekadang pakikipagsapalaran sa kalsada at pakikipagpatintero sa panganib, si Renato Tod, 45 taong gulang na tsuper ng Polangui, Albay ay nasanay na lamang sa mga pahayag na “hindi maitataas” ng pagiging drayber ang antas ng kanilang pamumuhay.
Malumbay niya mang sinabi, sumasapat lamang sa pang-araw-araw na gastusin at pag-aaral ng kaniyang mga anak na ang isa ay nasa kolehiyo na; ngunit may mga pagkakataong talagang kinakapos dahil sa matumal na pasok ng mga pasahero. Nakadepende pa sa lagay ng panahon kung sapat ba ang maiuuwing salapi sa kaniyang mag-anak.
Nagsimula ang dilema ng libu-libong tsuper at operator ng bansa nang magpatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program ang administrasyong Marcos na naglalayong tanggalan ng prangkisa ang mga PUVs lalong lalo na ang mga tradisyonal na dyip na may mahigit 15 taon na ang tanda. Subalit ang mithiin ng pamahalaan sa mas “ligtas, komportable, at eco-friendly” na modernong bersyon, sa kasalukuya’y nagiging pasakit at perwisyo na sa nakararami lalo sa sektor ng transportasyon. Humigit kumulang
2.6 milyong piso ang bawat yunit ng modern jeepney pero bago pa man nila maiuwi ang kita, magbabayad muna ng mga utang.
magbabayad muna ng mga utang. Walang kasiguraduhan, walang tiyak na kinabukasan.
Mula pa sa nakaraang admin istrasyong Duterte, isinusulong na ang pag-modernisa ng mga jeepneys. Taong 2016, nag-ump isang i-protesta ng iba’t-ibang transport groups sa opisina ng noo’y Department of Transportation and Communications (DOTC) ang isyung ito. Gustong nilang masiguro na tatanggapin pa rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang pag-rehistro sa mga lumang jeepney dahil sisimulan na dapat noong 2017 ang mandaro phaseout, saad ni Dating LTFRB chairperson Winston Ginez. Sa sumisidhing pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin at pangangailangan sa bansa, mas nagiging malinaw ang dagok na maihahatid nito sa mga tsuper at operator, hustong rason upang balikan at suriin ng pamahalaan ang programang modernisasyon ng mga jeepneys kasabay na rin ng paghahanap ng makatarungang solusyon dito na kung saan patuloy ang mga tsuper na makakapaghanapbuhay na walang dala-dalang pangamba sa kabila ng mga isyung nanghahamon sa kanilang trabaho.
“Mawawalan ng trabaho ‘yung karamihan, hindi lang ako, maraming magugutom na pamilya,” saad ni Richard Arganosa, isang tsuper mula sa Cabarian, Ligao City na labing-dalawang taon nang binabaybay ang
rutang Polangui-Legazpi. Ang patuloy na pagpapatupad ng mga batas na walang kaakibat na konkretong pagpaplano ay magreresulta sa patuloy na pagtaas ng bahagdan ng kahi
rapan sa bansa. Sa lansangan pilit ipina
glalaban ng mga mamamayan ang buhay na kanilang iginagapang paalis sa bingit ng laylayan. Sa panahong namumutawi ang kahirapan, makataong solusyon ang kailangan, hindi kamangmangan.
Makulimlim na kalangitan, malakas na bugso ng ulan, at matinding hagupit ng hangin, kailangan pa bang pumasok sa paaralan o manatili na lamang sa mga kabahayan?
Pagmulat ng ating mga mata sa tuwing tayo’y gumigising sa isang maulan na umaga, ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang salitang “suspensyon.” Dali-dali nating kukunin ang ating mga cellphone upang mag-abang kung mayroon na bang memorandum ang gobernador patungkol sa
Samu’t-saring bibig ang sumisikap na pigilin ang pagpipita kong makapasok sa premyadong Unibersidad ng Pilipinas sa hindi ko mawaring dahilan.
Tradisyon na kung maituturing sa Brisay ang pag-abang ng bawat estudyante sa resulta ng University of the Philippines College Application Test (UPCAT) taon-taon. Hindi maikukubli ang saya sa mga abot taingang ngiti at mga sigaw na nanggagaling sa pagkawagi.
Ngunit ang mga ngiti at sigaw na ito sa mga pasilyo ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) ay naglaho pagdating ng pandemya na talagang sinubok ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng BRSHS sa bawat estudyanteng itinuturing ito bilang kanlungan sa pagbibigay ng mapagbagong edukasyon.
pagsuspinde ng klase. Isa ring palaisipan sa atin kung tayo ba ay maliligo sapagkat napakalamig ng tubig at masasayang lamang ang uniporme kung magsususpinde lang naman. Dagdag pa rito ay magtatanong-tanong pa sa mga kaibigan kung sila ba’y papasok o hindi na, sapagkat sa kanila nakasalalay ang ating desisyon.
Ganito na lamang ang eksena ng bawat mag-aaral sa tuwing masama ang panahon habang nag-aantay ng suspensyon. Ang tila’t mga na-
Marso ngayong taon, inanunsyo ng University of the Philippines (UP) Office of Admissions ang pagbabalik ng UPCAT para sa mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo sa TP 2024-2025. Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas mula noong isinagawa ang huling UPCAT noong 2020.
Ngayon higit kailanman, nakapatong sa balikat ng mga nasa ika-labing-isang baitang ang pag-asang maging mapagbagong indibidwal. Lalong lalo na hindi rin maikakaila ang naging epekto ng pandemya sa edukasyon noong sumailalim ang sektor ng edukasyon sa distance o modular learning.
Hinuhukay ng kuryusidad ang misteryo ng palaisipang tigang sa pagsuri ng katotohanan na syang nakahimlay sa iisang lupang ginuhit ng panahon. Pilit pinapaigting ang sarili sa kagustuhang matanaw ang hinaharap na bunsod ng adhikaing siya ay masilayan ng bagong balat ng salinlahi.
Sa lupang nagsilang ng kabihasnan nagkukubli ang kwento ng nakaraan na tila ba nanlalamig sa latak ng paglalakbay. Iniluwal ang pagkakakilanlang ilang pulgada ang lalim sa lupa na hanggang ngayon ay itinitiyak ang pagbandera ng pangalang Ligao.
Samo’t saring haka-haka ang nahuhulma ukol sa pinanggalingan ng Ligao City na tila sinasampal ang katotohanan upang maudyok na bumulwak sa pinagtataguan.
Sabi-sabi ng iba na ang pangalang Ligao ay nagmula sa kamalian ng mga Espanyol sa pagtawag ng isang punong ‘ticaw’ na syang nasambit ng dila bilang Ligao.
Dagdag pa, ang paniniwala ng karamhang Ligaoeño na ang orihinal na pangalan ng kanilang syudad ay ‘licau’ na ibig sabihing lumiko sa karaniwang ruta. Isa rin sa mga hinuha ng mga tao na ang Ligao ay nagmula sa punong-kahoy na ‘ticau’ na sagana sa nakalalasong dahong naging solusyon sa hanap-buhay ng mga mangingisda.
Kaugnay nito, sa bawat hangganan ng isang nayon masisilayan ang palatandaang sinubok na ng panahon. Isa na rito ang palatandaang makikita sa dulo ng Ligao at ng karatig bayan na Oas na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa kanyang sariling pundasyon mula noong
mga nakakatuwang mga pangyayari dulot ng naantalang suspensyon ay may dulot ring banta sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mag-aaral sa tuwing sila’y papasok at uuwi sa kani-kanilang mga bahay. Hirap na makahanap ng masasakyan, doble-dobleng pamasahe, at panganib na dulot sa kanilang kaligtasan ang karaniwang hinaing ng mga estudyante at ng kanilang mga magulang.
