32 minute read

Patong sa ulo ng killers ni Percy Lapid tumaas sa P6.5M

6GOOD NEWS OKTUBRE 10-16, 2022 ISSUE #98

SPECIAL REPORT Patong sa ulo ng killers ni Percy Lapid tumaas sa P6.5M

Advertisement

TUMAAS na sa P6.5 million ang pabuya na ibibigay sa sino mang makapagbibigay ng impormastyon hinggil sa ‘persons of interest’ sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percival Mabasa, kilala sa pangalang “Percy Lapid”.

Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na ilang kongresista ang nagbigay ng kontribusyon na umabot sa kabuuang P5 million. Ngunit nadagdagan ito ng P1.5 million – sa halagang ito ay P500,000 ang mula kay Interior Secretary Benhur Abalos, habang ang P1 million ay mula sa mga kaibigan ng biktima.

Samantala, nagpalabas ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng enhanced photo ng ‘person of interest’ sa pagpaslang kay Mabasa.

Ito ay kuha sa footage ng CCTV sa harap ng Las Piñas City Hall, ilang minuto makaraang pagbabarilin at mapatay si Mabasa dakong alas-8:30 ng gabi noong Oktubre 3, sa gate ng BF Resort

UNANG naglaan ang P5 milyong halaga ng pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga responsable sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid ngunit tumaas na ito sa P6.5 milyon. Ang nasabing halaga ay mula sa kontribusyon ng mga kongresista, mula kay DILG Secretary Benhur Abalos at sa mga kaibigan ng biktima. Kasabay nito, nagpalabas ang NCRPO ng enhanced photo ng ‘person of interest’ sa pagpaslang kay Percy Lapid.

sa Aria Street, Barangay Talon 2.

Nauna rito sinabi ni Romualdez, ang reward ay para sa ulo ng mga suspek sa krimen.

“We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa. The perpetrators and the masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all costs,” pahayag ni Romualdez.

“Violence has no place in a civilized society like ours,” dagdag niya.

Magugunitang nanawagan si National Capital Region Police Office Chief, PBGen. Jonnel C. Estomo, sa gun man ni Mabasa na payapang sumuko sa mga awtoridad habang ginagarantiyahan pa ang kaligtasan nito at ng kanyang pamilya.

Inihayag ito ni Estomo kasunod ng pagkakapaslang sa notoryus na gun for hire member at notoryus na drug dealer na napatay makaraang makipagsagupa sa mga operatiba ng Quezon City Police District noong Oktubre 7, 2022 sa Sandakot, Brgy. Payatas, Quezon City.

“Muli ang aking panawagan at pakiusap sa mga bumaril at pumatay kay Percival Mabasa o kilala sa tawag na ‘Percy Lapid’ na sumuko na habang may pagkakataon pa at huwag nang hintaying mangyari ito at mangtangkang lumaban sa mga awtoridad katulad ng sinapit ng isang member ng ‘Gun for Hire’ na ito. Inuulit ko ang pakiusap ng ating SILG, Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos, sa pamilya ng mga suspects na ito na boluntaryo nang isuko ang kanilang kamag-anak para sa kanilang kaligtasan,” pahayag ni PBGen. Estomo.

PNP tumanggap ng high approval rating sa ilalim ni PBBM

IPINANGAKO ng Philippine National Police (PNP) noong Sabado na paiigtingin ang kanilang anti-criminality efforts makaraang makatanggap ng high approval rating mula sa publiko sa nakaraang survey na isinagawa ng Pulse Asia sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Every PNP will always strive to work their best every day and with the help of all sectors in the community including the church leaders, the vision of President Ferdinand R. Marcos Jr. for a robust economy will be a reality. Tulong tulong tayo para sa isang maayos, mapayapa at maunlad na pamayanan,” pahayag ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Aniya, ang satisfactory result na ito ang maghihikayat sa organisasyon na lalo pang maging masipag sa paglaban kontra kriminalidad.

Ang walang humpay na police operations ay isinasagawa sa buong bansa upang masugpo ang criminal elements at mapigilan ang kanilang intension at operasyon.

“Teamwork, unity of command, and direction for a common goal will lead us to better accomplishments,” pahayag ni Azurin.

“Congratulations everyone on our efforts to bring peace and security to every Filipino. I am certain that we can still raise the bar and improve some more,” dagdag niya.

Ang buong police force ay isinusulong ng security framework na itinakda ng ‘top cop’.

Ang holistic approach na ito ay nananawagan sa lahat na gawin ang kanilang bahagi sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga awtoridad at maging masunurin sa batas.

Sa survey na isinagawa ng private polling firm Pulse Asia noong Sept. 17 to 21, tumanggap din ang Marcos administration ng high approval scores hinggil sa paghawak sa urgent issues sa bansa.

Ayon sa nationwide survey, ang Marcos administration ay nagkamit ng “majority approval ratings” sa 11 ng 13 issues.

