(2012) Vol. 59, SF

Page 111

Nagsumiksik siya sa akin nang maramdaman niya ang hita ko sa ilalim ng ulo niya. Hahawakan ko sana ang buhok niya nang may mapansin ako. Pamilyar ang amoy ng buhok niya. Hindi amoy ng shampoo o conditioner. Hindi rin langis. Sadyang pamilyar talaga ang amoy. Amoy ng pinaghalong amoy ng bagong ligong lalaki at pulbo. Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong napuno ng galit. Nagpuyos ang loob ko at bigla kong ginustong sabunutan si Klara. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang gunting, katabi ng plastic na tali at scotch tape. Inabot ko ang gunting at itinapat ko sa buhok ni Klara. ‘Hindi ko pa rin pala matanggap.’ Dahan-dahan kong ibinaba ang gunting sa buhok ni Klara at dahan-dahan kong ginupit ito. Nagsimula ako sa ibaba, ang dulong tumatama sa baywang nito tuwing naglalakad. Paunti-unti lang nang simula, hanggang sa humaba na ang nagugupit kong buhok. Ingat na ingat akong huwag gumawa ng ingay ang metal na gunting. “Gusto ko mang sabihin sa sarili kong buhok mo lang ang may sala…” Puno na ng ginupit na buhok ang hita ko ngunit mahaba pa rin ang buhok sa ulo ni Klara. Nainis na ako at hinila ang buong buhok ni Klara paitaas. Nagising na si Klara at humuhulagpos sa hawak ko. “Elena, aray! Ano bang-” Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, ginupit ko nang ginupit ang buhok nito. Naramdaman kong sumayad sa anit ni Klara ang gunting ngunit hindi ako tumigil. May bahid ng pula ang gunting na ipinanggugupit ko. Sabay na umiiyak at sumisigaw na si Klara ngunit walang magawa ang mga kamay niya sa kamay kong hawak pa rin ang buhok na niya. Tinuloy-tuloy ko lang ang pagputol ng buhok hanggang sa matamaan ko na ang tenga ni Klara. Malutong ang pagkakagupit ko at sumirit ang dugo. Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Klara. Hawak ang dumudugong tenga, sinipa-sipa ako ni Klara at sinigawan ako. Marami siyang sinasabi ngunit wala akong maintindihan. Sigaw siya nang sigaw pero parang bumubukas lang

Heights Seniors’ Folio 2012 · 101


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2012) Vol. 59, SF by Heights Ateneo - Issuu