Oktubre 2022 - Tomo 74, No. 2

Page 1

FLC BUILDING

NG ASHS, MAGBUBUKAS NA

nina Isabella Magno at Julia Mangmang

Matapos ang halos limang taong pagpaplano at pagpapatayo, handa nang buksan sa mga mag-aaral at faculty members ang Formation and Learning Center (FLC) Building ng Ateneo de Manila Senior High School (ASHS) sa susunod na taon.

Ayon sa pagtataya ni Engr. Jelour Casimiro na siyang nanguna sa pagpapatayo ng FLC Building, inaasahan nila, kasama ng buong administrasyon ng ASHS, na maaari nang magamit at mapuntahan ang lahat ng pasilidad at kabuuan ng espasyo ng gusali sa ikalawang semestre ng taong-panuruang 20222023, o sa unang linggo ng Enero 2023.

Unang napag-isipan ng administrasyon ng paaralan na magpatayo ng isang gusaling nakasentro sa student activities noong 2018.

Kasunod nito, sinimulan nang planuhin ang pagpapatayo ng FLC Building hanggang 2019, at sa parehong taon, inumpisahan na ang pagsasakilos ng mga napagplanuhan sa pagpapagawa ng edipisyo.

Ayon sa pahayag ni Engineer Casimiro sa panayam nito kasama ang ilan sa mga kasapi ng Hi-Lites Editorial

Board, binalak nilang matapos ang pagpapatayo ng gusaling ito noong taong 2021, ngunit nagkaroon ng pandemyang dulot ng sakit na COVID-19. Kaya, napilitan silang pansamantalang itigil ang pagpapatayo ng gusali noong unang bahagi ng 2020.

Matapos ang halos isang taon, sa layuning mabuksan na ang imprastraktura sa buong komunidad ng ASHS, nagpasya ang administrasyon at ang mga nanguna sa pagpapatayo ng gusali na ituloy na ang pagpapagawa sa FLC Building pagdating ng Enero ng 2021.

TUNGKOL SA GUSALI

Ang FLC Building ay itinayo na mayroong pundasyong adobe stone, at may kabuuang sukat na 4,200 sq.m. Ang mismong gusali naman ay binubuo ng tatlong palapag, at mayroong gross area na umaabot sa 14,000 sq.m.

Nilinaw ni Engineer Casimiro na ang edipisyong ito ay hindi naglalaman ng anumang silid-aralan dahil ito ay ekslusibong binuo para lamang sa student activities and formation; kaya naman, ang mga silid dito ay puno ng mga laboratoryo sa agham at kompyuter, opisina, at covered courts

Bagaman ang pinapagawang gusali ay tinatayang sa Enero 2023 pa lamang maaaring mabuksan at ganap na mapatakbo, may mangilan-ngilan nang mga pasilidad at silid na maaaring ipagamit sa mga mag-aaral sa Setyembre.

Dagdag pa niya, ang mga bubuksang espasyo ay iilang mga silid na nasa unang palapag. Maaaring ring dito ganapin ang mga klase ng mga mag-aaral sa kanilang asignaturang Physical Education

Bagamat kitang-kita mula sa labas ng gusaling malapit na itong matapos, binanggit ni Engineer Casimiro ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi pa ito maaaring magamit. Kabilang sa mga ito ang hindi pa nakukumpletong konstruksyon dahil sa mga kulang pang mga materyales at mga kagamitan.

Sa unang palapag, makikita ang opisina ng mga assistant principal , ang Office of Student Activities Center , ang dance room Ministry Office , ang satellite offices ng cashier , secretariat committee at registrar , faculty lounge CCTV room.

Kabilang din sa mga nasa unang palapag ay ang airconditioned school chapel na makakayang magsilid ng 200 katao, at ang high school cafeteria na maaaring magpapasok ng 400 na indibidwal nang sabay-sabay.

OKTUBRE 2022 - TOMO 74, NO. 2
2]
Layout ni Earl Valenzuela | News Editor: Isabella Magno Larawan mula kina: Ysabelle Liboro, Julia Mangmang, Naomi Tamayo
3 Bahagi ‘22: Inilunsad ng ashS 4GIYERA LABAN SA KOLONYALISMO 8 MGA PILIPINO SA LARANGANG STEM

Sa pangalawang palapag naman makikita ang assembly hall para sa iba’t-ibang aktibidad ng paaralan at aabot sa 1,600 to 1,700 ang maaaring magkasya dito. Ang kabuuang lawak nito ay may sukat na 2000 sq.m.

Matatagpuan din sa pangalawang palapag ang dalawang computer laboratories at ang physical sciences and physics laboratory

Gayundin, ang covered courts naman at ang Physical Education Subject Area Faculty ay nasa ikatlong palapag ng gusali.

Tinawag ni Engineer Casimiro na multipurpose ang mga covered courts sa bagong gusali dahil ito ay nakadisenyong limang pinagdikitdikit na basketball courts, at sa taas ng dalawa sa mga ito ay dalawang volleyball courts, ang naiwang dalawa pa ay may isang badminton court sa taas, at ang natitirang isa pang court ay may isang futsal court sa taas nito.

Sa taas ng covered courts, makikita ang PE office. Ang espesyal dito ay naka-disenyo ang opisinang ito para mabigyan ng tanawing 180 degrees ang mga guro.

Kapuna-puna naman ang asensor na inilakip sa konstruksyon ng gusali upang mas mapadali ang pagtungo ng mga persons with disabilities sa iba’tibang parte ng FLC building

Ang bagong gusaling ito ay direktang kokonektahin sa mga pasilyo ng junior high school at senior high school buildings sa pamamagitan ng bubuuing covered walkway na tatawaging EDSA Walk Extension

Naging pangunahing suliranin sa pagpapatuloy ng pagpapatayo ng edipisyo ang sunod-sunod na mga lockdown na itinatag ng gobyerno upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na dulot ng COVID-19.

Bukod dito, tinukoy din niya na ang isa pang naging dahilan ng pagkakaantala ng pagtapos sa gusali

ay ang kulang-kulang na mga suplay at delayed na pag-deliver ng mga supplier na kinuha nila.

