LIX 1

Page 46

artikulo, sanaysay hinggil sa mga ito. Pagkaraan ay pag-absorb, pagdigest sa sandamukal na impormasyon. Pagtatangkang isulat muna (hindi pa itula) ang mga nakuro at napag-isipang suliraning mahalagang i-explore kaugnay ng mga konseptong nakapaloob sa kabuuang proyekto ng buong aklat. Pagkaraan ay pagsulat ng mga unang borador ng ilang unang tula. Kabilang nga sa prosesong ito ang pagbuklat ko at pagbasa ng mun-ting tala sa bawat pelikula sa Internet Movie Database (imdb). Partikular na binabasa ko ang bahaging View Content Advisory nito. Dahil sa hindi ako masiyahan at makontento sa mga naunang borador ng ilang tulang naisulat ko na para rito, at marahil dala na rin ng kalikutan/kakulitan ng aking isip, nakatihan kong ipasalin sa Filipino gamit ang Google Translate ang mga tala sa View Content Advisory ng imdb. Literal na salin ang resulta nito. Sa maraming pagkakataon ay katawa-tawa/lubhang saliwa at baluktot ang salin. Bagama’t may mga linyang pumukaw ng aking pansin. At doon na ako nagsimulang burahin/tapyasin ang mga inaakala kong hindi marapat kabilang sa naturang salin, kung ibig kong lumikha ng tula mula rito, at maláy na ginawa ang pagbubura/pagtatapyas kaugnay ng lahat ng aking naimpok na kaalaman sa mga pelikula batay sa pinagdaanan kong naunang proseso ng paghahanda at pananaliksik. Sa ganito higit na naragdagan ang limitasyon sa pagsulat ng mga tula. At hindi gaya sa Alingaw, pinagpasyahan kong mabuti ang magiging anyo ng mga tula sa Antares, pinag-isipan ang prosodya, putol ng linya, saknungan, espasyo, at iba pang elemento. jc: Masasabi mo bang may iisang posisyon ang mambabasa sa tatlong aklat? Matatawag bang voyeur ang mambabasa sa kaso ng Antares? Hindi ba’t voyeur din ang makata dahil sa “masayang aksidente” na kanyang natuklasan sa proseso ng pagsusulat? Ganito rin ba ang proseso na ginamit mo sa buong Talik? mva: Wala. Hindi mailalagay sa iisang posisyon lang ang mambabasa, sa tingin ko, ng kahit anong aklat. Maraming salik at puwersa na nakaaapekto sa mambabasa sa kanyang pagbabasa ng isang aklat at ang 34


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
LIX 1 by Heights Ateneo - Issuu