(2011) Vol. 58, Seniors Folio

Page 113

lon

(Nakapikit pa rin ang mata at tinatakpan pa rin ang mukha.) (Matatawa.) Nanay ko. (Bubuksan niya ang kanyang mga mata.) Eh ayaw niyang maging karpintero ako eh. (Matinis, ginagaya ang boses ng babae.) Mababang trabaho yan, Lon-Lon. Bakit di mo na lang tularan ang tatay mo? Paano mo pinapakain ang anak niyo ng asawa mo? Haay nako, Lon-Lon. (Matatawa.)

ado

(Mapapangiti.) Ano sabi mo?

lon

Eh yun nga. Di ko alam kung bakit ko ba napasok ang Diyos. Kumikidlat rin siguro nung gabing yun. Sabi ko mataas na trabaho ang pagiging karpintero dahil sa Diyos, ’Nay. (Matatawa.) Dahil nagwewelding rin siya sa langit!

ado

Buti di siya naburat!

lon

Aynako! Di mo lang alam! Ginatungan pa kasi ng misis ko! Kristiyano kasi. Sabi niya o: (Mauubo muna bago magsalita ng matinis, ginagaya ulit ang boses ng babae.) ’Nay, mismong si Jose na tatay ni Hesus ay karpintero rin! (Matatawa.) Tapos gumatong rin tatay ko: (Mauubo muna bago magsalita ng mababa.) Oo nga naman, Ma. Ginagawa na rin ng Diyos ang tutuluyan natin sa kabilang buhay. Pero di ko lang alam kung papayagan ka niyang tumira don, pinagtatawanan mo lang trabaho niya eh. (Matatawa.)

ado

(Matatawa.) Okey rin asawa at tatay mo ah. May pinanggalingan rin pala ang pagkagago mo!

104 · Sarah Liliana Z. Sarmiento


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.