Upang maiwasan ang matagal na pagtigil ng pagpapagawa sa FLC building, napilitan ang mga manggagawa na mag-bubble, kung saan limitado lamang ang nakakapasok at nakakalabas sa paligid.

Ipinahayag din ni Casimiro ang kaniyang pagpapasalamat at kagalakan dahil sa simula nang magkaroon ng pandemya, lima sa mahigit 200 na mga tauhan lang nila ang tinamaan ng COVID-19 at hindi na kumalat pa ang sakit.

MGA PAGBABAGO

Ngayong patapos na ang pagpapatayo sa gusali, maraming pinaplano ang paaralang pagbabago. Isa na rito ang pag-iiba ng babaan at sakayan ng mga mag-aaral. Mula sa dating lugar, maaaring mapunta ito sa tabi ng FLC Building

Mayroon ding nakahandang 40 na parking slots para sa mga sasakyan (nagsimula itong 41, ngunit mayroong tumubong puno, ikinuwento ni Engineer Casimiro).

Layunin ng bagong daanang ito na paluwagin ang trapiko sa tapat ng paaralan, lalo na’t pumapasok na rin ang mga mag-aaral ng junior high school

Bagama’t napatagal ang proseso ng pagpapatayo ng gusali dala ng mga hindi inaasahang mga pangyayari, ang mahalaga ay malapit na itong matapos at kaunting panahon na lamang ang kailangang hintayin bago ito’y tuluyan nang mabuksan sa buong komunidad ng ASHS.

TOMO 74, NO. 22 | NEWS
Layout ni Earl Valenzuela at Raymond Tayag | News Editor: Isabella Magno Larawan mula kila: Julia Mangmang at Naomi Tamayo MGA PAGSUBOK

Bahagi 2022:

“This is the community or family to which you belong.”

Ito ang winika ng punongguro ng Ateneo de Manila Senior High School na si Ginoong Noel Miranda sa isinagawang Senior High School Orientation Seminar (SHOrSem) noong Agosto 2 at 3 para sa Baitang 11, at Agosto 5 naman para sa Baitang 12.

“Bumaba ka sa bundok ng Ateneo— makibahagi; hanapin ang iyong sarili,” dagdag pa ng punongguro nang kaniyang banggitin ang awiting Bumaba ka sa Bundok bago niya tuldukan ang kaniyang mensahe.

Ang SHOrSem sa taong-panuruan 2022-2023 ay may temang “Bahagi” at may layon itong maiparating sa

bawat mag-aaral na ang kanilang presensya ay mahalaga sa kabuuan ng komunidad ng ASHS.

Ayon sa liham ng ASHS Sanggunian na inilathala sa SHOrSem magazine ng Hi-Lites, “Like the pieces of the puzzle, each of us completes a larger picture [...] You may not be abkle to see your value at first, but you carry a crucial role in contributing to our shared community—making up a sense of wholeness and belonging.”

MINI-INVOLVEMENT FAIR

Tampok din sa mga araw na ito ang Mini Involvement Fair ng iba’t ibang organisasyon ng ASHS na isinagawa upang magkaroon ang mga mag-

Misa ng Espiritu Santo:

pinangunahan ng tatlong klase mula sa ASHS

ni Julia Mangmang

Idiniwang ng Ateneo de Manila Senior High School (ASHS) ang kauna-unahang Misa ng Espiritu Santo para sa taong-panuruang 20222023 noong ika-12 ng Agosto 2022, kasama ang mga isponsor ng misa; ang mga mag-aaral ng 12-Anchieta, 12-Carvalho, at 12-Miki na nagtipontipon sa ASHS. Samantala, nakinig sa misa ang ibang mag-aaral ng ASHS mula sa kani-kanilang mga tahanan.

Pinangunahan ng Bise Presidente para sa Basic Education ng Ateneo de Manila University na si Father Jonjee Sumpaico SJ ang misa, kasama si Father Bong Dahunan SJ.

Kasama sa misa ang pagsindi ng mga kandila, bilang pag-aalay ng mga panalangin para sa bagong taong panuruan.

Pagkatapos, pinasalamatan ni Ginoong Noel P. Miranda, ang PunongGuro ng ASHS, ang bawat mag-aaral na nakilahok sa misa, kasama na ang mga mambabasa at mga nag-alay.

Ang Misa ng Espiritu Santo ay bahagi ng tradisyon ng mga paaralang Loyola, na idinaraos sa simula ng bawat taong-panuruan, bilang simbolo ng paghingi ng gabay at tulong mula sa Panginoon.

SHOrSem, inilunsad sa ASHS

aaral ng paunang kaalaman ukol sa iba’t-ibang organisasyon at pangkatin na maaari nilang salihan, depende sa kani-kaniya nilang mga interes, kagustuhan, o adbokasiya.

Ika ni CSO Vice President Raphael Santos sa kaniyang panghihikayat sa mga nasa ika-11 baitang, bahagi na sila ng ASHS at ng kultura nito.

“ Culture in a sense that we, your seniors, carry over the passion we have for our extracurricular life ,” ika ni Santos.

Samantala, binigyang-pansin naman ng SHOrSem Overall Head na si Janah Gomez ang naging papel ng pagtutulungan ng bawat isa tungo sa pagkakaroon ng isang matagumpay na paglulunsad ng programa.

“Our hearts led us in creating an environment filled with welcoming and belongingness for the upcoming year. [...] Pintig and Bahagi as a whole wouldn’t be where it is today without everyone helping each other out to create and execute the first ever blended SHOrSem there is,” sabi ni Gomez.

Ito ang unang aktibidad sa taongpanuruan na sumalubong sa mga bagong mag-aaral ng ASHS sa gitna pa rin ng pandemyang dulot ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Upang masundan pa rin ang health and safety protocols na ipinanukala ng Kagawaran ng Kalusugan, partikular na ang social distancing, hinati ang bawat section sa dalawang pangkat; bagaman pareho ng mga programa, sa magkaibang mga oras nakatalaga ang bawat pangkat.