Tumanggap ang kasalukuyang administrasyon ng high approval dahil sa pagtugon sa mga pangangailangan ng calamity-hit areas at pagkontrol sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) (78 percent each), pagsusulong

“Congratulations everyone on our efforts to bring peace and security to every Filipino. I am certain that we can still raise the bar and improve some more,”

-- PNP chief, General Rodolfo Azurin Jr.

ng kapayaan sa bansa (69 percent), pagprotekta sa overseas Filipino workers’ welfare (68 percent), paglaban sa kriminalidad (67 percent), at pagpapatupad ng batas (62 percent).

Nakapagtala rin ng 59-percent approval score sa pagbubuo ng maraming trabaho at pagpapataas sa sahod ng mga manggagawa.

Gayundin, tinatayang 58 percent ang nagpahayag ng ‘appreciation’ sa pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang graft and corruption, 57 percent ang aprub sa mga inisyatibo na protektahan ang kapaligiran, at 52 percent sa pagsisikap na depensahan ang territorial integrity ng bansa.

Ayon pa sa Pulse Asia, ang Marcos administration ay nakapagtala ng 42-percent rating sa mga isyu ng pagkontrol sa ‘inflation’ at 39-percent score sa poverty reduction.

GOOD NEWS/GOOD DEEDS MC-Donations with PSSLAI

PINANGUNAHAN ni NCRPO chief, PBGen. Jonnel C. Estomo ang ceremonial turn-over sa 50 motorcycles para sa S.A.F.E. NCRPO Program, na donasyon mula sa Public Safety Savings and Loan Inc., (PSSLAI), sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong October 4, 2022.

Ground Breaking NCRPO Fire Station and Rehabilitation of Firing Range

OATH-TAKING NEW RECRUITS AND NEW NUPs

PINANGUNAHAN ni PBGen. Jonnel C. Estomo, ARD, NCRPO, ang ground-breaking ceremony para sa konstruksyon ng NCRPO Fire Protection Unit Building at rehabilitasyon ng NCRPO Firing Range sa New RHSU Building, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

BILANG kinatawan ni Acting Regional Director, PBGen. Jonnel C. Estomo, pinangasiwaan ni PBGen. Jose S. Hidalgo Jr., Deputy Regional Director for Administration (DRDA) and Chairman, NCRPO Recruitment Screening Committee, ang panunumpa ng 86 Newly Appointed Patrolwoman sa ilalim ng CY 2022 NCRPO Attrition Recruitment Program kasama ang 97 Non-Uniformed Personnel (NUP) noong October 3, 2022 sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Bea Alonzo, ‘the one’na si Dominic Roque

PARA kay Bea Alonzo, ang kasintahang si Dominic Roque na ang ‘the one’ para sa kanya.

Napatunayan ito sa programang “Unang Hirit” nang sumalang si Bea sa lie detector test na sinagot niya ang ilang maiinit na tanong.

Sa tanong na kung ang nobyong si Dominic Roque na ba ang gusto niyang makatuluyan sa buhay, mabilis na sagot ng aktres, “Oo naman.”

“Sana, sana. Siyempre hindi na tayo naglalaro,” dagdag ng aktres.

Nauna rito, ibinahagi ni Bea na prayoridad muna niya sa kasalukuyan ang kanyang showbiz career at pamilya, pero ibibigay pa rin niya ang matamis niyang “oo” kung aalukin siya ng kasal ni Dominic.

Aniya, husband-material para sa kanya si Dominic. Bea Alonzo

Iya Villania, ‘iginalang’ ni Drew hanggang sa kanilang kasal

IBINAHAGI ni Iya Villania ang kanyang dahilan kung bakit iningatan niya ang kanyang pagkababae bago sila ikasal ni Drew Arellano, na iginalang naman ng huli.

Sa isang episode ng vlog ni Camille Prats, sinabi niyang 10 taon silang naging magboyfriend-girlfriend ni Drew bago nagdesisyong lumagay sa tahimik.

Gayunman, marami pa rin daw silang kailangang malaman sa isa’t isa nang maging mag-asawa na sila.

“Actually there was a lot of getting to know each other when we were married na, kasi, Mars we weren’t living together. And on top of that I was also a virgin,” paglalahad ni Iya. Diretsahan namang tinanong ni Camille si Iya kung bakit sa tingin niyang “best decision” para sa kanya ang panatilihin ang virginity bago ang kasal. “For me, that moment is a sacred one. I want to save it for the person that I will actually marry,” aniya.

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, ‘smart’ sa kanilang relasyon

NAPAGKASUNDUAN nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na maging “smart” ang kanilang relasyon, at tatrabahuhin nila ito para maiwasan na maging toxic.

“When we started the relationship, we agreed na it should be a smart one. We have to work our way towards having a healthy relationship. Kasi, sino ba ang may gusto ng toxic relationship, ‘di ba? Ang sakit nu’n sa ulo,” lahad ni Gabbi sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa “24 Oras”.

“Talagang nag-agree kami na no matter what we do, at the end of the day, we need to have smart decisions together,” aniya pa.

