
7 minute read
PhilHealth maglalagay ng 130 ‘Konsulta’ providers sa NorMin
from LIBRE GOOD NEWS #98
by GERRY ROMAN
Sa Teachers’ Day 800 teachers tumanggap ng tablets sa Legazpi City
LEGAZPI CITY – Umabot sa 800 public school teachers sa lungsod ang tumanggap ng libreng tablets mula sa city government.
Advertisement
Sinabi ni Councilor Joseph Philip Lee, Committee Chair on Education, Arts and Culture, ang libreng tablets ay layuning matugunan ang pangangailangan ng mga guro sa gadgets para sa maayos na pagpapatupad ng online class activities.
“This is just an initial number the city government is planning to distribute to public school teachers serving students within the city,” aniya.
Sa pagdiriwang ng bansa sa National Teachers’ Month at World Teachers’ Day noong nakaraang Miyerkoles, Oktubre 5, sinabi ni Lee na ang
Councilor Joseph Philip Lee
proyekto ay bilang pasasalamat sa dedikasyon ng mga guro sa kabila ng pandemya sa Covid-19.
Mayor John Dalipe MSMEs finest products, ibinida sa ZAMPEX 2022
ZAMBOANGA CITY – Binigyang-diin ni Mayor John Dalipe ang kahalagahan ng ipinatutupad na Zamboanga Peninsula Exposition (ZAMPEX 2022) na nagtatampok sa “best of the best products” ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon.
“Through this, the MSMEs are given the platform to make contact with potential buyers and suppliers to strengthen their existing partners, distributors, and suppliers,” pahayag ni Dalipe.
Inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI), ang October 6-9 ZAMPEX 2022 ay naglalayong pangasiwaan ang promosyon ng locally-made products ng MSMEs sa Zamboanga Peninsula.
Sinabi ni Grace Aduca, DTI director sa lungsod, ang exposition ngayong taon ay nagtatampok sa investments and tourism potentials ng rehiyon.
“The products, both food and non-food, for this year’s ZAMPEX are competitive since the quality and packaging were improved through a series of training we conducted,” pahayag ni Aduca.
Kaakibat ang temang “Rediscover, Rise, and Reap”, ang ZAMPEX ngayong taon ay bahagi ng October 1-31 Zamboanga Hermosa Festival.
992 Pampanga fishers tumanggap ng discount cards
CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Isa pang grupo ng mga mangingisda sa lalawigang ito ang nakinabang sa fuel subsidy program ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa industriya.
Sinabi ni Wilfredo Cruz, director ng Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DABFAR) 3 (Central Luzon), ang 637 fisherfolk ay mula sa Macabebe at 355 iba pa ay mula sa Masantol, pawang ng lalawigan, na tumanggap ng P3,000 halaga ng fuel discard cards bawat isa na gagamitin sa pagbili ng gasolina.
Dahil sa bagong nabiyayaan, umabot na sa 2,000 mangingisda sa lalawigan ang nakinabang sa programa mula nang ilunsad ito sa rehiyon noong Marso.
“Malaking maitutulong nito sa ating mga mangingisda dahil worth P3,000 discount ito. So, kapag sila ay papalaot, malaking bagay ito para sa kanila lalo na ngayong mahal ang diesel at gasoline,” pahayag ni Cruz.
Nagpasalamat naman ang local officials ng dalawang bayan sa BFAR sa ayuda na makatutulong sa mga mangingisda sa kanilang gastusin.
pwedeng magpabakuna mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Oktubre 22, 2022.
Bukas para sa mga gustong magpabakuna ang Brgy. Bagbaguin Covered Court sa Oktubre 23, 2022 mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Sa Oktubre 26, 2022 naman ay pwedeng magpabakuna sa Felo 1 Covered Court mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
Ipatutupad ang first come, first served basis sa pagbabakuna dahil limitado lamang ang maaaring bakunahan sa bawat vaccination site kada araw.
Valenzuelanos hinimok magpabakuna vs COVID
HINIMOK ng pamahalaang lungsod ang mga residente ng Valenzuela na magpabakuna kontra COVID-19 bilang pakikikisa sa PinasLakas vaccination program ng pamahalaan.
Maaaring magpabakuna sa Valenzuela Gateway Complex sa Oktubre 5, 9, 10,12, 16,17, 19, 23, 24 at 26, 2022 mula 9:00 a.m. hanggang 3:00 p.m., habang sa Oktubre 6 at 20, 2022 naman pwedeng magpabakuna sa Ugong 3S Center Terminal mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
Sa Oktubre 7, 2022 naman pwedeng magpabakuna sa Mapulang Lupa 3S Center mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Bukas naman para sa mga gustong magpakuna ang Our Lady of the Holy Rosary Parish Multi-Purpose Hall sa Oktubre 9, 2022 mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
Mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. ay maaaring magpabakuna sa Malinta Health Center (VALDECO) sa Oktubre 12, 2022. Sa Brgy. Isal Covered Court naman

Educational assistance ng MDSW umabot sa P4.8-M
IGINAWAD sa mga kabataang mag-aaral ang
Educational Assistance Program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) kung saan umabot sa P4,875,000 naibigay na ayuda sa Lungsod ng Maynila.