TOMO 74, NO. 2
Larawan mula sa: Hi-Lites EBLayout ni Earl Valenzuela at Raymond Tayag | News Editor: Isabella Magno
NEWS | 3

Mga Lihim na Taktika:

Mga Katutubo sa ilalim ng Pamahalaan ng Pilipinas

Hindi na bagong balita na mayroong hindi nararapat na tensiyon ang pamahalaan sa mga katutubo ng ating bansa, at sa sinumang tao o anumang institusyon na tumutulong sa kanila. Sa mga kadahilanang tulad ng hindi makatarungang militarisasyon, iresponsableng industriyalisasyon, at iba pa—patuloy ang mga may kapangyarihan sa pagsamantala sa mga katutubo at pagsalakay ng kanilang mga ninunong lupa.

Noong Mayo, naganap ang New Bataan 5 Massacre, kung saan pinaslang sina Chad Booc, Gelejurain “Jurain” Ngujo II, Elegyn Balonga, Tirso Añar, at Robert Aragon na mga boluntaryong guro at manggagawang pinaglilingkuran ang mga magaaral na Lumad, o mga katutubo sa Mindanao. Ipinamukha na sila ang unang lumaban sa mga militar, ngunit pinasawalang-patunay ito ng mga dating balita tungkol sa pag-red tag kay Booc at sa mga malubhang resulta ng kanyang otopsiya. Naipakita rito na tunay ngang sila’y pinatay nang walang kalaban-laban. Isa lamang ito sa maraming pagkakataon ng ganitong uri ng pagpapahamak.

mayroon din silang ginagamit na mga paraan na hindi agad kita ng mata upang patahimikin sila.

Kakulangan ng Representasyon Hanggang ngayon, kakarampot pa lamang ang mga may katutubong lahi ma mayroong posisyon sa gobyerno—maging sa Senado, Kongreso, o gabinete man iyan. Ang nag-iisang katutubong kandidato sa Pambansang Eleksyon noong Mayo na si Teddy Baguilat mula sa tribong Gaddang ng Ifugao, na naglayong maging unang katutubo sa Senado, ay natalo; nagtapos siyang nasa ika28 na ranggo sa botohan.

Sa kabilang banda, karamihan sa mga nakakuha ng puwesto sa senado ay bahagi ng senatorial slate ni kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.—mga tradisyunal, maka-administrasyong pulitiko na lubos na nakinabang mula sa isang kampanyang nabuo sa taontaong disinformation

Subalit, noong Hulyo, iba’t ibang reaksyon ang naidulot ni Bise Presidente Sara Duterte nang isuot niya ang tradisyonal na kasuotan ng tribong Bagobo sa unang SONA ng kanyang kasama sa pagtakbo na si Bongbong Marcos. Ngunit

ang sinasang-ayunan ng marami ay hindi nararapat na suotin niya iyon, lalong lalo na sapagkat siya ang naging dahilan ng pagsasara ng napakaraming paaralang Lumad sa Mindanao, at dahil kilala ang kanyang ama sa madalas nitong pananakot na may kinalaman sa militar sa mga katutubo.

Kakulangan sa Pag-aasikaso Masasabi na wala masyadong batas na nakatutok sa mga pangangailangan ng mga katutubo. Bagaman itinatag ang Indigenous (IPRA) o Republic Act No. 8371 noong 1997, sinasabi pa International Work Group for Indigenous Affairs na hindi ito naglalaman ng sapat na mga sugnay upang epektibong maprotektahan ang mga katutubo sa kaso ng bataskriminal. Malinaw din na kung ang administrasyon mismo ang patuloy na umaabuso at nagkakait sa kanilang mga karapatan, wala pa ring kapangyarihan at sapat na karapatan ang mga katutubo sa mata ng batas.

Maliban pa rito, ang administrasyong Duterte at ang kasalukuyang administrasyong Marcos ay naglinang ng kolektibong kawalan ng tiwala sa mga mainstream news outlet. Kahit

na may mga masususing pamantayan ang mga pangunahing mamamahayag, sila pa rin ay tinitingnan bilang mga tagapaghatid ng “fake news”. Dahil patuloy na na-re-red-tag ang mga katutubo, nahihirapan ang mga Pilipinong suriin kung paniniwalaan ba nila o hindi ang mga balita tungkol sa mga karanasan ng mga katutubo kahit na ang katotohanan ay maliwanag.

Kapwa Pilipino ang mga Katutubo Hindi man ito ipinapakita ng gobyerno, mahalagang tandaan na tulad ng kahit sinuman, ang mga katutubo ay mga Pilipino rin. Mayroon silang karapatang makapag-aral, angkinin ang tunay nilang pag-aari, maipagtanggol at maprotektahan sa ilalim ng batas, at mabuhay nang komportable at mapayapa—at ang anumang karapatan nila ay kahit kailan hindi maaaring kunin sa kanila.

Nawa’y hindi lamang ngayong Indigenous Peoples Month natin ipagdiwang ang kanilang napakayamang kultura at kasaysayan, na patuloy sana natin silang ipaglaban at paglingkuran hangga’t sa makamit nila ang mga karapatan, representasyon, at pag-aasikaso na nararapat sa kanila.

TOMO 74, NO. 2
4 | PROBE
Layout ni Raymond Tayag | Probe Editor: Billie Mercado Larawan mula sa: Manila Bulletin, IENEarth Larawan mula sa: Licas News, FPE, at Examiner Larawan mula sa: Wikepedia

Giyerang Awanggan

Espanya mula sa Europa, Estados Unidos mula sa Amerika, at ang mga Hapon mula sa Silangang Asya, iginapos ang bayan sa limandaang taong pangkolonyal na kasaysayan ng Pilipinas—magmula sa pakikibaka ng ating mga ninuno para sa kasarinlan sa sariling inang bayan, ang pagkakaiba sa pamumuhay ng mga dayuhan sa buhay ng mga katutubo, hanggang sa impluwensiya ng kanilang pananakop sa ating kultura’t kinagisnan. Sa kanilang paglisan sa ating kalupaa’y isang malaking pangako ng kalayaan— isang panibagong umaga para sa lahat ng Pilipino, isang panibagong araw para sa Pilipinas. Sa likas at pantaong yaman ng ating lipunan ngayon sa ating kontemporaryong konteksto, sino ba namang mag-aakala na hindi pa pala lumilipas ang ating tahimik na giyera laban sa kolonyalismo at imperyalismo ng mga banyaga? Patunay na hindi pa nakakamit ang pagiging malaya, sadyang mahaba lang ang tanikala.

