(2012) Vol. 59, SF

Page 76

Tulad din sa relasyon ng maggirlfriend at boyfriend, kadalasan, nagsasawa ang lalaki lalo na ‘pag hindi buong pusong nanligaw at tinanggap ang buong pagkatao ng babae. ‘Pag hindi na nagpapaganda, tumataba na, at sabihin na rin natin na hindi na nagustuhan ang tunay na ugali ni nobya, bigla na lang magsasawa si lalaki. Dahil hindi na kaya ang pinasukan, mangangaliwa na lang siya. Minabuti na nga na magkaroon ng magandang hiwalayan ang isa’t isa. Kaso minsan, naiisipan rin na magkaroon ng dalawang babae ng sabay ang lalaki. Hindi niya kasi kayang makipaghiwalay at tapangan ang sarili upang sabihin na “It’s not you, it’s me” na hindi naman talaga totoo o hindi naman talaga ‘yon ang rason. ‘Yan lang naman yung forever at favorite na linyang ginagamit ng mga lalaki na tatanga-tanga namang tinatanggap ng mga kababaihan. Tunay nga naman na ibang lebel ang katangahan ng dalawa. Tanga in their own ways. Pero ibang klase yung katangahan ng lalaki. Katangahan na mahirap nang ilarawan. Yung kailangan nang gumawa ng bagong kahulugan sa dictionary para maintindihan ng lahat kung gaano sila katanga. Madaling sabihin, mahirap gawin B: “Oo. Promise. Hindi ako magpapaputok sa loob.” G: “Promise mo ‘yan ah.” happy new year! Parang kwitis na hindi napigilan sumabog sa langit dahil sa sobrang sarap. Makalipas ang dalawang linggo, malalaman mo na lamang na isa ka ng katulad ni Angelito6, ang batang ama. Kung sana maging tulad mo talaga si Angelito na inako ang responsibilidad bilang isang batang ama, e di okay. Pero kung ikaw yung tipong lalaking ipapalaglag ang bata o tatakasan at hindi na magpapakita sa nobya kasi hindi mo

6 Isang drama series sa ABS-CBN kung saan nabuntis ni Angelito aka JM De Guzman ang kanyang girlfriend; inako at pinanindigan ang pagiging isang batang ama.

66 · Isabel Lagunzad


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2012) Vol. 59, SF by Heights Ateneo - Issuu