Gayunman, hindi rin nililimitahan ng “GabLil” ang mga sarili nila sa mga project na magkasama.

“Definitely okay ako doon at okay din siya doon, pagka ako meron din akong mga projects on my own. Very important for career growth para siyempre mas lumawak pa ‘yung experience namin,

Gabbi Garcia

‘yung filmography namin,” bahagi naman ni Khalil.

Nilibot nina Gabbi at Khalil kamakailan ang Los Angeles, San Diego, San Francisco at Napa Valley sa California sa loob ng isang buwan.

Ito ang first trip ng magkasintahan na sila lang at hindi kasama ang kanilang mga magulang.

“Pinaka-memorable na pinuntahan namin sa buong trip na ‘yun would probably be the Joshua tree talaga. Kasi iba eh, ang saya kasi you feel like the world is so much bigger than you,” kuwento ni Gabbi.

Mike Tan Mike Tan, graduate na sa kursong psychology

SINIKAP ng aktor na si Mike Tan na mapagsabay niya ang pag-aaral at ang kanyang showbiz career.

Patunay rito ang pagtatapos niya sa kolehiyo sa kursong psychology.

Ibinahagi ni Mike sa kanyang Instagram, ang pagdalo niya sa kanilang virtual graduation, kung saan idinisplay ang kanyang larawan na naka-toga.

Sa hiwalay na post, pinasalamatan ni Mike ang mga taong nagsilbing ‘pipelines of grace’ at tumulong sa kanyang tuparin ang kanyang pangarap, kabilang ang kanyang manager at handler, mga propesor, guro, kaklase at iba pang gumabay sa kanya para matapos ang kurso sa Arellano University.

Ayon pa sa actor, may mga aktor at celebrities na tumulong sa kanya sa kanyang research.

Higit sa lahat, pinasalamatan ni Mike ang kanyang pamilya, partikular na ang kanyang asawang si Cris at mga anak na sina Toni at Prisci.

“My wife Cris and my daughters Tori and Prisci who inspired me to go through this program (despite the pandemic) and finally receive my college degree–I THANK THE LORD FOR ALL OF YOU ????????”

Barbie Forteza at Julie Anne San Jose Barbie at Julie Anne, nahasa sa malalalim na salitang Filipino

NAHASA sa malalalim na salitang Filipino ang mga aktres na sina Berbie Forteza at Julie Anne San Jose dahil sa upcoming series na “Maria Clara at Ibarra,” kasama si Dennis Trillo.

Sa GMA Online Exclusive, nagtagisan sina Barbie at Julie Anne sa pagbibigay ng kahulugan sa Ingles ng mga malalalim na salitang Filipino. Katulad ng naniningalang pugad, kalimbahin, at tipanan, na napagkamalang baliktad ng panty.

Ang magkakamali ng sagot, titikim ng maasim na kalamansi.

Ang nasabing series ay babalik sa sinaunang panahon si Barbie bilang si Maria Clara na “Gen Z,” o si Klay.

Heart Evangelista

Dennis Trillo, hands-on dad kay Baby Dylan

HANDS-ON dad si Dennis Trillo sa kanyang anak na si Baby Dylan bagama’t abala siya sa kanyang showbiz commitments.

Nabatid sa ulat ng “Saksi,” sinabi ng actor na tinitiyak niyang maging isang handson dad kahit na abala siya sa kanyang project na “Maria Clara at Ibarra.”

“Umuwi ako ng madaling-araw, diretso ako no’n mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-tsek ko kung kailangan palitan ng diaper,” lahad ni Dennis.

Dagdag pa ng aktor, kay

Dennis Trillo at Baby Dylan

Baby Dylan siya natuto kung paano maging isang hands-on dad. Gumaganap si Dennis bilang si Crisostomo Ibarra sa naturang Kapuso historical portal fantasy series, kung saan co-star niya si Barbie Forteza.

Heart Evangelista, may apartment na sa Paris

KUMPIRMADONG mayroon nang apartment sa Paris ang aktres na si Heart Evangelista.

Nabatid sa Chika

Minute report ni Nelson Canlas sa GMA

News “24 Oras,” inihayag ni Heart ang hinggil dito sa kanyang bagong bagong Instagram live. “I just got myself an apartment,” aniya “I do not really plan to buy anything else because I have all of my nice furniture and I want it to be very, very nice. I am saving up for that.”

Nauna rito, kumalat ang balitang maninirahan na si Heart sa City of Love makaraang aminin na dumaraan siya sa “a lot of personal stuff” at sumailalim siya sa IVF treatment.

Wala namang ibinigay na dahilan si Heart kung bakit siya bumili ng apartment sa Paris, pero ilang beses na siyang nagpupunta rito para dumalo sa iba’t ibang event tulad ng nakaraang Paris Fashion Week.

Allen Dizon, nangongolekta ng vintage muscle car

BILANG collector ng vintage cars, paborito ng aktor na si Allen Dizon at itinuturing na “mother” ng lahat ang 1990 Corolla 1.6, na binili niya noong 1997, ibinenta noong 2001, at nakuha niyang muli matapos ang 10 taon.