Ang mga palamuti’t perlas na nakapulupot sa iyong leeg ay pinulot sa ibang lupalop at karagatan, sa kabila ng daan-daang markang-Pilipinong produktong nakalantad sa iyong harapan. Pilit tinatangkilik ang mga tatak na mga puting banyagang lalaki ang nasa pabalat at mga kainang hinulma ng mga kolonisador, sa kabila ng paghain ng isa sa pinakamasarap na pagkain sa mundo. Ang kapabayaan at pagwawalang-bahala sa sarili nating mga industriyang inaangat ang agrikultural na bansang kulang sa mga kagamitan at produktong tunay na pinaghirapan ng mga lokal na manggagawa ay naging isang mamahaling pagbabago. Ang iyong mga istanteng puno ng mga produkto mula sa ibang bansa, mga binibiling gamit na ni isa’y hindi lokal, at ang araw-araw na mga paggugol sa banyagang tatak na hindi mo mabasabasa, pero Pilipino ka parin.

Ngunit paano naman ang lahat ng mga produktong iniendorso bilang “para sa lahat”? Patuloy na nananaig ang pagkiling sa mga sabon o pamahid na napalilibutan ng mga nakapaskil na pangako at panlilinlang, kinukulong ka sa ideya na magiging mas katanggaptanggap ang anyong hindi tunay na iyo. Sa kanaisan na bumangon mula sa kinatatayuan na ito, nakatutok ka

Saka, masasabing Pilipino nga ba talaga ang nakakalimot na sa wikang Filipino? Ang sariling wika ay itinuturing salita ng mga alipin, habang ang Ingles na nagmula sa mga dayuhan ay nagpapahiwatig na angat ang isang tao sa lipunan. Sa gayon siguro ay niluluwalhati ang pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa; pagkat mukhang mas maganda ang mga oportunidad sa dayuhang bayan ay parang mas mataas na rin ang pagturing dito. Sa halip na maglingkod sa sariling bayan, dahil sa mga sistematikong isyu ukol dito ay mas pinipili pa ng ng mga edukadong Pilipino na lumipat sa dayuhang bansa at magpursigi ng tagumpay doon. Nasaan na ang pagmamahal para sa Pilipinas? Ano na ang nangyari sa nasyonalismo?

Maliban sa harap-harapang pagtangkilik sa produktong banyaga,tila napakahalaga sa mga Pilipino makuha ang pansin at atensyon ng mga banyaga. Mula sa hindi

mapintang sarap sa pakiramdam tuwing naririnig ang mga sikat na vlogger na nagbibigay ng shoutout sa Pilipinas at mga Pilipino, hanggang sa sayang naidudulot tuwing kinakain ng mga vlogger na ito ang kung anu-anong pagkaing Pilipino na hindi nila mabigkas nang tama, parang nakaukit na sa utak ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkuha ng pansin mga banyaga.

Kung susumahin, ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino ay tunay pa ring nakabatay sa mga pamantayan at ideolohiya ng mga dayuhan—masisilayan ito mula sa mga produkto at pamantayan hanggang sa mangilan-ngilang bahagi ng ating kultura. Sa pagtasa sa mga katotohanang ito, mababatid na hindi madali ang daang tatahakin upang lubusang matuldukan ang kolonyalismo. Ang kaaway sa pagkakataong ito ay dekadekadang kinagisnan na ng

mga Pilipino—mga kilos, salita, at ugaling nakasanayan na. Hindi natin namamalayan, ilang mga henerasyon na ang nagdaan na ang naiuukit sa mga puso’t isipan ay kulturang hindi naman natin pagmamay-ari.

Sa likas at pantaong yaman ng ating lipunan ngayon sa ating konteksto, masasabing hindi pa rin pala lumilipas ang tahimik na giyera laban sa kolonyalismo. Dahil sa limandaang taong pagkakagapos ng Pilipinas mula sa mga dayuhan, hanggang ngayon ay buvhay na buhay pa rin ang impluwensiya nila sa ating bayan. Hindi pa rin tayo malaya; ang ating pagkakakilanlan ay nakaangkla pa rin sa mga banyaga, kahit na matagal-tagal na rin mula noong sila’y lumisan. Oo, ang laganap pa rin ang kolonyalismo sa bansa. Oo, hindi pa rin tunay na malaya ang mga Pilipino mila sa pananakop ng mga banyaga. Pero ang tunay na tanong ay: paano nga ba lalabanan ng isang bansa at nga mga tao nito ang daantaong kultura, pag-uugali, at paraan ng pamumuhay na mayroong bahid ng

TOMO 74, NO. 2
EDITORIAL | 5
Larawan mula sa: Freepik, Traveloka

Ritmo’t Indayog:Paurong na Ebolusyon

Maririnig ang humaharurot na makina ng mga hari ng daanan: mga traysikel at jeepney na nagkakarerahan. Ayan ang yaman ng Perlas ng Silanganan! Ngunit maliban diyan ay may maririnig pang yaman sa lansangan: ang musikang tunog tahanan, ritmo ng indakan!

Balikan natin ang Noon… Ang Ritmo’t Rebolusyon

Ika ng ilan, may kakayahan ang musikang ibahin ang mundo, at patunay dito ang talinhagang dala ng mga klasikong Hip-Hop at Rap na madalas madinig noon sa kalyeng Pilipino. Sa bawat ritmo’t liriko, may kapangyarihan itong baliktarin ang tatsulok at maging ibahin ang takbo ng sistema.

