(2014) Heights Vol. 62, No. 1

Page 57

liwanag. Napapaganda rin niya ang munting kristal na ito. May pagkasabik na papitik-pitik ang liyab ni Alab noong siya’y muling lumapit. Tumingkad ang pula kay Alab at muling nagkubli. “Ako si Alab,” ang kanyang ngiti. Nagkakilala ang dalawa. Anak ng tubig si Agwa. Dati rati’y malaya siya. Napuntahan na niya ang pitong dagat at sinakyan ang mga kulay ng bahaghari. “Nabihag ako ng lamig at naging yelo,” malungkot na kuwento ni Agwa. Hindi na siya makasayaw katulad ng kanyang mga kapatid sa dagat. Hindi na siya makalipad tulad ng kanyang mga kapatid sa alapaap. Tumingkad ang dilaw kay Alab nang naisip niya kung paano niya siya matutulungan. “Hindi ko alam kung paano kita dadalhin sa alapaap ngunit malapit lamang ang dagat!” Masayang tugon ni Alab. “Talaga?” sabik na sabik na sagot ni Agwa. “Tatlong simoy lamang ang layo. Halika!” Kahit kailangan nilang maglayo habang naglalakbay, doon nagsimula ang pakikipagsapalaran ng dalawa. Tatlong simoy lamang ang layo nila sa dagat. Ngunit para sa munting liyab at munting yelo, kasinlayo na ito ng buwan at ng mundo. Naghanap sila ng hibla ng hangin na maaari nilang sakyan. May isa ring tumigil sa kanyang pag-ihip upang sila’y tulungan. * Ibinaba sila ng unang simoy sa gitna ng sansalansang bloke ng yelo. Bumigat ang pakiramdam ng simoy at humiga sa mga mapuputing kristal. Nagiging hamog ang mga dumaraang hibla ng hangin. Nawawala ang kanilang tulin. Pati si Alab nanghina na rin. Nararamdaman niyang tinatangay ang kanyang init. “Kailangan nating umalis sa lamig,” tugon ni Agwa. Kinuha niya ang kamay ni Alab upang makatakas sa pakapal nang pakapal na hamog. Dumaloy ang init kay Agwa. Bagaman binigyan siya nito ng kaunting tulin, nanghina ang munting kristal. Lumuwag na ang hangin at nanumbalik ang lakas ni Alab. Nautal muli ang batang apoy. Nahiya na siya pa ang sinagip. Natakot 45


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.