Isa sa mga hamong kinakaharap ng mga estudyante araw-araw ay ang transportasyon. Sa pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante sa paaralan, isang dagok para sa kanila ang paghahanap ng masasakyan kapag maulan, partikular na ang mga komyuter. Ayon kay John Galo Pableo, mag-aaral sa ika-sampung baitang na nakatira sa Guinobatan, “Bagaman sa kabilang bayan lamang ako nakatira, perwisyo ang dulot sa akin ng delayed suspension bilang mag-aaral ng BRSHS. Mahirap para sa akin bilang isang estudyanteng komyuter ang pagsasakay ng jeep kapag masama ang panahon. Mula sa aking mga karanasan, kaunti ang mga nagpapasadang jeep tuwing tag-ulan. Napapatagal nito ang aking pag-antay sa pag-aabang.”
Isa pang hamon sa mga mag-aaral ay ang mga nagagastos tuwing panahon ng tag-ulan. Sa panahon naman ngayon kung saan napakataas ng inflation rate sa
sa bansa, ang pagbabadyet ang prayoridad ng bawat pamilya. “Sa halagang 40piso, ang aking nagagastos na pamasahe sa bawat araw, makabibili na ito ng isang order ng ulam sa karinderya, o kaya naman ay pang-meryenda na ng buong pamilya. Maliban sa mga pangangailangan, alam nating lahat na magastos ang pag-aaral at mga proyekto dito, sasabay pa ba ang pamasaheng wala namang paroroonan, kundi pagkasayang dulot ng delayed suspension,” paliwanag ni Pableo.
Madulas na kalsada, malakas na ihip ng hangin, at ulang kasing bigat ng mga barya. Iyan ang kinakaharap ng bawat mag-aaral sa tuwing hindi kaagad nasususpinde ang klase. Gamit ang mga sandatang payong at bota, kanila itong susuungin kahit na magkasakit, makapasok lamang. Edukasyon ay talaga namang susi sa kaunlaran. Kung kaya’t umuwi man nang basa ang uniporme’t sapatos, hindi magpapatinag para sa pangarap. Ngunit aanhin ang edukasyon kung ang buhay na ng estudyante ay mapapahamak? Kanilang panawagan, boses nila’y mapakinggan. Sistemang bulok ay baguhin at palitan. Suspensyon ay gisingin, sa natutulog nitong himlayan!
Nakaangkla sa takbo ng utak ng iilang indibidwal ang mga negatibong konotasyon tungkol sa sintang paaralan na kadalasan ay sinisira umano ang kaayusan sa lansangan ng mga estudyante ng unibersidad na malimit na nakikita at nababalita na dalang mga plakard, sigaw na hinugot sa kanilang paninindigan, at effigies na sinusunog na para sa iba ay ingay lamang kung maituturing. Pero ang mga ito ay tanda ng demokrasya na minsan ay nakababasag ng mga pangarap ng mga kabataan tungo sa kalidad na edukasyon na mayroon sa unibersidad.
Hindi nalalayo sa ganitong ekse na ang naranasan ko sa bawat pagka
sa hapag kainan. Marahil iniisip nila ang kapakanan at kaligtasan ko kung ano pa mang rason iyon.
Anuman ang konotasyong ibato nila sa UP, mananatili itong isang ginintuang tarangkahan para sa mga Brisayano na nagnanais makamtan ang uri ng sistemang pang-edukasyong na umiiral sa pamantasan.
Hindi mga salita na nagpapahina ng loob ang makakapag-apula sa masidhing pagnanais na makapasok sa UP. Patuloy pa rin ang aking pagkumpay kasama ang kapwa ko Brisayano tungo sa minimithing pangarap.
panahon pa ng mga kastila, taong 1846. Sa mga haka-hakang ito umu unlad ang kabihasnang patuloy tumit ingala sa hinaharap ngunit tinitiyak na marunong paring dumuko sa nakaraan. Sa gantong kaisipan ay nakibabahagi ang paghihirap sa pagsulong ng tagump ay na siyang nagpapalawak ng balinta taw ng bawat indibidwal. Sa pagtuklas ng mga talinha gang pilit binabalot ang katotohanan ay yumayaman ang papel ng nakaraan na patuloy nagpapagting ng pinangh ahawakang lihim ng kasaysayan. Sa pagtangis ng mga ulap at pagalimpuyo ng araw, ang tugon na sinimulan ng na kalipas ay tigang na aagapay sa mga alinlangan ng tinitingalang bukas.
Mapapalitan na ba ako? tanong ng isang mamamahayag.
Duklay sa laylayan na mapanudyo, ang kinabukasan ng pamamahayag o peryodismo ay pawang roletang walang katapusang pinapaikot. Sa daming agam-agam at katanungan, ngayon na umuusbong na ang kapanahunang digital at siguradong patuloy na lumiliit ang legasiya ng tradisyunal na peryodismo.
Sa kasalukuyang panahon, hindi na nakakagulat na pakinggan ang mga balita na nagsasabi tungkol sa pagkakaroon ng mga artificial intel- ligence o AI na papalit sa tra- baho ng mga tao.
Ayon sa ulat ni Ben Goertzel, isang US-Brazilian na mananaliksik, may potensyal na palitan ang halos 80 na bahagdan ng mga trabaho ng tao sa mga darating na taon. Tumalima sa pangamba ang pag-usbong ng mga AI katulad ng Chat GPT na inilunsad noong ika-30 ng Nobyembre. Ito ay nauuso dahil sa kakayanan nitong gumawa ng kahit anong uri ng sulatin sa iba’t-ibang lenggwahe.
Maaaring magdulot ng maraming pagbabago sa industriya ng peryodismo ang pag-usbong ng AI. Tunay na maaaring magdulot ito ng mabilis at mas maaasahang pagbibigay ng mga impormasyon sa publiko. Ngunit sa kabilang bansang tulad ng Pilipinas na kung saan ang pagbibigay ng balita ay isa sa mga pinaka-importante at pinaka makabuluhang trabaho, hindi tayo nakakasiguro na ang AI ay magbibigay
ng tamang impormasyon sa publiko. Maaari pa itong magdulot ng misinformation o magdala ng maling impormasyon. Dahil dito, maaari itong magdulot ng kalituhan sa mga tao.
Ating ilagay sa isipan na napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Nabubuhay ang mga mamamahayag dahil sila ay mayroong pinaglalaban at patuloy na mananalig hangga’t may karapat-dapat na ipaglaban. Kung ikukumpara sa AI, ang AI ay walang kakayahang manindigan at mangatwiran. Hindi kailanman mapapantayan at mapapalitan ng AI ang mga magigiting na manunulat.
Ipaglalaban mo pa bang maibalik ang lapis na biglang inagaw sa pihitan ng iyong sariling kandili?
Isa sa mga kinawiwilihang dyanra ng pelikula ay ang patungkol sa kalamidad. Mahilig tayo manood ng patungkol sa lindol, bagyo, katapusan ng mundo at iba pa. Sa mga palabas na ito, nagkakaroon tayo ng kaalaman kung ano ang dapat at hindi dapat gawin kapag may kalamidad. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin maiiwasan ang pagsagap ng maling impormasyon, kaya’t marami pa rin ang hindi alam ang dapat gawin o natataranta sa oras ng sakuna.
