christian benitez
Isang Paglikhang Muli sa “Ang Dalawang Punong Matayog” “Hinggil sa ating nakaraan, lahat tayo ay mga manlilikha at alagad ng sining. Sumusulong tayo nang nakaharap patalikod, habambuhay na minamasdan at binubuong muli ang panahong nagdaan. Samakatwid, napatutunayang mali ang salawikain: hindi higit na nakatatanda ang matanda kaysa bata.” —sariling salin mula kay Marc Augé, “Nostalgia”¹
Unang nailathala ang kuwentong “Ang Dalawang Punong Matayog” noong 2015 bilang ang napili sa taunang timpalak ng heights para sa Kuwentong Pambata. Inilimbag sa karaniwang anyo ng aklat pambata kasama ang mga guhit ni Celline Marge Mercado, naging bahagi ito ng tangkain ng organisasyon para sa pagsisikap na banatin ang pag-iisip at pagpapahalaga sa panitikan nang may kritikal na pagsasalalay sa mga batang mambabasa. Naisulat ko ang unang burador ng kuwento noong 2014. At bagaman sa taong iyon ko rin unang ipinasa ang kuwento para sa taunang timpalak, taong 2015 pa nga ito napili para mailimbag. Sa isang taong agwat na ito, may ilang bahagi ng kuwento ang napagpasyahan kong baguhin: nilinis ang mga talata, tiniyak na higit na mauunawaan ng mambabasa. Gayunpaman, nanatili ang pangako ng akda: na bagaman naghiwalay sa huli ang dalawang binhi, kapwa silang lumaki kinalaunan upang magtagpong muli: ¹“With regard to our pasts, we are all creators and artists. We advance facing backward, forever observing and reconstructing the times gone by. Thus the proverb proves false: old age knows no better than youth.” Tingnan kay Marc Augé, “Nostalgia,” sa Everybody Dies Young: Time Without Age, salin ni Jody Gladding (New York: Columbia University Press, 2016), 77.
222