Napag-alaman sa kuwentong “Dapat Alam Mo!” ni Nelson Canlas, sinabi ni Allen na kung hindi siya abala sa kanyang trabaho bilang aktor, pinagkakaabalahan niya ang pangongolekta at pag-restore ng vintage muscle cars.

Aniya, old school man ang dating ng vintage cars, maaangas pa rin ang looks ng kanyang mga sasakyan.

Isa sa mga unang muscle car collection ni Allen ang 1969 Fastback Mach 1 Mustang.

“Noong time na ‘yun meron akong enough budget para doon sa fastback na iyon, so binili ko siya. ‘Yun ang parang turning point na hindi ako satisfied sa isa, dalawa. Namili na ako nang namili. Dumami nang dumami ang muscle car ko,” bahagi ni Allen.

Ang 1967 Camaro RS na nabili ni Allen sa halagang P600,000, hindi tumatakbo, bulok at walang engine.

Pero nilagyan ito ni Allen ng 350 V8 engine at na-restore 10 taon ang nakararaan.

Madalas namang ginagamit ni Allen sa off-road at camping ang kanyang 1997 110 Defender. Nakuha niya ito sa halagang P1.5 milyon.

Maaari itong magdala ng rooftop tent para sa mga camping na puwede i-setup para maging isang maliit na bahay.

Ang itinuturing niyang paborito at “mother” ng lahat ng kanyang koleksiyon ay ang 1990 Corolla 1.6, na binili niya noong 1997, ibinenta noong 2001, at muli niyang nakuha matapos ang 10 taon.

Mas gusto raw ni Allen na mag-restore kaysa bumili ng sasakyan.

“’Pag nakikita mo siyang nasa junk tapos ire-restore mo siya, unahin mong naiisip gawin, hindi siya birong gastos. Tapos kapag nabuo mo siya ‘yung satisfaction mo nandoon na, ‘yung fulfillment mo bilang restorer, iba ang feeling eh,” dagdag niya.

PH kabilang sa ‘friendliest countries’

Boracay itinanghal na Asia’s top island

IBINOTO ang Pilipinas bilang isa sa 10 friendliest countries sa mundo sa 2022 Condé Nast Traveler (CNT) Readers’ Choice Awards.

Pinili ng halos ‘quarter of a million’ ng CNT readers, naitala rin ng bansa ang backto-back wins dahil itinuring ng luxury travel magazine ang Boracay bilang “top island” sa Asya, habang pang-walo ang Palawan.

“Just making it into the top 10, the Philippines (made up of around 7,641 islands) inclusion is proof that the famous Filipino hospitality is alive and kicking,” pahayag ng Conde Nast noong Oktubre 4 sa ipinalabas na listahan ng mga nagwagi.

“The country has often been praised for its seemingly effortless ability to lavish genuine hospitality on visitors, foreigners, or expatriates. Many people consider the Banaue Rice Terraces here to be the ‘Eighth Wonder of the World,’ though plenty of other beauty spots abound here. The islands are peppered with majestic mountainscapes, decorative churches and sprawling sandy beaches,” dagdag nito.

Bukod sa pagiging isa sa ‘friendliest’, itinuring din ang Pilipinas bilang 30th best country to travel to, sa score na 86.66, at natalo ang Costa Rica, Belize, Germany, Malta, Indonesia, Mexico, France, Argentina, Switzerland, at iba pa.

Samantala, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, ito ay ‘welcome development’ na nagpapatibay sa pagsisikap ng Department of Tourism’s (DOT) na maiposisyon ang Pilipinas bilang ‘premier destination’ sa Asya. “Recognitions such as these affirm our efforts to herald not only our country’s natural wonders but also our readiness to become the premier tourist destination in Asia. The Department is one with all our tourism stakeholders, from the local government units, private sector partners, and our fellowmen in celebrating these victories for the Philippines from Condé Nast Traveler,” aniya pa.

“We are confident that the acclaim for our flagship destinations will help garner more international interest for our country. With President Ferdinand Marcos, Jr.’s thrust to expand and equalize tourism opportunities nationwide, the development and promotion of our other emerging destinations will follow suit soon,” dagdag niya. Napabilang ang Palawan, na nagtamo ng 88.99 rating, sa iba pang piniling best island destinations katulad ng Indonesia, Thailand, Malaysia, Vietnam, Sri Lanka, at Japan na kasama Conde Nast Travel Asia list. Ang Shangri-La Boracay ay nasa 27th sa 50 Best Resorts in the World habang ang El Nido Resorts sa Palawan ay napili bilang 40th best. Samantala, ang Shangri-La Mactan Resort and spa sa Cebu, ay ranked 20th sa Top 20 Resorts in Asia.