Hindi lahat ng ipinapakita sa telebisyon ay makatotohanan. Halimbawa na lamang ang pagtakbo tuwing lumilindol, na isa sa pagkakamali na ginagawa ng mga tao na tulad sa palabas na San Andreas na inilabas noong 2015. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na mapahamak tayo at magdulot pa ng disgrasya.
Mahalaga na sinusuri natin ang bawat detalye o impormasyon na nalalaman natin sa ating mga pinapa-
nood. Upang maiwasan ang maling mga konspeto, una, magsagawa ng pananaliksik upang masiguro na tama ang mga detalye sa palabas. Ikalawa, ang panonood din ng balita o segment na patungkol sa kalamidad ay makatutulong upang mas mabigyan kalinawan ang tanong sa isipan.
Maaaring kumonsulta o magtanong sa mga ahensiya na may kinalaman sa kalamidad tulad ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Obligasyon nilang magbigay paalala at impormasyon sa mga kalamidad na maaari nating maranasan.
Tandaan na sa atin pa rin nakasalalay kung paano natin uunawain ang mga impormasyong nakakalap natin sa kahit na anong palabas o pelikula sa telebisyon. Tayo ay maging responsable sa panood. Sapagkat kapag tumatak sa ating isipan ang mga maling detalye, maaaring magdulot ito ng kapahamakan at kalituhan. Nawa’y isaisip rin natin na manaliksik muna ukol sa mga pinapanood dahil sabi nga nila, ligtas ang may alam.
Tila ang mga nangyayari sa kasalukuyan ay isang kabalintunaan na hindi mo aakalain. Dahil sa pag-iral ng mga simpleng paradoxa, nakwkwestyon naten ang mga katotohanan na napatunayan noon pa. Nasanay tayo sa konsenso na magsuspende lamang ng klase kapag malakas ang bugso ng ulan. Ngunit nakakalaglag panga ang pangyayari na kung kelan maliwanag at tuyo saka magsususpende ng klase. Ang kakaibhan na ito, ay sapat na rason para tumindig ang iyong mga balahibo sa takot.
Inideklara ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd noong ika-20 ng Abril 2023 ang pagsuspende ng face-to-face classes dahil sa mataas ng heat index. Isa sa pinakamatinding hamon ang ikinakaharap ng mundo ay ang matagal na nating kaaway, ang climate change. Ang pagtaas ng heat index ay isang patunay na matagal na tayo naging bulag-bulagan sa maaring pangamba nito. Kasabay ng patuloy na face-to-face classes, nilabas ng DepEd and DepEd Order No. 37 Series of 2022 na naglalaman ng patakaran para sa pagkansela ng mga klase sa paaralan at trabaho sa oras ng mga natural na sakuna at iba pang kalamidad. Binigyan na ng DepEd ang mga
school heads ng kapangyarihan na magdeklara kung ano ang ikinabubuting gawin nila para sa paaralan. Ngunit, ang payo ng DepEd ay pansamantalang magkaroon ng modular o online class.
Hindi maitatanggi ang grabeng init ng panahon sa ating bansa na dulot ng climate change. Mahirap sa parte, lalo na ng mga estudyante ang maka-pokus sa aralin na sobra sobra ang init na nararamdaman. Maaari silang makaranas ng heatstroke, kondisyon na kung saan ang katawan ay nag-over heat at dehydration, kawalan ng sapat na tubig sa katawan. Kaya, mainam na pansamantala silang nasa bahay upang maiwasan ang mga kondisyong ito.
Subalit, may mga estudyante na tutol sa online o modular classes. Ayon sakanila, sila’y nag-aalala na hindi nila lubusang maiintindihan ang aralin kung sila’y nasa modular classes. Ani nila na mas marami ang kanilang natutunan kung sila ay nasa faceto-face classes pa din.
Ayon sa pag-aaral, maraming estudyante ang nahihirapang matuto habang home-based learning. Maraming hadlang at pagsubok ang kinakaharap ng mga estudyante tulad ng kawalan ng kuryente, signal at gadyet. Kaya, may mga
Tila nakarehas ang ekonomiya na para bang walang pag-usbong na nagaganap. Sinong mag-aakala na isang halaman ang susi sa suliraning ito?
Labis na kaginhawaan ang dala ng nipa o Nypa fruticans sa kalusugan, paggawa ng mga produkto at iba pa. Lingid sa kaalaman ng lahat, maaari itong maging alternatibo sa LPG.
Dulot ng pagtaas ng presyo ng LPG (Liquefied Petroleum Gas), isang pilipinong dalub-agham o scientist na si Dr. Fiorello Abenes ay nakaisip at nakagawa ng isang alternatibo sa LPG na tinatawag na “Nipahol” noong Disyembre 2022.
Nipahol ay galing sa
dalawang salita na “nipa” at “ethanol”.
Ito ay mula sa nipa sap na ginamitan ng prosesong “reflux distillation”, na kung saan, 95 porsyento ng hydrous ethanol mula sa sap ang na-”extract”.
Dirty cooking rin ay isa sa mga problema sa rural na lugar sa ating bansa, ayon kay Abenes. Dagdag niya na ang paggamit ng panggatong o uling ay hindi maganda sa kalikasan.
Napakaraming epekto ng paggamit ng Nipahol bilang alternatibong LPG saatin. Hindi lang sa tao, pati na rin sa kalikasan.
Una na rito ang pagiging magaan sa bulsa. Isa sa rason kung bakit inilunsad ang nipahol ay para makahanap ng alternatibo
sa LPG na kung saan mas makakamura ang mga mamamayan.
Sunod naman dito ay mas nakakatulong ito sa kalikasan o tinatawag nating “eco-friendly”.
Ani ni Abenes na ang paggamit ng ethanol bilang panggatong sa pagluto ay mas malinis kaysa sa LPG.
Ayon sa pag-aaral, sinasabi na pondo ang kailangan upang gawing pressurized gas ang nipahol at gawing komersyal ito kalaunan tulad ng LPG. Pero sa kasalukuyan, si Abenes ay umaasa at naghihintay ng “green light” o pagsang ayon ng Department of Energy na subukin ang nipahol bilang renewable fuel.
Naging ‘highlight’ sa mga
Brisayano ang YSTEC
(Youth for Science Technology & Environment Camp)
2023 sa Bicol Regional Science
High School noong ika-17 hanggang ika-20 ng Abril 2023.
Naging matagumpay ang YSTEC na may temang “Nuclear Science and Technology Education: Leveraging Learn-
YSTEC 2023
ers and Amplifying Research”. Nagkaroon ng mga workshops na kinagiliwan ng mga Brisayano na nagpatibay sa kanilang kaalaman tungkol sa nuclear science o mundo mg atomo.
Atomo ay kilala rin bilang pinakamaliit na elemento ng ordinaryong bagay na may mga katangian ng isang kemikal na elemento na bumubuo sa atin at sa
lahat ng bagay na nasa paligid. Ayon sa ilang brisayano, tunay na kapanapanabik ang mga naganap na workshops sapagkat tinuruan sila ng konsepto ng nuclear science, pagkakaiba ng proton na positively charged, electron na negatively charged, at neutron na walang charge.
NSTF 2023
Patuloy na lumalago ang sektor ng akrikultura, pati na rin ang mga paraan na ginagamit dito. Kasabay nito, ang teknolohiya ay isang makabagong paraan na ginagamit sa anumang bagay, at isa na rito ang sector ng agrikultura sa nanginginabang dito.
Malaki ang papel ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa at nakapagbibigay din sa mga mamamayan ng trabaho na kanilang pagkakakitaan.