Nagsagawa ng pamamahagi ng tulong sa edukasyon para sa mga kwalipikadong estudyante ang MDSW, na pinangunahan nina Manila Mayor Maria Shiela Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto.
Kasama sa pamamahagi si Officer-in-Charge Ma. Asuncion “Re” Fugoso, at iba pang officials ng lungsod, kabilang ang ilang mga tauhan ng Manila Police District, sa panumuno ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon.
Ang Educational Assistance Program, sa ilalim ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kuwalipikadong estudyante na kabataang Manileño mula sa iba’t ibang paaralan sa naturang Lungsod.
Ayon sa alkalde, ang bawat isang mga estudyante ay nakatanggap ng P5,000 bawat isa, sa ilalim ng programang Educational Assistance Program na ibinibigay sa mga piling mag-aaral.
Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto
Aminado si Lacuna na hindi sapat ang P5,000 ngunit kahit papaano ay mayroong mabubunot nang sa gayon ay mabawasan ang kanilang mga gastusin.
Nilahukan ito ng 975 mga benepisyaryo mula sa Districts 1, 2, 4, 5, at Baseco area na kinabibilangan ng mga magulang at mag-aaral.
1,500 TODA members sa QC tumanggap ng fuel subsidy cards
UMABOT sa kabuuang 1,500 registered members ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) mula sa third district ng Quezon City ang tumanggap ng fuel subsidy fleet cards sa Barangay Loyola Heights sa lungsod noong Oktubre 5.
Ang fuel subsidy distribution ay alinsunod sa City Ordinance SP 3100, Series of 2022, na nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at isinabatas noong Marso 2022.
Ang ordinansa ay naglalayong pagkalooban ng fuel subsidies ang mahigit 25,000 TODA members sa Quezon City.
Ang bawat fleet card ay mayroong P1,000 halaga ng fuel subsidy na maaaring gamitin sa loob ng isang buwan. Hanggang P400 halaga ng fuel kada araw ang maaaring gamitin.
Ang fleet cards ay ipinamahagi bilang tugon sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ang pamamahagi ng fleet cards ay pinangunahan ni QC Tricycle Regulation Division Chief Ben Ibon kasama sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Councilor Ram Medalla, QC Task Force for Transport at Traffic Management (TFTTM) Chief Dexter Cardenas.
PhilHealth maglalagay ng 130 ‘Konsulta’ providers sa NorMin
CAGAYAN DE ORO CITY – Plano ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) 10 (Northern Mindanao) ang pagpapalawak ng 130 “Konsultasyong Sulit at Tama” (Konsulta) facilities sa rehiyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Delio Aceron II, PhilHealth-10 vice president, ang 2023 target expansion ay mahigit doble sa puntirya ngayon sa bilang na 64 facilities lamang.
“This was a bit delayed due to the pandemic, but now we will proceed with the expansion of the program, going to the barangays, with the help of local government units,” pahayag ni Aceron.
Ang Konsulta program ay outpatient health care system kung saan ang PhilHealth members ay maaaring magavail ng libreng diagnostic clinic services sa accredited facilities.
Ayon kay Aceron, ang Konsulta-accredited facilities ay maaaring mula sa government-run or private health care providers.
“As long as the providers meet the requirements, like the needs of facilities and equipment, then the accreditation process will be fast – in less than a month,” aniya.
Weekend road repairs itinakda sa QC, Pasig
MAGSASAGAWA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng pagkukumpuni ng mga kalsada sa Quezon City at Pasig na sinimulan noong Biyernes.
Ayon sa advisory, sinabi ng departamento, magsasagawa ng rehabilitasyon sa bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City kabilang ang northbound, EDSA Carousel Bus Lane Santolan MRT Station; northbound EDSA Carousel Bus Lane makaraan ang Boni Serrano patungo sa P. Tuazon Avenue; northbound pagkaraan ng Aurora Boulevard patungo sa Kamuning, third lane mula sa sidewalk (intermittent section); at southbound mula Balingasa Creek patungo sa Oliveros Footbridge.
Ang iba pang maaapektuhang bahagi ng Quezon City ay ang northbound ng Fairview Avenue sa pagitan ng Yakal Street at Milano Drive, second lane mula sa sidewalk; northbound ng Cloverleaf EDSA patungo sa segment ng NLEX southbound; southbound ng Roosevelt Avenue malapit sa kanto ng EDSA southbound; at Payatas Road malapit sa AMLAC Ville Subdivision.