Pili nuts mainam sa mga nagbabawas ng timbang

ANG pili nuts ay tear-shaped nuts mula sa tropical tree na tinatawag na Canarium ovatum. Ang punong ito ay tumutubo sa Pilipinas. Pinakamaraming puno ng pili ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.

Ang pulp ng prutas ay nagtataglay ng langis na maaaring gamitin sa pagmamanupaktura ng cosmetics at mga sabon. Sa ilang lugar, ang langis ay maaari ring gamitin para sa pagpapailaw, pagluluto o bilang lunas sa mga sugat (dahil sa antiseptic properties nito).

Ang pili nuts ay sagana sa healthy fats, vitamins, minerals, at iba pang essential nutrients (dahil sa umano’y rich lava-based soil sa Pilipinas).

Kabilang sa mga ito ang calories: 201; carbohydrate: 1.1g; fat: 22.3g (34%); saturated fat: 8.7g (44%); monounsaturated fat: 10.4g; polyunsaturated fat: 2.1g; protein: 3g (6%); magnesium: 84.5mg (21%); potassium: 142mg (4%); calcium: 40.6mg (4%); at phosphorus: 161mg (16%)

Mayroong anim na benepisyo sa kalusugan ang pili nuts.

1. Low Carb Benefits

Kung ikaw ay sumasailalim sa ketogenic diet, ang pili nuts ay perpekto para sa iyo dahil ito ang may lowest carb counts sa lahat ng nuts. Ang keto diet ay ang pagkakaroon ng low carb and highfat food. Ang low carb diet ay nakatutulong para mapagbuti ang kalusugatan at sa pagpapababa ng timbang.

2. Combats Free Radicals

Ang pili nuts ay mainam na mapagkukunan ng anti-oxidants. Nakatutulong ito na labanan ang free radicals na maaaring makasama sa katawan. Ang free radicals ay maaaring magdulot ng inflammation at oxidative stress sa buong katawan.

3. May Reduce Bad Cholesterol Levels

Ang pili nuts ay nagtataglay ng significant amounts ng oleic acid (monounsaturated fats) na makatutulong sa pagpapababa sa bad cholesterol levels. Ito ay nagpapababa sa panganib na makaranas ng stroke at heart disease.

4. Supports Bone Health

Ang pili nuts ay nagtataglay ng minerals na sumusuporta sa malusog na mga buto. Ito ay kargado ng nutritional punch ng phosphorus, magnesium, manganese, zinc, copper, at calcium. Ang lahat ng mga sustansyang ito ay kailangan upang mapanatiling malusog at matibay ang mga buto (lalo na sa mga nagkakaedad).

Habang nagkakaedad ay bumababa ang bone mineral density. Bunsod nito, tumataas din ang panganib na mabalian o mapilayan. Ang pagkain ng pili nuts ay maaaring makatulong na mapabagal ang rate ng bone density loss.

5. Good Source of Vitamin E

Ang pili nuts ay mainam na mapagkukunan ng Vitamin E, isang potent anti-oxidant na nagpapalakas sa immune system at makatutulong sa paglaban ng katawan sa impeksyon. Dahil may taglay itong anti-oxidants, ang vitamin E ay makatutulong din na maprotektahan ang cell dahil paglaban nito sa free radicals. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na ito ay maaaring makatulong na mapababa ang panganib sa iba pang mga karamdaman katulad ng cancer at heart disease.

6. Excellent Source of Magnesium

Ang pili nuts ay sagana sa magnesium, sa 85 milligrams in one-ounce serving. Ang magnesium ay mahalaga para sa maayos na function ng nerve and muscle.

Kapag kulang sa magnesium, ito ay maaaring humantong sa ilang mga isyu katulad ng hypertension, insomnia, muscle cramps, at spasms. hinalo sa gatas. 5. Paso. Ang paso ay maaaring pahiran ng katas mula sa sariwang dahon ng sabila. Makatutulong ito upang maibsan ang hapdi at maiwasan ang pinsala sa balat. Ang katas ay maaari ring ihalo sa langis ng niyog upang mas lalong maging mabisa. 6. Sugat. Nakatutulong din sa mas mabilis na paghilom ng sugat ang pagpapahid ng katas ng dahon ng sabila. 7. Sore eyes. Pinaniniwalaan ding may bisa laban sa sore eyes ang pagpapahid ng katas ng dahon sa paligid ng namumulang mata. 8. Psoriasis. Ang dinurog na laman ng dahon ay mabisa rin upang malunasan ang mga sintomas na dulot ng sakit na psoriasis gaya ng pangangapal at pagkakaliskis ng balat.

Mga dapat gawin sakaling sumabog ang bulkan

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na masusing sinusubaybayan ng pamahalaan ang aktibidad ng Mayon Volcano.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Marcos na nakiki-coordinate na siya sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at concerned local government units (LGUs) hinggil sa pag-aalburuto ng bulkan sa kasalukuyan.

Aniya, nakahanda ang gobyerno sa ano mang posibleng worst-case scenario.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod pagtataas sa alert status ng Mayon Volcano mula sa Alert Level 1 (abnormal) patungo sa Alert Level 2 (increasing unrest).