Ayon sa Agriculture Indicator System (ASIS)
Nasa 22.9% ang may trabahong may kaugnayan sa agrikultura
Umaabot sa Php 345.77 bilyon o 7.3% ang kabuoang agricultural export
Dahil dito, ang ating pamahalaan ay umaangkop sa makabagong paraan na maaaring gamitin, at ito ang paggamit ng mga robot na mas makakapauusbong sa lagay ng ating agrikultura. Ayon sa Manila Bulletin Agriculture, iprinisenta ni Asst. Prof. Anthony James C. Bautista, ang kaniyang proyekto na “Agrotis: The Global Positioning System (GPS) – Guided Hand Tractor Robot for Rice Farming Applications” sa isinagawang webinar ng Smart Farming Technology Research Center (SFTRC) ng Universiti Putra Malaysia (UPM).
Bitbit ng Bicol Regional Science High School ang
pananaliksik sa isang aparato sa NSTF (National Science and Technology Fair) noong ikalawa hanggang ika-lima ng Agosto 2022.
Binubuo ang grupo nina
Sophia Ann Ruivivar, Kyla Gail Hernandez at Trisha Mae Bacho sa ilalim ng gabay nina Dianne Requiza, Danice Joy Pagdagdagan at Cherryl Lita.
Upang solusyonan ang pagguho ng lupa, nakaisip nila ang ACDA (Arduino-based Computational Data Analyzer) na makakatukoy kung ang mga parameter ay nagpapakita ng pagkamaramdamin sa pagguho ng lupa.
Dahil dito, mas madali
matutukoy kung ang isang lugar
ay masasabing isang “landslide prone area”.
Ayon ng team, “Hindi naging madali ang paggawa ng proposal dahil ginawa lang namin ito through online platforms. Although may mga consultation naman online with our visers to monitor our progress, may instances na nahirapan mag communicate due to connectivity issues. It was also the first time na naka encounter kami ng research about computational sciences kaya marami rin
kaming ginawang adjustments.” Dagdag ng coach na si Dianne Requiza, “Ang pagsali sa patimpalak na ito ay hindi biro. Time management at determination to finish all the task on the schedule ang namamayani sa
Ito ay pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Philippine Council for Agriculture, Fisheries and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) sa 2020. Mayroon itong tatlong pangunahing katangian. Una sa lahat, mayroon itong safety system o emergency stop function. Pangalawa, pinapayagan nito ang manu-manong kontrol ng robot sa pamamagitan ng signal ng radyo. At sa wakas, sa gabay ng autonomous navigation system, maaari nitong pamahalaan ang mga paggalaw sa buong sakahan.
Sa kabilang banda, kasalukuyang gumagawa ang Advanced Science and Technology Institute (ASTI) ng robot na makakadiskubre ng sakitng isang tanim. Ito ay ang Robot for Optimized and Autonomous Mission-Enhanced Responses (ROAMER) na naglalayong pataasin ang ani ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga tanim na may sakit, sa tulog ng AI-based na mga pamamaraan sa computer vision, sensing, at navigation, batay ito sa ASTI Director Franz de Leon.
Sa huli, ang mga makabagong teknolohiya ay patuloy na lumalago at hindi ibig sabihin na papalitan nito ang ating mga magsasaka. Bagkus, ang pinaka layunin lamang nito ay mapadali ang kanilang trabaho. Tila ang teknolohiya ay isang mabisang paraan na magbibigay ng pag-asa sa mga magsasaka na lalong umangat ang sektor ng agrikultura.
Marianne Rastrullo Manunulat Charlyn Angel Garcia Manunulat Marianne Rastrullo Manunulat Althea Dineros Patnugot sa Agham at Teknolohiya PATULOY NA UMAARANGKADAAyon sa United Nations International Children’s Emergency Fund, sa kada araw, siyamnapu’t limang mga bata ang namamatay, dalawampu’t pito mula isang libong bata ang hindi na uma abot ng limang taon, at isang- katlo mula sa populasyon ng mga bata mula sa ban sa ang kinulang sa tangkad at bunga ang lahat ng ito ng malnutrisyon.
Tumutukoy ito sa kakulangan ng nutri syon bunga ng hindi sapat na pagkain,mababang pagkatunaw o labis na pagkawala ng sustansya.
Ibinahagi ni Maria Elena Iglesia, Nutrition Officer III ng siyudad ng Ligao, ang porsiyento at bilang ng mga batang nakararanas ng malnutrisyon noong nakaraang taong 2022.
Sa unang katego ryang underweight o kulang sa tim bang, 3.28% ang underweight at 0.84% ang severely underweight. Pangalawang kategoryang wasting naman o pagkakaroon ng mababang timbang kumpara sa tangkad, 0.52% ang wasted at 0.18% ang severely wasted. Sa ikahuling kategoryang stunting o pagkakulang sa tangkad, 1.57% ang matangkad, 90.73% ang normal, 5.79 % ang stunted at 1.91% ang severely stunted.
Marami ang mga madalas na nagiging dahilan ng malnutrisyon sa siyudad at iisa na rito ang hindi sapat na
pagkain na nagdudulot ng kawalan ng gana, pagkakaroon ng komplikasyon na kakulangan sa sustansya ang hatid, pagpapababa ng timbang sa hindi tamang paraan, hindi sapat ang nutrisyong nakakalap at ang pagbabaMayroong ilang mga solusyong maaaring gawin upang mapabuti ang kalusugan at maiwasan ang malnutrisyon. Una, pagpapalawak ng edukasyon pagdating sa nutrisyon.
Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng edukasyon sa nutrisyon sa mga paaralan, komunidad, at sa pamamagitan ng media, mas malawak na maipapahayag kahalagahan ng wastong nutrisyon. Pangalawa, ang pagpapalawak ng mga proyektong pangkabuhayan katulad ng pagtatanim ng gulay, pagpapalaki ng mga hayop at pagpapatakbo ng negosyo, sa mga mamamayan upang magkaroon ng pagkukunang gagamitin upang matugunan ang pangangailangan sa araw- araw at upang malabanan na rin ang malnutrisyon. At ang huli, ang simpleng pagkakaroon ng maayos at malinis na palikuran, malalabanan ang banta ng malnutrisyon.
Mapupuksa ang suliraning ikinakaharap laban sa malnutrisyon kung bibigyang kahalagahan ang mga kilos na maaaring gawin upang mawaksi ito sa bawat panig ng bansa, pati na rin ng mundo. Tandaan na ang ang pag-iwas ay mas mabuti kaysa pagalingin.
Tamang impormasyon ba yan?” Tamang impormasyon ba yan? Paano ka nakakasiguradong tama ang balitang nakalap mo? Saan mo nakalap yan?
Iyan ang tanong na sinasambit upang unawain kung totoo at mapagkakatiwalaan ba ang impormasyong nakakalap mula man sa kausap sa personal o “online”. Ngayon mas lumawak na ang sakop ng teknolohiya, pati na rin ng social media, naging mas mabilis ang pagkalat ng impormasyong hindi makatotohanan, na maraming tao ang napapaniwala. Ito ay tinatawag na “misinformation”.
Siyam mula sa sampung mamamayan ng Pilipinas o 86 porsiyentong tao mula sa bansa ang nakapagsasabing nagiging seryosong problema ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon, ayon sa ulat ng Pulse Asia mula sa survey noong Setyembre taong 2022.
Tinatawag na “misinformation” ang mga maling impormasyon o hindi tamang datos na naipagkakalat sa isang tao, maging sa buong publiko. Maaaring nagmumula ito sa mga maling interpretasyon ng mga datos o sa pagpapakalat ng impormasyong walang basehang paniniwala at ideya.
