LV 3 (Filipino)

Page 7

  Naging matingkad sa pagsusuri ang mga suliraning nagbunga mula sa mga pagbabago. Halimbawa nito ang pangingibabaw ng tula sa sanaysay bilang mas kinagigiliwang uri ng panitikan simula noong dekada sisenta. Hinarap ng patnugutan ang pamamalasak ng pagtula sa pamamagitan ng paglalabas ng isang isyung naglalaman ng mga sanaysay lamang. Nagkaroon din ng pagbabago mula sa pagkiling sa tradisyunal na mga temang relihiyoso patungo sa pasyang ilathala ang kumakatawan sa pinakamahusay na mga akda tungkol sa iba’t ibang mga paksa at mga tema, ayon sa mga napiling larangan ng mga manunulat. Kapansin-pansin sa mga panahong ito na sa bawat paghakbang tungo sa pagbabago, nagkaroon ng pangambang tuluyang mamatay ang panitikan sa pamantasan. Kanya-kanya rin ang naging tugon ng bawat patnugutan sa mga pagbabagong ito. Sa patuloy na pag-unawa ng kasaysayang ito, nakikita na ang mga hakbang na ito ang tuluyang nagpabago sa mga nilalaman ng mga sumunod na isyu ng Heights. Dahil dito, masasabing sa kontekstong ito nagmumula ang pagpapasya ng publikasyong hindi tanawin bilang pangungutya ang patuloy na pagdidiin sa pagkalugmok ng panitikan. Sa halip, tinitingnan ito ng mga kasapi bilang paalala at hamon. Higit sa pagpapanatiling buhay ang Heights, hinahamon kaming bigyan ng karapat-dapat na pagpapatuloy ang mayamang tradisyon ng panitikan at sining ng Heights.   Sa taong ito, nagkaroon ng mahalagang pagbabago sa pagkakakilanlan sa Heights. Tinukoy ng publikasyon ang sarili nito bilang alagad hindi lamang ng panitikan kung hindi maging ng sining. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagkilala sa sarili nito bilang opisyal na publikasyong pampanitikan at pansining ng Ateneo de Manila. Katangi-tangi sa pagbabagong ito ang pagkilala sa iniambag ng sining biswal sa kalidad ng mga isyu sa mga nagdaang taon. Naging mainit ang aming pagtanggap ng mga tradisyonal at makabagong uri ng likhang sining sa harap ng pagpapatibay ng Programang Fine Arts at sa patuloy na paglabas ng mga dibuhistang nag-aangat ng kalidad ng sining biswal sa pamantasan.   Sa bawat taong nagdaan, kung saan hinaharap ang isyu ng tuluyang pagkamatay ng panitikan, nakapaglilimbag pa rin ng isyu ang Heights. Hindi maikakailang pabago-bago ang kapal at kalidad ng bawat isyu ngunit malinaw ang sagot ng mga manunulat at dibuhista ng Ateneo ukol sa hamon nito. Hindi pa handang magpalibing ang panitikan, at lalong hindi pa handang

vii


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
LV 3 (Filipino) by Heights Ateneo - Issuu