Ayon kay Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr., naobserbahan ang slight inflation ng bulkan base sa electronic tilt at GPS measurements at precise leveling survey, palatandaan nang patuloy na mabagal na pagakyat ng magma sa ibabaw, na naging dahilan ng pagtataas ng alert level.

Sinabi ng Phivolcs na dapat maging mapagmatyag ang mga residente at huwag pumasok sa 6-km. radius permanent danger zone upang maiwasan ang panganib ng pagsabog, rockfall, at landslides.

Ang posibleng maganap na ashfall ay maaaring makaapekto sa mga komunidad sa paanan ng bulkan, kaya ang mga residente ay dapat na takpan ang kanilang ilong at bibig ng basang tela o dust mask.

Pinayuhan din ng aviation authorities ang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa panganib nang posibleng biglang pagsabog na maaaring makapinsala sa sasakyang panghimpapawid.

Kaugnay nito, narito naman ang payo ng World Health Organization (WHO) na mga dapat gawin sakaling

LIGTAS NA GABAY NG BUHAY

Ni Lea G. Botones may maganap na pagsabog ng bulkan. 1. Sundin ang mga patakaran sa paglikas. 2. Manatili sa loob ng bahay; huwag lumabas maliban na lamang kung kinakailangan. 3. Iwasan ang mga lugar na mababa at dinaraanan ng hangin mula sa bulkan. 4. Para sa mga bata at matatanda at mga taong may problema sa paghinga: Magsuot ng mask na humaharang sa mga tipik ng abo. 5. Para sa pangkalahatang populasyon: Magsuot ng simpleng mask. 6. Magsuot ng pangproteksyon sa mata. 7. Tiyaking ligtas ang tubig na iniinom at pagkain na kinakain. Sa mga residente sa Bicol, mag-ingat po tayo.

Pili nuts

Mga sakit na maaaring malunasan ng Sabila (Aloe Vera) alamin

1. Balakubak. Ang katas at laman ng sariwang dahon ng sabila ay karaniwang gamot para sa balakubak. Ang nasabing bahagi ng halaman ay ipinapahid sa apektadong anit.

2. Paglalagas ng buhok. Ang katas ng laman ng sabila ay maaari ring gamitin upang maiwasan ang pagkalagas ng buhok at paghantong sa pagkapanot. Ito ay ipinapahid sa bahagi ng ulo na may pagnipis ng buhok. Minsan, ang katas ng sabila ay hinahalo muna sa alak bago ipahid sa buhok. 3. Pamamanas. Maaari namang ipangtapal sa bahagi ng katawan na may pamamanas ang dinikdik na dahon ng sabila. 4. Pagtatae. Mabisa para sa kondisyon ng pagtatae ang pag-inom sa katas ng sabila na

Libra (SEP. 23OCT. 22) Start the day with some vigorous yoga and then some meditation to help clear your mind, Aries. Stretch your body and get the blood flowing through all of your limbs. Once your blood is flowing, your mind will get moving. Before it gets too far into its noisy routine, take the opportunity to maintain a quiet, serene state while you clear out the static and set forth your goals for the day.

Scorpio (OCT. 23-NOV. 21) Do something for the community today, Taurus, and really consider how your talents and skills can best be put to work. Consider volunteering at a school or library. Donate blood or help the elderly. Whatever you do, smile knowing that you’re making direct contact with friends who need your assistance. Instead of just complaining about the way things are going, take a proactive role in leading the way toward a more philanthropic world.

Sagittarius

(NOV. 22-DEC. 21) If you’re having trouble tackling a giant problem, Gemini, don’t get discouraged or overwhelmed. They key for you is to break things down into smaller chunks, analyze them, and figure out their role within the greater whole. You will find that by taking things one step at a time, any problem you encounter will be infinitely easier to overcome than you may have thought at first.

Capricorn (DEC. 22-JAN. 19) It may seem like everyone around you is happy and getting what they want while you’re stuck in the trenches, Cancer. Don’t compare yourself to other people and make judgments based on outside appearances. The truth of the matter is that they’re most likely only looking at the immediate future and experiencing short-term pleasures.

Aquarius (JAN. 20-FEB. 18) Imagination and fantasy play a big part in your thinking today, Leo, and you shouldn’t hesitate to embrace this frame of mind. There’s a great deal of power to be drawn from your sense of freedom to explore and dream. Your thinking is more of a higher consciousness now.

Pisces (FEB. 19MAR. 20) Engage more of your rational mind today, Virgo. If your mind continues on its track into a fantasy world, you might consider enlisting the help of people who can help you bring some discipline to your situation. For you, the general feeling of the day is likely to be that the mind is willing, but the flesh is weak.

Aries (MAR. 21APR. 19) Suppose you were someone else for a day, Libra. How would it feel to be treated the way you normally treat other people? This is a good time to put yourself in someone else’s shoes and experience life through their eyes. By doing this, you’re apt to become more conscious of your own actions and the effect of those actions other people.