Isa sa mga pangunahing pinag-uugatan ng misinformation ang kakulangan ng kaalaman pagdating sa pag-unawa kung nabibilang ba ang isang impormasyon sa mapagkakatiwalaan at tama o mali at “fake news”. Bukod pa rito, maaari ding maging biktima ang mga tao ng mga maling impormasyon dahil sa mga bias sa media o paggamit
ng “propaganda” at maging ang disinformation.
Hindi maikakaila na maraming maaaring maidulot ng pagpapakalat ng maling impormasyon at isa ang pagpapakalat ng impormasyong pangkalusugan sa labis na nakaaapekto ng marami.
Sa isang seryosong pananaw, labis na nakaaapekto ito sa pisikal at pang-isipang kalusugan ng ninuman lalo kung taliwas pala sa katotohanan ang nakalap na impormasyon.
Nang dahil sa misinformation, mahalagang magkaroon ng sapat na edukasyon sa media literacy at critical thinking upang maprotektahan ang sarili mula sa mga maling impormasyon at mapanatili ang tamang impormasyon at nang hindi pa makapagkalat ng hindi naaayong ideya at datos. Lagi nang may negatibong bahagi ang mga bagay-bagay katulad ng “social media” at sa pagpapakalat ng impormasyon ngunit upang maiwasang maapektuhan ng negatibong dakong ito, unawain kung tama at mapagkakatiwalaan ba ang pinagkukunan ng impormasyon. Saliksikin at huwag mag-aatubiling magtanong ng “Trusted ba ang ‘yong source? “.
Kalusugan ang yamang hindi matutumbasan ng kahit sino at ano pa man. Ngayong panahon, ginagawa ng marami ang iba’t ibang paraan upang lalong malagay sa mabuti ang kalusugan kaya pa’t mas pinapanigan din ang mga natural o “herbal” na kasangkapan bilang solusyon at gamot na nagdudulot ng lunas sa iba’t ibang karamdaman. Isa na ang dahon ng kawayan sa pinaniniwalaang may potensyal sa paggamot at pagpapabuti ng kalusugan.
Marami ang benepisyong hatid ng dahon ng kawayan mapa-tao man o sa kalikasan. Sa katunayan nga, hindi mabibilang sa kamay ang dala nitong benepisyo.
Ibinahagi ng United
States Department of Energy’s Office of Science na mayaman sa antioxidants ang katas ng isang dahon ng kawayan at karagdagan pa roon, marami pang benepisyo ang hatid ng dahon nito katulad ng isang
“antibacterial agent”.
Sa pamamagitan ng pagkain ng dahong ito, naipapasok ang bitamina nitong hatid sa katawan. Katulad ng mga ginagawa ng mga mamamayang Asyano, maaaring kainin ang dahon ng kawayan katulad ng pagkain ng gulay ngunit kailangan munang unawain at alamin kung malinis ba ang kakaining dahon ng bamboo. Upang masigurong ligtas na kainin ang dahon, siguraduhing “non- GMO (genetically modified) bamboo” ang pinanggalingan nito.
Mabisang lunas din sa mga babaeng madalas magkaroon ng “irregular menstrual cycle” ang dahon ng kawayan at pati rin ang iba pang bahagi nito.
Para sa mga aktibo sa pisikal na gawain katulad ng pageehersisyo, mahal aga ang amino acids kaya naeengganyong kumain o uminom ang mga tao ng mga pagkain o inuming may katas ng dahon ng kawayan dahil sa protinang mayroon ito. Mayroon din itong fiber at carbohydrates kaya’t ginagawa itong pampalakas at pampasigla ng mga atleta at masasabing napatunayan nang mabisa ito.
Nang dahil sa nutrients na dala ng dahon ng kawayan, nalalabanan rin ang “free radicals” na nagdudulot ng maagang pagtanda, cancer cells at chronic diseas es. Sa simple ring pagpapalakas nito ng immune system ng isang tao, maaari nang malabanan ang maraming pangkaraniwang sakit.
Sino ang makapag-aakalang may mga benepisyo ring hatid sa kalusugang pantao ang tanim na nakapagligtas mula sa tuluyang pagkalipol ng mga hayop na
Charlyn Angel Garcia Manunulat Jhake Ortile ManunulatAng pag-aaral ay talagang masaya at kapana-panabik, lalo na sa high school. Hindi maikakaila na bilang isang magaaral, maraming takdang-aralin, proyekto, at mga presentasyon na dapat pamahalaan. Bilang karagdagan, kailangan mo ring harapin ang mga maikling deadline na maaaring humantong sa stress at pagpapaliban sa klase. Minsan ang ganitong uri ng stress ay maaaring bumuo at humantong sa pagka-burnout ng mga mag-aaral.
Sa madaling salita, ang burnout ng mga mag-aaral ay na nagreresulta mula sa stress na nauugnay sa paaralan. Ito ay maaraing magdulot ng kakulangan sa tulog, mahinang gawi sa pagkain at mahinang pamamahala ng oras. Ang ilang kilalang sintomas ng pagka-burnout ay maaaring kabilang ang anumang bagay na kinasasangkutan ng sikolohikal na kalagayan ng isang tao tulad ng pagkahapo, pagkamayamutin, depresyon , depersonalization at
iba pa. Karagdagan, maigat na gawaing pang-akademiko, pakikipagkumpitensya sa mga kapantay at pagtanggap ng mas mababang mga marka kaysa karaniwan ay ang mga pinakakaraniwang nag-trigger sa pisikal na kalusugan at mental health ng mga mag-aaral.
Maaaring makaapekto ang burnout sa mga biktima nito sa aspeto ng pisikal at mental na kalusugan kapag hindi pinamamahalaan, ang ganitong uri ng kaganapan ay maaaring makaapekto sa paraan ng pag-uugali ng isang tao, kundi sa ‘performance ng isang estudyante.
Ugaliing magpahinga at huminahon. Laging ipayo sa sarili na ika’y sapat na para sa mundong ito.
Iba’t ibang mga problema ang nararanasan ng mga tao. Dahil sa mga ito, nakararamdam ang isang tao ng pagiging overwhelm o sobra-sobrang pagdaloy ng kaniyang emosyon. Ang pagiging overwhelm, ayon kay Dr. Sabrina Romanoff, isang clinical psychologist at propesor sa Yeshiva University, ang pag-apaw ng mga kaisipan at damdamin na may kaugnayan sa isang problema na maaaring mahirap para sa kanilang pangasiwaan. Higit pa ito sa stress, na tila sobra-sobra, na sa iyong palagay ay hindi mo na ito makakayanan pang dalhin. Dagdag niya, lahat ng tao’y nakararanas nito. Ngunit, ang tuloy-tuloy na pagdanas ng ganitong pakiram
makapipinsala sa mental at pisikal na kalusugan ng tao. Kadalasang dahilan nito ay mga problema sa trabaho, pag-aaral, pamilya, kaibigan, at iba pa.
Batay ki Dr. Romanoff, mayroon ilang paraan narito upang maibsan ang pagka-overwhelm sa mga bagay-bagay. Una, magpahinga muna at gawin ang mga bagay na makatutulong sa upang kumalma.
Pangalawa, makabubuti kung mailalabas mo ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat sa dyornal. Pangatlo, paghingi ng tulong o payo sa kaibigan, pamilya, at kaklase.
Sa paraang ito, mas matutulungan kang mapagaan ang pakiramdam na iyong dinadala. At ang panghuli, kumonsulta sa therapist, dahil mas gamay nila ang dapat gawin.