Sa tinig na ibinubuga ng radyo, at sa mga tonong naririnig sa kanto mula sa sampung taong nakaraan, walang kaduda-duda na ang genre ng Hip-Hop at Rap dati ay patok na patok sa mga Pinoy dahil sa taglay nitong lirikong makatotohanan at napapanahon. Mula sa drum na may tubig ang sinisisid. Naglalakihang mga braso, sa’ki’y dumidikdik, hanggang sa kasama sa buhay na minana, isang maling akala, na ang taliwas, kung minsan ay tama, hindi maitatanggi na walang kapantay ang kalidad ng Filipino Hip-Hop at Rap.

Taglay ng musika ang sandata ng talinhaga upang baguhin ang mundo, ngunit hindi maikaiilang taglay ng pagbabago ng mundo ang pag-iba rin ng anyo ng musika. Dala ng paglipas ng oras ay nagkakaroon ng iba-ibang bersyon ang lirikong naririnig natin sa radyo. Sa tagal ng panahon, may ibaibang mukha na ang musika—minsan progresibo, minsan malabo. Pero kung papakinggan ang dati, anong mukha at bersyon ba ang nangibabaw sa mundo ng Hip-Hop at Rap? At maikukumpara ba ito sa naghaharing

Isa sa listahan ang “KOLATERAL” na likha ng Sandata (2019) Inilarawan sa kanta ang kalupitan ng rehimeng Duterte sa pagpapatakbo nito ng giyera laban sa droga. Hindi lang basta-bastang kanta ang “KOLATERAL”, isa itong kwento, hinaing, kilusan, at paalala na hindi basta-basta nabibilang sa daliri lamang ang biktima ng mga pagpatay.

Tumungo sa susunod na kanto, kung saan naman maririnig ang “Tatsulok” (1997) ni Bamboo, ipinamalas sa kanta ang galing ng liriko sa paglalathala ng hindi pantay na konteksto ng bansa pagdating sa estado ng buhay— isang kantang nagbigay reyalisasyon na mayroong kapangyarihan ang taumbayan na baliktarin ang tatsulok at makamit ang nararapat na karapatan.

Mula sa “Neneng B” (2019) ni Nik Makino na nagtataglay ng tiyak na mga pang-abay ukol sa katawan ng kababaihan, at iba pang masasagwang salitang puno ng misogyny o pagkapoot sa kababaihan, seksismo, at objectification, hanggang sa “Ang Ganda Mo” (2012) ni Cue C na binuo mulo sa narcisismo at hypersexualization. Hindi maipagkakait na ang paglaganap ng ganitong uri ng mga awitin sa mainstream media ng Pilipinas ay nakabase sa isang patriyarkal na kultura at mga institusyong nagpapatakbo ng ating lipunan. Kaya, imbis na kinukundena ng masa ang ganitong uri ng midya, tila ba’y labis pa nilang kinatutuwaan ito.

Madalas na sabihin ng mga lumilikha ng mga ganitong uri ng awiti’y isa itong paraan upang mbigyang-lugod ang kagandahan ng katawan ng kababaihan, isa itong paraan para purihin ang kadalisayan at kapurihan ang kanilang mga taglay, na tila ba’y sinasamba na nila ang mga ito, katulad ng isang rebultong nakasentro sa simbahan.

namalagi ang senyas na ito dahil sa mga kontemporaryong Pinoy Hip-Hop.

Nasa lansangan na tayo ng musikang progresibo ngunit bakit tila umatras pa tayo? Isang ebolusyong paurong, damay na ang kabataang nalalantad; mga kamusmusang nadungisan ng kulturang pinupuri ang kabastusan, ngunit malimit lamang na mapagtano dahil sa pagpapalagi at pagnormalisa sa ganitong uri ng kultura. Dating itinuturong huwag gumamit ng droga, ngayo’y maririnig mo na lang ang mga salitang “high as —,” at ang “two joints parang mafia.” Ano na ang nangyari, saan tayo nagkamali?

Pamalagiin o Pabagsakin?

Hindi papahuli sa listahan ang “UPUAN” (2009) ni Gloc 9, isang awiting may dalang mensahe para sa kanilang nasa itaas, silang may kapangyarihan. Ang awiting ito ay isang mensahe para sa may kapangyarihan, may kayamanan, at nasa posisyon na gamitin ang kanilang kakayahan para sa ikabubuti ng sitwasyon ng mga nasa salungat na estado ng buhay—taglay ng awitin ang tawag para sa pagbabago.

Marami pang natatagong yaman ang Filipino Hip-Hop sa larangan ng paglikha ng mga progresibong kanta dahil tunay ngang naging daan ang musika para sa pagpapatibay ng rebolusyon. Subalit ganoon pa rin ba hanggang ngayon?

Biglang Liko… Mula sa Progresibo, Saan na Tumungo? Sa paglipas ng panahon at pagdami na rin ng mga talentong lumilikha ng musika, tila’y nagkakaroon ng ibang liko ang mga ritmo ng lokal na Hip-Hop at Rap. Nasaang ruta na nga ba tayo at nasaan na ang mga progresibong liriko? Bagaman hindi na bago ang mga lirikong malaki ang kaugnayan sa o tanging paksa ang kagandahan, partikular na sa kababaihan, mapapansin na ang biglaang liko ng bigkas ng mga awit sa ilalim ng saklaw ng Hip-Hop at Rap sa konteksto ng lipunang Pilipino’y naging bulgar at malaswa na ang wikang ginagamit.

Salungat sa kanilang mga salawikain ay ang katotohanan na ang malalaswang komento ukol sa kababaihan ay walang pinagkaiba sa mga insulto, sapagkat nakikita lamang ng mga kalalakihan ay kababaihan para sa kanilang katawan, bilang mga bagay na kanilang pagmamay-ari, at wala nang iba. Isa lamang itong pagtudla ng titig ng kalalakihan, ngunit para sa karaniwang Pilipino’y ito’y nakakaaliw, madalas na maririnig na pinapatugtog ng kabataan sa mga kanto at sa kanilang mga tahanan.

