LVI 4: Seniors Folio

Page 11

Pook sa Timog May pook sa Timog kung saan ang luha’y humahalo sa hamog habang lumalangoy ang mga bangkay sa ilog. Umaagos sa mga batis ang dugo habang sumasabay sa huni ng mga tuko ang pagsipol ng nagliliparang punglo. Pag-ibig na wagas ang pagtatalik sa gabi na balang araw ang magiging silbi ay mga anak na maghihiganti. Sa gubat na kanilang paaralan hinahasa ang musmos na kabataan upang itakwil ang gobyerno at magtulisan. Ang lupang sagana ay inaararo habang nagmamartsa ang mga sundalo at nagtatanim sa sementeryo. Pigil-hiningang naghihintay ang mga asawa naghahanda ng hapunang lasang pulbura umaasang may uuwi pa. At silang mga kinatandaan na ang pook na bayolente dumarapa’t nananangis sa mosque habang gumagapang papalapit ang mga tangke.

LVI 4 11


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
LVI 4: Seniors Folio by Heights Ateneo - Issuu