malalaman muna ng Himpapawid na tunay pala niyang anak ang ahas sa minsang pakikipagniig nito sa Lupa, ipahihinto nito ang pagtulong ng mga ibon para ibaling naman sa pagpuksa sa mga Manunubos ang buong lakas. Ang ahas sa wakas ang magsasanib sana sa puwersa ng mga Anak ng Lupa at mga Anak ng Himpapawid na kasalukuyang pinagaaway ng kanilang mapaglarong kapalaran. Kaya hindi na mahihintay pa ng mag-amang Manunubos ang paglitaw ng bayaning ito na binabanggit sa propesiya. Bago pa mangyaring magsanib ang Lupa at Himpapawid laban sa kanila, ibinilanggo na nila ang ahas sa piitang matatagpuan sa pusod ng Higok-higok. Inilugar nila ang bagong Higok-higok sa malayong isla sa silangan kung saan inakala nilang hinding-hindi titirahan ng mga tao kahit kailan. Pero nagkamali ang mga Manunubos sa kanilang inakala patungkol sa nasabing isla. Maling-mali. Dahil paglipas lang ng maikling panahon, bukod sa tinirhan ito ng mga tao, ang mga tumira dito’y naging mahiligin pa sa romansa at pag-iibigan ng mga binata’t kadalagahan. Ito lang at walang ibang pinagkakaabalahan ang utak ng mga nakatira dito kaya naman mabilis na lumobo ang kanilang populasyon. Mabilis na dumami ang mga binata’t dalagang nakakahawig sa mga kuwento ng romansa at sa ganito’y mabilis din silang nakagagawa ng pagkaing paboritong-paborito ng ahas, di man nila sadya. Dahil dito, kinalaunan, ang nasabing isla ang magiging pinakamainam na lugar kung saan maaaring magpataba nang husto at makaipon ng lakas itong matandang ahas. Hindi rin naglaon, nang dumami na nga ang mga tao sa naturang isla, lumitaw din na parang kabute ang mga siyudad na panay shopping mall ang itinatayo sa bawat kanto. Bukod sa mga romansa’t pag-iibigan, ang mga shopping mall ang ikalawa sa labis na kinahuhumalingan ng mga tao sa islang ito. Sa shopping mall kasi ang diretso ng karamihan sa kanila sa tuwing nabibigo sa pag-ibig. Dahil sa konstruksiyon at malalim na paghuhukay ng pundasyon para sa gusali ng isang itinatayong mall, hindi sinasadyang nabuksan ng mga gumagawa ang bilangguan ng matandang ahas. Kaya sa mall na ito, na nasa ibabaw lamang ng piitan lihim na gumagala ngayon ang dating
heights