(2020) Heights Tomo 67, Bilang 2

Page 14

christian benitez

nang sinabi nilang magugunaw na ang mundo sumayaw na rin lang ako nang sumayaw, parang tangang kahit walang tugtog, aakalain mo na ring meron— sayaw na sayaw talaga, hanggang sa kakasayaw ko, parang may naririnig na nga ‘kong tugtog, hanggang tugtog na ‘to na lang din ang naririnig ko: napaupo na nga ako sa pagod pero naririnig ko pa ring parang may sumasayaw pa rin, at ako pa pala ‘tong hindi, at ako pa pala ‘tong hindi,

5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2020) Heights Tomo 67, Bilang 2 by Heights Ateneo - Issuu