Tandaan na nariyan lamang ang mga taong handang tumulong sa’yo kapag kailangan mo ng kaagapay. Isaisip rin natin ang mas makapagpapagaan at makabubuti ng ating kalooban.
Hindi pinalagpas at patuloy na umaarangkada ang Ligao Arnis Team matapos na sumabak kasama ang halos labing dalawang dibisyon mula sa iba’t-ibang lungsod ng Rehiyong Bicol sa isinagawang Modified Palarong Bicol 2023.
Sa muling pagbabalik ng pan rehiyong palaro, mga determi nadong atleta ang nagpakita ng kani-kanilang kakayahan sa samo’t saring larangan ng palakasan sa larong arnis o eskrima, pinangasiwaan ang palakasang ito noong Abril 24-25, 2023 sa Ligao West Central Elementary School (Poblacion), Ligao City.
Unang nagpakitang gilas ang mga manlalaro ng eskrima sa event na creative likha anyo at halos makahintong hininga naman ang bangis na ipinasilay ng mga atleta sa sumunod na event na tinatawag na combative padded stick. Ginanap ang arnis event sa ilalim ng mga kate goryang pang-indibidwal at synchronized team kabilang na rin ang pambabae at pan lalaki palaro sa parehong kategorya ng pang-elementarya at sekondarya.
“Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya to the point na kahit gaano na kami kapagod ay nagte-training pa rin kami kahit pa anong oras na sa gabi. Kaya naman eto ang kinalabasan ng aming pagsusumikap.” Batbat ni Justine Trixiane Quililan, isang atletang arnis mula sa Ligao City
Naglalagabgab na puwersa ang naging daan nila upang bigyang patunay ang kani-kanilang kakayahan sa iba’t-ibang kategorya ng arnis.
Sa pangunguna ng kanilang coach na sina Melinda Olivares, Elvie Garcia, Marie Kathleen Quililan, Raul
kanilang trainer na si Ardan Cenita, pati narin ang kanilang coordinator na si Arlene Cenita, na kung saan sila ang naging pangunahing suporta ng mga manlalarong arnis sa paglambat ng mga gintong medalya at maging pamamayagpag sa pampalakasang laro ng arnis sa panrehiyong palaro na ito.
Ang kanilang pag-ani ng 23 gintong medalya sa Modified Palarong Bicol ngayong taon ang naging sanhi ng pag-angat ng Ligao City sa partial standing ng medal count sa kaganapan ng regional meet.
Ang mga nanalo ay nakatakdang ikakatawan ang Ligao City sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023 sa lungsod ng Marikina. Inaasahan namang hindi magpapahuli ang Ligao City Arnis Team sa inaabangang Palarong Pambansa sa susunod na buwan.
PAGWASIWAS NG BATON.
Nagpakitang gilas ang Ligao Arnis Team matapos makamit ang 25 medalya sa Modified Palarong Bicol 2023 noong ika-24 hanggang ika-25 ng Abril kasalukuyang
taon sa Ligao West Central Elementary School (Poblacion), Ligao City.
Kauna-unahang Pinoy bodybuilder na lumahok sa Mr. Olympia
Kinikilala ang Pilipinas sa mga parangal na nakamit sa iba’t–ibang larangang pampalakasan. Kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, naitaas ang bandera ng Pilipinas sa larangan ng bodybuilding.
Hinirang si Joven Sagabain bilang first-ever homegrown Filipino matapos siyang kilalanin bilang kauna-unahang Pinoy na qualified para sa entablado ng Mr. Olympia 2022. Ang Mr. Olympia 2022 ay isang pandaigdigan at propesyonal na kompetisyon sa bodybuilding na pinangungunahan ng International Federation of Body Building and Fitness o IFBB na ginanap noong Disyembre 15-18, 2022, sa Planet Hollywood Las Vegas, sa Paradise, Nevada.
“Never-say-die, every single game,” ito ang muling isinabuhay na mantra ng koponan ng Barangay Ginebra San Miguel, kilala rin bilang Gin Kings, nang pinadagungdong nito sa hiyaw ang Philippine Arena sa Bulacan matapos masungkit ang inaasam-asam na pagkapanalo sa Philippine Basketball Association o PBA Commissioner’s Cup 2022 noong ika-15 ng Enero, 2023.
Sa unang laro pa lamang sa finals ay nagpakitang gilas na kaagad ang Ginebra Gin Kings nang magwagi ito sa iskor na 9681 laban sa Bay Area Dragons. Patikim lamang ito ng maalab na puwersa ng Gin Kings tungo sa pag-abot sa kampeonato.
Sinigurado naman ng Dragons na sa ikalawang laro ay kanilang makakamit ang panalo na nahulog sa iskor na 99-82, at pinatunayan na ang kanilang koponan ay may ibubuga pang apoy. Sa mga sumunod na pagtatapat naman ay nagpalitan ng panalo ang dalawang koponan hanggang sa umabot ito sa ika-pitong laro ng finals.
Nang dumating na ang huling
paghaharap, naging mahigpit ang gitgitan ng dalawa, ngunit simula pa lamang ng ika-pitong laro ay ginalingan na kaagad ng Gin
Kings sa kanilang pag-depensa na nagbigay sa kanila ng malalaking lamang sa bawat kwarter ng laro. Nang tumunog na ang huling buzzer hudyat ng pagtatapos ng laro, sigaw at hiway ng makasaysayang manonood at tagapag-suporta ang nangibabaw sa loob ng Philippine Arena. Pinatunayan nga ng Gin Kings na sila ang maghahari sa PBA season na ito matapos lumamang ng 15 puntos sa iskor na 114-99
laban sa Bay Area Dragons.
Maliban sa kanilang umaalab na puso tungo sa pagkapanalo at sa mga paraan upang pagbutihin nila ang kanilang paglalaro, halos lahat ng miyembro ng koponang Ginebra at ang kanilang coach ay pare-parehong tinatanaw ang kanilang mga tagapag suporta bilang napakalaking dahilan sa kanilang pagkapanalo. Ayon kay coach Tim at Thompson, ang enerhiyang dala raw ng kanilang mga tagapag-suporta ang nagpalakas sa kanila.
“As much as I would like to take the credit, I can’t. It’s really
the crowd; it’s the one that lifts all of us,” ayon kay coach Tim. Patunay lamang ito na sa isang paligsahan pang-isports, malaking bagay sa mga manglalaro ang suportang ibinibigay ng tao.
Dumadagdag ito sa husay na naipapamalas ng isang manlalaro sa kahit ano pa mang larangan ng isports, tulad ng PBA. Ang mga ganitong liga na dinadaluhan ng libo-libong manonood ang nagpapakita kung sa paanong paraang nakapagbibigay ng kagalakan, kasabikan, at libangan ang isports sa mga mamamayang Pilipino.
Matatandaan noong Oktubre 2022 na itinanghal si Sagabain bilang kampeon sa Muscle Contest Philippines Pro Show 2022. Dahil sa pagkapanalo sa qualifier event, iyon ang nagbigay daan upang lumipad sa Las Vegas para sa kanyang maiden appearance sa entablado ng Mr. Olympia 2022. Hindi biro ang pagtatamasa ng disiplinadong rehimen ng pagsasanay para sa hinahangad na tikas ng katawan. Sa larangan ng bodybuilding, kinakailangan ng matinding dedikasyon sa pang-araw-araw na pagsasanay at masidhing kontrol sa pagkain. Bukod sa husay na ipinamamalas sa bodybuilding, si Sagabain ay kilala rin bilang isang pagiging inspirasyon sa kanyang mga tagahanga at kapwa bodybuilder lalo na sa ating bansa. Ipinapakita niya ang kahalagahan ng disiplina at tiyaga sa pag-abot ng mga pangarap, at pinapakita rin niya kung paano maging positibo at malugod sa bawat hakbang na kanyang tinatahak.