Taurus (APR. 20MAY 20) Today your thoughts may turn to fashion and the different ways in which you can improve your wardrobe. Don’t be afraid to create a look that reflects your true inner spirit. Deck yourself in external splendor to illustrate the many different colors and layers that you carry on the inside.

Gemini (MAY 21JUN. 20) The amazing thing about your nature is that, like a good poli-

All about Penguins

Ocean Wing Ice White Fish Feather Webbed Cold Swim Black Snow Beak Slide Antarctic Penguin C B C O E O P B I C G L G U O B D I A A C D E O P H I T A B L E A B P M E E G W A X N L M A S A A B R B E S A I V P K L C A N K N W I L A B B N C S D K S S O R T S L E H N X G L E K A U H W E A L P E N G U I N D A L Y O P R R O R I L F O O L S Z W Y W D O C T N R P C F E A T H E R E U U T S C E E F I E R R A B S P O L I I R T Y A S W I M M B C S O E C I I D E I H B O R R E L L X T P H C D E O R T C O L D M Y O T W B C L P A G E C U S I N E S E

tician, you have just the right tone of voice and catch phrase for every situation. You can put on your smile and charm and talk your way out of just about any pickle you get into. Embrace this incredible gift, but make sure that your overall goals are noble as opposed to self-serving or vengeful.

Cancer (JUN. 21-JUL. 22) You’re apt to get the feeling that the grass is greener on the other side of the fence today, Capricorn. Try not to get too hung up on this. Either make the effort to go where the landscape looks richer and more fruitful or stay where you are. The key to true happiness is to make sure you enjoy the spot where you are.

Leo (JULY 23AUG. 22) Your mind may wander to a fantasyland full of castles, wizards, and magic dragons today, Aquarius. You could find that you’re putting yourself in the robes of a beautiful or handsome figure in a tall tower who’s waiting for the perfect mate to come along.

Virgo (AUG. 23SEPT. 22) Get on the fast track and use your powerful words and creative mind to make quick decisions that are mindful yet spontaneous. If you get in a pinch today, Pisces, don’t worry about it. Simply relax, take a deep breath, and let your intuition guide you to the right path.

Famous tourist attraction in Bohol

WHAT is the famous tourist attraction in Bohol named for their appearance in summer where the grass is dry and brown?

CHOCOLATE HILLS.

The Chocolate Hills are a geological formation in the Bohol

ACROSS

3. Exceptional 6. Original

Soundtrack 8. Synonymous to dictionary 10. Your sister’s son 11. Short for music video 14. Enunciation in speaking 15. Homo sapiens 16. Not at all 17. Diversity

DOWN

1. Lash 2. Goodlooking man 3. People employed by an organization

ANSWER

4. A return by a well known person 5. Flat and smooth 6. One time only 7. To use your

‘coconut’ 9. Stay put 12. All through 13. Uncomplicated 14. Opposite of night

province of the Philippines. There are at least 1,260 hills, but there may be as many as 1,776 hills spread over an area of more than 50 square kilometers (20 sq mi). They are covered in green grass that turns brown during the dry season, hence the name.

The Chocolate Hills are a famous tourist attraction of Bohol. They are featured in the provincial flag and seal to symbolize the abundance of natural attractions in the province. They are in the Philippine Tourism Authority’s list of tourist destinations in the Philippines; they have been declared the country’s third National Geological Monument and proposed for inclusion in the UNESCO World Heritage List.

SPORTS Eala, dinurog si Smith

MANILA, Philippines — Dinurog at hindi pinaporma ni Alex Eala ang home bet na si Alana Smith, 6-0, 6-0, para umusad sa main draw ng W80 Rancho Santa Fe sa California kahapon.

Matatandaang tina ni Eala si Deniza Mar-

cinkeva ng Latvia, 6-1, 6-3, sa unang round at nagpakita ito ng mas magandang laro sa kanyang 54-minutong pagdurog kay Smith.

Sunod ha haharapin ng Filipina ace ang isa pang US bet sa Dalayna Hewitt sa susunod na round ng kanyang unang $80,000 tournament.

Alex Eala

Eugene Torre pormal na iniluklok sa World Chess Hall of Fame

MANILA, Philippiens – Nailuklok na pormal ang unang grandmaster ng Asia na si Eugene Torre sa World Chess Hall of Fame sa St. Louis Aquarium sa Union Station sa Missouri, USA.

Isa sa inductees ang 70-anyos na Pinoy noong nakaraang taon kasama sina Judit Polgar ng Hungary at Argentine Miguel Najdorf na ipinanganak sa Poland, ngunit ngayon lang siya na-immortalize bilang isa sa pinakamagaling na naglaro ng chess.

Isang trailblazer sa Philippine chess, naging unang Asian grandmaster si Torre noong 1974 nang makuha niya ang pilak sa 21st Chess Olympiad sa Nice, France.

Matatandaang si Torre ang unang nakatalo sa naghaharing world champion sa larong chess na si Anatoly Karpov noong 1976.