Isipin: ang dating mga kalyeng umaawit ng malalalim na liriko, mula sa mga harana’t Kundiman sa kailaliman ng gabi, biglang liko sa mga kalyeng umaalingasaw sa kabastusan at kabalastugan, at siyang umabot na sa puntong maski’y kabataa’y nakikisali na. Bukod sa isang kulturang puno ng at seksismo, mapapansin din na ang impluwensiya ng ganitong uri ng mga awitin ay nanghihikayat sa kabataan na magpakita ng kasigaan

Sa mga lirikong binabanggit ang paggamit ng illegal na droga, may dalawa itong hati: ang mga awiting pinupuna ang AntiDrug War ng nakaraang administrasyon ‘tulad ng mga katha ng “KOLATERAL”, at ang mga awiting linuluwalhati ang paggamit ng droga katulad ng “KNOW ME” (2021) ng 8 Ballin’, “PARANG MAFIA” (2017) ni Bugoy Na Koykoy Mapapansin din ang paglaganap ng hand gesture na two joints ito’y nangangahulugang paninigarilyo ng marijuana, at maaaring ipalagay na

May kapangyarihan ang musikang magtawag ng atensyon at tayo bilang tagapakinig, ay may kapangyarihang tangkilikin ang musikang may kakayahan na magpasiklab ng progreso. Bahagi rin ng kapangyarihan natin ang sumulat ng kantang para sa ikabubuti ng bukas, hindi lang basta-bastang magbibigay ng komento tungkol sa kababaihan na hindi naman dapat nararapat. Mayroon tayong kakayahang buksan ang ating mata’t tainga at tangkilikin ang mga musikerong tulad nina Zae Zacarias, Gloc 9, ang grupong Sandata, o maging ang mga kantang tulad ng Rehas ng Silanganan ni Sgmi.

May kapangyarihan ang kayamanan ng ritmo, liriko, at rebolusyon at nasa atin ang desisyon kung paano mapapalaganap iyon—desisyon natin kung anong mukha at bersyon ng musika ang ating tatangkilikin. Maligayang pagdating sa Pilipinas, sa lansangan ng musikang kayang baguhin ang ihip ng hangin basta’t

TOMO 74, NO. 2
6 |fEATURES
nina Renee Tolentino at Earl Valenzuela Larawan mula sa: Genius Larawan mula sa: Youtube Larawan mula sa: Youtube Larawan mula sa: Youtube Layout ni Raymond Tayag | Features Editor: Renee Tolentino Larawan mula sa: Rappler at Virtual Expo Dubai

Make Tusok-tusok the Fish Balls

Sa napakaraming iba’t ibang uri ng mga pagkaing-kalye sa Pilipinas— lahat ay may sariling simbolismo at kasaysayan—basahin ang artikulong ito habang grinagrado namin ang ilan sa mga pinaka-iconic na street food ng mga Pilipino at ibinahagi sa inyo ang kanilang mga kuwento.

1. Kwek-kwek (9/10)

Isa sa pinakakilala at kinagigiliwang street food sa bansa ang kwek-kwek. Kilala sa kahel nitong kulay, ang kwekkwek ay ang resulta ng pinakuluan at pinritong itlog pugo, at karaniwan itong inihahain kasama ang sukang sawsawan. Bagama’t hindi sigurado ang tunay na kasaysayan nito, sinasabing ang pangalang “kwek-kwek” ay maihahalintulad sa tunog ng huni ng mga ibon. May ilan ding nagsasabing nagmula pa ito sa bansang Tsina, at sa kalaunan ay napadpad na lamang sa ating bansa. Para naman sa iba, ang kwek-kwek ay umano’y nagmula sa isang lokal na alamat at nabuo ito nang hindi inaasahan. Sinasabing aksidenteng nahulog ng isang tindera ang mga panindang itlog at naisipan na lamang prituhin kasama ang

pinaghalong harina at itlog upang hindi masayang, kung kaya’t naipasa ito sa paglipas ng panahon at naging bahagi na ng ating kultura’t kasaysayan.

Kahit saan pa man nanggaling ang kwek-kwek, hindi maitatangging isa ito sa mga pinakapatok na street food sa bansa. Mula sa nakaaakit na amoy ng pinipritong itlog at harina, hanggang sa paglagay ng sawsawan sa kanyakanyang maliliit na lalagyan, hindinghindi pumapalya ang kwek-kwek.

2. Fishballs (10/10)

Masasabing isa sa pinakapaboritong street food sa Pilipinas, naging malaking bahagi na ng ating kabataan ang pag-kain ng fishballs sa mga kalapit na tindahan. Ang fishballs ay mga hugis bilog na street food, gawa sa masa ng isda, asin, at harina, na maihahalintulad sa isang fishcake Karaniwan itong sinasawsaw sa manamis-namis na sawsawan o kaya’y sa sarsang may timplang naglalabang lasa ng tamis-anghang. Ang nagpapabukod-tangi sa sikat na street food na ito ay bukod sa pagkakaroon ng malaking kaugnayan sa ating

BALUT

Kwek-kwek

Turon

5. Iskrambol (9/10)

Babalik-balikan at uulit-ulitin. Minsan ang paglalarawan na ito’y naririnig lamang sa mga panayam na isinasagawa pagkatapos manood ng pelikula, ngunit maihahalintulad din ito sa muling pag-usbong ng interes sa isa sa mga pinakapaboritong panghimagas mula sa pagkabata–ang ice scramble o lokal na tinatawag na “iskrambol”.

Binubuo ito ng samu’t-saring sangkap, kabilang na rito ang kinaskas na yelo na siyang nilagyan ng rosas na pangkulay, sirup na tsokolate, at pulbos na gatas. Kung nais naman bigyan ng karagdagang sahog sa ibabaw nito, ay nilalagyan pa ng iba’t-ibang kulay ng marsmalow, pinipig, o kaya sprinkles

Bilang isa sa mga klasikong pampalamig sa bansa, pinaniniwalaang nagmula ito sa Iloilo at kasunod ng sorbetes bilang paboritong panghimagas at pampalamig pagkatapos ng klase. Ngayon na dumadami ulit ang mga negosyong nagbebenta nito, mapa-DIY man o sa loob ng mga pamilihan, nagkakaroon na rin ng mga bagong istilo at baryasyon ang mga sahog na nilalagay.