Ang tagumpay ni Joven Sagabain, first-ever homegrown Filipino, sa Mr. Olympia Bodybuilding 2022 ay patunay na kahit na gaano kahirap ang landas ng tagumpay mayroong paraan upang matupad ang mga minimithing pangarap basta’t mayroong tamang dedikasyon, tiyaga, at pananampalataya.
“The best advice I can give to the youth is to be disciplined. This is one sport where you can never cheat. You reap what you sow. Your body will reflect the depth of your preparation,” sambit ni Sagabain.
TYRONE JAY ALMUENA Tagapamahalang Patnugot MARY HYACINTH PEDRO Tagapamahalang Patnugoto kaya naman ay panandaliang pampalipas-oras lamang.
Hindi kasarian ang nagdudulot ng mga hadlang sa larangan ng isports, kundi ang hindi patas
Ang motivation ko, bakit ako lumalaban parin?
Kasi alam kong kaya kong manalo, “
Tna. Gayunman, hanggang sa kasalukuyan ay tila kailangan pa rin nilang magpakahirap upang mapansin at makilala ng kanilang mga tagahanga, sponsors, at mga opisyal ng mga palaro.
Ang buhay bilang isang manlalaro sa larangan ng pam bansang palakasan ay hindi biro. Maliban sa matinding pagsa sanay at dedikasyon, kinakail angan din ng sapat na pinansyal na suporta. Tulad ng nabanggit sa isa sa mga post ni Diaz noong 2019,
Bgalang Brisayano ang bitbit ng mga atleta sa kanilang landslide na pagkapanalo sa isinagawang Lawn Tennis City Meet sa Mayon Institute of Science and Technology noong ika25 ng Pebrero, 2023 bilang paghahanda sa gaganaping Palarong Bicol ng kasalukuyang taon.
Brisayano laban sa kapwa Brisayano ang naging paghaharap para sa pagkamit ng kampeonato sa parehong kategoryang pambabae at panlalaki ng nasabing laro. Para sa unang tunggalian ng mga kababaihang manlalaro, naipanalo ni Francesca Joy Saminiano, ika-9 na baitang mula sa Bicol Regional Science High School (BRSHS), ang dalawang set ng laro na may parehong iskor na 4-1. Nagwagi rin sa dalawang set ang isa pang mag-aaral ng BRSHS
na si Eloissa Maligaya,
husay at nagpatunay na hindi hadlang ang kanilang kasarian upang maabot ang tagumpay. Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita na ang kasarian ay hindi batayan ng lakas o kahinaan. Hindi lamang ang mga kababaihan ang dapat lumalaban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa isports. Ito ay isang adhikain na dapat nakaugnay sa sinuman na naniniwala sa patas na labanan, paggalang, at pananagutan. Ang mga ka babaihang atleta ay naglalagay ng parehong pagsisikap, oras, at dedikasyon upang mapagbuti ang kanilang kasanayan sa kanilang napiling patimpalak. Sila ay naglalaro na may parehong puso, tibay ng loob, at pagnanais na magtagumpay.
Hindi dapat gamitin ang kasarian bilang dahilan upang hadlangan ang mga atleta sa pagabot ng kanilang mga pangarap. Sa halip, dapat magtuon tayo ng pansin sa pagpapabuti ng patas na oportunidad sa isports at pagbuo ng isang mapayapa at maunlad na lugar ng paglalaro.
isang online na internasyonal na kumperensiya ng SportPhil.
kakaroon pa ng iba pang nod sa kanyang yapak at magbibigay ng karangalan sa bansa sa pandaigdigang
Si Diaz ay isa lamang sa mga Pilipinang atleta na nagdala ng karangalan sa bansa. Marami pang mga kababaihang manlalar ong ang nagpakita ng kanilang
Hilbana para sa Salinlahi. Bumira ng Tirada si Francesca Joy Saminiano mag-aaral mula Bicol Regional Science High School sa Lawn Tennis City Meet nitong ika-25 ng Pebrero 2023. Kuha ni
sa iskor na 4-1, 5-4.
Ang parehong atletang Brisayano na sina Saminiano at Maligaya ang nagtuos sa championship round kung saan ang mga palo ng raketa ni Saminiano ang nagsungkit ng panalo sa iskor na 4-0, 4-1.
Samantala, isa pang labanan ng magkaparehas na kumakatawan sa BRSHS ang nangyari sa championship round ng panlalaking kategorya sa parehong laro. Sa unang laban, ang mga hampas ng ika-pitong baitang na si Wimbly Peraja ang nangibabaw sa iskor na 4-1, 4-0. Nabingwit din ng isang magaaral na si Jose Mari Roberto Salle ang panalo sa parehong iskor na 4-1 sa dalawang set.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng
Lungsod Ligao
Sa pagtutuos ng dalawang Brisayano na sina Peraja at Salle tungo sa kampeonato, si Peraja ang nagbunyi sa naitalang iskor na 4-1, 4-2. ‘Nakakatuwa’ at ‘nagsilay
ng ngiti’ ang mga salitang ginamit sa paglalarawan ng dalawang nagharap sa pambabaeng kategorya nang ta nungin sa isang panayam kung ano ang naramdaman ng mga ito nang man gibabaw ang mga tatak Brisayano sa nasabing laro.
Sa kabila umano ng naging biglaang anunsyo tungkol sa naganap na lawn tennis city meet at kawalan ng oras sa pag-eensayo, napagsikapan pa rin daw ipanalo ni Saminiano at ng mga kapwa Brisayano ang kanilang laro ng may roong tiwala sa kanilang sarili at mga tagapag-suporta.
Pinatunayan rin ng mga atleta na sa kabila ng pagiging abala ng mga mag-aaral ng BRSHS sa kanil ang pag-aaral na siyang minsa’y nagdudulot sa kakulangan sa pag-eensayo ng mga manlalaro rito, nagagawa pa rin nilang magtagumpay dahil sa kanil ang disiplina, tiwala sa sarili, pagsisikap bilang mga atle
Bawat tagaktak ng pawis ay sumasabay sa pag-lunsad ng buhangin sa orasa. Ang indak ng mananayaw ay hindi pasisibak, kahit sa panahon.
Nagwagi ang Bicol Regional Science High School Dance Theatre o BRSHS DT sa Pang-Dibisyon na Lebel ng Nestlé Wellness Campus Dancercise 2022, ito’y nagtatak bilang muling pagpapatuloy ng paghubog sa reputasyon nito matapos ang halos dalawang taon na pagkahinto.
Gayunpaman, hindi laging aayon sa panahon ang
mga miyembro sa gabay ng BRSHS DT Alumni at BRSHS DT Adviser na si Ginang Romejean Valerie C. Prodido.
Kawili-wiling makita ang mga guro na mapasabak sa hatawan upang bitbitin ang pangalan ng paaralan. Nagpamalas ito at pinangatwiranan ang pagiging isang magaling na mga guro ng institusyon. Bumubuo sa samahan na lumahok ay sila Chris John Rosamiran, Joseph Roland Nasol, Mary Gracelyn Quino, Donna Marichu Ramos, Kim Madrid, Richard Domanico, Romejean Podrido, Mariia Tricia San Jose, Jiji Erick Matias, at Jezper Lorico. Ang mga guro ay paniguradong mahigpit ang iskedyul
Ginang Prodido.
