6 minute read

Suporta at proteksyon sa media rights, tiniyak ni Marcos

TAGATAGUYOD NG KAPAYAPAAN AT PAG-UNLAD GOODNEWSLIBRE

OKTUBRE 10-16, 2022 ISSUE #98

Advertisement

Suporta at proteksyon sa media rights, tiniyak ni Marcos

IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suporta at proteksyon sa media rights sa ilalim ng kanyang administrasyon, at inihayag ang kanyang pagnanais na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga ito.

Inihayag niya ito sa ginanap na President’s Night na inorganisa ang Manila Overseas Press Club sa Sofitel Plaza sa Pasay City, na nilahukan ng mahigit 400 media professionals at top executives ng biggest corporations ng bansa.

“Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty. Whatever difficulties we may encounter from this point on, the government will always be ready to lend an ear and to listen to your concerns and to answer all that you may want to know,” pahayag niya sa kanyang talumpati.

Samantala, kinikilala ni Marcos ang mahalagang papel ng press sa pagtatatag ng active citizenry na nakatutulong sa pagsulong ng lipunan.

“The nation counts on media in improving access to information and increasing awareness on issues that affect our country and the world,” aniya.

Inihayag din niya ang ka-

DMW 2023 budget suportado ng mga senador

TUMANGGAP ng higit pang suporta mula sa ilang mga senador ang budget para sa Department of Migrant Workers (DMW), sinabing ang bagong ahensya ay nangangailangan ng malaking budget upang matiyak na maipatutupad ang mga programa ng gobyerno para sa modern-day heroes.

Sinabi ni Senator Raffy Tulfo, isusulong niya ang pagbabalik ng P281 million Capital Expenditures (CAPEX) for the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tinapyas ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa panukalang P15.2 billion budget.

Sinabi ni Tulfo, ang nasabing halaga ay inilaan para sa pagbili ng mga sasakyan na gagamitin patungo sa mga liblib na lugar sa mga lalawigan upang mapuntahan ang Filipino workers (OFWs), at makapagtayo ng centers para sa OFWs sa mga lalawigan.

“Yung PHP281 million budget ng OWWA ay dapat pambili ng sasakyan, paggawa ng mga gusali, pero ang ibinigay ng DBM ay zero,” aniya sa isinagawang DBM budget hearing.

Nagpahayag din ng suporta si Senator Loren Legarda para sa pagbabalik ng OWWA budget, sa plenary debate, sinabing ang halaga ay napakahalaga para masuportahan ang mga programa ng ahensya.

Iminungkahi rin niya kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople ang pagsama at pagpapaliwanag sa English at vernacular sa pamamagitan ng DMW social media, ang mga batas at panukala na sususporta sa departamento.

Nauna rito, sinabi nina Senators Joseph Victor “JV” Ejercito, at Risa Hontiveros na suportado nila ang pagtataas sa budget ng DMW.

Humihingi ang DMW ng extra budget para sa kanilang capital outlay para sa pagtatatag ng regional offices nito na kanilang target sa susunod na taon.

Pangulong Bongbong Marcos

halagahan ng “proactive participation” ng media sa pagpapanatiling well-informed ang mamayan na aniya’y “forms part of our collective goal to empower Filipinos and establish a more robust Philippines.” Ipinangako rin ni Marcos na ipagpapatuloy ang pagpapahayag ng mga plano ng kanyang administrasyon sa mga miyembro ng media.

“As I share your club’s conviction in the importance of upholding the universal right of free speech and press freedom, as well as giving and receiving accurate information, I’m committed to remain open with you, constantly communicating our progress as we move forward,” dagdag niya.

Suporta ng solons para sa key programs hiling ng DSWD

HINILING ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang suporta ng mga mambabatas para sa pagpapatupad ng key programs ng ahensya.

Inihayag ito ni Tulfo sa isinagawang courtesy call, kasama si Senator Robinhood Padilla, sa central office ng departamento.

Ayon sa DSWD, nagbigay si Tulfo sa team ng senador ng maigsing oryentasyon hinggil sa components ng big-ticket programs ng DSWD katulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Sustainable Livelihood Program (SLP), at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS).

