Zine sa panitikan at sining ng Flesh and Blood Artist Collective - Quezon. Ikinuwento sa mga pahina ng zine ang mga dinadanas ng mga magniniyog at manggagawang-bukid ng Quezon at ng bansa sa ilalim ng rehimeng Duterte. Mula sa pagpataw ng mababang presyo ng lukad at buong niyog, paninikil sa kanila ng militar, at panggigipit at pagpaslang sa kanila. "Sila ang nagtatanim ng puno ng buhay ngunit bakit sila pinapatay?" Makipamuhay, kilalanin, at lalo pang unawain ang mga magniniyog ng Quezon.