(2010) Vol. 57, No. 2

Page 164

naninigurado sa balanse ng mga bagay sa mundong ito sa pamamagitan ng pagtatago sa katauhan ng ahente ng balanseng ito. Mga subok na pamamaraan naman ang pinili ng mga naturang manlilikha sa kanilang mga sining – gamit ang talas at gaspang ng mga alambre, ibinahagi ni Liwanag ang damdamin ng pagkawala sa kaniyang Dispirited. Habang sa Halik ng Sirena ni Chua, na kamakailan lamang ay ginantimpalaan sa Ika-42 Shell National Students Arts Competition, nag-uumapaw ang senswalidad dahil sa paglalarawan niya sa paksa gamit ang estilong nagbibigay ng ilusyon ng tubig – nililinlang ang mga mata sa imahen ng mga walang awang sirena na kilala natin mula sa mga sina-unang mito. Ang komiks para sa tomong ito, ang 3rd World Snow ni Joson, ay mapaglarong ibinibigkis ang mabigat na temang nakatali sa kasaysayan at ang simpleng paghiling ng kaginhawaan samantalang pambata ang paraan ng naratibo. Liban sa mga kuwentong ibinabahagi ng mga obrang ito, ang mga kuwentong piniling hindi ibahagi sa mga piyesa ay umaakit din sa tagapagmasid. Mga lihim: ang mukha ng lalaki sa Ambulophobia ni Balaguer at ang dahilan ng paglipad ng mga ibon sa Dy Die Day ni Caguiat. Ang di-mabilang na mga interpretasyon at pagpapahayag na maaaring mahugot mula sa mga piyesang ito – kung anu-ano ang mga maaaring nangyari at maari pang mangyari – ang humihikayat sa mga tagapagmasid upang makisangkot sa mga larawang nabanggit. Naniniwala ako na humuhulagpos sa nakasanayang kahulugan ng pagpapakita ang mga likhang-sining na matatagpuan sa mga susunod na pahina. Hindi lamang nagpapakita ang mga obrang ito sa ating mga mata. Sa kanilang pagpapakita, nagkakaroon ng paglalaro sa ating haraya – sa kung ano ang posibleng itsura ng mga aspeto ng imaheng ikinubli ng manlilikhang-sining. Mula rito, nagkakaroon ng posibilidad ang kahulugan. alyza may t. taguilaso Enero 2010

lvii 2

153


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2010) Vol. 57, No. 2 by Heights Ateneo - Issuu