Kasama rin ni Tulfo sina Undersecretary for Social Welfare and Development Sally Navarro, Assistant Secretary for Statutory Programs Elaine Fallarcuna, Assistant Bureau Director and con-

DSWD Sec. Erwin Tulfo

current Officer-in-Charge Division Chief of the Crisis Intervention Unit Rolando Villacorta, SLP National Program Manager Edmon Monteverde, at KALAHI-CIDSS National Program Manager Ma. Consuelo Acosta.

Samantala, nagpakita si Padilla ng pagnanais na tulungan ang DSWD na makamit ang mandato nito at nangakong susuportan ang ahensya sa pangunahing layunin na mapagbuti ang kapakanan ng mahihirap, vulnerable, at marginalized Filipino families.

Learning mode options for schools tinatalakay na - VP

INIHAYAG ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tinatalakay na sa Cabinet level ang learning mode options para sa originally scheduled implementation ng full in-person classes sa Nobyembre 2.

Sinabi ni Duterte, inihahanda na ng Department of Education (DepEd) ang report na ipipresenta kay Pangulong President Ferdinand Marcos Jr.

“Sa ngayon ay meron pa pong discussions at the

Cabinet level kung bibigyan pa rin ba ng options ang mga schools with regard to kung anong klaseng distance learning or mag-i-implement ba sila ng blended learning,” aniya. “Mayroon kaming report na ginagawa ngayon para sa Pangulong Marcos at makapag-desisyon siya kung ano po iyong ways forward natin with regard to the options na binibigay natin sa ating mga eskwelahan,” aniya.

Nauna rito, maigting na isinusulong ng DepEd ang full implementation ng face-to-face classes simula sa Nobyembre 2, makaraang

VP Sara Duterte/Sec. DepEd

pahintulutan na ang flexible learning options para sa gradual transition, mula noong Agosto 22.

Gayunman, ang klase sa ilang erya na niyanig ng magnitude 7 earthquake sa Abra at sinalanta ng Super Typhoon Karding ay bumalik sa distance learning.

Sinusuportahan naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang DepEd sa pagtiyak nang ligtas na transisyon patungo sa full face-to-face classes.

“Kung ano pong sabihin sa amin ng DepEd ay kami ay nakikipagtulungan nang husto. But what is important, nung tayo’y nagkaroon ng blended, ng inano ng ating Vice President Secretary ng edukasyon, nakita natin wala halos glitches. Maganda ang pagkaka-implement ng DepEd,” pahayag ni Abalos.

Residente ng Makilala, North Cotabato inayudahan ni Bong Go

BINISITA ni Senator Christopher “Bong” Go ang lalawigan ng North Cotabato at personal na lumahok sa pagdiriwang ng 68th Founding Anniversary ng bayan ng Makilala at Sinab’badan Festival noong nakaraang Biyernes.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Go ang mga residente ng Makilala sa pagdiriwang ng masaysayang kultura at mayamang tradisyon sa kabila ng kinahaharap na mga pagsubok dahil sa pandemya.

Gayundin, tiniyak niya na magpapatuloy ang gobyerno sa pagkakaloob ng serbisyo sa mga Pilipino at titiyakin na walang maiiwan patungo sa pag-unlad.

“Huwag n’yo kaming pasalamatan ni dating presidente (Rodrigo) Duterte. Kami ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo kami ng pagkakataon na makapagserbisyo sa inyo. Maraming salamat sa inyo sa pagtulong ninyo sa amin… Ginawa n’yo akong senador, kaya wala (akong) sasayangin na panahon,” pahayag ni Go.

“Noong nalindol kayo

Senator Bong Go

dito, pumunta agad ako dito kay Mayor (Armando Quibod), (dito) sa inyong lugar at nagsumikap ako na makatulong agad para makabangon ang Makilala. Masaya ako ngayon dahil maganda na ang Makilala at nakabangon na kayo,” aniya pa.

Makaraan ang seremonya, pinangunahan ni Go ang pamamahagi ng ayuda sa 750 mahihirap na mga residente ng bayan ng Makilala sa National High School Gymnasium. Kabilang sa ipinagkaloob ng senador ang grocery packs, masks, vitamins, shirts at pagkain sa bawat residente at namigay rin ng cellular phones at mga relo sa ilang piling indibidwal.

This article is from: