(2018) Heights LXV, Anniversary Issue

Page 142

paolo tiausas

Teorya ng Daigdig May tutugon ba mula sa punongkahoy kung dumulas sa dila ang tabi-tabi po pero sa ibang bansa na ako naggagala? Tingnan natin pagdating ng panahon. Sa kasalukuyan makukuntento muna sa pakikipagpatintero sa mga ugat tuwing nauubusan ng bangketang mapaglalapatan ng tsinelas na binili, ayon sa nanay, para kung may outing hindi naman tayo mapagkamalang mga batang yagit. Marami nga namang nasusukat sa tindig at postura kung nasa kategorya ka ba na mapapangisi sa lalaking all-black ang pormahan sabay kumikinang ang kuwintas at ang snapback may guhit ng bungo ng dragon o nasa kategorya kang mapapadasal sa diyos ng lumang tipan. Kung kabilang ka sa biglang magdadasal sana hindi tayo magkakilala. Pinakabaduy naman talaga ang trauma na hindi pa nakikita subalit ipinag-aasikaso na ng hapunan at banig na matutulugan sa binabahayan nating realidad, ang trauma sa tuwing naririnig ko ang isang napakahusay at natural na Ingles biglang nagpapraktis ang dila ng -th sa math sabay patagong mura. Minsan sa pag-inom ng Coke float sa McDo nakatabi ko ang nanay na pinipigilan ang lola sa pagpapatahan sa anak hangga’t di iyan nagsosorry, sino may kasalanan, ha? Matuto siya dapat na kapag ginawa niya sa akin iyon hindi ko siya papansinin. Humahagulgol ang bata. Nasipat ko sa kanto ng paningin ang init ng pagkakakuntento mula sa paghinga ng ina, ang mailap na kasiguruhan ng pamiminsala sa iba na mas mahirap kapag ang kapantay mo ang kausap. Napayuko ako. Kunwaring kinokonsumo ng inumin ang buong isip nang hindi mahalatang naniniktik sa posibilidad ng totoong taga-ritong pag-aapi, 124


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.