Iceland — The Land of Fire and Ice

Page 1

The Land of Fire and Ice Kirkjufell Mountain Grundarfjördur

Iceland — “The Land of Fire and Ice”. Kapukaw-pukaw sa paningin at isipan ang lugar na ito. Kabiliang lang ang bukod-tanging klima, mayamang kultura, at mga kawiliwiling mga destinasyon sa mga bagay na talagang magbibigay sa’yo ng pagkamangha. Jed Gocatek

Travel & Lifestyle Writer

Bago Ang Lahat...

Magastos maging turista, lalo na kung pupunta ka sa Iceland. Krone o Krona ang tawag sa pera ng Iceland at ang 1000 Icelandic Krone ay katumbas ng halos 400 PHP o 8 USD. Karamihan ng mga nabibili sa Iceland ay mas mahal kumpara sa karamihan ng mga bansa sa Europa, kaya mas mainam na magsaliksik at magplano ng mga gagastusin bago maglakbay.

Salungat sa pangalan ng bansa, hindi lang yelo ang tanging laman ng Iceland. Matatagpuan sa gitna ng geological borders ng Europa at ng Hilagang Amerika, puno ang Iceland mga glaciers at aktibong bulkan, kasama ng mga geysers at hot springs — kaya naman kilala ang Iceland sa tanyag nitong palayaw.

Kahit na pwede kang bumisita sa Iceland sa kahit anong panahon, mahalaga pa ring alamin kung anong panahon ka bibisita dito. Kagaya ng Baguio, peak season ang tag-init sa Iceland, kaya mas maraming bisita, at mas mahal na gastusin, pero mas magandang panahon upang maglibot at bisitahin ang iba’t ibang destinasyon dito, kagaya ng mga kabundukan, mga talon, at marami pang iba. Pwede ring pumunta sa Iceland sa tagsibol at taglagas — off-season ang Iceland sa ganitong panahon kaya bawas ang bisita at ‘di masyadong mahal ang mga travel fees at iba pang mga gastos, ngunit sarado ang highlands at ilang hiking trails. Sa tag-lamig naman ang pinaka mainam na panahon para makita ang northern lights; sa ganitong panahon din lang pwede

mabisita ang ilan sa maraming mga ice caves ng Iceland. Pangunahing paraan ng transportasyon sa Iceland ay sa pamamagitan ng kotse. Pwedeng mag-renta ng kotse para ikutin ang Ring Road, o kaya naman magrenta ng 4x4 para sa gustong tahakin ang mga F-roads — ang mga mountain roads ng Iceland. Isang opsyon ding magrenta ng campervan. Pwede itong maging paraan ng paglibot mo sa Iceland, at maging tuluyan mo narin para sa iyong pananatili. Kung ‘di naman bagay sa’yo ang camping-on-the-go sa paglibot mo sa Iceland, pwede ring mag-avail ng mga hotels o ­hostels sa Reykjavík. Pwede ring mag-avail ng mga guided tours sa halip na maglibot ng mag-isa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.