(2015) Vol. 62, Seniors Folio

Page 191

​Ngingiti si Vivian kay Helena nang malungkot. helena

Sa tingin ko, kumapit lang talaga si Mama hanggang nung bertday ko, bago siya bumigay sa kahinaan niya.

Patlang. Maririnig ang tunong tik-tik. Maririnig ang kaunting ulan. Ilalagay ni Vivian ang kanyang kamay sa kanyang tiyan. Titingin si Helena sa labas. helena

Umuulan? Eh may araw ah!

vivian

Alam mo kung anong sinasabi nila diba? Kung umuulan at umaaraw, may ikinakasal na—

nenita

Oo, Vivian. Naiintindihan namin.

Patlang. vivian

Naalala ko nung nasa hayskul pa ako, umulan habang umaaraw dun sa eskwela. Sabay nagbulungan lahat at tumingin sa akin.

nenita

Yun ba ‘yung araw na umuwi ka na ang daming damo sa buhok mo?

vivian

Sabi kasi nila flower girl daw sila sa kasal ko. Ikaw pa nga yung sumubok abugin sila diba, ‘Ting?

helena

Oo naman; ‘Nang ka pa rin naman niya diba?

Patlang. nenita

Pero naging maayos naman din Vivian, diba? ‘Yun ‘yung taon na…

heights Seniors Folio 2015 · 179


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.