(2022) SISID: A Special Issue

Page 136

isang publikasyon, umusbong ito sa direksiyong naglalayong talakayin ang mga isyung sosyo-politikal. Lumalabas ang panulat ng Matanglawin sa komunidad ng Ateneo at bumababa sa masa upang intindihin ang suliraning kanilang hinaharap sa bisa ng matapang, matalisik, at progresibong pagsulat. Ayon kay Marcial Fernando, kasalukuyang Nangangasiwang Patnugot at Tagapamahala ng Proyekto ng Matanglawin, “ang ginagawa ng publikasyon ay writing at amplifying voices na hindi masyadong pinakikinggan o sadyang ibinabaon ng mga nasa itaas.” Kaya naman, kapansin-pansin ang pag-igpaw ng publikasyon sa objective journalism. Sinisipat nila ang mga tao sa kanilang konteksto at hindi bilang hamak na numero (sumangguni sa artikulo ni Lee). Ani Dar Brazil, kasalukuyang Punong Patnugot ng Matanglawin, sa usapin ng pagbabalita hinggil sa pagkamatay, “Iniiwasan [ng Matanglawin na] ibalitang may namatay na gantong tao. We try to go beyond that. Sino ba talaga ‘yung tao na ‘yon? Anong klaseng buhay ba yung nangyari that led to that?” Sa ganitong paraan din pinagsusumikapan ng Matanglawin na ipabatid sa mga Atenista ang mundo sa labas ng kanilang pribilehiyo. Ayon kay Dar, “pinapanatili [ng organisasyon] na nakaugat sa lupa ang paa ng mga Atenista.” Pilit na ipinamamalas ng Matanglawin ang tunay na “down from the hill,” hindi bilang pagbaba upang tumulong sa nangangailangan, kundi pagbaba upang makisalamuha sa mga tao at sa isyung panlipunan. Isa sa mga kilalang proyektong isinasagawa ng Matanglawin upang itaguyod ang layunin nito ay ang Tanganglawin o Tanga, ang kanilang taunang isyung lampoon. Kompara sa karaniwan nilang isyu na naglalaman ng samot-saring naratibo at likhang sining, binibigyang-pansin ng Tanganglawin ang mahahalagang balita sa pamamagitan ng satira o satire. Noong 2016, sumikat ang isyu nitong “Mochang Tanga Blog” at umabot kay Mocha Uson, ang mismong pinatutungkulan ng lampoon, na naghayag na estratehiya umano ito ng pag-atake sa kaniya. Ang ganitong estilo

122


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.