30
Marahil ganito ang Kapayapaan, ang marinig ang maingay na pagkukumpuni ng Kapitbahay at ang awit ng mga Manok sa dakong di kalayuan. Marahil ito, ang maranasan ang pagpatak ng Pawis sa kwartong kadalasa’y Pugon
I
Saksi ang Kwaderno, ang Bolpen, ang Aklat, ang Silya. Kapangyarihan ko ang magbigay-Buhay sa mga instrumento ng pagdanas. Ang mabigay-awit sa mga salita, ang bumuo ng armonya sa pakikipagkiskisan ng papel at ng tinta habang nakatanaw sa bintana, ang makisaliw sa mga ngitngit ng tumba-tumba sa sala, sa ritmo ng Opus ng kapitbahay para sa yero at martilyo. Kailangan kong lumikha sapagkat ito ang di naitatala ng mga Tala, ang tila walang tapos na Karanasan.
Sa Tabi ng Bintana, malapit sa Palaisdaan ng di kilalang Kababayan
richell isaiah s. flores