6. Taho (10/10)

Pagsikat ng araw, habang ang iba’y kagigising o nag-uumagahan pa lamang, nagiging pamilyar na ang hugong ng mga traysikel, busina ng mga sasakyan, at hiyaw ng mga nagtitinda ng taho na siyang nagpapahayag ng kanilang pagdating.

Nanggaling ang terminong ‘taho’ sa salitang Intsik na douhou, ngunit tuluyang naging tatak ito sa Pilipinas dahil sa pang-kultura at pangekonomiyang ugnayan ng dalawang bansa. Dinagdagan at binago na lamang ang ibang sangkap upang bumagay sa panlasa ng mga Pilipino. Kaya, tokwa, arnibal, at ilang kutsara ng sago ang mga pangunahing sangkap na inilalagay ngayon.

Habang dala-dala ng magtataho ang dalawang metal na lata sa ilalim ng nakakapasong init ng araw, ang iba nama’y naghahanda na ng kanikanilang baryang pambayad at basong paglalagyan ng taho. Nagsisilbi itong umagahan, lalo na sa mga sasabak sa trabaho, pwede rin itong meryenda sa hapon, at hapunan para sa iba.

kabataan, ay napakamura pa nito! Ang bawat piraso ay mabibili lamang sa halagang piso hanggang limang piso.

May espesyal na puwang ang pagkain na ito sa ating mga puso, na mas pinagningas ng pagka-udlot ng ating pagkakataon upang muli itong matikman tuwing umuuwi mula sa paaralan—isang maliit na bagay na hindi nabibigong magpasaya sa atin. Ano pa bang mas sasarap sa pagbili ng fish ball, sa pagtusok at pagpili ng kakainin mong mga piraso, at makipagchikahan sa tindera tungkol sa naging takbo ng araw mo. Ang lahat ay masaya, payapa, at perpekto.

3. Turon (9.5/10)

Saging, asukal na pula, at langkang binalot sa lumpia at pinrito sa tama at malagintong kulay, ang turon ay tunay na pambihirang meryenda sa isang mainit na hapon. Ang turon ay isang tanyag na pagkaing Pinoy na minsan ay sinasamahan ng sorbetes upang maging isang perpektong panghimagas tuwing kumakalam ang ating tiyan! Ang pinagmulan nito ay sinasabing umusbong at naipasa-pasa sa mga komunidad na naninirahan malapit sa mga lugar na mayaman sa mga puno ng saging at mga halamang-ugat.

4. Balut (8.5/10)

Rinig mo sa umaga, rinig mo rin pagsapit ng gabi. Patuloy ang paghiyaw ng mga naglalako ng balut sa iba’t-ibang siyudad, liwasan, o eskinita habang matiyagang daladala ang basket na naglalaman ng

Fishballs

ilang dosenang balut. Kapag naririnig ang natatanging hiyaw na ito, kalakip na rin ang katumbas na tono at tinis, tiyak na ang iba’y maghahanda na ng trey na paglalagyan.

Ang balut ay nagsimulang umusbong noong ika-16 na siglo dulot ng populasyon ng mga Tsino sa bansa. Bilang isa sa mga pinakakilalang lokal na delicacy sa Pilipinas, ginagawa at inihahain ito sa pamamagitan ng pagpisa ng mga itlog ng bibe sa loob ng humigit-kumulang labing walong araw. Sa pagkain nito, inuuna muna ang pagbiyak ng balat bago higupin ang sabaw na nakapaloob dito upang makita ang dalawang hati ng pertilisadong itlog.

Subalit, kahit ito ay nagtataglay ng halagang pangkultura sa kasaysayan ng Pilipinas, nairanggo ito bilang “Worst Egg Dish in the World” ng TasteAtlas, habang ang tortang talong naman ay ikinategorya sa “10 Best Rated Egg Dishes in the World”. Kahit hindi para sa lahat ang pagkain ng balut, ang pagdeklara ng titulo na ito ayon sa mga opinyon ng mga dayuhan ay pagwawalang-bahala sa mga tugon ng mga Pilipino. Bukod dito, ginagamit din ito ng maraming mga palabas sa ibang bansa bilang isang kasuklam-suklam na hamon kahit simbolo ito ng makukuhang enerhiya at lakas sa ating katawan. Kaya naman, habang patuloy pa nating pinagtitibay ang mga ugnayan natin sa isa’t-isa ay isama na rin natin ang sabay na pagkain ng balut!

TAHO

TOMO 74, NO. 2 ISKRAMBOL
FEATURES | 7
nina Desaraie Potot at Naomi Tamayo Larawan mula kina: Earl Valenzuela, Culture Trip, Tasteful, TasteAtlas, WikiHow Layout ni Raymond Tayag | Features Editor: Renee Tolentino

Magmula pa noong sinaunang dekada, taglay na ng mundo ng agham ang pagsasaliksik nito para sa pagbabago at pagunlad ng kinabukasan. Lahat ng pag-aaral at pagkakadiskubreng ito ang siyang luminang ng kasalukuyan. Magmula sa mga makalumang pilosopiya hanggang sa pinakamakabagong teknolohiya—nariyan ang mundo ng agham.

Iba-ibang bansa at iba-ibang kultura ang humubog sa mundo natin ngayon at parte ang Pilipinas sa pag-abanteng ito. Taglay ng mga Pilipino ang galing at talento sa pakikipasabayan sa naturang aspeto—sa mundo ng inobasyon at talino.

