(2019) AHWW 24 Chapbook

Page 36

KUNG PAANO MAGSINUNGALING Gewell Llorin

Magsimula sa katotohanan. Namnamin nang maigi, papasukin Sa utak, sa bawat sulok ng katawan, sa mga panaginip Pasunurin hanggang manahan ito sa iyong dila. Angkinin mo ito, panghawakan Ang katotohanan mo. Ngayon, ihanda ang sarili sa pagsambit nito: Isabay ang paghinga sa pang-apat na tibok ng Iyong puso, paloob, mata, pagpikit, Pagmulat, malalim, palabas, paloob, mahinahon Ang salitang binubuo, iyan ay kaibigang Pareho ninyong hinihintay. Ilatay ang kamay, walang nginig, sa tabi ng katawan, Tahimik, dito ipuwesto ang paa, ngiting Kaaya-aya. Ito ang kailangan nilang Tandaan: sangkot na silang lahat. Isipin mong hindi ito para sa iyo hindi Makasasakit ito hindi Lalabas na laro lang ang lahat at— Tanggapin ang bago mong katotohanan. Ibuka mo ang bibig at Pahabulin na ang dilang Lulukso papuntang ngipin Sabay tatakas ang hangin Lalaya ang salita.

30 | ATENEO HEIGHTS’ WRITERS WORKSHOP 2019


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
(2019) AHWW 24 Chapbook by Heights Ateneo - Issuu