Kabilang sa mga kapansin-pansing nagawa ni Torre ay ang silver medal finish sa 2010 Asian Games sa Guiangshou, China at pagsungkit sa gold medals noong 1980, 1986 at 2016 Chess Olympiad.

(Mula Kaliwa) – TYR Brand Coordinator Keith Medina, Saira Janelle Pabellon, Evenezir Polancos, Jenn Sermonia, Shinloah San Diego, Seb Rafael Santos, Albert Sermonia, SLP officer Fred Ancheta and TYR Brand Director Kring Marquez.

6 swimmers ng SLP tinututukan para sa Philippine swimming team

MANILA, Philippines – ANIM na batang swimmer ng Swimming League of the Philippines ang tututukan at sasanayin upang mapabilang sa Philippine Swimming Team sa hinaharap.

Sa pangangasiwa nina TYR Philippines Brand Director Kring Marquez at Brand Coordinator Keith Medina, pormal na lumagda ng kontrata para maging TYR Brand Ambassadors ang swimming protégée na sina Evenezir Polancos, Seb Rafael Santos, Saira Janelle Pabellon, Shinloah Yve San Diego at magkapatid na Albert Sermonia II at Jenn Albreicht Sermonia.

“We’re very happy and proud to be part of this six young swimmers dream to achieve their goal and success not just in swimming but in life. As partner, the TYR will providing them equipment, competition and training gear as well as support in their future international competitions,” pahayag ni Marquez matapos ang opisyal na paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc, (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Persina Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.

Iginiit ni Marquez na napili ng TYR Brand ang anim hindi lamang sa impresibong performance bagkus sa taglay na character at marka sa eskwelahan.

“As a brand na kilala sa quality and affordability, hinahanap namin sa aming mga ambsassador ang kalidad hindi lang sa swimming but also sa kanilang character, school achievement and good relations with their peers. Sa TYR brand hindi kayo mapapahiya,” sambit ni Marquez.

Mula sa iba’t ibang ensayo ng Gilas.

Pinuri ni Reyes ang mga ipinakitang interes ng mga batang manlalaro.

Bukod sa mga collegiate stars, regular din 0dumadalo sa engayo ang mga beteranong Gilas players na sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Roger Pogoy, Poy Erram, and Calvin Oftana, NorthPort’s Arvin Tolentino, William Navarro , LeBron Lopez, Justin Brow lee, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo.swimming club na nasa pangangasiwa ng SLP sa pamumuno ni Joan Mojdeh, malaking karangalan at dagdag na kasiglahan sa pag-angat ng mga batang career ang pagkakapili sa anim para maging ambassador ng TYR brand.

Miyembro ng UST varsity team ang 17-anyos na Albert, habang ang nakababatang kapatid na si Jenn ay naghahanda para sumamal sa Batang Pinoy sa Disyembre, gayundin sa qualifying series para sa pagpili ng mga miyembro na sasabak sa Southeast Asian Age Group championship sa susunod na taon.

Eugene Torre

Gilas nag-eensayo nang puspusan

MANILA, Philippines – MADALAS ang praktis na isinasagawa ng Gilas Pilipinas isang buwan bago pa sumapit ang November window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Isiniwalat ni Gilas coach Chot Reyes na hindi bababa sa 16 na mga players ang dumadalo sa ensayo na nagsimula noon pang Setyembre.

Ayon sa ualt, bukod sa mga PBA players, may mga manlalaro rin mula sa UAAP at NCAA ang naimbitihan para sa national team.

“Inaayos na lamang naming ang mga schedule ng mga manlalaro para makatutok ang mga ito sa FIBA World Cup Asian qualfiers,” ani Reyes.

Dumalo ang mga college basketball star players na sina Carl Tamayo ng University of the Philippines, Kevin Quiambao ng La Salle at Angelo Kouame ng Ateneo sa

Chot Reyes

PH karate team lalaban sa Japan

MANILA—Handa na ang Philippines karatedo (karate) team na sumabak kontra sa mga pinakamahuhusay na katunggali sa Japan sa 2022 International Friendship Karate Championships sa Nobyembre 13, 2022 sa Maishima Arena, Hokukoryokuchi, Konohana sa Osaka, Japan.

Pangungunahan ang koponan ni Sensei Victor Villar Canon, Branch Chief International Karate Organization Nakamura Philippines.

“Medyo tiwala ako na magagawa natin ito, hindi pa ako nakaramdam ng ganito kasarap,” ani ni Sensei Victor Villar Canon.

Kasama rin sa koponan sina Rayam Villanueva Santiago, Maria Claudette Salustiano Santiago, Jolly Ver Calinawan Calle, Marenze Acueza Tadique, Regina Victoria Salustiano Santiago, Jeff Kevin Rey Torres Valino, Rafael Viggo Salustiano Santiago, Ma. Eloisa Subastil Padios, Diony Zausa Zolina at Esther Arcelon Gonzaga.

This article is from: