(2012) Heights LX, Anniversary Issue

Page 94

adeng

Maawaing Hesus ko, lingapin ng mahabagin mong mata ang mga kaluluwa ng nangamatay sa binyagan, na ipinaghirap mo’t ikinamatay sa krus.

Mapapaiglip si Trining.

sally

Siya Nawa.

Magtataka si Sally kung bakit siya lamang ang sumagot. Didilat siya at makikitang natutulog si Trining. Tatapikin ni Sally si Trining. Magigising ang huli na mukhang nagulat at nahiya sapagkat nakatulog siya sa gitna ng pagdarasal. Muling pipikit ang dalawa.

adeng

Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo sa halamanan nang manalangin ka sa Amang Diyos,

sally, trining Kaawaan mo po’t patawarin ang kaluluwa ni Tiago. adeng

Hesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng mukha mong kagalang-galang,

sally, trining Kaawaan mo po’t patawarin ang kaluluwa ni Talia. adeng

Hesus ko, alang-alang sa limang libong hampas na tiniis mo,

sally, trining Kaawaan mo po’t patawarin ang kaluluwa ni sally/ trining Jose/ Artemio Didilat ang tatlo.

sally

Dapat si Jose muna dahil siya ang unang namatay.

trining

Pero mas matanda si Artemio kay Jose kaya si Artemio muna.

adeng

Sus! Pareho kayong mali! Si Rodrigo muna dahil siya ang panganay.

trining

Ay, oo nga. Si Rodrigo nga pala muna.

78


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.