Ang mga bagong henerasyon ng mananayaw sa teatro ay hindi pinalagpas ang pagkakataon na maitampok ang kanilang angking talento.
“Hindi na kami magsisinungaling na laging masaya sa Dance Theatre. May mga oras na ma-te-test ang sarili niyo emotionally, physically, and mentally pero maraming lessons ang nabibigay ng club na ito. Sana ay hindi kayo magsisi na sumali kayo” mensahe ni Rheesa Lia Letada para sa mga bagong miyembro.
Nagbunga ang pinagpaguran ng lahat, itinanghal na panalo ang BRSHS DT sa Pang-Dibisyon na Lebel.
Tuktok ng Tatsulok.
Matikas na nakaposisyon ang Bicol Regional Science High School Dance Theatre sa pagtatapos ng kanilang sayaw para sa Nestlè Wellness Campus Dancercise nitong ika16 ng Enero 2023.
JOSHUA MORADA
Koresponsal
Nakilahok ang mga magaaral ng Bicol Regional Science High School o BRSHS matapos masaksihan na dugo at pawis ang ibinuhos na sakripisyo ng Pinoy Pride na si Sofia Frank, nagresulta sa pagka sungkit ng gintong medalya sa isang Asian Figure Skating na naikandado sa kabuuang 143.97 puntos noong ika-7 hanggang ika-9 ng Disyembre, 2022 sa Jakarta, Indonesia.
Si Sofia Frank ang may pinakamataas na iskor sa International
Skating Union o ISU Female athlete at siya rin ang two-time Junior World Figure Skating competitor. Patuloy niyang dedepensahan ang trono at ang mga titulo.
“After the short program, I knew that I will probably get the first place because I skated very well in my short and I was just hoping that I was able to do a good long program to hopefully keep that place and I did,” iminungkahi ni Frank.
Kitang kita ang kanyang tiwala sa kanyang sariling talento na malalambat niya ang gintong medalya.
Iwinasiwas niya ang mga bansang nagyeyelo sa isang malamig
na kompetisyon. Dito matutung hayan ang galing ng Pinoy, sa init ng klima tayo ay nakikipagsa bayan sa sarili rin nating kahi naan na agad na kinamangha ng maraming brisayano.
“Oh! Pinoy!” The two words we often find ourselves saying, recognizing brothers and sisters in foreign films by the sound of their voice and looks alone. The unexplainable pride even in the shortest of screen times, a famil iar face in the crowd. I can say with certainty that I feel nothing but pride for my fellow Pinay, claiming victory in a field where our nation is scarcely familiar with,” ipinahayag ng isang Bri sayano na si Andrea Layug. puso ng mga Pilipino.
RICO ALBERT DIPAD Patnugot sa IsportsMatikas na ginapi ng batak na manlalarong
Paul Raymond
Lladoc si Raphael Mirabueno sa bendisyon ng 11-6 at 11-5 panalo matapos ang matinding sagupaan sa Brisayan Day
Men’s Table Tennis Singles sa Bicol Regional Science High School Gymnasium nitong ika18 ng Nobyembre, 2022.
Tinambakan nang nagliliyabang tirada ng smashes ni Lladoc si Mirabueno sa pinaka
krusyal na bahagi ng laro sapat upang mapalugok ito.
“I did it! Grabe ang lakas pa rin niya, kahit matagal na ako sa larangan na ito ramdam ko ang kanyang presensya! Maraming Salamat sa mga sumusuporta saakin sa kabuuhan ng laro, sainyo ako humuhugot ng lakas,” pahayag ni Lladoc.
Determinadong sinimulan ni Lladoc ang unang yugto at sumiguro ng impresibong limang puntos matapos na bumira ng
Mga koponan sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Albay ang nagpakitang gilas sa muling pag-arangkada ng pampalakasang isports na basketbol sa Ako Bicol Cup 2022. Opisyal na binuksan ang liga ika-5 ng Nobyembre taong 2022 na pinangunahan ng Ako Bicol Party-list at Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP - Albay.
Unang nagkaroon ng elimination rounds noong pagbukas nito na tumagal hanggang Nobyembre 29, 2022. Sa tuluyang gitgitan ng mga pangkat, dalawang koponan lamang sa kada distrito ng Albay ang aabante para sa quarterfinals. Sa huling team standings, nakuha ng Sto. Domingo at Malinao ang pag-abante para sa quarterfinals sa ilalim ng first district. Matatandaang umani ang Sto. Domingo ng 5-0, Win-Loss na record samantalang, tumabla ang Malinao at Tabaco sa 3-2, WinLoss na kartada. Gayunpaman, nakuha ng Malinao ang quarterfinal seat sa pamamagitan ng tiebreaker rule na ‘win over the other’.
MARY HYACINTH PEDROKoresponsal
Para sa second district, malinaw ang pagkapanalo ng Daraga at Legazpi sa iskor na 4-0, at 3-1, Win-Loss. Habang sa third district, nalambat ng Polangui at Libon ang quarterfinal seat sa ilalim ng tiebreaker na ‘point difference’. Kung ating babalikan sa huling team standings, nagtabla ang Polangui, Ligao, at Libon na may 5-1, Win-Loss record subalit, ayon sa result ng ‘point difference’, ligwak ang Ligao para sa quarterfinals.
Gitgitan ang labanan ng anim na koponan sa quarterfinals. Tumagal ang laro ng pitong araw mula ikatlo hanggang siyam ng Disyembre. Tuluyang nadepensahan ng Legazpi, Daraga, Sto. Domingo, at Polangui ang kani-kanilang winning streak na tuluyang umabot sa semi-finals habang natalo ang Libon at Malinao sa quarterfinals.
Nagbakbakan ang apat na koponan sa semi-finals sa Albay Astrodome noong Disyembre 10, 2022. Nilampaso ng Polangui ang Sto. Domingo sa iskor na 86-72 habang tumindig naman
ang Daraga laban sa Legazpi sa puntos na 88-76. Dahil sa resulta ng semi-finals na pagkapanalo ng Daraga at Polangui, aabante na ang dalawang koponan sa Finals. Samantala, ang Sto. Domingo at Legazpi naman ay magkakaroon ng sagupaan na ‘battle for the third’.
Sa huling bakbakan, isinagawa ang harapan para sa kampeonato ng Ako Bikol Cup 2022 Cham pionship Finals noong Disyem bre 11, 2022 sa Albay Astro dome. Nagkaroon ng gitgitan ang Polangui laban sa Daraga. Lumalagabgab na depensa ang naging armas ng Polangui upang manatiling manguna sa laro. Sa huling labing-isang segundo ng Championship Finals, nagkaroon ng iskor na 79-79, ang dalawang koponan kung kaya’t nagka roon ng masidhi at halo-halong emosyon ang masa sa loob ng Astrodome. Sa huli, naibulsa ng Polangui ang kampeona to nang makapuntos si Adrian Celada ng isang buzzer beater, siya rin ang tinaguriang player of the game ng Ako Bicol Cup 2022
PANALO NG
POLANGUEÑO.
Nagwagi ang koponan ng Polangui sa larangan ng basketbol sa Ako Bicol Cup Championship Finals noong ika-11 ng Disyembre 2022 sa Albay Astrodome, Legazpi City.
RICO ALBERT DIPAD Patnugot sa Isports Kuha ni YSABELLE PARIAN KARGADONG KUMPAS. Napamalas ng husay sa paglalaro ng table tennis si Paul Lladoc, isang mag-aaralng Bicol Regional Science High School noong ika-18 ng Nobyembre.