(2012) Vol. 59, No. 2

Page 38

nubos. Sisikapin kong isalaysay ang karugtong ng aking kuwento upang maipakita ang galing na taglay ng aming lahi.” Ang Kuwento ng Pagong Totoong si Leguyan ang nag-uwi ng ibabang bahagi ng puno ngunit habang nasa daan, pinag-isipang mabuti ng matalinong pagong ang dahilan kung bakit madaling nagparaya ang matsing sa pagbibigay sa kaniya ng mas mainam na parte. Kinutuban siya nang masama at naisip na niyang lahat ang pandarambong na binabalak ng sukab na matsing pagdating ng anihan. “Talagang likas sa mga matsing na iyan ang pagiging tulisan,” ang sabi niya sa sarili. Buong tiyagang itinanim ni Leguyan ang ugat, diniligan ito hanggang sa sumibol at maging puno. Habang inaalagaan ang kaniyang tanim, nag-iisip na si Leguyan ng mga paraan kung paano niya maiingatan ang mga magiging bunga nito mula sa nagbabantang magnanakaw. Namunga nang buwig-buwig ang puno ni Leguyan. Hindi pa man nahihinog, nagpasya na siyang pitasin itong mga bunga bago pa dumating si Karakar. Pero dahil hindi niya kayang akyatin ang puno kaya kumuha siya ng isang panungkit na yari sa mahabang kawayan. Mayroon itong matalas na kalawit sa dulo. Isa-isa niyang sinungkit ang mga buwig at nang maani na lahat ng bunga isinilid niya ang mga ito sa isang malaking tiklis, itinago sa ilalim ng lupa at tinakpan ng dayami upang doon kusang magpahinog. “Ngayong naitago ko na ang aking mga saging, ang pagdating naman ni Karakar ang aking paghahandaan.”   Noon din, pinatibay ni Leguyan ang tanggulan ng kaniyang kuta at pagkatapos ay nagkayas siya ng maraming palaso at sibat. Hindi nagtagal, dumating nga si Karakar. Buhat sa itaas ng kaniyang tanggulan tinanong ni Leguyan ang kaniyang sadya. “Kaibigan, nais kong kumustahin ang iyong tinanim na punong saging. Nais ko ring mag-alok ng tulong. Kung sakaling hindi mo kayang akyatin ang puno ay ako na ang siyang aakyat para sa iyo,” sagot ng matsing buhat sa malayo. “Kung gayon, tumuloy ka, matsing,” paanyaya ni Leguyan at nang 24


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2012) Vol. 59, No. 2 by Heights Ateneo - Issuu