DIWATA-I (Philippines’ First Microsatellite)

Ang Pilipinas ay mayroong mahabang kasaysayan ng siyentipikong pagtuklas, at ang patuloy na tagumpay ng bansa sa aspeto na ito ay isang patunay ng talento at dedikasyon nila. Hindi lamang ito kumakatawan sa kakayahan ng ilang mga indibidwal na lumikha ng mga bagong inobasyon, ngunit patuloy pa nitong ipinamamalas ang kakayahan nating magsama-sama at magtulungan tungo sa isang layunin.

Isang patunay ang paglulunsad ng DIWATA-I, ang unang microsatellite na dinisenyo, ginawa, at pinatakbo ng ilang mga Pilipinong inhinyero at propesor mula sa University of the Philippines - Diliman (UP), noong Marso 23, 2016. ‘Gaya ng mitolohikal na nilalang na “Diwata” na siyang tagapag-alaga ng kalikasan, ang DIWATA-I ay dinisenyo upang makapagbigay ng mga imaheng makatutulong sa pamamahala ng mga sakuna, pagtatasa ng mga diskarte upang maiwasan ito, at pagmamapa sa buong bansa at mga hangganan ng teritoryo nito.

Ang patuloy na pagsubaybay ng DIWATA-I sa produktibidad ng karagatan at agrikultura sa bansa ay isang malaking hakbang sa pagsulong ng sarili nitong satellite technology at pantanging datos. Hindi lamang ito kapakipakinabang dahil sa aspeto na ito, ngunit mas makakatulong din ang direktang impormasyon na matatanggap dito sa puwersa ng mga manggagawa, kabilang na rito ang mga magsasaka, upang tunay na maisaayos ang kanikanilang mga hakbangin ayon sa lagay ng panahon, pagbabago ng klima, at iba pa.

Patuloy pa ang pag-aaral ng teknikal na aspeto nito sa bansa, lalo na sa pamamagitan ng graduate track sa nanosatellite engineering na inaalok ng University of the Philippines Electrical and Electronics Engineering Institute (UP EEEI) at ng Space Science and Technology Proliferation Through University Partnerships (STePUP). Bahagi ito ng programang STAMINA4Space, na siyang nagbibigay-daan sa patuloy pang pagpapatayo ng mga pasilidad ng pananaliksik na nakalaan para sa larangang ito.

Pananaliksik ng mga Mag-aaral ng UPLB

Isa ring patunay ang mag-aaral at mananaliksik mula sa University of the Philippines - Los Baños (UPLB) ukol sa natagpuang partikular na uri ng bakterya mula sa mga lupa ng Mt. Mayon na nagpakita ng potensyal na antibiotic at anti-cancer na mga katangian.

Ang papel na ito ay tinanggap sa Philippine Journal of Science (PJS), isang peer-reviewed na publikasyon ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya at siyang naging unang pananaliksik na isinagawa sa Mt. Mayon ukol sa mikrobiyolohiya.

Sa patuloy na pagsisikap at pagbibigay-diin na ‘di lamang sa pagtuklas nito natatapos ang usapin, inaasahan ng mga mananaliksik na makahahanap pa sila ng epektibong solusyon sa cancer sa pamamagitan nito, upang hindi na kinakailangang dumaan sa nakasanayang pagpapagamot na chemotherapy.

Sa mga panahon na ito, mas naipamamalas pa ang kahalagahan ng suporta ng administrasyon. Ang pagpondo sa pananaliksik na ito ay ‘di lamang makabuluhan para sa mga nangangailangan ng agarang tulong upang labanan ang sakit, ngunit nagbibigay-daan ito sa pagbabago ng istruktura tungo sa isang ekonomiya at lipunang mas masinsinan sa kaalaman, produktibidad, at kalidad ng trabaho. Gayunpaman, ipinakita ng gawaing ito ang kahalagahan ng pagsusumikap sa layunin ng pagsulong ng agham ng Pilipinas.

Jeffrey Perez, Fault-finder, DOST

Si Perez ang siyang nanguna sa pag-aaral ng mga active faults at paleoseismic studies sa Philippine fault at bahagi rin siya ng pangkat na nagmapa at nag-aral ng paleoseismic studies sa Valley Fault System na sumasakop sa kalakihang Metro Manila at iba pang fault sa Pilipinas. Naturingan din siya na kabilang sa Outstanding Young Scientists ng National Academic of Science and Technology o NAST, dahil sa kanyang malawakang kontribusyon sa mundo ng heolohiya.

Pinoy, Padayon!

Paniguradong hindi madaling lakaran ang kalyeng tinahak ng ating mga kababayan upang makamit ang kanilang kaunlaran, lalo pa’t maaaring maraming balakid ang nakakasalubong nila sa kanilang biyahe. Kasama na rito ang restriksyon sa pagkilala, sa usaping pinansiyal, o sa kung saan pang kadahilanan.

Tiyak na sa bansa natin ay hindi lang ang mga nabanggit ang siyang may dala ng inobasyon at talino, marami pang iba ang marahil ay hindi pa nadidiskubre. Subalit, sa tamang suporta ay may potensiyal na nakataya— handa para mas maimproba at handang harapin ang mundo ng syensa’t teknolohiya. Tatak ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino na kaya nating makipagsabayan sa kagalingan ng mundo.

TOMO 74, NO. 2 HI-LITES EDITORIAL BOARD Editor-in-Chief Julia
Sanggunian Esquire MG Insurance Phillife Yahoo!news Simply Bakings PHL-Microsat CNN Philippines PHIVOLCS News UP Research Development Extension Department of Science and Technology (DOST)
Associate Editor Naomi H. Tamayo Managing Editor for Print and Online Media Earl John Patrick L. Valenzuela News Editor Isabella T. Magno Features Editor Renee Sabinah G. Tolentino Probe Editor Ysabel Patrice A. Mercado Broadcast Editor Desaraie S. Potot Chief Photojournalist Sofia Ysabelle D. Liboro Art and Layout Editor Raymond Benedict S. Tayag Moderators Ms. Caroline Laforteza Mr. Lorenzo Pisig 8 |fEATURES
Layout
ni
Earl Valenzuela | Features Editor: Renee Tolentino Larawan mula sa: Adobe Stock at NASA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.