joseph casimiro
Isang panayam kay Mesándel Virtusio Arguelles Si Mesándel Virtusio Arguelles ay awtor ng pitong aklat ng tula: Menos Kuwarto (Pithaya Press, 2002), Ilahás (High Chair, 2004), Hindi man lang nakita (High Chair, 2006), Parang (High Chair, 2008), Alingaw (High Chair, 2010), Alinsunurang Awit (ust Publishing House, 2010), at Antares (Aklat Kurimaw, 2010). Kabilang sa nakamit niyang mga parangal ang Gawad Collantes, Gawad Komisyon sa Tula, Maningning Miclat Award for Poetry, at Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Naging fellow siya sa tula sa ika-36 at -48 up National Writers Workshop at kasapi ng lira (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo) at High Chair. Nagtatrabaho siya bilang book editor at kasalukuyang nag-aaral ng mfa sa Malikhaing Pagsulat sa Pamantasang De La Salle. joseph casimiro: Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng proyekto — o mas malawak na poetic vision — sa Alingaw kung ihahambing sa nauna mong apat na koleksiyon. Binabasa ko muli ang Alingaw at hindi ko maiwasang isiping bahagi ang koleksiyong ito ng higit na malaking proyekto dahil sa waring paglaho ng mga salita mula sa maaaring buo nang mga tula. Bahagi nga ba ang Alingaw ng isang mas malaki at higit na pinaghahandaang proyekto? mesándel virtusio arguelles: Tama, ang Alingaw ay bahagi o galing sa isang, maaaring hindi naman mas malaki, kundi nauna lamang na proyekto — ang Alinsunurang Awit — bagama’t patuloy pa rin ngang nag-i-evolve ang proyektong ito. To be precise, ang Alingaw ay resulta ng mga pagbuburang ginawa ko sa noon ay hindi pa nalalathalang manuskrito ng Awit. Inilathala ito nitong 2010 ng ust Publishing 29