(2012) Heights LX, Anniversary Issue

Page 38

alwynn javier

Hinuhà Sabi mo, kaya mong hubaran ang kulay ng araw sa pamamagitan ng tiyak na gamit ng salita, at mababantad ang pinakamatigas na diyamante at ang pinakadalisay na sinag sa kalawakan. Ako namang si gago, may naamoy na tustadong pinipig nang basahin mo sa akin ang tula. Bagay na bagay sa malagkit na suman at hinog na mangga. Civet cat run over by a truck. Posterior crushed. Listen.   The stench of blood musk   shit. Ay, ulitin mo nga ang iyang sinabi mo! May alamid na nasagasaan ng trak, warak ang puwerta? Narinig ko ang sinasangag na buto ng kape, ang marahas na pagdikdik sa almirés, ang unti-unting pagbuhos sa kumukulong tubig. Here, this creative space + chair broken leg, table… Baroque frame, corroded GI sheet. Spurt! paint on the floor. Can you feel red, rust midnight blue? Nalalasahan ko ang pawis sa iyong sentido. Halika, sabayan mo ako sa parisukát na paraiso: “Tayo na giliw sa malawak na kalikasan at salubungin ang bukang-liwayway; madarama mo ang pagsabog ng liwanag, mahahawakan mo ang bahaghari at ang sinag.”

22


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2012) Heights LX, Anniversary Issue by Heights Ateneo - Issuu