(2020) Heights Vol. 67, Seniors Folio

Page 6

Panimula Batch 2020, nagsimula ang paglalakbay natin sa OrSem 2016: Sibol, kasabay ng unang paghihikayat sa atin ng Ateneo na hayaan ang sariling umusbong. Matapos ang mga hamon at tagumpay na nagtulak sa ating makilala at hubugin ang tunay nating pagkatao, hindi maipagkakaila ang pagyabong natin. Pumasok tayo sa pamantasan na puno ng mga pangarap at lalabas tayong nangangarap pa rin, ngunit handa nang makamit ang mga ito hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa ikauunlad ng mga kapwa nating Pilipino. Sa pamantasan at bansa naman, naging saksi rin tayo sa ilang mga pagsubok at pagwagi na nagpatatag sa atin bilang isang komunidad at bayan. Ilan sa mga ito ang pagbukas ng AretĂŠ, pagtanggal ng CHED sa Filipino at Panitikan bilang rekisito sa kolehiyo, paglunsad ng TALAB, pagsabog ng bulkang Taal, pagbuo ng Commission on Mental Health at LS Gender Hub, pagsara sa ABS-CBN, at ang paglaganap ng COVID-19. Iba-iba man ang pinanggalinggan ng mga kaganapang ito, iisa lamang ang kanilang paalala, na maging malay tayo sa mga suliranin ng lipunan at gamitin ang kaalaman natin upang makatulong sa iba. Sinasalamin nito ang ninais gawin ng heights ngayong taon. Sa ika-67 niyang taon, sinubukan ng punong patnugutan na palawakin ang mga pamamaraang ginagamit ng organisasyon upang makipagugnayan sa lipunan at ang pabago-bago nitong mga konteksto. Bunga ng pagpapalawak na ito ang mga nakilalang mga likha at mayakda ng heights na nagpaigting sa kakayahan ng sining at panitikan na magpamulat sa tao at magsilbing tugon sa mga suliraning panlipunan. Ngunit sa new normal na sumalubong sa atin, higit pa sa pagpapalawak ng mga pamamaraan ang kailangan. Ngayon, tahasang pagbabago sa kaugalian at pamamalakad ng mga pambansang institusyon ang panawagan. Malaki ang papel ng sining at panitikan dito, dahil bukod pa sa kakayahan nitong magpahayag

vi ¡ Panimula


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2020) Heights Vol. 67, Seniors Folio by Heights Ateneo - Issuu