(2013) Heights Vol. 61, Seniors Folio

Page 186

tatanggalin ang kamay mula sa paghawak nito sa braso ni LALAKI 2. Hihinahon muli si LALAKI 2. Magpapahid ito ng sarili at ng iba’t ibang bahagi ng suot nito na parang walang nangyari. lalaki 2

Karaniwang nangyayari ang kung anu-anong kakaibang bagay.

lalaki 1

Talaga?

lalaki 2

Oo. Sa tuwi-tuwinang hindi mo ito inaasahan.

lalaki 1

Totoo ka?

lalaki 2

Oo.

lalaki 1

Kung ‘di natin inaasahan? ‘Yun ba sabi mo?

lalaki 2

‘Yun nga.

lalaki 1

E ‘di, hindi siya darating!

lalaki 2

At bakit naman?

lalaki 1

Kasi inaasahan natin siya. Ngayon. Inaasahan natin siya ngayon.

Iaakyat ni LALAKI 2 ang isa sa mga kilay nito. Titingnan muna nang ilang sandali si LALAKI 1 bago ito iiling at titingin sa malayo. lalaki 2

Sige. Kung iyan ang gusto mo.

lalaki 1

Totoo naman kasi, ‘di ba?

174 · Niki Calma


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.